ghost 84

ghost 84:










It's been 3 days mula nung halikan ako ni Emman sa harapan ng simbahan. romantic na sana kaso nakakahiya dahil ang dami palang nakatingin sa amin. agaw atensyon tuloy kami. anyway, tapos naman na yun.

at heto ako, busy na naman sa office. gumagawa na rin ako ng plano para sa pagpapatayo ng Charity. syempre kailangan pang mag-isip ng Mission and Vission.  buti nalang at tinutulungan na ako ni Papa at Daddy.  marami na silang nacontact na maaaring makatulong sa binabalak ko.

biglang tumunog ang phone ko at bumungad naman ang pangalan ni Emman sa screen. I sighed.

yeah, I save his phone number. hindi nya kasi ako tinigilan hangga't hindi ko nasisave ang number nya. ang kulit eh. at araw-araw na rin syang nagpapadala ng mga bulaklak sa bahay. konti nalang mapupuno na talaga ng bulaklak ang bahay namin. tapos heto namang Mommy ko kilig na kilig kesa sa akin. buti nalang din at hindi pa kami nagkikita ulit after nung nangyari sa Baguio. busy rin kasi sya katulad ko kaya naman sa text at calls lang kami nagkakausap.
pero ewan ko ba, namimiss ko na ang presensya nya. yung yakap, holding hands, at k-kiss. syempre namimiss ko yun. at parang gusto ko syang nakikita araw-araw. shemasss!!! naloloka na ako sa sarili ko!

this is not meeee!!

muli akong napalingon sa phone kung saan tumatawag parin sya. I cleared my throat then answered the call.

"H-hello?"

"Allesha." my heart automatically beating faster upon hearing his voice calling my name.

I bite my lips to prevent any stupid sentences. nagpanggap rin akong bored na bored.
"Why?" aba syempre hindi nya pwedeng malaman na naiexcite ako.

"are you free tomorrow?"

napakunot ang noo ko.
"bakit?"

"I am inviting you for my mother's birthday celebration."

kumabog ng malakas ang aking puso.
"b-bakit?"

"damn, Allesha. anong meron sa bakit at yan nalang lagi ang sinasabi mo?" natatawang saad pa nya.

napakagat labi naman ako para pigilan ang pagtawa. oo nga? puro bakit nalang pala lumalabas sa bibig ko?

"anyway, pupunta ka ba? I am expecting you to come." muling tanong pa nya.

napaisip naman ako sabay ngisi kahit di nya nakikita.
"mm, paano kung ayaw ko? may magagawa ka?"

then I heard him laughed.
"Of course. hindi ako papayag na hindi ka makakapunta bukas."

naningkit ang aking mga mata.
"sige nga? aabangan ko yang gagawin mo."

"damn. hindi ka talaga papayag hangga't di kita napipilit no?" he laughed.

napakagat labi naman ako. .
"Well, thats me. oh sya, marami pa akong gagawin. storbo ka eh working hours ko pa ngayon, bye!"

then I hang up the call.

mm,  ano kayang gagawin nya? naiexcite akong malaman.  hehe.

pero kahit wala naman syang gawin ay sasama parin ako. alam ko naman kasing bago nya ako yayain ay nagpaalam na yun kay Daddy kaya naman may karapatan na syang pilitin ako. oh diba? kakampi nya mga magulang ko. kahit nga ata mga kaibigan ko kapag nakilala sya ay kakampihan rin sya. sa madaling salita, wala akong kakampi laban sa kanya. hays poor me.

kinagabihan, dumiretso muna ako sa isang bakeshop. eh sabi ni Emman birthday daw ng Mama nya bukas eh nakakahiya naman kung wala akong dalang regalo. oh diba, ang bait ko talaga hehe. 

saktong papalabas na ako ng bakeshop nung makita ko naman ang familiar na babae na papasok dito. hanggang balikat ang buhok nitong kulay red, nakashirt and jeans tapos may dalang paperbag. may kasama rin itong isang Familiar na lalaki. napahinto tuloy ako at napatitig sa kanya. oh my gosh!

"K-Kesha?!" gulat na tawag ko sa kanya.

napahinto naman silang dalawa at napalingon sa akin. Kesha stared at me for a while bago sya mapasinghap sa tuwa nung mamukhaan ako.
"Oh my gosh! Ysha!" tumakbo sya at niyakap ako ng mahigpit. napangiti naman ako.
"Omg talaga! is that you?! grabe it's been a while! kumusta ka na? 3 years din tayong di nagkita ah? yung huling kita natin ay nung magbakasyon kami ni Kel sa America!" tuwang-tuwang sambit pa nya.

natawa naman ako..
"heto.. okay naman na. ikaw? kumusta na? grabe, ang laki ng pinagbago mo ah." pinasadahan ko sya ulit ng tingin.

natawa rin naman sya.
"well, inspired eh. 'nga pala, nakita kita nung nakaraang gabi na kumakanta sa Stage dun sa Bar. infairness ang ganda parin ng boses mo ah walang pinagbago! haha."

nanlaki naman ang mata ko sa sinabi nya.
"n-nandun ka rin nun?!"

she nodded.
"Yups! sayang nga lang umalis ka agad eh lalapitan sana kita. anyway, sorry kung hindi kita nakamusta agad nung pagkarating nyo dito. may inaasikaso kasi ako."

I smiled.
"ay ano ka ba! okay lang yun no! I understand. saka di naman ako VIP person."

"eh kahit na! di bale, babawi ako sayo kapag may free time na ako. huh! di ako papatalo kay Kel no? talagang pinagmamayabang nya sa akin na nagdate daw kuno kayo. lokong yun, pina-inggit pa ako."

natawa ulit ako sa sinabi nya.
"talagang sinabi nya yun sayo? grabe ah? kung alam mo lang na todo reklamo sa akin ang lalaking yun dahil nalate ako ng 20 minutes sa usapang calltime namin."

pabiro syang umirap.
"eh ano pa bang aasahan mo dun eh mahalaga nga daw sa kanya ang bawat segundo."

