ghost 79

ghost 79:



4 years later...









"Sir Nandito po si Mr. Obando, gusto po kayo kausapin."

"I'm busy."

"aww.. ipagpapalit mo ba ang gwapong kaibigang si ako dyan sa mga paper works mo?"

napahinto ako sa pagsusulat at walang reaksyong binalingan si Leo.
I crossed my arms. umupo naman sya sa harapan ng table ko.

"What do you want?"

napangisi naman sya nang makahulugan.
"Alam kong may Idea ka na sa pagpunta ko dito."

"masyado akong busy para isipin yang idea na sinasabi mo kaya bilisan mo na."

"awts ah!" umakto syang nasasaktan. abnoy parin kahit kailan.
"you're hurting my heart! Hahahaha!"

"F*ck you."

tumawa lang sya.
"masyado ka atang seryoso ngayon? kinareer mo na talaga ang pagiging CEO nitong Hotel huh?"

"pagmamay-ari ko to."

"okay..." nagkibit balikat nalang sya.
"anyway, ikaw na pala ang bagong Bestman na kinuha ko para sa kasal namin ni Yonna."

I arched my eyebrow.
"At bakit?"

"hindi makakarating yung pinsan ko eh. ayoko rin namang ilagay si Allen dun dahil meron narin sya kaya ikaw nalang."

"wala ka na bang ibang mapili maliban sa akin?"

"parang ayaw mo ata?"

"hindi naman pero----"

"yun naman pala eh! final na yun ah! ikaw na ang bestman ko! wala nang bawian!"  tumayo sya sabay ngisi sa akin.  "Malalagot ka sakin pag hindi ka sumipot sa araw ng kasal ko, babye papa Loyd! muwah!" nagflying kiss pa ang unggoy.

at lumabas na nga sya ng opisina.

napailing nalang ako at bumalik sa trabaho.

akalain mo nga naman, si Allen ang unang nagkalove life sa amin. si Leo naman ang todo tanggi na walang nararamdaman kay Yonna pero sya pa ang mauunang ikasal sa aming tatlo. napakamisteryoso nga naman ng pag-ibig. 

apat na taon na ang lumipas. at sa loob ng apat na taon ay marami na ang nangyari sa buhay namin. unang-una na dyan ang pagiging CEO ko sa Hotel na pinamana sa akin ni Papa. Si Ate naman ay naging owner nung Restaurant na pinamana sa kanya. hindi lang yun, may isa pa syang botique na pinatayo naman ni Kyle para sa kanya. Si Allen ay naging isang ganap na Engineer. si Leo ay naging CEO rin ng kanilang Businesses.

madalas ko naring kasama si Janna. napagkakamalan na nga kaming may relasyon eh.  naging okay narin kami ni Almira at magkaibigan na ngayon. ikakasal na rin sila ni Mark this month kaya marami akong aatendang kasal.

si Miz at Kenzo, kasal na. may anak na nga eh at masaya ako para sa kanila dahil sa hinaba-haba ng prosisyon sa simbahan rin naman pala ang hantungan. tinupad nga ni Mizhie ang favor ko. sinong mag-aakala na isa sila sa mga tinulungan namin at ngayon, masaya na sa piling ng isa't isa.  si Jessa at Joseph kinasal na rin, ganun rin kay Krisa at Red na nasa ibang bansa na nanirahan. si Jon at Fame naman, engage na. nakakatuwa lang isipin na ang layo na pala ng narating nila.

pero.... hindi ko parin SYA nakakalimutan hanggang ngayon.



***

"Aw!Aw!Aw!" 

Sinalubong ako ng paborito kong Aso na si Allesha pagkarating ko sa bahay.
natawa nalang ako at umupo saka hinimas-himas ang likod nya.

"Kumusta ka, Allesha? namiss mo ba agad ako ha?"

"Aw!Aw!Aw!"  dinilaan nya ang kamay ko. mas lalo akong napangiti dahil doon.

"Ginabi ka ata ng uwi, Anak?"  napatingin ako kay Mama na kakababa lang ng hagdan.

tumayo naman ako at hinalikan sya sa pisngi.
"goodevening, Ma. pasensya na po. marami po kasi akong tinatapos."

"ganun ba? wag mong stresin ang sarili sa trabaho ah?"

ngumiti nalang ako.
"oo naman po."

"oh sya kumain ka na ba?"

"Opo. magpapahinga na po ako."

"oh sige."

dumiretso akong kwarto at sumunod naman agad doon ang alaga ko. nauna pa nga syang tumalon sa kama eh.

natawa nalang ako. may sariling tulugan ang aso ko pero mas gusto nya talagang matulog sa tabi ko. hinayaan ko nalang, di naman sya nanggugulo eh.

nagbihis na rin ako at natulog.

kinabukasan, maaga akong nagising at nakisabay na sa hapagkainan.
minsan nalang kasi ako nakakasabay sa kanila kumain dahil madalas sa opisina nalang ako nag-aalmusal.
at baka magtampo na si Mama kapag hindi ko tinikman ang niluto nya.

habang kumakain ay panay naman ang kwentohan naming lahat. lalong-lalo na si Papa at Lolo na magreretired na.

