ghost 80
ghost 80:
"You are 20 Minutes late." unang katagang bumungad sa akin pagkarating ko sa third floor.
nakahalukipkip na nakatitig sa akin ang inip na inip na si Kel de Lore.
huminga ako ng malalim para kalmahin ang sarili. nakakahingal kaya magmadali.
"namiss rin kita, Mr. Kel! hehe." sabi ko at dinambahan sya ng yakap.
"ang gwapo mo parin ah! walang pinagbago!" saka ko kinurot ang pisngi nya. napasimangot naman sya sa ginawa ko at hinawakan ang kamay ko at inalis sa pisngi nya.
"I know, and you don't have to state the obvious. late ka na kaya ikaw ang manlilibre sa akin ng lunch ngayon."
awtomatikong nabura ang matamis na ngiti sa aking labi. pagkakataon nya naman yun para ngumisi at asarin ako ng mga mata nya.
hinampas ko ang matigas nyang dibdib.
"Ya! ang sama mo ah! ikaw ang nagyayang magdate tayo tapos ako ang magbabayad ng lunch mo?! bakit, nalulugi na ba ang kompanya ninyo?! sa pagkakaalam ko mayaman ka at maraming pera! samantalang ako...... m-mayaman rin.. p-pero..."
humagalpak naman sya ng tawa at saka ako tinitigan. sinalubong ko ang mga titig nya.
"Jesus, Ysha. you never failed to amazed me."
inirapan ko sya.
"shut up Kel."
natawa nalang sya at ginulo ang buhok ko. "oo na, ako na ang manlilibre. nakakahiya naman sayo eh. tara na nga, gutom na ako. nakakagutom maghintay ah."
inakbayan nya naman ako at sabay naming tinahak ang daan patungong Mcdo. napangiti nalang ako. hanggang ngayon hindi nagbabago ang paboritong fast food chain ni Kel.
"by the way, you look so hot today." bulong pa nya sa tenga ko.
nilingon ko naman sya at nginisihan.
"of course. ako pa." then I winked.
natawa nalang sya at napailing.
***
after ng friendly date namin ni Kel ay dumiretso ako sa Mansyon.
Habang naglalakad papasok ay hindi ko na naman mapigilan ang mamangha. Medyo nagbago ang hitsura nito pero mas lumaki. Ang ganda parin pala talaga ng mansion ni Papa.
yung mga kasambahay nila ay mukhang kilala na ata ako dahil napapahinto sila kapag dumadaan ako sabay bow at ngiti pa. nice. marespeto. kaya naman ginantihan ko sila ng ngiti at binati. may iba pa ngang napapatulala nalang sa akin eh.
yung iba nagbubulong-bulongan pa. hays, ang ganda ko talaga! hehe.
pagdating ko sa sala ay nadatnan ko naman agad si Maria na nakaupo at nakapikit habang hinihilot ang kanyang sintido. natawa nalang akong nilapitan sya. stressed na masyado ang loka.
"Ano Maria, kaya pa?"
agad syang nagmulat ng mata at gulat na napatingin sa akin.
"Ohmygosh! Ate Yshaaa!!!" tumayo sya at dinambahan ako ng yakap.
natawa nalang ako sa biglang pagiging hyper nya.
"buti nakarating ka na Ate! namiss kita ng isang buwan! Haha!"
"kumusta na?" tanong ko naman at umupo sa sofa. ganun din ang ginawa nya.
"heto.. pagod." napanguso naman sya. "Alam mo naman eh."
natawa ulit ako. "no choice ka eh. same lang din naman tayo, kaya I feel you." I winked.
napabuntong hininga nalang sya at isinandal ang ulo sa sofa.
"yeah. ang hirap pag wala kang maraming kapatid."
napatitig naman ako sa kanya at napakagat labi. may idea akong naisip.
"Alam mo... bakit di ka nalang mag-asawa at sa kanya mo ipasa ang posisyon?"
agad naman syang napabangon at nanlaki ang matang napatingin sa akin.
"P-pwede ba yun? papayag kaya si Daddy?"
nagkibit balikat ako.
"I don't know. pero malay natin."
napangisi naman sya bigla na para bang may naisip na kalokohan.
"edi gagawin ko ang lahat para mapapayag si Papa! Haha! great Idea!"
"eh ang tanong, may boyfriend ka na ba?"
natigilan naman sya sa tanong na yun at napanguso.
"yun lang.. pero madali lang naman maghanap! idadaan ko nalang sa alindog! haha!"
napatango-tango nalang ako.
"Wookeyy... sabi mo eh. basta make sure na hindi ka sasaktan ng lalaking yan ah?"
"Aba oo naman no! subukan nya lang at ipapatikim ko talaga sa kanya ang bagsik ng isang Cantilian!"
I plafully rolled my eyes.
"Whatever."
natawa nalang sya.
ilang oras rin kaming nagkwentohan ng ilang mga bagay-bagay. Kinukwento nya sa akin ang mga naging experience nya bilang isang President ng Company ni Papa. at unang araw palang daw sumasakit na ang ulo nya sa dami ng mga kailangan ihandle. ako naman ay natatawa lang. hindi naman kasi talaga madali ang maghandle ng company no lalo na kung malaki ito.
pati rin naman ako naiistress sa paghahandle pero sanay na ako kaya easy nalang ito para sa akin.
buti nalang din at natapos ko na ang training namin ni Daddy. hihintayin ko nalang kung kelan nya ipapasa sa akin ang trono, charss..