"bossing na bossing eh."
natawa kami parehas..

napatingin naman ako dun sa lalaking kasama nya na kanina pa pala nakikinig sa amin. at mukhang napansin ata ni Kesha ang tinitignan ko kaya naman ay hinila nya ito papunta dito.

"Ah nga pala Ysha. Fiance ko, si Allen."

gulat na napalingon ako sa kanya pati kay Allen.
"F-Fiance mo?!!"

tumango naman sya sabay kinawit ang kamay sa braso ng lalaki.
"Yup. nagulat ka ba? haha. sorry kung di ko pa nasabi sayo. ikakasal na kami."

muli akong napalingon sa lalaki sabay ngiti. nakatitig lang kasi sya sa akin na para bang iniisip kung saan ako nakita. medyo nakakunot ang noo nya eh. well, familiar rin naman talaga sya sa akin.

"A-ah hi! ako nga pala si Ysha." inabot ko ang aking kamay for shakehands.

"Allen Garcia." tinanggap nya naman ang aking kamay at sabay na ngumiti.
"you look familiar, have we met before?" nakangiti ngunit nagtatakang tanong pa nya.

medyo tumagilid ang aking ulo at pinaningkitan sya ng mata.
"Nope... but you look familiar too."

napatango naman sya.
"Mmm.. siguro may kamukha ka lang."

sumang-ayon nalang din ako.
"siguro nga."  bumaling ako kay Kesha.  "sige Kesh, una na ako."

ngumiti naman sya.
"oh sige. babay! hehe."

nagbeso kami sa isa't isa at tinanguan ko naman si Allen bago ako umalis.

pero napapaisip parin ako. Familiar talaga si Allen eh. di ko nga lang talaga maalala kung saan sya nakita.

mmm... san ko ba sya nakita?


***




kinabukasan, nagising nalang ako sa malakas na katok ni Mommy.

ano ba naman. antok na antok pa ako eh.

tamad akong tumayo at napapahikab pa bago ko buksan ang pintuan. papikit-pikit pa nga ako eh buti nalang di ako nabangga sa pader.

"Hoy Ysha! bakit tulog ka parin? anong oras na oh!" sermon pa ni Mommy pagkabukas ko ng pintuan.

napahawak naman ako sa tenga ko habang napapakamot sa batok.
"Mom, rest day ko ngayon. ano ba kayo..."

jusme. mukhang di pa ata alam ni Mommy na rest day ko ngayon. nakakaloka inaantok pa ako eh.

"Ano? oh my gosh, Anak! alam kong rest day mo ngayon."

napanguso ako.
"eh alam nyo naman po pala eh bakit ginigising nyo pa ako eh ang aga-aga pa. inaantok pa'ko." sabay hikab ko.

pinamewangan nya naman ako at pinaningkitan ng mata.
"Wala ka bang alam?"

"wala po."

"Emman is already here! may usapan kayong pupunta sa kanilang bahay diba? nakalimutan mo na?"

awtomatikong nagising ang diwa ko sa sinabi nya. oh my gosh! oo nga pala! ngayon pala yun! nakalimutan ko!

gulat akong napasilip sa kaliwa't kanan ng hallway bago muling bumaling kay Mommy.

"n-nasan na po sya?" tanong ko pa.

"nasa baba na sya, kanina ka pa hinihintay." tinulak nya ako papasok sa loob. "bilisan mo na, magbihis ka na! nakakahiya dun sa tao kanina pa sya nandun sa Sala. sige na!" at muli na naman po akong tinulak ni Mommy papasok sa Banyo. ayos tong Mommy ko, kakaiba talaga sya pag si Emman na ang nagiging usapan. natataranta. Awittt!!

at dahil nga nakakahiya daw na pinaghihintay ang bisita ay lalo ko pang binagalan ang pagbibihis. haha. wala lang, gusto ko lang testing-in ang patient ni Emman. Hmp! tignan natin kung hanggang saan ang kaya nya!

pumasok ako sa closet at namili ng magandang damit na isusuot. yung ripped jeans at Blue shirt na may tatak na Hello ang pinili ko. wala lang din, feel ko lang magsuot ng ganitong damit. nagsuot rin ako ng rubber shoes na kulay grey. after kong magbihis ay naglagay naman ako ng make-up sa mukha. I braided my hair then ready to go! napakindat pa ako sa sarili ko sa salamin bago ako lumabas ng kwarto.

pababa pa lang ako ng hagdan ay natanaw ko na agad si Emman na nakaupo sa Sofa habang kausap si Daddy. may dala na naman syang isang boquet of roses. hays, parang gusto ko na tuloy idagdag sa Shop ang bulaklak na dala nya. mapupuno na tong bahay eh chars. hehe.

nung makita ako ni Emman ay agad syang napatayo at ngumiti sa akin. ako naman ay nagkunwaring walang pakialam sa kanya. pero syempre pasimple ko ring pinasadahan ng tingin ang kanyang suot. well, simpleng polo shirt at jeans lang din ang suot nya pero grabe! nakakalaglag brief ang karisma nya! shemas!

"Hi." bati nya pagkababa ko.

"hello." sagot ko. natawa naman sya at pinasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa sabay ngisi.

"You look cute in that outfit." sabi pa nya.

napanguso naman ako. what the heck! cute lang? ano ba yan, nagmukha akong aso. ang bad naman nitong si Emman. ang sakit sa lungs ah!

"bakit ganyan ang suot mo Ysha?" napatingin kami kay Daddy na ngayon ay nakakunot ang noo sa akin at nakapamewang pa. napaangat ang kilay ko.

