ghost 77
ghost 77:
"Ysha. Ysha! gising!"-
napamulat ako nung may maramdaman akong yumuyugyog ng balikat ko.
pagtingin ko, Si Ela pala. nag-aalala ang mga mata nya habang nakatingin sakin. napakunot ang noo ko at tinulungan nya naman akong umupo. napahawak pa ako sa ulo sa ulo dahil sumasakit ito.
nilibot ko ang paningin sa paligid. Medyo madilim dahil isang ilaw lang ang nakabukas. May mga kahoy na nakatambak sa isang gilid, At puro alikabok ang buong paligid. may dalawang lalaki rin sa di kalayuan ang nakaupo at sobrang himbing ng pagkakatulog. sa gitna ay may isang Maliit na mesa kung saan punong-puno ng mga bote ng alak. may mga hawak rin silang mga armas. muli kong nilibot ang paningin sa paligid. hindi ko alam kung anong lugar to pero nasisiguro kong nasa isang warehouse kami!
kinabahan ako bigla.
"Ysha, Okay ka lang ba? may masakit ba sayo?"- muli akong napalingon sa katabi ko. Nag-aalala ang mga mata nya, at halos bumulong nalang sya para walang makarinig samin.
"Okay lang ako-----"- natigilan ako nung mapansin ko ang isang kadenang nakatali sa kaliwang paa ko. napatingin din ako sa paa ni Ela.
Ang dumi-dumi na rin ng mga damit namin pati ang aming mukha.
"Ysha, Look. we have to get out of here as soon as possible. do you understand?"- kahit pawisan at takot ay nagawa paring mag-isip ng matino ni Ela. napatango ako
"Anong gagawin natin?"-
"kailangan nating makahanap ng tiyempo para makatakas. "- Nilibot nya ang paningin sa paligid na animong may hinahanap.
"Ano bang kailangan nila sa'tin? ba't nila tayo Kinidnap?"- kinakabahang tanong ko pa.
"I don't know."- Sinubukan nyang hilain ang kadenang Nakatali sa paa nya pero bigo sya.
kaya naman sinubukan ko rin ang sakin, hoping na matanggal na ang mabibigat na kadena pero lumikha lang iyon ng ingay dahilan para gumalaw ang mga tauhang nagbabantay samin. pigil ang hininga naming dalawa ni Ela dahil dun.
buti nalang ay di ito Nagising. nakahinga kami ng maluwag dun at muling hinila ang kadena sa paa namin.
"Wag nyo nang ipilit. Masasayang lang ang oras nyo."- napatigil kaming dalawa ni Ela dahil dun.
nagkatinginan pa kaming dalawa na nanlalaki pareho ang mga mata at sabay na nilingon ang taong nagsalita sa harapan namin.
matangkad sya kaya naman kailangan pa naming tumingala para makita sya.
Nakasuot ito ng suit and tie. nasa mid 30's narin ata sya, may hitsura pero ang awra nya ay sumisigaw ng Awtoridad. Nakakatakot rin ang hitsura nya. napakaseryoso nito at misteryoso. wala karing mababakas na kahit anumang emosyon sa mukha nya. Sa madaling salita, Mukha syang demonyo!
may mga ilang tauhan rin syang kasama at katulad nya, nakakatakot rin ang hitsura nila.
lumapit ito samin at tumayo naman ako para harapin sya. Kahit nanginginig ang mga tuhod ko ay pinilit kong magmukhang matapang. tinitigan nya ako sa Mata pagkatapos ay ngumisi.
"Allesha Marie Delasen. Ang nag-iisang tagapagmana ng Magaling at matalinong Si Alturo Delasen. Nice meeting you dear."-
nanlaki ang mata ko. pa'no nya nalaman ang pangalan ko?
nilingon nya naman si Ela. saka nginisihan bago muling ibaling ang atensyon sakin. sinamaan ko sya ng tingin.
"S-sino ka ba? A-anong kailangan mo samin?!"- kinakabahang tanong ko pa dahilan para ngumisi sya. Para syang demonyo, nakakatakot.
"Isa lang naman ang gusto ko eh, yun ay mapabagsak ang Kompanya ng pamilya ninyo pati na ang pamilyang Cantilian!"- sabay lingon kay Ela.
napakunot at nanlaki ang mga mata ko. "A-ano?!"-
"Alam mo sa totoo lang, Hindi naman dapat kayo nandito eh. pero kailangan. kaya pasensyahan nalang tayo."- muli syang ngumisi. napalunok naman ako.
"B-Bakit?!"-
"Bakit? dahil gusto kong Malaman ng pamilya ninyo na Hindi nila kami basta-basta mapapatumba! Gusto kong matauhan at matakot sakin ang mga magulang ninyo! lalong-lalo na si Cantilian.Sya ang una kong papatayin sa pangingialam sa buhay ko! pero syempre tutal nandito narin naman na kayo, ay uunahin na kita."- napahalakhak sya na talaga namang nakakatakot kaya halos mapaatras ako sa kaba.
nanginginig rin ang mga kamay ko at pakiramdam ko pinagpapawisan ako.
"Ysha..."- napalingon ako kay Ela, at tulad ko ay natatakot rin sya sa lalaking nasa harapan ko.
"S-sino ka ba?"- kinakabahang tanong ko pa.
"hindi mo ako kilala? Pwes alamin mo!"-
"Nahihibang ka na! mali ka ng taong kinalaban!"-
"Oh sana nga. pero hindi. "- biglang dumilim ang hitsura nya na syang ikinatakot ko. Nagsimula syang maglakad palapit sakin kaya naman napaatras ako kaso ang ikli lang pala ng pagkakatali sakin kaya naman hindi ko na magawang umatras pa.
"Wag kang lalapit. dyan ka lang!"- banta ko pa pero nginisihan nya lang ako saka hinawakan ako sa leeg at inangat na syang ikinatakot ko ng sobra.
"Wag! Bitawan mo sya, wag!"- rinig kong sigaw ni Ela. Napahawak ako sa kamay nyang nasa leeg ko at pilit yung Tinatanggal. nahihirapan na akong huminga. napapikit ako ng mariin, konti nalang mawawalan na ako ng hininga. panay naman ang sigaw ni Ela at pagpupumilit na lapitan ako.
