Ghost 74
ghost 74:
Isang buwan ang lumipas matapos ang huling pag-uusap namin ni Mr. Agilar. at nakakahinga narin ako ng Maayos dahil hindi ko na ulit nakikita yung taong laging sumusunod sakin.
bakit kaya? Naglong vacation ba sya at sa susunod na buwan nalang ulit babalik sa trabaho? napailing nalang ako sa mga naisip ko.
Pero sa nakalipas na buwan ay hindi ako tuluyang masaya. Unang-una na dyan ang pagiging broken Hearted ko Mula kay Emman. I guess nalove at first sight ata ako sa kanya dahil masyado akong nabaliw to the point na halos lahat ng info tungkol sa kanya inalam ko. Nagiging stalker nga ako eh. pero one time, habang naglalakad ako papasok sa Flower shop ay nagulat ako nung madatnan ko syang namimili ng mga bulaklak.
masaya na sana ako. Sa sobrang saya ko ay Muntik ko na syang lapitan at yakapin kaso natigilan ako nung makita ang babaeng Katabi nya.
They were happily looking for flowers. tinitigan ko ang babae. Base sa Observation ko ay mabait ito. Maganda saka mukhang Mahinhin. Nagtatawanan silang dalawa ni Emman na para bang sila lang ang nandito at walang ibang nakakakita sa kanila. Nakahawak sa bewang ng babae ang kamay niya at they na tumingin sya dito ay kakaiba. its like he's into her. yung ngiti sa labi nya ay kakaiba. Napahawak ako sa dibdib ko nung maramdaman ang paninikip nito. Shems, Ang lakas ng tibok ng puso ko pero pakiramdam ko sinasaksak ako ng ilang daang kutsilyo sa sobrang sakit ng nararamdaman ko. I'm Hurting and Jealous at the same time. Hindi ko kilala ang babaeng kasama nya pero the Way na tingnan ito ni Emman ay Alam ko na. Alam ko na ito ang tinutukoy nilang napupusuan nya. Si Almira.
nakaramdam ako ng inggit dahil dun. I wish na sana ako ang kasama ni Emman. na sana ganyan sya tumingin sakin at ganyan ang trato nya kapag magkasama kami. but who Am I kidding? Ni hindi nga nya ako kilala eh. hindi nya kilala ang babaeng hinalikan nya. shems! He just stole my first kiss pero ngayon malalaman ko na iba ang napupusuan nya.
Nagulat ako nung Biglang halikan ni Emman ang pisngi ni Almira. Sa pisngi palang yun pero pakiramdam ko tumigil sa pagtibok ang puso ko. Dali-dali akong tumalikod at kinagat ng mariin ang nanginginig kong labi.
dumiretso ako sa opisinan ko at napaupo sa swivel chair. Napahawak ako sa aking dibdib. pinipigilan ko rin ang mga luhang gustong kumawal sa aking mata. bakit ganito? gusto ko lang naman sya at hindi naman kami Magkakilala talaga pero pakiramdam ko pinagtaksilan ako. Dinaig ko pa ang babaeng iniwan ng jowa sa sakit na nararamdaman ko. Ohmen! hindi pa ako nainlove pero hindi naman ako tanga para di malaman tong ganitong pakiramdam. Napangiti ako ng mapakla. Ganito pala ang pakiramdam ng nasasaktan dahil sa love. lintik ang weird naman ng ganito sakin.
at talagang sa Shop ko pa nilang napiling magdate huh? aww.
Akala ko nga hanggang dun lang ang selos na nararamdaman ko kaso mali pala ako. Dahil Sa pangalawang beses ay muli ko na naman silang nakita sa isang Park na dinaanan ko. ang sweet nila tignan habang bumibili ng Cotton Candy. abot hanggang tenga ang ngiti ni Emman at halata ang kislap sa kanyang mga mata habang nakatingin kay Almira. mukha silang magjowa tignan. Nakaakbay pa talaga si Emman sa balikat nito na akala mo boyfriend. ito namang si Almira Hinayaan lang ang ginagawa ng isa.
Napapikit ako ng mariin at pilit pinapakalma ang puso kong abnormal na. Takte naman po, Di naman kasi kami nagkaroon ng conversation ni Emman saka Madalang ko lang sya makita and For him I'm just a stranger. Hindi nya ako kilala mula ulo hanggang paa. Kumbaga sa showbiz, sya ang Artista at ako naman ay Isang Silent fan nya. How sad.
Thats why I Choose to forget him. itinuon ko nalang sa ibang bagay ang atensyon ko para di na maging Adik sa kanya. Besides, hindi lang naman sya ang lalaki sa mundo at alam ko namang hindi kami ang itinadhana. pero at the back of my mind I'm still hoping na sya ang makatuluyan ko. Hays I'm so assumerang babae.
pero ang pagtuon sa ibang bagay ay di nangyari dahil may dalawa pala akong kapatid na kulit ng kulit sakin tungkol kay Emman. Naalala kong sinabi pala nilang tutulungan ako sa kanya kaso di ko naman ginawa. Ilang beses ko nang sinabing di ko na gusto si Emman kaya tigilan na nila ako sa kanya kaso mas matigas pa sa Bakal ang ulo nitong mga kapatid ko at talagang di ako tinigilan. hinayaan ko nalang silang mangulit sakin tungkol kay Emman dahil alam ko namang mapapagod rin sila sa huli at titigilan na ako.
"Mga Sister nandito na ako!!!" masayang sabi ko pagkapasok ko ng Mansyon ni Papa.
kaso nagtaka ako dahil wala akong makitang miski isang Anino ng dalawa sa loob ng Sala. Eh? Nasan naman kaya sila? mostly kasi pag alam nilang pupunta ako dito ay sasalubungin na nila ako sa Harap palang ng pintuan pero ngayon, Wala. As in.
