ghost 81
ghost 81:
Hindi ako baliw. hindi rin ako nananaginip. mas lalong hindi ako bingi at Bulag. alam ko kung anong nakikita at naririnig ko. Nakikita ko talaga sa kanya si multong pangit. tanga na kung tanga pero masisisi ba nila ako kung mag-aassume ako na si Allesha at yung babaeng nagngangalang Ysha ay iisa?
kanina pa sila umalis dahil may tumawag sa kanilang hindi ko kilala pero yung puso ko, hindi parin mapirmi. Its still beating so fast na kahit anong gawin ko ay hindi kumakalma. may hands are shaking and I can't think properly right now. walang ibang laman ang utak ko kundi yung babae.
may nagsasalita na rin sa stage pero wala akong maintindihan kahit isa. Iba ang nasa isip ko.
Damn, I'm not sure kung iisa lang ba sila ni Allesha. hindi ko naman kasi natanong ang buong pangalan nya dala ng sobrang gulat at pagkamangha. idagdag mo pang Delasen din ang apilyedo ng kanyang mga magulang. oh diba?
dammit. nababaliw na ata ako. kanina ko pa rin sya hinahanap ng tingin. kaso sa dami ng mga tao dito ay napakaimposibleng makita sya.
saka isa pa, kung sya nga si Allesha bakit parang di nya ako kilala? nung magtitigan kami, hindi man lang sya nagulat na nakita ako. parang hindi nya ako narerecognized. nakakapagduda, sya nga ba si Allesha o kamukha nya lang? pero anak sya ng mga Delasen. bwisit, parang sumasakit ang ulo ko dahil dun.
hindi kaya sya nga si Allesha at nagka-amnesia lang?
theres a part of me hoping na sana sya nga ang Allesha ko.
"Loyd. do you know her?"
gulat akong napalingon kay Janna nang magsalita ito. She had this curiosity look. nakakunot rin ang noo nya habang nakatitig sa akin ng napakaseryoso.
I gulped.
"w-why?"
"the way you looked at her, may kakaiba. napansin ko yun. kaya tinatanong kita kung kilala mo ba sya?"
I looked away.
"N-no."
umangat ang kanyang kaliwang kilay.
"I don't believe you. hindi naman magiging ganito ang reaksyon mo kung hindi kayo magkakilala." She sighed and looked away.
"I'm sure you have a thing on her."
napakunot ang noo ko. why does she sounds like a jealous girlfriend?
I sighed.
"Janna look------"
"Heto na sya! Let us all Welcome, the youngest, the most beautiful, and the new Chief Executive Officer of Delasen Group of Companies, MS. ALLESHA MARIE DELASEN!"
Lahat ay nagsitayuan at nagpalakpakan nung pumunta sa harapan ng stage ang babae.
pero heto ako, hindi makagalaw sa kinauupuan. yung puso ko, pakiramdam ko tumigil saglit sa pagtibok. yung mga mata ko, hindi magawang ialis sa napakaganda nyang ngiti. pakiramdam ko tumigil saglit ang pag-ikot ng mundo.
masyado akong gulat na gulat sa narinig at nakikita.
T-tama ba yung narinig ko? A-Allesha Marie Delasen? h-hindi ba ako nagkamali lang ng pandinig? or baka naman naghahalusinate lang ako?
damn. pakiramdam ko nanghina ang buong katawan ko.
yung puso ko, mas dumoble ang tibok nito kumpara kanina. naghalo-halo ang nararamdaman ko. what's happening?
hanggang sa di ko na namalayan, tumutulo na pala ang mga luha sa pisngi ko. yung ngiti nya, isa iyong palatandaan na sobrang saya nya.
"G-Goodevening everyone. thank you for coming here tonight. alam ko pong marami sa inyo ang busy ngayon pero nagawa nyo paring umattend kaya sobrang naaappreciate ko po iyon. sa totoo lang po, wala talaga akong ibang masasabi kundi ang thank you. sana mag-enjoy po kayong lahat at pahinga muna kahit sandali mula sa stressful na work. yun lang po and thank you ulit. have a great night everyone." after nyang magsalita ay lumibot ang kanyang paningin sa lahat hanggang sa huminto ito sa akin. dahil dun ay mas lalong nanginig ang buong kalamnan ko sa paraan ng pagtitig nya. ilang segundo rin kaming nagtitigan hanggang sa sya na ang unang bumitaw at bumaba ng stage.
napakuyom ako ng kamao. s-so, all this time huh? buhay pa pala sya? nagluksa ako ng apat na taon sa pag-aakalang patay na sya pero ngayon, ano tong nakikita ko? She's still alive and kicking! damn, pinagluksaan ko ang taong hindi naman pala totoong patay! hindi nya ba alam kung gaano ko sya namimiss sa bawat taon na lumilipas? para akong pinapatay sa sakit! araw-araw akong nangungulila sa presensya nya! tapos ngayon lang sya nagpakita sa akin?! ano to, kalokohan?!
hindi ko na kaya to! gusto kong marinig ang mga paliwanag nya! hindi pwedeng ganito! I need to talk to her!
tumayo ako sa kinauupuan kahit pa tinatawag ako ni Janna at agad na hinanap si Allesha.
hindi naman ako nabigo dahil nakita ko agad syang papunta sa loob ng CR.
kaya naman mas lalo ko pang binilisan ang lakad ko at agad syang hinawakan sa braso at itinulak sa pader na syang ikinasinghap nya sa gulat.
It's time!
****
'ALLESHA MARIE DELASEN POV:
mula nung makita ko sya kanina ay hindi na mapirmi ang tibok ng puso ko. The way he looked at me, kakaiba. hindi rin maalis ang mga mata ko sa kanya. para bang hinihigop ako neto at hindi ko alam ang gagawin. Lalo na nung tinawag nya ako sa una kong pangalan ay nagkarambola agad ang tibok ng puso ko. yung mga butterflies sa tiyan ko ay nagwawala. yung mga tuhod ko nanghihina.
