ghost 73
ghost 73:
hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ngayon, kailangan ko na bang matuwa dahil nahanap ko rin sya sa wakas ng walang kahirap-hirap? o malungkot dahil hindi man lang nya ako narecognized. aww.
here we are right now, staring at each other. yung mga mata nya ganun parin pero He just stared at me na para bang pilit nya akong inaalala kung saan kami nagkita. Basang-basa ko eh, dapat pala nag-Psychology nalang ako. Hays.
"Oy Loyd!" naputol lang ang titigan factor namin nung bigla syang tawagin ng kaibigan nya.
hindi ko masyadong narecognize ang mga mukha ng kaibigan nya pero tingin ko si Allen yung tumawag sa kanya base sa boses nito. kilala ko na boses ni Allen at Leo. kaya dun ko sila nakilala.
sinamaan sya ng tingin ni Emman. "Bakit ba!?"
"Ano bang problema mo? umagang-umaga badtrip ka na naman?!"
"pakialam mo!?" at muli na naman syang lumingon sa gawi ko kaya naman agad akong umiwas ng tingin kaso sakto namang tumambad kay Kel yun na nanunukso na ang tingin sakin.
tinaasan ko sya ng kilay.
"Oh bakit?!"
napangisi sya sa akin. "sabihin mo sakin, kilala mo ba ang lalaking yun?" itinuro nya ang gawi nila Emman.
namula ako bigla. shemas.
"H-Hindi.. b-bakit mo naman naitanong?"
lalong lumaki ang ngisi nya. "Talaga lang huh?"
pinandilatan ko sya ng mata.
"Shut up!"
tinawanan lang nya ako sabay iling.
"Ysha, halata ka masyado. Try mong sumali sa acting workshop baka umimprove ang acting skills mo!"
napasimangot ako. "Buset ka Kel."
mas lalo lang syang tumawa. I sighed. okay, I give up. "Fine! Kilala ko sya."
umangat ang kilay nya. "Mmm?"
muli kong nilingon ang table nila Emman saka bumaling kay Kel at lumapit konti para yumuko sa kanya.
"Sya yung lalaking hinahanap ko." bulong ko sa kanya.
agad nanlaki ang mata nya.
"Oh? seryoso?!"
tumango ako at bumalik sa pwesto.
"Ang kaso hindi nya ako namukhaan. Nakamaskara kasi ako nung magmeet kami eh."
"Aww. yun lang." sabi pa nya. then He crossed his Arms. "bakit di mo sya lapitan ngayon?"
"at ano namang sasabihin ko?"
"kung ano ang sadya mo."
"hindi ganun kadali yun Kel."
"pero kailangan mong gawin Ysha." tumayo sya at muling tumingin sakin. "sige na lapitan mo na. Aalis na ako, hahanapin ko pa ang girlfriend ko" then he tapped my shoulder. "kaya mo yan. ikaw pa, malakas loob mo eh. usap nalang ulit tayo next time. bye." kumindat muna sya sakin bago lumabas ng coffee shop.
napabuntong hininga ako at muling lumingon sa table nila Emman. pero ganun nalang ang panlulumo ko nung makitang tumayo sya at walang ano-ano'y lumabas ng coffee shop. lintik!
hindi pa nga ako nakakapagready para lapitan sya tapos bigla namang umalis! nakakainis! lalo akong napasimangot.
hindi ko sya kayang sundan ngayon dahil wala akong maisip na matinong dahilan na pwedeng sabihin sa kanya. I'm hopeless. napapikit nalang ako ng mariin at muling napalingon sa kabilang table. naiwan dito ang dalawa nyang kaibigan na si Allen at Leo.
bigla ay may pumasok na magandang Idea sa utak ko na syang ikinatuwa ko. Oh shems! kung di ko sya makausap ngayon, atleast kahit papano may sources ako! yes! I'm so brilliant talaga!
Dali-dali akong tumayo at lumapit sa kanila.
"Hi!" bati ko pa sa kanilang dalawa dahilan para maputol sila sa pag-uusap at agad na napatingin sa akin.
"Umm, may I join you guys?"
kunot-noo silang nagkatinginang dalawa bago muling bumaling sa akin. shemas! padalos-dalos ba ako?
"Ah, Sure no problem." si Leo ang sumagot sa akin kaya naman agad akong umupo sa upuang inupuan ni Emman kanina. Kinilig naman ako bigla dahil dun. yiee.
tinitigan ko silang dalawa.
"Hindi nyo ba ako maalala?"
"ha?" nagtatakang tinitigan nila ako. hays, di nga nila ako maalala.
"Ako si Ysha! yung babaeng kausap mo kagabi, Allen."
