ghost 82

ghost 82:









Blind date.

Emman loyd Fuerva.

takte.

alam ko namang may kakaibang binabalak ang mga parents ko tungkol sa blind date na to pero hinayaan ko lang sila. ang hindi ko inaasahan ay ito! sa lahat ng pwedeng makablind date ay talagang si Emman pa! seriously? nananadya ba ang tadhana? or talagang trip lang ako ng mga parents ko ngayon?

hindi ko tuloy alam kung aalis ba ako o ano. hindi ko alam kung matutuwa  ba ako o hindi. talagang nakakagulat ang gabing ito! ni hindi ko nga alam kung anong gagawin ngayon eh. kinakabahan ako ng matindi. pinagpapawisan ako kahit malamig naman.
pakiramdam ko tumakbo ako ng ilang kilometro sa lakas ng tibok ng puso ko.

oh gosh.

ang awkward tuloy sa pakiramdam.

kaharap ko lang naman sya ngayon. at aba naman. kanina pa nya ako tinititigan ah? ni hindi man lang sya kumukurap. nakangiti pa talaga sya. hindi ko tuloy alam kung may nakita ba syang dumi sa mukha ko o talagang nagagandahan lang sya sa akin.

at heto naman ako, nastarstruck sa kanya. eh kasi naman, ang gwapo nya tignan ngayon. nakaayos ang buhok, nakawhite shirt at may itim na coat.
ang fresh pa nya tignan samantalang ako.... mukhang... ewan?

"Allesha Marie Delasen."   napakurap ako nung bigla nyang banggitin ang buong pangalan ko nang hindi man lang inaalis ang pagkakatitig sa akin.

naiilang tuloy ako. para kasi akong hinihigop ng mga mata nya.

Napansin nya atang wala akong balak na kausapin sya kaya naman itinukod nya ang dalawang siko sa mesa at pinagsiklop ang dalawang kamay habang nakatitig sa akin. napalunok tuloy ako dahil dun. pero tinatagan ko ang sarili at nakipagtagisan ng titig sa kanya. aba! kaya ko to! di ako papatalo sa kanya. mukhang napansin nya ata ang kilos ko kaya naman natawa sya. may nakakatawa ba?

"hindi ka pa rin talaga nagbabago, multong pangit. Mukha ka paring tanga kung kumilos."  ngisi nya.

napakunot ang noo ko.

what the heck?! multong pangit na naman?! at anong sabi nya?? mukhang tanga kung kumilos?????!!!
mukhang tangaaaa???!??

takte. pa'no ba ako kumilos para sabihin nya yun ha? gusto ko sana syang sagutin kaso naisip ko wag na muna. hayaan ko muna syang magsalita. ang ganda ng boses nya eh. manly. hehe.

"Alam mo ba kung bakit ako ang kablind date mo ngayon?" tanong pa nya.

"My pare------" I stopped. shemas! sabi nang di muna ako magsasalita eh. ang hirap magpigil.

mukhang napansin nya ang ginawa ko kaya naman muli syang natawa at napailing nalang.
"damn, Allesha. stop that act. you look so cute. haha."

okay----what?! cute?! ako?!
hindi ko alam pero nakaramdam ako ng kakaibang kiliti sa puso dahil sa tinawag nya sa akin.

"okay.. mukhang wala ka namang balak magsalita kaya pakinggan mo nalang tong ikukwento ko sayo." sabi pa nya. inayos ko naman ang sarili at naging attentive. aba, kwento daw eh.  He sighed and looked at me.
"first of all, gusto kong magsorry sa ginawa ko noong party. pero hindi ako magsosorry sa mga sinabi ko sayo dahil totoo yun."

napakurap ako sa sinabi nya pero di na ako nagkomento. then he continued.
"just so you know, ikaw si Allesha... my ugly ghost. alam kong nagtataka ka kung paano nangyari yun pero hindi ko muna sasabihin sayo. I will let you remember me by your own ways at tutulungan naman kita. hindi ako papayag na tuluyan mong makalimutan ang nakaraan natin, Allesha."

hindi ko alam pero nakaramdam ako ng di maipaliwanag na pangungulila at pagkaguilt sa sinabi nya. weird. napalunok nalang ako at napatitig sa kanya.

"alam mo ba kung bakit ako ang nandito ngayon sa harapan mo at hindi ibang tao? it's because I've talked to your parents. pero syempre, bago ko sila kinausap ay pinabackground check muna kita. I have to make sure na ikaw nga ang Multong pangit ko. at hindi naman ako nabigo dahil nakumpirma kong ikaw nga yun. alam mo kung paano? nalaman kong isa kang anak ni Alturo Delasen, the heiress of the Delasen group of Companies.
hindi na ako nagulat dun dahil nameet ko na sya at pinakilala ka  naman sa amin. isa lang ang ikinagulat ko, yun ay nung malaman ko na inampon ka lang pala at ang tunay mo palang magulang ay si Marvel Cantilian, ang isa sa pinakamayan na tao sa Russia at may-ari ng isa sa pinakamalaking Real Estate." natawa sya pero hindi umabot sa kanyang mga mata. 
"Damn, Allesha. I never thought you could be this rich, huh? wala ka naman kasing nakukwento sa akin dati."

so..?? masama na ba akong tao dahil wala akong ikwenento sa kanya? pero  pa'no nya naman nasasabi yun eh wala nga akong maalala tungkol sa kanya eh. saka bakit multong pangit ang endearment nya sa akin? san nya naman nakuha ang pangalan na yun? itatanong ko nga sa kanya mamaya.