Hindi ko naman sya kilala pero bakit ganito ang nararamdaman ko? nung Una ko syang nakita sa party na pinuntahan namin ni Daddy ay may kakaiba na akong nararamdaman sa kanya. tapos ngayon, hindi ko iniexpect na makikita syang muli pero grabe agad ang epekto nya sa akin.
sino ba sya? he looks like familiar pero hindi ko alam kung saan ko sya nakita dati. may kamukha ba sya? nagkakilala na ba kami dati? pero bakit parang hindi rin? ang gulo. naguguluhan na ako sa nangyayari sa akin. kilala nya ba ako?
kasi kung hindi nya ako kilala, bakit alam nya ang pangalan ko? ang weird. nung makita ko sya, pakiramdam ko nagkita na kami dati. pakiramdam ko may pinagsamahan kami. pakiramdam ko naging bahagi sya ng puso ko. at mas lalo akong nawiwirdohan sa sarili ko dahil pakiramdam ko namimiss ko sya at nangungulila ako sa kanya.
nababaliw na ba ako? oh my gosh!
kaya naman after nung speech ay bumaba agad ako at dumiretso sa CR.
hindi ko na kasi kaya pa yung nangyayari. habang nakikipagtitigan ako sa kanya kanina naguguluhan na ako sa sarili ko.
pero hindi pa man ako tuluyang nakakapasok sa Cr nung may biglang kamay ang humila sa akin at isinandal ako sa Pader.
napasinghap ako dahil sa gulat.
at mas lalo akong nagulat nung makita yung lalaking gumugulo sa Sistema ko!
oh my gosh! totoo ba to?!
He's looking intently at me! para na naman akong hinihigop ng kanyang mga tingin. yung mga kamay nya ay nakahawak sa magkabilang balikat ko. hindi ako makahinga ng maayos dahil sobrang lapit ng mukha nya sa akin. I can even feel his breath on me. pero nanginginig ang mga ito. napakaseryoso rin ng mukha nya na para bang may ginawa akong mali sa kanya. kinabahan ako bigla. hindi kaya may nagawa talaga akong kasalanan sa kanya na di ko lang matandaan?! oh gosh! sana naman wala!
"Allesha."
halos mapatalon ako sa gulat nung bigkasin na naman nya ang pangalan ko. shemas! bakit parang gustong-gusto ko na binabanggit nya ang pangalan ko?
napakurap nalang ako sa kanya.
"B-bakit? A-anong ginagawa mo?" kinakabahang tanong ko pa habang nakatitig sa mata nyang hindi ko na mapangalanan ang emosyong naroroon.
medyo kumunot naman ang noo nya.
"Can you please stop this act?!"
"huh?" ano bang pinagsasabi nya?
"Stop pretendeng that you don't know me! ang tagal mong nawala! bakit ngayon ka lang nagpakita sa'kin?!"
what the heck is he saying?!
"I d-don't know what you're saying." kinakabahang tugon ko pa.
lalong kumunot ang noo nya.
"Wag ka na nga magmaang-maangan! alam kong may dahilan ka! kaya sabihin mo na sa akin kung ano ang tunay na nangyari! hindi mo alam kung anong hirap at sakit ang dinanas ko nung mawala ka na parang bula. akala ko nawala ka na nang tuluyan sa akin tapos ngayon makikita na lang kita na para bang walang nangyari?! bakit mo ba ginagawa sa akin ito?!"
Hindi ko alam pero bigla akong nanghina sa mga sinabi nya. lalong dumoble ang kaba sa aking puso habang nakatitig sa kanya. shems! whats going on!?
hirap at sakit nung mawala ako?!
nalilito ako sa sinabi nya.
napalunok ako.
"pasensya na pero hindi ko talaga alam ang sinasabi mo."
lalong humigpit ang hawak nya sa akin at inilapit pa ang kanyang mukha.
"damn. don't do this to me, multong pangit."
napasinghap ako sa tinawag nya sa akin. What the heck?! multong pangit?! hindi ko alam pero ang laki ng epekto sa akin ng pangalan na iyon. para akong maiiyak na ewan.
"A-ahm, h-hindi ko talaga alam ang sinasabi mo. kilala mo ba ako? kilala ba kita? have we met before? I'm sorry kung may nagawa man akong mali sayo dati. wala talaga akong matandaan eh." napayuko nalang ako after kong sabihin yun.
hindi ko na kaya ang bumabalot na tensyon sa pagitan namin.
naramdaman ko agad ang pagluwag ng hawak nya sa akin. dahil dun ay muli kong inangat ang tingin sa kanya. nagtataka na ang kanyang tingin sa akin. napalunok tuloy ako sa kaba.
"D-did you lose your memory?" maya-mayang tanong pa nya.
nag-aalinlangan man ay dahan-dahan kong iniling ang aking ulo.
"I-I just don't know you." pakiramdam ko may tumarak na punyal sa puso ko nang sabihin yun.
at hindi nakaligtas sa akin ang pagdaan ng lungkot sa kanyang mga mata.
"T-That's impossible! we made a promise before. sabi mo hindi mo ako iiwan kahit anong mangyari. s-sabi mo hindi mo ako sasaktan. p-pero ano tong ginagawa mo sa akin ngayon? you are definitely hurting me!"
literal na natahimik ako sa sinabi nya.
Unable to move.
shems! what?!
I didn't remember that! hindi ko sya kilala kaya bakit ako magbibitiw ng ganung salita? pero bakit parang sinabi ko talaga yun? shete. ang gulo ko na.
"Allesha, please... don't do this to me. ang sakit-sakit na eh. h-hindi mo alam ang pinagdaanan ko nung mawala ka. please... maawa ka naman sa akin." nagulat nalang ako nung bigla syang umiyak sa harapan ko. mas lalo akong nakaramdam ng sakit dahil dun. pero mas nagulat ako nung bigla nyang ipinatong sa balikat ko ang kanyang ulo at tahimik na humihikbi.
sheteng kalabasa! he's crying because of me! hindi ko tuloy alam kung anong gagawin! pakiramdam ko, kasalanan ko lahat kung bakit sya nagkakaganito. damn nga naman! anong gagawin ko?? gusto ko syang itulak palayo sa akin pero may parte sa puso ko na hayaan syang nakasandal sa akin. my gosh!