"why Dad? is there something wrong with my outfit?" tanong ko pa.

pinaningkitan nya naman ako ng mata.
"you are going to meet his Family. you should have wear a casual dress, not that!"

natawa naman ako bigla. niceee ang galing maggalit-galitan ni Daddy ah?
maasar nga. mm!

I hold my waist at nagpose ng kung ano-ano sa harapan nila with matching pacute pa.

"daddy, kahit anong damit ang suotin ko ay lalo akong gumaganda. kaya naman no need for casual dress, alindog ko lang mapapatulala na sila. right?" then I winked at him.

napaawang naman ang labi nilang dalawa ni Emman. napatulala pa nga ito sa akin eh samantalang nagpigil naman agad ng tawa si Daddy.

huh! sabi na eh galit-galitan lang sya kanina eh. well, kilala ko na si Daddy. syempre, kanino ba ako nagmana sa pagmamayabang ng kagandahan kundi sa kanya! hehe.

"Damn, sometimes I want to blame myself for teaching you like that." natatawa at napapailing na sambit ni Dad.

napangisi naman ako.
"well, its too late Daddy. sabi mo nagmana lang ako sayo ng kagandahan diba?"

"Oo at itigil mo na yan dahil may lakad pa kayo ni Emman!" napalingon naman kaming lahat sa kakarating lang galing sa kusina na si Mommy. she had this usual look everytime we teased her.

napanguso naman ako.
"Mom, wala namang ganyanan. para namang binubugaw mo ako eh."

"heh! manahimik ka Allesha Marie! pinagmamayabang mo na naman yang pagiging conceited mo!" inirapan ako ni Mommy bago sya paumanhing lumingon kay Emman.

"Hala sisihin mo si Daddy! sya nagturo sa akin eh!" turo ko pa kay Daddy na agad namang umalma.

"Oh ako na naman nakikita nyo! nananahimik ako dito."

"shut up Delasen!" bumaling sa akin si Mommy at hinila ako palapit kay Emman. nagulat ako syempre lalo na nung magdikit ang mga katawan namin. may electricity na naman akong naramdaman.  "sige na umalis na kayo. baka matraffic pa kayo sa daan."

"Eh Mom----"

"sige po Tita, aalis na po kami." at wala na nga po akong nagawa nung hilain ni Emman ang kamay ko palabas ng bahay. 

binuksan nya ang kotse at inalalayan akong pumasok. umikot naman sya papunta sa driver seat at nagsuot ng seatbelt. edi sinuot ko rin yung akin.

napalingon naman sya sa akin saka ngumiti at pinaandar ang makina.
di ko sya pinansin at sa labas ng kotse ang buong atensyon ko. syempre, kinakabahan ako eh lalo na't ngayon lang ulit kami nagkita after three days. at hanggang ngayon ay sariwa parin sa alaala ko ang nangyaring kiss sa pagitan namin. pakiramdam ko tuloy namumula na naman ang pisngi ko kapag naaalala yun.

"you have a great bonds with your parents." napalingon ako sa kanya nung sabihin nya yun. nasa harap parin ang tingin nya pero kitang-kita ko naman ang ngiti sa kanyang labi.

napakunot ang noo ko.
"what do you mean?"

sinulyapan nya ako saglit.
"kapag nagkakasama kayong tatlo ng magulang mo, mukha kayong magtotropa lang kung magturingan."

napangiti naman ako at tumingin sa labas. "yeah. ganyan kami maglambingan. pero depende pa rin sa sitwasyon. parents ko parin sila at may respeto naman ako."

"Mm.." napatango nalang sya.
"Anyway... ngayon ko lang naalala to."

muli akong napalingon sa kanya.
"what?"

"you used to sit in that passenger seat before."

"Ha!?" gulat akong napalingon sa kinauupuan ko at sa kanya.

I used to sit here before?! omg! seryoso?!  

kinilabutan naman ako bigla.

muli nya akong sinulyapan ng ngiti.
"yeah. that's your favorite spot. madalas ka ring sumusulpot dyan para asarin ako. madalas naman akong nagugulat at naiinis sayo. kung anu-ano kasing pinagsasabi mo na wala namang katuturan."

napasinghal naman ako.
"Ha! grabe ka ah? parang sinasabi mo naman atang ang childish ko?!"

"dahil totoo naman." He smirked.

"ewan ko sayo." inirapan ko sya at tinawanan naman nya ako.

langya talagaaa!!! bakit parang puro kalokohan at insulto ang nagiging interpretasyon ko sa mga sinasabi nya? nakakaloka naman! mukha ba talaga akong baliw dati? abnormal at tanga? ouch ang sakit ah. huhu!

"don't worry multong pangit, bagay naman tayo." then he winked at me.

pakiramdam ko namula ang buong mukha ko dahil dun kaya naman inirapan ko sya at umiwas ng tingin.
bagay daw. tao kaya kami chars.

pagdating sa kanila ay nagsimulang umusbong ang kaba sa aking dibdib. Shemas! ngayon lang pumasok sa isip ko kung anong mangyayari! birthday ng Mama ni Emman at ipapakilala nya naman ako! nakakakaba! ang dami tuloy pumapasok sa isip ko.
Mabait kaya mama nya? o masungit? sana naman mabait.

pero ang tanong. ano namang sasabihin ni Emman kapag pinakilala nya ako?

naputol ang pag-iisip ko nung pumasok kami sa bahay nila at pinark nya naman ang kanyang kotse.
bumaba sya kaya naman bumaba na rin ako. hindi ko na hinintay na pagbuksan nya ako ng pinto. di naman palyado ang kamay ko eh. hehe.

agad ko namang inilibot ang paningin sa buong paligid pagkababa. maganda rin ang kanilang bahay, malaki ito at may malawak na paligid. napapalibutan rin ito ng mga sun flower sa gilid at may parking lot. pero ang nakakapagtaka, bakit parang familiar sa akin ang lugar? sigurado akong ngayon pa lang ako nakakapunta dito pero pakiramdam ko nanggaling na ako dito na hindi ko maintindihan. ang weird diba? pakiramdam ko tuloy nagsitayuan ang mga balahibo sa aking braso.

