CHAPTER 12

THIRD PERSON'S POV

Mahigit kalahating oras ding nanatili si Francine sa garden ng hospital upang mapag-isa. Nakaupo siya sa isa sa mga bench habang tahimik na umiiyak at nakatingala upang pagmasdan ang asul na kalangitan na para bang nagpapahiwatig na lahat ay may hangganan. Na matatapos din ang lahat ng pagdurusa niya.

Panay lang ang iyak niya hanggang sa mapagod na ang mga mata niya at kusa na itong sumuko at hindi na naglabas pa ng likido. Nang medyo gumaan na ang pakiramdam niya ay nagdesisyon na siyang bumalik sa silid ng kaniyang ina.

Mabilis siyang tumayo sa kaniyang pagkakaupo at akmang babalik na sa loob ng ospital nang manigas siya sa kaniyang kinatatayuan dahil sa bumungad sa kaniya pagkaharap niya sa kaniyang likuran.

Nakatayo hindi kalayuan sa kaniya si Zyne. Nakasandal sa isang may kalakihang puno habang diretsong nakatingin sa direksyon niya.

Agad na nagsalubong ang kilay niya dahil hindi niya inaasahang bubungad sa kaniya ang mukha ng lalaking pinakahuling taong gusto niyang makita sa paglingon niya. Mabilis niya itong nilapitan sa kinaroronan nito para komprontahin.

"Anong ginagawa mo rito?" walang emosyong tanong ni Francine at pinagtaasan ng kilay si Zyne. Zyne was looking at her with an unreadable expression. An expression which is quite new to her.

"I'm here as a friend, not a foe. I just want to help..." Before Zyne could even finish his sentence, Francine cut him off.

"I don't need your help. At mas lalong hindi ko kailangan ang awa mo," Francine said with emphasis on every word she utter.

"Look. Huwag mo sanang mamasamain..." For the second time, Francine didn't let him finish his sentence.

"Wala akong panahong makipaglokohan sa 'yo. Makakaalis ka na," pagtataboy sa kaniya ni Francine sa napakalamig na boses para magsumiksik sa isipan ni Zyne ang unang encounter nila, ang araw na naging cold siya rito at pinagsalitaan niya ito ng kung ano-anong salita. And that is when he realized that Francine has every right to treat him this way. He deserved it anyway. He deserved to be treated this way after what he have done to her.

"I know you loathe me to hell because of our first encounter. But please, hear me out." Halos magmakaawa na sa harapan ni Francine si Zyne pakinggan niya lamang ang kung ano mang sasabihin niya. Ngunit sa halip na madala si Francine sa pagpapaawa niya ay tumaas pa lalo ang isang kilay niya at hindi na niya napigilan pa ang sariling sumbatan si Zyne.

"Bakit ako? Pinakinggan mo ba ako nang ipinaglaban ko ang karapatan ko after what you have done? After mong sirain ang bisikleta ko? Hindi ba hindi? Pinalabas mo pang kasalanan ko kung bakit nasira ang bike ko. E ikaw itong walang habas na bumunggo ng bisikleta ko. So don't you dare ask something from me that you failed to give me. Tubuan ka naman ng kahihiyan kahit kaunti," sumbat niya rito.

Her words hits him, big time. Tama nga ito. Wala siyang karapatang hingin kay Francine na pakinggan siya o ang ano mang sasabihin niya dahil kahit ni minsan ay hindi niya ito pinakinggan. Mas nauna niya itong husgahan, insultuhin at hamakin bago ang pakinggan ang side nito.

"Fine. Kasalanan ko na. Sinadya ko ang pagbunggo sa bisikleta mo..."

"Talaga!" pagputol ni Francine sa iba pa niyang sasabihin.

Napasabunot na lamang sa sarili niyang buhok si Zyne dahil sa paulit-ulit na pagputol ni Francine sa sasabihin niya.

"Argh! Stop. Just let me finish first. Pakinggan mo muna ako," naiirita nang sabi ni Zyne na pasimpleng ikina-smirk ni Francine dahil kitang-kitang na sa mukha nito ang inis.

"Tsk. Fine. Just make it quick. Baka magising na si mama at hanapin niya ako." Kapagkuwan ay pumayag din siya dahil sa nakikita niya ay mukhang hindi siya tatantanan ni Zyne hangga't hindi niya ito pinapakinggan at hinahayaang sabihin ang ano mang sasabihin nito.