"h-hindi mo ba talaga ako maalala? ako to, si Emman... ang lalaking mahal na mahal mo. ang lalaking mahal na mahal ka. Si Emman loyd Fuerva."
okay thats it! hindi ko na kayang pigilan ang mga luhang gustong kumawala sa mata ko kaya naman agad ko syang tinulak at tumakbo ng mabilis palayo sa kanya.
at habang lumalayo ako sa kanya ay pabigat ng pabigat ang nararamdaman ko. naninikip ang dibdib ko. napahawak nalang ako sa dibdib. ang sakit-sakit ng nararamdaman ko. kumikirot ang puso ko sa di malamang dahilan. pakiramdam ko sobrang nanghihina na ako.
lintik. sino ba talaga sya? sino ba sya sa buhay ko?! bakit ganito nalang ang nararamdaman ko nung makita sya!?
did I miss something here?!
saka.. totoo ba ang sinasabi nya?
totoo bang mahal ko sya? at mahal nya ako?
pero paano? bakit wala akong maalala???
***
kinabukasan, pugtong-pugto ang mata ko kakaiyak kagabi. laglag din ang balikat ko. parang nawalan ako ng ganang kumilos. parang gusto ko nalang manatili dito sa kwarto at magmukmok. ang gulo ko naa!!
simula nung makilala ko si Emman kagabi hindi na mawala sa isip ko ang mukha nya pati na rin ang mga kakaibang sinabi nya sa akin.
He said I loved him.
dahil dun ay hindi na ako nakatulog ng maayos. patuloy akong binabagabag sa mga sinasabi nya. sa pagkakaalam ko wala naman talaga kaming pinagsamahan pero bakit pakiramdam ko meron talaga? hindi kaya totoo yung mga sinabi nya?
kung totoo man, bakit wala akong maalala?
napasabunot nalang ako ng buhok ko.
Aish! ang gulo-gulo na ng utak ko! hindi ko na alam kung anong gagawin!!!
hanggang sa hapagkainan ay lumilipad ang utak ko. ni wala na nga akong maintindihan sa sinasabi ni Mommy eh. oo nalang ako ng oo kahit hindi ko alam ang tinutukoy nya.
puro 'Mahal na mahal mo' nalang ang nasa utak ko.
at alam kong nakahalata na sila sudden mood ko mula pa kagabi dahil nga ang lungkot ng mukha ko pero hindi na sila nagtanong pa. they didn't even open the topic about it. nararamdaman ata nilang kailangan kong isarili ang problema.
jusmiyo marimar! whats up with that guy? tingin ko walang magandang maidudulot sa sistema ko ang lalaking yun kaya sana... hindi ko na sya ulit makita!
gusto ko lang naman ng tahimik na buhay kaya wag na syang magpapakita sa akin!
"Are you alright, Ysha??" gulat akong napalingon kay Papa.
"H-huh?" oh shems, kasama ko pala sya ngayon. pupunta kami sa Sementeryo kung saan nakalibing si Mama. masyado na atang occupied ang isip ko.
"mahigpit ang hawak mo sa bulaklak. hindi mo naman yan sisirain diba?"
"Ha!?" agad akong napalingon sa hinahawakang bulaklak at halos mabitawan ko ito sa gulat dahil sobrang higpit nga nang pagkakahawak ko. shemas! anong ginawa ko?
"It seems like there's something bothering you." puna pa nya habang nagdadrive. yeah, thats right. may gumugulo talaga sa isip ko. ang pangalan nya ay Emman loyd daw.
"napansin ko rin kagabi na namumugto ang mga mata mo. tila wala ka rin sa sarili. tell me, may nangyari ba?"
all I could say was "Ha?"
He sighed at muling sumulyap sa gawi ko.
"hindi kita pipilitin kung ayaw mong ikwento ang nangyari but I hope you will be fine." at binigyan nya ako ng isang matipid na ngiti.
dahil dun ay gumaan ang pakiramdam ko. thanks to my Papa.
"We're here."
agad kong tinanggal ang suot na seatbelt at lumabas ng kotse. sumunod naman agad si Papa at sabay na naming tinahak ang daan papunta sa puntod ni Mama.
habang naglalakad ay hindi ko mapigilang hindi makaramdam ng kaba. ito pa lang ang unang beses na dadalawin ko sya. hindi ko kasi magawang dalawin ang Mama ko noon dahil nga nangako ako kay Papa na sabay naming haharapin si Mama. at ngayon, nandito na kami. wala ng atrasan to.
huminto kami sa isang puntod kung saan nakaengrave ang pangalang 'LIZANA SPINTON'.
and oh my gosh! I don't know what to feel right now. masaya ako dahil sa wakas, nakita ko na sya. pero malungkot rin dahil hindi man lang ako nagkaroon ng chance na makasama sya. medyo nakaramdam rin ako ng pangungulila sa kanya. medyo naguilty rin ako dahil pakiramdam ko kasalanan ko ang lahat kung bakit sya namatay at kung bakit ngayon lang kami nakadalaw dito.
napatitig si Papa sa puntod ni Mama and I can see through his eyes ang lungkot at pangungulila na nararamdaman. Mas lalo akong naguilty dahil dun kaya naman ay inilapag ko nalang ang bulaklak na hawak at umatras ng konti. sobrang tagal ng panahon na hindi nakadalaw si papa dito kaya ibibigay ko sa kanya ang oras para magkaroon ng Moment.
siguro kung hindi ako na-comatose ay matagal na sana naming nadalaw si Mama. at mukhang ako ang may kasalanan ng lahat. hays. past is past kaya dapat move on na ako sa nangyari.
inilibot ko ang paningin sa buong lugar. parang gusto kong maglakad-lakad kaya naman iyon ang ginawa ko. tinitignan ko ang bawat pangalan ng mga puntod na nadadaanan ko. naaawa nga ako dahil may mga ilan dito na bata palang ay patay na. hays, kawawa naman sila.
natigilan ako nung mapadako ang paningin ko sa dalawang puntod. nakaengrave dito ang dalawang pangalan na hindi ko naman kilala pero Familiar din sa akin. napakunot ang noo ko at tinitigan itong mabuti.