"Alam mo bang kating-kati na akong patayin kayo?! pati ng Ama mo! pero syempre, hindi naman ako madaya kaya makikipaglaro muna ako kay Cantilian. I'm gonna make sure na Matatakot sya sa masasaksihan nya ngayong gabi."- binitawan nya naman ako at saka tumawa na parang demonyo. ako naman halos mapaatras at naghahabol ng hininga. grabe, muntik na akong mamatay. napahawak ako sa dibdib ko.
"Ysha! ayos ka lang?"- nilapitan ako ni Ela at inalalayan. napatingin ulit ako dun sa lalaki.
may isininyas sya sa mga tauhan nya at cellphone pala yun! kinukuhanan nya kami ng Video! anong binabalak nya?
"hindi nyo alam kung gaano ako nag-ienjoy sa nakikita ko ngayon."- ngisi nito sa akin saka kinuha ang cellphone sa bulsa at idinikit sa tenga pero hindi nawawala ang paningin sakin. nagriring ito at ilang sandali lang ay nagsalita sya. "magandang Gabi sayo Mr. Cantilian. oh easy! May sasabihin lang sana ako sayo. Hawak ko ang mga Anak nyo. Oh talaga? well, sinasabi ko sayo ngayon palang matakot ka na. any minute ay pwede kong patayin ang
mga ito. Ang gusto ko? Ang gusto ko ay mamatay ka na! pero syempre gusto ko munang makipaglaro sayo kaya naman kung gusto mo pang makitang buhay ang Anak mo ay sundin mo ang ipapagawa ko. Maghanda ka ng Isang bilyong Piso. Nahihibang? Well, Hindi pa naman. pero seryso ako. Isang. Bilyon! at kapag hindi mo ibinigay ang hinihingi ko ay magpaalam ka na sa mga anak mo. Sigurado naman akong marami kang pera at sisiw lang sayo ang isang bilyon. Aasahan ko yan Bukas ng gabi dahil kung hindi makikita mo nalang na bangkay na ang mga Anak mo."- at ibinaba nya na ang tawag sa cellphone. kami naman ay napasinghap sa sinabi nya.
mabilis nagreact si Ela. "Hindi! wala kang makukuhang gano'ng pera! Hindi!"-
nginisihan lang sya nito. "kung ganun ay papatayin nalang kita."-
nakita kong May kinuha syang isang malaking bakal mula sa tauhan nya at mukhang ihahampas nya ito kay Ela. kinabahan ako bigla, Isang hampas nya lang sa ulo nyan ay mamamatay si Ela!
kaya naman tumayo ako. "Wala kang puso! mamatay ka na!"-
agad ko syang sinugod ng suntok sa mukha. at dahil hindi nya inasahan ang ginawa ko ay hindi sya nakailag. napuruhan sya dun kaya naman halos mahilo sya sa sakit. napaatras pa sya. ipinilig nya ang kanyang ulo saka nanlilisik ang mga matang binalingan ako. napalunok ako. Kinakabahan ako. Katapusan ko na ba? Napaatras ako nung lumapit sya. Grabe, nakakatakot na talaga sya.
hindi ko magawang ialis ang paningin sa kanya. Nanginginig na ako sa takot.
nag-aalab ang paningin nya na para bang gusto nya na akong tapusin.
"Ikaw! wala pang ni isang tao ang nangahas na suntukin ako sa mukha kundi ikaw pa lang! talagang ginagalit mo ako ah! Hetong sayo!"- napalingon ako sa Isang bakal na hawak nya. Tingin ko'y ihahambalus nya sa akin yun kaya naman mas lalo akong kinabahan.
Nangininig ang mga labi ko. Itinaas nya iyon, hindi ako makagalaw. parang nagslow motion ang paligid ko Habang unti-unting dumapo sa ulo ko ang hawak nyang bakal. at ganun na lamang ang pagikot ng paningin ko nung tuluyan iyong tumama sa ulo ko.
"Ysha, NOOOO!!!!!!"-
natagpuan ko na lang ang sariling katawan na nakabulagta sa sahig at wala nang malay.
***
"Urgh..." I groaned. dahan-dahan kong iminulat ang mata.
napahawak ako sa ulo ng muli itong kumirot. My goodness! ba't ang sakit ng ulo ko?! teka, ano bang nangyari-------,
natigilan ako nung makita ang paligid. Isa lang itong simpleng silid na walang mga gamit. nilibot ko ang paningin at dun nakita ko ang nag-iisang pintuan. putek, nasaan ako? bakit wala akong makitang mga gamit dito? saka anong lugar to?
anong ginagawa ko dito? tinignan ko ang kamay ko at ganun na lang ang gulat na namutawi sa mukha ko ng makakita ako ng dugo doon. pati ang damit ko may bahid ng dugo. napatingin ako sa sahig na kinahigaan ko na ngayon ay may dugo rin sabay singhap.
ohmygosh! anong nangyayari!?
kinabahan ako bigla.
pinilit ko ring alalahanin ang nangyari sakin bago ako napunta dito.
ohmygosh!
naalala ko na! Kinidnap kami ni Ela!
napatayo ako bigla at tumakbo sa pintuan. pinilit ko rin itong buksan at kalampagin pero kahit anong gawin ko ay hindi ko ito mabuksan!
"tulong! tulong! may tao ba dyan?! tulong!"
Ohmygosh! ano kayang nangyari kay Ela? nasaan sya!? mas lalong lumaki ang kabang nararamdaman ko. si Maria! nasaan silang dalawa!
"Tulongggg!!!! tulungan nyo akooo!!! tulonggg!!"
sigaw lang ako ng sigaw pero walang nakarinig sa akin kahit isang tao.
nakaramdam ako ng panghihina dahil dun.