"anong iniisip mo?" napalingon ako kay Emman na nakasandal sa kotse habang nakacross arm at matamang nakatitig sa akin. nahiya naman ako bigla. baka hinihintay nya akong matapos sa pagmumuni-muni dito, shemas!

"M-malaki pala ang bahay nyo no??" nasabi ko nalang. wala akong maisip na idadahilan eh.

napangat naman ang kanyang kilay at tinignan saglit kabuuan ng bahay bago muling bumaling sa akin.
"wala namang ipinagkaiba ang bahay namin sa inyo."

"hehe m-maganda ang bahay nyo!"

napatitig nalang sya sa akin saka natawa. "kung anu-ano nalang napapansin mo. halika na nga. naghihintay na sila sa loob."

"t-teka sandali!"pigil ko sa kanya. tinignan nya naman ako ng may pagtataka sa mukha. I gulped.
"A-ahh, h-hindi naman siguro masungit ang parents mo no?"

He smiled.
"hindi naman. pero nangangain ng tao ang mga yun."

nanlaki mata ko.
"What!?"

tinawanan lang nya ako saka hinila papasok sa loob. wala na tuloy akong nagawa kundi magtago sa likuran nya. kinakabahan ako ng matindi. paano kung masungit nga ang mga parents nya? naku! baka balatan ako ng buhay ng mga yun! shemas! dapat pala nagcasual dress nalang ako para magmukha akong presentable tignan ng sa ganun ay di ako mapahiya.
naniniwala na talaga ako na nasa huli ang pagsisisi.

pagdating namin sa kanilang Sala ay nadatnan agad namin ang mga tao na nakaupo sa Sofa. may isang matanda ngunit magandang babae ang nakapansin sa amin kaya naman agad syang tumayo at sinalubong kami.

"Oh anak buti dumating ka na!" tuwang-tuwang sambit nito kay Emman. pinagpawisan agad ako ng malamig.

what the heck. Anak!? ibig sabihin... sya ang Mama ni Emman?! oh my! ang gandaa! may pinagmanahan pala 'tong lalaking kasama ko.

"Ma, sabi ko naman sayo sandali lang akong mawawala. may pinuntahan lang ako." paliwanag pa ni Emman dito. ako naman, di ko maialis ang titig sa Mama nya. jusko, ang ganda talaga eh!

"anong sandali ka dyan! ang tagal mo ka-------" natigilan ang ginang nung mapansin nya ako na kasama ni Emman.
awtomatikong naningkit ang kanyang mga mata at tinaasan ng kilay ang anak. napacross arm pa sya. okay...? what now?  "And who is She? Emman loyd Fuerva?" seryosong tanong nito sa anak na inginuso pa ako.

dahil dun ay hinila ako at inakbayan ni Emman na syang ikinagulat ko. pero mas nagulat naman ata ang mama nya. dahil rin dun ay isa-isang nagsilapitan ang iba pa nilang kasama dito na tila may inaabangang kung ano habang nakatitig sa amin. okay..?? anong meron at ganyan sila makatingin sa amin? sa akin? naiilang tuloy ako.

"Mama, Papa, Lolo, Kyle. this is Allesha Marie Delasen. sya ang babaeng mahal ko. ang babaeng nililigawan ko."

nagsinghapan silang lahat lalo na ang Mama ni Emman na bilog na bilog ang mukha sa sobrang gulat. yung iba, natulala pa sa amin. wag silang mag-alala, ako rin eh nagulat sa sinabi ni Emman. napalingon rin ako sa kanya. yung puso ko nga ang bilis na naman ng tibok nito. pakiramdam ko tuloy tumakbo ako ng ilang kilometrong layo. Shemas naman si Emman!

"You----What!??" bulalas ng Mama ni Emman habang nakaturo sa aming dalawa.  "She----?"

"Seryoso ba to!?" gulat na tanong pa ng isang lalaki na tingin ko ay Papa ni Emman.

tumango lang si Emman at bumaling sa akin.
"She's the only girl that I love." pakiramdam ko namula ang buong mukha ko sa sinabi nya kaya naman napaiwas nalang ako ng tingin.

"Oh my gosh!" nagulat nalang ako nung bigla akong nilapitan ng Mama ni Emman at niyakap ng mahigpit.
oh shems! anong nangyari?
hinawakan nya rin ako sa magkabilang pisngi at ang lawak-lawak na nang kanyang pagkakangiti.
"Ang gandang Babae! hello dear! ako ang Mama ni Emman."

natuwa naman ako bigla sa sinabi nya. yes! hindi naman pala masungit ang mga magulang ni Emman! buti nalang. nakahinga ako ng maluwag doon. hehe.
"h-hello rin po. Ako po si Allesha but you can call me Ysha." pagpapakilala ko pa.

natuwa naman sya bigla at saka natawa.
"totoo ba ang sinabi ng anak ko? ikaw ang nililigawan nya?" nakangiting tanong pa nya sa akin.

napalingon naman ako bigla kay Emman na nakatingin lang din sa akin at nginitian ako. napalunok naman ako bago muling balingan ang kanyang Mama na nag-aabang sa sagot ko.

"Ah-uhm.. o-opo. hehe."

mas lalo syang natuwa sa narinig.
"oh my gosh! hindi ako makapaniwala! totoo nga!"

"Hi. ako ang Papa ni Emman. I'm glad he already found his girl. Welcome to the family!"  then he hug me.

napangiti naman ako.
"hehe thank you po Sir."

"oh no no no. call me tito instead."