Miski katulong nga wala akong makita. Napagpasyahan kong dumiretso sa Kusina baka naman nandun sila at nagluluto. pero laking gulat ko rin ng makitang Walang tao dun kahit Mga maids. Jusmiyo! anong trip ng dalawa at di nagpapakita sakin? nagbabalak ba silang iprank ako?
Weird ah.
napagpasyahan kong umakyat sa second floor para puntahan sila sa kwarto dahil baka nanunuod sila ng Movie kaya di na nila ako naalala. Kaso Natigilan ako sa paghakbang ng may marinig akong boses at nanggagaling ito sa kwarto ni Papa kung saan medyo may siwang. at dahil dakila akong Curious na anak ay dahan-dahan akong naglakad papalapit dito saka sumilip sa pinto.
and there, I saw Papa. Talking to someone on the phone. at base sa hitsura nya ngayon, parang may malaki syang problema dahil sa sobrang sama ng timpla ng mukha nya. nakahawak sya sa bewang nya habang mariing pinapakinggan ang kausap sa Cellphone. nakakunot ang noo nya kaya medyo kinakabahan ako. sana di nya mapansin ang presensya ko dito.
"WHAT?!!"
OH MARIMAR! muntik na akong mapatalon sa gulat dahil sa lakas ng boses ni Papa. putek. Pakiramdam ko inatake ako sa puso dahil dun.
"No Way! Nasaan si Seven?! Let me talk to him!"
okay...? Anong Problema ni Papa at galit na galit sya? And who is Seven?idinikit ko pa lalo ang tenga ko sa pinto para marinig ang sinasabi nya.
"Do it now Seven! I'm telling you. Ako ang papatay sayo kapag di mo nagawa ang pinapautos ko! maliwanag?!"
napasinghap ako sa gulat. Omg! tama ba narinig ko?! Papatayin?! What the heck!
"yes! Do it before anything else! siguradohin nyong walang mangyaring masama sa mga anak ko! don't let them lay a single finger on my Childrens!"
Napakurap ako ng maraming beses dahil sa narinig ko. Wait.. what?! Childrens?! kami ba ang tinutukoy ni Papa? di ko alam pero nagsimulang tumibok ng malakas ang puso ko. I'm nervous right now. anong ibig nyang sabihin dun?
"Ireport nyo agad sakin kapag may nalaman na kayong balita tungkol sa mga sindikatong yan. Clear? Good."
Dali-dali akong humakbang paatras at tumakbo ng mabilis papasok sa isang kwartong nakita ko nung mapatingin sa pintuan si Papa.
napasandal ako sa pintuan ng kwartong napasukan ko at pinapakalma ang sarili. napapikit pa ako ng mariin habang kagat ang labi at nasa Dibdib ang nanginginig kong kamay. Shete. Pakiramdam ko isa akong tresspassing na hinuhuli ng pulis sa sobrang kaba ng dibdib ko. Lintik! Nakita kaya ako ni Papa? naramdaman nya bang may nakikinig sa kanya? narinig nya kaya ang pagtakbo ko? shemas! sana walang napansin si papa! lagot ako pag nalaman nyang nakikinig ako sa pinag-uusapan nila ng kausap sa phone!
pero ano yung ibig sabihin ni Papa dun sa sinabi nya? ang alam kong umalis na sya sa pagiging Mafia boss pero ano tong naririnig ko ngayon lang? At sino si Seven? is that a codename? saka bakit nadawit ang tungkol samin magkakapatid? may mangyayaring masama ba sa amin? gusto ba kaming protektahan ni Papa?
Shemas! ang daming Idea'ng pumapasok sa isip ko at nakakabaliw yun! Pero ano bang malay ko? Malay ko naman Iba ang ibig sabihin ni Papa sa sinabi nya kanina. but who Am i Kidding? Aish. nakakaloka.
"Hoy Ate!"
"Ay Marimar!" halos mapatalon ako sa gulat nung may sumigaw sa harapan ko.
at dun nga bumungad sakin ang natatawang Mukha ni Maria kasama si Ela na nasa tabi nito habang Nakatingin sakin. Agad kong inilibot ang paningin sa loob ng kwarto. at dun ko lang napagtantong Kwarto ni Ela ang napasukan ko. Oh thanks god! I' m save!
"Ate Ysha Ayos ka lang ba? you look like a Shit! your face is so Funny! natatae ka ba?" Humagalpak ng tawa si Maria pagkatapos na sinundan rin ng isa pang walang hiya kong kakambal.
namula naman bigla ang mukha ko kaya sinamaan ko sila ng tingin para maitago ang kahihiyan sa katawan.
"Shut up Maria! I-I'm Just practicing on how to A-Act!" Adik ka Ysha! Magpapalusot ka na nga lang yun pang hindi kapani-paniwala!
lalo tuloy akong tinawanan ng dalawa sa harapan ko. napagakat ako ng mariin sa labi. gusto ko tuloy tuktukan ang sarili ko. jusmiyo! ano ba tong pinasok ko?
"Nakakatawa ka Ysha! magpapalusot ka na nga lang yun pang hindi kapani-paniwala!" hagalpak ni Ela. napaikot nalang ako ng mata. wala na. Pahiya na talaga ako.
"ano bang ginagawa mo Ate? nagulat nalang kami ni Ate Ela na biglang bumukas ang pinto tapos halos masira ito sa pagsara mo. Para kang hinahabol ng mga Asong Ulul alam mo ba yun? HAHAHA!" Parang gusto ko tuloy gilitan sa leeg tong si Maria. trip talaga akong asarin ngayon eh no? so bad! hays.
