ghost 86

ghost 86:

"OH my gosh Ysha! confirmed!" bulalas ni Jimnet sa kabilang linya.
napatigil naman ako sa pagtatype sa laptop at inayos ang pagkakahawak sa phone sa tenga.

then I smiled.
"talaga?"

"yes! I am pregnant!"

"wow! congrats! nagpacheck up ka na ba?"

"heto papunta na kami doon ni Andrey! alam mo bang nagtatatalon at nagsisisigaw sya nung malaman na buntis ako? Haha!"

"I'm just happy!"  I heard Andrey's voice in other line.

"Well, goodluck sa inyo." sabi ko pa at natawa.  "sabi ko na buntis ka eh. magiging tita na rin ako sa wakas! haha"

"well...excited na ako! hehe."

"oh sige balitaan mo nalang ako after check ups okay?"

"okay! bye "

I hanged up the call.

napangiti nalang ako at tinignan ang oras. saktong 5pm na pala kaya naman ay inayos ko na ang mga gamit at umalis ng building.

plano kong magkaroon ng quality time para sa sarili ko. wala lang, gusto ko lang ng peace of mind.

at dahil plano kong kumain mag-isa sa isang fine-dine restaurant ay dumiretso ako doon. umorder rin ako ng mga pagkain. I silently eat habang nag-iisip ng magandang gawin sa buhay ko.

iniisip ko kasi kung anong mangyayari sa akin in the future? magkakaroon kaya ako ng masayang pamilya? o baka isa na namang matinding pagsubok ang kailangan ko harapin at may isa na naman sa mga mahal ko sa buhay ang mawawala?

naalala ko bigla si Emman. ilang linggo na syang nanliligaw sa akin pero I'm still doubting myself for him. hindi naman sa ayaw ko sa kanya pero sabi nya kasi ay may nakaraan nga kami na hindi ko maalala. malakas ang pakiramdam ko na nagsasabi sya ng totoo kaya naman gusto kong maalala ang lahat ng iyon. gusto kong maalala ang lahat ng nangyari sa amin. mga alaalang nabura. pakiramdam ko hindi pa rin ako buo hanggat hindi ko pa naaalala ang mga kinuwento nya.

I sighed. inilibot ko ang aking paningin sa buong lugar at kaunti lang ang mga tao ngayon. may mga couple ang nagdedate, mag-asawa, at friends ang kumakain. may iba rin na katulad kong walang ibang kasama. I wonder, ano kayang iniisip nila ngayon? o kung may problema rin ba silang kinahaharap?

"Ysha?!" nagulat nalang ako nung makita si Mizhie na nakatayo sa harapan ko. mag-isa lang sya at di nya kasama ang kanyang asawa. napakurap nalang ako at napalunok.

"Mizhie.."

"omg! Ikaw nga! bakit mag-isa ka lang dito?" umupo naman sya sa harapan ko at tinignan ang pagkaing inorder ko.  "wala ka bang kasama?"

I shook my head. "wala eh."

"weh? seryoso?"

"yeah. ikaw? anong ginagawa mo dito? di mo kasama ang asawa mo?" tanong ko pa.

napangiti naman sya sabay iling.
"may kinausap lang kasi akong kaibigan. Ikaw? bakit di mo ata kasama si loverboy?" she gave me a teasing smile.

natawa nalang din ako. ewan ko ba, ang gaan ng pakiramdam ko sa kanya although mukha syang maingay na babae. kaya komportable agad akong kasama sya ngayon.
"Mm, gusto ko lang kasi ng quality time para sa sarili ko."

mas lalo lang syang napangisi at tinaasan ako ng kilay.
"sure ka? oh sige. anyway, tungkol nga pala dun sa inamin ni Emman, is it really true? na ikaw ang puno't dulo ng lahat?"

natahimik at napatitig ako sa kanya ng ilang segundo. alam ko namang may possibilities na itatanong nya sa akin ang tungkol dito pero i'm not prepared lalo na't wala rin akong maalala sa sinasabi ni Emman. hays, life parang buhay.

I sighed.
"A-ah Miz.. ang totoo kasi nyan... h-hindi ko rin alam ang sinasabi ni Emman eh."

Her eyes widened in shocked.
"what!? ibig sabihin, hindi totoo ang mga sinasabi ni Emman sa amin? na nagsisinungaling lang sya sa amin!?"

"N-No! hindi sa ganun..!" I gulped real hard. shemas pano ba to!
"a-ang totoo kasi nyan... I-I lost my memories kaya naman wala akong maalala sa mga sinabi nya."

"oh." napatitig nalang sya sa akin.  "ibig sabihin, totoo nga ang sinasabi nya. you were a ghost before and now you lost your memories? that's... so sad."

"H-hindi ka ba galit dahil sa nangyari?" tanong ko pa.

tinitigan nya naman ako sabay buntong hininga.
"ba't naman ako magagalit? it's all in the past at hindi na iyon maibabalik. isa pa, malaki ang naitulong ni Loyd sa akin kaya thankful ako sa kanya."

"but he didn't tell you his real motives."

"atleast he didn't lied." tugon naman nya.  "alam mo kasi Ysha, wala namang kaso sa akin kung hindi nya inamin ang totoong motibo nya. ang importante ay hindi sya nagsinungaling. and thats what matters."

napangiti nalang ako sa sinabi nya. she's right. its all in the past. at hindi na iyon maibabalik kailanman.

dahil sa sinabi ni Miz ay napahanga ako. malawak ang pang-unawa nya. at hindi rin sya nagtatanim ng galit sa tao. kaya di na ako magtataka kung nagustuhan sya ni Kenzo. mapapasana all na naman ako. hays.

"wala ka bang pinagsisihan sa naging buhay mo ngayon?" I suddenly asked, out of the blue.

natigilan naman sya sa sinabi ko pero napangiti rin kalaunan.
"ano namang pinagsisihan ko kung kasama ko ngayon ang mga taong mahal ko? I am so blessed to have them in my life."

I nodded.
"nakikita ko nga. ngiti mo pa lang halata na. I wonder, paano nyo nakuha ang masayang pagsasama ni Kenzo?"