***
kinabukasan, nagulat nalang ako nung bigla akong gisingin ni Mommy ng sobrang aga. sabi niya kailangan ko daw sumabay kay Daddy ngayon dahil ipapakilala nya na daw ako bilang CEO ng kompanya.
dahil dun ay nataranta ako at hindi alam ang gagawin. takte, ikaw ba naman biglang sabihan ng ganun tapos di ka ready sinong hindi matataranta? eh parang kagabi lang kinuwento ko pa kay Maria ang tungkol dun tapos ngayon na pala mangyayari?
nakakaloka tong si Daddy ah. mahilig sa mga surprises. aatakihin ako sa puso nito eh. pati sa pagsusuot ng damit natataranta na ako. ang gulo tuloy ng closet ko. syempre, kailangan ko maging maayos at presentable. baka sabihin ng mga employees ni Daddy na hindi ako karapat-dapat maging CEO. kakahiya.
pagdating sa sala ay nadatnan ko sila Dad na nakatayo at hinihintay ako ng may isang matamis na ngiti sa labi.
"Are you ready, my daughter?"
"do I look like I'm ready, daddy?"
natawa naman sila dahil dun. ako naman ay napasimangot lang. langya, seryoso ako dito tas tatawanan lang ako?
"ikaw talaga Ysha oh. tara na nga. baka hinihintay na tayo doon."
pinigilan ko agad sya sa kamay.
"t-teka lang dad!"
he eyed me. "what?"
napalunok naman ako sabay nguso.
"A-ah kasi... sure ka bang now na talaga?"
napakunot ang noo nya.
"bakit, ayaw mo?"
umiling ako.
"hindi naman po sa ganun pero-----"
"Ysha, Anak kaya mo yan. ikaw pa? I believe in you."
napangiti nalang ako dahil dun. pakiramdam ko naging instant positive lahat ng braincells sa utak ko. ang galing talaga ni Daddy! the best advicer! haha.
"Lets go?"
tumango nalang ako at sumunod sa kanya palabas ng bahay. sumabay naman ng lakad si Mommy sa akin.
kaya naman tinanong ko sya.
"Uh, Mom? do I look okay?"
nilingon nya naman ako at nginitian..
"you are beautiful, my daughter."
napangiti rin ako ng matamis.
"thanks mom!"
"youre welcome."
natawa kami after.
pagdating namin sa harap ng building ay sobrang lakas ng tibok ng puso ko. pakiramdam ko mahihimatay ata ako sa palpitations. kinakabahan ako ng sobra! hindi naman ako pasmado pero yung kamay ko nanginginig na at namamasa pa! nakakaloka na talaga to! hindi naman to defense para makaramdam ng ganito.
jusko.
pumasok si Daddy sa loob at sumunod naman ako. binati pa sya ng gwardya namin at binati nya rin ito pabalik. naks naman, humble si boss.
pagdating sa loob ay nagsilingunan sa amin ang lahat ng mga employees. lahat sila binati ng "good morning" si Daddy at napatitig sa akin na may curiosity sa mukha.
parang nahiya at naconscious tuloy ako. hindi talaga nila ako nilubayan ng titig eh. nagbubulong-bulongan rin sila and I'm sure tungkol yun sakin. may iba pa ngang nagulat nung makita ako.
"oh my gosh!"
"Who is she?"
"Bakit nya kasama si Sir Alturo?"
"Loka! anak yan ni Sir!"
"omg! talaga?! di nga?! seryoso?!"
"anong pangalan nya?"
"ang pangalan nya ay Allesha Marie Delasen!"
"weh?! seryoso?!"
"ang cool naman ng name nya!"
"ibig sabihin, sya yung babaeng sinasabi nila na bagong magiging CEO?!"
"Oo sya yun!"
"wow, ang ganda naman nya. sobra!"
"oo nga eh. ang kinis ng balat at ang puti. para syang manika!"
"nakakainggit naman sya!"
"ang sexy nya."
"mabait ba yan?"
"base sa nalaman ko, mabait at matulungin daw ang anak ni Sir."
"may pinagmanahan."
hindi ko alam kung matutuwa o mahihiya ba ako sa mga positive comment nila tungkol sa akin. bubulong na nga lang rinig na rinig ko pa. ay di na pala bulong yun. nagchismisan na sila harap-harapan.
ewan ko pero dahil sa compliments nila ay nagboost ang self-confidence ko at taas noong naglakad. mukhang napansin ata ni Daddy ang sudden action ko kaya naman sinulyapan nya ako sabay na natawa.
pagdating namin sa labas ng elevator ay agad na nagbigay ng space ang mga tao at sabay-sabay na binati si Daddy at gaya nga ng nangyari kanina ay nagsilingunan sila sa akin at namangha. yung iba nagtataka, yung iba nagulat. basta, halo-halong reaksyon. napangiti ako ng palihim.
bumukas ang Elevetor at syempre, nauna kaming pumasok ni Daddy. pero nagtaka ako nung mapansing dalawa lang kami pumasok at walang sumunod miski isa. at dahil unti-onting nagsasarado ang pinto ay pinindot ko ang hold button at tinignan ang mga tao sa labas.