"Ewan ko sa inyong Dalawa! pinagtitripan nyo na ako eh!" hinawi ko silang dalawa pagilid para makadaan at dumiretso sa kama. umupo ako dito saka hinimas ang batok para mawala ang pangangalay nito.
Sumunod naman ang dalawa sakin saka umupo sa gilid ko. edi napapagitnaan na nila ako ngayon.
"Alam mo ate Ysha, kung di ka lang talaga namin Kilala malamang mapagkakamalan talaga kitang baliw na tumakas sa mental at hinahabol kaya nagtago dito. Haha." Di na ako tinigilan ni Maria. Lakas-tama talaga!
"Ano ka ba Maria, tama na yan. baka mabeastmode tong si Ysha lagot ka talaga.HAHA" Hagalpak naman ni Ela.
"kayong dalawa ang malalagot sakin pag di pa kayo tumahimik!" sagot ko saka pinaningkitan sila ng mata. "May kasalanan pa kayo sa akin baka nakakalimutan nyo?"
agad namang nag-angatan ang kilay ng dalawa. "oh? at kelan kami nagkaroon ng kasalanan sayo aber?" sagot ni Ela.
"bakit di nyo ako sinalubong kanina pagkadating?"
nagkatinginan silang dalawa ni Maria dun sabay lingon ulit sakin na nakakunot ang noo. "bakit, kailangan ba salubungin ka namin kada pupunta ka dito? Hindi ka po VIP or Visitor dito sa bahay Ate, FYI lang ah?" Sagot naman ni Maria at pabirong Umirap.
napanguso ako dun.
"Still! Hindi ako sanay na di nyo ako sinasalubong sa Pinto."
napangisi sila sakin dahil dun at sabay na sinabing,
"Pwes masanay ka na!" sabay hagalpak ng tawa.
napaface palm nalang ako. paano ako nagkaroon ng dalawang baliw na kapatid?
***
Ilang oras kaming nanatili sa kwarto ni Maria at nanunuod ng Movie. Sabi ko na, kaya di nila ako sinalubong kanina kasi busy sila sa panunuod ng Palabas.
At buong oras ata akong pinagtitripan ng dalawa sa kung anu-anong bagay na di ko alam kung saan nila nakuha. buti nalang din at tinigilan na nila ako nung Sumeryoso na ako. kaya napunta na naman sa ibang bagay ang usapan namin at syempre hindi na naman nawawala sa usapan ang lovelife ko kaya Tiniis ko ang bente minuto na pangungulit nila tungkol dun. At dahil sila ang wala pang sinasabi sakin tungkol sa mga lovelife ay ako naman ang nangulit. puro asar mula sa akin ang inabot ng dalawa kaya halos di na maipinta nila lalo na si Maria na napikon dahil sa pang-aasar ko sa mga nakafling nya.
kung hindi pa kami tinawag ng katulong para kumain ay di kami mahihinto sa kwentohan. sakto lang din naman dahil naramdaman ko narin ang pagkulo ng tiyan ko. Saka alas-7 na pala ng gabi at di na namin namalayan iyon. ganun talaga pag nag-ienjoy sa kwentohan kaya di na namamalayan ang oras.
pagdating namin sa Dining table ay napansin ko na agad ang mga katulong na nagkalat sa paligid. okay..? weird ah. parang kanina lang wala akong makita halos isang anino ng mga Maid tapos ngayon ito makikita ko? ang dami nila ngayon. So, ang tanong. saan sila nanggaling kanina?
I decided to Ask Ela.
"Bakit wala akong nakitang mga maid kanina miski isa?"
lumingon naman sya sa akin sabay tingin sa mga tao sa paligid.
"Ahh.. yun ba, Pinarest kasi sila ni Papa kanina."
itinaas ko ang kilay ko. "Meaning?"
"Meaning lumabas sila ng bahay. namasyal, ganun."
napatango nalang ako. kaya pala. Okay, that explain why. ang bait naman ni Papa para bigyan ng Free hours ang mga katulong para mamasyal sa labas. Kung ako siguro ang naging Maid ni Papa malamang ang swerte ko rin siguro dito. Ideal House na, Nagkaroon pa ako ng previlege na makatira sa ganitong bahay. Naks, Kala mo talaga eh di malaki ang bahay namin? haha.
nababaliw na naman ako.
Umupo kami sa nakasanayang upuan kada kumakain at tinignan ang mga putaheng nakahanda. At halos maglaway ako sa dami at sarap ng pagkain na nasa harapan ko. Yum yum yum! Mas lalo tuloy akong nagutom. puro pang-ibang bansa na putahe ang nakikita ko. walang pang-pinoy. Ang yaman talaga ni Papa.
napangiti nalang ako habang iniisip kung anong pagkain ang uunahin.
kaso napansin kong wala pa pala si Papa kaya naghintay muna kaming dumating ito.
pero kinakabahan ako dahil sa narinig ko kanina kaya naman nagpractice na akong umarte na para bang walang nangyari at walang alam. Sana lang di ako nakita ni Papa kanina dahil kung hindi, lagot na ako.
"Goodevening my Princesses." agad kaming napalingon kay Papa nung umupo ito sa Harapan namin.
"Hi Dad!" masayang bati ni Maria dito. nginitian naman siya ni Papa. ganun din ang ginawa nya kay Ela nung batiin sya nito.
kinabahan ako nung mapunta naman sa akin ang mata nya. I gulped.
"H-Hi Papa!"
