ghost 88

ghost 88:

dumating ang araw ng biyernes at hanggang ngayon ay hindi ko parin kinakausap si Emman. bahala sya dyan! kailangan nyang maparusahan sa kanyang ginawa sa akin.

well, lagi naman syang pumupunta sa bahay at humihingi ng tawad kaso di ko talaga siya pinapansin kahit ano pa ang sermon na sinabi sa akin ng mga magulang ko. Lagi rin syang nagpapadala ng bulaklak na may sticker note pang nakalagay na,
'I'm sorry. Iloveyou.' minsan may chocolate pa nga eh. syempre kinilig naman ako sa ginawa nya pero di ko parin sya papansinin! hindi naman na ako galit sa kanya pero gusto ko lang na wag muna syang pansinin. may gusto lang kasi akong alamin tungkol sa feelings ko sa kanya. oo na crush ko sya at.... at...gusto ko na sya.

pero natatakot pa rin ako. parang may humaharang na pader sa aking puso na hindi ko maintindihan. parang may kulang.. at yun ang kailangan kong alamin.

at dahil nga ngayon ang araw ng pagpunta namin sa Zambales ay nagready na agad ako ng mga susuotin. napag-alaman ko rin mula kay Kesha na sasama si Emman sa amin nung malaman nyang kasama ako. dahil dun ay nakatanggap na naman ako ng panunukso mula kay Kesha. adik na babae.

kompleto na ako sa mga damit na susuotin, maliban na lamang sa isa. ang swim suit. kanina pa ako nag-iisip kung ano ang isusuot! hays.

lumapit ako sa Cabinet at naghahanap ng magandang swim suit na isusuot. talagang hinalukay ko ang lahat ng mga damit kaya ayun, sobrang gulo na naman ng kwarto ko. shemas nang dahil lang sa swim suit ay magulo na ang aking kwarto.

habang naghahanap ng damit ay napatigil ako nung may mamataan akong isang Box sa sulok ng Cabinet. at dahil curios ako sa laman nito ay kinuha ko ito at binuksan. napakunot ang aking noo nang tumambad sa akin ang mga dating kagamitan na madalas kong ginagamit. ang wallet, checklist notebook, bucket list at mga alahas.

wow! nandito pa pala ito? akala ko matagal na itong nawala. tinago kaya ni Mommy?

napangiti nalang ako at chineck isa-isa. una kong binuksan ang bucket list notebook at bumungad naman sa akin ang mga sinulat kong goal sa buhay like charities, business, singing and adventures.

pangalawa kong tinignan ay ang wallet. excited ako sa mga makikita kong laman. bumungad sa akin ang mga dating I.D. ko. may nakita rin akong piso at isang picture ng lalak-----wait... lalaki!? agad kong kinuha ang larawan mula sa wallet at tinitigan itong mabuti. Luma na ito pero klarong-klaro ko pa rin ang gwapong hitsura ng lalaki.

kumabog ng malakas ang aking puso nang mamukhaan ito.

wait.. si.. si Emman to ah? b-bakit meron akong larawan nya? p-paano to napunta sa akin?

at sa di maipaliwanag na dahilan ay may biglang imahe na naman ng lalaki ang pumasok sa aking isipan. nakaformal suit ito at may suot na maskara sa kanyang mukha. nanginig bigla ang aking mga kamay kasabay ng muling pagkirot ng aking ulo.

what the fudge is that!?

"Ysha? nandito na mga kaibigan mo bumaba ka na dyan!" I heard Mom calling my name from outside my room.

at dala nga ng kaba ay natataranta kong ibinalik ang mga gamit sa Box maliban lang sa litratong hawak ko at muli itong ipinasok sa sulok ng cabinet.

"Ysha do you hear me?!"muling sigaw ni Mommy nung hindi ako makasagot agad.

I gulped.
"O-Opo palabas na ako!"

"okay sige.. bilisan mo!"

at dahil wala na akong oras ay nagpulot na lamang ako ng damit na nakita sa sahig at isiniksik ito sa loob ng bag.
ipinasok ko naman sa aking bulsa ang litrato at tinignan ang sarili sa salamin.

okay Ysha.. just keep calm okay? keep calm. yung mga nakita mong imahe at larawan ay wala lang yun. alright? alright!

inhale... exhale!

***

"magandang umaga sayo, binibini!" pabirong sambit pa ni Leo na nag-bow pa sa akin nung makalabas ako ng bahay. nasa harapan namin ngayon ang isang kulay abo na Van at sya lang mag-isa ang pa-cool na nakasandal dito. nakashade pa ang loko. paniguradong nasa loob na ang lahat at ready to go.

natawa nalang ako.   "magandang umaga rin sa'yo, ginoo."

then he smirked.  "halina po kayo at pumasok sa ating mahiwagang sasakyan dahil tayo po ay lilisan na ngayong oras na ito."

at bago pa nga ako makareact ay biglang bumukas ang bintana ng front seat at dumungaw mula doon si Miz na agad na binatukan sa ulo si Leo na napa-aray sa sakit.

"Hoy! ano, tutunganga ka nalang dyan?" mataray na sambit pa ni Mizhie habang nakatingin dito.