"then?" I ask to continue his story.

napatitig naman sya sa akin at sinalubong ko naman iyon.
"Nalaman ko ang mga hobbies mo na hobbies rin ni Multong pangit. you sing, she sing. her favorite color is Pink and white. at yun din naman ang paborito mo. mahilig ka sa bulaklak, ganun din sya. She said she loves to eat macaroni salad, at nalaman ko naman na iyon din ang hilig mong meryenda. parehas lang tayo. mahilig tumulong sa mga tao si multong pangit, ganun karin diba? you see, ang dami nyong pagkakapareho."

napakunot ang noo ko at napasinghap sa sinabi nya. oh my gosh! alam nya lahat! detalyadong-detalyado ba ang pagpapabackground check nya sa akin? naalala ko bigla yung pinadalang pink roses sakin kanina. nanlalaki ang mga matang napalingon ako sa kanya.

"d-don't tell me... sa'yo galing ang mga roses kanina?"  gulat na tanong ko pa.

napatango naman sya sabay ngiti.
oh my gosh nga naman! confirmed! sa kanya nga galing! what the heck! oh mother earth!

"as you see Allesha, kuhang-kuha mo ang katangian ni Multong pangit. well, medyo nagmatured ka nga lang ngayon."  napakunot ang noo ko sa sinabi nya.

nagmatured?!

sinamaan ko sya ng tingin.
"sinasabi mo bang abnormal ako dati?"

napangisi naman sya.
"hindi pero parang ganun na nga."

napanguso naman ako sabay cross arm. "ang sama mo ah!"

natawa naman sya.
"bumabawi lang ako. hindi mo ba alam, ikaw ang laging nang-iinis sa akin dati?"

"paano ko naman malalaman kung wala akong maalala? duh!" inirapan ko lang sya pero mas lalo lang syang natawa dahil dun.

grr! this man! may nakakatawa ba sa sinabi ko? nakakaloka sya ah!

"shall I continue my story?" tanong pa nya after nyang tumawa.

napairap ulit ako at umiwas ng tingin. bahala sya. di ko na sya kakausapin! hmp!

He sighed then stared at me.
"sinabi ni Multong pangit sakin na namatay sya sa isang car Accident pero nalaman kong ang kakambal mo na si Eriela May Spinton ang namatay dahil dun. ikaw naman ay nahulog mula sa Van at nabagok ang ulo mo sa isang malaking bato. may tama ka rin ng bala sa kaliwang dibdib. dahil dun ay nasagot na ang mga tanong ko. kaya pala sumasakit ang dibdib ni Multong pangit ay dahil pala sa tama ng bala. "

agad akong napakapa sa kaliwang dibdib ko. oh shems, totoo ba ang sinasabi nya? sumasakit ang dibdib ko? pero wala naman akong nararamdamang sakit. pero nakuwento sakin nila Mommy na ilang beses na daw ako muntikang mamatay kundi lang daw ako narerevive ng mga doctor.

"pero nagtataka ako, bakit sinabi mong namatay ka sa isang Car accident kung hindi naman iyon ang totoong nangyari sayo? hindi kaya nagswitch ang kaluluwa nyo ni Ela? sabi mo sa akin noon, hindi mo matandaan kung ano ang pinag-ugatan ng car accident na yun. baka dahil nabura agad ang memory mo tungkol sa nangyari kaya ang inaakala mong katawan mo ay sya palang katawan ng kakambal mo. isa pa, walang alam ang mga magulang mo tungkol kay Eriela. tapos may isang kotse naman ang dumaan at nakita ang iyong tunay na katawan tapos agad kang dinala sa hospital kaya naman di na naabutan ng mga rescuer ang katawan mo. baka iyon siguro ang totoong nangyari. ano sa tingin mo?"

"Tingin ko tama ka. baka nga------wait! teka! bakit ba ako umaagree sayo?! shemas naman!" bulalas ko pa dahilan para magulat sya at matawa kalaunan.

gusto kong tuktukan ang sarili dahil sa katangahan ko. My gosh yung bibig kooo!!! napapahiya tuloy ako huhu!

"damn, Allesha. ang ganda mo talaga. haha."

"Oo na alam ko yu-------What?!"  okay what am I saying???

wait... he said ang ganda ko.

ang ganda ko.

oh shems!

pakiramdam ko namumula ang buong mukha ko. lintikkk!!!! bakit ako kinikilig sa sinasabi nya?!! Sanay naman na akong sinasabihan na maganda pero pagdating sa kanya kakaiba ang epekto sa akin! mukhang nababaliw na naman ata ako. shemas!

sigurado akong kitang-kita nya ang pamumula ng mukha ko! nakakahiyaa!!!

He leaned closer to me then smirk.
"you are blushing."

inirapan ko sya.
"paki mo! inggit ka? edi magblush karin!"

dahil dun ay humagalpak na sya ng tawa na syang ikinasimangot ko. nakakainis eh! mas lalo syang gumagwapo sa paningin ko kapag nakatawa. grr! parang ang unfair ah!

sinamaan ko sya ng tingin.
"itigil mo nga yang kakatawa mo! hindi ako natutuwa ah! tapos ka na ba magkwento, ha?"

at sumunod naman sya. inayos nya ang sarili at napatikhim. Napangisi naman ako ng palihim. masunurin naman pala eh haha!