"Anyway, Nasabi pala sa akin ni Leo na ikaw na daw ang magiging bestman nya. Kukuhanan kita ng sukat para sa susuotin mo, Emman loyd. " sambit pa ni Mama dahilan para mapatingin ako sa kanya.

Sya kasi ang kinuhang gagawa ng mga damit para sa kasal ni Leo at Yonna. pumayag naman sya agad-agad. pero nung kasal ni Ate at Kyle, ayaw nyang sya ang magdesign ng damit kaya kumuha pa sila ng ibang fashion designer. magulo rin si Mama minsan.

"tapos na po ba ang gown ng bride?" tanong ko pa.

"yes. aayusin ko nalang yung iba."

napatango nalang ako at di na nagkomento.

"Eh ikaw naman anak, kelan mo balak magpakasal?"tanong pa ni Papa.

heto na naman tayo sa usaping kasal. minsan nakakapressure na dahil halos lahat ng kakilala at kaibigan ko kinasal na, at ikakasal na this year.

"Oo nga? ikaw nalang ang wala pang girlfriend ah? Kelan mo ba balak anak?" dagdag naman ni Mama.

"sa tamang panahon."

lahat sila nag-ungolan sa sinabi ko. Eh  ano bang magagawa ko kung wala pa akong girlfriend? hindi naman ganun kadali ang magpakasal. Tsk.


***


"do you have any suggestion?"

nag-angat ng kamay ang isa sa mga board member namin.
"malaking pera ang kakailangin para sa project na'to. at wala tayong sapat na budget para dito. San tayo kukuha?"

I sighed. nagbabalak kasi kaming magpatayo ng isa pang hotel branch sa Zambales, malapit sa beach na napuntahan namin ni Allesha dati. matagal ko nang plano yun at ngayon lang mangyayari. isa pa, magandang opportunity yun para makatulong sa mga taong nangangailangan ng trabaho doon.

"don't worry, ako na ang bahala doon."

nagsitanguan nalang silang lahat at nagligpit ng mga gamit.

nauna akong lumabas pagkatapos ng meeting. tinignan ko ang oras. saktong tanghali na pala. dumiretso ako sa office at nagpadeliver nalang ng pagkain.

habang nag-aabang sa pagkain ay biglang nagring ang phone ko. si Ate na naman ang tumatawag. sinagot ko naman agad ito.

"Hello?"

"Emman Loyd, may lakad ka ba bukas?"

"bakit?"

"samahan mo naman si Jino. ipasyal mo sya, may lakad kasi ako bukas at walang magbabantay sa kanya. hindi ko naman sya pwedeng ipagkatiwala sa iba dahil mailap sa mga tao yun. so ano, pwede ka?"

napakunot ako ng noo. "teka bakit ako?"

I could imagine her rolling her eyes.
"bakit hindi ikaw?"

"eh yung asawa mo? si Lola?"

"tatawagan ba kita kung available sila? tsk. ah basta, ikaw muna ang mag-alaga sa kanya! sunduin mo nalang sya bukas sa botique, hihintayin ka nya, babush!"

"ano-----"  at ibinaba na nga nya ang tawag.  napatingin nalang ako sa phone sabay buntong hininga ng malalim.

takte, bukas na nga lang ang pahinga ko kukunin pa nya! tsk, kung hindi ko lang mahal yung pamangkin ko hindi ko pagbibigyan ang favor ni Ate!

napailing nalang ako.

kinabukasan ay ayun na nga ang nangyari. maaga palang ay gising na ako at nag-exercise. pagkatapos ay naligo at nagbihis.

nagtext na si Ate sa akin at pinapapunta na nga ako.  kaya naman umalis na agad ako ng bahay at dumiretso sa Mall..

pagdating doon ay dumiretso ako sa kanyang botique at naabutan ko naman agad si Jino na nakaupo sa isang gilid habang hawak-hawak ang isang laruan samantalang may kausap naman si Ate na isang customer.

at nung makita ako ni Jino ay agad sumilay ang isang matamis na ngiti sa kanyang labi at tumakbo papunta sa akin.

"Papaaaa!!!!"

natawa nalang ako at sinalubong sya ng yakap. kinarga ko sya agad at pumasok sa botique.
"Hey little boy, kumusta?"

"I'm good Papa! namiss po kita! mamamasyal po ba tayo now?" he had this hopeful smile.

ginulo ko ang buhok nya.
"Oo naman! san mo ba gusto?"

"Gusto ko po sa Manila Zoo! I want to see Monkeys!"

medyo natigilan ako sa sinabi nya pero ngumiti nalang ako. apat na taon na rin akong hindi nakapasok sa Manila Zoo. the first and last time na pumunta ako dun ay nung kasama ko pa si Multong pangit.

"Hay naku, kahapon pa nagmamaktol sa akin yang pamangkin mo na mamasyal doon." napalingon ako kay Ate na ngayon ay nasa harapan na namin. tapos na pala sya makipag-usap sa isang client.   "kaya pagbigyan mo na yan. bonding nyo na rin." ngumiti sya pagkatapos..

muli kong nilingon si Jino.
"Hindi ka ba takot sa mga animals?"

umiling naman sya sabay ngiti.
"hindi po! bakit naman po ako matatakot? I love animals!"