"I'm glad you're here
Ysha. Hello to you."ngumiti sa akin si Papa na para bang walang alam sa narinig ko kanina kaya naman nakahinga ako ng maluwag doon. Yes! di ako nakita ni Papa! buti nalang!
nagsimula kaming kumain at panay naman ang daldal ni Maria habang kumakain. Nagbibiruan pa sila kaya naman nakikisali rin ako. Si Papa panay ang tawa sa mga Kwento ni Ela na mga Epic Fail. kaya pati ako natatawa nalang din sa kanya.
pagkatapos kumain ay Dumiretso sa Kwarto si Ela at Maria. ako naman ay sa sala pumunta at kumakain ng Macaroni Salad. Ang paborito kong Miryenda tuwing Hapon sa Bahay at paborito ko namang kainin dito tuwing gabi.
Busy ako sa pagnguya ng pagkain nung may biglang tumabi sa akin. napaangat ang tingin ko at sumalubong naman ang ngiti ni Papa sa akin.
"Pa.." puna ko pa.
napatingin naman sya sa hawak kong macaroni bago Ngumiti at napailing-iling. "you really like that food huh?"
"Of Course Papa. This is my favorite." then I smiled to him.
Tumango naman sya at sumandal sa sofa. "So, How's your Day?"
"Mm, Still the Same. Flower Shop then Singing and Helping other People."
"Mahilig ka talagang tumulong sa kapwa." komento pa nya saka natawa. "I wonder, Saan ka kaya nagmana sa pagiging matulungin? Eh hindi naman ako ganung tao. I guess nakuha mo ang katangian na yan sa Mama mo huh?"
nagkibit balikat lang ako. "Well, I guess so? Pero Lumaki rin akong Mga Foundations and Charity ang kinagisnan. Mommy taught me to help other people kaya tingin ko hati sila ni Mama."
pinagsiklop ni Papa ang kanyang mga kamay sabay Upo ng matuwid. Napabuntong hininga rin sya pagkatapos at napatingin sa malayo.
okay...? may nasabi ba akong mali? sa paglagay ko wala naman. kaya bakit biglang ganito ang reaksyon ni papa? ayaw nya bang marinig ang tungkol sa Foster parents ko? Sa pagkakaalam ko hindi naman sya galit kina Mommy--------
"I Miss your Mother."
natigilan ako sa biglang sinabi ni Papa. The tone in his voice, Ang lungkot! Omygosh! tama ba ako ng naririnig?! Si Mama? namimiss nya?!
biglang lumingon sa akin si Papa kaya naman kitang-kita ko ngayon ang lungkot sa kanyang mga Matang Walang Emosyon. Kinakabahan tuloy ako.
"Ysha. Everytime I see you, you Always reminded me of Her. Namana mo ang ugali ng Mama mo. She's A brave girl I know. Malambot rin ang puso nya sa ibang tao kagaya mo. kaya kapag nakikita kita hindi ko maiwasang maalala lagi ang Mama mo ."
Napalunok ako ng maraming beses. Shemas! my Father is confessing something in front of me! hindi ko tuloy mapigilang Maawa sa hitsura ni Papa ngayon. He looks like a wasted Man. I must do something! I want to Help him ease the Pain. at walang ibang gagawa nun kundi ako.
I sighed.
"Papa.." I called him. "Sabi mo hindi mo pa napupuntahan ang puntod ni Mama diba?" Napatitig naman sya sa akin saglit bago dahan-dahang tumango. Ngumiti ako.
"Edi bisitahin natin sya."
tila hindi nya inaasahan ang sinabi ko kaya ganun na lamang ang gulat na namutawi sa mukha nya.
"What?"
Kinuha ko ang kamay nya at hinawakan ito bago sya tignan sa Mata. "Papa, Matagal na panahon na mula nang mangyari ang isang bangungot sa buhay nyo ni Mama. At sa haba ng taon na lumipas ay hindi mo parin magawang dalawin si Mama sa kanyang puntod dahil sa pagsisisi at kalungkutan. Papa, alam ko. kahit hindi mo sabihin sa akin ay nakikita at nararamdaman kong mahal mo parin si Mama hanggang ngayon at nasasaktan ka parin dahil sa nangyari sa inyo. naiinitindihan ko po ang Pain na nararamdaman nyo ngayon dahil kahit isang beses man lang bago sya mamatay ay hindi kayo nagkaroon ng pagkakataong mag-usap at magkaayos. at napakasakit nun."
napatitig nalang sa akin si Papa. I guess Speechless sya sa sinabi ko dahil totoo yun.
Well, gusto ko lang naman talagang tulungan si Papa na makamove on sa nangyari at tanggalin ang tinik sa puso. Wala naman kasi syang kasalanan sa pagkamatay ni Mama dahil hindi naman sya ang pumatay dito.
I sighed. "Papa, Alam kong hindi magiging madali sa iyo itong gagawin mo pero ito na ang tamang oras na harapin mo si Mama at humingi ng tawad dito. I don't want you to Escape. it's time Papa. its time." ngumiti ako kay Papa pagkatapos.
"Y-Ysha..."
"wag kang mag-alala papa, everything will be fine. It will be Fine. trust me."
napabuntong hininga naman sya sa sinabi ko at napatango nalang ng may ngiti sa labi. "Yeah, you're right. matagal na panahon na ang lumipas kaya panahon na para harapin ko ang Mama mo. and everything will be fine. it will be fine."
napangiti ako ng malawak sa sinabi ni Papa ganun din sya sa akin.
"Sigurado po akong matutuwa si Mama kapag dinalaw na natin sya. siguro po matagal na nyang inaasam na makita tayo kaya puntahan na agad natin sya!"
"Can you come with me? Sasamahan mo ba ako sa puntod ng Mama mo?"
"Oo naman po! Sabay nating haharapin si Mama! Tamang-tama ito pa lang po ang unang pagkakataon na makaharap ko si Mama! excited na nga po ako eh!"
Tinaasan nya ako ng kilay, naninigurado.
