CHAPTER 10

THIRD PERSON'S POV

Abala ang buong klase nina Francine sa pag-eensayo ng kanilang zumba sa malawak na field para sa kanilang subject na PE. Fitness and Wellness.

4:00-5:00PM ang schedule ng kanilang practice at sa susunod na linggo na nila ito i-pe-present kaya naman ay todo ensayo sila. Wala na silang pakialam kahit pa ang dudungis na nila at nangangamoy-pawis na basta't ang nasa isip lamang nila ay ma-perfect nila ang kanilang sayaw as much as possible dahil dito nakasalalay ang kanilang grades.

Nang tumuntong ang alas singko ay agad na pumunta sa pinakaharap ng lahat ang tumatayong choreographer nila sa kanilang klase. Pinatay nito ang speaker na nagpatigil ng kanilang pag-eensayo.

"Eyes and ears on me guys!" pagkuha ng kanilang choreographer sa atensyon nilang lahat.

"So far ay maganda naman ang naging improvements ninyo since the last time. Kaya naman ay half hour na lang ang magiging practice natin bukas at sa mga susunod pang araw. Pero once na naging tuloy-tuloy ang magandang performance ninyo ay baka hindi na tayo abutin ng half hour kaka-practice kada araw. That would be all. Let's call it a day," masayang anunsiyo ng kanilang choreographer.

"Yeeeyyyy!"

"Party! Party!"

"Rock 'n roll!"

Kaniya-kaniyang sigawan ang lahat. May ilang nagyayakapan na sa sobrang tuwa dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay hindi sila napagsabihan ng kanilang leader na si Rose. Idagdag pang pinuri sila nito. May ilan ding nagsisiuwian na habang si Francine naman ay inilibot na ang tingin sa paligid upang hanapin si Maxine.

Sa kaniyang paghahanap kay Maxine ay iba ang nakita niya. Agad na napako ang tingin niya sa isang lalaking nakatayo sa hallway na may kalayuan sa kanila na walang iba kung hindi si Zyne na ngayon ay nakatingin na rin sa direksyon niya nang hindi sinasadyang mahagip ng kaniyang paningin si Francine.

Napako ang paningin nila sa isa't-isa at hindi makapaniwala sa kanilang nakikita. Inakala pa nilang namamalik-mata lamang sila o hindi kaya'y kahawig lamang ito ng taong kinaiinisan nila. Hindi naman nila maitatangging hindi maalis sa isip nila ang isa't-isa kaya posibleng ang kanilang nakikita ay dulot lamang ng labis na pagkainis nila sa isa't-isa.

Halos isang minuto ring nakapako sa isa't-isa ang tingin nila na para bang sila lang dalawa ang nag-e-exist sa mundo at wala silang ibang makita.

Nabalot naman ng pagtataka ang dalawa dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin nagbabago o nawawala ang imahe ng taong kanilang tinititigan na magkokompirmang nag-ha-hallucinate lang sila. Dahil dito ay akmang paniningkitan na nila ng mata ang isa't-isa nang biglang pumasok sa eksena si Maxine.

"Hoy! Frans! Okay ka lang?" alalang tanong ni Maxine kay Francine at marahan siyang inalog para bumalik siya sa huwisyo.

"Ahh... O-Oo," nauutal na sagot ni Francine na hanggang ngayon ay naguguluhan pa rin kung tama ba ang pagkakakilala niya sa lalaking katitigan niya kanina o hindi. Pero isinantabi niya na muna ito lalo pa't nasa harapan na niya ang kaibigan na kanina lamang ay hinahanap niya.

"E ba't parang nakakita ka ng multo?" hindi pa rin kumbinsidong tanong ni Maxine na naguguluhan na sa inaasal ng kaibigan dahil parang wala ito sa kaniyang sarili at may malalim na iniisip.

"Huh? Wa-Wala. Namalik-mata lang ako. Akala ko lang kakilala ko 'yong nakita ko," pagdadahilan ni Francine at hindi na binanggit pa kay Maxine kung sinong tinutukoy niya.

