04
Notes
January 30 10:30 PM Mon | 218 Words
Hindi ako pini-pressure ng fam ko na magkaroon ng matataas na grades. Mas gusto nga nilang i-pursue ko pa kung ano talaga ang gusto kong gawin sa buhay dahil susuportahan nila ako palagi. At gusto din nilang i-enjoy ko lang daw ang college life ko dahil malapit na matapos ang student life ko.
Pero kapag nakikita ko silang araw-araw naghihirap para lang may maibigay na allowance sakin araw-araw, hindi ko magawang mag-enjoy. Nakaka-guilty isipin na habang ako nasa school at iniisip lang ang sariling kasiyahan, may pamilya akong inuuna pa ako kaysa sa sarili nila.
Responsibilidad nila ako, oo, pero nakaka-guilty pa rin lalo na't napakabait naman ng mga magulang ko. Ayokong sumaya pero ang kapalit ay paghihirap naman nila.
Kaya kahit anong mangyari, kailangan kong makatapos ng pag-aaral na may award, kahit isa lang. Yon na lang ang tanging maigaganti ko sa kanila. At saka, pipilitin kong magkaroon ng magandang trabaho pagkatapos para masuklian ko lahat ng paghihirap nila mapaaral lang ako.
Gagawin ko lahat yan, kahit kailangan ko pang isantabi ang sarili. Lahat naman ng ginagawa ko, para sa kanilang kasiyahan. At kapag masaya sila, matik masaya na rin ako.
Hay naku. Nagdadrama na nama ako dito, haha.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top