"Mmm?" naitukod nya naman ang kanyang siko sa table at napahawak sa mukha na tila nag-iisip.
"Pinaglaban namin ni Kenzo ang aming relasyon. marami kaming mga pagsubok na hinarap pero lahat yun ay nalagpasan namin ng magkasama kaya naman lalong tumatag ang aming samahan at mas lalo pa naming minahal ang isa't isa."

"paano ba ang magmahal?"

natawa naman sya sa sinabi ko.
"kanta ba yan o tanong?"

"both? haha."

napangisi nalang sya sa akin na para bang may kakaibang naisip.
"Alam mo Ysha, marami tayong ways kung paano magmahal. nasa iyo yun kung paano mo ito ihahandle at kung paano mo ipapakita sa taong mahal mo na love mo sya? ikaw ang magdidesisyon nyan. pero kung usapang feelings? puso na mismo ang magdidikta nyan."  She pointed her heart. napaisip naman ako bigla sa kanyang sinabi. lahat ng sinabi nya ay totoo.
"bakit Ysha? ano na ba ang nararamdaman mo kay Emman?"

That hits me. ohmy! I'm not prepared by her question! kinabahan ako bigla.
"A-ahm..." ano na nga ba ang nararamdaman ko kay Emman? hindi ko rin alam eh.

"okay lang naman sakin kung hindi ka pa handang sumagot.  no pressure." then she laughed.

nakahinga naman ako ng maluwag. akala ko maiipit na naman ako sa mga Q and A portion na to.

Mizhie checked her watch then chuckled.
"Anyway, kailangan ko nang umalis. hinahanap na ako ng mag-ama ko. See you next time!" tumayo sya bumeso sa akin bago umalis ng nakangiti.

napangiti nalang din ako habang pinagmamasdan syang paalis ng lugar.

bakit kung titignan ko si Miz, parang walang problemang dinadala? she had this happy go lucky vibe. well, ganun din naman ako kaso dumating kasi sa mundo ko si Emman at napalitan ng confusedness.

***

"hay naku Maria! isa ka pang makulit."  saad ko pa.

nandito ako ngayon sa mansyon dahil gusto kong magchillax at syempre bumisita. at gaya nga ng inaasahan ay panay na naman ang kulit sa akin ng makulit kong kapatid tungkol kay Emman.

napanguso naman sya at sumandal sa sofa. then she crossed her arm.
"Ang daya mo talaga! we should meet that guy! aba hindi pwedeng hindi mo sya ipakilala sa amin dahil kikilatisin pa namin ang taong yun."

"alam ko naman yun. ang kaso-----"

"ayan na naman tayo sa mga reason na yan------"

"i'm not yet ready."

"Huh?" napatanga naman sya sa akin, nakanganga pa. "y-you're not ready?"

I nodded.
"yeah.. gusto kong ipakilala sya sa inyo kapag ready at sigurado na ako sa kanya.." I sighed then pouted.
"sa ngayon kasi...may mga bagay na kailangan pang ayusin. I still have a lot of doubts."

napanguso naman sya.
"Ate Ysha naman...kahit picture nya wala ka ba? I just wanted to see his face. "

I shook my head.
"I don't have one. pero pwede mo namang iresearch ang pangalan nya sa internet. sigurado naman akong meron syang picture dun."

biglang nagliwanag ang kanyang mukha.
"Really? what's his name then?"

"Emman loyd Fuerva."

"Emman loyd-----what?"  kumunot ang kanyang noo na para bang may biglang naalala.  "His name sounds familiar.."

"baka kilala mo nga talaga sya?" tanong ko pa.

She just shrugged her shoulders.
"Don't know.. maybe."

napatango nalang ako.

kinagabihan ay nadatnan ko nalang si Emman sa loob ng bahay at kausap ang mga magulang ko.

at nung makita nila ako ay agad nagliwanag ang mukha ni Emman samantalang nanunukso naman ang tinging ibinibigay sa akin ng magulang ko.

"Hey..." bati nya pagkaupo ko sa kabilang sofa.

"Hi. kanina ka pa ba dito?" tanong ko naman. he nodded.  "bakit di ka nagtext para umuwi ako ng maaga?"

"I just want to surprise you." then he smirked. Napailing nalang ako.

"Umm, sige maiiwan na muna namin kayong dalawa dyan ah?" sabi pa ni Mommy at dali-daling hinila paalis si Daddy. natawa nalang ako sa kanilang dalawa.

tinignan ko si Emman.
"bakit ka nga pala nandito?"

"binibisita ka. malamang."

I arched my eyebrow at pinanliitan sya ng mata.
"sigurado kang iyon lang ang pakay mo?"

natawa naman sya.
"bakit, may iba pa ba?"

"Sure ka?"

umiling naman sya sabay ngisi.
"nope.. actually nagpaalam na ako sa Daddy mo na dito matulog and he agreed."

agad nanlaki ang aking mata sa kanyang sinabi at napatayo ng wala sa oras.
"d-don't you dare! hindi pwede! ayoko!"

the last time na nakitulog sya sa kwarto ko ay disaster! paano ba naman, nilagyan nya ng kung ano-anong drawing ang mukha ko kaya muntikan na akong madulas sa Cr dahil sa gulat na makita ang hitsura ko. akala ko may multo akong nakikita sa salamin yun pala sarili ko lang! jusmiyo marimar! tapos ang walang hiya tinawanan lang ako. hindi lang yun, pinakialaman pa ang laman ng closet ko. shemas talaga!

"why not Allesha? is it because of what I did to your beautiful face?"
then he smirked at me. shems!

I glared at him.
"what do you think?"

"oh c'mon. ang ganda kaya ng drawing ko. bagay sayo." then he laughed. aba! pinagtawanan pa ako.

"hoy Mr. Fuerva seryoso ako ah! hindi ako papayag na matulog ka ulit sa kwarto ko! never! kung gusto mo sa guest room ka nalang matulog wag lang sa kwarto ko!"

"Sorry to dissapoint you but I will still sleep in your room whether you like it or not."

"Noo!"