'CLYDE REYN BARGAS'
'ANN MUSESA'.
wait... san ko ba narinig ang mga pangalan nila? bakit parang kilala ko ang mga ito?
napatigil ako sa pag-iisip nung may marinig akong mga yapak sa likod ko. agad akong napalingon doon at nakita si Papa na papalapit sa akin.
"I'm done. your turn."
tumalikod sya at muling naglakad pabalik. sumunod naman agad ako sa kanya. I wonder, ano kayang kinuwento ni Papa kay Mama? Sayang di ko narinig. gusto ko sanang malaman kung ano ang mga pinagdaanan nya eh. di bale na nga.
"sa kotse na ako maghihintay." sabi pa ni Papa bago ako iwan dito mag-isa.
at dahil nga mag-isa nalang ako, aba syempre nakaramdam agad ako ng takot lalo na nung biglang humangin ng malakas. idagdag mo pa ang pagiging creepy ng lugar at nakakatakot na katahimikan. jusko. pakiramdam ko maraming multo dito. takot pa naman ako dun! huhu!
takte, parang kanina lang hindi ako nakaramdam ng takot tapos ngayon...
kaya naman pumikit ako ng mariin at minadali ang mensahe kay Mama.
"Mama, pasensya kung paiikliin ko lang tong message ko sayo. alam mo na kasi, iniwan na ako ni Papa at medyo nakakatakot na dito. sana maintindihan mo po. first of all, gusto ko pong sabihin na thank you dahil binigyan mo ako ng pagkakataong mabuhay at masilayan ang mundo. talagang sinakripisyo mo pa ang sarili para lang iligtas ako sa kapahamakan. pasensya na rin po kung ngayon lang kami nagkaroon ng time ni papa na dumalaw. alam nyo na kasi, maraming nangyari sa amin at ayoko ng maalala pa yun. sorry po dahil hindi ko nagawang iligtas si Ela. pakiramdam ko tuloy ako ang Malas sa pamilya. dahil sakin laging napapahamak ang mga tao sa paligid ko. pero alam ko naman pong masaya na kayo ngayon kasi kasama nyo na si Ela. hindi na po kayo nag-iisa. at masaya na rin po ako ngayon dahil kasama ko ang mga taong mahalaga sa akin. marami pa po sana akong ikukwento sa iyo kaso hindi ko na po talaga kaya ang kakaibang katahimikan sa paligid eh. pakiramdam ko may nagmamasid sa akin or praning lang talaga ako. pero kagabi po, may nakilala po akong isang lalaki at ang sabi nya ay mahal ko daw sya. nagmamahalan daw kaming dalawa. he even called me Multong pangit! nakakaloka diba po Mama? first time ko lang naman po syang makita pero pakiramdam ko matagal ko na syang kilala. ano po sa tingin nyo ang nangyayari? ang weird po diba? ah basta! kung ano man ang mangyari, bahala na si Batman! yun lang po thanks sa oras! bibisitahin ko nalang po kayo ulit dito pag hindi na creepy ang lugar hehe see you next time Mama, I love you. Bye!"
after nun ay kumaripas ako ng takbo. jusmiyo marimar! ano bang nangyayari sa akin? kung may ibang tao lang ang nakakita at nakarinig sa mga sinabi ko malamang sa malamang pinagtatawanan na ako nun! eh mukha akong baliw eh.
hingal na hingal ako pagkarating sa Kotse na syang ipinagtaka ni Papa.
napapaypay pa ako sa sarili at kinakalma ang puso.
"what happen to you? are you Alright?" nag-aalalang tanong ni Papa.
sunod-sunod na tango ang ginawa ko kahit hindi nakatingin sa kanya.
"o-okay lang po ako hehe. n-nagjogging lang po ako para sumexy."
okay what?! what the hell am i saying?! jogging seriously?!
tinitigan nya naman ako na para bang tinitimbang ang sinabi ko. oh my! sana hindi na macurios si papa! baka pagtawanan nya ako kapag sinabi kong masyadong creepy ang lugar kaya tumakbo ako sa sobrang takot! nakakahiya!
sa huli ay wala ng nagawa si Papa kundi ang magmaneho pabalik.
tahimik lang kami pareho habang nasa byahe at dahil nga nakaramdam kami ng gutom ay dumaan muna kami sa isang Fast food chain. Ha! first time ni Papa'ng kumain sa mga fast food chain! isang point para sa akin! haha! ang galing ko talaga!
at dahil nga first time lang ni papa kumain dito ay Marami akong inorder. aba, dapat lang na matikman nya ang lahat ng pagkain dito! ipagyayabang ko to sa kanya!
"what the heck!?" bulalas ni Papa habang nakatingin sa mga pagkain sa harapan nya.
nagtaka ako.
"bakit po?"
nilingon nya naman ako sabay turo sa mga pagkain.
"may kasama ka pa bang ibang kakain? bakit ang dami nito?"
napangiti naman ako ng malapad.
"papa, para sayo lahat yan. alam ko kasi first time mo lang kumain sa mga fast food chain kaya inorder ko lahat yan. I want you to taste all of that. masarap po lahat yan Promise!" bumanat ako ng isang kindat.
napakunot naman ang noo nya at muling bumaling sa pagkain.
narealize nya siguro yung sinabi ko kaya naman hindi na sya nagkomento pa at sinimulan nalang tikman ang lahat. inabangan ko rin ang magiging reaksyon nya. sana magustuhan nya ang lasa. lintik, para ako isang chef dito na nagpapatikim ng niluluto.
"mmm, this one's tastes so good." komento nya habang nginunguya ang ang beaf steak. may patango-tango pa syang nalalaman. hehe.
napangiti ako ng malawak dahil dun.
"t-talaga po? hehe buti naman at nagustuhan nyo po." sabi ko pa.
sunod naman nyang tinikman ang spaghetti. "Mm, nice." mas lalong lumaki ang ngiti sa labi ko.
"ito pa po." iniabot ko sa kanya ang fried chicken na may gravy. kinain nya naman ito.