"Oo ito na! putek Miz ang lakas ng pagkakabatok mo sa akin! bakal ba yang kamay mo?!"reklamo pa ni Leo habang hinimas-himas ang ulo.
inirapan lang sya ng huli at muling sinarado ang bintana na syang ikinatawa ko.

"tara na nga leo at baka iwanan tayo dito. haha"

natawa rin sya sa aking sinabi at binuksan ang pintuan ng Van. agad na bumungad sa akin ang natutulog na si Jessa at Joseph habang magkahawak ang kamay, si Kesha at Allen na nagkukwentohan, si Yonna na nakasuot ng headphone at nagsicellphone, at si Emman na nakaupo sa pinakadulo na tahimik lamang na nakatingin sa labas. at nung mapansin nila akong lahat ay agad silang napangiti ng malawak.

"hi Ysha!"

"yow there beautiful!"

"goodmorning Ysha!"

"whats up yow!"

lahat sila ay binati ako maliban lang kay Emman na di man lang ako tinapunan kahit isang tingin. parang wala syang naririnig at walang reaction ang kanyang mukha. ano kayang problema nito?di ko nalang muna sya pinansin.

"hello sa inyong lahat!" sabi ko pa at pumasok. at dahil ramdam na ramdam kong sinadya nilang walang katabi si Emman ay doon na lang din ako umupo. sumunod naman si Leo na tumabi kay Yonna. ang tahimik nilang lahat maliban lang kay Kesha at Allen na nag-uusap.

at dahil nga magkatabi kami ni Emman ay ramdam na ramdam ko ang kanyang mainit na presensya at ang tensyong unti-onting bumabalot sa akin.

spell awkward?

A-K-O.

at gaya nga kanina ay di nya parin ako nililingon at pinapansin. nagsimula tuloy akong makaramdam ng kaba. ano kayang problema nya? bakit di nya ata ako kinukulit ngayon? sa pagkakaalam ko ay masaya naman sya kahapon kahit di ko sya pinapansin pero anyare ngayon? hindi kaya ay nagsawa na syang suyuin ako? Imposible! pero posible! hindi kaya ay may nangyaring hindi maganda sa hotel nila or family matter? o baka may topak lang talaga sya ngayon at wala sa mood? hindi ata maganda ang gising nya? uminom ba sya ng kape? or baka maling kape ang nainom nya?

shemas mukha akong tanga dito na kung anu-ano nalang ang naiisip tungkol sa kanya.

"staring is rude."

halos mapatalon ang puso ko sa gulat nung magsalita sya! shemas! hindi ko namalayang nakatitig na pala ako sa kanya! pahiya ako meenn! pakiramdam ko namula ang buong mukha ko kaya naman ay agad akong umiwas ng tingin.

"H-hindi kita tinititigan ah." pagdadahilan ko pa.

nilingon nya naman ako sa wakas sabay ngisi at taas ng kilay. "oh really?"

I gulped real hard.  "h-hindi nga! kulit mo!"

"talaga lang huh?"

inirapan ko na lamang sya at di na pinansin pa. itinuon ko nalang din sa ibang bagay ang aking atensyon at ganun din ang kanyang ginawa. bahala na nga sya! mamaya ko nalang sya kakausapin pagdating sa Zambales. at dahil mukhang pagod ang mga kasama namin na puro nakasarado ang bibig ay napagpasyahan ko nalang na magsuot ng headset at makinig ng radyo. ipinikit ko rin ang aking mata hanggang sa di ko na namalayan na nakatulog na pala ako.

nagising na lamang ako na mukha na ni Emman ang tumambad sa akin. ilang segundo kaming nakatitig sa isa't isa hanggang sa tuluyan ng magproseso sa akin ang nangyayari at bigla ko na lamang syang naitulak at umayos ng upo. pakiramdam ko namula ang buong mukha ko sa sobrang lapit namin sa isa't isa.

"Buti naman at gising ka na." sabi pa nya sabay hilot sa balikat na tila nangangawit.  "damn, ang bigat pala ng ulo mo Allesha? nangawit balikat ko oh?" natatawang sambit pa nya kaya naman ay sinamaan ko sya ng tingin. shems! ano ba naman Ysha!? bakit sumandal ka balikat ng lalaking to? mukhang gagamitin pa nya ata to para asarin ako lintik! nakakahiyaaaa!

teka.. tumulo kaya laway ko?

pasimple kong kinapa kung may panis na laway ba sa gilid ng labi ko at nakahinga naman ako ng maluwag ng mapansing wala. buti naman at ligtas ako!

"Let's go. tayong dalawa nalang naiwan dito sa loob." sabi pa nya dahilan para mapalingon ako sa paligid at napansing wala na nga ang ibang kasamahan namin dito maliban sa'min!

oh shemsss!! another kahihiyan na naman! bakit naman nila kami iniwan dito? bakit di nila ako ginising?! yung mga yun! set up to ah! grrr!!

nauna nang bumaba si Emman kaya sumunod nalang din ako. tahimik nyang kinuha ang kanyang bag at ganun din ako pero nagulat nalang ako nung bigla nyang agawin sa akin ang aking bag at walang ano-ano'y naglakad paalis! ni hindi pa nga ako makareact sa ginawa nya! lintik tong Emman na to!