***

sa huli ay wala na akong nagawa kundi ang hayaang makitulog sa aking kwarto si Emman. langya, ikaw ba naman pagtulungan ng tatlong tao sinong hindi susuko sa pagtanggi? si Mommy pinalo pa ako sa pwet dahil daw ang tigas ng puso ko. ano naman kayang kinalaman ng puso ko sa pagtulog ni Emman dito? minsan ang gulo ni Mommy.

at heto na nga kaming dalawa ngayon. parehong nakaupo sa magkabilang dulo ng kama at nakatitig sa isa't isa. nakangisi pa sa akin ang loko samantalang nakabusangot naman ang mukha ko. Jusmiyo! maisip ko palang ang mga posibleng mangyari mamaya at bukas ay gusto ko na sipain si Emman. pakiramdam ko kasi may binabalak na naman syang hindi kaaya-aya sa mukha ko! huhu!

"anong hitsura yan Allesha?" natatawang tanong pa nya sa akin.

sinamaan ko naman sya ng tingin sabay cross arm.
"ito ang hitsura ng mga dyosang babae!"

"oh? well, I can't blame you. maganda ka naman talaga eh."

nakaramdam naman ako ng kakaibang kiliti dahil sa sinabi nya pero buti nalang at nagawa ko pang itago ang kilig na nararamdaman.

"S-sa sahig ka matulog." sabi ko pa.

tinaasan nya lang ako ng kilay.
"ayoko."

"wag na matigas ang ulo. sa sahig ka naaa!"

natawa lang sya.
"C'mon Allesha. di ako pwede matulog sa sahig baka magkasakit pa ako. kargo de konsensya mo rin yun kapag nagkasipon at ubo ako."

"ha! ano ka, bata?"

"I'm your baby remember?" He smirked.

pinamewangan ko naman sya.
"at kelan ko sinabi yun?"

"mahal mo ako kaya automatic na yun.  I'm your baby.." nagtaas baba ang kanyang kilay.

napasinghal ako.
"grabe! ang lakas rin ng loob mong sabihin yan ah?" hindi makapaniwalang sambit ko pa kahit sa loob-loob ko ay sobrang bilis na ng tibok ng puso ko.

He smirked.
"bakit, hindi ba?"

"hindi!"

"sus, defensive."

"shut up Emman loyd."

he chuckled.
"alam mo may naalala na naman ako sa ganitong conversation natin."

"don't care---"

"dati, ako ang laging defensive sa ating dalawa tapos ikaw naman 'tong laging nang-aasar at hindi mo ako tinitigilan hangga't di ako umaamin ng totoo. ngayon ikaw naman ang tumatanggi."

natigilan naman ako at napatitig sa kanya.  'seryoso? nangyari na sa amin ang ganito dati? wow. it's like deja vu.'

"So Allesha Marie, I will sleep in bed at wala ka nang magagawa pa."

agad nanlaki ang aking mata sa kanyang sinabi kaya naman ay agad akong humiga bago pa sya makapwesto dito. I extended both of my arms and feet. ha! hindi sya pwedeng tumabi sa akin! ayoko! ayokoooo!!

natawa naman sya sa ginawa ko.

"you really think mapipigilan mo ako sa pwestong yan ah?" natatawang saad pa nya.

I shot him a death glare.
"Hindi ka matutulog dito!"

he just smirked.
"try me multong pangit, try me."

mabilis ang sumunod na nangyari. sa sobrang bilis ay namalayan ko nalang na nasa ibabaw ko na si Emman at sobrang lapit ng kanyang mukha sa akin. ilang inches nalang ang pagitan namin at halos magkadikit na ang aming ilong. I can also feel his breath.
kumabog ng malakas ang aking puso.

he's staring intently at me at halos di ako makahinga ng maayos. napatitig nalang din ako sa kanyang mga mata at dahil ang lapit namin sa isa't isa ay kitang-kita ko ang kasiyahan sa kanyang mga mata.

hindi ako makagalaw, literal. paano ba naman ang bigat nya eh.

then his lips formed into smile.
"Ang ganda mo Allesha." He said under his breath. pakiramdam ko namula ang buong mukha ko sa kanyang sinabi.

I gulped real hard.
"u-umalis ka nga dyan!"

pero imbis na sumagot ay hinawakan nya lamang ang aking mukha at nakaramdam agad ako ng kakaibang kuryente papunta sa aking tiyan. pakiramdam ko nanghina ako dahil dun! I gulped.
oh shemas! shemas! shemas!

"alam mo ba dati... lagi kong hinihiling na sana ay mabigyan ka pa ng pangalawang pagkakataon upang mabuhay at makasama ako? at ngayon... natupad na nga ang aking hiling." mahinang sambit pa nya.

nahigit ko naman ang aking hininga dahil sa kanyang sinabi.
"E-Emman..."

"konting tiis nalang Allesha at makakasama na kita habang buhay."

I gulped.
"W-what do you mean?"

"tutuparin natin yung mga sinabi mo sa akin dati."

"h-ha?"

sinabi? may sinabi ako sa kanya? at ano naman yun?

"Tell me Allesha.. d-do you still love me?"

I'm caught off guard by his question.
I don't know what to say. nablanko ang utak ko. my heart is beating rapidly. iyan din ang gusto kong itanong sa sarili eh. ano ba ang nararamdaman ko sa kanya? I still don't know. napatitig nalang ako sa kanyang magagandang mata at napalunok laway. he's waiting for my answer! shemas anong isasagot ko?
ayokong magsinungaling!

"E-Emman kasi-----"

and before I could finish my sentences ay sinunggaban nya na ang aking labi. natulala ako ng ilang segundo sa kanyang ginawa pero unti-onti ko naring ipinikit ang aking mga mata at tumugon sa kanyang mga halik. ikinawit ko ang aking mga braso sa kanyang leeg at hinawakan nya naman ang aking mukha as he deepend the kiss.

unti-onti rin akong nakaramdam ng kakaibang init sa katawan at mukhang ganun din ang naramdaman nya. nanghina ako lalo. pakiramdam ko nangangatog ang mga tuhod ko sa kanyang halik. It was  a long passionate kiss pero nagawa nitong tanggalin ang katinuan ko. it feels like heaven. parang ayoko na matapos ang gabing ito.

"I love you Allesha." he said between our kisses. ngumiti nalang ako.