"tulong.." napaluhod ako sa pinto habang patuloy paring sinusubukang buksan ang pinto.
naramdaman ko rin ang pangingirot ng ulo kaya naman napangiwi ako sa sakit. lintik, pinalo pala ako ng bakal sa ulo.
ilang araw na kaya ako dito? Saka, ano kayang nangyari kay Ela at Maria? sana naman nasa maayos na lugar silang dalawa.
napaiyak nalang ako sa kaba. pakiramdam ko katapusan ko na. pakiramdam ko wala ng pag asa para makaalis ako dito. nanginginig na rin ang katawan ko dahil gutom at panghihina.
itinigil ko nalang ginagawa ko at niyakap ang sarili.
ano nang mangyayari sakin? ano bang kailangan sa amin ng lalaking iyon? saka anong naging kasalanan ng mga magulang ko para magalit sila ng ganito sa amin?
ilang minuto akong nanatili sa gano'ng sitwasyon nung bigla akong makarinig ng click sa pinto.
napaatras ako bigla sa kaba at the same time ay naging alerto sa taong papasok.
nung magbukas ito ay pumasok ang isang lalaking malalaki ang mga braso habang malademonyong nakatitig sa'kin. may dala itong tray na pagkain na kanyang inilapag sa sahig.
"oh ayan, kumain ka muna daw sabi ni boss." sabi pa nya habang nakangisi sa akin.
napalunok ako habang pinagmasdan ang pagkaing nasa harapan ko bago sya muling balingan.
"A-ano bang kailangan samin ng boss nyo?!"
"bakit, curios ka?" sabay halakhak na talaga namang napakasakit sa tenga.
"N-nasaang lugar tayo?!"
"nasa langit!" humalakhak na naman sya na parang demonyo sabay sarado ng pinto.
nanggigil ako bigla sa inis. naku kung wala lang ako sa alanganing sitwasyon malamang sinuntok ko na sa mukha ang tikbalang na yun!
nakakapanggigil!
napabuntong hininga nalang ako at pinagmasdan ang pagkain na nasa harapan ko. ang konti ng pagkain at isang piraso lang ng tuyo ang nandito. pero kailangan kong kainin ito at magtiis ng sa ganun ay magkaroon ako ng lakas para makatakas dito. tama!
***
hindi ko alam kung ilang oras na ang lumipas pero nandito parin ako. nakakulong sa isang kwarto na di ko alam kung saan. mukha na akong baliw dito na nag-aabang na may magbukas ng pinto at itakas kami. nag-aalala na rin ako sa kalagayan ni Ela at Maria ngayon. Ano na kayang nangyari sa dalawa? sinaktan ba sila? pinahirapan? Jusko, sana naman ayos lang sila.
ano ba kasing nangyayari? ano bang kailangan sa amin nung lalaking nagpakidnap sa amin? at sino ba sya?!
napatigil ako sa pag-iisip nung biglang bumukas ang pintuan at iniluwa dito ang isa na namang lalaki na maraming tattoo sa katawan at walang awang kinaladkad ako palabas ng silid. napangiwi pa ako sa sakit dahil sa sobrang pagkakadiin ng hawak nya pero di na ako nagreklamo. mahirap na baka masaktan ako.
habang kinakaladkad ay pinagmamasdan ko ang dinadaanan namin. tingin ko nasa isang tagong bahay kami.
pumasok kami sa isang pintuan at agad na bumungad sa akin ang isang pabilog na Mesa. nagulat rin ako ng makita si Ela dito habang nakaupo sa isang upuan at nakagapos ang buong katawan. pawis na pawis rin sya at ang daming pasa sa katawan. napakadungis nya tignan at halata ang panghihina. ohmygosh! anong ginawa nila kay Ela!
"Ela.." napaiyak nalang ako habang pinagmamasdan ang sitwasyon nya. nag-angat sya ng tingin sa akin at katulad ko ay nag-alala rin sya ng makita ako.
"dito ka!" itinulak ako nung lalaki sa katabing upuan ni Ela at iginapos rin katulad nya.
nag-alalang tinignan ko sya. "Ela, ayos ka lang? anong ginawa nila sayo?"
"a-ayos lang ako Ysha. ikaw, kumusta pakiramdam mo? mabuti naman at nagising ka pa. alam mo bang sobrang nag-alala ako nung hambalusin ka nila ng bakal? "
"oh, what a wonderful scene!" napatingin kami pareho dun sa lalaking kararating lang. sya yung nanghambalos sa akin. ang lalaking nakakatakot ang hitsura. ang nagpakidnap sa amin.
nakangisi na naman ito ng malademonyo sa amin ni Ela habang papalapit at umupo sa harapan namin. tinignan nya ang taling nakagapos sa amin sabay ngisi.
"anong pakiramdam na nakatali sa upuan?" tanong pa nya, animoy nang-aasar.
"Masakit, malamang! ikaw kaya itali dito di ka ba masasaktan? utak please." iritadong sagot ko pa dahilan para mapakunot ang noo nya. halatang napikon.
"wala kang karapatang mamilosopo sa akin! kaya tumahimik ka!"
"eh ano ba kasing kasalanan namin sayo?!"
"kasalanan? mm" napasandal sya upuan habang hinimas-himas ang baba at animo'y nag-iisip. "wala pala talaga kayong alam no? well, let me tell you a story, but! before that may ipapakita muna ako sa inyo."
may isininyas sya sa kanyang tauhan na agad tumango na tila alam na ang tinutukoy sabay alis. pagbalik nya, may dala na itong isang tao na may tabing sa mukha habang ang dalawang kamay nito ay nakagapos.
nagkatinginan kami bigla ni Ela, at kahit di kami nagsasalita, alam namin pareho kung sino ang taong yun. kinabahan ako bigla.
"tanggalin nyo ang tabing sa mukha ng babae." utos pa ng lalaki dito sabay lingon at ngisi sa akin.
hindi ko mapigilang makaramdam ng galit at inis at awa lalo na nung tumambad sa amin ang kaawa-awang hitsura ni Maria. may mga mantsa ng dugo ang kanyang damit at may mga sugat at pasa rin sya sa katawan. hingal na hingal pa sya na para bang hindi makahinga ng maayos. at nung makita nya kami ay agad nanlaki ang mga mata nya.
"itabi nyo sya sa mga kapatid nya."
"Ate.." bakas ang takot at pag-aalala sa mukha ni Maria nung makaupo sya sa tabi namin.
"Anong ginawa nila sayo Maria? bakit ang dami mong sugat at pasa sa katawan?" nag-aalalang tanong ko pa.