"Hoy Emman loyd Fuerva! akin na yang bag ko! Hoy!" sigaw ko pa at hinabol sya.

shemas talaga oh! hindi ko maintindihan kung anong topak meron sya ngayon. kakaibaaa! nakakaloka sya ah!

***

pagdating sa Room na nakareserve sa akin ay lumundag agad ako sa kama. nakakaloka si Emman kanina. buti nalang talaga at magkahiwalay kami ng kwarto. mahal ko na talaga si Mizhie dahil hindi nya kami pinagsamang dalawa ni Emman sa iisang kwarto. mabuti na rin yun dahil magkakaroon ako ng privacy. pero pwede ring hindi kasi nasa katabing kwarto ko lang si Emman. anytime ay pwede syang pumasok dito at manggulo.

tumayo ako at lumabas ng terrace. mula dito ay kitang-kita ko ang magandang tanawin ng lugar. yung dagat na kulay asul, mga cottages, the sun, and trees. ang sarap din sa pakiramdam ng sariwang hangin na tumatama sa aking mukha at nagpapalipad sa aking buhok. napangiti na lamang ako at ipinikit ang aking mata upang damhin ang sariwang hangin.

hays.. ang sarap sa feeling. nakakarefresh ng utak. feeling ko lumilipad ako sa langit. ewan ko ba, pakiramdam ko may something sa lugar na ito na di ko maintindihan. pakiramdam ko may magandang alaala ako na naiwan dito. yung tipong mapapaiyak na lamang ako sa tuwa. okay ang weird ko na.

"Ysha? nandyan ka ba?" I heard Keshas' voice from outside the room.

napamulat ako ng mata at muling pumasok sa loob para pagbuksan ng pinto si Kesha.

"oy Kesh bakit?" tanong ko pa habang pinapasadahan sya ng tingin mula ulo hanggang paa. and I must say, ang sexy nya sa suot nya! nakaswim suit lang naman sya inday!
ready to swim ang loka.

"di ka ba maliligo sa dagat? halika na!" she informed me.

"ngayon na ba?"

napaface palm sya. "magsusuot ba ako ng ganito kung mamaya pa? gosh Ysha! tara na! gusto ko na maligo. nandun na silang lahat sa dagat at kanina pa nag-ienjoy!"

"si Emman?"

"nandun na rin."

napanguso ako. so ibig sabihin ay hindi nya ako dinaanan dito sa kwarto? ano bang topak ng isang yun? eh magkatabi lang naman kami ng kwarto pero di nya man lang ako kinatok. buti pa tong si Kesha!

I sighed.
"sige mauna ka na susunod nalang ako."

"sure ka?" I nodded. She sighed. "oh sige, bilisan mo ah?"

"okay."

I closed the door pagkaalis nya. kinuha ko rin ang bag na dala at binuksan upang maghanap ng damit na isusuot. at dahil hindi nga ako nakadala ng swim suit ay nagsuot nalang ako ng pink sando at maikling short.

tinignan ko ang sarili sa salamin. mm, okay na to! bahala na si Batman!

binuksan ko ang pintuan at aalis na sana pero natigilan ako nung sumalubong sa akin ang nakabusangot na mukha ni Emman sa gitna ng pinto. hindi ko tuloy maiwasang matulala at pasadahan sya ng tingin mula ulo hanggang paa. He's just wearing sando and short pero shemas! ang cool nya tignan! nasa bulsa rin ang kanyang magkabilang kamay.
Napalunok nalang ako at iwinaksi ang mga naisip.

"are you done?" bored na tanong pa nya.

"A-anong ginagawa mo dito?" takang tanong ko pa.

"Sinusundo ka. ano ba sa tingin mo?" Abaaa nagmamasungit! kanina pa sakin to ah!

magsasalita pa sana ako pero tinalikuran na ako ng walangya kaya wala na akong nagawa kundi ang habulin sya at makipantay ng lakad sa kanya. pumasok kami sa elevator at mukhang sinasadya talaga ng tadhana na walang tao dahil kaming dalawa lang ang nasa loob.

I faced him. "Emman."

He looked at me with a bored eyes.
"why?"

"may problema ba?" nag-aalalang tanong ko pa.

"wala." he look away.

"Emman naman..."

"shut up multong pangit."

I glared at him.  aba! di ko na nagugustuhan tong pagmamasungit nya ng walang dahilan ah!

"galit ka ba sa'kin? may nagawa ba akong mali? ano bang nakain mo ngayon at buong araw kang masungit?"

"wala ka na dun."

"aba talagang----!" napatampal nalang ako ng noo while gritting my teeth. grr! this man! kung badmood sya ngayon ay wag syang mandamay ng ibang tao! nakakainis ah? pati ako naiinis na sa kanya.  "alam mo kung galit ka man or may problemang iniisip baka pwede mo munang iset-aside? di yung pati ibang tao sinusungitan mo. hindi magandang traits yan, bwisit."

saktong bumukas ang pintuan ng elevator kaya naman ay nagwalk out agad ako at iniwanan sya. nakakainis kasi. hmp! bahala talaga sya pag ako ang napikon sa kanya.

saktong nakita ko agad sila Miz na enjoy na enjoy habang naglalaro sa dagat kasama ang iba pa naming kasama. rinig na rinig ko mula dito ang mga tawanan at sigawan nila. mukhang naglalaro sila ng habol-habulan base sa pagkandara nilang pagtakbo mula kay Leo na syang taya. parang gusto ko tuloy sumali kaya naman ay tumakbo ako papunta sa kanila at sumali.