"s-sige po hehe!"

"and you can call me Tita!"

"welcome to the family Ysha. you can call me Lolo."

lumapit sa akin ang isa pang lalaki saka nya ako binigyan ng isang ngiti.
"I'm Kyle.."

at wala na akong ibang nagawa kundi ang ngumiti sa kanilang lahat. ang laki rin kasi ng mga ngiti nila sa akin eh. pero natigilan ako nung mapansing parang Familiar din sa akin ang mga mukha nilang lahat. lalong-lalo na si Kyle. nakita ko na ba sila Before? sa pagkakaalam ko ito palang ang unang beses makilala ko sila.

ipinagkibit balikat ko nalang iyon. baka may kamukha lang sila.



"hoy hoy hoy! anong meron dyan?"

lahat kami ay napalingon dun sa taong nagsalita. at halos manlaki ang mata ko sa gulat nung muli ko syang makita, ganun rin sya sa akin nung makilala ako. parehas kami nagsinghapan sa tuwa. oh my gosh!

"E-Emily!?"

"Ysha!?"

"magkakilala kayo?" gulat na tanong pa ni Tita habang nakatingin sa amin.

agad namang lumapit si Emily at tumango naman ako.

"yes Mama! I've met her in the Mall and in the Party! She's the new CEO of Delasen group of Companies!" tuwang-tuwa'ng sambit pa ni Emily at ngumiti sa akin. napasinghap muli sa gulat Si tita.

"oh my gosh! totoo!?"

She nodded. "totoong-totoo!" bumaling sya sa akin.  "It's nice to see you again Ysha." at saka nya ako bineso sabay yakap.  "why are you here anyway? kilala mo pala ang family ko? sino ang nagdala sayo?" tanong pa nya.

"Ako." lahat kami napatingin kay Emman nung sumagot ito.  "dinala ko sya dito para ipakilala sa inyong lahat ang babaeng nililigawan ko."

napasinghap sa gulat si Emily.
"oh my gosh! seryoso!?" hindi makapaniwalang tanong nito at nagpalipat-lipat ang tingin sa aming dalawa.

nahihiya man ay napangiti nalang ako. samantalang hinapit naman ni Emman ang aking bewang na syang ikinagulat ko. syempre nakaramdam na naman ako ng kakaibang kuryente sa ginawa nya. shemas! yung puso ko!

"Ate Emily, Meet Allesha. my soon to be girlfriend."

pakiramdam ko namula ang buong mukha ko sa sinabi nya.

soon to be girlfriend daw oh? maniniwala na ba ako?

"Weh!? di nga!? seryoso ka!?" gulat na tanong pa ni Emily. parang gusto kong matawa. halatang ayaw nya maniwala eh.

"mukha ba akong nagbibiro!?" inis na sambit pa ni Emman.  "hindi ako tanga para magdala ng kung sino-sinong babae dito at ipakilala sa inyo. Allesha Marie is the one that I love at gusto kong malaman ninyong lahat iyon."

natawa naman bigla si Emily.
"Oo na. galit ka na nyan?"

"nang-aasar ka kaya. parang pinapamukha mo ata sa'king di ako bagay sa kanya."

"di naman talaga tayo Bagay, Emman. tao tayo, tao." sabi ko pa dahilan para matawa silang lahat maliban lang kay Emman na ang sama na ng tingin sa akin. mm, ang cute pala ni Emman kapag masungit? haha.

"Ay tingin ko magkakasundo tayo sa bagay na yan Ysha! I like you!" hagalpak pa ni Emily sabay kindat sa akin.

"shut up Ate! di ako papayag na dumikit ka sa kanya. bad influence ka pa naman." tugon naman ni Emman.

nginisihan lang sya nung isa.
"Mm. try me Emman loyd. Try me."

"yiee! sa wakas may lovelife na ang bunso ko!" tuwang-tuwa na sambit pa ni Tita saka bumaling sa akin. "alam mo bang ikaw palang ang unang babae na dinala nya dito sa bahay?"

napakurap ako. "Po?" oh my gosh! is it true?! ako ang unang babaeng dinala ni Emman.

"yeah.. ang swerte mo. hehe."

nakaramdam naman ako ng tuwa sa aking puso.  shems! pakiramdam ko ang special ko. yaiks! hehe. ako lang daw ang unang babaeng dinala ni Emman. nakaka-overwhelmed naman.

"A-Ate Ysha?" lahat kami ay napalingon sa batang lalaki na kasama ang isang kasambahay. may dala itong laruan at ganun na lang ang kanyang tuwa nung makita ako. nanlaki ang aking mata sa gulat at tuwa.

"J-Jino!"

agad nagliwanag ang kanyang mukha. shems! naalala pa nya ako!
"Ate Yshaaaaa!!!!" tumakbo nga sya papunta sa akin. yumuko naman ako at sinalubong sya ng yakap. oh my gosh! naalala ko nga palang anak ni Emily si Jino!  "Ate Ysha! buti po nandito ka!" sabi pa nya.

napangiti naman ako.
"Aba syempre naman! kumusta little boy??"

"I'm good po! thank you po dun sa Necklace ah?"

"you're always welcome." I tapped his Head then smiled at him. napabungisngis naman sya sa ginawa ko.

"So kilala mo pala ang Apo ko? wow this is nice!" tuwang-tuwa na sambit pa ni Tita habang nakatingin sa amin.

"ahh opo. sinamahan ko po kasi syang bumili ng necklace para sa Mommy nya. hehe."

ngumiti naman sya.
"well, mukhang tadhana nga talaga ito."

kinuha naman ni Kyle si Jino at kinarga ito. medyo napakunot ang noo ko dahil dun.

"ang bait-bait po ni Ate Ysha Lola! I like her po!" sabi pa ng bata sa matanda.

natawa nalang kaming lahat maliban lang sa katabi kong ang sama na ng timpla ng mukha. luh, anyare dito?