"Ganoon ba? So, ano? Tara na? Bihis na tayo. Ang baho na natin o," yaya sa kaniya ni Maxine at basta na lang siyang hinigit sa braso patungong locker room para magbihis.

Umalis na nga sina Francine at hindi napansin ni Zyne ang pag-alis ni Francine sa kaninang kinatatayuan nito dahil tinawag siya nang kararating lang na sina Oliver at Cedric.

"Yow! Zyne!" masayang tawag sa kaniya ng mga kaibigan niyang kararating lang.

"Oh, Zyne? Anong tinitingnan mo diyan?" takang tanong ni Cedric na sinubukan pang tingnan ang direksyon na tinitingnan niya para malaman kung anong mayroon dito na siyang pinagmamasdan ni Zyne ngunit wala siyang nakita.

"The..." Hindi na natuloy pa ni Zyne ang sasabihin sana niya nang makitang wala na si Francine sa kaninang kinatatayuan nito nang muli niya itong balingan ng tingin.

"No...Nothing," Zyne just answered so the guys won't tease him because they surely will if they found out that it was the girl that he's been mentioning for the past few days that he was referring to.

Gumuhit ang isang nakakalokong ngisi sa labi ng dalawa dahil alam nilang hindi nagsasabi ng totoo si Zyne at may itinatago ito sa kanila base sa kaniyang mga ikinikilos.

"Talaga lang ah? E kanina ka pa namin tinatawag. Ni hindi mo kami naririnig. So I thought you are looking at something," Cedric teased him emphasizing the word 'something' to confirm if it was really a thing that Zyne was looking at a while ago and not a person. And they didn't fail. Agad na nakumpirma nilang tama ang kanilang hinala na tao nga ang pinagmamasdan ni Zyne sa malayo at hindi bagay o ano pa man dahil sa pag-iwas nito ng tingin na para bang umiiwas din ito sa topic.

"It was nothing. I was just thinking of something that I didn't heard you call my name," Zyne reasoned out.

"Ah. Okay." Napatango-tango na lang ang dalawa habang hindi mawala-wala ang ngisi sa kanilang mga labi dahil sa itsura at ikinikilos ngayon ni Zyne ay mukhang wala naman itong planong magtapat sa kanila kahit anong pilit nila. Masasayang lang ang kanilang oras at pagod kung susubukan pa nila itong pigain para lang magsalita.

"Sige. Una na ako sa inyo. Just see you tomorrow," paalam niya sa mga kaibigan.

"Yeah. See yah."

"Don't think of that something too much, Zyne. Focus on the road," Oliver teased him at nakipag-high five pa kay Cedric nang makita ang reaksyon ni Zyne na halata mong hindi na gusto ang takbo ng kanilang usapan kaya't nagmamadali na itong umalis kahit masyado pa namang maaga.

"Thanks for the advice, Olie," Zyne said in a sarcastic voice.

They bid their goodbyes at each other while Francine and Maxine were still at the Girls Locker Room changing their clothes.

Madali lang na natapos magpalit si Francine kaya't hinihintay na lamang niyang matapos si Maxine na magbihis para sabay na silang lumabas ng campus.

Habang hinihintay si Maxine ay bigla na lang nag-ring ang phone ni Francine na nasa loob ng bag niya. Agad niya naman itong sinagot nang hindi na inaabala pa ang sariling tingnan kung sino ang caller.

"Hello? Sino 'to?" salubong ang kilay na tanong niya.

[Francine? Francine, ija? Ikaw ba 'to?]

"Opo. Ako nga po. Sino po 'to?" muling tanong niya sa kausap.

[Si Marta 'to.]

"Oh? Aling Marta, napatawag po kayo?"

[Ang mama mo...]

"Bakit po? Ano pong nangyari kay mama?" nagpapanic nang tanong ni Francine na hindi na maipaliwanag ang kabang kaniyang naramdaman nang banggitin ng kausap sa cellphone ang mama niya.

[Isinugod siya sa ospital.]

Dahil sa narinig ay wala sa sariling nabitawan ni Francine ang cellphone niya.