"sali ako!"

agad naman silang napalingon sa akin sabay ngisi ng nakakaloko.

"O sige ikaw ang taya!" sabi pa ni Leo at parang tanga na nagsipagtakbuhan palayo sa akin. trying hard naman sa paghakbang dahil sa mga alon.

napangisi ako at tinignan kung sino ang mas malapit sa kanila. buti nalang at may mga bounderies para hindi sila makalayo ng sobra. at dahil si Joseph ang pinakamalapit ay sya agad ang pinuntirya ko. buti nalang talaga at marunong akong lumangoy kaya mabilis ko syang naabutan.

at dahil nahawakan ko agad ang kanyang damit ay napamura sya ng malutong. nagtawanan kaming lahat sa kanya.

"Tangina! ang bilis mo palang tumakbo Ysha!" sabi pa nya sabay iling. I just smirked.

"para sa kaalaman mo ay di sya Tumakbo! lumangoy sya! lumangoy!" sabat pa ni Allen na may tinig nang-aasar.

"pakyu Allen."

tinawanan lang namin sya.

the game goes on hanggang sa nagsawa kami at naglaro ng iba. at dahil may dalang bola si Jessa ay naglaro kami ng volleyball sa tubig. kahit mainit ay wala kaming pakialam dahil sobrang nag-ienjoy kami sa paglalaro. tawa lang din kami ng tawa kapag may isang nagkakamali sa amin. hindi ko na nga namalayan ang oras eh kung hindi lang nagutom at napagod si Leo ay di pa kami titigil.

sabay-sabay kaming umahon sa tubig at pumunta sa isang cottage para magmeryenda. naabutan naman namin si Emman doon na nakaupo at nung mapadako ang tingin nya sa akin ay agad akong umiwas at kumuha nalang ng mansanas sa mesa at binalewala ang kanyang presensya.

"uy Loyd! nandito ka lang pala. bakit di ka nakijoin sa amin?" takang tanong ni Allen habang nagbabalat ng ponkan.

"oo nga? ang saya-saya namin dun tapos ikaw nagmumukmok lang dito." dagdag naman ni Leo.

"buti pa si Ysha nakijoin sa amin! haha bakit di mo sya niyaya Ysha?" tanong pa sakin ni Miz.

napasulyap ako saglit kay Emman at muling bumaling sa kanya.
"kailangan ba ayain ko sya?"

they all groaned at me.

"Malamang, duh! STBB mo kaya sya, 'no?!" pabirong irap pa ni Mizhie.

"anong STBB?" asked Yonna.

"STBB means soon to be boyfriend."

"Ahh.." lahat sila ay napatango nalang maliban lang kay Jessa na inismaran lang sya.

"sus Miz dami mong alam." wika pa nito.

"kesa naman sayo na puro kalokohan lang naiisip!"

"oh sya tama na yan! nagugutom na ako." awat pa ni Allen.

"ano namang kinalaman nun sa pagkagutom mo? kulang-kulang ka talaga sa pag-iisip." naiiling na sabat pa ni Leo.

nakatanggap naman sya ng nakakamatay mula sa kaibigan.
"pakyu."

nagtawanan silang lahat maliban lang sakin na enjoy na enjoy sa pagnguya ng mansanas. ang tamis kasi eh saka malutong. sarap nguyain. yumm!

pero napatigil ako sa pagnguya nung mapadako kay Emman ang aking mata at agad na nagtama ang aming paningin. my heart instantly beating faster pero buti nalang at nagawa kong kontrolin ang aking sarili kaya tinalikuran ko na lamang sya at nakipagchikahan kay Kesha.

kahit nagpapaawa ang tingin nya sa akin ay di ko sya papansinin. Sinungitan ako eh. ni hindi ko man lang alam ang dahilan ng pagsusungit nya.

buti nalang din at di na naghinala sa mga kilos naming dalawa ang mga kasama namin dahil kapag nagkataon ay magigisa na naman ang utak ko.

yun ang alam ko dahil,

"Ysha bakit di ata kayo nagpapansinan ni Loyd? ang tahimik nya rin ngayon. sabihin mo nga sakin, may problema ba? nag-away ba kayo?" okay... I therefor conclude na may pagka-CSI itong si Kesha. galing mang-observe eh.

pasimple akong sumulyap kay Emman na ngayon ay kausap ni Leo bago muling bumaling kay Kesha.

I sighed.  "Umm, wala naman. trip lang talaga naming hindi magpansinan."  okay I lied again.

tinaasan nya ako ng kilay, tila di naniniwala sa aking sinabi.
"Weh? sure?"

"O-Oo nga! haha don't mind us."