"Uy, pasok na po kayong lahat. siguradong malelate kayo nyan." sabi ko pa. nagulat naman sila dahil dun at nagkatinginan sa isa't isa. dahil dun ay nilingon ko si Daddy na nakangiti na sa akin.
"Dad, wala bang sumasabay sayo dito sa elevator?"
umiling naman sya at natawa.
"ewan ko sa kanila. natatakot ata sila sa akin."
napakunot ang noo ko.
"bakit, hindi ka naman nangangain ng tao diba?"
natawa sya sabay iling.
"nope." may sayad ata tong daddy ko.
muli kong nilingon ang mga tao sa labas na nagbubulong-bulungan, at nag-aalinlangan na sumakay. yung iba napatulala sa akin. I sighed. jusko dinidiscriminate nila ang sarili nila.
"Mga Maam, Sir. pasok na po. hindi po kami nangangain ng tao. wala rin po kaming nakakahawang sakit. nakakahawang ganda lang po meron." I joked. natawa naman silang lahat doon at sunod-sunod na nagsipasok kahit nahihiya.
oh diba, nung sinabi kong nakakahawang ganda nagsipasok agad lahat. gusto ata nila mahawaan rin. Hahaha!
habang paakyat ay sobrang tahimik nilang lahat. miski ata paghinga nila hindi ko na naririnig. nakakatakot ba kami ni Daddy? awit. haha. miski pagpindot ng kung anong floor sila wala rin lumapit. so, magiging instant tagabantay ako ng elevator? okay, fine! ngayon lang naman eh.
"Uh, mga kuya, Ate. anong floor po kayo?" tanong ko pa sa kanila. and again, nagkatinginan na naman silang lahat. napalingon tuloy ako kay Daddy na nagpipigil na ng tawa sa isang gilid. okay fine, ako na ang mukhang tanga eh. but I'm just helping them out.
babaeng naglakas loob na lumapit sakin at sinabi kung anong floor nya. natuwa ako dahil dun. at dahil may naglakas loob ay sunod-sunod na silang nagsalita. jusko, mas mahiyain pa pala sila kesa sakin.
pagdating sa office ni Daddy ay di na nya napigilan ang paghagalpak ng tawa. sabi na eh, may sayad talaga sa utak ang daddy ko. napasimangot nalang ako at sinamaan sya ng tingin.
"Dad! walang nakakatawa!"
"pfft! sorry anak. I just can't help it!"
"ewan ko sayo Daddy!" I rolled my eyes.
"hahaha I'm sorry. hindi lang talaga kasi ako makapaniwala sa ginawa mo kanina. acting as a good samaritan, huh?"
napangisi naman ako.
"huh, well. thats me."
napailing nalang sya at umupo sa swivel chair. pinagsiklop nya rin ang kanyang mga kamay sabay tingin sa akin. "anyway, ready ka na bang ipakilala sa mga empleyado natin?"
"hindi pa pero susubukan ko po."
natawa naman sya at napailing nalang. "okay.." tinignan nya ang oras sa kanyang relo bago muling bumaling sa akin. "lets go."
tumayo sya at naglakad palabas ng office. wala naman akong nagawa kundi ang sumunod sa kanya.
at ayun na nga ang nangyari. pinakilala nya ako sa mga empleyado at gaya ng inaasahan, naghalo-halo ang reaksyon nilang lahat. may natuwa, nagulat at namangha.
may iba namang nagtanong sa mga kaya kong gawin. and I answered them right and correctly.
after nun ay bumalik kami sa office nya at pinaliwanag naman nya sa akin ang mga dapat gawin. bukas daw ay magsisimula na ako magtrabaho dito. pinakilala nya rin sa akin ang magiging secretary ko at mabilis naman kaming nagkasundo dahil makwela ring babae si Angelyn. thats her name.
nagset na rin pala ng isang engrandeng party si Daddy para icelebrate at ipakilala ako sa buong madla bilang bagong CEO dito na hindi man lang ako binalitaan agad. at syempre, maraming imbitado. matik na yun. ayoko nga sana ng ganun eh baka maulit na naman yung weird na naramdaman ko dun sa nakaraang party na inatendan namin. kaso wala na akong magagawa dahil kumikilos na pala silang lahat. at Ngayong saturday na daw yun. saktong Lunes ngayon edi may ilang araw pa ako para ihanda ang sarili.
***
kinabukasan, maaga akong nagising dahil magsisimula na unang araw ko bilang CEO ng kumpanya. well, may work experience naman na ako dahil nagtatrabaho rin naman ako sa isa sa branch ng Company ni Daddy sa America kaya easy-easy nalang. or hindi?
I just wore a long sleeve and pencil cut skirt, light make up then ready to go!