***

"Emman hindi mo naman kailangan gawin to. nakakahiya na sayo." saad ko pa.

magkasama kaming dalawa ngayon papunta sa isang Restaurant para imeet si Allen at Joseph. kinausap nya kasi yung dalawa para kunin ko daw para sa pagpapatayo ng charity. silang dalawa ang magiging Engineer at architect and thankful ako dahil tinulungan ako ni Emman. gusto ko nga sanang ako nalang ang makipagmeet dun sa dalawa eh kaso nag-insist si Emman na samahan ako. kaya heto kami ngayon, magkasama sa kotse at sya ang driver.

sinulyapan nya naman ako saglit.
"Allesha, gusto kong samahan ka. wala akong tiwala sa dalawang unggoy na yun."

natawa naman ako.
"grabe ka naman. bakit, tingin mo ba may gagawin silang masama sa akin?"

"Wala naman pero hindi mapagkakatiwalaan ang mga bibig nun. baka kung ano pang masabi sayo. mas mabuti na yung kasama mo ako para safe."

I playfully rolled my eyes.
"hay naku Emman. over protective huh?"

"Of course Allesha kailangan kitang protektahan. I'm your Prince charming remember?"

"at kelan ko naman sinabi yun aber?"

"matagal mo na kayang sinabi sakin yun. di mo lang naalala."

"eh kasi hindi ko naman talaga sinabi yun "

nilingon nya naman ako at tinaasan ng kilay sabay ngisi.
"talaga lang huh?"

"talagang-talaga! hmp!" inirapan ko lang sya sabay tingin sa labas ng kotse. then I heard him chuckled. walangjo talaga tong si Emman. tawa ng tawa kahit wala namang nakakatawa. may sayad ata sa ulo. bahala na nga sya dyan.

pagdating namin sa Restaurant ay naabutan agad namin ang dalawang taong sadya ko. nakaupo na sila sa table at nung makita nila kami ni Emman ay agad silang kumaway at ngumiti.

"Hi guys! sorry kung ngayon lang kami nakarating." sabi ko pa pagkarating.

"It's okay. sakto lang din naman ang dating nyo." sabi pa ni Allen. napatango nalang ako at ngumiti.

pinaghila at inalalayan naman ako ni Emman ng upo. dahil dun nakatanggap na naman kami ng panunuksong ngiti mula sa dalawang lalaking kaharap namin.

"at kelan ka pa naging gentleman, Loyd?" pang-aasar pa ni Allen.

agad naman syang sinamaan ng tingin ng isa.
"shut the hell up!"

"sus, wag mo ngang inaasar yan. nagpapakitang gilas na nga sya sa nililigawan nya eh." sambit naman ni Joseph dahilan para humagalpak ng tawa si Allen at napasimangot naman ang katabi ko.

"oh well, ganun nga talaga kapag inlababo no? nagiging Alien si gago! HAHAHA!" Sabi pa ni Allen.

"nagagawa nga naman ng pag-ibig. tsk tsk tsk."

"Isa! kapag di pa kayo tumahimik bubusalan ko yang mga ngala-ngala nyo!" iritadong sambit pa ni Emman.

pero nginisihan lang syang dalawa at di pinansin ang banta. bumaling sa akin si Allen.
"Ms. Allesha. maaari ko bang malaman kung may pag-asa sa inyo ang kaibigan naming ito?"

"tumahimik ka Allen! hindi kami pumunta dito para makipag-asaran sayo!" singhal pa ni Emman pero tinawanan lang sya ng dalawa.

"suuussss!! ang sabihin mo takot ka lang malaman ang magiging sagot nya. diba Ysha? hahaha!"

"hindi ako takot!"

"totoooo???"

"gusto mo bang sabihin ko kay Kesha ang mga kalokohan mo, Allen? sabihin mo lang marami akong Ebidensya sa cellphone."

"ay wala namang ganyanan..." umaktong nasasaktan si Allen. may paemote-emote pa syang nalalaman kaya naman ay nakatanggap sya ng batok mula sa katabi na syang ikinatawa ko.  "f*ck it Joseph! what was that for?" he hissed.

"baliw! mukha ka kasing tanga. di bagay sayo maging artista! magpakaclown ka nalang pwede pa! laswa mo tignan takte hahaha!"

"sus! inggit ka lang eh! gumaya ka nalang kasi! haha"

"gago no thanks! mahal ko pa career ko."

"tarantado. tadyakan kita dyan eh."

"kayong dalawa ang tatadyakan ko kapag di pa kayo umayos!" inis na singhal ni Emman. ako naman ay pinagmamasdan lang sila. nakakatuwa silang kausap at kasama. puro kalokohan at nakakatawa ang mga pinagsasabi nila. haha.

pero dahil may importante nga kaming pag-uusapan ay kailangan na naming magseryoso.

tumikhim ako para kunin ang atensyon nilang lahat.
"Umm... Allen, Joseph."

"yes your highness?"

natatawa man ay pinilit kong maging seryoso. pinagsiklop ko ang aking kamay sa Mesa.
"First of all, I just want to say thank you for helping me in this project. alam kong mga busy rin kayo pareho pero talagang naglaan pa kayo ng oras para lang makausap ako."

"sus ano ka ba. maliit na bagay." umaktong bakla si Allen na kinaway pa ang kamay sa ere.

"ang gago nito. magseryoso ka nga!" natatawang sambit pa ni Joseph.

nilingon sya nito.
"bakit, seryoso naman ako ah? magpopropose ba ako kay Kesha kung hindi ako seryoso?"

"tangina nito!"

"gusto mo bang magback out si Kesha sa Kasal, Allen? sabihin mo lang ako mismo ang magsasabi sa kanya." banta pa ni Emman. agad namang natahimik ang isa at umaktong nagzip mouth.

napangiti nalang ako.
"So as I was saying... magpapatayo nga ako ng charity at kayong dalawa na ang bahala dito. aasahan ko ang cooperation nyo guys!"

"oo naman, Ms. Ysha! makakaasa ka sa amin. by next day ay pwede ko na ipakita sa inyo ang nagawa kong sketch." sabi pa ni Joseph sabay ngiti.