"ok sige ikaw bahala."

nakahinga ako ng maluwag doon. buti nalang talaga at di na sya nang-usisa pa dahil baka mapilitan na talaga akong umamin.

after magmeryenda ay muli kaming bumalik sa pagbababad sa dagat pero hanggang ngayon ay hindi parin nakikijoin sa amin si Emman. ni hindi ko nga alam kung saan sya nagpunta eh. nowhere to be found tuloy sya. at mukhang napansin rin iyon ng mga kasama ko dahil sa akin nila hinahanap si Emman. patay.

"Ysha, may nangyari ba sa inyo ni Loyd? bakit di sya nakikijoin sa atin dito maligo? saka bakit parang di kayo nagpapansinan?" takang tanong pa ni Kenzo dahilan para maagaw ko ang atensyon nilang lahat. napakagat labi nalang ako. pahamak ka kenzo!

"may problema ba kayong dalawa?" tanong naman ni Miz.

"A-ahh.." nangapa naman ako bigla ng idadahilan. shemas ka talaga Emman loyd!!! "U-Uhm, w-wala naman. baka wala lang sya sa mood? hayaan nalang muna natin. k-kailangan nya lang atang mapag-isa ngayon." okay, panibagong kasinungalingan na naman!

"oh so may problema nga sya. napansin kong mula kaninang umaga ay wala na sya sa mood. ano bang nangyari Ysha?" tanong pa ni Jessa. jusko kung sila nga walang alam, ako pa kaya?!

Napakamot nalang ako sa batok. "ah eh di ko rin alam eh. wala naman syang sinasabi sa'kin."

"uy ano ka ba! dapat alam mo yun! STBB mo sya kaya may karapatan kang malaman yun!" bwelta pa ni Miz na sinang-ayunan ng iba.

"Oo nga! tsk tsk tsk. hay naku Ysha. dapat kanina mo pa sinabi sa amin na may problema pala yung tao. Hala, sige! umalis ka na at magbihis tapos hanapin mo sya! you must talk to him ASAP baka magsuicide na ang lokong yun."

at wala na nga akong nagawa nung pinagtulungan nila akong itulak papasok sa loob ng hotel. jusme, sa dami ng sermon na natanggap ko mula sa kanila ay wala na akong maintindihan kahit isa. ang iingay eh sabay-sabay pa. hays. poor me.

kaya naman ay nagmadali ako sa pagbibihis at lumabas ng hotel. well, may point naman kasi ang mga sinabi sa akin nila Miz. dapat kausapin ko si Emman at tanungin kung anong problema. dahil sa sitwasyon nya ngayon ay kailangan nya ng isang taong makikinig at mang-iintindi sa kanya. tama!

shemas! ano ba kasing problema nya?

pagdating sa dalampasigan ay agad ko syang hinanap. nagtatalo na ang araw at dilim ngayon kaya naman ay medyo nag-aalala na ako. iilan na lang din ang mga tao sa labas kaya nakakakaba na rin. jusme nasan na ba kasi si Emman?

ano ba yan saan ko sya hahanapin? ang laki nitong beach na to.

lakad ako ng lakad habang iginagala ko naman ang paningin sa paligid, hoping na makita ko sya pero wala eh. halos kalahating oras na akong naghahanap dito pero wala parin! napagpasyahan ko nalang na itext sya baka sakaling magrereply.

'Emman loyd, nasaan ka ba? kanina pa kita hinahanap!'

Message sent!

at muli na naman akong nagpatuloy sa paghahanap sa kanya. hindi ko na namalayan na nakalayo na pala ako mula sa hotel. hindi ko nga alam kung saang lugar na tong napuntahan ko eh. ang lakas pa ng simoy ng hangin kaya medyo malamig. ang malas ko pa dahil wala akong dalang jacket!
kinakabahan na tuloy ako. iilan nalang ang mga taong nakikita ko saka medyo madilim pa. mabuti na lamang at maliwanag ang buwan na syang nagiging ilaw dito.

napatigil ako sa paglalakad nung may makita akong isang daan na parang patungo sa gubat na parang pamilyar sa akin. weird.. ito pa lang ang unang beses na nakapunta ako dito kaya paanong naging familiar sa akin ang lugar?

my heart instantly beating faster. dala na rin siguro ng pagiging curios ay di ko na namalayan na unti-onti na palang humahakbang ang aking mga paa papunta dito kahit pa mukhang nakakatakot yung madilim na lugar.

halos manginig ako sa takot dahil sa iba't ibang tunog na nagmumula sa mga kuliglig at iba pa. pakiramdam ko may mga aswang na nakatira dito, idagdag mo pa yung kakaibang usok na talaga namang nakadagdag sa takot ko. jusme, sana naman ay walang mangyaring masama sa akin. ang tanga ko naman kasi! alam ko namang nakakatakot dito pero pumunta parin ako! gusto kong tuktukan ang sarili dahil dun.

pero napatigil ako sa paglalakad nung tumambad sa akin ang malaking puno ng Narra. may mga alitaptap ito na nagsisilbing liwanag kaya naman sobrang ganda sa paningin. mukha syang magic tree sa liwanag at ganda.

my heart instantly beating so fast. my hands are shaking and I don't know why. the narra tree look so familiar to me. very familiar. para bang nakita ko na ito dati? pero bakit eh this is the first time na makatuntong ako dito.

kaya kahit kinakabahan ay pinili kong lumapit dito at pinagmasdan ng maigi ang puno. I unconsciously traced my hands on the tree at hindi ko alam kung bakit ganito nalang ang naging emosyon ko. pakiramdam ko parang may nakompleto sa puso ko na hindi ko maintindihan.

may dahon ang onti-onting nahuhulog kaya naman ay agad ko itong sinalo pero natigilan ako nung may makita akong isang letra na syang ikinagulat ko at ikinatriple ng tibok ng aking puso. halatang matagal na itong nakaukit pero klarong-klaro ko parin.

at dahil nga naging sentro ng buwan ang puno ay kitang-kita ko ang mga letra dahil sa liwanag. kinapa-kapa ko ang bawat letra nito at bigla na lamang bumuhos ang masaganang luha sa aking pisngi nang mabasa ang mga pangalanan.