"Anyway, masaya ako ngayong malaman na buhay ka. " natahimik ako sa sinabi nya. napabuntong hininga naman sya at kinagat ang labi. shems, nang-aakit ba sya? okay, assuming lang ako kaya naman napaiwas nalang ako ng tingin.
"just so you know, Allesha. sobrang lungkot ko nung mawala ka. akala ko talaga patay ka na. namuhay ako sa loob ng apat na taon sa pag-aakalang wala ka na. imagine kung gaano kahirap para sa akin ang tanggapin na patay ka na at hindi na babalik pa. pakiramdam ko noon, namamatay rin ang puso ko. ang hirap magmove on lalo na't ikaw lagi ang nakikita ko."

napatitig nalang ako sa kanya. hindi ko alam kung bakit parang nasasaktan ako sa mga kwento nya. there's part of me na naniniwalang ako nga ang babaeng tinutukoy nya. pero my other side is telling me that I should not trust him. di ko alam na baka ibang tao naman talaga ang tinutukoy nya.

pero wait... may sinabi sya sa akin kanina...patay.... Kaluluwa... multong pangit...oh my gosh! a-anong ibig nyang sabihin doon?!

parang ngayon lang ata nagsink-in sa akin ang lahat ng sinabi nya!
biglang kumabog ng malakas ang aking puso sa narealize. nanginig rin bigla ang aking mga tuhod.

"w-wait, s-sinasabi mo bang isa akong multo nung magkakilala tayo?" kinakabahan at gulat na tanong ko pa.

medyo napakunot naman ang noo nya habang nakatitig sa akin at dahan-dahan tumango.

napasinghap ako sa gulat! napahawak rin ako sa aking dibdib at namilog ang aking mata.
"oh my gosh!"

"You were a ghost, Allesha."


biglang nagdilim ang paligid ko sa sinabi nya.















***









"Hmm..."

ang sarap ng panaginip ko kagabi. nakasama ko daw matulog yung prince charming ko. tapos hinalikan nya raw ako sa noo. sayang nga eh, sa noo lang. hindi nalang sa labi. hays, nakakabitin tuloy. saka, hindi ko man lang nakita ang hitsura nya. sana naman gwapo sya no?

tapos ito pa, nakayakap daw kami sa isa't isa habang natutulog. parang ang sarap tuloy sa pakiramdam. hehe.

napangiti nalang ako at niyakap ang unan. nakakaantookkk!!! gusto ko pa ulit maulit yun panaginip ko. parang gusto ko tuloy matulog ng matulog. isama mo pa ang init ng unan ko na ang sarap yakapin. tapos ang tigas pa nya at mahan------wait... matigas!??

kinapa-kapa ko ang unan pero hindi unan ang nakakapa ko! para syang braso----wait.... braso?!!

napadilat ako ng mata at isang mukha ng lalaki ang tumambad sa akin habang nakangiti ng sobrang lapad...

takte, bakit si Emman ang nakikita ko------ wait.... Emman!??!

napakurap ako at nanlaki ang mata sa nakikita.

"WAAHHHH!!!!" agad ko syang naitulak dahilan para mahulog sya sa kama sa sobrang gulat sabay tayo sa kabilang side at kinuha ang unan sabay bato sa kanya.  "Waahhhh!!!"

"shit! f*ck!" He cussed.

kinakabahan tuloy ako! natataranta ako at di ko alam kung anong gagawin ngayon!

nanginginig na dinuro ko sya.
"H-hoy! a-anong ginagawa mo dito sa kwarto ko ha!???! p-paano ka napunta dito?! PAANO?!!!"

nilingon nya naman ako habang hinimas-himas ang kanyang batok.
"damn, Allesha. di ko alam na ganito ka pala kabayolente kapag bagong gising." natatawang sambit pa nya.

Sinamaan ko sya ng tingin at muling binato ng isa pang unan. nasalo lang nya ito sabay ngisi sa akin ng malapad. Urghh!

"I-Ikaw! hindi ako nakikipaglokohan dito ah! sagutin mo ang tanong ko! paano ka nakapasok sa kwarto ko!!" inis sa sigaw ko pa at muli syang binato ng unan kaso katulad kanina ay sinalo lang nya ito ulit.

"woah, easy lang! Wala akong ginagawang masama sayo." natatawang sambit pa nya.

aba't!! may gana pa talaga syang pagtawanan ako ah kahit naiinis na ako!

"sagutin mo nalang kasi ang tanong kooo!!!" nanggigigil na sigaw ko pa at binato sya ng ballpen na nahawakan ko kaso sa unan na hawak nya ito tumama. lintik!!!

"You know what, may naalala ako dito senaryo natin. haha"  sabi nya imbis na sagutin ang tanong ko.

anak ka naman ng tipaklong oh! sinamaan ko sya ng tingin.
"wala akong pakialam sa naalala mo! iba ang tinatanong ko!sumagot ka ng maayos kung ayaw mong ipahuli kita sa mga pulis!"

nginisihan lang nya ako imbis na sumeryoso. gkskgjssja! talagang inaasar ako ah!
"alam mo bang ganyang-ganyan din ang reaksyon ko nung magising ako at nakita kita?? gulat na gulat rin ako nun! galit na galit pa. Haha!"

Ano bang pinagsasabi nito?! nababaliw na ba sya?! buset iba ang tinatanong ko tapos nagkukwento na sya! aba naman!