"Promise? sasamahan mo ako ah? walang bawian."
natawa ako dun. parang tanga si Papa.
"Opo. Promise po Cross my heart!"
napangiti sya sa akin at ginulo ang buhok ko. "Thank you Anak."
"You're always welcome papa." at saka ko sya kinindatan.
kaso hindi namin nagawa ang pagdalaw sa puntod ni Mama dahil parating wala si Papa at may mahalaga daw ginagawa.
***
Dumating ang Araw ng Lunes. At ito na nga ang pinakainaasam-asam kong araw dahil balik Skwela na naman! Second Year na ako ngayon at konting tiis nalang gagraduate na ako!
nagmadali akong magbihis at inayos ang mga gamit kasama na ang bag saka patakbong bumaba ng hagdan at tinungo ang Dining Table kung saan naroroon na sila Mommy at Daddy habang masayang nagkukwentohan sa isa't isa.
at nung napansin nila ang presensya ko ay agad nila akong binati ng matamis na ngiti sa labi.
"Goodmorning dear." maligalig na bati ni Papa.
"Goodmorning Daddy!" then I kissed him in the Cheeks. Pumunta naman ako kay Mommy saka hinalikan din sya sa pisngi at binati. "goodmorning din po sayo aking pinakamagandang Ina." at umupo ako sa Usual spot pagkatapos.
"Goodmorning din sayo Dear." ngiti ni Mommy. "Ang saya mo ata ngayon ah?"
napangiti naman ako dun. "oh Well, First day of Class po kasi ngayon kaya excited po ako! hehe"
nagkatinginan naman silang dalawa ni Papa at sabay na natawa.
"ano namang meron sa first day of class nyo ngayon at ganyan ka kaexcited?" tanong pa ni Papa.
"Syempre po ang mga Kaschool mates ko! makikilala ko narin po ang mga bagong Classmates ko then new friends! ganun!"
tinaasan lang ako ni papa ng kilay. "Oh? friends lang ah? at lumayo ka sa mga lalaki baka mahalikan ka na naman sa labi at makakasapak na talaga ako ng mga pangit na nilalang sa mundong ito!"
nagkatinginan kami bigla ni Mommy sa biglang sinabi ni Daddy. like what the heck!? Bakit pinaalala na naman nya ang tungkol sa Kiss??? si papa talaga nagmomove on na nga ako kay Emman tapos pinaalala pa! hays.
"Ewan ko sayo Alturo! Mukha kang ewan dyan. manahimik ka nga! OA mo ah? as if namang mamamatay si Allesha kapag nahalikan? tadyakan kita dyan eh." sabay irap ni Mama kay Papa dahilan para ikangisi ko. Ha! hindi talaga ako nawawalan ng kakampi sa lahat ng bagay haha!
Bigla namang nagbago ang mood ni papa. natawa ako.
"Honey naman.... I'm just protecting our Daughter here."
"Alam ko pero Masyado ng exaggerated yang sinasabi mo. kung makapagsalita ka dyan parang di mo ako ninanakawan ng halik dati ah? panay chansing ka nga sakin eh!" pagmamataray pa ni Mommy.
nag enjoy tuloy akong panoorin sila.
"Aww wala namang ganyanan. iba naman kasi yung sa atin dati------"
"Wag ako Delasen. hindi mo ako madadala sa mga palusot mo. duh!"
tuluyang napasimangot si Daddy dahil dun. Hindi na sya makakapaglambing kay Mommy dahil Barado na sya. Hahaha.
tumingin sa akin si Mommy saka nginisihan ako. "Kaya ikaw Anak, kapag may humalik ulit sayo siguradohin mong gwapo ah? saka Hot?"
"NOO!!!"
Humagalpak kami ng tawa ni Mommy sa reaksyon ni Papa. Epic! HAHA!
***
nasa Classroom na ako nung makatanggap ako ng Text mula kay Jimnet na hindi daw sya makakapasok ngayon dahil masama ang pakiramdam nya.
nagtaka tuloy ako. Bakit naman masama ang pakiramdam nya? saka kahit masama ang pakiramdam nya pumapasok parin sya. this is very unusual of her. saka nakakalungkot lang din kasi wala naman na akong kasama ngayon dito eh karamihan sa mga kaklase ko ngayon ay mga bago ang mukha.
hays. di bale na, makikipagfriends muna ako dito saka mamaya ko nalang tatanungin si Jimnet kung anong nangyari sa kanya bukod sa masama ang pakiramdam nya syempre.
Nag-Start ang Klase. at dahil first day of Classes palang ngayon ay nagpapakilala muna ang lahat sa amin. Napangiti pa ako nung malamang kilala pala nila akong lahat except sa mga transferees. Sikat pala ako dito? ngayon ko lang alam yun ah. Huh! ang ganda ko talaga haha!
saktong kakabalik ko lang sa Upuan nung biglang bumukas ang pintuan at iniluwa dito ang hingal na hingal na si..... KESHA?!
napakurap ako ng maraming beses. Like omg! Its really Kesha! What is she doing here?! don't tell me....
"Sorry sir I'm Late."
Kaklase ko sya?!
OH MOTHER EARTH! SHE'S MY CLASSMATE!
"So Introduce yourself infront." sabi ng Prof. namin sa kanya at pumunta naman syang gitna.
Nilibot nya ang paningin sa buong klase at kagaya ko ay nagulat rin sya ng makita ako. Oh, Parehas pala kaming hindi alam na magkaklase? nice. very nice.
"H-Hi everyone! I'm Kesha Vellas. 18 years old and nice meeting you all."
nagbow sya pagkatapos at naglakad papunta sa direksyon ko. Agad kong nilibot ang paningin sa buong room at ganun na lamang ang panlulumo ko ng mapansing Wala ng bakanteng upuan maliban sa tabi ko. Ieeh!