'Emman & Allesha.'

nanginig bigla ang buong kalamnan ko. nagwawala ang buong sistema ko at halo-halong emosyon ang nararamdaman ko sa mga oras na ito.
pakiramdam ko kakapusin ako ng hininga.

b-bakit... may mga pangalan kami ni Emman dito? n-nagkataon lang ba to o talagang sinadya tong iukit?

napahawak ako ng mariin sa aking dibdib dahil para akong pinipiga dito. hindi rin natigil ang pagbuhos ng aking mga luha kaya hindi ko maintindihan ang sarili ko. umiiyak ako sa anong dahilan? and then suddenly I felt my head hurt. sa sobrang sakit ay napaluhod nalang ako at hinawakan ng mariin ang aking ulo. parang hinahati sa gitna ang aking ulo kaya mas lalo lang akong napapaiyak sa sobrang sakit.

"A-agh!"

shems! pakiramdam ko unti-onti akong nanghihina. gusto kong gumulong-gulong sa lupa dahil sa sakit. ugh! whats happening!?

and then suddenly, An images and memories suddenly flashed in my head.

natigilan ako sa mga naririnig ko.

  "ANO BA??!!! HINDI KA BA TUMITINGIN SA DINADAANAN MO??!!!"-

"HOY!! NAKIKINIG KA BA SAKIN HA??!! "

"HOY BABAE!!  KINAKAUSAP KITA!!! "- 

 

"n-nakikita mo a-ako????"

"pasalamat ka,  nagmamadali ako!  Tandaan mo,  hindi pa tayo tapos!"-

"nandito ka parin? asan na ba yung mga naghahanap sa'yo sa mental? hindi ka parin nila nahahanap?!"-

"hindi mo talaga alam? wala ka talagang ideya??  hindi mo nakikitang.........MULTO AKO??!!!"-

"anong ginagawa mo dito?!"-

"n-nahahawakan mo ako?"-

"kasi kailangan pa kita.."-

"kung gano'n anong kailangan mo sakin?"- 

   "ang ibalik ang tamis ng pag-ibig sa pagitan ng dalawang taong nagmamahalan.."-

"Emman bakit ang gwapo mo?"

"hindi ako nakikipaglokohan sayo Multong pangit!"

"Crazy Emman."

"abnormal ka talaga."

"kaya bagay tayo eh."

"thank you Emman."

"Can you do me a favor?"

"what favor?"

"will you make me smile everytime I'm sad?"

"crazy ghost."

"karapat-dapat ka bang pag alay-an ng mga luha ko?"- 

"you're worth it."

"Alam mo sa totoo lang...love isn't complicated."-

"it is."

"Emman, Welcome to my Paradise!"-

" Emman, i want to share with you my comfort place.."-

"tell me. why are you doing this to me?"- .

"because I want you to be happy.."-

"are you gonna leave me, soon?"-

"M-maybe yes? m-maybe no? hindi ko alam. hindi ko naman hawak ang tadhana ko. "-

"then please, choose to not leave by my side."-

"I love you, Emman."

"I love you, Allesha."

"kahit anong mangyari nandito lang ako palagi sa tabi mo."

"hindi kita iiwan, promise."

" you're worth to find."-

"Emman?"-

"mm?"-

"What if... buhay pa'ko hanggang ngayon, ano sa tingin mangyayari? makikilala ba kita? magtatagpo ba ang mga landas natin?"-

"I don't know. maybe."- 

"pero gagawa ka naman ng paraan para makilala ako diba?"-

"Kasi ako, gagawin ko lahat ang paraan na pwede kong gawin makilala ka lang.."-

"Prinsipe dodong!"

"G-gusto ko sanang i-iukit mo ang mga p-pangalan natin dito sa p-puno.."- 

"ano ba kasing meron at gusto mong isulat ko pangalan natin?"-

"ang ganda kasi tignan... nakita ko kasi sa mga palabas na ginagawa rin nila to.."-

"oh tapos? ano namang kinalaman nito sayo?"-

"isa kasi yan sa mga bagay dito sa mundo na mahirap buharin.. gaya ng ala-ala ng isang tao.. kapag may isa kang gustong alalahanin at balikan, pwede mo itong tignan."- 

"nagbabakasakali lang kasi ako na sana kung sakali man, tuluyan na akong mawala sa mundo, may isang maganda at masayang alaala akong maiiwan sayo... tulad na lang nito, kung sakaling... dumating yung araw na makalimutan kita, makalimutan mo ako, o makalimutan natin ang isa't isa... sana isa ito sa mga bagay na maaaring makatulong sa muling pagbabalik ng alaala nating dalawa."- 

"tell me Allesha, anong meron sa likod ng mga ngiti mo?"