"okay then, mamamasyal tayo doon!"  ngumiti ako at kinurot ang napakacute at mamula-mula nyang pisngi.

lalong lumaki ang ngiti nya.
"Talaga po? yehey! salamat po Papa!"

"anything for my baby boy."
I wink at him. he giggled.

"oh sya, bago pa kayo maglambingan dito ay umalis na kayo. Aalis na rin ako." singit naman ni Ate at lumapit para halikan ang anak sa pisngi at noo. ganun din ang ginawa sa kanya ng bata.
"Take care baby boy. Mommy loves you."

"I love you too Mommy!"

nilingon ako ni Ate at nginitian.
"Salamat Emman ah? mag-ingat kayo."

tumango nalang ako at isinukbit sa kabilang balikat ang maliit na bag ng bata. hinawakan ko rin sya sa kamay at saka lumabas ng botique.

habang naglalakad palabas ng Mall ay panay naman ang kwento sa akin ng kung ano-ano ni Jino. ako naman ay nakikinig lang. masyado syang hyper ngayon na di pwedeng sirain.  patalon-talon rin sya habang naglalakad. napailing nalang ako sa kanya.

"Papa, bakit di po gumagalaw yung manniquin?"

medyo nagulat ako sa tanong ni Jino at natawa nalang.
"Kasi po, display lang sila para sa mga damit na sinusuot natin."

"hindi po ba si God ang may gawa sa kanila?"

"Nope. tao ang may gawa sa kanila."

nanlaki agad sa tuwa ang kanyang mga mata.
"Wow! ang galing po! ibig sabihin po ba, pwede rin po ako gumawa ng mga manniquin?"

tumango ako at ginulo ang buhok nya.
"Oo naman. paglaki mo, pwede ka na gumawa."

Nagningning ang mga mata nya sa tuwa.
"t-talaga po? yes!"

nagtatatalon na naman sya sa tuwa. napapa-humming pa. mm, ang mga 3 years old na batang katulad nya ay curios na curios na sa mga bagay-bagay na nakikita. matalino ang isang to, may future. napailing nalang at bahagyang natawa.

pero napahinto ako bigla nung may babaeng biglang dumaan sa aking gilid.  hindi ko alam pero awtomatikong nagslowmotion ang paligid ko kasabay ng pag-usbong ng matinding tibok ng puso ko habang nakatitig sa kanyang malaanghel na mukha. nanlaki agad ang mga mata ko sa nakita.

what the heck!

A-Allesha...

t-teka.. anong nangyayari? b-bakit nakikita ko sa kanya si Allesha? b-bakit parang, magkamukha sila? n-namamalik-mata ba ako?

kanina pa nakadaan yung babae sa gilid ko pero heto ako, shocked parin sa nangyari. dali-dali akong lumingon sa likuran at hinanap sya pero bigo na ako. dahil wala na yung babae. san kaya nagpunta yun?

tila nanghina ako dahil dun. hindi. Imposible. hindi si Allesha yun. kamukha nya lang siguro yun. ang laki kaya ng pinagkaiba nila. kaya hindi si Allesha yun. saka patay na sya at di na mabubuhay pa.

napakapa ako ng mahigpit sa aking puso. takte, sobrang lakas ng tibok nito na mukhang lalabas na sa katawan ko. damn! nababaliw na ata ako! hindi nga si Allesha yun! ibang tao yun! takte... talagang grabe ang pamamalik-mata ko! kulang ata ako sa tulog eh. tama! kulang lang ako sa tulog dahil sa trabaho! tama! yun lang yun. at wala ng iba!

Saka hindi naman nagdadamit ng Maikling short at crop top si Allesha! puting Dress ang laging suot nya! kasi patay na sya!

damn! mukhang nagsisimula na naman ang kabaliwan ko! ipinilig ko nalang ng mabuti ang aking ulo para matauhan. pilit ko ring kinakalma ang nagrarambulan kong puso.





















****





































    'ALLESHA MARIE DELASEN POV:















"Ysha, are you ready?"

napalingon ako kay Mommy na nakangiti sa akin. naka-sandal sya sa gilid ng pintuan habang nakacross arm na nakatingin sa akin.

I sighed and looked away.

"Mom, do we really need to leave this place?"

napabuntong hininga naman sya at lumapit sa akin. umupo sya sa tabi kong kama at hinawakan ang kaliwa kong kamay. napatitig ako sa kanya.
"Anak, ang tagal mo na ring nanatili rito. panahon na para harapin ang totoo mong hometown."

napanguso ako. "but Mom, I'm still------"

"Scared?" natahimik ako doon. hinaplos nya naman ang likod ng kamay ko saka tumitig sa akin.
"Anak, there's nothing to be scared of. matagal na panahon na yun at kailangan mo na magmove on. lahat kami nakamove-on na so you have to do the same thing."

napayuko ako.
"Alam ko po yun pero-----"

"ano ka ba naman Ysha. kung sinisisi mo pa rin ang iyong sarili dahil sa pagkamatay ng kakambal mo ay itigil mo na yan. wala kang kasalanan okay?"  natawa ako dahil dun. halatang stressed na si Mommy para lang maliwanagan ako.
napakunot ang noo nya.
"why are you laughing? what's so funny?"