7:30 na at 8am naman ang pasok namin kaya hindi na ako sumabay sa kanila mag-agahan. binaunan nalang ako ni Mommy ng Tinapay. natouch naman ako bigla sa kanya. such a loving mother! hehe.
pagdating ko sa Building, syempre naka-all smile ako. mula kay manong guard na maganda ang ngiti ay binati ko. pati mga empleyadong nadadaanan ko ay binabati ko rin at kahit nagulat sila sa akin ay binati parin nila ako pabalik.
pagdating sa office ay nadatnan ko naman agad si Angelica na may ginagawa na. at nung makita nya ako ay tumayo sya agad at binati ako.
binigay rin sa akin ang mga dapat kong gawin at pirmahan. hay. buhay. parang life.
nagsisimula na ang totoong trabaho. ibig sabihin, nagsisimula na rin ang buhay ko bilang Matured na CEO.
ilang oras akong busy mga papeles na dapat pirmahan na hindi ko namalayan na tanghali na pala. kung hindi pa ako pinuntahan ni Angelica para iremind ay di ko pa malalaman.
at dahil gusto kong kumain ng may kasabay ay sumama na ako kay Angelica sa canteen. and as Usual, marami na naman ang napapalingon sa akin. mapababae man o lalaki. hirap maging maganda ah? chars.
pumila si Angelica para umorder kaya naman sumunod rin ako. Haha. malay ko ba. at nung nakaorder na kami ay naghanap sya ng mauupan kaso puno na eh. buti nalang talaga at may isang grupo ng mga empleyado ang nagtawag sa kanya. kaya dun nalang kami nakiupo.
at dahil isa akong dakilang maganda slash NEW CEO ay nailang ang mga kasama namin. apat ang ibang kasama namin ni Ange, dalawang babae, isang lalaki at isang bakla. bale anim kaming lahat sa table. and bruh, lahat sila ang tahimik at panaka-naka pa ang tingin sa akin.
ang awkward ba? wag sila mag-alala, ganun din nararamdaman ko.
at dahil wala talagang nagsasalita ay ako na ang unang naglakas loob.
I cleared my throat.
"Ahem.. um, may I know your names?" tanong ko pa sa kanila.
agad naman silang nagkatinginan sa isa't isa. dahil dun ay natawa si Ange.
"naku, wag na kayo mahiya. hindi naman nangangain ng tao si Maam Allesha. diba po?"
"yup. mabait ako promise. hehe." nagsmile ako sa kanilang lahat.
"Ako nga pala si Allesha Marie Delasen but you can call me Ysha. mas madali yun."
dahil dun ay nagkatinginan ulit sila at nagturuan na. dahil dun ay nagvolunteer na yung isang lalaki.
"Ako po si Micheal. 2 years palang po akong nagtatrabaho dito."
napatango naman ako at tinignan yung iba.
"kayo?"
"ako po si Nissa. 3 years na po ako dito.
"I'm Shila. 3 years na rin po."
"ako naman po si Grey. ang pinakamaganda sa aming department. nice to meet you Maam Allesha."
"sus, anong pinakamaganda ka dyan? Kapal ng mukha ah!" Segunda pa ni Shila na inirapan sya.
"Ay teh wag kang kontra! palibhasa di ka kagandahan kaya insecure ka sa beauty ko!"
"hoy! FYI, hindi ako maiinsecure sa katulad mong di naman maganda. echosera to."
nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanila. natutuwa akong pagmasdan sila. parang may naalala tuloy ako sa kanila na di ko malaman kung sino at kelan. weird.. ipinagsawalang bahala ko nalang ito.
nagpatuloy kaming magkwentohan at doon mas nakilala ko sila. Si Ange pala ay single mother. sya ang nagtatrabaho para mabigyan ng magandang kinabukasan ang 2 years old na anak. si Shila naman ay single and ready to mingle. panganay na anak at breadwinner ng pamilya. si Nissa at Micheal naman ay magboyfriend pala. kaya pala magkatabi at sweet sa isa't isa. now I know. haha.
pero buti nalang at nawala na ang pagkailang nila sa akin kaya napanatag na ako doon.
"Kayo po Maam Ysha? may boyfriend na po ba kayo?" tanong naman ni Nissa sa akin.
napanguso ako sabay Iling.
"still waiting for Mr. Right."
at literal na nagulat nga sila.
"Ay weh?! seryoso po kayo?!"
"imposible! sa ganda nyong yan!? wala talaga?!"
napabuntong hininga naman ako sabay kagat ng labi.
"yup. wala. as in wala. well, marami namang nagkakagusto sakin kaso ayoko eh. di ko type."
"ay naks! haba ng hair nyo Maam! pashare naman dyan!" biro pa ni Grey. natawa kaming lahat dahil dun.
"Maam Ysha, nagresearch po ako tungkol sayo then nalaman ko pong ampon ka lang daw po at si Mr. Cantilian daw ang tunay mong ama. totoo po ba yun?" tanong naman ni Shila.
natahimik silang lahat at naging attentive sa akin. I sighed. ang dami talagang curios sa pagkatao ko. hays, ako na maganda chars.
"yes. totoo yun."
nagsinghapan silang lahat sa narinig.
"ay weh?! seryoso po!? ohmygosh ah!"
"ang swerte nyo Maam! anak ka ng dalawang mamayaman na tao. take note, hindi basta-bastang tao si Mr. Cantilian. hindi ko pa nakikita sa personal yun pero sobrang yaman daw talaga nun at nakakatakot. Napaseryoso daw na tao nun." sabi pa ni Shila.
nagkibit balikat ako..