"thank you Joseph."

marami pa kaming napag-usapan regarding sa project at naging smooth naman ang pag-uusap naming lahat kahit may times na umaarangkada na naman ang topak ni Allen at mang-aasar na naman. well, hindi naman ako naiinis sa kanya. infact natutuwa pa nga ako eh kasi ginagawa nyang masaya ang usapan. at wala namang ibang ginawa si Emman kundi ang patahimikin ang kaibigan. natatawa na nga lang kami ni Joseph sa kanila.

after naming mag-usap ay nagkanya-kanya na kami ng uwi. may pahabol pang sinabi sa amin si Allen na talaga namang nakakatawa. itong katabi ko naman ay ang sama na ng tingin sa kaibigan. naku kung nakakamatay lang ang tingin, malamang kanina pa pinaglalamayan si Allen.

jusmiyo hindi ko alam na ganito pala ang tunay na ugali ni Allen. noong unang meet kasi namin ay mukha syang seryoso. di ko naman alam na may pagkabaliw rin sya minsan Hahaha.

At dahil nga ay wala naman na kaming gagawin ni Emman at ayaw pa nyang umuwi ay niyaya nya akong magdate. at dahil nga hindi naman ako nanalo sa pangungulit nya ay sumama nalang din ako.

nagulat pa nga ako nung dalhin nya ako sa Manila Zoo! shemas! sa lahat naman ng pwedeng pasyalan, talagang sa Manila zoo pa?! seryoso ba tong si Emman!?

"Emman, wala ka naman sigurong kasamang multong bata no para mamasyal tayo dito sa Manila zoo?" tanong ko pa pagkarating namin sa may entrance.

nilingon nya naman ako sabay tawa.
"just so you know Multong pangit, nung mawala ka ay nagsarado na rin ang third eye ko."

"so?"

He smirked.
"meaning to say wala tayong ibang kasama. it's a date remember?"

"eh bakit sa Manila Zoo?"

"eh bakit hindi?"

"seryoso ako Emman loyd!"

"seryoso rin ako sayo Multong pangit."

"ewan ko sayo!" inirapan ko sya at napacross arm na nilagpasan sya ng lakad. natatawang hinabol nya naman ako sabay akbay sa aking balikat.

agad ko namang tinanggal yun at pinaningkitan sya ng mata.
"seryoso Emman, bakit nga tayo nandito?"

"mm?" he smiled and looked around. "wala ka bang maalala sa lugar na to?"

napakunot ang aking noo.
"at ano naman ang maaalala ko dito?"

"dito mo rin ako dinala dati noong magdate tayo, di mo ba naalala?"

lumaylay ang balikat ko sabay tingin tingin sa malayo.
"ang kulit ng lelang mo. obvious namang wala akong maalala tinatanong mo pa." naku-naku talaga tong si Emman! abno rin minsan eh. tsk tsk tsk!

he just laughed.
"malay ko bang nagpapanggap ka lang walang maalala?"

"ewan sayo."

tumawa lang sya at hinila ako papasok. at dahil narito na rin naman kami ay susulitin ko na ang pagkakataon. una naming pinuntahan ang mga Monkeys. tuwang-tuwa si Emman habang nakatingin dito. kung anu-ano pang pinagtuturo nya at kamukha ko daw. binatukan ko nga, abnoy eh. pero ewan ko ba, habang nakatingin ako sa mga unggoy pakiramdam ko may nararamdaman akong kakaiba. tuwa? lungkot? di ko maintindihan. ipinagkibit balikat ko na lamang iyon.

"Allesha."

"Mm?" tanong ko habang pinagmamasdan ang mga unggoy.

"may naalala ako dito."

napalingon ako sa kanya dahil dun.
"Ano yun?"

"kinakausap mo dati yung mga unggoy na parang katropa mo lang. hindi lang yun, ikwinento mo pa ako sa kanila."

kinausap ang mga unggoy? tropa?

natawa naman ako.
"t-talaga? Haha! sinabi ko yun?"

he nodded.
"yeah. ang weird mo kaya nun."

I smirked.
"atleast maganda."

natawa nalang din sya at hinawakan ako sa buhok.
"Oo na."

sunod naming pinuntahan yung mga ibon. at gaya nga ginawa ni Emman kanina ay kung anu-ano na naman ang mga pinagtuturo nya na kamukha ko daw. may kasama pang tawa ah? langya. trip ba ako ni Emman ngayon? ang lakas ng energy nya para mang-asar. hinayaan ko nalang. nag-ienjoy akong panoorin ang mga ibon eh.

marami pa kaming pinuntahang mga hayop pero dahil nga may tour guide slash maingay akong kasama ay napunta nalang sa kanya ang buong atensyon ko. panay ang kwento ni Emman tungkol sa mga hayop eh. konti nalang iisipin ko na talagang pinaghandaan nya tong date na to. halatang nagresearch eh. natawa nalang ako sa naisip.

at dahil nga napagod kaming dalawa kakalakad ay napagpasyahan naming umupo at magpahinga muna. bumili naman sya ng tubig at ininom ko naman ito.

"Allesha."

"mm?"

"natatandaan mo ba?"

"hindi."

"malamang. di ko pa nasasabi sayo eh."

sinamaan ko sya ng tingin samantalang tinawanan nya lang ako.
"ano ba kasi yun?"sabi ko pa.

umayos naman sya ng upo at hinarap ako.
"naalala ko dati, dito ka humiling sa akin na mag-alaga ng Aso."

mag-alaga ng Aso?

agad nagliwanag ang mukha ko sa sinabi nya.
"t-talaga?"

He nodded then chuckled.
"yup. sinungitan pa nga kita nun eh. hindi naman kasi ako mahilig sa mga aso tapos bigla kang hihingi sa akin ng favor?"

"siguro dahil alam ko talagang kaya mo naman mag-alaga ng aso." sabi ko pa.

"you think so?"

I nodded.
"hindi naman magiging malambing sayo ang aso nyo sa bahay kung hindi mo sya naaalagaan ng maayos diba?"

"bakit di mo mabanggit-banggit ang pangalan ng aso, Multong pangit?" ngisi pa nya. inirapan ko nga, nang-aasar na naman eh. natawa naman sya at inakbayan ako.  "alam mo Allesha, ang swerte-swerte ko na nakilala kita."

"at kelan pa ako naging lucky charm Emman loyd?"

"simula nang makilala kita, ikaw na ang lucky charm ko."