"you. you are so funny mom!" humagalpak ako ng tawa habang sinasabi yun.  "napaniwala agad kita! haha! I'm such a good actress! nag-improve na nga talaga ako Mommy dahil pati ikaw napaniwala ko!"

mas lalong kumunot ang noo nya at ilang segundong napatitig sa akin.
maya-maya pa ay biglang naningkit ang kanyang mga mata at walang awang tinuktukan ako sa noo. napahawak naman agad ako doon at napanguso.

"Ikaw bata ka! pina-prank mo lang pala ako!"

tumayo ako at dali-daling lumayo sa kanya dahil alam kong hahabulin nya na naman ako ng walis at papaluin. alam ko na galawan ni Mommy simula nung manirahan kami dito sa States.

"Why are you so slow, Mom? obvious namang prank lang yun pero naniwala agad kayo?" hagalpak ko pa.

tinapunan nya ako ng nakakamatay na tingin.
"I'm serious Allesha Marie!"

napangisi nalang ako at kinindatan sya.
"sorry Mom, dahil talo ka ngayon."

"Anong----hoy! Bumalik ka dito! Allesha Marie!"

tumakbo lang ako pababa ng hagdan para hindi mapalo ni Mommy ng walis. alam ko kasing kumukuha na sya ng walis ngayon para ibato sa akin, chars.. alam ko namang hindi ako kayang paluin ni Mommy eh. panakot nya lang iyon sa akin. yun pa? eh mahal na mahal ako nun eh.

"Oh, ano na namang ginawa mo at nagsisisigaw ang Mommy mo sa taas?" tanong pa ni Daddy na nakaupo sa sala at umiinom ng tea.

tumabi naman ako sa kanya sabay ngiti ng pinakamatamis.
"hehe, wala naman po."

tinaasan nya ako ng kilay.
"anong wala ka dyan? hindi sisigaw yun kung wala kang ginawa."

napanguso ako.  "daddy naman..."

napailing naman sya at tumayo.
"oh sya, magbihis ka na at aalis na tayo maya-maya lang."

tumango nalang ako at umalis naman sya para puntahan si Mommy sa taas.

ako naman ay binuksan ang T.V. at nanuod. kaso pinatay ko rin agad dahil wala naman akong nagustuhang panoorin.

napagpasyahan ko nalang na lumabas at dumiretso sa garden namin dito sa likod. puno ng mga Roses at Sunflower ang buong paligid na syang paborito namin ni Mommy.
umupo ako sa isang maliit na bench at pinagmasdan ang Pink roses na nagbo-bloom. napangiti nalang ako habang nakatingin dito. ang ganda sa paningin eh.

hays, Apat na taon na kami dito sa America. actually, nagising nalang ako na nandito na pala kami. nagulat ako syempre. pero pinaliwanag naman sa akin nila Mommy ang nangyari.

sabi nila, muntikan daw akong bawian ng buhay bago daw ako dalhin dito. buti nalang at narevive pa ako kaya nung makarating kami dito ay unti-onting nag-improve ang katawan ko. sabi nila himala daw ang nangyari sakin. dapat daw kasi matagal na akong patay dahil hindi na gumagana ang ibang cells sa katawan ko.

kaya nung paggising ko, medyo nabura ang ilang alaala sa akin dala nang matinding pagkabagok ng ulo ko sa isang malaking bato. buti na nga lang may dumaang sasakyan nung mga gabing yun at dali-dali akong inihatid sa hospital. at sobrang thankful ako sa pamilyang iyon dahil naagapan nila ang tuluyang pagkamatay ko.

kaya simula nung magising ako, hindi na kami bumalik sa pilipinas. hindi pa kasi ako handa non. isa na roon ang pagkamatay ni Ela dahil sa'kin. nahirapan akong tanggapin ang nangyari lalo na't nakakatrauma nga naman iyon. dito na rin ako nagpagaling at nagmove on.
dito na ako nagtapos ng pag-aaral, nagtrabaho at nagtraining para palitan si Papa sa posisyon nya. syempre, ako lang ang nag-iisang tagapagmana ni Alturo Delasen kaya naman sa akin mapupunta ang lahat ng sinimulan ni Daddy. buti nalang din at medyo hindi ako napressure.

si Maria kasi. wala na. suko na. paano ba naman, sya nalang ang natitirang pwedeng magtake over sa company ni Papa kaya no choice sya kundi ang mapilitang magtraining. ayaw nya kasi talaga magtrabaho sa Company dahil gusto nya maging Nurse. kung buhay lang sana si Ela malamang sa kanya mapupunta ang posisyon na meron si Maria ngayon. pero may possibilities rin na hindi, knowing Ela na Chef ang gusto nya.

si Kel naman nasa pilipinas. sya kasi ang CEO ng company nila. big time talaga si boss. haha. pero minsan dinadalaw nya rin ako dito at nagbobonding naman kami.  Si Maria, nauna nang umuwi sa pilipinas noong nakaraang buwan dahil nga sa training. kasama ko naman si Jimnet dito at sya na naman ang lagi kong kasama. pero this year lang ay ikinasal na sya kay Andrey. hindi ko nga alam kung anong himala ang nangyari at nagkainlove-an ang dalawa lalo na si Andrey eh dakilang babaero yun. kinarma ata sya. at ngayong Araw naman ang itinakda para sa amin. para sakin. Panahon na para umuwi sa pinanggalingan ko at harapin ang panibagong buhay doon kasama ang mga mahal ko sa buhay.

sa ngayon, masaya naman ako dahil sa wakas! wala akong itinatago sa pamilya ko. wala na kaming mabigat na problema. at ang sarap sa pakiramdam nun. napangiti nalang ako.