"Mm, I like this fried chicken." komento pa nya habang ngumunguya. natawa nalang ako.
"ano ka ba papa, yan ang best seller nila dito."
he eyed me, raising a brow.
"really?"
I nodded.
"yup. halos lahat naman po yata ng pagkain nila dito ay patok sa masa pero mas binabalik-balikan po kasi ng mga bata ang fried chicken kaya ayun.."
"Ahh.." napatango nalang sya at nagpatuloy sa pagkain ng fried chicken. mm, mukhang alam ko na kung anong babalikan ni papa dito. haha.
napailing nalang ako sa naisip at pinapak ang french fries. sinawsaw ko rin ito sa sundae. ang paborito kong gawin. haha.
Inabot kami ng halos kalahating oras sa pagpapak ng mga pagkain. nagreklamo na nga si Papa sa akin dahil hindi nya maubos ang inorder ko. sayang naman kaya ayun, pinatake out ko nalang para ibigay sa mga bata sa kalye. kawawa naman baka nagugutom na sila.
paglabas namin ay agad kong nilapitan ang isang matandang nanay na may kasamang dalawang batang lalaki na nakaupo sa gilid ng fast food chain. halatang nagugutom na sila at nanghihina na. nakaramdam naman ako ng awa habang pinagmamasdan ang kanilang hitsura. gusot-gusot ang damit, at napakarumi nila. hays, bakit ang daming mahihirap sa mundo.?
"Umm, Ale.. sa inyo nalang po oh." binigay ko sa kanya ang plastic na hawak ko.
napalingon naman silang lahat sa akin at dun sa plastic na hawak ko bago ito tanggapin.
"M-maraming salamat Ineng." ngumiti ito sa akin kaya naman ganun rin ang ginawa ko.
"walang anuman po. hindi po kasi maubos ng papa ko, sayang naman po kung itatapon lang eh hindi pa nababawasan yan."
nagsilapitan ang dalawang bata sa kanya at agad nilang binuksan ang nasa loob.
napangiti nalang ako habang pinagmamasdan silang tatlo.
hays, bakit kaya wala silang bahay? dapat ngayon ay nag-aaral na ang dalawang batang ito. ang hirap pala ng buhay kapag pinagkakaitan ka ng mundo. yung tipong gusto mong mag-aral pero wala kayong pera panggastos. yung tipong gusto mong magtrabaho pero hindi ka tinatanggap ng mga kompanya.
isali mo pa ang mga tiwaling politiko na binubulsa ang pera na dapat ay para sa mahihirap lamang.
Nang dahil sa nakikita ko ngayon ay may naisip akong paraan para makatulong sa kanila. mmm, magpapatayo ako ng charity para sa kanila. sure naman ako na maraming tutulong dito. magandang Idea!
"Ysha, lets go?" napalingon ako kay papa na kanina pa pala kami pinapanood. hindi sya nakangiti pero alam kong natutuwa sya sa ginagawa ko.
napatango nalang ako at sumunod sa kanya. kaso hindi pa ako tuluyang nakakarating sa kotse ay bigla namang lumitaw si Emman mula sa kanyang kotse na tulad ko ay nagulat rin ng makita ako.
napahinto ako sa paglalakad. ganun din sya. nagtama ang aming mga paningin at lintik! hindi ko alam ang gagawin ngayon! yung puso ko, nagsisimula na namang gumulo. syete kinakabahan ako! yung mga kamay at tuhod ko nanginginig! oh my mama! what am i gonna do?!
sabi ko ayaw ko na syang makita ulit pero mukhang tadhana na ang gumawa ng paraan para magtagpo kami! at talagang dito pa? dinami-rami ng fast food chain sa mundo, dito pa?!
"A-Allesha..." nagsimula syang maglakad papalapit sa akin at dahil sa taranta ay tumakbo ako papasok sa kotse.
hingal na hingal pa ako pagkarating doon. sobrang lakas ng tibok ng puso ko. pinagpapawisan ako ng matindi! napapikit ako ng mariin para kalmahin ang sarili. Shemas! shemas talagaaaa!!! nakakalokaaaa!!!!
sheteeee!!! bakit naman kasi ang gwapo nya?!! tapos ang hot pa nya tignan sa porma nya kanina!!! simpling t-shirt at jeans lang naman ang suot nya pero shemasss!!!! ang sexy nya tignaann!!
"konti nalang talaga iisipin ko na, na may humahabol sayo." agad akong napamulat ng mata at gulat na napalingon kay Papa. oh shems! bakit nakalimutan kong kasama ko sya? putek paniguradong nakita nya yung kabaliwan ko kanina! nakakahiyaa!!!
nilingon at tinignan nya ako ng seryoso.
"tell me Ysha, sino ang humahabol sayo?"
"A-ahm.." bakit pakiramdam ko may bumara sa lalamunan ko? shems!
"alam mo dalawa lang yan eh. it's either someone is following you or you are hiding from someone you knew."
napakurap ako.
"eh?" well hindi naman na nakakagulat kung iyon ang iisipin ni Papa kasi totoo naman pero shems! si Emman na naman naaalala ko!
Papa sighed.
"Anak, kung may iniiwasan kang tao ay wag mo nang ituloy yan. dahil kahit anong mangyari ay magtatagpo't magtatapo kayo kung tadhana na mismo ang gumagawa ng paraan."
maang akong napatitig sa kanya.
"eh papa-----" natigilan ako nung marealize ang sinabi nya. hays, kahit anong gawin ko ay tama si Papa. bahala na nga si batman!
"anyway, it's been 9 years mula no'ng sumali ka sa mga charity events. wala ka bang balak na bumalik?" maya-maya'y tanong pa nya.
dahil dun ay naalala ko ang balak kong gawin.
"umm, about po dyan.. gusto ko po sana magpatayo ng charity."
sinulyapan nya naman ako saglit bago muling ibaling ang tingin sa kalsada.
"thats good. and?"
I sighed. "hindi ko lang po alam kung kaya ko ba yun."