***







sabay-sabay kaming pumunta sa Dining table at kumain. syempre marami silang hinanda dahil birthday celebration nga ng Mama ni Emman. nahiya pa nga ako dahil nakalimutan ko palang dalhin yung cake na regalo ko sa kanya. shemas! tinulak-tulak kasi ako ni Mommy kaya nakalimutan ko na. parang gusto ko tuloy tuktokan ang sarili dahil sa katangahan. buti nalang talaga at ayos lang kay Tita na wala akong regalo.

aniya "its okay Ysha, ang ipakilala ka ni Emman bilang taong mahal nya ay napakalaking regalo na sa akin."

yiee natuwa naman ako dahil dun.

at heto pa, napag-alaman kong si Kyle pala ang Papa ni Jino. kaya pala kinarga nya ito kanina. at well, halata rin naman sa hitsura nilang mag-ama sila dahil kahawig nito si Kyle. natuwa nga rin ako nung marinig si Jino na tawaging Papa si Emman imbis na tito. nice.. ang sweet naman nila tignan. parang bagay kay Emman ang maging Papa. I wonder,sino kaya ang magiging anak nya?  at sino ang magiging asawa nya?

pero medyo naguguluhan parin ako sa sarili ko dahil malakas talaga ang pakiramdam ko na matagal na akong nakapunta dito at parang kilala ko na sila Emily. All of them looked familiar to me. nakakaramdam rin ako ng kakaibang goose bumps sa katawan.
posible kayang nagkataon lang? or talagang totoong nakapunta na ako dito? hays, di bale na nga. baka gutom lang ako.

"So, Ysha. Ano namang pinagkakaabalahan mo ngayon?" tanong pa ng lolo ni Emman sa akin. nasa kabisera sya nakaupo. katabi sa kaliwa nya si Tito at tita, Emily, Kyle at Jino. sa kanan naman ay kaming dalawa ni Emman. edi kaharap ko ang mga magulang ni Emman.

I cleared my throat.
"I--Uhm... ako po ang bagong CEO ng Kompanya. nagbabalak rin po akong magpatayo ng Charity para sa mga taong mahihirap. lalo na po yung mga taong nasa kalye lang at walang matirhan. "

He nodded. napapalakpak naman sa tuwa si Tita.
"Yiee I like that!"

"mahilig ka palang tumulong sa ibang tao? that's nice." ngiti pa ni Tito.

"May mga kapatid ka ba?" tanong naman ni Emily.

"yup. tatlo kaming magkakapatid. yung isa ay kakambal ko at ako ang panganay. sad to say namatay sya 9 years ago." nakaramdam ako ng kalungkutan ng maalala si Ela.

at gaya ng inaasahan ay nagulat silang lahat.

"Ay weh?! may kakambal ka!?" gulat na sambit pa ni Emily.

"eh bakit naman sya namatay?" Ask tita.

I sighed.
"n-nahulog po sa bangin ang sinasakyang Van namin."

naramdaman ko naman ang biglang paghawak ni Emman sa kamay ko sa ilalim ng Mesa. napalingon ako sa kanya at nginitian nya naman ako sabay himas sa aking kamay. dahil dun ay nawala ang lungkot na nararamdaman ko at napalitan ng kilig.

"Ma, wag nyo na itanong ang tungkol dun. It's complicated." sabi pa ni Emman dito.

napakurap naman si Tita at paumanhing tumingin sa akin. mukhang naramdaman nya atang sensitive ako sa bagay na yun.
"Oh. I'm sorry. I didn't know."

I smiled.
"okay lang po."

"ano namang pinagkaabalahan ng Kapatid mo ngayon?" tanong pa ni Lolo.

"sya po ay nagtetraining para magtake over sa company ng Papa ko."

napakunot ang noo nilang lahat maliban kay Emman.
"Huh? I don't understand. diba ikaw na ang bagong CEO ng Company ninyo?" tanong pa ni Tita.

"Mama, wag nyo na pong itanong sa kanya ang mga ganyang bagay. ako nalang po ang magpapaliwanag. sa ngayon, ienjoy muna natin ang birthday celebration nyo." sabi pa ni Emman.

wala naman silang nagawa kundi ang sumang-ayon nalang. ako naman ay di na nagkomento. mukhang naaamoy ata nilang masyadong confidential ang impormasyon tungkol sa buhay ko.

nagpatuloy ang kwentohan at puro katatawanan naman ang ikinukwento sa amin ni Tito. Funny rin pala sya katulad ni Daddy. Huh. di na ako magtataka kung bakit magkakilala sila. parehas maloko eh. si Tita naman ay nilalaglag ang sarili nyang anak sa akin. tawa nga ako ng tawa sa mga kwento nya tungkol sa buhay kabataan ni Emman samantalang nakabusangot naman ang hitsura ng huli. ang sama pa ng tingin nya sa Mama nya. Mm, Basagulero pala tong manliligaw ko dati? parang wala sa hitsura nya ngayon.

nasabi ko rin kay Tito ang tungkol kay Daddy kaya naman ay nagkwento na sya tungkol sa mga karanasan nila noong high school palang.

maya-maya pa ay nagulat nalang ako nung lagyan ni Emman ng macaroni salad ang aking plato. at dahil nga napansin ng lahat ang sudden action nya ay napuno kami ng 'ayiee' at panunukso mula sa kanila.

nagkatinginan nalang kaming dalawa at sabay na natawa. nagpapalakas sa akin ang mokong. haha.

nilagyan nya rin ng macaroni salad ang kanyang plato at sabay naman kaming kumain. and Mm... ang sarap nito. dahil dun ay nagpadagdag pa ako kay Emman ng macaroni salad. nagulat naman sya sa request ko at tatawa-tawang naglagay sa plato ko.
sinipa ko nga. napa-aray naman sya. pinagtatawanan ako eh. halatang nang-aasar.