***








"Mamimiss kita ng sobra, Ysha!"  niyakap ako ng mahigpit ni Jimnet to the point na halos kapusin ako ng hininga. 

tinulak ko sya ng bahagya
"ano ka ba naman, Jim. gusto mo bang patayin ako? hindi ako makahinga sa yakap mo."

natawa naman sya dahil dun.
"OA ah? oh sya.. mag-iingat ka doon ah? At! maghanap ka na rin ng boyfriend para sumaya naman yang boring mong buhay!"

"wow ah? kung makapagsalita ka parang ang dali lang ng pinapagawa mo ah?"

"aba syempre naman no!" pabiro nya akong inirapan. "Basta! tutulungan kita maghanap ng boyfie. hintayin mo lang ako ng isang linggo."

napangiti naman ako doon.
"yieee.. sa pilipinas na sya titira, yieee!"

"shut up Delasen!"

ngumisi lang ako.
"sus, yung pinsan ko lang pala ang magpapabalik sayo sa pilipinas eh. haha! hello there, cousin in law!"

inirapan lang nya ako.

tumawa naman ng malakas si Andrey na nasa likuran nya.
"Aba syempre! sa gwapo ko ba namang ito sinong hindi mabibighani?"

Tinaasan ko sya ng kilay.
"anong gwapo pinagsasabi mo? tumingin ka nga sa salamin!"

sinamaan nya ako ng tingin.
"ba't kailangan ko pa tumingin sa salamin eh alam ko namang gwapo na talaga ako since fetus!"

nakatanggap sya ng isang malakas na siko galing sa asawa dahilan para mapamura sya sa sakit.

"manahimik ka nga, Unggoy! tadyakan ko yang mukha mo eh."

natawa kaming lahat dahil doon. kasama na si Mommy at Daddy na kanina pa nakikinig sa amin.

"Aww. wag naman ganun babe. ang brutal masyado eh."

"I said shut up!"

wala nang nagawa si Andrey kundi ang mapanguso at tumahimik. natawa ulit ako dahil dun., ngayon alam ko na kung bakit si Jimnet ang karma nya. taob sya lagi sa pagiging mataray sa kanya ng asawa eh.

napangiti nalang ako.
sinong mag-aakala na ang babaero kong pinsan ay patay na patay sa kaibigan ko? parang kelan lang nung sinuntok ko sya sa mukha nun sa paris dahil sa pananakit ng damdamin ng babae.

"oh sya, kailangan na naming umalis. baka maiwan pa kami ng eroplano." sabi pa ni Mama.

nagyakapan naman kami ni Jimnet ng huling beses. ganun din kay Andrey at tinulungan ko na si Papa na magbuhat ng mga bagahe namin.

"See you in 1 week!" sigaw pa ni Jimnet na may ngiti sa labi.

ngumiti nalang ako sabay tango. sumunod na rin ako papasok ng Airport.

goodbye, America. Thank you for letting me see the world again. I will miss you.









***










"WELCOME BACK PILIPINASSS!!!! NAMISS KITAAA!!!!" Unang katagang pinakawalan ko pagkalabas namin ng NAIA Airport.

natawa naman si Mommy at daddy dahil dun.
napailing pa sila sabay tampal ng noo.
"thats the exact word you said a long time ago." sabi pa ni Mommy sa akin.

"Agree." dagdag ni Daddy.  "9 years na rin nung huli mong isigaw ang ganyang kataga kapag bumabalik tayo sa pilipinas. and I missed that."

"Aww.. si Daddy nag-uumpisa na magdrama." sabi ko pa, tinig nang-aasar.

natawa lang sila sabay iling.
"ewan ko sayo Ysha. tara na nga.  naghihintay na sa atin ang Papa mo sa labas."

nanlaki mata ko sa sinabi ni Mommy.
"Po!? si Papa? sya ang susundo sa atin?!" gulat na tanong ko pa.

ang alam ko kasi ay yung driver namin ang magsusundo dahil busy si Papa ngayong araw. sinabi nya sa'kin yun noong nakaraang araw.
kaya anong himala ang nangyari?

nauna na maglakad palabas sila Mommy kaya naman ay tumakbo ako para maabutan sila.

langya, nagtatanong pa ako dito pero inisnob lang nila ako at iniwanan.
nakakaloka tong mga magulang ko ah.

pagdating sa labas ay agad na sumalubong sa amin ang isang Van na kulay grey. lumabas mula doon si Papa na as usual, nakabusiness suit na naman at poker face parin. napaface palm nalang ako. kelan kaya matututo ngumiti si papa kapag ibang tao ang kaharap?