"well, ganun talaga si Papa. we can't change him. pero trust me, mabait yun. di nga lang halata. haha "
"hindi po ba kayo natatakot sa kanya?" nakalumbabang tanong naman ni Grey.
"Mm, to tell you the truth. natakot talaga ako nung una. kasi naman, ang lakas ng Authority nya. tapos ang cold pa ng mga reaksyon. pero nung makilala ko ang tunay na sya ay napatunayan kong hindi naman pala."
"Nice.. sana all."
napangiti nalang ako sa mga comment at paghanga nila. kung alam lang din nila ang pinagdaanan ko.
***
Araw ng Huwebes. at dahil nga sa sabado na yung Party ay napag-isipan kong pumunta sa Mall at mamili ng mga gamit. naisipan ko ring magrelax para naman marefresh ang utak ko. kakastress pala talaga yung mga papel na gatambak sa office.
habang papunta sa Mall ay biglang tumawag si Papa. I answered the call.
"Hello Papa?"
"Ysha, when is your available time?"
napaisip naman agad ako.
"bakit po?"
"Do you want to come with me? bisitahin natin ang Mama at kakambal mo. its been years Ysha. you never visited them in semetery."
napakurap naman agad ako sa sinabi ni Papa. oo nga..hindi ko pa pala nadadalaw ang puntod ni Mama at Ela. wala kasi akong pagkakataon noon at kung meron man, laging may biglaang events. kaya panahon na siguro para bisitahin ko naman sila. baka magtampo na sa akin yun.
I sighed.
"Sige po. Pwede po sa Sunday nalang? hindi po ako pwede now hanggang sabado."
I heard him sighed.
"okay, sunday it is."
"by the way papa, pupunta ka po ba sa Saturday?"
"Oo naman.. your Mom invited me. besides, hindi ko pwedeng palagpasin ang isang event na minsan lang mangyari sa anak ko."
napangiti naman agad ako sa tuwa.
"yiee! thanks Papa! aasahan po kita ah?"
"Yes, my daughter. see you there. I love you."
"loveyoutoo po!"
then I hanged up the call.
pagdating sa Mall ay nagtitingin ako sa mga damit na nakadisplay sa botique na nadadaanan ko. at kapag may nagugustuhan ako ay binibili ko kaagad.
at dahil gusto kong magpa-manicure ay dumiretso ako sa isang Spa. ilang oras akong nanatili doon hanggang sa matapos at bumili naman ako ng kwentas. pero natigilan ako nung mapadako ang tingin ko sa mga bracelet. napatingin agad ako sa kamay ko kung saan nakasuot ang bracelet na bigay sakin ni Ela.
buti nalang talaga at hindi ito natanggal sa kamay ko kahit naaksidente kami. nagpapasalamat nalang talaga ako. kaya naman ay hindi ko na ito hinuhubad. nangako ako kay Ela na hindi ko ito iwawala kaya iniingatan ko ito ng maigi.
napangiti nalang ako ng malungkot kapag naaalala ko na naman sya at ang mga nangyari sa amin. hays, I miss my sister.
"excuse me po?" napatingin ako dun sa batang kinukuwit ang kamay ko.
isang cute at batang lalaki ang kaharap ko. nasa mga 3 to 4 years old sya. nakanguso ito habang nakatingala sa akin. medyo chubby ang mga pisngi nya, matangos ang ilong, bilugan ang mata at mahahaba at makakapal ang mga pilik mata. ohmygosh! bata palang pero ang gwapo na!
at dahil hindi ako agad nakasagot dahil sa pagkastarstruck sa bata ay muli syang nagsalita.
"excuse me po ulit?"
"A-ah, yes? ano pong maipaglilingkod ko sayo?" nakangiting saad ko pa at yumuko para magpantay sa kanya.
tinuro naman nya agad ang mga kwentas na nasa harapan ko.
"I want to buy mommy a necklace. C-can you buy it for me? I don't have money po kasi."
nagulat man ay natawa nalang ako sa kanya. ang cute kasi nya magsalita.
"Pero hindi pa natin kilala ang isa't isa. hindi ka po dapat lumalapit sa mga strangers. its dangerous." sabi ko pa
nagulat naman sya sa sinabi ko pero muling ngumuso at yumuko. ang cute ng maliit nyang labi.
"S-sorry po. pero hindi ka naman po bad person, right? saka g-gusto ko lang po talaga bigyan si mommy ng necklace."
napatitig naman ako sandali sa kanya. okay, talo na ako sa kacute-an nya. I give up! I sighed.
"okay, I will buy it for you. but before that, may I know your name?"
nag-angat naman sya ng tingin sa akin at agad na napangiti.
"talaga po? thank you po! Ang bait nyo po!" agad nya akong niyakap sa binti na syang ikinagulat ko. pero napangiti nalang din ako after.
"Oh sya, pili ka na dyan at bibilhin natin." sabi ko pa.
"ito po!" itinuro nya sa akin yung silver necklace at may pendant na 'E'.
okay? so his mommy's name start with letter E huh? how brilliant.
kaya naman ay kinuha ko ito at agad na binayaran. pagkatapos ay ibinigay ko sa kanya at tuwang-tuwa naman sya.