I eyed him.
"talaga? di nga? baka nga ako pa nga ang sinisisi mo dati kapag may hindi magandang nangyayari sayo eh."

"oh? paano mo nalaman?" gulat na tanong pa nya. Nagkibit balikat lang ako.

"dunno. instinct? bakit, totoo 'no? ano?" pang-iinis ko pa.

natawa nalang sya sabay iling.
"alam mo konti nalang talaga at iisipin kong nagpapanggap ka lang na nawalan ng memorya."

I rolled my eyes then crossed my arm.
"hay ewan ko talaga sayo Emman."
nasabi ko nalang.

magsasalita pa sana sya nung biglang tumunog ang phone ko. at nung tignan ko kung sino ang caller ay nagkatinginan nalang kaming dalawa ni Emman sa isa't isa. his eyes were asking kung sino ang tumatawag.

Si Papa.. tumatawag. bakit kaya?

I cleared my throat then answered the call.

"Hello? Papa?"

"Ysha, where are you?" nahihimigan ko ang pagiging seryoso sa boses ni Papa. I mean, lagi naman seryoso ang boses nya pero hindi naman sya ganito magsalita sa akin kapag tumatawag kaya bakit kaya?

napalingon nalang ako saglit kay Emman na ngayon ay nakatingin rin sa akin.

"U-uhm, bakit po?"

"sino ang kasama mo ngayon?"

napakurap ako sa kanyang tanong.
"P-po? bakit nyo naman po natanong?"

"Kasama mo ba ngayon ang lalaking manliligaw mo?"

natahimik ako.

my heart instantly beating faster. pakiramdam ko nagkakaroon ako ng kasalanan sa magulang ko shemas! paano nalaman ni Papa ang tungkol kay Emman? did my parents and sister told him? muli akong napalingon kay Emman.

"U-uhm, p-paano nyo po nalaman na may manliligaw ako, papa?" kinakabahang tanong ko pa.

"your sister told me. and his name is Emman loyd Fuerva, huh?" I can hear the dissapointment in his voice. lalong dumoble ang kaba ko shemas! nasa tamang edad naman na ako pero pakiramdam ko para akong teenager na nahuling may manliligaw at bawal pang magboyfriend!

"A-ah kasi po----"

"bakit di mo sinabing may manliligaw ka na?" seryosong tanong pa nito. takteee meenn!seryoso nga sya!

"Papa sorry po------"

"I don't need your apologize, Ysha. I'm so dissapointed. I am also your father pero di mo sinabi sa akin ang tungkol dito."

napapikit ako ng mariin. oh my goodness! my father is not happy about this! what to do? pakiramdam ko naglihim ako ng malaki sa kanya. lintikkk!

"P-papa kasi----"

"no need for explanation. pumunta kayo dito sa Mansyon ngayon din. iharap mo sa akin ang lalaking yan."

napasinghap ako sa gulat at kaba. oh my! seryoso?! ngayon na!? pakiramdam ko nagtriple ang kaba saking dibdib.

"P-papa----"

"Now Allesha. Now. hihintayin ko kayo."

"p-pero----"

at binabaan nga ako ng tawag ng papa ko. napakagat labi nalang ako sabay hinga ng malalim.
patay.. mukhang panibagong explanation na naman tong gagawin ko mamaya. lintikkk sana naman di umandar ang pagiging cold ni Papa mamaya! lagot. pakiramdam ko mahihimatay ako sa kaba. shemenia!

"what does your father told you?" napalingon ako kay Emman at nagtama ang aming mga mata. He had this worried look on his handsome face.

I sighed.

"Emman, k-kailangan nating pumunta sa mansyon ngayon. my biological father wants to meet you."

at gaya nga ng inaasahan ay nagulat sya sa aking sinabi.

okay.. kaming dalawa ang lagot ngayon.





***


buong byahe kaming tahimik at walang imikan ni Emman. nakapukos lang ang buong atensyon nya sa kalsada samantalang ako, heto at kung anu-anong chants at dasal na ang sinasabi ko para lang mabawasan ang kabang nararamdaman.

wala naman dapat akong ipag-aalala pa dahil nasa tamang edad naman na ako para sa lovelife pero di ko parin maiwasang hindi kabahan lalo na't iba si Papa kesa kay Daddy. si Daddy kasi ay madaling i-please pero si Papa? mapapadasal ka nalang talaga.
boses pa lang nya kanina nakakakaba na paano pa kaya kapag nakita na namin ang mala-antarctic circle nyang mukha?

bumukas ang malaking gate ng mansyon at halos takasan na ako ng dugo sa sobrang kaba. naku pasmado pa naman ako! shemas! mukhang dadaigin ko pa ngayon si Emman sa kaba ah. sya dapat ang kinakabahan hindi ako kasi sya naman ang haharap at magpapakilala sa papa ko pero sa nakikita ko ngayon mukhang ako ang manliligaw at hindi sya! takte.

mahina ang speed ng sasakyan ni Emman pagkapasok namin lalo na't maraming mga bantay at tauhan ngayon ang nandito. nakakatakot pa naman sila dahil gaya ni Papa ay wala ring mga reaction ang mga ito. pinahinto nila saglit ang kotse ni Emman at pinababa ang bintana para makita ang mukha nya. napabuntong hininga nalang ako at sinenyasan ang mga mukhang hoodlum na lalaki na pabayaan kami. agad naman silang tumalima nung makita ako.

check points ikaw ba yan?

dinaig pa nila ang mga MMDA sa sobrang strikto.