"Welcome back." walang emosyong saad ni Papa pagkalapit namin.

napairap ako ng palihim. pati ba naman sa boses? jusko, kung ibang tao lang ang kausap ni Papa, malamang iisipin nun hindi sincere si papa sa kanyang sinasabi. hay naku.

"salamat sa pagsundo. nakaabala pa kami sayo." nakangiting saad pa ni Mommy. mabuti at walang epekto sa kanya ang pagiging cold ni Papa.

"Oo nga po. sabi nyo kasi BUSY kayo. ano kayang nangyari?" sabat ko pa dahilan para maagaw ko ang atensyon nilang lahat. lalo na si Papa na binigyan ako ng isang nakakalokong ngiti.

"it was a surprise."

napakunot ang noo ko. "surprise? ni hindi man lang ako nagulat? nagtaka pwede pa."

natawa lang sya sabay kamot sa batok
"I'm sorry. I just tried to give my best in terms of surprising. my fault."

natawa nalang din ako dahil dun.
"well, wala na akong magagawa. yun ka eh." lumapit nalang ako at niyakap sya. niyakap nya naman ako pabalik at binulongan.

"welcome back, my daughter. I miss you."

I pulled back.
"I miss you too, Papa."

"so lets go. we still need to attend a Party tonight."  sabi pa ni Daddy at nagsipasok na nga kami sa Van. pinasok naman ng driver ang mga bagahe sa likod.

"So where do you want to live, Ysha?" tanong pa ni Papa na nasa front seat.

"What do you mean by live, Papa?"

"I mean, where do you want to stay here in the philippines?"

"She's staying with us." si Daddy ang sumagot para sa akin.  napatingin naman sa kanya si Papa at tinanguan nalang.

mm, I smell something jealousy with my father.

napailing nalang ako.

ilang sandali pa ay nakarating na kami sa Bahay. agad namang nagpaalam si Papa dahil may pupuntahan pa syang client. what a businessman! pinababisita nya nalang ako sa Mansyon kapag di na ako busy. I agreed to it.

at nung makaalis na ang Van ay agad kong nilibot ang paningin sa buong lugar at huminto naman ito sa harap ng bahay namin. napangiti nalang ako habang pinagmamasdan ito. I missed this house. ilang taon na ang lumipas simula nung huli ko itong makita, at ngayon nagbalik na ako ay
napakasarap sa pakiramdam.  malaki parin ito, walang pinagbago.

"Lets go?"

nauna na silang pumasok sa loob at nagpahuli naman ako. habang naglalakad ay di ko mapigilang hindi mamangha sa nakikita. napapalibutan na kasi ng mga bulaklak ang bawat sulok ng bahay namin. ang cute.

pagdating sa loob ay sinalubong naman kami ng sampung mga tao na sa tingin ko ay kasambahay? yung ilan kasi sa kanila ay di pamilyar sa akin. mga bagong hire ata? Si Manang at yung apat lang ang natatandaan ko.
naka-straight line silang lahat.

"Maligayang pagbabalik, Ma'am, Sir!" masiglang sambit pa nila.

"Hello! kumusta? mabuti naman at naalagaan nyo ng maigi itong bahay." sabi pa ni Mommy sa kanila.

"Aba syempre naman po! araw-araw na po naming nililinisan ang buong lugar!"  sabi pa ni Manang at biglang napadako sa akin ang kanyang tingin. ngumiti naman ako sabay tango. nilapitan nya naman ako at tinitigan sa mata.
"I-Ikaw na ba si Allesha? ang aming Ysha?"

tumango akong muli. namilog naman agad ang kanyang mata at hinawakan ako sa magkabilang pisngi.
"Hindi ako makapaniwala! talagang nagbalik ka na! nagbalik na nga sya!" baling nya kina Mommy.

parang nahiya tuloy ako. All eyes on me. nakakailang.

natawa naman si Mommy at Daddy.
"Yes, and We'll staying here for good."

nagulat nalang ako nung bigla akong yakapin ni Manang. okay..?
"Namiss kita, Anak. grabe ang ganda at ang laki mo na! dati-rati, baby ka pa lang at inaalagaan ko. ngayon, isa ka nang succesful woman!"

"Ah he-he-he. hindi pa naman po pero salamat in advance."

"hay naku manang. wag mo nang pupurihin ang batang yan at baka lumaki na naman ang ulo, kagaya ng Ama nya."

natawa kaming lahat sa sinabi ni Mommy samantalang umangal naman agad si Daddy.

"wala namang ganyanan honey..!"

"Bakit, totoo naman diba? kontra ka pa dyan!"

napanguso nalang si Daddy at di na nagkomento. pero yung mata nyang nakatingin sa akin, parang naninisi. napangisi nalang ako sa kanya at nag-excuse na umakyat sa kwarto. tinulungan naman ako ng mga kasambahay na ayusin ang mga gamit kaya nakakapaghinga pa ako.

hay, I missed this room! wala ring pinagbago! kung ano ang hitsura nito noong umalis ako, ganun parin hanggang ngayon. ayaw daw baguhin ni Mommy ang porma ng kwarto. edi okay!

natulog nalang ako para mabawasan ang pagod.

kinagabihan ay agad akong nagbihis dahil may pupuntahan daw kaming Party nila Mommy at daddy. hindi ko alam kung para saan. tatanungin ko nalang sila mamaya.