after kumain ay nag-excuse si Emman na umalis muna kami saglit. dahil dun napuno na naman kaming dalawa ng tuksuan. napailing nalang ako.

hinila naman ako paakyat ni Emman ay pumasok sa isang kwarto. kahit nagtataka kung anong gagawin ay di na ako nagtanong sa kanya.

pagkarating doon ay agad kong inilibot ang paningin sa loob. May mga painting sa pader, may malaking kama sa gitna at sa gilid naman nito ay may isang study table kung saan may nakalagay na Vase at kupas na..bulaklak?

may isa ring malaking glass wall at glass door kung saan makikita ang terrace ng kwarto.

sa madaling salita, napakafamiliar sa akin ng lugar. nakaramdam ako bigla ng kakaibang kilabot sa katawan kasabay ng unti-onting pag-usbong ng kaba sa aking dibdib.

napakunot bigla ang aking noo nung may biglang imahe ang biglang pumasok sa aking isipan. malabo sya pero alam kong isa yung babae na nakaupo sa kama at parang nakangiti habang pinagmamasdan ang isang lalaki na nakaupo naman sa Study table?

my heart instantly beating faster. nanginginig ang buong kalamnan ko. nanghina ako bigla kasabay ng biglaang pagkirot sa aking Ulo. napahawak ako bigla sa aking sintido. napapikit ako ng mariin dahil pakiramdam ko umiikot ang paligid ko.

"Allesha! Are you alright?" napadilat at napalingon ako bigla kay Emman na ngayon ay nakahawak sa magkabilang balikat ko para alalayan. He also had this worried look on his eyes. nakakunot ang kanyang noo.

di ko mapigilang mapatitig sa kanya.
"E-Emman."

"may masakit ba sayo? okay ka lang ba?"

di ako nakasagot agad, bagkus ay nakatitig lang ako sa kanyang mga mata.  dahil dun ay muli na namang sumagi sa aking isipan ang imaheng nakita ko kanina. napalunok nalang ako at umiwas ng tingin.

"I-I'm fine. may iniisip lang ako."

His eyes never leave mine.
"you sure? you look pale. I am worried multong pangit. tell me anong masakit sayo."

"o-okay nga lang ako. don't worry." lumayo ako sa kanya ng kaunti at muling inilibot ang paningin sa paligid.  at dahil nga nakatalikod ako sa kanya ay ipinikit ko ng mariin ang aking mata at huminga ng malalim para kalmahin ang sarili. "anyway, bakit mo nga pala ako dinala dito?" muli akong bumaling paharap sa kanya.

and bruh, he's still staring at me. nandun parin ang pag-aalala sa kanyang mukha. medyo naguilty tuloy ako kasi nagsinungaling ako sa kanya. kaya naman ay nilapitan ko sya at sinalubong ang kanyang titig. then I sighed.

"Emman, you don't have to worry about me. I'm totally fine."

medyo kumunot ang kanyang noo.
"don't lie to me Multong pangit."

napakagat labi nalang ako at hinawakan ang kanyang kamay. napatingin naman sya doon bago muling bumaling sa akin.

"Don't worry Emman, sasabihin ko sayo agad kung may masakit akong nararamdaman." then I smiled.

napabuntong hininga naman sya at hinila ako para yakapin na sya na namang ikinagulat ko. ipinatong nya sa aking balikat ang kanyang ulo. shemas! stay still, dear heart!

"don't make me worried, Allesha. mababaliw ako kapag may nangyaring masama sa'yo."

napangiti nalang ako at niyakap sya pabalik.
"Hindi naman ako mawawala."

humiwalay sya sa pagkakayakap at tinitigan ako sa mata.
"dapat lang! hindi ako papayag na mawala ka pa ulit sa buhay ko. tandaan mo yan multong pangit."

natawa nalang ako at kinurot sya sa ilong.
"Oo na po." hinawakan nyang muli ang aking kamay at hinila ako papunta sa terrace. wala na akong nagawa kundi ang magpahila sa kanya. pagdating doon ay tanaw ko kaagad ang kanilang bakuran. pati ang swimming pool ay kitang-kita ko. ang cool pala ng design ng bahay nila. green na green ang kulay. parang katulad sa bahay namin. well, makulay naman ang Mansyon ni Papa.

  "anyway, ano nga pala ulit ang ginagawa natin dito?" tanong ko pa.

lumapit naman sya at inakbayan ako na syang ikinagulat ko pero di na lang ako nagkomento.

then we stared into each others eyes. inipit nya rin sa aking tenga ang mga takas kong buhok. nakaramdam ako ng kakaibang kiliti sa tiyan dahil dun.
I gulped.

"multong pangit."

"m-mm?"

"alam mo bang marami tayong good and bad memories dito sa kwarto ko?"

kumunot ang aking noo at muli na namang umusbong ang kakaibang kaba sa'king dibdib.
"t-talaga?"

"yes. dito tayo madalas tumatambay dati. dito rin tayo nagkukwentohan tungkol sa mga plano natin kay Miz at Kenzo. hindi ko na sasabihin sayo kung sino at kung anong kinalaman nila sa buhay natin. hahayaan nalang kitang kusang maalala ang dalawang iyon. they are happy now, by the way."  He sighed and looked away.  lalong napakunot ang aking noo. Miz? Kenzo? I don't know them but the name's looked familiar. ipinagkibit balikat ko nalang yun. "naalala ko pa noon, dito tayo laging nagkikita tuwing umuuwi ako galing School. lagi mo akong kinakamusta pagkarating ko. dito rin sa lugar na ito ay pinapasaya at pinipikon mo naman ako.you always teased me. just so you know, ito ang lugar kung saan malaya tayong nag-uusap sa isa't isa. saksi ang kwarto ko sa pag-iibigan nating dalawa."

natahimik ako. I don't know what to say. saksi ang lugar na ito sa pag-iibigan naming dalawa? nakaramdam ako ng di maipaliwanag na emosyon sa kanyang sinabi. I gulped.