"wew.. I never thought that this mansion is bigger than i expected." puna pa ni Emman pagka-park nya sa kotse.  he looked at me. "your biological father's very rich, huh? ang dami ring mga tauhan sa bawat sulok ng lugar. sa gate pa lang pahirapan na makapasok. di basta-basta makakapasok ang mga sindicate at magnanakaw dito." iling pa nya.

napabuntong nalang ako.
"yeah. sinisigurado kasi ni papa na secured tong mansion lalo na't marami ang masasamang tao sa labas. he just wanted to keep us safe." napatango nalang sya at muling nilingon ang mga tao sa labas ng kotse.  "lets go."

nauna akong lumabas ng kotse at sumunod naman sya.

at gaya nga ng inaasahan ay halos matulala sya sa pagkamangha nung makita ang kabuuan ng mansion. well, I can't blame him. ganyan na ganyan din ang reaksyon ko dati noong unang tapak ko palang dito.

nagsimula akong maglakad papasok sa loob at sumunod naman sya.
at gaya nga ng inaasahan ay napapatingin na naman sa amin ang mga tao sa bahay. lalong-lalo na yung mga katulong na mapapahinto sa ginagawa, tatabi, titingin at magbubulong-bulungan. hay di na sila nagsawa sa kagandahan ko chars. pero tingin ko itong katabi ko ang dahilan ng mga malalagkit na tingin ng mga katulong lalo na yung ibang mga kababaihan. yung iba kinikilig pa. well, I can't blame them ang gwapo naman kasi ng kasama ko.

"Damn Allesha. alam kong anak ka ng mayayamang tao pero di ko inaakalang sobrang yaman pala ng pamilya mo."

nilingon ko naman sya at natawa nalang.
"sila lang yung mayaman, hindi ako." sabi ko pa.

"still."

napailing nalang ako. parang ewan kasi tong Emman. pero thankful ako dahil nabawasan kahit papa'no ang kabang nararamdaman ko. eh bakit naman kasi ako kakabahan eh tatay ko lang naman yung haharapin namin? as if naman papatayin ako ng sariling ama. napailing nalang ako sa naisip. ngayon ko lang narealize na wala naman pala akong dapat ikabahala. saka isa pa, kasama ko naman si Emman.

pero wait! may naalala pala ako.

huminto ako sa paglalakad at hinarap si Emman na napahinto rin at nagtatakang nilingon ako.

"why? is there something wrong?" takang tanong pa nya.

pinaningkitan ko sya ng mata.
"do you know my father?"

napakunot ang kanyang noo.
"what do you mean?"

I sighed.
"nakilala mo na ba ang papa ko? like have you met him before?"

"Mm? hindi pa. pero nakita ko na sya sa isang magazine dati. why?"

"Emman, hindi basta-bastang tao ang papa ko."

napangiti naman sya.
"I know Allesha."

"Emman, what am I saying is Mr. Cantilian is a cold hearted, authoritative, and scary person. meron syang kakaibang awra na talagang matatakot ka talaga." paliwanag ko pa.

natahimik naman sya ng ilang segundo at napatitig sa akin. pero hindi nakaligtas sa akin ang kakaibang kaba at pag-aalinlangan na dumaan sa kanyang mga mata.

"a-are you sure?" kinakabahang tanong pa nya. I just nodded. "stop saying that Allesha. baka naman tinatakot mo lang ako para magback out." natawa sya pero halatang kabado naman.

napabuntong hininga nalang ako.
"hindi kita tinatakot Emman. binabalaan lang kita. nakita mo naman siguro ang reaksyon ko kanina nung sinabi ko sayong pinapapunta tayo dito diba?" at doon na nga sya tuluyang natigilan at natahimik.  "hindi kita pipilitin kung ayaw mong maniwala sa akin. basta ito lang adviced ko sayo. wag kang magpakitang-gilas dun dahil walang epekto sa kaya yun. hindi sya katulad ni Daddy na madaling i-please. lets go."

hinawakan ko sya sa kamay at hinila papasok sa napakalaking bahay. medyo natawa pa ako nung mapansing pawisan na ang kanyang mga palad. shemas parehas lang naman kaming kinakabahan eh kaya ayos lang.

pagdating namin sa sala ay naabutan ko ang isa sa mga katulong dito na nag-aayos ng mga gamit doon. at nung makita nya kami ay agad syang bumati.

"magandang araw po Maam Ysha."sabi nya sabay lingon sa lalaking katabi ko. at kitang-kita ko agad ang paghanga sa kanyang mga mata habang nakatitig kay Emman. lakas talaga ng karisma ng katabi ko.

"where's Papa and Maria?" tanong ko pa dahilan para muli syang mapatingin sa akin na parang napapahiya.

"u-uhm n-nasa dining room na po."

tumango naman ako sabay ngiti.
"sige salamat."

dumiretso kami sa dining room and there! I saw Papa and Maria talking to each other. at kung kanina ay nabawasan ang kabang nararamdaman ko ay muli na naman itong bumalik ngayon. shemas! hindi naman ako kakatayin pero pakiramdam ko iyon talaga ang mangyayari.

napabuntong hininga nalang ako at kinapalan ang mukha.

nagpakita kami sa kanila dahilan para mapahinto sila sa pag-uusap at mapalingon sa akin. nakita ko agad ang paglawak ng ngisi sa akin ni Maria lalo na nung makita ang lalaking kasama ko samantalang as usual, mas malamig pa sa yelo ang mukha ni Papa habang nakatingin sa amin, lalong-lalo na kay Emman.

"H-hello po Papa." lumapit ako at hinalikan sya sa pisngi. tinangunan nya lang ako at tumingin kay Emman.
"u-uhm, si Emman po pala."

"A-ah h-hello po Sir." kinakabahang bati pa ni Emman. gusto ko sanang matawa dahil para syang tanga na di alam ang gagawin sa harapan ng papa ko. narealize nya atang totoo yung mga sinabi ko kanina. medyo namumula rin ang tenga nya eh. halatang pigil rin ang paghinga nya.

"take a seat." walang emosyong sambit ni Papa. agad ko namang hinila si Emman paupo sa bakanteng silya kaharap ni Maria na ngayon ay titig na titig kay Emman.

"ohh so sya pala ang manliligaw mo ate Ysha. ang gwapo ah? familiar sya sa akin." kinikilig na sambit pa nito.  "tell me Mister have we met before?"

"a-ah I think? maybe? I'm not sure." alanganing tugon naman ng katabi ko. napanguso nalang si Maria.

"So, he's is your suitor huh?" seryosong sambit pa sa akin ni Papa.

napangiti naman ako ng alanganin.
"uhm, opo. Sorry po kung di ko po nasabi sa inyo agad."

hindi ako sinagot ni Papa bagkus ay tinitigan nya lamang si Emman na di makatingin ng maayos sa kanya. sabi na eh, naintimidate rin sya sa presensya ni Papa.