I just wore a simple dress. hindi naman daw kailangan mag-gown dahil hindi naman yun masyadong pormal.

"lets go?" aya nila sa akin nung makababa ako ng hagdan.
tumango nalang ako at sumunod sa kanila.

ilang sandali pa ay narating na namin ang sinasabing Venue. naunang bumaba si Daddy sa amin at inalalayan nya naman kami pareho ni mommy palabas ng Sasakyan.

dahil dun ay biniro ko si Daddy
"kaliwa't kanan ang chicks mo Dad ah?"

napangisi lang sya.
"syempre, gwapo eh."

"shut up Alturo." sabat pa ni Mommy.

"sus, selos ka lang eh." pang aasar pa ni Daddy.

inirapan nalang sya ni Mommy at natawa naman ako.









***



hindi ko alam kung ilang oras na ang lumipas pero buryong-buryo na ako dito sa table namin. kanina pa walang tigil sa pagpapakilala sa akin si Daddy sa mga kakilala nya at gaya ng inaasahan, marami ang nabigla sa muli kong pagkabuhay, yung iba naman mukhang alam na ang nangyari at pinuri nalang ako. wala naman akong ibang ginawa kundi ang ngumiti sa kanila at mapagkumbaba kaso napagod na talaga ang panga ko kakangiti eh. buti nalang talaga at pinayagan nila akong magpahinga. edi yung pagkain nalang ang pagdidiskitahan ko.

habang kumakain ay inilibot ko ang paningin sa buong lugar. halos karamihan sa mga nandito ay puro businessman and businesswoman. iilan lang ata ang mga hindi mahilig sa business. ako rin naman hindi mahilig sa business kaso no choice ako eh. ako lang kasi ang magtetake over ng company ni papa kaya kailangan matuto. hays, minsan parang gusto ko nalang magkaroon ng maraming kapatid. atleast maraming pwedeng pagpipilian.

okay, what am i thinking? dala na naman ata to ng boredom na nafifeel ko ngayon. hays, poor me.

at dahil naiinip na ako ay napagpasyahan kong tumayo at lumabas para lumanghap ng sariwang hangin dito sa garden ng hotel.

napapikit ako at dinama ang malamig na simoy ng hangin.

hindi ko alam pero simula nung makaapak akong muli dito sa pilipinas ay parang nakaramdam ako nang something, like pangungulila sa isang bagay or kalungkutan na para bang may kulang? hindi ko alam. ang gulo. baka dahil matagal na akong hindi nakakauwi dito kaya ganun nalang ang nararamdaman ko simula kanina.

"ano ka ba naman, Wag mo nga akong inaasar dun. di ko sya type no!"

agad naagaw ang atensyon ko nung may biglang dumaan sa di kalayuan mula sa akin na isang babae at lalaki.
they were talking to each other then laughing like there's no people watching them.

hindi ko mapigilan na hindi mapatitig sa kanila. lalo na dun sa lalaking gwapo. matangkad, makapal ang pilik mata, matangos ang ilong at yung tawa nya, medyo familiar. nakasuit and tie ito na halatang businessman din.
napakunot ako ng noo.
bigla ring kumalabog ng malakas ang aking puso na para bang hinahabol ng ilang daang kabayo.
hindi ko alam kung anong nangyari sakin nung matitigan ang lalaki.

pakiramdam ko nanghina bigla ang mga tuhod ko lalo na nung makita ko syang tumatawa. like what the heck!
hindi ko alam kung bakit bigla nalang naging ganito ang reaksyon ng katawan ko pagkakita sa kanya. iba't ibang emosyon ang agad na umusbong sa aking puso. hindi ko maintindihan.
napahawak nalang ako sa kabilang dibdib habang kunot-noong nakatingin sa kanya.

naghahabol rin ako ng hininga dahil pakiramdam ko kinakapos ako nun.
what the heck is happening to me?!

hindi ko naman sya kilala kaya bakit ganito ang nararamdaman ko? para rin akong tinutusok ng ilang daang kutsilyo sa puso habang pinagmamasdan sila nung babae na masayang nagkukwentohan. ohmygosh! this is not right!
this is new!

para akong nasasaktan na nangungulila na nalulungkot na natutuwa na hindi ko maintindihan habang nakatitig sa kanya. saka ngayon ko pa lang naman sya nakita pero bakit parang kilala ko sya? bakit parang kilala sya ng puso ko? weird ah. did I miss something?

Kinakabahan ako, may sakit ba ako? nababaliw ba ako? I've never felt this way before, ngayon lang! ohgosh! hindi ata tama tong pag-attend ko sa party na 'to! may kababalaghan bang nagtatago dito sa venue? nakakaloka!

mas mabuting umuwi nalang ako at itulog to. baka inaantok pa ako.

tama!