"Emman, masaya akong nakikita mo. tanging ikaw."

napahawak ako sa aking dibdib as my  head really hurt.

hindi ko na alam kung ano ang nangyayari sa akin.

b-basta ang alam ko lang....

All of my memories were back!

t-that.. Emman loyd were saying the truth! he really is my first love! my first kiss! I remember now, We first met in a debut party! pero hindi nya na ata maalala ang pangyayaring yun!

Hindi ko tuloy alam kung ano ang dapat maramdaman. naghalo-halo na ang emosyon ko. Masaya ako. sobrang saya na di ko maintindihan. pero nasasaktan din ako. nasasaktan at nagiguilt dahil hindi ko natupad yung mga pinangako ko sa kanya. I promised him na hindi ko sya iiwan at kalilimutan pero nagawa ko parin. pakiramdam ko tuloy ang sama kong tao. sinaktan ko ang kaisa-isang taong minahal ko. nang dahil sa akin ay nagdusa ng apat na taon si Emman.

'so, nangyayari na nga. lahat ng mga sinabi ko sa kanya dito sa harapan ng Narra tree ay nagkatotoo. Nabura ang mga memories ko tungkol sa kanya and now muli itong nagbalik dito rin mismo sa lugar na ito. it's like magic.'

napahagulhol nalang ako ng iyak at napahawak sa kahoy. my hands and knees were shaking. my heads were aching and my hearts were crying.
nanghihina ako.

napaupo na lamang ako sa lupa habang namimilipit sa sakit ng aking ulo.

'E-Emman... I'm so sorry! s-sorry kung ngayon ko lang naaalala ang lahat. It was all my fault, I know. pero I just want you to know na hanggang ngayon ay ikaw parin ang laman nitong puso ko. Mahal na mahal parin kita at hindi na magbabago iyon.

E-Emman, I'm back. your multong pangit is Back. I love you prinsipe dodong.'

and then, Everything went black.












***










"Mmm..."

nagising na lamang ako na nasa isang kwarto na di familiar sa akin. medyo kumirot rin ang aking ulo kaya naman ay hinilot-hilot ko ang aking sintido.

iginala ko ang aking paningin sa paligid. at doon ko nga napansin na nasa hotel parin ako, hindi nga lang sa Kwarto ko. bumaba naman ang aking paningin sa isang taong nakaupo sa gilid ng kama at natutulog. hawak-hawak nya rin ang aking kaliwang kamay kaya naman ay di ko mapigilang kiligin sa tuwa. my heart instantly beating fast.

napangiti nalang ako habang pinagmamasdan ang kanyang maamong mukha. who would've thought na ang lalaking ito ang magpapatibok sa puso ko? Magic right? natawa nalang ako.

he suddenly move at nagising. inayos ko naman ang aking pagkakapwesto dahilan para mapatingin sya sa akin at nagulat nung makitang gising na ako.

"Allesha? are you alright? may masakit ba sayo?" nag-aalalang tanong pa nya at halatang natataranta nga.

I just shook my head then held his hand.  "I'm fine, Emman. don't worry."

tila nakahinga naman sya ng maluwag doon.
"Jesus, Allesha! you scared the hell out of me! alam mo bang sobrang nag-aalala ako sayo kagabi noong mawala ka? kung saan-saan ka namin hinanap tapos nakita nalang kitang walang malay sa harapan ng Narra tree! alam mo bang halos takasan ako ng dugo sa sobrang pag-aalala at takot na baka may nangyaring masama sa'yo?"

nagulat man ay napangiti nalang ako. nakaramdam ako ng saya dahil sa ginawa nya. mabuti naman at nahanap nya ako. ang swerte ko sa kanya.

"thank you Emman. thank you for everything that you've done to me."

hinawakan nya naman ng mahigpit ang aking kamay na tila takot na mawala ako. then we stared into each other.

"promise me Allesha, you won't ever do that, again."

"I promise."

"good." then he sighed. hinalikan nya rin ang likuran ng aking kamay at nakaramdam na naman ako ng kakaibang kuryente dahil dun.

"by the way, Emman. sa'n ka ba galing kagabi? hinahanap kita." nag-aalalang sabi ko pa.

at hindi nga nakaligtas sa akin ang pagdaan ng guilt sa kanyang mga mata.
"I-I'm sorry multong pangit. s-sorry kung nasungitan kita kahapon. sobrang nagsisisi ako sa ginawa ko. nang dahil sa'kin ay nalagay sa panganib ang buhay mo. It was all my fault."

"It's okay. apology accepted. ano ba kasing nangyari? I want to know Emman."

napayuko naman sya at huminga ng malalim. hindi ko tuloy maiwasang kabahan.

"Do you remember Janna?"

napakunot ang noo ko.  "Janna? why? what happened to her?"

"She confessed her feelings to me."

napasinghap ako sa gulat. "What!?"