"Ano?!" kunot-noong tumitig si Allen sa akin na pinag-aralang mabuti ang mukha ko at pilit na inaalala. maya-maya pa ay nanlaki ang mga mata nila at agad na napangiti ng malaki.
"Oh! Ikaw si Ysha!" Allen Exclaimed happily.
napangisi ako sa sinabi nya.
"damn! hindi ko akalaing ganito ka pala kaganda kapag walang maskara!shit!"- dagdag naman ni Leo na halos matulala sa akin. natawa ako dun.
"uh, thank you?"
"Kumusta? grabe ang ganda mo nga talaga!" hindi makapaniwalang utas ni Allen.
I smiled. "I'm good"
"buti at naalala mo kami?" Ask leo.
"Oo naman! nakita ko kasing kasama nyo si Em--- Loyd kaya mabilis kong narecognized ang mga boses nyo."
namangha naman silang dalawa at sabay na napa'wow!'
"ang talas ng memorya mo ah? kami nga halos hindi ka na namin makilala kung di ka lang nagpakilala ngayon. Hahaha damn!" saad ni Leo.
napangiti nalang ako. at inihanda ang sarili sa balak ko ngayon. "Um, pwede ba akong magtanong?"
"sure! Ano yun?"
Inipit ko muna ang takas ng buhok sa likod ng tenga bago nagsalita.
"Um, bakit umalis agad si Emm-- I mean si Loyd?"
nagkatinginan sila agad ni Allen at sabay na tumawa ng malakas. napakunot tuloy ako ng noo. may nakakatawa ba sa tanong ko?
"Anong nakakatawa?" tanong ko pa.
napailing-iling si Allen. "Ikaw! Haha nakakatawa yung tanong mo!"
lalong kumunot ang noo ko. "Huh? bakit naman?"
"sa dami kasi ng pwedeng itanong mo, yung pag-alis pa talaga ni Loyd? haha akala ko naman kasi ano na."
napasimangot nalang ako sa kanilang dalawa. parang mga tanga. wala namang nakakatawa dun. adik talaga.
"so bakit nga sya umalis?"
tumigil na sila sa pagtawa at inayos ang damit bago muling bumaling sa akin. "may nangyari kasing hindi maganda sa kanya at dinagdagan pa namin ng pang-aasar kaya naman ayun napikon at iniwan kami."- paliwanag pa ni Leo.
kumunot ang noo ko.
"Eh?"
"Alam mo kasi Ysha, yung kaibigan naming yun ay patay na patay dun sa babaeng may mahal ng iba. at ngayon binasted sya nito kaya nabroken hearted at nabitter." paliwanag ni Allen dahilan para magulat ako.
ibig sabihin, may nagugustuhan na nga syang babae? nakaramdam agad ako ng di maipaliwanag na kirot sa puso ko dahil dun. pakiramdam ko nawalan tuloy ako ng gana ngayon. yung Almira ba ang tinutukoy nya?
mapakla akong tumawa.
"Si Almira ba?"
nagulat sila sa tanong ko. Malamang di nila inaasahan na makikilala ko yun.
"Pano mo nalaman?"hindi makapaniwalang tanong ni Leo.
"Sinabi nyo kagabi eh"
"Ahh.." napatango-tango sila at muling nagkatinginan sa isa't isa.
Allen sighed. "Well, tama ka. He's inlove with a girl who can't love him back. Mainitin kasi ang ulo eh. tapos bipolar. sinong babae ang magkakagusto sa ganung lalaki? napakamasungit." natawa sya after.
'Ako.. Ako ang babaeng magkakagusto sa kanya kahit pa abnormal man sya o ano.'
gusto ko sanang sabihin kay Allen yun kaso baka kung anong isipin nito at baka magulat rin.
"Ahh ganun ba." nasabi ko nalang.
"teka, bakit mo naman naitanong?" Then leo gave me a teasing smile.
I shrugged. pretending to be innocent.
"wala. curious lang. y-yung friend ko kasi k-kilala sya tapos crush na c-crush nya ito! p-pero hindi man lang sya nagkaroon ng chance na magpapicture dito kasi nga sabi nyo nga M-Masungit diba?"
Shemas ka Ysha! anong nasinghot mo gumawa ka na nang kwento?! gusto kong tuktokan ang sarili sa kalokohan.
"oh?" Allen arched his eyebrow. "well, di na talaga bago sa pandinig namin yun. Sa campus pa nga lang ang dami ng mga fans nun."
"ano ba pangalan ng friend mo at nang matulungan naming magpapicture kay Loyd?" dagdag ni Leo.
oh holy crap! anak ka ng malagkit! bakit kailangan pang itanong ang pangalan! lintik naman! huhu i'm doomed!
napalunok ako ng laway.