"Frans? Ayos ka lang? Sino ba 'yong kausap mo sa phone at para kang nalugi diyan?" alalang tanong ni Maxine na hindi niya napansing nakalapit na pala sa kaniya at tapos nang magbihis.

"Si...Si mama. I-Isinugod siya sa ospital." Wala pa rin sa sarili niya si Francine. Nasa ina niya pa rin ang isip niya at nag-aalala siya sa lagay nito at sa dahilan kung bakit ito isinugod sa ospital.

"Ano? Totoo ba 'yan?" gulat na tanong ni Maxine na hindi rin makapaniwala sa kaniyang narinig.

Wala sa sariling tumango na lang si Francine bilang tugon.

"Mabuti pa mauna ka na sa ospital. Susunod na lang ako. Dadaan lang muna ako ng Cafe." May bahid na ng pagkataranta sa boses ni Maxine ngunit pilit niya itong itinatago at pinipigilan dahil alam niyang ngayon siya mas kailangan ng kaibigan.

"Si-Sige," nauutal pa ring sagot ni Francine.

Nauna nang umalis si Francine para puntahan ang mama niya sa hospital. Habang tinatahak ang daan palabas ng campus ay tinext niya ang kaniyang employer na si Mrs. Clein para ipaalam ditong hindi siya makakapasok sa araw na ito dahil na nga sa nangyari.

Matagal bago siya nakatanggap ng reply mula rito. Ngunit agad naman siyang napabuga ng hangin nang mabasa ang message nito. Kahit papaano ay nabawasan ang kaniyang poproblemahin.

From Mrs. Clein:
Ganoon ba? Sige na. Ako na ang bahala rito. Maghahanap na lang muna ako ng karilyebo mo for this day.

Matapos mabasa ang message ay agad siyang nag-compose ng reply para magpasalamat at hindi niya na muli pang inilabas ang phone niya sa kaniyang bag para mas mapabilis siya. Tinakbo na lamang niya ang palabas ng campus hanggang patungong sakayan ng jeep. Mga ilang minuto na ang nakakalipas ngunit wala pa ring dumadaang sasakyan kaya naman ay napagdesisyunan niyang muling bumalik sa pagtakbo baka sakaling sa susunod na sakayan ng jeep ay makasakay na siya.

Sa kaniyang pagmamadali ay basta na lamang siyang tumawid nang hindi inaabala ang sariling tingnan ang kaniyang magkabilang gilid upang tiyaking walang paparating na sasakyan.

Dahil sa kaniyang pagmamadali at pagkataranta ay hindi niya namalayan ang paparating na sasakyan.

"Peep! Peep!" Rinig niyang busina ng sasakyan.

Huli na nang matauhan siya sa kung anong ginagawa niya. Nasa gitna na siya ng kalsada.

Mariin na pagpikit na lamang ang kaniyang nagawa habang hinihintay na mabundol siya ng kotse at tumilapon sa kung saan. Ngunit lumipas na ang ilang segundo ay wala pa rin siyang nararamdamang kahit ano. Sa halip ay nakarinig siya ng isang galit na boses mula sa kaniyang kaliwa na kinaroroonan ng kotseng babangga sana sa kaniya.

"Hey, miss! Ano ba?! Magpapakamatay ka ba?" galit na tanong ng muntik ng makabangga sa kaniya.

Aminado siyang siya nga ang may kasalanan sa nangyari dahil basta na lamang siyang tumawid sa kalsada kaya agad niyang binalingan ng tingin ang driver para humingi ng pasensya sa nangyari. Pero nang sandaling balingan niya ng tingin ang lalaki ay hindi na niya nagawa pang ibuka ang kaniyang bibig at nanlalaki ang mga mata niya itong tiningnan dahil sa gulat dahil hindi niya inaasahang si Zyne na kinaiinisan niya ang muntik nang makasagasa sa kaniya.

"Teka. Ikaw na naman? Talaga bang sinusundan mo 'ko?" salubong ang kilay na tanong nito.