Zyne heaved a deep long sigh trying to gain his courage so he could say properly the word that he is about to say without being misunderstood, just like what happened a while ago when he said to her that he was just trying to help.

"I just want to apologize. I'm sorry. Sorry for insulting you, hitting your bike, judging you and harassing you. Sorry for everything," paulit-ulit na paghingi ng tawad ni Zyne.

'Marunong ka rin naman pa lang humingi ng tawad,' Francine said to herself. She was kinda shock, knowing that the spoiled brat who is full of confidence and self-esteem is asking for her apology.

"I didn't know na marami ka pa lang iniisip na problema," Zyne added which made her roll her eyes in irritation. Hindi niya alam kung dapat ba siyang matuwa o mainis dahil sa sinabi nito kaya napaikot na lamang siya ng mata. Para kasing pinalalabas nito na siya na yata ang pinakamalas na tao dahil patong-patong ang problemang kinahaharap niya.

"Pwes ngayon alam mo na," mataray na tugon ni Francine.

"And I'm so sorry kung dumagdag pa ako sa sakit ng ulo mo. Sorry if I keep on pestering you," muling paghingi ng tawad ni Zyne.

Kahit papaano ay nabawasan na ang inis niya kay Zyne dahil sa kaalamang marunong pala itong tumanggap ng pagkakamali niya at marunong din itong humingi ng tawad sa kasalanang nagawa niya.

"Dapat lang na mag-sorry ka. Sinira mo kaya 'yong bisikleta ko. Pinag-ipunan ko 'yon tapos sisirain mo lang," muling sumbat niya rito.

"I know. It was kind of rude of me.  If you want, I can compensate..." Francine's anger started to rose up again because of the word compensate which remind her how Zyne look down on her during their first encounter.

"Cut the crap. Huwag mong ipamukha sa 'kin na kaya mong bilhin at bayaran lahat. Na kaya mong tumbasan ng halaga lahat ng bagay sa mundo kung gusto mong mag-cease fire tayo," she warned him dahilan para mapakagat-labi si Zyne dahil muntik na naman niyang makalimutang nandito siya para makipagbati at mag-offer ng tulong, hindi para mang-insulto o ipangalandakan sa pagmumukha ni Francine kung gaano siya kayaman at kamakapangyarihan.

"Sorry," nakatungong paghingi ng tawad ni Zyne dahilan para sumilay ang ngiti sa labi ni Francine dahil bigla na lang itong naging maapong tupa.

"Wala na 'yon. Kalimutan mo na 'yon. Just be more considerate next time and don't judge anyone based on your own standards. You are not just hurting them emotionally. Inaapakan mo rin ang pagkatao nila," pangangaral niya sa binata.

"I know, I know. That's why I'm really really sorry," muling paghingi ng tawad ni Zyne sa nagsusumamong boses.

"Thank you for your apology. Mukhang hindi naman pala bato 'yang puso mo. Yelo lang," natatawang sabi ni Francine which made Zyne frowned in confusion.

"What do you mean?" naguguluhang tanong niya na hindi na maipinta ang mukha.

"May puso ka naman pala. Nababalutan nga lang ng nag-uumapaw mong confidence at pagpapahalaga sa sarili kaya hindi mo magawang pahalagahan ang mga bagay na nasa paligid mo."

Napaisip naman si Zyne dahil sa sinabi ni Francine at doon niya unti-unting na-realize na tama nga ito. Hindi siya marunong magpahalaga. He takes everything for granted. He abused the power and wealth that he has. Wala siyang pakialam sa iisipin o mararamdaman ng ibang tao. Ang tanging mahalaga lang sa kaniya ay ang sarili niyang kasiyahan.

Zyne was brought back to his senses when Francine spoke.

"Maggagabi na. Makakaalis ka na. Baka hinahanap ka na sa inyo. Anyway, salamat sa paghatid," Francine said with a smile on her face which made Zyne smile subconsciously.

"You're welcome. Geh. I'll go now," paalam ni Zyne.

"Ingat ka."

"Thanks."

Nang makaalis na si Zyne ay saka pa lamang bumalik sa loob ng ospital si Francine para puntahan ang mama niya habang si Zyne naman ay nagmaneho na pauwi. At habang nasa daan ay paulit-ulit na nag-e-echo sa isipan niya ang mga salitang binitawan ni Francine na talaga namang tumagos sa kaibuturan niya lalo pa't tama ang lahat ng sinabi nito tungkol sa kaniya at sa ugali niya. He was a jerk indeed. For the first time, he admit it. He's a freaking jerk!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top