"A-Ah, A-ang pangalan nya ay....." pikit mata kong binigkas ang pangalan nya. "Ela. Oo si Ela! bestfriend ko yun! hehe"
huhu Ela patawarin mo ako pero I really need to do this!
"Mm.. Ela. Okay."- napatango-tango silang dalawa sa akin.
"Saan namin sya pwedeng makita?" tanong ni Allen.
nanlaki agad mata ko sa gulat. "Ha!? Ah di mo naman na sya kailangang kausapin hehe. phone number lang ni Emm----I mean Loyd ay okay na sa kanya hehe!"
Oh lord! patawarin mo po ako sa kasalanan ko. huhu this is the first time na gumamit ako ng ibang tao para magsinungaling. huhu! kailangan ko ng pumuntang simbahan mamaya!
they Eyed me suspiciously. "sigurado ka?"
agad naman akong tumango-tango at pinagdikit ng maigi ang kamay sa ilalim ng mesa na namamasa na sa kaba.
"But... Getting Loyd's phone number without his consent is invading his Privacy. we can't just give his Phone number Ysha." paliwanag pa ni Allen kaya naman nanlumo ako bigla.
oo nga naman. Bawal yun. masama yun. hays, i'm hopeless.
"Pero! We can give you his Facebook account and Email account." nagkaroon agad ako ng pag-asa sa sinabi ni Leo.
awtomatikong napangiti ako ng malawak.
"T-talaga?" My eyes shinning like a star. chars.
they nodded. "Yes. wait, isusulat ko lang." kumuha ng scratch paper at Ballpen si Leo at isinulat doon ang name account ni Emman. napangisi ako lalo.
"kung gusto ng kaibigan mo, may picture ako ni Loyd dito, you can give it to her." kinuha naman ni Allen ang isang litrato sa bag saka pinakita sa akin.
lalong nagningning sa tuwa ang mata ko. Yaiks!
"S-sure! thank you!" nanginginig na inabot ko iyon saka nangingiting tinitigan ang larawan. Oh my gosh!
ang gwapo ni Emman dito! para syang model dito na nakaupo sa isang bench at fierce na nakatingin sa camera. He's just wearing a plain shirt pero ang hot nyang tignan! nakakainlove yaiks!
itatago ko ito! hinding-hindi ko ito iwawala. hehe. ilalagay ko to sa wallet ko para makita ko araw-araw. Bwahahaha!
"oh ayan, pakisabi nalang din sa friend mo na goodluck sa kanya kung sakaling iaaccept sya ni Loyd. Haha!" binigay sakin ni Leo ang papel kaya lalo akong nagdiwang sa tuwa sa kaloob-looban ko.
"Hehe oo naman! thank you sa inyong dalawa!"
"you're welcome!" then they all smiled at me.
oh Allen And Leo, hulog kayo ng langit! haha. di bale ng di ko maipakilala si Emman mamaya kay daddy, ang importante may Picture at Sources naman na ako sa kanya haha! pwede ko na syang i-stalk! yes!
ang bait niyo Allen and Leo! mahal ko na kayong dalawa! next time pag nagkita ulit tayo Lilibre ko na kayo! ganun ko na kayo kamahal. Hehe.
***
Emman loyd Fuerva.
so, this is the name huh? cool. ang gwapo ng pangalan nya. makalaglag panga. juskoo! kyaaa! hihi
para akong tanga ngayon dito na kinikilig habang pinagmamasdan ang pangalan nya sa papel na bigay ni Leo. At dahil sobrang excited na ako ay agad kong tinype ang pangalan nya sa Facebook. at mas lalo akong kinilig lalo na nung tumambad sakin ang timeline profile nya. and shem! Ang gwapo nya sa profile nya yaiks!
Pero nanlumo ako nung makitang nakaprivate sya. pero dahil pwede naman syang ifollow ay yun nalang ang ginawa ko at inistalk ang mga Post nya. Hehe.
May isang Post sya dito kung saan stolen shot na para bang may tinitignan sya out of nowhere. may caption pa na,
'makita ka lang, sapat na.'
tinignan ko agad ang mga comments ang like. jusmiyo! halos malula ako sa dami ng comments at like. 10k likes, 11.4k comments at 8.4k Shares.
jusko, dinaig pa ang artista sa dami ng fans!
binasa ko ang mga comments sa kanya. karamihan dito puro positive comments like ang gwapo nya kemerut. meron din dito na mga fans nya ata na ginawa ng convo ang comment section. may nabasa rin ako galing sa mga relatives and friends nya, like inaasar sya kung sino ang tinutukoy sa picture. hinanap ko kung may nagcomment ba tungkol kay Almira pero wala akong makita miski isa. Mm.. bakit kaya?