Inilagay nya sa mesa ang bag at umupo sa katabing upuan ko saka ako nilingon at nginitian. napanguso ako. Sinadya ko ngang magprovide ng isa pang upuan eh para kay Jimnet if ever na pumasok sya tapos itong si Kesha lang naman pala ang uupo! nakakaloka... pero hays, hayaan na nga. kawawa naman si Kesha kung wala syang mauupuan. Di naman sya pwedeng umupo sa Sahig dahil nakakahiya yun. saka ang importante naman kilala namin ang isa't isa. hindi nga lang kami masyadong nag uusap.
"I never expected this." sabi nya sa akin. "You, being my Classmate for this year. well, We're in the same course kaya naman di na kataka-takang magiging Classmate kita."
at dahil wala naman akong sasabihin sa kanya ay tumango nalang ako sabay ngiti bilang pagsang-ayon.
patago ko ring kinuha ang Cellphone at agad na hinanap ang contact list ni Kel. wala lang, I just texted him about his Cousin being my Classmate slash temporary seatmate.
"So, How's my cousin so far?"
muli akong napalingon kay Kesha dahil dun. Ewan ko ba pero napakacivil lang namin mag-usap ngayon. saka medyo awkward na nakakailang?
"Umm, Ok lang?" alanganing sagot ko.
napatango naman sya sabay ngisi.
"Well, this past few days kasi lagi na syang stressed. and it is all because of your Bestfriend, Jimnet."
Napakunot ang noo ko sa sinabi nya.
"Why? what do you mean?"
bilang nagbeep ang cellphone ko then Kel Messages appear on it sayin,
'oh, thats goodnews. Anong ginagawa nya?'
"Hindi naman ata lingid sa kaalaman mo na lagi silang nagtatalo sa maliliit lang na bagay. " sambit pa ni Kesha.
well, I agree on her. madalas na ngang magtalo ang dalawa nitong nakaraang buwan. Hindi ko nga alam kung anong mga topak meron sila at laging nagtatalo. sarap pag-untogin.
napabuntong hininga nalang ako at nagreply kay Kel ng 'wala naman.'
"You know what, ayoko ko sa bestfriend mo. masyadong maingay at reklamador. lagi nyang pinapahirapan at inaaway ang pinsan ko. He Doesn't deserve someone like her."
napakainosente at pormal lang ng sinabi nya pero di ko mapigilang hindi mainis. Hellloooo???? Bestfriend ko ang sinisiraan at sinasabihan nya ng ganito no! Bestfriend ko!
pero wala akong lakas ng loob na sagutin sya ng kung ano lalo na't naisip kong may sense naman ang mga sinabi nya. si Jimnet ang madalas na nagsisimula ng away kaya lagi silang nagkakasagutan ni Kel. and its not healthy in their relationship. Akala ko ba mahal nila ang isa't isa? eh bakit lagi silang nag-aaway?
"Hays, mas gusto ko pang ikaw ang maging girlfriend ni Kel kesa kay Jimnet."
napakurap ako ng maraming beses dahil sa sinabi nya. "H-Ha?!"
Ngumiti lang sya sa akin sabay tingin sa harapan na para bang wala syang sinabi kani-kanila lang.
dinedma lang ako Aba! aba! aba!
Hays... Hindi ko rin mahulaan ang topak ng babaeng ito eh. ang gulo nya rin. sumakit tuloy ulo ko. haha.
***
Laylay ang balikat na naglakad ako sa Hallway. Uwian na namin at masasabi kong nakakapagod ang araw na to. sabi ko makikipagfriends ako sa iba kaso di ko naman aakalaing sosobra pala ang makikipagkaibigan sa akin. edi kaliwa-kanan ang kinakausap ko. hays, isama mo pa si Kesha na dikit ng dikit sakin.
Dumiretso ako sa Parking lot kaso bago pa ako makarating doon ay parang may napapansin akong kakaiba. its like, parang may nakatingin sakin na di ko maintindihan.
napatigil ako sa paglalakad at inilibot ang paningin sa paligid. pero wala naman akong napansin kakaiba. napailing nalang ako at muling nagpatuloy sa paglalakad. baka naman naghahalusinasyon lang ako or baka baka rin tapos na sa bakasyon yung tapong nagspy sakin at bumalik na sa Duty nyang sundan ako? Kinilabutan agad ako sa naisip. sana naman walang mangyaring masama sa akin.
"Ysha!"-
napahinto ako sa paglalakad at hinanap ang pinanggalingan ng boses.
At di naman ako nabigo dahil nakita ko agad si Kel na kumakaway habang papalapit sa akin.
napangiti ako bigla.
"Kel!"
huminto sya sa harap ko saka ngumiti pero nagtaka ako nung hindi ito umabot sa mata nya. its like something is off with him. Weird.
"Hey... Musta? uuwi ka na ba?" tanong pa nya.
nagtataka man ay tumango nalang ako.
"Ikaw? uuwi ka na rin ba?"
He sighed then smiled again. kaso ang babaw talaga ng ngiti nya. halatang pilit?
"Yeah. wala naman na akong pupuntahan eh. by the way, may sinabi ba sayo si Kesha?"
napakunot noo ko. "Kesha? umm, marami. bakit?"
"talaga? gaya ng ano?"
"How are you as my friend?"
umangat ang kilay nya. "Aside from that?"
"basta marami. ayoko na isa-isahin. saka bakit ba? may nangyari ba?"
napaiwas sya ng tingin sabay iling.
"W-wala naman. S-sige. una na ako ingat sa pag-uwi."