"may ipapakita ako sayo." hinila nya akong muli papasok sa loob ng kwarto. pinaupo nya ako sa kama at kinuha naman nya ang flower vase sa study table at umupo sa tabi ko. napatingin ako sa kanya at dun sa sobrang kupas na bulaklak na hawak nya. then he sighed and stared to me.
"Naalala mo ba ito? this is the flower I gave to you before pero dahil nga hindi mo na ito nahahawakan ay ako nalang ang naglagay sa vase.
natutuwa naman ako dahil araw-araw kang nakatingin dito na may ngiti sa labi kapag dumarating ka sa kwarto. pakiramdam ko, kapag nakikita kitang masaya habang nakatitig sa mga ito ay buo na ang araw ko." nabigla nalang ako nung kinuha nya ang aking kamay at inilagay sa palad ko ang mga piraso ng mga bulaklak. my heart instantly beating faster again. "dati hindi mo ito nahahawakan, ngayon ay may pagkakataon ka nang hawakan ang mga ito. just so you know, Allesha. this is all yours." 

napatitig nalang ako sa palad ko. hindi ko alam pero bigla nalang bumuhos ang masaganang luha sa aking mga mata. hindi ko alam kung tears of joy ba tong nararamdaman ko o ano.  naramdaman ko naman ang kamay ni Emman na pinupunsan ang mga luha sa'king mata. napatitig ako bigla sa kanyang mga mata at muli na namang napaluha.. then He smiled to me.

"Hindi ko yan nagawang itapon. iyan nalang kasi ang natitirang alaala ko mula sa'yo. sa nakalipas na apat na taon ay hindi ko nagawang magmove on. kapag namimiss naman kita ay tinitignan ko lang yan at nagiging okay na ulit ako." hinawakan nya ng mahigpit ang aking kamay at muling tumingin sa aking mga mata. "ganun kita kamahal, Allesha."

napalunok naman ako.
"E-Emman.."

"wait.. may isa pa pala." nagtaka ako nung bigla syang dumapa sa ilalim ng kama at kinuha ang isang....box? tinignan nya ito saka kinuha ang mga dumi at muling umupo sa tabi ko. binuksan nya ang box at kinuha mula dito ang isang lumang...papel? nagtatakang nilingon ko sya.

"w-what's that?" kinakabahang tanong ko pa.

tinignan nya naman ako at inilahad ang papel na hawak. at dahil nagtataka ay inabot ko ito at binasa ang nakasulat. at ganun nalang ang pagtriple ng kaba sa aking dibdib nung makita ang nakasaad. nanginig bigla ang aking mga kamay.

i-it's a contract paper! oh my gosh!

muli na naman akong napalingon kay Emman at napaiyak. then he sighed.
"that's the contract Paper we made a long time ago. naalala mo ba yung sinabi ko sayo sa Baguio? yan ang sinasabi kong naging deal natin."

so totoo ngang may kontratang naganap? hindi nga sya nagbibiro sa mga sinabi nya sa Baguio?
"h-how come?"

"dahil nga naging desperado akong maging girlfriend si Almira ay nakipagkasundo ako sayo."

napakunot na naman ang noo ko. Almira... Almira... s-sino naman yun?
a-at anong sabi nya? Girlfriend!? i-ibig sabihin, si Almira ang naging first love nya? nakaramdam ako bigla ng selos sa katawan. shems, bakit naman ako nakakaramdam ng ganito? past is past daw diba? saka di ko naman maalala ang mga sinasabi nya.

"Just so you know multong pangit, Mas minahal kita kesa kay Almira. at lalo pa kitang minamahal sa bawat taon na lumipas." at nagulat nalang ako nung bigla nya akong yakapin ng mahigpit. napaluha na naman ako at isinandal ang aking ulo sa kanyang balikat. ang sarap sa pakiramdam na kayakap sya.
"I love you, Multong pangit."

ewan ko kung anong nangyari basta napangiti nalang ako bigla sa sinabi nya. narealize ko na ang sarap pala sa pakiramdam kapag sinasabihan ka ng 'I love you'.

"Aw!Aw!Aw!" nagulat na naman ako nung may biglang aso ang tumalon sa kama at dumiretso sa gitna namin ni Emman para paghiwalayin kami. sa sobrang gulat ko ay muntikan pa akong mapatili. shemas!

napatitig ako dito. medyo mabalahibo sya at kulay brown? oh my gosh! bakit may aso dito? paano sya nakapunta dito?

nagtatakang nilingon ko si Emman na ngayon ay natatawa habang hinihimas-himas ang balahibo ng aso..

"I-Is that your dog?" tanong ko pa.

napalingon naman sya sa akin sabay ngiti.
"No, Multong pangit. this is our dog."

napakurap ako sa gulat.
"H-Ha!?"

our dog!? how come? sa pagkakaalala ko wala pa akong naging alagang aso.

lumapit naman sya sa akin at kinuha ang aking kamay tapos ipinatong nya sa aso. pakiramdam ko nanigas ang kalamnan ko nung mahawakan ito. nakatitig naman sa akin ang aso na tila naghihintay sa susunod kong gagawin. I gulped.

Dahil dun ay natawa si Emman.
"oh c'mon. the dog won't eat you."  I glared at him. muli, tumawa na naman sya. "anyway, I named her after you."

napakunot ang noo ko.
"W-what do you mean?"

"her name is Allesha. same as yours."

my world stops for a moment.

A-Allesha!??!

what the Fudge!

oh my golly-golly!








**/*/*/**/*/**/*/***

unedited...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top