"Ysha?" agad kong sinirado ang laptop ng marinig ang katok ni Mommy sa pinto.
itinago ko rin agad sa ilalim ng kumot ang mga gamit na may kinalaman kay Emman saka lumapit sa pinto at binuksan ito. tumambad sakin ang nakangiting mukha ni Mommy.
"Mommy, bakit po?"
"Are you ready?"
naikunot ko ang noo ko. "Ready? saan?"
iniangat nya kilay nya. "Nakalimutan mo?"
"Ang alin po?"
pinandilatan nya ako ng mata. "Ysha, Hindi mo ba naalala kung ano ang pinagawa sayo ng Daddy mo kagabi? He wanted to meet the guy who kissed you!" Agad nya akong hinawakan sa balikat at itinulak sa loob ng kwarto. Hays, alam ko namang may usapan kami ni Daddy at hindi ko nakakalimutan yun kaso wala na akong balak dalhin sya dito. larawan lang at Fb Account nya solve na ako hihi!
Umupo si Mommy sa kama at nakacross arm na pinanliitan ako ng mata. Ako naman, nakatayo lang sa harapan nya. Feeling calm.
"Anak, don't tell me hindi sya makakapunta ngayon?"
Agad naman akong napanguso sabay tango. Dahil dun ay napasinghap sa gulat si Mommy. "He can't go here Mom."
napakunot ang noo nya. "but why?! alam mo bang magagalit ang daddy mo kapag------"
"Alam ko po yun Mom kaso wala naman po akong karapatang pilitin si Emman kung ayaw nya pumunta. Besides, nagsinungaling po ako sa inyo."
Nagtatakang tingin ang ibinigay nya sakin. "what do you mean?"
I sighed. ayoko nang madagdagan ang kasalanan ko kaya kailangan ko nang umamin. "Emman is not really my friend. ang totoo po nyan, Hindi naman talaga namin kilala ang isa't isa. nagkataon lang po talaga na isinayaw nya ako and boom! He kissed me."
"What!?" napasinghap sya sa sinabi ko. nagpeace sign naman ako saka hilaw na ngumiti.
"Oh my gosh Allesha! what have you done!" napahawak sya ng sintido.
napakagat ako ng labi. "I'm sorry Mom. Please help me to convince Dad to stop this!"
"how can I help you kung nagsinungaling ka samin ng Dad mo?" sinamaan nya ako ng tingin.
I just pouted. "sorry po talaga Mommy. pero please!please please please???" nagpuppy eyes ako sa kanya na alam kong tumalab naman dahil ayun ang kahinaan nya sa akin.
ilang segundo kaming nagtitigan ni Mommy bago sya sumuko. "Hays, Fine! Just don't do this again next time alright?"
napangiti ako ng malawak at agad syang dinambahan ng yakap. "Thanks mommy! I love you!"
"I love you too dear." at hinaplos naman nya ang buhok ko.
***
Kinagabihan ay sabay naming hinarap ni Mommy si Daddy sa Dining table. Inamin ko sa kanya ang totoo and as usual, sinermonan naman nya ako pero nagkabati rin kami agad. Kilala ko si Daddy, Magagalit sya sakin pero mabilis lang rin yun mawawala dahil hindi rin naman nya ako matitiis.
kaya okay na ulit kami. pinagsabihan nya nalang din ako na wag ng uulitin yun dahil mali. Hays, dadaan ako sa simbahan bukas para mangumpisal.
buti nalang talaga at madali lang makaintindi sakin si Daddy kaya di na nya ako kinulit tungkol sa Emman.
and speaking of, nasa kalahati na ng mga post nya ang naistalk ko. kahit puro mga luma wala akong pinalagpas. Hays, ganito ba talaga pag nagkacrush ka sa isang tao? magiging interesado ka sa buhay nito. pero bakit si Kel? naging crush ko rin naman sya pero hindi naman ako ganito sa kanya?
is it because na hindi lang crush ang nararamdaman ko kay Emman? Oh crap! I'm dead na!
kinaumagahan, umalis ng bansa sila Mommy at Daddy at bukas pa ang uwi kaya naman napag-isipan kong dumalaw sa bahay nila Papa para narin makabonding ko ang dalawang kapatid ko. pero dahil may pasok ako ay mamayang hapon nalang ako pupunta. alas dos naman ang out ko ngayon eh kaya ayos lang.
pagdating ko sa room ay nadatnan ko agad si Jimnet na nagbabasa ng libro. umupo agad ako sa tabi nya at agad naman syang nag-angat ng tingin sakin. "Goodmorning!" bati ko pa sabay ngiti.
ngumiti rin sya. "Goodmorning."
"so, kumusta naman?"
naikunot nya noo nya. "Huh?"
I playfully rolled my eyes. "Nagkabati na ba kayo ng jowa mo? nagpapansinan na ba kayo?"
agad naman nanlaki ang mga mata nya sa sinabi ko. "P-pano mo nalaman...?"