"I know you can. ikaw pa? kung gusto mo talagang tumulong sa mga tao ay maraming paraan. don't worry, I am here. tutulungan kita."
napangiti naman ako sa kanya dahil dun. yes! may tutulong na sa akin!
"thanks Papa!"
"anything for you, my daughter." He smiled.
hays, nagiging madali talaga ang lahat kapag marami ang tutulong sa yo. kaya alam kong matutupad ang plano ko. isa pa, marami akong matutulungan sa gagawin ko.
***
"Yshaaaaa!!!!"
sinalubong ako ng yakap si Jimnet pagkalabas nila ng NAIA Airport.
"Welcome back Jim!" nakangiting saad ko pa.
napahagikhik naman sya at inilibot ang paningin sa paligid bago sya muling bumaling sa akin.
"Yeah. it's good to be back. almost 9 years na rin simula nung lisanin ko ang bansang ito."
"Ate Jim!" napalingon kami kay Maria nung tumakbo ito papalapit kay Jimnet at sinalubong ito ng yakap.
"Maria! grabe namiss kita! how are you??" masiglang sambit pa ni Jimnet dito.
natawa nalang ako habang pinagmamasdan silang magkwentohan. Busy kasi sa kacall si Maria kanina and I'm sure tungkol sa business na naman yun kaya ngayon lang sya nakabalik sa pwesto namin.
kaming dalawa kasi ang sumundo kay Jimnet.
at kita mo nga naman, imbis na ako ang ichika ng kaibigan ko hayun yung kapatid ko na ang kausap.
napailing nalang ako. naramdaman ko naman ang pagtabi sa akin ni Andrey.
"grabe, nagkita lang silang dalawa nakalimutan na agad na may asawa syang kasama." sambit naman ni Andrey na napapailing pa habang pinagmamasdan ang dalawa.
nilingon ko naman sya.
"selos ka naman?"
he eyed me.
"at bakit naman ako magseselos?"
"kasi mukhang hindi ka na nag-iexist sa kanya." sinamaan nya ako ng tingin. nginisihan ko naman sya.
"shut up Ysha, its not funny!"
"who says I'm joking?"
"Uy guys lets go!" agad kaming napalingon kay Jimnet nung tawagin nya kami pareho ni Andrey.
binigyan ko muna nang nakakaasar na ngisi si Andrey bago ako tumulak papasok sa Van. I'm sure napipikon na yun sakin ngayon. Haha. di na ko pinansin sa loob ng Van eh. kada lilingon sya ay sobrang sama ng pagkakatingin nya sa akin.
natawa nalang ako ng palihim.
"So Ysha, did you already found your 'the one?'" maya-maya'y tanong pa ni Jimnet.
napakurap ako dahil dun at muli na namang sumagi sa isipan ko ang mga sinabi sa akin ni Emman! oh shems! dalawang araw na rin pala nung huli ko syang makita sa isang Fast food chain. buti nga at hindi nya ako ginulo. but there's still part of me hoping he will find me and then talk to me.
"Ysha, I'm asking you." muli akong napalingon kay Jimnet. yung mga mata nya, nanunukso na. napatingin ako saglit kay Maria na ngayon ay nakatingin sa akin at naghihintay rin ng sagot.
oh shems, why are they staring at me like that?
napalunok ako.
"Ah-I-ahm, nope."-
they eyed me suspiciously
"Sure?"
"o-of course! ano bang iniexpect nyo eh isang linggo palang naman ako dito." yeah, totoo yun. right?
"Imposible namang wala ka pang mahahanap sa loob ng isang linggo??" saad pa ni Jimnet..
"hay naku ate Jim. tulungan mo nalang si Ate Ysha maghanap ng jowa! walang balak eh, mukhang mauunahan ko pa." saad naman ni Maria at agad namang tumawa si Jimnet. adik talaga tong babaeng to.
"okay sige. don't worry Ysha. marami akong kilala na single pa. Haha!"
"eh bakit kasi hindi nalang si kuya Kel ang jowain mo ate Ysha?" komento pa ni Maria habang nagtitipa sa kanyang cellphone.
nilingon ko sya agad.
"anong pinagsasabi mo dyan Maria? magkaibigan lang kami ni Kel." depensa ko pa. totoo naman kasi.
matagal ng nawala ang feelings sa akin ni Kel. naramdaman ko yun months after kong magising mula sa pagkaka-comatose. kaya hanggang friends nalang talaga kaming dalawa. at saka isa pa, nararamdaman kong may iba nang nagugustuhan yung lalaking yun. ayaw lang nyang aminin sakin pero halata sya. I wonder, sino kaya ang maswerteng babaeng yun?
"okay sige. sabi mo eh. basta wag kang mainggit kapag nauna akong makahanap ng boyfriend kesa sayo." sagot nya.
natawa nalang ako sa kanya.
"boyfriend nga ba? o asawa?"
nilingon nya naman ako sabay ngisi
"both."
"make sure na gwapo yan Maria." komento naman ni Jim.
"of course! mataas ang standard ko sa lalaki no! Haha!"
"good."
"ewan ko sa inyong dalawa." sabi ko pa at natawa naman sila. mga loka-loka.
kinagabihan ay sabay-sabay kaming naghapunan nila Mommy. at gaya ng inaasahan, kinamusta na naman nila ako tungkol sa trabaho. at dahil binanggit nila ang tungkol sa pagbibigay ng funds sa mga foundations ay sinabi ko na rin yung tungkol sa pagbabalak ko na magpatayo ng isang charity.
natuwa naman sila sa nalaman kaya naman daw ay tutulongan nila ako. napangiti nalang ako ng todo. mabuti nalang talaga dahil sinusuportahan nila ang mga ginagawa ko. ang swerte ko sa kanila. edi mas magiging madali nalang pala ang pagpapatayo ko ng charity. kailangan ko nalang maghanap ng Lugar na pagtatayuan pero dahil nagboluntaryo si Daddy ay sya na lang daw ang bahala doon. maghanap nalang daw ako ng engineer at architect para sa project na ito.
madali nalang naman maghanap nun kaya pumayag ako agad.
