Three
Sobrang saya ko na sawakas ay nailabas ko narin at nasabi ko narin lahat ng gusto kong sabihin,agad akong lumapit kay Angela ng makita kong umiiyak na siya.Mahigpit ko siyang niyakap at nag sorry,panay parin ang hikbi at pagiyak niya.Nang medyo humupa na ang pag iyak niya ay hinarap niya ako at hinampas ako sa dibdib.
"Nakakainis ka,bakit mo naman ako pinapakilig? Tsk.Na fall kana pala saakin matagal na pero ngayon mo lang sinabi,i was waiting for you na sana magustuhan mo ako,hanggang sa mawalan ako ng pag asa na magugustuhan mo ako ng sinabi mo na friends na tayo.Ang sarap mo lang ibaon sa lupa kasi ngayon aamin amin ka."
Natawa ako sa inakto niya at nagtanong "So pwede na ba akong manligaw?" Umirap ito at pinameywangan ako.
"Kailangan pa ba 'yon? E kilalang kilala na naman kita,pati kalyo mo sa paa alam ko na ang itsura.Pwes ngayon,sinasagot na kita" malapad akong napangiti sa sinabi niya at masayang humarap sa mga taong may kanya kanyang hawak ng lanterns,
"Sinasagot niya na ako kaagad!" Masayang sigaw ko,at sabay niyakap ng mahigpit si Angela at ganuon din siya saakin.
Sabay kaming napatingala sa langit ng makita namin ang magagandang flying lanterns,ang saya ng araw na iyon.
Katulad sa ibang mga relasyon,minsan ay nagkakaruon rin kami ng away kahit sa maliliit na bagay lamang,pero agad rin naman kaming nagbabati.Ang maganda saaming dalawa ay hindi kami mga seloso at selosa,buong buo ang tiwala namin sa isa't isa kahit na magkaiba kami ng pinapasukang eskwelahan.Hindi perkpekto ang relasyon namin,pero hindi namin hinahayaan na ang galit ang pumuno sa relasyon namin,madali naming pinapatawad ang isa't isa.Naglalaan kami ng oras para lang saaming dalawa.Kahit hindi kami nagkikita sa isang araw binabalitaan namin ang isa't isa sa nangyari sa araw namin.
Hanggang sa dumating ang first monthsarry,second monthsarry hanggang sa abutin kami hanggang eleventh monthsarry.Sobrang saya kung tutuusin na malapit na kaming mag isang taon.Malapit narin ang graduation naking dalawa na halos magkasunod lang ang araw pero mauuna ang saamin.
Bago dumating ang araw ng graduation namin,tsaka naman nagkaruon ng gagawin si Angela,pupunta siya ng Mindoro para may kunin sa mga papeles niya para maka graduate siya,gusto ko aiyang samahan pero bago niya pa sinabi saakin na pupunta siya duon ay nakaalis na siya,at graduation ko daw kinabukasan kaya ayaw niya ng samahan ko siya.Ilang beses kong inulit sakanya na mag iingat siya dahil wala ako sa tabi niya.
Kinabukan,halos hindi ako makatulog dahil sa pag aalala sakanya,oras oras ay tinatawagan ko siya,ilang beses niya na nga ring sinabi na nakukulitan na siya sa kakatawag at kaka text ko,nung huling tawag ko sakanya ay nakasakay na raw siya sa byahe papunta dito at dederetso na daw siya sa graduation ko.Pumunta na kaming school na hinihintay ko parin siya,i text her at tinatanong ko kung nasaan na siya then she replied na malapit na siya,hindi ko na siya tinawagan dahil baka pagod siya at sobrang nakukulitan na siya saakin.
Ilang oras na ang nakalipas pero wala paring Angela na dumarating,tatawagan ko na sana siya ng tawagin na ang pangalan ko sa stage.Nag alinlangan ako na ibalik sa bulsa ng pantalon ko ang cellphone,pakiramdam ko ba ay parang kinakabahan ako at hindi ko mapagtanto kung bakit.Umakyat ako sa stage at inabot ang deploma ko pati narin ang medal,i am proud to say na i graduated Suma Cum Laude from my Course BS Management. Si Papa ang nagsabit saakin ng medalya at si Mama naman ay hinihintay kami sa baba,ganun din ang mga kapatid ko.
Saktong pagkababa at pagkababa ako ng hagdan ng mag ring ang phone ko,agad kong sinagot iyon ng makitang numero ni Angela ang tumatawag
"Hello mahal! Nasaa--" pero agad na nahinto ang sasabihin ko ng marinig ko ang humahagulhol sa kabilang linya.
"Ijo,s-si Tita Alisse mo ito" mas lalong kinabahan ako puso ko dahil sa pag iyak ni tita,agad akong nagtanong kung bakita siya umiiyak,hirap siyang magsalita dahil sa sobrang pag iyak. "Ijo,n-nasa o-ospital kami" she said between her sobs,agad na nilukob ng kakaibang kaba ang puso ko dahil sa narinig ko.Hindi parin ako umaalis sa kinatatayuan ko at ganuon din sina mama na naghihintay lamang at nakikinig sa usapan namin.
"Ano pong nangyari? Nasaan po si Angela? Tita saang ospital po iyan?" Sunod sunod kong katanungan,ilang segundo ang lumipas bago ako sinagot ni tita na panay parin ang hagulhol.
"Jerick anak,na-naaksidente si Angela...nabangga siya ng isang humaharurot na truck...nawalan daw iyon ng preno...sabi ng mga nakakita,hi-hindi naman daw dapat si Angela ang mababangga...pero...sa sobrang bait ni Angela,siya ang nagpa bangga sa truck at isinalba ang isang matanda na patawid...anak," humigpit ang hawak ko sa telepono at bakas na sa mukha nina mama at papa ang pag aalala.May sasabihin pa sana si tita ng may kumuha sa atensyon niya,na sa tingin ko ay doctor kaya hinintay ko ang sasabihin nito kay tita.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top