"Wala akong pakialam-----"

"Hey, whats happening here?" parehas kaming natigilan at napalingon sa pinto kung saan nakatayo na doon ang nag-aalalang si Mommy at Daddy. nakapantulog lang din sila ng damit at mukhang naabala namin ang tulog nila. pero maaga na ngayon ah!

muli akong napalingon kay Emman na nakangisi lang sa akin at kay Mommy na nagtataka ang tingin sa akin. kaya naman tumakbo ako palapit sa kanila at nagtago sa likod ni Daddy na syang ikinagulat nya.

"Mom, Dad!" sumbong ko pa saka tinuro si Emman.  "trespassing sya Dad! tumawag tayo ng pulis! nakahiga sya sa kama ko kanina tapos niya------- I mean magkatabi kami!"

"what?" hindi makapaniwalang sambit pa ni Mommy.

natatawang lumapit sa amin si Emman kaya naman mas lalo akong nagsusumiksik sa likod ni Daddy na syang ikinatawa nya.

"goodmorning po Tita, Tito. sorry po kung nagising kayo sa sigaw ni Allesha. ako na po ang humihingi ng despensa. nagulat po kasi sya nung makita ako na katabi nya." paliwanag pa nya kina Mommy at Daddy.

nilingon naman ako ng mga magulang ko at hinila ako ni Daddy paharap. nakakunot ang noo nya sa akin.
"ano ka ba Ysha! hindi sya trespassing! calm down ok?"

napakunot ang noo ko.

"Pero dad-----"

"Ysha, umayos ka nga anak! nakakahiya ka!" sabi pa ni Mommy. mas lalong kumunot ang noo ko.

"Mommy ano bang------"





"Umm, tito, tita. ako na pong bahalang magpaliwanag sa anak ninyo." singit pa ni Emman. mas lalo lang akong nagtaka. naguguluhan ako sa nangyayari.

tito, tita?! ano to, closed na sila ng parents ko!?

nahihiyang ngumiti si Mommy dito.
"sure ka?"  tumango naman ang huli.
"oh sige. iiwan na muna namin kayo. sumunod nalang kayo mamaya sa baba, okay?" binigyan ako ni Mommy ng babalang tingin pagkatapos.

"okay po."

nataranta naman ako bigla.

"Ano?! Mom-----"

at lumabas na nga sila. bow.
anak ng kabute! iniwan ako ng mga magulang ko dito kasama ang isang estrangherong lalaki?! seryoso ba to?!
ha! hindi ako makapaniwala! unbelievable!

nanggigigil na binalingan ko ng tingin si Emman saka sinamaan ng tingin.
Nilapitan ko sya at tinuro ang pintuan kung saan kakalabas lang ng parents ko.

"Hoy ano yun ha! ano yun! ipaliwanag mo sa akin kung anong nangyayari ngayon din!"

hindi nya sinagot ang tanong ko bagkus ay tinignan nya lang ako at naglakad papalapit sakin dahilan para mapaatras ako sa kaba!
"H-hoy! a-anong ginagawa mo! d-dyan ka lang! w-wag kang lalapit----"

"shut up, Allesha."

napakurap ako sa sinabi nya. shemas! shut up daw! ano!? shut up! okay nababaliw na ako!

patuloy lang sya sa paglapit sa akin kaya naman atras lang din ako ng atras hanggang sa tumama na nga sa pader ang likod ko. huminto naman sya nung nasa harapan ko na at yumuko saka ako kinulong ng dalawang braso nya. napapikit nalang ako ng mariin sa kaba! Anak ka ng mama mo! ang lapit-lapit ng mukha nya! yung puso ko hindi mapirmi! ang lakas ng tibok nito!

"open your eyes, Allesha." lintikkk!! bakit ang ganda ng pagkakasabi nya! nakakaakit! napakagat nalang ako ng labi at mas lalong ipinikit ang mata.
huh! open your eyes ka dyan, manigas ka!

"I said, open your eyes. hindi ako nagbibiro Multong pangit." alam kong hindi ka nagbibiro, you don't have to state the obvious!
"Allesha. you will open your eyes or I'll make you? choose."

huwatt?? anong sinabi nya???!!

kinabahan ako sa ibig nyang sabihin kaya naman agad kong minulat ang mga mata ko pero parang gusto ko ulit ipikit dahil nakangiti na sya sa akin! oh my! bakit ba sya ngumingiti ng ganyan!? hindi ako mapalagay sa ngiti nya!

"ayan, nakikita ko na rin sa wakas ang mga mata mo." sabi pa nya dahilan para mapaiwas ako ng tingin.

"a-ano bang ginagawa mo dito?!" kinakabahang tanong ko pa.

itinaas naman nya ang kanyang kilay.
"ginagawa ko dito? nakikitulog."

agad nanlaki ang mata ko sa sinabi nya.
"A-ano!?"

ngumisi naman sya.
"you heard me, Multong pangit. dito ako natulog."

"I-Imposible!"

"bakit, wala ka bang maalala sa nangyari kagabi?"

"Ano?!"  nangyari kagabi? may nangyari ba sa amin kagabi?!
"a-anong ibig mong sabihin!?"