"Believe me multong pangit, I don't like her. hanggang kaibigan lang talaga ang turing ko sa kanya kaya nung umamin sya sa akin ay nagulat ako. of course I rejected her pero hindi nya matanggap ang sinabi ko. bago tayo umalis papunta dito sa Zambales ay tinawagan nya ako sa phone saying 'I must love her back'. at dahil nga hindi kami nagkaintindihan ay nagtalo kaming dalawa. that's the reason kung bakit badmood ako buong araw."

"kaya pati ako nasusungitan mo." tugon ko pa.

at naguilty na naman sya sa sinabi ko.
"I-I'm sorry. that's a biggest mistake. pangako, hindi ko na uulitin yun."

"siguradohin mo lang Emman kung ayaw mong masuntok na kita sa mukha. just so you know, ang pangit mo kaya kapag nagmamasungit." Irap ko pa.

"aww.. wala namang ganyanan. you're hurting my ego." pagdadrama pa nya.

natawa na lamang ako. "Ewan ko sayo!"

natawa nalang din sya at tumitig sa akin. dahil dun ay kitang-kita ko ang kislap sa kanyang mga mata habang nakatitig sa akin.

who would have thought na ang dating babae na kinaiinisan at pinagtatabuyan nya ay sya palang magpapaibig sa kanya? He even keep on saying before that he will never fall inlove with me pero kita mo nga naman ngayon, patay na patay sya sa akin. natawa nalang ako ng palihim.

"Allesha."

"mmm?"

"nagugutom ka na ba? do you want something to eat? just tell me at bibili ako."

I shook my head. "thanks but I'm still not hungry. mamaya nalang tayo kumain sa baba."

"Okay..." he sighed.  "Allesha."

"Mm?"

"sabihin mo sa akin, anong nasa isip mo ngayon?"

napatingin ako sa kanya dahil dun.
"Bakit?"

"wala lang. I just want to know."

"mmm.." napahawak naman ako sa aking baba at umaktong nag-iisip. "maliban sa naiisip kita? wala na eh bakit?"

"Huh?" gulat syang napatitig sa akin. "N-naiisip mo ako?"

I nodded. "wala namang masama hindi ba?"

"y-yeah." he looked away. hay naku, ang cute talaga ni Emman kapag namumula ang mga tenga.

napangiti nalang ako.

"Emman."

He looked at me. "yes?"

"may sasabihin ako."

"w-what is it?"

"I'm back."

"Ha?" clueless syang napatingin sa akin.

hays sabi na eh. di nya gets. natawa nalang ako at hinawakan ang magkabila nyang pisngi. Then I stared in his eyes while saying this,

"I said.. I'm back! your ugly ghost is back, Prinsipe dodong." then I gave him a genuine smile.


he frozed..

his eyes never leave mine. he was in state of shocked. hindi nga rin sya makagalaw eh. para syang naistatwa na hindi ko maintindihan.

parang pinaprocess pa nya ata ang mga sinabi ko kaya naman ay tinitigan ko na lamang sya, I'm waiting for his reaction hanggang sa bigla ko na lamang nakita ang unti-onting paglandas ng kanyang masaganang luha sa mata. dahil dun ay parang naapektohan rin ang aking puso.

"A-Allesha...T-totoo ba ang mga sinasabi mo?"  hindi makapaniwalang wika pa nya.

I jus nodded and smiled. "yes Emman. totoo. nagbalik na ang mga alaala ko. thanks to the name that you wrote in the Narra tree."

"Sh*t! oh damn, Allesha!"

the next thing I knew ay bigla na lamang syang napapatalon at nagsisisigaw na parang ewan sa tuwa kahit pa umiiyak. napaiyak nalang din ako kahit natatawa.

"Wooohhhh! She's Back! My girl is baaaack!!!" sigaw pa nya.

lumapit naman sya sa akin at hinila ako para sa isang mahigpit na yakap. then he looked straight into my eyes and I could see the happiness in him. ilang inches nalang ang pagitan ng mukha namin and I can now feel his breath on me.
"Y-you have no idea how happy I am today. thank you Multong pangit. thank you for coming back into my life."

"I m-made you a promise right? kaya tutuparin ko yun Emman. medyo natagalan nga lang k-kaya sorry ah?"

He cupped my face and search for my eyes.  "hey.. don't apologize. wala ka namang kasalanan. ang mahalaga ay nandito ka ulit at kasama ko. that's what matters right?" naluluhang sambit pa nya.

napatango nalang ako at kinagat ang labi para pigilan ang mga luhang di ko na napigilan.

"I love you, Emman. mula noon hanggang ngayon."

dahil dun mas lalo rin syang napaiyak sa tuwa.  "I love you too, Allesha. mula noon hanggang ngayon. you're still the one." he whispered under his breath.

"Emman, m-masaya akong mahalin ka. tanging ikaw."


and then we sealed it with a long and  very passionate kiss..

hindi mapagsidlan ang tuwang nararamdaman ko sa mga oras na ito. pakiramdam ko lumulutang kami sa ulap. It's like theres no other people in Earth except us.

masaya ako. sobrang saya to the point na parang sasabog na ang puso ko. para itong isang magandang panaginip at ayoko na lamang magising.

I love him. He's the man in my dreams. my prince charming.

my Prince Emman.











*/*/***/*//*/*/**/***/****


unedited...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top