"okay lang ako ate Ysha. kayong dalawa ni ate Ela, bakit ganyan ang hitsura nyo? b-bakit may mga bahid kayo ng dugo sa katawan?" nagsimulang dumaloy ang isang masaganang luha sa kanyang mata habang nakatingin sa amin ni Ela.
"a-ayos lang kami Maria. wag ka mag-alala." sambit pa ni Ela kahit nanghihina.
muli akong lumingon dun sa lalaking nagpakidnap sa amin.
"Maaari na ba naming malaman ang dahilan ng pagkidnap mo sa amin?" tanong ko pa ng may halong kaba.
pinagsiklop naman nya ang kanyang kamay sa mesa at matiim na tumitig sa akin.
"may malaking kasalanan sa akin ang magulang nyo. I am one of the Mafia boss, may-ari ng mga bars and hotel. of course, unlike your father ay nagbebenta ako ng mga illegal drugs and guns. isang araw, nagkaroon kami ng mga malalaking buyers and clients ng droga pero dahil sa pakialamero mong Ama ay nasira lahat ng iyon. alam nyo ba kung ilang bilyon ang nalugi namin dahil dun?! nang dahil kay Cantilian napurnada ang matagal na naming plano! hindi lang yun, pinaraid pa nya ang mga hideouts namin. he also killed my men. kaya sobrang galit na galit ako sa kanya. but well, i can't blame him. alam ko namang gumaganti lang sya dahil sa pagkamatay ni lizana 19 years ago."
nangunot ang noo ko sa sinabi nya.
"What do you mean?"
itinukod nya ang siko sa mesa at tinitigan akong mabuti.
"my Uncle killed your mother. dahil siguro sa nangyari ay gusto nyang ubusin ang lahi naming lahat. pero pasensyahan nalang tayo dahil hindi nya ako mapapatumba. ngayon pa? kung kailan hindi na sya ang mafia boss? pero wag syang mag-assume na mananahimik lang ako dahil sa ginawa nya. hindi ako papayag na hindi makaganti sa lahat ng ginawa nya sa business ko! alam mo bang minamatyagan ka namin?"
napakurap ako sa sinabi nya. minamatyagan.. so ibig sabihin, sya ang nag-utos na sundan ako??
"Ms. Delasen. I planned to kill your father. pero dahil hindi sya basta-bastang natutumba ay napag-isipan kong unahin ang mga taong kahinaan nya. at kayo yun." sinulyapan nya si Ela at Maria.
"p-paano mo nalamang anak nya kami?" tanong ko pa.
ngumisi naman sya.
"I have my ways. I even tried to invest on Delasen group of companies para sana makaganti pero napakatalino ni Alturo at nahulaan nya agad ang totoong motibo ko. he even declined all of my offers kaya galit rin ako sa kanya. kaya naman heto kayong tatlo ngayon, kayo ang magdudusa sa kasalanan sa akin ng inyong ama."
"thats bullshits! napaka-lame naman ng reason mo para ipakidnap kami!" sambit pa ni Maria.
"I don't care. lame man o hindi ang importante ay makita ko kung paano maghirap at magdusa si Cantilian kapag nakita nya ang isa sa inyo na unti-onting mamamatay."
nagsimulang umusbong ang panibagong kaba sa aking dibdib dahil sa sinabi nya.
"what do you mean?"
"maya-maya lang ay darating na si Cantilian para ibigay ang hinihingi kong pera. pero may iba pa akong plano bukod dun na hindi nyo alam. and I'm gonna make sure na mahihirapan sya."
"s-sino ka ba talaga?" tanong pa sa kanya ni Ela.
nilingon nya naman ito sabay ngisi.
"Ako? Ako lang naman si Jeff buenavera, ang taong kinasusuklaman ng inyong Ama. sinira nya ang mga plano ko pati narin ang business ko kaya naman sisirain ko rin ang kanya. humanda sya." pagkatapos nun ay humagalpak sya ng tawa, yung masakit sa tenga at malademonyo. nakakapangilabot. nagkatinginan kaming tatlo nila Ela at Maria ng may pag-aalala sa mukha. Sana naman okay lang si papa.
"Boss, paparating na po sya." sabi ng tauhan ni Buenavera sa kanya. lumawak ang ngisi sa kanyang labi sabay tingin sa amin.
"its time. Gawin nyo na ang plano."
"masusunod po."
kinabahan na naman ako bigla lalo na nung isa-isang lumapit sa amin ang mga tauhan nya at Hinila kami patayo.
nagkatinginan kaming tatlo. Bakas ang takot sa mukha namin.
"A-Ate..."
"S-san nyo kami dadalhin?" kinakabahang tanong pa ni Ela.
"Sa impyerno."sabay hagalpak ni Buenavera. "Ilabas nyo na yan." utos nya sa tauhan habang nakaturo sa amin.
at wala na nga kaming nagawa nung hilain nila kami isa-isa palabas ng silid.
"aray! dahan-dahan naman!" rinig kong reklamo ni Maria sa likuran ko. pilitin ko mang lingunin sya ay di ko kaya lalo na't masakit parin ang ulo ko
"mahahimik ka!"
"a-ano bang gagawin nyo samin?"tanong naman ni Ela habang kinakaladkad.
"papatayin."
napalingon ako bigla dun sa lalaki. "A-ano?!"
"bilisan nyo nga maglakad! ang bagal-bagal!"
***
"itali sa kadena ang kamay nang babaeng yan!" sabi pa nung lalaki habang nakatingin kay Maria.
hindi ko alam kung saang lugar to o kung anong silid to pero natitiyak ko na nasa mataas na bahagi kami ng kwarto at nasa malayong lugar kami.
itinali nila sa kamay ni Maria ang kadena at kinaladkad ito papunta sa isang sulok kung saan nakabukas ang bintana at pumapasok mula doon ang sariwang hangin. ipwinesto nila si Maria sa gitna ng bintana kung saan konting tulak lang sa kanya ay maari syang mahulog at mamatay! kinabahan ako bigla.
"A-anong gagawin nyo kay Maria?! Bitawan nyo sya!" hysterical na sigaw ko pa.
