Two

  Medyo nagtagal kami duon at pilit niya paring pinapaalis ako pero nanatili lamang akong nakaupo duon na katabi niyang naghihintay,inilabas ko ang cellphone ko at nagtext sa mga kapatid ko na male-late akong makauwi,ganun din kina papa at mama sa kadahilanang may tinulungan akong babae.

  Hanggang ngayon ay hindi ko parin alam ang pangalan niya,hindi naman kasi siya nagpapakilala at ayoko rin namang magtanong baka magkaruon ng malisya sakanya.

  Nang matapos na si manong duon ay ibinigay niya na saamin ang mga papel at nagbayad na ang babae,tinulungan ko siya at sabay kaming naglakad patungong bahay nila na hindi ko alam na medyo malapit lang pala saamin.

   Nakakapagtaka na hindi ko siya nakikitang naglalakad o kahit man lang nakakasabay,e madadaanan lang naman ang bahay namin bago makarating sa bahay nila.Siguro ay bagong lipat sila,o kaya naman ay sa kabilang daanan siya dumadaan.

   Nakarating na kami sa bahay nila,pinapauwi niya na ako dahil baka kung anong isipin daw ng mga kapatid at ng mama niya kapag nakita nila ako.Aalis na sana ako ng marinig ko ang mama niya ata.

"Angela,bakit hindi mo muna papasukin ang biaita mo sa loob?" Narinig kong sabi ng mama niya kaya napahinto ko sa pag alis at bumaling sakanya,so Angela pala ang pangalan niya.Agad na umiling si Angela at sinabing

  "Ma,hindi ko po siya bisita.Tinulungan niya lang po ako" ngunit tumutol ang ina niya kaya naman hinigit niya ako papasok sa luob at sinabing maghapunan muna daw ako para pasasalamat narin niya na tinulungan ko ang anak niya.

   Ilang beses na tumutol si Angela pero masasamang tingin lang ang binabalik sakanya ng kanyang mama at kapatid,panay ang biro sakanya ng kapati niya saakin.Maloko ang kapatid niyang babae kaya natatawa nalamang ako.Nagpakilala ako sakanila at nag kwento ng kaunti saaking buhay,they're nice,hindi ko maipagkakaila iyon.Mama and Papa teach me how you'll know if the person is good.

   Mabilis lamang akong nagpa alam sakanila at sinabing hinahanap na ako sa bahay,hinatid ako ni Angela palabas ng gate.

  "Maraming salamat Jerick." Minutawi ng maganda niyang boses,oo,aaminin ko na maganda talaga si Angela,at bagay na bagay sakanya ang pangalan niya,because she have her unique angelic face that everyone can fall for.Tumango nalamang ako at nagmamadaling umuwi.

  Pagkatapos ng araw na iyon ay hindi na lumipas ang araw na hindi nagkukrus ang landas namin.Araw araw ko siyang nakakasabay sa jeep at tinutulungan ko siya sa pagbubuhat ng mga gamit niya kapag madami siyang mga dala,halos araw araw na nga rin akong nanduon sa bahay nila kaya kilala na ako ng mama at kapatid niya.Naging magkaibigan kami at naging magaan ang palagayan ng luob namin,kaya minsan sinasama ko siya sa bahay kahit na alam kong tutuksuhin ako ng mga kapatid ko sakanya,at nang araw na iyon ay naka day off sina mama at papa kaya nakisama pa sila sa pagtutukso saamin ni Angela.

   Para silang mga bata sa isipin ko,nakisali pa sa mga kapatid ko sa pag aasar saamin.

   Madami na akong nalaman tungkol sakanya at ganun din siya saakin,nalaman ko na namatay na pala ang papa niya dahil inatake ito sa puso nuong nakaraang taon lamang at sa Mindoro pa sila nakatira nuon at bagong lipat lang pala sila dito kaya hindi ko siya masyadong nakikita.Tama nga ako at kaidaran ko lang rin siya,and she's taking a course who is belongs to politics,madami siyang gustong kuning kurso pero sa paglo-law muna ang sinusubukan niya.Mahilig rin siyang tumulong sa mga mahihirap at hindi na ako nagulat ruon.

   Iba siya sa lahat ng babaeng nakilala ko,hindi lang puro pang sarili ang iniisip niya.She really love this country,at pipilitin niyang gawin lahat ng bagay na makakapag paayos sa bansang pilipinas,that's why she wants to be a President of the Philippines someday.Mataas ang pangarap ni Angela kaya susuportahan ko siya kahit na anong mangyari.

   Hindi madaling mahulog sa isang Angela Marie Magdaoan,halos nasa kanya na ang lahat ng katangian na pinapangarap kong makasama ko habang buhay.Kaya naman nuong kaarawan niya ay ginawa ko ang lahat para mapasaya siya,and then after the party,i surprise her.Nag imbita ako ng isang tao na gustong gusto niya talaga,and that was Kcal,hindi ako sure sa spelling kasi hindi ko siya kilalang singer.Buti at kilala ni Papa ang mga magulang nito kaya naman nagkaruon ako ng pagkakataon na maimbitahan niya.

   Bakas na bakas ang kasiyahan sa mga mata ni Angela at halos nangingilid na ang luha sa mga mata nito habang pinapanuod ang idolo niya na kinakantahan siya.Nakakaramdam ako ng selos kasi panay ang sigaw niya ng 'I Love You' kay Kcal habang kumakanta ito,but Kcal is just a part of my surprise to her at sana magustuhan niya.Pagkatapos kumanta ni Kcal ay nag paalam ako sakanya at umalis ako,kinuha ko ang mga bulaklak at lantern,ganuon din ang lahat ng tao dito,habang sinasabi ni Kcal 'yung mga pinapasabi ko sakanya para malibang si Angela at hindi niya mapansin na halos wala na kaming lahat.

  "Hi Angela,may nakapag sabi saakin na sobrang iniidolo mo daw ako and i am very very flattered na ako ang napili mong idolohin.And i want to greet you a Happy Happy Birthday,i wish you all the best at makasama mo na ang taong makakapag kumpleto sa araw at buhay mo.Angela,nandito ako dahil pinakiusapan ako ni Jerick na surpresahin ka,i was part of his surprise for you so,i will give to him the stage now.Enjoy" pagkasabi nuon ni Kcal ay inihanda ko na ang sarili ko,nakapatay lahat ng ilaw at tanging kay Angela lang nakatutok ang spotlight,bakas ang pagtataka sakanya mga mata,tatayo na sana siya at aalis ng magsalita ako sa mikropono.

   "Angela,Happy birthday.Uhm,medyo kinakabahan talaga ako ngayon at hindi ko alam ang sasabihin ko but,i just want you to know that," huminga ako ng malalim para mabawasan ang kabang nasa sistema ko. "Mahal na kita Angela,I already fall for you that night na sumakay ka ng jeep at ang dami dami mong dala,mahal na kita simula nung mga araw na palagi na tayong nagkakasabay sa jeep,mahal na kita nung simulang naging magkaibigan tayo at mas lalo kitang minahal ng nakilala ko na ang buo mong pagkatao,at mas sobra sobra pa kitang minahal kapag nakikita kita na nakanguti at masaya.Angela,sana huwag ka saaking magalit sa pag amin kong ito ha,okay lang saakin na i-reject mo ako,pero sana huwag mawala ang pagkakaibigan natin.I Love You Angela Magdaoan."



Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top