"duh! hindi mo parin ba alam? sakin kayo lagi lumalapit pag nagkaka-LQ?"
napanguso naman sya saka inirapan ako. "Okay whatever."
I smirk. "so ano nga? okay na kayo?"
umiwas sya ng tingin. "Yeah."
"good."
"ikaw ang nagsabi sa kanya kung nasan ako no?"pinaningkitan nya ako ng mata.
ngumisi lang ako. "what do you think?"
napailing nalang sya. "hay naku Allesha nakakainis ka minsan! hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiinis na alam mo ang bahay ng lola ko!"
"bakit naman?"
"ang bilis nyo kasi akong mahanap! hays."
natawa ako sa kanya. "Adik ka rin eh. ayaw mo palang magpahanap tapos dun ka pupunta sa bahay ng lola mo? baliw ka ba? sinong tangang nagtatago sa bahay lang ng Lola aber?"
sinamaan nya ako ng tingin sabay nguso. "you're so bad. bakit ba ikaw ang naging kaibigan ko?"
"dahil maganda at matalino ako. Hehe!"
naubo naman sya kunyari at umakto pang nasusuka. "iew! mandiri ka nga sa sinasabi mo Ysha!"
"I'm just stating the fact, Bestfriend Haha"
"Whatever!"
***
Oras ng Uwian. the usual kasama ko na naman ang dalawang magjowa ngayon palabas ng campus. ang sweet-sweet sa harapan ko. Hays, sana nandito rin SYA para hindi na ako magmukhang chaperon dito hihi.
"Ah Jim, Kel, una na ako ah?"
agad naman silang nagsitanguan sakin. "Ingat!"
bineso ko si Jimnet at Kel. naghandwave rin kami sa isa't isa bago ako lumihis ng daan.
dumiretso akong parking lot saka Pumasok sa kotse. pinaandar ko ito pagkatapos ay lumabas ng campus.
kaso saktong paglabas ko ay may namataan akong isang lalaking nakasuot ng Sumbrerong itim habang nakasandal sa kanyang motor at puro black ang suot nyang damit at nakatitig sa akin. sa akin Mismo! ni hindi nga sya kumurap nung mahuli ko ang kanyang tingin eh saka ang nakakapagtaka, nakikita nya ako? eh tinted tong kotse ko. Weird. baka naman assuming lang ako at sa ibang tao talaga sya nakatingin?
hays di bale na nga.
nagpatuloy nalang ako sa pagmamaneho. sinilip ko rin yung Side view mirror para tingnan kung nandun pa ba sya kaso wala na ito sa kinatatayuan kanina. grabe, ang bilis naman mawala nun.
"Hello people!!!!" maligalig na sigaw ko pagkarating ko sa mansyon ni Papa.
"ate Ysha!" agad akong sinalubong ng mahigpit na yakap ni Maria dala ang isang matamis na ngiti. "Kumusta ate? Dito ka ba ulit matutulog?"
"Yep yep! Haha."
nanlaki mata nya sa tuwa. "talaga?! yes!" nagtatalon sya sa tuwa. natawa nalang ako, parang tanga lang. sabik na sabik?
"By the way, Nasan si Ela?" tanong ko pa sa kanya.
"I'm here!"
napalingon kaming dalawa kay Ela na kalalabas lang galing Kusina. May suot pa itong apron na marahil ay kagagaling lang sa pagluluto.
napangiti kami sa isa't isa.
"Ela!"
"Ysha!"
sinalubong namin ng yakap ang isa't isa. "God I miss you twin!" sabi ko pa.
"I miss you too twin haha!"
"thats enough Sisters! I'm already hungry and we're going to eat na. c'mon tikman na natin luto ni ate Ela. Hehe"
at wala na kaming magawa nung hilain na kami pareho ni Maria sa Kamay papuntang dining table.
pagkarating namin dun, agad na nagsiupuan ang dalawa at tumabi naman ako kay Maria. si Ela naman ang kaharap namin. Napatingin ako sa mga pagkaing nasa harap namin.
May menudo, Kaldereta, at ginisang sitaw. natakam naman ako bigla.
"Wow Ela, you cooked all of this?" namamanghang tanong ko pa.
Tumango naman sya sabay ngiti.
"yan ang paboritong lutuin ni Nanay Jenefer na namana ko kaya sana magustuhan nyo."
Yiee! hindi na nga ako nagpatumpik-tumpik pa. I lead the prayer at pagkatapos ay kanya-kanya na kaming kuha ng ulam. Una kong tinikman ang ginisang sitaw. At napapikit ako sa sobrang sarap ng pagkakaluto ni Ela dito. "Mm, ang sharap! isang thumbs up para kay Ela! hihi"
"Agree! mas lalo tuloy akong nagutom haha!"- dagdag naman ni Maria na hindi na magkandaugaga sa paglamon. punong-puno ang bibig nya. natawa ako.