"anyway, Ysha. are you free tomorrow after your work?" maya-maya pa ay tanong ni Mommy..
napakunot naman ang noo ko at inisip kung may schedule ba ako.
"mm, wala naman po. bakit?"
napapalakpak sya sa tuwa na syang ipinagtaka ko.
"great!"
"eh? bakit po?"
"naalala mo ba yung sinabi namin sayo ng Daddy mo tungkol sa blind date?"
"o-oh tapos po?" kinakabahang tanong ko pa kahit may idea na ako kung anong gagawin.
nagkatinginan silang dalawa na may kahulugan bago muling bumaling sa akin.
"We already found a one person that suits as your date tomorrow! don't worry, nagmula rin naman sya sa marangyang pamilya."
napakunot ang noo ko.
"ano pong pangalan?"
they smirked at me.
"secret. malalaman mo bukas."
mm... why do I have this feeling na parang may kakaibang binabalak ang parents ko? I don't want to assume na meron nga pero kilala ko sila. hays, sana naman hindi ko pagsisihan tong gagawin ko bukas. blind date lang naman diba?
kinabukasan, back to work as a CEO na naman ako. the usual, marami na namang mga papers ang kailangan pirmahan at pag-aralan.
pagdating ng tanghali ay sumama ulit ako kay Angelica na kumain sa Canteen. at kasabay na naman namin sina Nissa, Grey at Shila at Micheal. buti nalang din at hindi na sila naiilang sakin kaya komportable na silang sabihin ang mga gusto nilang sabihin.
"Maam Ysha, ano pong feeling na anak ng isang mayaman?" maya-maya pa ay tanong ni Grey.
dahil dun ay nakuha ko ang atensyon nilang lahat. pati nga mga katabi naming table ay napatigil sa kanilang kinakain at napalingon sa amin eh. jusko, agaw pansin na kami. ang lakas naman kasi ng boses ni Grey. ang dami tuloy nacurios.
"hoy bakla, ang lakas ng boses mo! abot hanggang sa kabilang building!" segunda pa ni Shila dahilan para matawa ako.
inismaran naman sya ni Grey.
"OA ng kabilang building mo ah? exaggerated teh?"
"Pakihinaan kasi. jusko, pahamak talaga minsan yang bunganga mo." irap nung isa.
"che! inggit ka lang!"
"oh tama na yan. baka san pa mapunta yan ah?" pag-aawat naman ni Micheal sa kanila.
nag-irapan naman ang dalawa sa isa't isa.
"oh sya, balik tayo sa tanong. ano nga ba Maam?" baling naman sa akin ni Nissa.
I sighed then sip my coke before I spoke.
"mm, ako? parang... okay lang."
"Okay lang?!" sabay-sabay nilang sabi.
natawa ako.
"oh, bakit ganyan ang mga reaksyon ninyo?"
"eh Maam, paanong okay naman po?" tanong pa ni Ange.
napaisip naman ako.
"Mm, paanong okay nga ba?" itinukod ko ang siko sa Mesa at tumingin sa malayo.
"yung Mommy ko mabuting Ina. yung Daddy ko naman ang mapagmahal na Ama. sa bahay kasi mas Daddy's girl ako. kasangga ko lagi ang Daddy ko lalo na kapag inaasar namin si Mommy. pero pagdating sa ibang bagay si Mommy naman ang kakampi ko. pantay lang eh. parang Roller coaster lang din ang buhay ko katulad ng ibang tao. Minsan masaya, minsan malungkot, ganun. pero pagdating sa Pera? wala naman akong problema doon. sinusuportahan ako ng mga magulang ko sa lahat ng ginagawa ko. Minsan nagkakatampohan pero nagkakabati rin naman agad, ganun."
"hindi po ba nagtatalo ang mga parents nyo?" tanong ni Grey.
"Mm, depende. Si Mommy naman kasi ang laging nang-aaway kay Daddy. pero kung ang tinutukoy mo ay ang away katulad ng Pisikalan or sagutan ng malulupit ay wala. never."
"Wow! sana all." komento pa ni Nissa.
"inggit ka ba teh? paampon ka na rin sa kanila." biro pa ni Grey.
tinaasan sya nito ng kilay.
"Excuse me, kompleto ang Family ko no!"
"palibhasa kasi ikaw naiinggit!" segunda naman ni Shila.
pinamewangan sya nito.
"hoy! ang magandang katulad ko hindi naiinggit sa kahit na sino!"
"Anong maganda ka dyan?! Ikaw? yuck ah! kadiri!"
"ay teh wag kang ganyan. kung gusto mong gumanda magparetoke ka nalang. di na kaya nang Gluta ang mukha mo."
"Baka ikaw ang may kailangan nun! kapal ng mukha nito."
"Oh sya awat na! baka mamaya nyan magrambolan na kayo ah? haha!" sabi naman ni Ange.
"tse!"
after nang tanghalian ay back to work na naman. ilang oras akong busy dito nung biglang may kumatok at pumasok mula doon si Ange na may dalang isang.....BULAKLAK?!
Lumapit naman sya sa akin dala ang isang nanunuksong ngiti.
"Maam Ysha, may nagpadala pong bulaklak sa inyo."
napakunot ang noo ko.
"Sino daw?"
"wala pong nakalagay na name eh. pero sayo po nakapangalan. ito po oh." ibinigay nya sa akin ang Bulaklak which is pink roses at inabot ko naman yun kahit nagtataka. umalis na rin sya pagkatapos at pinagmasdan ko naman itong Roses..
walang pagkakakilanlan kung sino ang nagpadala. ni card ay wala. weird.
sino kaya ang nagpadala nito? wala naman akong maalala na may nanliligaw sa akin. maybe one of my Secret admirers? or baka naman kay Kel to galing at trip nya akong bigyan nito.
inamoy ko ito at wow! infearness ang bango ah! sarap amoy-amoyin. saka talagang pink roses pa! paano kaya nalaman nung tao na paborito ko ang pink? maybe research? ang haba naman ng hair ko haha.
busy ako sa kahahanap ng name ng nagpadala sa roses nung biglang tumunog ang phone ko at nagflash sa screen ang pangalan ni Mommy.
kaya naman ay binaba ko ang hawak na bulaklak at sinagot ang tawag.