"We had a blind date." what?! blind date?!

natigilan ako at muling inalala ang mga nangyari kagabi. wait... nagblind date kami... oh my gosh! oo nga pala! naalala ko na! sya ang kablind date ko kagabi tapos may sinabi sya sa akin and then------

"you passed out after I told you were a ghost before, Allesha."

napasinghap ako. oh my gosh! nagbibiro ba sya?! ako?! naging multo?! at kelan naman nangyari yun aber?! imposible yung mga sinasabi nya! napakaimposible!
"W-wag ka ngang magbibiro ng ganyan! di nakakatuwa ah!" asik ko pa.

tinitigan nya lang ako sabay buntong hininga.
"I'm telling the truth here. wala akong pakialam kung ayaw mong maniwala sa akin pero nagsasabi ako ng totoo."

"at paano naman nangyari yun?!"

"You were in a comatose right? so basically your spirit wandered around."

napatitig nalang ako sa kanya dahil dun. hindi ako makapagsalita. hindi ko alam kung maniniwala ba ako sa sinabi nya o hindi. eh kasi naman. parang ang hirap kasi paniwalaan na naging multo ako tapos nakikita nya ako? and then what? nagkagusto kami sa isa't isa? tapos takot pa ako sa mga multo! sige nga, sinong maniniwala dun?

He sighed.
"alam kong naguguluhan ka sa mga sinasabi ko kaya naman tutulungan kitang makaalala, Allesha. but for now, kailangan mo munang mag-ayos dahil kakausapin pa natin ang mga parents mo."

"t-teka sandali! p-paano pala ako napunta dito sa bahay?" takang tanong ko pa kahit may idea na ako.

he smirked.
"ako ang naghatid sayo."

napalunok ako.
"t-tapos?"

"biglang umulan ng malakas kaya naman your parents insisted na dito na ako matulog."

"s-sa kwarto ko?"  He nodded. I gasped.  "b-bakit sa kwarto ko pa! ang dami namang bakanteng kwarto dito ah!"

"well, your mother told me to sleep in your room. sabi nya bantayan daw kita."

napamaang ako.
"what the heck!"  talagang pinagawa sa kanya ng parents ko iyon!? imposible! strict si Daddy pagdating sa mga lalaking gustong matulog dito sa bahay kaya paanong pinayagan nila si Emman na matulog sa kwarto ko pa Mismo?! may dapat ba akong malaman!?

grr... mukhang unti-onti ko nang naiintindihan ang nangyayari ah!

"alam mo bang sobrang saya ko Allesha? dahil sa wakas nakasama na kitang matulog sa iisang kwarto. katabi ko pa at buong magdamag na kayakap. It feels so good having you near me. parang ayoko nang matapos ang gabing iyon." sabi nya sa malumanay na boses.

napatitig nalang ako sa kanya kasabay ng pagtibok ng malakas ng puso ko. dahil sa sinabi nya ay nakaramdam ako ng kakaibang kiliti sa tiyan. shems!

sabi nya katabi at kayakap ko sya buong magdamag! what the heck nga naman!
saka wait....bakit parang tumugma yung mga sinabi nya sa panaginip ko?! hindi kaya totoo yun?!

gulat akong napalingon sa kanya dahil dun.
"H-Hinalikan mo ba ako sa noo kagabi?"

He nodded and smile. namula bigla ang pisngi ko! shemass!!!
totoo ngaaa!! hindi nga pala talaga panaginip yung nangyari dahil totoo yun!!! kabuteee!!! parang gusto ko tuloy magpalamon sa lupa! nakakahiyaaa!!! mukhang nakita nya rin ang pagkapula ng pisngi ko dahil napangiti pa sya! aba! nasisiyahan na sya ah!

sinamaan ko sya ng tingin sabay tinabig ang kanyang kamay.
"T-tabi nga dyan! maliligo na ako!"

at dali-dali akong tumakbo papasok sa loob ng CR at padabog itong sinara. napasandal agad ako sa pinto at napahawak sa kaliwang dibdib. oh mama! ang lakas ng tibok ng puso ko! pakiramdam ko hihimatayin ulit ako dahil sa kanya.

jusko poo!! ano bang ginawa ko! nakakahiya talaga! nakakahiyaaa!!!

sabi nya hinalikan nya daw ako sa noo! nakakainis naman! bakit nya ako hinalikan ng hindi ko man lang naramdamannnn!!!!! nakakadissapoint!

teka... ano bang pinagsasabi ko?! anong halik?! jusko mukha akong baliw na tanga!

lintik! parang gusto ko nalang magpalamon sa lupa!















***








hindi ko alam kung ilang oras akong nagkulong sa CR. basta hinintay ko talagang humupa at kumalma ang utak ko. eh kasi naman, naloloka na ako sa dami ng mga nalalaman ko. unang-una na dyan yung sinabi ni Emman na may nakaraan daw kami. pangalawa, naging ligaw na kaluluwa daw---- I mean multo or whatever ako. tapos heto naman, sya ang naging kablind date ko tapos katabi ko pang matulog sa Kama! SA KAMA! and worst? hindi man lang sya pinaalis nila Mommy! talagang yung parents ko pa ang nag-utos na sa kwarto ko sya matutulog ah!

parang binubugaw ata ako ng mga magulang ko sa kanya ah! nakakahalata na ako ah! naku-naku naman!! mukhang masama to! nakakalokaaaa!! binibigyan sya ng access ng mga magulang ko na tanging sya lang ang pinapayagan! Si Kel nga hindi nila hinahayaang hawakan kahit katiting ng buhok ko kapag dumadalaw sya noon sa bahay dun sa America.

tapos ngayon, si Emman?? pinayagan nilang matulog sa kwarto?! hindi lang yun, hinalikan at nahawakan pa nya ako! jusko.