"salamat naman at nagustuhan nyo hehe!"
"Alam mo Ela, bakit ayaw mong Chef?" suggestion ko pa na sinang-ayunan agad ni Maria.
"Pwede naman kaso kailangan ko pang magpatayo ng Restaurant kung ganun. magastos yun at isa pa wala akong pera. kailangan ko pang magtrabaho para magkapera." paliwanag pa nya.
"ano ka ba ate Ela! maraming pera si Daddy! kaya ka nyang patayuan ng Restaurant no!" Wika ni Maria.
"Maria, ayokong dumepende kay Papa. Gusto kong paghirapan yung perang gagamitin ko."
"hay naku Ela, tama si Maria." sabat ko pa. "kung ayaw mong dumepende kay Papa edi bayaran mo sya ng paunti-onti kapag kumikita ka na. Easy lang yan."
"true!" dagdag ni Maria. "ganyan din ginawa mo sa flower shop diba ate Ysha?"
"yup." I answered.
"See? ano Ate Ela?"
wala nang nagawa si Ela kundi ang bumuntong hininga at sumang-ayon sa sinabi namin. well, para sa future rin naman nya ito kaya might as well grab it!
after naming kumain, tumambay muna kami sa Living area. nanunuod ako ng tv samantalang naglalaro naman ang dalawang kasama ko ng truth or dare malapit sakin.
and as usual, marami parin ang mga guard ni Papa sa loob at labas ng Mansyon. buti nalang din at nasanay na ako kaya hindi na ako naiilang.
Habang tutok sa tv ang mata ko ay parang may nararamdaman akong something sa paligid. napapansin ko rin mula sa peripheral view ko ang parang ninja moves ni Maria sa tabi ko. kaya naman humarap ako sa kanila at ganun na lamang ang gulat na namutawi sa mukha ko ng makitang hawak na nya ang picture ni Emman na nasa Wallet ko.
kinabahan ako bigla. "Hoy! Ano yan!"
Biglang nataranta si Maria kaya naman agad nyang ibinalik sa wallet ang picture. ako naman dali-daling tumayo at hinablot sa kanya ang wallet ko.
"Ate Ysha sorry! Di ko sinasadyang makita yung gwapong mukha ng lalaki!" Paumanhin bigla ni Maria. nakayuko pa sya at napapikit ng mariin na para bang guilty.
"Paano nyo Nakuha tong wallet ko ha?"paninermon ko pa.
agad nya namang itinuro si Ela na nasa tabi nito. "yun kasi ang pina-dare sakin ni Ate Ela eh!"
taas-kilay na binalingan ko si Ela. "talagang wallet ko pa huh?"
ngumisi lang ito sakin na parang walang pakialam. "Curious kasi ako sa Wallet mo. Haha!"
pinamaywangan ko sya. "at bakit naman?"
"Sabihin mo nga Ysha, sino yung gwapong lalaking nasa wallet mo?" Lintik na malagkit! nakangisi na ng mapanukso ngayon si Ela kaya naman Napaiwas ako ng tingin at pilit na tinatago ang kaba saking dibdib.
"H-He's nothing!" shemas! hindi ko pwedeng sabihing crush ko yun dahil paniguradong aasarin ako ng mga ito.
She crossed her arms. "Oh? talaga ba?"
napalunok ako. "O-oo nga!"
"bakit parang defensive ang tono mo ate?" walang hiya ka Maria! sinabi mo pa talaga!
"Hindi kaya crush mo yan Ysha?"dagdag naman ni Ela na ngayon ay nanunukso na.
gosh! lagot! pano to?! pano ko to gagawan ng palusot?! shemas! may kasalanan pa pala ako sa kanya. Sya ang ginawa kong palusot makuha lang tong picture na to lintik!
napakagat ako ng labi. "H-Hindi ko crush to!"
"ows? maniwala?"
"Oo nga!"
"Eh sino ba yang lalaki na yan Ate?" tanong pa ni Maria.
"oo nga Ysha? sino ba sya sa buhay mo?" parang gusto kong ipitin ng stapler ang bibig ni Ela para mawala na ang ngisi sa mukha nya.
Namula bigla ang pisngi ko. "w-wala no! n-napulot ko lang ito sa K-Kalsada!"
"Sus! anong napulot ka dyan? Maniwala.!"
"Oo nga! bahala kayo kung ayaw nyo maniwala!"
tinalikuran ko sila agad para itago ang pagkakapula ng aking mukha kaso nagulat nalang ako nung biglang hablutin ni Ela ang wallet na hawak ko saka kinuha dito ang Picture at tumakbo palayo. oh gosh!