"A-Ate tulong.."nagsimulang maglandas ang mga luha ni Maria mula sa kanyang takot na takot na mukha.
"Please, Ako nalang! wag sya!" sigaw naman ni Ela na di malaman ang gagawin. sinubukan kong magpumiglas pero ang higpit ng pagkakatali nila sakin kaya di ako makakilos ng maayos.
"Nakahanda na ba lahat?" biglang pumasok si Buenavera dala ang isang nakakatakot na ngiti. kausap nya ang mga tauhan habang nakatingin sa amin.
"Opo boss."
"good." then he smirked at us. kinuha nya ang phone sa bulsa at may dinial dito. "Goodevening Mr. Cantilian. oh easy lang! yung hinihingi ko dala mo na ba? good. siguradohin mo lang na tumupad ka sa usapan dahil kung hindi makikita mo nalang ang bangkay na katawan ng Bunso mong anak."
then he hung up the call.
"a-anong binabalak mo!?" kinakabahang tanong ko pa sa kanya.
lumapit sya sa akin at tinulak ako dahilan para matumba ako sa sahig. shems! ang balikat ko! napangiwi ako sa sakit.
"balak ko? Balak kong kunin ang bilyong pera ng Papa mo. second, papatayin ko ang kapatid mo. third, isusunod ko naman ang kakambal mo at ang panghuli ay ikaw naman. magandang idea diba?" sabay halakhak.
sinamaan ko sya ng tingin. "nahihibang ka na! hindi mo mapapatay ang isa sa amin! Mangarap ka!"
tinaasan nya ako ng kilay. "oh? well, let see."
nagkatinginan kaming tatlo ni Ela at Maria. katulad ko, hopeless rin sila sa mga mangyayari. Damn, I must do something! hindi pwedeng mamatay ang isa sa amin! hindi ako papayag!
inilibot ko ang paningin sa buong lugar. pitong mga tauhan nya ang nandito at lahat sila ay may mga armas na dala. napatingin ako sa lalaking nagbabantay kay Ela. may maliit na kutsilyo itong nakatago sa bulsa. at konting galaw lang ay pwede itong maagaw ni Ela na hindi namamalayan. nakaramdam ako ng pag-asa dahil dun. kaya naman umurong ako para makatabi kay Ela. mabuti nalang din at busy na silang lahat ngayon tungkol sa plano at may kausap naman si Buenavera kaya naman walang nakakapansin sa ginagawa ko. bumulong ako kay Ela.
"Ela.. nakikita mo ba yung kutsilyo sa bulsa nung lalaki?" bulong ko pa.
napakunot noo nya sa sinabi ko sabay sulyap dun sa lalaking malapit lang sa kanya. muli syang lumingon sa akin sabay tango. "anong binabalak mo?"
"ganito gawin mo, kapag sumenyas ako sayo hablutin mo ang kutsilyong hawak nya at tanggalin mo ang tali sa kamay natin. maliwanag ba?" napatitig sya sa akin dahil dun. ito nalang ang pag-asa namin para makatapos. buti nalang din at sa harap itinali ang kamay namin kaya makakagalaw parin kami.
"H-hindi ba mapanganib tong gagawin natin?"
"We have no other choice, Ela. kailangan natin lumaban para makatakas. just do it. kaya mo to."
"hoy hoy hoy! ano yang pinag-uusapan nyo dyan?!" sigaw pa nung isang tauhan nang mapansing magkausap kami.
lumayo ako agad kay Ela at yumuko sabay sulyap sa kanya at tinanguan sya ng palihim.
lumapit naman sa akin si Buenavera at lumuhod ng bahagya para magpantay ang mukha namin. hindi parin nawawala ang nakakatakot na ngisi sa kanyang mukha.
"Handa ka na ba, Allesha Marie? ngayong gabi ay masasaksihan nyo na ang mga b--------"
natigilan kaming lahat nung bigla kaming nakarinig ng mga sunod-sunod na putukan sa kung saan. napatayo si Buenavera at kinuha ang baril. biglang bumukas ang pinto at pumasok mula doon ang isa nyang tauhan na hingal na hingal at pawisan. kinabahan na naman ako.
"Boss! hindi tumupad sa usapan si Cantilian! nagkakagulo na sa baba!"
"ANO?! HINDI PWEDE! IHANDA ANG SASAKYAN!"
"Masusunod po boss!"
pagkaalis nung lalaki ay sa amin naman bumaling si Buenavera dala ang isang nanggagalaiting mukha.
"Alam mo ba kung anong magiging kabayaran ng ginawa sakin ng Ama mo?!" napatitig lang ako sa kanya at di nagsalita. nakakasindak kasi ang galit nya. "Papatayin ko kayong lahat!!"
"HINDING-HINDI MANGYAYARI YAN!" Naagaw ang atensyon naming lahat nung biglang tumayo si Ela sabay hagis sakin ng kutsilyo at walang ano-ano'y sinugod ng sipa at suntok si Buenavera.
yun ang cue ko para kumilos. nagkagulo kami dito sa loob. habang tinatanggal ang tali sa kamay ay panay naman ang iwas ko sa mga taong sumusugod sa akin, ganun din ang ginawa ni Ela. ngayon, sobrang naappreciate ko na ang mga natutunan ko sa martial Arts. gamit na gamit ko ngayon eh. buti nalang din at natuto rin si Ela.
"Hinding-hindi kayo makakatakas sa akin!" sigaw pa ni Buenavera.
sipa dito, suntok doon, tadyak, at halos lahat nagawa ko na sa mga taong humaharang sa akin para lapitan si Maria. si Ela naman ay nakikipagbuno kay Buenavera.
"Maria!" dali-dali ko syang hinila papunta sakin nung mapatumba ko ang mga may hawak sa kanya.
"A-Ate..." hindi na nawala ang iyak nya.
niyakap ko sya agad ng mahigpit sabay hawak sa magkabila nyang pisngi. "May masakit ba sayo? wag kang mag-alala, tatakas na tayo dito. ha?"
tumango-tango naman sya kahit nanginginig na sa takot. tinignan ko ang kamay nya na may kadena na ngayon ay nagdurugo na sa sobrang higpit. naghanap agad ako ng pwedeng pangtanggal dun kaso saktong paglingon ko kay Ela nung bigla syang sipain sa likod ni Buenavera at kinuha ang baril sabay tutok sa akin.
nanlaki ang mga mata ko dahil dun. napangisi naman si Buenavera. Hinablot ng mga tauhan nya si Ela at hinila ang buhok paharap sa amin. hinawakan nila ng mahigpit ang panga nya dahilan para mamilipit sya sa sakit.
agad kong tinago sa likuran si Maria.