kinalma ko ang sarili bago lumabas ng CR. sumilip pa mismo ako bago lumabas. mahirap na baka nandito pa si Emman at makita nya akong nakatuwalya lang. nakakahiya yun! buti nalang din talaga at wala sya sa kwarto. lumabas na siguro? shemas! di na virgin ang kwarto ko! may nakapasok ng isang lalaki! okay ang OA ko na.

nagmadali akong magbihis. at dahil late narin naman ako sa work at alam kong hindi na ako papayagang pumasok ni Daddy ay nagpambahay nalang ako. Sinuot ko yung maong short ko at isang long sleeve na damit.

pagdating sa baba ay naririnig ko na agad ang mga boses nila galing sa kusina. I wonder, ano kayang pagpapasikat ang ginawa ni Emman?

at dahil curios ako ay pumasok ako doon pero syempre nagkunyari akong walang pakialam sa kanila. dumiretso ako sa Refrigerator at kumuha ng tubig. doon na rin ako uminom and I can feel their gaze on me. natahimik silang lahat eh.  nung maubos ko ang iniinom ay lumingon ako sa kanilang tatlo.

at tama nga ako dahil nakatitig sila sa akin, lalong-lalo si Emman na pinasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa. naconscious tuloy ako pero di ko pinahalata. sana naman wala syang napansin no? naiilang ako sa kanya eh.

"Ysha come here and sit." itinuro ni Daddy ang isang upuan kung saan katabi ni Emman. napalunok tuloy ako habang dahan-dahang lumapit at umupo sa tabi nya. at takteee hindi nya ako nilulubayan ng tingin! hindi tuloy mapirmi ang tibok ng puso ko!
pakiramdam ko namumula na naman ang buong mukha ko. kaharap pa namin ang mga magulang ko ngayon. syeteee!! nakakahiya!

ang awkward! pati parents ko nakatingin na sa aming dalawa pero aba! yung ngiti nila abot hanggang tenga na! mga galawan talaga.

I cleared my throat para maibsan ang kakaibang tensyon sa akin.
"U-umm, ano pong m-meron?" tanong ko pa nang hindi nililingon ang katabi ko.

"Ah anak, heto oh kumain ka muna. sigurado akong nagugutom ka na ngayon dahil hindi ka pa kumakain mula kagabi. nahimatay ka kasi buti nalang at hinatid ka ni Emman dito. ang bait nya diba? hehe." sabi pa ni Mommy habang nilalagyan ng pancake ang plato ko.

hindi ko alam kung concern ba si Mommy sa akin o sadyang pinagyayabang nya lang ang mabuting ginawa ni Emman kagabi?
Abaaaaa...

"so Emman, nandito na ang anak ko. pwede mo nang sabihin ang nais mo." nakangiting saad pa ni Daddy.

nagtatakang nilingon ko naman sya pati si Emman na sinulyapan ako ng ngiti bago muling bumaling kay Papa.

"ayun na nga po. gusto ko pong magpaalam sa inyo. I want to court your daughter if you let me."

laglag pangang napatanga ako sa kanya. samantalang napasinghap sa tuwa naman si Mommy at todo ngiti naman si Daddy.

oh my Mother earth!

ANO DAW??!?

TAMA BA ANG NARINIG KO?!

LIGAW?!

LILIGAWAN NYA AKO?!

LILIGAWAN AKO NI EMMAN?!!!

WHAT THE HECK!!

biglang kumabog ng malakas ang aking puso dahil sa sinabi nya. t-talaga bang harap-harapan syang nagpapaalam na manligaw?! seryoso ba to?! oh goodness! parang sumakit yata ang ulo ko! hindi ko ma-take yun!

"tell me Emman, do you like my daughter?" tanong pa ni Daddy dito.

nakaramdam ako ng kaba dahil dun. natahimik lang ako.

ngumiti naman si Emman dito sabay tango.
"Yes po tito. I really-really like your daughter."

napangisi naman si Daddy at pinagsiklop ang kamay sa mesa saka sinulyapan ako saglit bago muling bumaling kay Emman.
"Well then, you have my blessing."
nanlaki mga mata ko. say what?!

"Same here. pinapayagan kitang ligawan ang Unica hija ko." dagdag naman ni Mommy na kinikilig ngayon.

napanganga lang ako sa kanila. what the fudge! seryoso ba sila sa mga sinasabi nila?! tama bang rinig ko!? p-pinayagan nila si Emman na ligawan ako!?? takte parang mas lalong sumakit ang ulo ko dahil dun.

napangiti naman ng todo si Emman sa mga sagot nila at sumulyap sa akin saglit.
"thank you po sa inyo."

"Haha ano ka ba! botong-boto nga ako sayo para sa anak ko eh! pakiramdam ko pag tinitigan ko kayong dalawa na magkasama para kayong couple material. bagay na bagay kayo hehe!" said Mommy.

"just promise me na hindi mo sasaktan ang anak ko." sabi naman ni Daddy.

"yes po tito. makakaasa po kayo sa akin, hindi ko po sya sasaktan."tugon ni Emman.

oh my goodness! hindi ko na kaya ang naririnig ko kaya naman agad kong itinaas ang aking kaliwang kamay.

"Wait!" sabi ko pa at tinignan silang tatlo.  "A-anong kalokohan to? Mommy? Daddy?"

nagkatinginan naman silang mag-asawa bago ako muling tignan.
"Why? ayaw mo bang ligawan ka nya?" Ask mommy.

napakunot ang noo ko.
"Mommy, naririnig nyo po ba ang sinasabi nyo? Ako? liligawan ng lalaking ito?" itinuro ko si Emman. eh wala pa ngang isang linggo ko syang nakilala eh!