"Eh teka-------"
hindi ko na naituloy ang sinabi ko dahil umalis nalang sya bigla. napakunot ng todo ang noo ko habang nakangusong nakatingin sa papalayong si Kel.
weird nya ah? luh, anyare kaya dun?
saka bakit parang.... ang tamlay nya? at mukhang problemado? don't tell me nag-away na naman sila ni Jimnet? hays. sana naman magkaayos na sila.
nagkibit balikat nalang ako at dumiretso sa parking lot kaso akmang papasok na sana ako sa loob nung may biglang humawak sa braso ko.
sa sobrang gulat ko napasigaw nalang ako.
"AGHHH-----!"
"Shits! sorry!"
agad nyang binitawan ang kamay ko saka lumayo sakin. nilingon ko ang mukha nya pero ganun nalang ang gulat ko nung makitang si Kel na naman ito.
"K-Kel?"
napangiti naman sya ng tagilid sabay himas sa batok na para bang nahihiya sa nangyari.
"S-sorry. nagulat ba kita? di ko sinasadya."
napatitig ako sa kanya. Nagtataka na talaga ako promise. "B-bakit ka nandito? akala ko umalis ka na?"
napakagat naman sya ng labi. "Ah kasi... may gusto sana akong sabihin."
inayos ko muna ang mga gamit sa loob bago sya muling hinarap.
"oh? ano yun?"
"Umm.." napakamot sya sa ulo na para bang di alam ang gagawin.
"Kel, sabihin mo na. wag ka na mahiya sakin."
tumitig naman sya sa akin sabay hinga ng malalim. "right."
I crossed my arms. "so what is it?"
"C-can I ride with you?"
"Ah?" gulat na tanong ko pa.
He stared at me at dun ko nakumpirmang may problema nga sya. the way he looked at me. parang may mali sa kanya. ang mga mata nya, ang tamlay-tamlay at ang lalim nito na para bang hindi sya nakatulog ng ilang araw.
I sighed. mukhang kailangan nya ng kausap ngayon ah. at ako yung napili nya.
"Sige. tara na." pumasok ako sa driver seat at sya naman ay sa passenger seat.
buong byahe kaming tahimik, wala talagang naglakas loob na magsalita. tila may anghel kaming kasama dito kaya ang tahimik. miski mabibigat na buntong hininga nya naririnig ko na. Well, nagpapakiramdaman lang naman ata kami kung sino ang magbubukas ng topic.
I wonder, Ano kayang nangyari at ganito Ang mood nya??
saka wait..... San ko kaya sya ihahatid?? lintik wala akong idea san bahay nya.
Mukhang naramdaman ata ni Kel ang kilos ko kaya nagsalita sya.
"Samahan mo muna akong kumain ng Ice cream. "
kahit nagwiwirdohan ay sumang-ayon nalang ako. Dumiretso kami sa isang Ice cream parlor.
pagdating dun ay nagulat nalang ako nung umorder ng maraming chocolate ice cream si Kel. like, omg! 20 pcs of ice cream? seriously?!
"Kel, hindi naman siguro halatang gutom ka no?" puna ko pa habang tinititigan syang kumakain ng ice cream.
nag-angat naman sya ng tingin sakin saka natawa. okay..??
ibinaba nya ang kutsara at saka umayos ng upo.
"Alam mo Ysha, sabi nila kapag may problema ka or nalulungkot ka Ice cream lang ang katapat nyan at mawawala rin. so thats what i'm doing right now. baka sakaling mawala rin tong nararamdaman ko."
pinaningkitan ko sya ng mata saka nagcross arm.
"Mm, may problema ka nga. care to share it with me? you know, Maybe I can help. especially when it's all about Jimnet."
napakagat sya ng labi saka umiwas ng tingin. at dahil dun, mas naging klaro ang lungkot at sakit sa kanyang buong mukha, lalong-lalo na sa mata. hays, ano ba naman yan.
pinagsiklop nya ang dalawang kamay sa ibabaw ng Mesa sabay yuko at buntong hininga.
"We're over." pag aamin pa nya.
naikunot ko noo ko. "Over?"
nag-angat syang muli ng tingin sakin at halos kilabutan ako sa uri ng tingin nya. He's in pain! Pain!
"Si Jimnet. tapos na kami."
nanlaki ang mata ko. "ANO SABI MO?!"
He sighed. "break na kami. okay?"
napakurap ako sa gulat. "S-seryoso ka?!" Tumango lang sya. napasinghap ako. "I-Imposible! Imposible yang sinasabi mo! wag ka nga magbiro ng ganyan Kel. di bagay sayo."
He glared at me. "I'm serious Ysha! tapos na kami! isang linggo na."
napasandal ako sa upuan bigla.
Hindi ko alam ang sasabihin ko. I'm so shock! hindi ko inaakalang mangyayari ito sa kanilang dalawa.
"P-pero-----" napatampal ako ng noo. Jusko naman. parang noong nakaraang buwan okay pa sila. nasusulusyonan agad nila ang problema, mabilis rin silang magkabati kapag nagtatalo. pero ngayon... Sumuko na sila sa isa't isa. what the heck! kaya ba hindi pumasok si Jimnet kanina? dahil dito?.
Napalunok ako.
"s-sinong nakipagbreak sa inyo?"
" both. sya ang unang nakipagbreak sakin kaya sinang-ayunan ko agad."
"B-but.. why?"
Sumandal sya sa upuan at tumingin sa malayo. "its a long story Ysha. alam mo namang lagi kaming nagtatalo kahit sa maliliit lang na bagay diba? hindi na natatapos doon. nakakasawa naring makipag-argument at intindihin sya. ayoko ng ganung klase ng relasyon kaya naman kahit masakit ay kailangan ko na syang pakawalan."
natahimik ako sa sinabi nya at napatitig nalang sa malulungkot nyang mga mata.