"thank you po! My name is Ash Jino Belia. but you can call me jino po."
napangiti naman ako dahil dun.
"hi Jino. nice meeting you. ako naman si Ate Ysha."
"Hello po ate Ysha! thank you po ulit!"
"oh sya tara na. baka hinahanap ka na ni Mommy mo." sabi ko pa at hinawakan ang kamay nya. sabay kaming lumabas ng botique nung may biglang isang babae ang hingal na hingal na nilapitan si Jino saka ito niyakap ng mahigpit.
"oh my gosh, Jino! where have you been?! I've been looking for you!" tinitigan ko ang babae habang busy sa kakacheck sa katawan ng bata. maganda ito, medyo kamukha nya rin ang bata. sya ata ang mommy ni Jino. pero bakit parang.... pamilyar sakin ang mukha nya? parang may kamukha rin sya? kilala ko ba ito? san ko nga ba sya nakita? ang weird ah. parang ngayon ko lang naman sya nakita pero ang weird ng pakiramdam ko.
"sorry po Mommy. sinamahan lang po ako ni ate Ysha na bumili ng necklace para gift ko po sayo. ito po oh!" agad na pinakita ng bata ang necklace sa Ina. agad naman yung kinuha ng babae saka sya nag-angat ng tingin sa akin.
"A-ah, pasensya na kung naabala ka pa ng anak ko." paumanhin pa nya.
ngumiti naman ako sabay iling.
"okay lang."
"walang pera ang anak ko. sayo ba to galing?" she asked again. I nodded and smiled. "Ah ito oh. ibabalik ko na. naku, pasensya na talaga."
agad naman akong umiling at hindi tinanggap ang kwentas.
"okay lang. regalo yan ni Jino para sayo. wag mo na ibalik. wag mo narin akong bayaran."
"ha? pero----"
"okay lang talaga."
"mommy, bakit nyo po binabalik kay Ate Ysha? eh bigay ko po yan para sayo." singit pa ni Jino.
dahil dun ay natawa nalang ako. napatitig naman sa kanya ang Mommy nya bago muling lumingon sa akin at ngumiti ng alanganin.
"Ah sorry talaga ah. saka maraming salamat dahil nahanap mo sya. nag-alala ako, baka napano na sya. buti nalang ikaw ang kasama nya. Ako nga pala si Emily. ang mommy ni Jino." inilahad nya naman ang kamay sa akin na agad ko namang tinanggap. infearness ang lambot ng kamay nya. well, halata namang mayaman sya.
"Ysha. Nice meeting you." then we shake hands. "sige, una ako." yumuko ako ng bahagya at pinantayan si Jino saka ginulo ang buhok nya. "Bye, Jino. nice meeting you." Then I smiled.
"thank you po ulit ate Ysha!" at binigyan na naman nya ako ng cute na smile.
tinanguan ko naman ng may ngiti sa labi si Emily at tumalikod. pero bago pa ako tuluyang makaalis ay muli nya akong tinawag at lumapit.
may kinuha rin sya sa bulsa nya at ibinigay yun sa akin.
"Ah, Calling card ko yan. may botique ako dito. kung gusto mong bumili tawagan mo lang ako dyan."
agad ko naman yung tinanggap at ngumiti sa kanya.
"s-salamat."
***
'EMMAN LOYD FUERVA POV:
"Sir, may nagpadala po sa inyo ng message sa Email. pakibasa nyo nalang po." sabi ng sekretarya ko at lumabas na ng opisina.
agad ko namang tinigil ng pagtitipa at binuksan ang email acc. may isang messages dito at agad ko namang binuksan iyon. invitation? isa itong invitation party ng mga Delasen Group of Companies.
napakunot ang noo ko. Delasen? Familiar ang pangalan. saan ko nga ba ito narinig?
napatigil ako sa pag-iisip nung biglang tumawag si Janna.
"Hello?"
"Loyd! maaga ka bang makakauwi mamaya?"
"Umm, yeah. why?"
"great! Sama ka sakin mamaya! nagyayang magbar ang mga dating Classmates ko. pwede ka ba?"
napaisip naman agad ako.
"what time?"
"9pm. Ano?"
"Mm, sige."
"okay see you!"
at ayun na nga ang nangyari. dumiretso na ako sa sinasabing Bar ni Janna pagkalabas ko ng building.
pagdating doon ay agad kong hinanap ang table nila at di naman ako nabigo dahil nakita ko agad sila.
pinakilala naman agad ni Janna sa mga kasamahan nya. Umorder sila ng mga alak at nag-inoman. nagkwentohan naman kaming dalawa ni Janna. yung iba naman ay pumunta sa dance floor at nagsasayawan.
"Loyd."
"mmm?"
"nakatanggap ka ba ng email mula sa mga Delasen group of companies?"
"Uh, yeah. why? nakatanggap ka rin?" tanong ko pa.
She nodded. "pupunta ka?"
napaisip naman ako. pupunta ba ako? pero nakakahiya naman kung hindi ako pumunta dahil inimbitahan ako. saka sure akong marami akong makikilalang mga businesman doon at mas mabilis akong makahanap ng mga investor para sa project na gagawin sa Zambales. thats a good idea.
"Pupunta ako."
napangiti naman sya dahil dun.