"Pwede ba? Nagmamadali ako!" inis na sigaw ni Francine kay Zyne na nawala na sa isip ang sana'y gagawin niyang paghingi ng tawad dito.

"Why are you in a hurry? Don't tell me hinahabol ka ng mga inutangan mo?" natatawang tanong ni Zyne dahil sa isip-isip niya ay hindi nga siya nagkamali ng inakala tungkol sa pagkatao ni Francine.

Bigla na lamang nakaramdam ng galit si Francine dahil sa sinabi nito. Pakiramdam niya kasi ay ang baba-baba ng tingin nito sa kaniya. Na para bang mahirap pa siya sa daga at handa siyang mangutang sa kahit na sino sa kahit magkanong halaga magkapera lang.

"Oo, mahirap ako! Pero hindi ako katulad ng iniisip mo! Nasa ospital ang mama ko at kailangan niya ako ngayon! Kaya kung pwede, kahit ngayon lang, tantanan mo 'ko." Mangiyak-ngiyak na si Francine habang nagsasalita dahil hindi niya mapigilang mag-alala para sa lagay ng mama niya nang mabanggit niya ito.

Akmang aalis na si Francine para pumunta na nga ng hospital nang pigilan siya ni Zyne at higitin nito ang kaliwang braso niya.

"Hey. Wait. Hatid na kita," Zyne offered in an apologetic voice dahil sa pinag-isipan niya ng masama si Francine at ininsulto sa ganitong sitwasyon kung kailan down na down siya dahil sa sobrang pag-aalala sa lagay ng mama niya.

"No thanks..."

"No. I insist. Nagmamadali ka, hindi ba? Tara na," Zyne insisted which is his way of saying sorry for the things he said a while ago that surely hurts Francine's feelings. He realized that he shouldn't have judged her and that he should be nice to her even just for today because of the situation she is in right now. Close si Zyne sa kaniyang mommy kaya agad na lumambot ang kaniyang puso nang marinig na nasa ospital ang mama ni Francine at ito ang dahilan ng kaniyang pagmamadali.

Tatanggi pa sana si Francine ngunit wala na siyang nagawa nang higitin siya ni Zyne at isakay sa kotse nito.

Habang nasa biyahe ay tahimik lang si Francine at ganoon din si Zyne na pinakikiramdaman lang ang mga kilos niya.

Hindi na mapakali sa kaniyang upuan si Francine. Nakatanaw lang siya sa kawalan habang iniisip kung ano ng lagay ng mama niya at kung bakit ito isinugod sa ospital.

Francine was brought back into her sense when her phone rang. It was Maxine who's calling her. Kaya naman ay hindi na siya nag-aksaya pa ng oras at agad sinagot ang tawag.

[Hello, Frans? Nasaan ka na? Are you in the ospital na?] bungad na tanong sa kaniya ni Maxine pagkasagot niya ng tawag na hindi na hinintay pang magsalita siya.

"Papunta pa lang ako," agarang sagot niya sa kaibigan para hindi na ito mag-alala pa. Alam naman kasi niyang kaya siya nito chinicheck ay dahil sa pag-aalala at para tiyaking ligtas siyang makakarating sa pupuntahan niya.

[Ganoon ba? Mag-iingat ka. Nga pala, nakausap ko na si mama. Huwag ka na raw munang pumasok sa Cafe. Kahit weekends ka na raw pumasok kapag okay na si tita. Nakausap ko na rin si Mrs. Clein at sinabi niya na mag-leave ka na lang daw muna ng isang linggo para mabantayan mo si tita.] pag-update sa kaniya ni Maxine na talaga namang ipinagpapasalamat niya dahil wala na siyang panahon para personal pang magpaalam sa employer niya. Ayaw niya ring sa pagka-discharge ng mama niya ay wala na siyang babalikang trabaho dahil sa hindi niya pagpasok lalo pa ngayong kailangan nila ng pera pambayad sa ospital.

"Thank you so much, Max. Hindi ko talaga alam ang gagawin ko kung wala ka," mangiyak-ngiyak na sabi niya sa kaibigan.