"Kahit anong gawin nyo, ay hindi nyo ako kaya. hinding-hindi kayo makakatakas sa akin! BWAHAHAHA!" humalakhak ng nakakatakot si Buenavera. tinutukan rin nila ng baril sa ulo at panga si Ela dahilan para makaramdam ako ng takot para sa kanya. "Ano, Delasen? Mamili ka. ang kakambal mo, oh kayo ng kapatid mo?" sabay tutok ng baril kay Maria.
napalunok ako. napahawak rin sa nanginginig kong kamay si Maria. shems.
"A-Ate..." ramdam ko ang takot sa boses nya.
"p-pinapapili mo ba ako?!" kinakabahang sigaw ko pa.
"what do you think? ano na? si Ela, o kayong dalawa ni Maria? choose wisely." sabay ngisi nya.
napakuyom ako ng kamao at tinitigan sya ng nakakamatay na tingin.
"wala akong pipiliin!"
humalakhak naman sya.
"okay. sabi mo eh. mamamatay rin naman kayo kaya-------"
biglang bumukas ang pinto at muling pumasok yung lalaki.
"Boss! nakahanda na!" naagaw nya lahat ng atensyon kaya naman kinuha ko yung opportunity para kumilos at lumaban. ganun din ang ginawa ni Ela na syang ikinagulat nilang lahat.
"Maria tumakas ka na!" sigaw ko pa habang nakikipaglaban.
"A-ayoko! ayokong iwan kayo!" hindi nya na malaman ang gagawin.
"makinig ka sakin! itakas mo na ang sarili mo!"
"P-pero Ate------"
*bogsh!*
natigilan kaming lahat at sabay na napalingon kay Buenavera kung saan sa kanya nanggaling ang putok ng baril. parang nagslowmotion ang paligid ko habang sinusundan kung saan nakaturo ang baril nya. at halos takasan ako ng dugo ng makita ang unti-onting pagbagsak ni Maria sa tabi ko.
"M-Maria.."
"A-Ate..." bigla syang sumuka ng dugo. nanghina ang mga tuhod ko dahil dun.
"M-Mariaaaa!!!!" sigaw ni Ela at tumakbo papunta dito pero agad siyang nahawakan ng mga tauhan ni Buenavera.
napaluhod ako at agad syang sinalo.
"Maria... Maria.! jusko Maria!" nagsimulang mag-unahan ang mga luha sa mata ko habang pinagmamasdan syang naghihingalo sa mga bisig ko.
"A-Ate... O-okay lang ako. w-wag kang m-mag-alala sakin." hinawakan nya ang pisngi ko sabay ngiti.
umiling-iling ako. "w-wag mo kaming iwan, Maria! please?"
"Sad to say iiwan na nya kayo! HAHAHA!" Agad akong hinablot ni Buenavera palayo kay Maria.
nagpumiglas ako habang nagsisigaw, ganun din ang ginawa ni Ela habang binuhat naman ng tauhan nya si Maria at lumapit sa may bintana.
"bitawan nyo ako! Mariaaa!!!" todo pagpupumiglas ako. "ano baaaa!!"
"anong gagawin nyo kay Maria?! bitawan nyo syaaa!"sigaw ni Ela.
napaiyak nalang si Maria habang walang lakas na tumingin sa amin.
"A-ate..."
tinignan ko ng masama si Buenavera.
"kapag may ginawa kayo kay Maria, Humanda ka sakin!"
tumawa lang sya. "paano kung meron nga? maghanda na kayo dahil ito na ang huling beses na makikita nyo syang buhay!"
napakurap ako sa sinabi nya.
"A-anong---?"
may isinenyas sya sa tauhan.
"patayin nyo na yan."
"Ano!?" napalingon ako agad kay Maria saka dun sa lalaking may hawak sa kanya na nakangisi sa akin ng malademonyo at unti-onting iniangat sa bintana si Maria. naghysterical ako agad. "Wag! bitawan nyo sya! Waggggg!!! Maria!!!"
"A-atee! I'm sorry." napapikit nalang sya.
tila walang narinig miski isa sa sigaw namin ni Ela ang mga tao dahil talagang iniharap nila si Maria sa dulo ng apakan ng bintana.
"M-maria.." tila unti-onting nagslowmotion ang paligid namin habang pinapanood syang itinulak at nahuhulog sa malakas na hangin ng bintana. pakiramdam ko naubosan ako ng oxygen sa nakita. hindi ako makahinga ng maayos.
"HINDDIIIII!!!! MARIAAAA!!!!!" Todo pagpupumiglas si Ela na gusto ring lumapit doon. "WALANGHIYA KAYO! PINATAY NYO ANG KAPATID KO!!!"
Napaiyak nalang ako at di na kumilos pa. pakiramdam ko nahati ang puso ko sa dalawa. sobrang sakit ng nararamdaman ko ngayon. nawalan ako ng ganang tumayo. si Maria.. pinatay nila si Maria. pinatay nila ang walang kalaban-laban na babae. mga hayop sila!
"oh pano ba yan? pinatay ko na ang bunso nyo? HAHA!" nanlilisik na binalingin ko ng tingin si Buenavera. talagang natutuwa pa sya sa kahayupang ginawa nya?! "Tara na Bilis! kailangan na nating makaalis dito!" sigaw nya sa mga tauhan at kinaladkad kami palabas ng kwarto.
wala na akong ibang ginawa kundi ang titigan si Buenavera ng nakakamatay na tingin habang hila-hila ng mga tauhan nya.