"Why not? mabait naman si Emman. responsable. isa pa, kaya ka naman nyang buhayin." paliwanag pa ni Daddy.

"eh daddy hindi naman po yun ang ibig kong sabihin. ang akin lang------"

"Ysha, I know Emman is a nice person. kampante kami sa kanya." Mommy cut me off.

napasinghal ako.
"Ha! Nice? eh ilang araw palang po natin syang kilala eh! naguguluhan po ako ah! hindi nyo ba alam kung anong nangyari sa amin kagabi ha?"

"why, ano bang nangyari sa atin kagabi?"singit pa ni Emman na may nanunuksong ngiti na. sinamaan ko sya ng tingin.

"Shut up!" tumawa lang sya. hindi ko nalang sya pinansin at muling tumingin sa mga magulang ko na nagtataka ang tingin sa akin.
"Mommy, Daddy listen. hindi pa natin sya kilala! tapos pinapasok nyo sya dito sa bahay at hinayaang matulog sa kwarto ko? take note, sa kama ko pa! seryoso ba to?! Ni ayaw nyo nga akong mahawakan ng kahit na sinong lalaki eh tapos sya, pinayagan nyong yakapin ako?! buong magdamag pa!"

"sus, nag-enjoy ka naman sa yakap ko." komento pa nung katabi ko. muli, sinamaan ko sya ng tingin.

" I said shut up!" natahimik naman sya pero hindi na pa nabubura ang ngiti. muli akong bumaling sa parents ko.  "tapos ngayon pinayagan nyo agad syang ligawan ako nang walang kahirap-hirap? Daddy, ano to? ikaw ang strict pagdating sa nagbabalak manligaw sa akin tapos ngayon ikaw pa mismo ang unang pumayag na ligawan nya ako! aba hindi pwede! hindi ko matatanggap to! ayokong magpaligaw!" I crossed my arm then look away. huh! there's no way he can court me!

napamaang namang tumingin sa akin si Daddy.
"Ysha, anak listen to me. kaya kita hindi pinapayagan na ligawan ng kahit na sino dati ay dahil bata ka pa! nag-aaral ka pa at alam kong hindi ka pa ready magkaboyfriend. ngayon naman ay nasa tamang edad ka na para ligawan kaya anong karapatan kong tumanggi? besides, pormal syang nanghingi ng permiso sa akin. at anong sinasabi mong hindi pa namin sya kilala? I know their Family. kilala ko ang Papa nya."

napakurap ako sa sinabi ni Daddy. oh my gosh! kilala nya ang family ni Emman?! how come?! bakit di ko alam?? shemay parang napahiya tuloy ako.

"Anak, ano bang ayaw mo kay Emman? sige nga sabihin mo samin." sambit pa ni Mommy.

napalingon ako bigla kay Emman na seryoso nang nakatingin sa akin.

I gulped.
"A-Ano...a-ano po...". shemas! ano nga bang ayaw ko sa kanya? lintik naman wala akong maisip! puro papuri kasi ang mga naiisip ko!

"Ano Allesha? ano nga bang ayaw mo sa akin?" panghahamon pa ni Emman. nakacross arm pa sya sa akin.  Dahil dun ay napatitig ako sa kanya. syeteee!!! ang lakas na naman ng tibok ng puso ko! I gulped again.

"U-umm.. ano... ah..."

"see? wala kang masabi. kaya walang dahilan para ayawan mo si Emman. at mas lalong walang dahilan para pigilan syang ligawan ka. all you have to do is to give him a chance."  sambit pa ni Mommy. napakagat nalang ako ng labi at napayuko. shems! di ako makapagdefend ng sarili! eh ano bang laban ko sa kanila eh tatlo sila samantalang mag-isa lang ako.

"Emman, simula ngayon ikaw na ang bahala sa anak ko. ipagkakatiwala ko sya sayo." sabi pa ni Daddy dahilan para mapanganga ako sa gulat.

"I will take care of her, tito. trust me." sabay bow ni Emman at tumingin sa akin sabay ngiti.

patay. katapusan ko na!

huhubels! mukhang wala na akong kawala dito ah! at natatakot ako sa maaaring kahihinatnan nito. lalong lalo na sa sarili ko.




***










hindi ko alam kung ilang oras na akong nagkulong dito sa kwarto. after kasi nung pangyayari kanina ay literal na hindi na ako makapagsalita. pina-process pa ng utak ko ang mga sinabi nila. buti nalang din at wala na si Emman kaya wala ng panggulo sa bahay. jusme. ano bang nangyayari?

naloloka na akoo!!

he said he will court me.

may permiso na sya sa mga magulang ko.

wala akong laban para tumanggi dahil parents ko ang kalaban ko.

isa pa, may parte sa puso ko na hayaan sya.

my gosh! naloloka na akooo!!!

sya nalang lagi ang nasa utak ko. puro Emman, multong pangit, Allesha, ngiti nya at ligaw ang nasa isip ko. nababaliw na ata ako!

hays, ano kayang magandang gawin para marefresh ang utak ko?

Mmm... aha! alam ko na!

kinuha ko ang phone at nagplay ng music. sabi nila, nakakatulong daw ang music para sa stress. well, naniniwala naman ako dun.

at dahil wala akong maisip na kanta ay nag-shuffle nalang ako.