Kahit papaano ay nabawasan ang mga bagay na inaalala ni Francine sa tulong ni Maxine na palaging nandiyan at handa siyang tulungan kahit hindi siya magsabi. Tulad na lang ngayon. Ni hindi nga niya alam na nagpunta ito ng mall para kausapin ang employer niya. Ang alam niya lang ay kaya hindi sumabay sa kaniya si Maxine ay dahil magpapaalam pa ito sa mama niya nang personal para hindi ito mag-alala.

[Naku, wala 'yon. Sino pa bang magtutulungan kung hindi tayo?] masayang tugon ni Maxine kung saan mababakas mo sa kaniyang boses na talagang bukal sa loob niya ang ginawa niyang pagtulong sa kaibigan na parang kapatid na niya kung ituring.

Saglit na natahimik si Francine nang may maalala siya.

"Ahm... Max?" nag-aalangang tawag ni Francine kay Maxine sa kabilang linya.

[Oh?]

"Can you do me a favor?" nag-aalangan pa ring tanong niya.

Ayaw na niya sanang abalahin pa si Maxine lalo pa't malaking abala na para rito ang ginawa nitong pagpunta ng mall. Pero wala na talaga siyang ibang malalapitan at mahihingan ng tulong kung hindi ito na lang. Kaya kahit nahihiya na siyang humingi ng tulong mula kay Maxine ay kinapalan  pa rin niya ang mukha niya. Ito na nga ang may sabi, sila-sila lang din ang magtutulungan.

[Ano 'yon?]

Hindi na nag-atubili pa si Francine at agad na niyang sinabi ang pabor na hihilingin niya.

"Pwede bang sa inyo na muna manatili sina Ella at Dave? Wala kasing magbabantay sa kanila. Hindi ko naman pwedeng basta na lang iwan si mama sa ospital nang walang kasama," mahabang tugon niya at saglit na nanahimik para pakinggan ang magiging sagot ni Maxine sa pabor na hinihingi niya.

['Yon lang ba? Walang kaso sa 'kin 'yon. Ako na ang bahala. Saka paniguradong matutuwa si mama. Alam mo naman 'yon. Sabik na sabik sa bata. At para na rin naman niyang mga anak sina Ella. Buti pa ay ikuha na rin kita ng damit mo pamalit para hindi mo na kailangan pang umuwi sa inyo.] Maxine volunteered na mas lalong nagpagaan ng dinadala niya dahil hangga't maaari ay ayaw niya nang bumyahe pa pauwi para lang kumuha ng damit dahil ayaw niyang iwan ang mama niyang mag-isa sa hospital at dagdag gastos pa ito sa pamasahe. Kailangan niyang magtipid sa ngayon kaya't hangga't maaari ay ayaw niyang gumastos.

"Thank you. Thank you talaga, Max," tuwang-tuwang pasasalamat ni Francine na wala nang mapagsidlan ng tuwa kaya't may nangingilid ng luha sa gilid ng mga mata niya.

[You're welcome. O siya, sige. Ibababa ko na 'to. Samahan na lang kita sa ospital mamayang gabi pagkahatid ko kina Ella sa bahay. Sige na. Bye na.]

Si Maxine na ang pumatay ng tawag dahil marami-rami pa siyang kailangang ihanda at gawin bago siya magtungo ng ospital para samahan ang kaibigan.

Muli na namang kinain ng nakakabinging katahimikan ang kanilang biyahe. Si Francine ay balik na naman sa pag-iisip ng lagay ng kaniyang mama at ngayon ay hindi na mapakali sa kinauupuan niya habang si Zyne naman ay pasulyap-sulyap sa kaniya buong biyahe hanggang sa makarating sila ng ospital.

A/N: I know my update was lame. Aware naman ako do'n. Bugbog na bugbog na po kasi utak ko sa dami ng pinapagawa sa school especially na kailangan naming maghabol dahil 1month kaming hindi nakapag-meet with our teachers dahil sa immersion and idagdag pa ninyong malapit na ang exam. But still, thank you for sparing your time to read this. I really appreciate it. Again, thank you and I love you, haters. Haters? Haha!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top