'walang hiya ka! Hayop ka Buenavera! wala kang puso! nakakasuka ka! gusto kitang patayinnn!!! pinatay mo ang kapatid ko! hindi mo man lang kami binigyan ng pagkakataon na magpaalam! halimaw ka!'
hinila nila kami papasok ng elevator.
nanahimik nalang ako at dinamdam ang sakit na nararamdaman sa ginawa nila sa kapatid ko. mula rin dito ay rinig na rinig na namin ang malakas na putukan sa bawat floor. sana mamatay na ang mga taong ito. nanggigigil ako! sobrang kuyom na kuyom ang kamao ko.
"Ysha! si Maria!" napatingin ako kay Ela na iyak ng iyak habang kinakaladkad rin tulad ko. nakaramdam ako ng guilty dahil dun, ni hindi ko sila nagawang ipagtanggol.
"bilisan nyo!" sigaw pa ni Buenavera habang nilalabanan ang mga taong humaharang sa kanila. kabilaan rin ang mga putok ng baril at halos mabingi ako sa palitan nila ng mga putok ng baril.
pagkarating namin sa groundfloor ay may humarang na naman sa amin at pinaputukan si Buenavera ng baril. pero nakailag sya agad at hinila kami para magtago sa isang kotse.
nagulat pa kami nung may biglang ligaw na bala ang tumama sa isa sa mga humahawak kay Ela. dahil dun ay napamura sa inis si Buenavera at sunod-sunod na bala ang pinakawalan.
muli nila kaming hinila. may nakita akong isang Van sa unahan at doon nila kami dinala. agad nila kaming tinulak papasok sabay pinaharurot ang Van paalis ng lugar.
may mga bala paring humahabol sa amin kaya naman napapayuko kami ni Ela.
"Ha! akala nila mauutakan nila ako!? nagkakamali sila!" gigil na sambit ni Buenavera na nasa passenger seat.
"Hayop ka!" gigil na sigaw ni Ela at akmang susugurin sana si Buenavera pero nahawakan sya agad ng lalaking nasa tabi nya at sinampal ng malakas na syang ikinagulat ko.
"Ela!"
"Alam nyo kayong dalawa, mga hangal kayo! HAHA! mga bobo!" sigaw pa nung halimaw na gustong gusto kong sakmalin sa galit!
"Wala kang puso!" sabi ko pa.
nginisihan nya lang ako.
"alam ko na yan matagal na."
kinuyom ko ng mariin ang kamao ko.
"mamatay ka na sana!"
"Uunahin ko muna kayo! Haha."
napaiyak nalang ako sa sobrang inis at galit na nararamdaman. gustong-gusto kong katayin ng buhay si Buenavera pero alam kong di ko kaya. Pakiramdam ko tuloy wala ng pag-asa para samin ni Ela.
"s-san nyo na naman kami dadalhin ngayon?!" galit na tanong ko.
"san pa? edi sa impyerno! Haha!" at nagtawanan na nga silang lahat.
"balang araw, makakaganti rin ako sa kanila sa ginawa nila kay Maria." nanggigigil na bulong ni Ela sa tabi ko.
napaluha nalang ako.
"I'm sorry Ela. hindi ko nagawang iligtas si Maria. Sorry talaga"
"Shh ano ka ba? wala kang kasalanan. si Buenavera ang may kasalanan at hindi ikaw, okay?" bulong pa nya at inaalo ako. napayuko nalang ako sabay kagat ng labi. nanginginig ang buong kalamnan ko dahil sa mga nangyayari.
"H-Happy birthday Ysha."
natigilan ako at napatitig sa kanya.
"a-ano?"
"November 28 na ngayon Ysha. birthday na natin."
tila nanghina ako lalo dahil dun. B-birthday na namin. pero, heto kami at nakikipaglaban sa buhay at kamatayan. may plano sana kaming gawin ngayong araw kasama si Maria at Papa pero dahil kay Buenavera ay hindi na matutuloy. sinira na nya ang kaarawan namin! pinatay nya si Maria! ang kaawa-awa kong kapatid!
imbis na magsaya ay kalungkutan at pighati ang nararamdaman ko dahil sa nangyari sa amin. ito na ata ang pinakamasakit na birthday namin ni Ela.
napaiyak ako lalo.
"H-hindi natupad ang plano natin ngayon, Ela. I'm sorry. kasalanan ko to."
napaluha rin sya. "sshh don't say that. hindi naman natin ginusto to eh."
"p-pero si Maria... namatay sya kung kailan kaarawan na natin."
"kaya kailangan na nating gumawa ng paraan para makatakas dito. hindi ako papayag na isa na naman sa atin ang mamamatay!"
"Oh, Nakakatouch naman ang drama ninyo! iiyak na ba ako? bwahaha!" napalingon kami bigla kay Buenavera na kanina pa pala nakikinig sa usapan namin. yung ngisi nya ang tipong sarap burahin sa mundo. nakakagigil.
"Boss birthday daw nila ngayon! hahaha!" sabi pa ng isang tauhan nya na nasa tabi ni Ela.
"Oh ngayon? gusto nyo bang bigyan ko pa kayo ng regalo? di pa ba sapat na regalo yung pagpatay ko sa kapatid ninyo? HAHAHA!"
Napakuyom ako ng kamao.
"wala kang karapatang magbiro ng ganyan sa kapatid ko! Halimaw!"
napahawak naman sya sa dibdib, umarteng nasaktan.
"Ouch. nahurt ako sa sinabi mo. BWAHAAHAHA!" Nagtawanan silang lahat.
nagkatinginan kaming dalawa ni Ela. at base sa reaksyon nya, nasisiguro kong parehas lang kami ng iniisip at gustong gawin ngayon.
"wag kayong mag-alala, dahil ilang oras na lang at magsasama na kayong tatlo ng kapatid nyo sa Impyerno. maghintay lang kayo. Hahaha!" ngumisi sya pagtapos habang tinititigang mabuti ang hawak at pinagmamalaki nyang baril. pinupunasan pa nya ito.
di nakapagpigil si Ela kaya nagkagulo dito sa loob.
"Walang hiya ka! ang dapat sayo mamatay! mamatay ka na!" biglang tumayo si Ela at nakipag-agawan ng baril. nagulat ako dahil sa ginawa nya pero dahil umaksyon ang mga galamay ni Buenavera ay tumulong narin ako para protektahan sya.