 
"Sa hindi inaasahan,
pagtatagpo ng ating mundo,
may minsan lang na nagdugtong,
damang-dama na ang ugong nito.
di pa ba sapat ang sakit at lahat
na hinding-hindi ko ipararanas sayo------"

 
sa di malamang dahilan ay biglang pumasok sa isipan ko ang ngiti ni Emman----- takteeee!!!! sabi ng ayokong isipin sya eh! aish! erase! erase!

kaya naman ay agad kong nilipat ang music. shemas!




"Ikaw parin,
ang hanap ng pusong ligaw
ikaw ang patutunguhan at pupuntahan..
pag-ibig mo
ang hanap ng pusong ligaw
mula noon------"


what the heck! anong klaseng music ba'to at laging si Emman ang naalala ko! shemasss! nakakaloka naman to! sinasadya ba ako nito? aish!

inis kong inilipat ang music. sana naman hindi na si Emman ang maalala ko dito!



"Dahil mahal, mahal na mahal kita,
hindi ako matatakot, mahihiya,
anuman ang sabihin nila,
dahil mahal kita,
dahil mahal, mahal na mahal-------"



Anak ka ng tipaklong naman oh! talaga bang on the process tong pananadya sakin ng kanta? talagang sinunod-sunod pa! awittt!

parang sinadyang patamaan ako ng kanta ah! si Emman kasi ang pumapasok sa isip ko.

nilipat ko agad ang kanta. sana naman sa huling pagkakataon na to ay iba na ah? dahil kung ganun parin ay hindi nalang ako makikinig ng music! huh.

"Who'd have thought,
this is how the pieces fit.
you and I shouldn't even try making sense of it..."

 

natigilan ako nung marinig ang kanta. Familiar na ito sa akin dahil naririnig ko na ito noon pero bakit pakiramdam ko, may something sa kanta? oo familiar sya sa akin pero not in a way na naririnig ko kung saan-saan kundi parang kinakanta ko sya dati? ang weird. di ko pa to nakakanta eh sa pagkakaalam ko.


"I forgot how we ever came this far..
I believe we have reasons but I don't know what they are..
so blame it on my heart ohhh

love moves in mysterious ways,
it's always so surprising
when love appears over the horizon,
I love you
for the rest of my days
but still its a mystery
of how you ever came to me
which only proves
love moves in mysterious ways.."


sa di malamang dahilan ay biglang pumasok sa isipan ko ang isang senaryo kung saan nakikita ko si Emman na kasama ako sa isang....kwarto?

teka, bakit magkasama kami sa iisang kwarto? at saang lugar at bahay naman yun?

medyo blurred sa akin ang nakikita ko pero hindi ako nagkakamali. sya yung nakikita ko habang nakatingin daw sa akin na kinakanta itong kanta.
He's smiling while staring at me.
biglang bumilis ang tibok ng puso ko dahil dun.

napahawak ako bigla sa ulo ko nung bigla itong sumakit. shemas! anong nangyayari? ano yun?! bakit may ganung pumasok sa isip ko? Nababaliw na ba ako o sadyang iniimagine ko syang kinakantahan? ang weird. pero mas nawiwirdohan ako sa sarili ko! takte ang labo ah!

jusme nababaliw na ata ako! kung bakit kasi kung ano-ano ang mga sinasabi sa akin ni Emman kaya nagsisimula na ring maging weird ang utak ko! shemass!!
kinakalat nya ata ang virus sa akin eh!

kaya naman agad kong tinanggal ang headset at nakasandal sa headboard ng kama. napahilot rin ako sa aking noo at pumikit ng mariin para kalmahin ang nagwawala kong puso.

jusme ang bilis na naman ng tibok ng puso ko!

lintikkk! hindi na maganda to! kailangan kong mag-unwind! oo tama! mababaliw lang ako kapag nanatili pa ako dito sa bahay ngayon!

tinignan ko ang oras at dun ko napansing alas-6 na pala ng gabi. eh? ang haba na pala ng oras na nagkulong ako sa kwarto?

nagbihis ako agad. sinuot ko yung Navy blue dress na regalo sa akin ni Maria. hanggang mid-thigh ko lang ito pero mukha namang disente tignan.

pero wait... ang tanong, saan naman ako pupunta? shemas ngayon lang ata pumasok sa isip ko na wala akong pupuntahan. ang lakas pa ng loob kong magsuot ng ganitong damit ah?

mm, ano kaya ang pwedeng gawin?

busy ako sa kakaisip nung biglang tumunog ang phone ko at nagflash naman sa screen ang pangalan ni Jimnet kaya naman agad ko itong sinagot.

"Hello?"

"Ano na Ysha? pupunta ka ba dito o hindi?"

napakunot ang noo ko sa sinabi nya. pupunta? saan?

at dun nga biglang nagsink-in sa akin ang kanyang tinutukoy. oh goodness! oo nga pala! naalala ko na! niyaya nya pala akong mag-bar ngayong gabi! nakalimutan ko!

napalingon ako bigla sa salamin at nakita ang sarili na bihis na bihis na.
nakaisip naman ako bigla ng isang idea! aha! tamang-tama! mukhang alam ko na ang gagawin ngayon! buti nalang din at tumawag si Jimnet. sayang din naman kung hindi ko irarampa tong damit na to eh ready'ng ready na.

so why not give it a try?

I smirked.

" sige. pupunta ako."






**/*/*/**/*/*//**/***

unedited...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top