"Hello Mommy?"
"Ysha, mamaya ah? don't forget. naghihintay ang kadate mo."
I made a face. oo nga pala. may kablind date pala ako ngayon. buti nalang at tumawag si Mommy para ipaalala sa akin ang tungkol dun hehe.
"Yes po Mommy. noted po."
I can imagine her smiling right now..
"good. Don't forget 7pm!"
natawa ako.
"oo na po."
"Ysha I'm serious! hindi basta-bastang tao ang makakadate mo."
"bakit, Prinsipe po ba yung makakadate ko?" I joked.
"Yes, Kinda. kaya umayos ka."
"oo na, oo na! ako na po ang bahala."
"good. hehe. mag-enjoy ka lang okay? bye, loveya."
then she hang up the call. I sighed. mukhang Desperado na si Mommy na mag-asawa ako ah? napailing nalang ako.
well, why not give it a try? malay ko naman ito na ang chance ko para makahanap ng the one.
mabilis lumipas ang oras at hindi ko na namalayan oras na pala ng uwian. kaya naman ay nagmadali akong mag-ayos ng mga gamit at dumiretso sa CR. syempre kailangan kong ayusin ang sarili ko dahil nakakahiya naman kung magmukha akong bruha kapag nakaharap ko yung kadate ko mamaya.
baka isipin nun ang pangit ko. masakit sa lungs ang pagsabihan no!
nung masiguro kong maganda na ako ay nagmadali akong bumaba at lumabas ng building. at dahil nga coding ako ngayong araw ay kailangan ko pang magcommute. jusmiyo!
tinignan ko ang oras. 6:30 palang.
may 30 minutes pa ako bago makarating doon. buti nalang din at nasa malapit lang yung meeting place namin.
pumara agad ako ng taxi at sinabi ang address ng Restaurant.
I'm on my way to the Restaurant when Jimnet's name flashed on my phone's screen.
I answered the call.
"hello?"
"Ysha Where are you?"
"may date akong pupuntahan ngayon, why?"
I heard her gasped in shocked. well, expected ko na magugulat sya kaya di na ako nabigla.
"Omg! seryoso?!"
"yup."
"Weh??? kyaaa!!! sino?! sino?!"
natawa ako.
"ang ingay mo. sakit sa tenga ah."
"ay sorry naman. kasi naman nakakagulat ka eh! so who's the lucky guy?"
napanguso ako.
"hindi ko pa kilala eh. blind date lang kasi to. malalaman ko palang mamaya."
"ay weh? seryoso?"
"yeah."
" nakss!! sana magkalove life ka na!haha para naman sumaya na ang buhay mo. oh sya, oh sya. balitaan mo nalang ako kung anong mangyayari ah?"
I nodded as if nakikita nya.
"sige. by the way, bakit ka nga pala napatawag?"
"eh yun na nga, yayayain sana kitang magbar bukas ng gabi? kung okay lang naman sayo?"
napasimangot ako.
"Jim, alam mo namang hindi ako mahilig mag-Bar diba? pumupunta lang ako kapag may gig."
"Hayss oo na oo na. pero bakit ayaw mong itry? di ka naman maglalasing eh. samahan mo lang ako dun. puro mga kaibigan kasi ni Andrey ang nandun at di ko naman kilala ang mga iyon. mahirap na baka ma-OP ako kaya mas maganda na yung may back up."
napaangat ang kilay ko.
"ay ganun, so ano to? choices lang ako?"
"hindi naman sa ganun. ewan ko sayo Ysha. dapat alam mo na ang ibig kong sabihin eh. ah basta! pag-isipan mo tong mabuti. okay?"
natawa nalang ako.
"oo na sige. balitaan nalang kita."
"good. sige enjoy your date! bye!"
then she hang up the call.
napailing nalang ako habang pinagmamasdan ang phone. anong lason ba ang pumasok sa isip ni Andrey at naisipang dalhin sa Bar ang sariling asawa? adik ba to? hays. pepektusan ko talaga tong pinsan ko kapag nagkita kami. bad influence eh.
pagdating sa harap ng Restaurant ay bumaba ako at pinagmasdan ang lugar. so, mayaman nga ang makakadate ko? mamahalin to dito eh.
napabuntong hininga nalang ako at pumasok sa loob. sinalubong naman ako ng isang usher at tinanong kung may reservation ako. sinabi ko naman ang pangalan ko at agad na sinamahan papunta sa table na nakareserve para sa amin.
tinignan ko ang oras habang naglalakad papunta sa table. it's 7pm! saktong-sakto lang para sa napagkasunduang oras! hehe.
mula dito ay natanaw ko na ang table namin pero napahinto ako nung may lalaking nakaupo na doon at nakatalikod sa akin. mm, nauna na sya. thats nice. pero teka...
bakit parang familiar sakin ang likod nya? ay bahala nga! makikita ko rin naman agad ang hitsura nya eh.
Inayos ko ang tayo ko para magpa-impress. chest out, heads up. huh! tignan natin kung hindi sya matutulala kapag nakita ang napakagandang si ako, chars..
pagdating doon ay dumiretso ako nang upo na at tinignan ang kasama kong lalaki.
pero halos malaglag ako sa kinauupuan ko nang makita sya.
oh my gosh! seryoso ba tong nakikita ko?! tell me if this is a dream!
Kinusot ko ng kinusot ang mata ko pero wala! hindi nagbabago ang hitsura nya! its still him!
oh my gosh nga naman talaga!
dahil dun ay nagsimulang magkarambola ang tibok ng puso ko.
anak ka ng kabute!
"I-Ikaw!?!" gulat na tanong ko pa habang nakatingin sa nakangising mukha ni... EMMAN LOYD FUERVA!
takteee!!!!! Sya nga! syang-sya! Don't tell me, sya ang KADATE KO?!
oh goodness!
"It's good to see you again... Allesha." nakangising sambit pa nya.
oh mahal kong lupa! lamunin mo na ako ngayon din!
**/*/*/*/***/*/*/*/***
unedited...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top