"Ela! Akin na yannn!!!"
Hinabol ko agad sya. lintik na malagkit talaga! pasaway tong kakambal ko puteekk!!
Tumakbo sya palabas ng bahay kaya naman hinabol ko sya.
"hoy Ela Ibalik mo sakin Yann!!!"
tinawanan nya lang ako. "Ayoko nga bleh! aminin mo muna kasi!" at tumakbo na naman ang walanghiya.
binilisan ko ang pagtakbo ko para mahabol sya.
"Hoy akin na yan! wala akong Aaminin sayo!"
"edi hindi ko rin ito ibabalik! Haha"
"Ano!" what the mother crap! shemas!!
tumakbo sya paliko sa may Garden ng mansyon kaya naman nahirapan akong habulin sya dahil pazigzag-zigzag ang daan.
"Hoy Elaa!"
takte!
parang walang narinig ang kambal ko.
"Ela! Ela sandali!"
agad kong nakita si Maria sa kabila na hinahabol na rin pala kami ni Ela kaya naman agad ko itong tinawag.
"Maria! habulin mo dali!" hinihingal na utos ko dito. Ngumisi naman sya sakin bago hinabol si Ela na nag-ienjoy sa ginagawa..
"Ela! teka laannggg!!"
"Hindi nyo ako mahahabol! haha!" pang-aasar pa nito sa akin na may kasamang ngising nakakainis.
"Hoy ang daya mo ah!"
patuloy lang sya sa kakatakbo at ako naman hingal na hingal na. Lintik talaga!
"Hoy ibigay mo sakin yan! Hahambalusin talaga kita pag di mo binalik sakin yan!"-
iritadong singhal ko pa. putek para kaming mga bata ngayon dito na naghahabulan sa garden. napapatingin narin samin ang mga tauhan ni Papa jusko!!
Pasaway talaga itong si Ela eh! agaw pansin tuloy kami walangjo!
"Ate Ito na! nakuha ko na! Haha!"-
hinihingal na huminto ako sa pagtakbo at agad na nagthumbs up sa nagtatatalon na sa saya na si Maria habang winawagayway ang picture sa akin.
napangiti ako bigla sa kanya.
"goodjob Maria!"- at humagalpak ako ng tawa pagkatapos. inabot ko na rin ang larawan ni Emman.
"Andaya! Dalawa kayo samantalang ako, mag-isa lang!"- nakangusong sambit pa ni Ela. nakabusangot na mukha nito ngayon.
tinawanan lang namin sya ni Maria.
"hina mo tumakbo eh. haha!"- sagot naman ni Maria na tila nang aasar.
"Ikaw Allesha, Sabihin mo na kasi sakin kung sino yang guy na yan! para tumigil na ako!"- nakangusong saad ni Ela.
napabuntong hininga nalang ako sa kanya at Napaface palm. okay I give up! ang kulit nitong kapatid ko eh! ayaw akong tantanan.
"hay naku, Ela! O sige na nga! sasabihin ko na."- sagot ko at agad naman syang lumapit sakin na may malaking ngiti sa labi na tila nagtagumpay.
"talaga? sino?sino?"- tila excited na tanong nito.
I sighed at muling tinitigan ang mukha ni Emman.
"Sya Ang crush ko. matagal na."- anong matagal pinagsasabi mo Ysha? ni wala pa ngang Isang linggo mo yang nakilala eh? adik ba you?! another kasinungalingan na naman huhu!
Sabay-sabay na nagsinghapan ang dalawa sa sinabi ko. bilog na bilog ang mata at bibig nila sa gulat.
napanguso nalang ako saka kumunot ang noo.
"OMG! talaga?! ayieee! dalaga na talaga sya! haha infearness ang gwapo ah!"-
mas lalo akong napanguso sa sinabi ni Ela.
"shut up Ela! di naman ako gusto nyan. nakakainis, may iba syang gusto!"-
tinawanan lang ako ng dalawa. Aba!
kawawa na talaga ako.
"Sus, nagdrama pa! eh kung gumawa ka kaya ng paraan para mapansin ka nya diba?"- sabat naman ni Maria na nakangisi sa akin.
namula ang pisngi ko bigla sa idea nya. "Eh pano naman?! ni Hindi nga ako pinapansin nyan! kainis."-
"edi gumawa ka ng paraan para mapansin ka nya! dali lang nun!"- sagot naman ni Ela.
"don't worry Ate, tutulungan ka namin!"- dagdag ni Maria.
tila nagliwanag ang mukha ko sa sinabi nila.