"Bitawan mo ang baril kung ayaw mong mamatay! bitaw!"sigaw pa ni Buenavera habang nakikipag-agawan.
"HINDI! PAPATAYIN KITA! PAPATAYIN KITAAA!!"
habang nagkakagulo ay panay naman ang harang ko sa mga tauhan ni Buenavera na padukot ng mga baril sa bulsa. lintik ang hirap kumilos kapag nasa loob ng Van!
"Kahit kailan, hindi nyo ako matatalo!" sigaw na naman ni Buenavera.
"Ysha, Tumakas ka na!"
"Ano?! Ano bang pinagsasabi mo dy-----Ah!"
napahawak ako sa kabilang pisngi nung bigla akong suntukin nung isang lalaki. Buti nalang mabilis ang reflexes ko at nagantihan ko sya.
"Ugh!!!"
mas naging intense ang nangyayari sa loob ng Van at mas dumoble rin ang kabang naramdaman ko.
"Ysha, makinig ka sakin!"
"Shut up Ela!"
"hindi kayo makakatakas! papatayin ko kayo!"
"Urghh!!!"
*Bogsh!*
biglang pumutok ang baril at saktong tumama ito sa driver ng Van kaya naman nagpagewang-gewang ang sinasakyan namin. Shemas! pero patuloy lang sa agawan si Ela at Buenavera.
"Please Ysha, Iligtas mo na ang sarili mo!"
"hindi kita iiwan dito Ela!"
tumulong narin ako sa kanya sa pakikipag-agawan ng baril kay Buenavera.
"dammit! talagang pinagtutulungan nyo ako ah?!"
binuksan ni Ela ang pintuan ng Van sa gilid ko kaya pumasok ang malakas na hangin. At dahil pahirapan itulak ang patay na driver ay muli na namang gumewang-gewang ang sasakyan, dahilan para matumba kaming lahat at napahawak sa mga upuan.
sa inis ni Buenavera ay sya na ang nagtulak palabas ng Van sa patay na tauhan nya at sya naman ang pumalit bilang driver. edi yung mga tauhan naman nya ang kalaban namin.
"Ysha, tumalon ka naaa!"
"Hindi! ayoko! hindi kita iiwan dito!"
"wag na matigas ang ulo please! save your life!"
"Walang patatakasin sa dalawang yan!" sigaw pa ni Buenavera habang nagdadrive.
busy ako sa pakikipag-depensa sa isang kalaban na hindi ko namalayan na may biglang pumukpok sa ulo ko ng isang matigas na bakal. nanghina ako dahil dun. pakiramdam ko umikot ang mundo ko.
"Bwisit! Ysha!! Save your lifeee!!!" sigaw ni Ela sa akin.
napahawak ako sa ulo ko na ngayon ay dumudugo na.
napatingin ako kay Ela. ngayon ay hawak na sya ng isang lalaki kaya naman medyo nahirapan na syang lumaban. napaiyak nalang ako dahil dun. Bakit pakiramdam ko talo parin kami sa laban?
"E-Ela..."
"Allesha, Please! para sa'kin, iligtas mo na ang sarili mo!" napapaiyak narin sya dahil sakin.
yung mga mata namin punong-puno na ng sakit at pighati habang pinagmamasdan ang sarili. tila wala na kaming ibang magawa.
napatingin ako sa likuran ko kung saan nakabukas na ang pintuan. Isang tulak lang sakin dito malamang mahuhulog na akong tuluyan.
"Ano Ysha, Ikaw na ba ang susunod na mamamatay?" nagawa paring tumawa ni Buenavera kahit nasa alanganing sitwasyon kami.
"H-hindi ako-----"
"Shit! Dammit! anong nangyayari?! ba't di na gumagana ang brake?! Bwisit!" napamura si Buenavera, nagpanic naman kaming lahat na nandito.
"Ysha, makinig ka na sakin! talon naaa!!"
"p-pero Ela Ayoko-------"
"dammit! Run Allesha, Run!"-
"No! I'm not gonna leave you Here!"-
"Just do it please! Tumalon ka na sa Van! Save your life!"-
"Hindi kayo makakatakas samin!"-
biglang dumukot ng baril ang isang lalaki at itinutok ito sakin. Nanlamig ako. naestatwa ako sa takot.. isang press lang tatamaan ako ng bala sa dibdib!
malademonyong ngumiti naman yung lalaki sakin. nanginig ako bigla. napatitig ako sa hawak nyang baril. nag-times six ang kaba ko.
"katapusan nyo na!"-
"N---"
*bang!*
"HINDIIIII!!!!!!!"-
huli na para makaiwas ako dahil tumama agad sa puso ko ang bala. parang nagslowmotion ang paligid ko habang unti-onting nagtalsikan ang dugo sa katawan ko, kasabay nun ang isa pang putok ng baril na di ko malaman kung saan tumama. tila nabingi ako sa nangyari.
hindi maalis ang tingin ko kay Ela na ngayon ay nagsisisigaw habang pilit na nagpupumiglas para maabot ako. sunod-sunod ang luhang pinakawalan nya.
unti-onting sumuko ang katawan ko, kasabay nun ang paglandas ng isang butil ng luha sa pisngi ko bago ko mabitawan ang hinahawakan ko. naramdaman ko nalang ang isang malakas na hangin na tumatama sa nahuhulog kong katawan mula sa Van na pinanggalingan ko.
bakit pakiramdam ko, ang gaan-gaan ng paligid? pakiramdam ko lumilipad ako ngayon. pakiramdam ko, namanhid ako sa sakit na nararamdaman. ganito ba ang pakiramdam na malapit ng mamatay?
'Ela, Maria, Papa, Mommy at daddy... patawarin nyo ako... kung hindi ko na kayo makikita pang muli. mahal na mahal ko kayong lahat.'
Mabilis ang sumunod na nangyari. natagpuan ko nalang ang sarili ko sa malamig na bato kung saan tumama ng malakas ang ulo ko, kasabay nun ang pagkalat ng dugo na nanggaling sa ulo ko at ang unti-onting pagbura ng mga alaala sa utak ko.
kasabay nun ang tuluyang pagdilim ng diwa ko.
***/*/*/**/*/*//*/**/*/**
unedited.....
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top