"tell you young man, do you love my daughter? are you serious about this courtship?" walang emosyong tanong ni Papa dito.

nagkatinginan kami ni Emman and I can see na kinakabahan nga sya. yung kamay nya medyo nanginginig na kaya naman ay agad ko itong hinawakan para di mahalata ni Papa. tinanguan ko rin si Emman then gave him a reassuring smile. dahil dun ay kumalma sya ng kaunti at sinalubong ang nakakaintimidate na titig ni Papa.

"Y-yes sir. I really love Allesha and I'm willing to sacrifice everything just for her." matapang na sagot nya kay Papa.

pero hindi nagbago ang reaksyon ni Papa.
"how sure are you? sigurado akong ngayon lang kayo nagkakilala ng anak ko. imposibleng mainlove ka sa kanya sa loob ng maikling panahon."

"a-alam ko po yun. pero sorry to say this pero matagal na po naming kilala ang isa't isa kahit ngayon lang po ako nagkaroon ng pagkakataon na ligawan si Allesha."

tinaasan lang sya ng kilay ni Papa.
"oh really? gaano ka kasigurado na mahal mo nga ang anak ko at di mo sya sasaktan sa huli?"

"I am 100 percent sure na mahal ko po si Allesha. matagal ko na po syang mahal at hindi pa rin po iyon nagbabago mula noon hanggang ngayon. sya parin po ang laman ng puso't isipan ko at ipaglalaban ko po sya hanggang sa huli."

napatingin naman sa akin si Papa sabay buntong hininga.
"Ikaw Ysha. are you sure about this guy? alam mong sa panahon ngayon at sa sitwasyon ng ating pamilya ay hindi tayo pwedeng basta-basta nalang tatanggap ng ibang tao sa buhay. I don't want to repeat all of the chaos that We encountered before. you know what I mean."

I gulped real hard.
"I k-know Papa."

muli syang bumaling kay Emman.
"and you, I don't like you for my daughter."

lahat kami ay nagsinghapan sa narinig. nagkatinginan pa kami ni Emman at gaya ko ay nagulat rin sya sa sinabi ni Papa. like oh my gosh!
bakit??? napanganga nalang ako.

"Daddy! are you serious? napakagwapo ng lalaking dinala ni ate Ysha dito tapos you don't like him?!" gulat na tanong pa ni Maria.

nilingon naman sya ni Papa at sinamaan ng tingin.
"I don't care about the looks. All I care is your Sister's safety. hindi nyo man lang ba naisip na baka may binabalak sa pamilya natin ang lalaking ito knowing the fact na anak kayo ng isang mayamang tao."seryosong tugon pa ni Papa.

"pero papa----"

"I'm sorry to say this but my intention is pure. kung wala po talaga kayong tiwala sa akin ay pwede nyo pong ipabackground check ang family ko." sagot pa ni Emman na medyo mahigpit na ang pagkakahawak sa aking kamay. tinitigan lang sya ng malamig ni Papa.
"Naiintindihan ko po kung pinoprotekhan nyo lang ang mga anak ninyo but please give me a chance to prove to you that my intention to your daughter is pure. alam ko po ang history ng pamilya ni Allesha at nirerespeto ko po iyon."

"that is not enough reason para hayaan kang ligawan ang anak ko."

"gagawin ko po ang lahat sir. hindi ako papayag na malayo sa akin si Allesha. hindi ko po kakayanin kapag nangyari iyon. kaya ko naman po syang buhayin eh, I have enough money and businesses to build a family with her. mahal na mahal ko po ang anak nyo. minsan na syang nawala sa akin at ngayong muli syang nagbalik ay hindi na ako papayag pang mawalay ulit sa kanya." paninindigan pa ni Emman dahilan para kumabog na naman ng malakas ang aking puso.

natahimik si Papa kaya naman ay nagsalita na rin ako.
"Papa, please give Emman a chance. alam ko pong wala kang tiwala sa kanya pero sinisigurado ko po sa inyo na mabait syang tao. hindi ko naman po sya papayagang manligaw kung hindi sya mabuting tao. you know me Papa, I don't entertain boys. kaya nga po NBSB ako diba? isa pa po, nasa tamang edad naman na po ako para magdesisyon sa aking sarili. so why not give him a chance? matanda na ako Papa at hindi habang buhay ay single ako, kami ni Maria. can't you trust me?" sa akin naman napatingin si Papa.

"Oo nga Daddy! I agree on ate Ysha!" dagdag naman ni Maria habang napapatango.  "ayaw mo ba kaming mag-asawa? ano forever single kami, ganun? aba hindi ako papayag! gusto rin namin maranasan ang magkaroon ng lovelife no saka makakasama hanggang sa pagtanda. so please, give them a chance! wag nyo naman po kaming itulad sa mga naging failed past relationship nyo daddy."

"I am not comparing you to my past relationship. I am just protecting you." mariing tugon ni Daddy.

"pareho narin yun!"

"Daddy naiintindihan ko po kung inuuna nyo ang safety ko pero kaya ko naman po ang sarili ko eh. All I ask is a chance from you Papa. just please? please?"  nagpuppy eyes pa ako sa kanya. hoping na maawa sya sa akin.

napatitig nalang sya sa aming tatlo at ilang segundong natahimik. kami naman ay hinihintay ang kanyang magiging pasya. nagdadasal na nga ako sa isip na sana payagan nya si Emman. all people deserves a chances! aba lahat tayo may kalayaang mamili ng taong mamahalin.

"ano daddy, anong pasya mo?" umaasang tanong pa ni Maria.

napalingon naman sa aming dalawa si Daddy at pinaningkitan ng mata si Emman bago sya pumikit ng mariin at huminga ng malalim.

"Fine. I'll give you a chance. just make sure na hindi mo sasaktan ang anak ko. maliwanag?" seryosong sambit pa nya kay Emman.

"y-yes sir!" agarang sagot pa ng katabi ko.

at halos magtatalon kami sa tuwa dahil dun! ang laki na nang mga ngiti naming dalawa ni Maria. nagliwanag rin ang mukha ni Emman at sabay-sabay naman naming sinabi ni Maria ang salitang,

"Yeessss!!!"



**/*/*/*/*//**/****/****

unedited....

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top