"Kel..."
"Siguro, hindi lang kami ang para sa isa't isa. Maybe, pinagtagpo lang kami ng tadhana para may matutunan sa isa't isa. mahal ko sya Ysha. she is my first love, first girlfriend, and first heartbreak. damn. ang dami kong first sa kanya." natawa sya ng mapakla. pero yung mga mata nya nanunubig na. ako naman, nakikinig lang. "ganun pala no? kahit gaano nyo kamahal ang isa't isa ay kailangan nyo paring magparaya at maghiwalay para sa ikabubuti ng lahat. saksi ka dun, Ysha. Ikaw ang saksi kung paano kami nagkakilala, paano kami nagkagusto sa isa't isa at kung paano namin minahal ang isa't isa. ngayon naman, nasasaksihan mo na naman ang unang heartbreak namin sa isa't isa. nakakahiya man na sa iyo ko pa talaga to sinasabi pero kailangan eh. gusto kong ilabas tong nararamdaman ko para kahit papano makahinga naman ako ng maayos. nakakabakla man tignan pero wala na akong pakialam. nasasaktan ako eh. nagmahal lang din naman ako."
napakagat labi nalang ako sa sinabi nya. tama naman kasi sya. ako ang naging saksi sa pagmamahalan nila. at nakakalungkot lang na malaman na hindi pa nga umabot ng isang taon ang relasyon nila ay naghiwalay agad sila.
"its alright Kel.. nandito lang ako."
ngumiti ako sa kanya kaya naman napatitig sya sa akin.
tumulo ang isang luha sa kanyang kaliwang mata at agad nya naman itong pinunasan.
"thank you Ysha."
dahil sa nangyari sa kanila, may napagtanto ako.
maybe, They really love each other but they are not meant to be.
****
ginabi ako ng uwi dahil kay Kel. Ang dami nya kasing ikwenento sa akin tungkol sa kanila ni Jimnet. at heto naman ako, nakikinig lang at iniintindi ang sitwasyon nila. ang importante naman kasi dun ay ang presensya ko at tenga ko para makinig.
Inihatid ko rin muna si Kel sa waiting Shed dahil ayaw nyang magpahatid sa bahay nila, ang dahilan nya ay nakakahiya daw saka di daw magandang tignan na ihatid ng babae ang lalaki sa kanilang tahanan. what a gentleman.
pagkarating ko sa bahay, nadatnan ko agad sila Mommy at daddy na kumakain sa dining area.
"Goodevening Mom, Dad." I kissed them both in the cheeks.
"O anak, ginabi ka ata ng uwi?" puna pa ni Daddy.
umupo naman agad ako sa usual spot ko at saka nagsandok ng pagkain.
"may ginawa pa po kasi ako Daddy."
"So how's your first day?" ask mommy.
"Its good Mom. gaya nga po ng sinabi ko kanina marami po ulit akong nakilalang mga bagong Classmates."
napatango naman sya sa sagot ko. ako naman ay nagsimulang kumain kahit medyo busog pa ako dahil sa ice cream ni Kel kanina. ang dami kasing inorder hindi naman pala kaya ubusin kaya ako nalang ang umubos.
"So as I was saying, gustong mag-invest ng malaking pera ang mga Buenavera sa kompanya natin." pagpapatuloy ni Daddy sa pinag uusapan ni Mommy. ako naman, tahimik lang nakikinig dito.
"And?" mommy Arched her eyebrows.
"I declined."
"Huh? why?"
Uminom si Papa ng tubig bago muling nagpatuloy. "I don't know. iba ang pakiramdam ko sa kanya eh. parang may hindi tama sa pag-iinvest nya. kaya naman tinanggihan ko sya."
"pero sayang yun. malaking pera yun para sana makatulong sa pagpapatayo mo ng bagong branch sa America diba?"
"yeah I know. pero hindi naman tau mauubusan ng investor dahil lang dun. may sapat naman tayong pundo para dun. its ok."
"Well, thats your choice." sabi nalang ni Mommy at nagpatuloy sa pagkain. ako naman, nagkibit balikat nalang din.
***
pagkatapos kumain ay dumiretso na ako sa kwarto at nagbihis. at dahil wala pa naman akong gagawin at maaga pa naman ay napagpasyahan kong magbukas ng Facebook.
kaso mukhang wrong move ang ginawa ko dahil agad na tumambad sakin ang Mukha ni Emman loyd sa timeline ko.
my heart instantly beating faster.
ohmygosh! sabi ng ayoko na syang makita eh! kitang ayoko na makita ang kahit anumang larawan nya para makalimutan ko na sya kaso mukhang nananadya si Facebook dahil ito pa talaga ang unang pinatambad sa akin!
nakakaloka naman!
hindi ko tuloy mapigilang hindi mapatitig sa napakaamo nyang hitsura. hanggang dibdib lang ang kuha ng picture pero umabot agad ng 1k ang Likes and Shares 30 minutes palang ang lumipas.
hays, iba na talaga pag gwapo ka.
Kaso,
naman eh! dahil dito mapupuyat na naman ako!
hindi na naman ako patutulugin ng bwisit nyang mukha!
nakakainis.
napagpasyahan ko nalang na Maglog out kaso may nagpadala ng Friend request sa akin.
Ang pangalan nya ay 'Be ready'.
nagtaka ako. ang weird naman ng name na to.
Sa dami ng pangalang pwedeng gamitin, "BE READY" Talaga?!
seryoso to?
Inaccept ko nalang din. wala eh, kawawa naman. baka isa lang to sa mga transferees kanina na nanghingi ng fb account ko.
edi pagbigyan na natin.
**/*/*/*/**/*//*/*/*//****
unedited...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top