"great! sabay na tayo ah?"
"okay."
muli kaming nag-inoman hanggang sa may mapansin akong babae sa kabilang table na mukhang may kaaway na isang lalaki. tinitigan ko ito ng mabuti. takte, Si Aya yun ah?! yung kaibigan ni Ate.
anong ginagawa nya dito? at sino yung kasama nya?
tila nagsasagutan ang dalawa. yung mga kasama naman nito ay walang ginawa kundi ang panoorin sila. sino ba ang lalaking iyon? matangkad ito, maputi, matangos rin ang ilong at singkit ang mata.
at dahil nga kilala ko sya ay lumapit ako pero bago pa ako tuluyang makalapit ay biglang hinila nung lalaki si Aya palabas ng Bar. nagtatakang sinundan ko sila ng tingin. may relasyon ba ang dalawang yun?
napailing nalang ako at muling bumalik sa table namin.
***
Sabado.
ito ang araw kung saan aattend kami sa Party. nagbihis agad ako at tinext sila Ate. napag-alaman ko na nakatanggap rin pala ng invitation card si Kyle kaya naman napagpasyahan naming sabay-sabay na pupunta doon. yung Van ang gagamitin namin. si Leo at Allen ay nakatanggap rin kaya pati sila ay pupunta.
sakto namang dumating na silang lahat pagbaba ko kaya nakaalis rin kami kaagad. Nasa unahan si Ate at Kyle at nasa likurang bahagi naman kami ni Janna.
hindi ko alam pero habang papalapit kami sa Venue ay di na mapirmi ang tibok ng puso ko. kinakabahan ako sa di malamang dahilan. ang weird lang. hindi naman ako kinakabahan kapag may mga inaattend-an akong ganito dati pero ngayon... ibang klase ang kaba ko. ni hindi ko na nga masyadong napagtuunan ng pansin ang mga sinasabi ni Janna sa akin eh.
hindi kaya may masamang mangyayari? or baka dahil may sakit lang talaga ako? di bale na nga.
pagdating namin sa loob ay agad kaming sinalubong ng sobrang dami at mga nakakalulang tao. karamihan sa mga ito ay mga businessman. halatang bigatin ang mga taong nandito.
binigay naman namin ang invitation card sa mga staff at pumasok. someone ushered us to our designated table. pagdating doon ay muli kong inilibot ang aking paningin sa buong lugar. may mga nagkakamustahan at nag-uusap kahit saan. I wonder, nandito na kaya sila Leo? san kaya sila nakaupo?
"are you looking for someone?" napalingon ako kay Janna dahil dun. nakatingin lang sya sa akin na para bang curios na curios.
"yup. I'm looking for Leo and Allen."
napatango naman sya at di na nagkomento pa. maya-maya lang ay may biglang lumapit sa amin na isang lalaki at babae. nasa mga mid 50's ang mga ito, magaganda't gwapo at mukha namang mababait. napatayo si Kyle at agad itong binati. kaya naman nagsitayuan rin kaming lahat.
"Goodevening Mr. Delasen."
"Goodevening. I'm glad nakapunta kayo." ngiti pa ng matandang lalaki sa kanya. so, He is the one who sent us an Invitation. hindi ko pa naman kasi kilala ang lahat ng mga tao sa business world dahil bago pa lang din ako. hindi pa nga ako umabot ng isang taon bilang CEO eh.
"well its a pleasure to be here." sabi naman ni Kyle. buti pa sya kilala na ito.
"and you have your wife beside you." puna pa nito.
agad namang ngumiti si Ate at nagbow ng bahagya.
"hello po."
"hi! you're wife is so beautiful, huh?" komento naman nung babaeng kasama ni Mr. Delasen. asawa nya siguro ito.
"thank you, Maam." Ate Replied.
agad naman silang napabaling sa akin kaya naman lumapit ako at nagpakilala.
"Goodevening Mr. Delasen. I'm Emman Loyd Fuerva. the new owner and CEO of Fuerva Hotel."
agad naman nanlaki ang kanyang mga mata nung marealize kung sino ako.
"Oh, Ikaw pala yun! ang anak ni Lordan! Ang gwapo mong bata! Alam mo bang naging Kaklase ko dati ang iyong Ama?"
nagulat ako.
"M-magkakilala po kayo ng Papa ko?"
"aba syempre naman no! Ang Papa mo ang isa sa pinakamatalino sa buong batch nung high School. pero nung magcollege kami ay hindi na kami magkaklase. hindi naman ata lingid sa kaalaman mo na Political Science ang kinuha nya at business naman sakin. pero we're still on the same University at nagkikita kami minsan noon. pero medyo matagal narin nung huli kaming nagkita at nagkasama. sa America na kasi kami tumira noon."
hindi ko alam kung anong irereact. Parang rude naman kasi kung sasabihin kong 'oh? talaga?'. nakakahiya yun.
sa huli ay ngumiti nalang ako at tumango. wala akong masabi eh.
"anyway, may girlfriend ka na ba?" tanong pa ng asawa nya. napatingin ako sa kanya dahil dun, gulat syempre. bakit karamihan sa mga tao ganyan agad ang tinatanong sa akin? halata sigurong wala pa akong girlfriend.
I cleared my throat.
"W-wala pa po."