Kinabukasan, maaga akong nagising at nagjogging. magkikita kasi kami ni Kel ngayon at gusto nya raw akong idate. gusto nga sana nya akong sunduin sa bahay eh sabi ko wag na. saktong-sakto dahil gusto kong magmall kaya naman dun nalang kami magkikita. saka bibili rin ako ng pagkain para kay Maria. didiretso kasi ako sa mansyon pagkatapos ng date namin ni Kel.

pabalik na ako sa bahay nung magring ang phone ko. si Daddy, tumatawag.

"hello?"

"Ysha, where are you?"

"pauwi na po. why?"


"bilisan mo. sumabay ka na sa'min ni mommy mo mag-agahan."

"noted po."



ibinalik ko sa bulsa ang phone pagkatapos ng tawag ni papa.

nagmadali rin akong pumasok sa bahay para makahabol. nakakahiya naman kung pinaghihintay ko sila.

pagdating doon ay nakaready na nga ang pagkain at nagkukwentohan naman sila Daddy at Mommy.


"goodmorning, Mom, Dad." I kissed them both in the cheeks.




"goodmorning.  may pupuntahan ka nga ngayon?"  malumanay na tanong ni Mommy.

umupo naman ako sa usual spot ko at tinignan silang dalawa ni Daddy.

"Umm, meron po. bakit?"

"wala naman. I planned to set you a blind date. kelan ka ba libre?"

halos mabilaukan ako sa sinabi ni Mommy.
"Po?!"  blind date!?? seryoso ba to?!

nagkatinginan naman sila ni Daddy.
"Yes. blind date. naisip namin, matanda ka na at hanggang ngayon wala ka pang boyfriend kaya naman panahon na para maghanap ng lalaking makakasama mo habang buhay."

"pero Dad-----"

"Ysha, We just want the best for you. ayokong tumanda kang dalaga. 26 years old ka na."

napakunot ang noo ko.
"eh hindi naman po sa ganun ang kaso------" 

"hay naku anak. pagbigyan mo na kami. malay mo isa sa mga kablind date mo ang magugustuhan mo." putol ni Mommy sa akin.


wala na akong nagawa kundi ang tumahimik at mapabuntong hininga.
tama naman sila eh. matanda na ako. yung mga kakilala't kaibigan ko may mga asawa na, yung iba naman ikakasal na. so why don't give it a try?
malay ko naman mahahanap ko na ang 'the one?'

naalala ko tuloy dati. ayaw ni Daddy na magkaboyfriend ako tapos ngayon, sya pa ang nagpupush sakin na makipag-blind date.







after kumain ay nagbihis na agad ako.  baka malate ako sa Calltime namin ni Kel eh masermonan na naman ako nun. ang strikto pa naman pagdating sa oras. businessman na businessman ang putek. haha. kesyo 'mahalaga daw ang bawat oras nya' keme.

at dahil feel kong magsuot ng short ay yun ang isinuot ko. nagcrop top rin ako at inilugay ang aking mala-wavy at kulay ash brown na buhok.  nagmake up rin ako ng kaunti then ready to go!

nagdadrive na ako papuntang mall nung tumawag si Kel sa akin.

"Hello?"

"Allesha Marie Delasen, where are you now?" bakas sa boses nya ang pagkainip. napahagikhik ako.

"oh kalma lang Mr.CEO. malapit na ako." nasanay akong asarin sya na Mr. CEO kapag ganito na ang mood nya. ang cute nya kasi tignan eh.

"damn, Ysha. you are 10 minutes late. ang lakas ng loob mong magset ng oras ah?"

"sus minuto pa lang naman ang------"

"I don't care. bilisan mo na."

"binibilisan ko na nga po Boss. Haha!"

"paliparin mo na yang kotse! takte, ang dami ng minutong nasayang dahil dyan."

"sus, rest day mo naman ngayon eh."

"eh ano naman kung rest day ko? pasalamat ka maganda ka kaya palalagpasin ko tong pagiging late mo ngayon."

napahagikhik ulit ako dahil dun.
"well, sisihin mo yung traffic."

"whatever."

"oh sige na. nandito na ako. loveyaaa! babush!"

ipinasok ko sa bulsa ang phone at nagmamadaling lumabas ng kotse.

takte, sure akong buryong-buryo na si Kel ngayon kakahintay sa akin. haha.
I wonder, ano kayang ginagawa nya ngayon?

excited na akong makita ang reaksyon ng lalaking yon kaya naman binilisan ko pa lalo ang lakad ko. takte, ngayon lang ako nagsisisi kung bakit sa third floor ang meet up namin. lakad takbo na ang ginawa ko eh.


pero napatigil ako saglit nung biglang kumalabog ng malakas ang aking puso. pakiramdam ko medyo nanghina at nanginig ang buong kalamnan ko. weird.

kaya naman agad akong napalingon sa likuran pero wala namang kakaiba dito. ako lang ata ang weird dito eh.

nagkibit balikat nalang ako at muling nagpatuloy sa paglalakad.
naku baka may sakit na ako sa puso ah? papacheck up na nga ako. delikado na to. baka may deprensya na naman ang puso ko dahil sa tama ng bala nito dati.





*/**/*/*/**/*/*/**

unedited...


















  
       

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top