She gasped in Shocked. may nakakagulat ba sa sagot ko?
"weh? seryoso? sa gwapo mong yan? wala ka pang girlfriend?"
natawa naman ako dun.
"well, I'm still waiting for the right person."
natawa naman sila dahil dun at sabay na nagkatinginan bago muling bumaling sa akin.
"parehas kayo ng anak ko. waiting for the right person din ang isang yun eh."
"talaga po?"
they nodded.
"mapili din kasi sa lalaki."
napatango nalang ako. hindi naman ako interested sa anak nila. Someone already owned my heart.
"anyway, nasan na po pala ang anak ninyo?" tanong naman ni Kyle.
"ay oo nga pala! wait, ipapakilala ko sa inyo ang anak namin." agad na iginala ni Mrs. Delasen ang kanyang mga mata upang hanapin ang nawawalang Anak. umalis ito saglit dahil dun ay naiwan si Mr. Delasen. Cue naman yun para magpakilala si Janna.
"Hello po, I'm Janna Elpeyn. hindi po kasi makakapunta ang parents ko kaya ako nalang po ang nagrepresent para sa kanila."
ngumiti naman si Mr. Delasen.
"its okay. walang kaso sakin yun."
"Ito na sya! ang anak ko, si Ysha! hehe." muling napabaling ang tingin namin kay Mrs. Delasen nung bumalik ito.
at mula sa kanya ang dumapo naman ang tingin ko sa isang babaeng kasama nya.
at ganun na lamang ang gulat na namutawi sa mukha ko ng makita sya.
WHAT THE F*CK!
NANANAGINIP BA AKO?!
bigla akong natuod sa kinatatayuan ko, unable to speak. hindi mawala ang paningin ko sa kanya. My heart instantly beating faster. pakiramdam ko nanghihina ako.
damn! b-bakit... nakikita ko ngayon si Allesha?! Totoo ba to?! o baka namamalik mata na naman ako!? kamukhang-kamukha nya si Allesha! letse, pinaglalaruan na naman ba ako ng tadhana?! bakit kamukhang-kamukha nya si Multong pangit?!
"Hello po sa inyong lahat!" binati nya kami na may isang matamis na ngiti sa labi. damn, pati yung ngiti nya! kuhang-kuha! ganyan ngumiti si Allesha! di ko alam ang gagawin ko ngayon. nanginginig ako. naghalo-halo ang nararamdaman ko.
naramdaman nya atang nakatitig ako sa kanya kaya naman ay nilingon nya ako at nagtama ang aming paningin. unti-onti ring nawala ang ngiti sa kanyang labi. We stared at each other like there's no other people around us.
a-ang ganda nya. yung kulay ng buhok nya ay sobrang ibang-iba. She look so hot and gorgeous on her gown at hindi ko mapigilang hindi mamangha. ibang-iba ang awra nya ngayon kumpara kay Multong pangit pero hindi nagbabago ang hitsura nya! putek. is this some kind of a joke?! oo namimiss ko si Allesha pero damn! ano to?!
parang may sariling buhay ang mga paa ko dahil sa paghakbang nito papunta sa kanya.
"A-Allesha..." I absentmindly called her name.
medyo napakunot naman ang noo nya sa akin na para bang may malaking epekto ang presensya ko sa kanya. medyo nagulat rin sya nung mabanggit ko ang pangalan nya. alam kong naguguluhan sya ngayon dahil sa sudden action ko pero wala akong pakialam. I'm seeing my Allesha on her!
akmang aabutin ko sana ang kanyang mukha nung biglang nagsalita si Ate.
"Ohmygosh! I-Ikaw yung babae sa Mall diba?!" bulalas nya habang nakaturo sa babaeng kaharap ko.
lahat tuloy kami napunta sa kanya ang atensyon. napakunot ang noo ko. Ano?!
agad namang lumapit si Ate sa tabi ko at tinitigang maigi ang babae.
"Ikaw nga!" napasinghap sya sa tuwa at napatakip sa bibig. "oh my gosh! Hindi mo ba ako naaalala? ako to, si Emily!"
medyo napakunot ang noo nung babaeng kamukha ni Allesha habang nakatingin kay Ate na para bang iniisip kung saan nya nakita si Ate. maya-maya pa ay bigla nalang syang napasinghap sa gulat at tuwa.
"Hala! oo nga! Ikaw yung Mommy ni Jino! ohmygosh! hindi ko ini-expect to!"
napatitig nalang ako sa kanila, lalo na sa kanya. yung boses nya.. parehas kay Allesha. yung reaksyon, kuhang-kuha nya.
"wait, magkakilala kayo?" takang tanong pa ni Mrs. Delasen sa kanila.
"Opo Mommy! nameet ko po sya sa Mall nung thursday. hehe." sagot naman nito.
natigilan ako bigla sa narealize.
wait....
Delasen..
Delasen Group of Companies..
Allesha Marie Delasen...
agad nanlaki ang mga mata ko sa narealize! What the heck?! Delasen?!
Ano ba tong nangyayari?!
d-don't tell me....
pakiramdam ko nanghina ako sa naisip ko. takte... Totoo ba to?! o baka nagkataon lang?!
**/*/*/*/*/*/**/*/**
unedited....
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top