"talaga?"-
"oo naman! kami pa? we're sisters so we must Help each others hand right?"-
"Right!"-
at sabay kaming nagtawanan tatlo.
putek, parang kanina lang nahihiya pa akong umamin at humantong pa talaga sa habulan para lang mapaamin ako tapos ngayon, dinadamayan at sinusuportahan na ako ng dalawang kapatid ko? Nice!
di ko inaasahan ito! haha.
***
Ilang linggo na naman ang lumipas at thanks god dahil Bakasyon na namin! nakasurvive ako ng isang taon sa College na buhay pa naman.
Its april 1 kaya fools day na naman ngayon. pero may isang pangyayari na hindi ko masasabing pangfools day.
ito ay ang pakiramdam na parang may laging sumusunod sa akin. nung una, akala ko assuming lang ako or namamalik mata or halusinasyon lang pero habang tumatagal lalo kong napapansin na hindi na normal yung pakiramdam ko kung halos araw-araw may sumusunod sakin kahit san ako magpunta.
pakiramdam ko tuloy nanganganib ang buhay ko.
jusmiyo! may nakaaway ba ako or something? sa pagkakaalam ko wala naman akong binabanggang tao.
nakakabahala. Hindi ko pa ito sinasabi sa kahit na sino. miski mga pamilya ko walang alam tungkol dito.
Nagtext sakin si Mr. Agilar na magkita daw kami ngayon kaya naman nagmadali akong nagbihis. Nagsuot rin ako ng sumbrero at sunglasses pan-disguise para hindi ako sundan nung taong sumusunod sakin. Nakakatakot kasi.
paglabas ko ng Bahay sumilip muna ako kung may motor ba sa paligid. lagi kasing nakamotor yung taong sumusunod sakin. Buti naman at wala akong nakitang Motor dito ngayon. himala, nagday off ba yun? di ko kasi sya nakikita sa usual spot nya kapag sinusundan ako.
Sumakay ako ng taxi at pumunta sa address na binigay sakin ni Mr. Agilar. ewan ko kung anong trip nya sakin at talagang sa Bahay pa nya ako pinadiretso.
pagkarating ko dun, luminga-linga muna ako sa paligid at agad na nagdoorbell. Ilang minuto lang ay nagbukas ito at tumambad naman agad sakin si Mr. Agilar na nakapangbahay lang.
Pinapasok nya kaagad ako at umupo sa sofa nila.
umupo rin sya sa harapan ko kaya naman Pinag-ekis ko ang mga braso at paa ko.
"So, anong trip mo ngayon at kailangan dito tayo sa bahay nyo mag-uusap, Mr. Agilar?" taas-kilay na tanong ko pa.
tinignan nya lang ako ng seryoso.
"Ms. Delasen, Kaya kita pinapunta dito sa bahay ko ay dahil alam kong unti-onting nalalagay sa panganib ang buhay nyo."
napakunot ang noo ko sa sinabi nya.
napaupo ako ng matuwid at naging attentive sa kanya.
"Anong ibig mong sabihin?"
He sighed. "Nakakuha na ako ng complete details tungkol sa trabaho ng Ama mo sa Underground society."
nagsimula akong makaramdam ng kakaibang kaba sa aking dibdib
"A-anong nalaman mo?"
"Si Mr. Cantilian ay isang Mafia Boss. Marami syang organization na Hawak pero hindi katulad ng ibang mafia, Iba ang patakaran ng Ama mo. They only killed those who commit crime. ang Papa mo ang isa sa pinakamaimpluwensyang Mafia boss at nangunguna sa lahat. walang gustong bumangga sa kanya dahil alam nilang hindi sila mananalo laban sa kanya."
lalo akong naguluhan sa sinabi nya.
"H-hindi ko gets."
tinitigan nya akong mabuti saka bumuntong hininga. "Allesha, maraming kalaban ang Ama mo pero wala ni isa ang nagbalak na banggain sya. pero ngayon, Umalis na sa pagiging Mafia ang Ama mo kaya sigurado akong marami ang gustong pumatay sa kanya. at dahil kayo ang Anak nya, ay madadamay kayo."
napasinghap agad ako sa sinabi nya. ang lakas ng tibok ng puso ko at pakiramdam ko pinagpapawisan ako ng malamig.
"H-Hindi..."
"Alam mo ba kung bakit umalis ang Ama mo sa pagiging Mafia Boss?" umiling ako. "It's because of his childrens. kayo ang dahilan. may hinala ako na kaya sya umalis ay para magkaroon kayo ng simpleng buhay. ayaw nya kayong isama at idamay sa mga ginagawa nila."
"p-pero bakit?"
"Ito lang ang maipapayo ko sa inyo magkakapatid Ysha, Maging alerto kayo. may kutob ako na marami na ang naghihintay ng timing ngayon para umatake sa inyo."
Biglang pumasok sa isipan ko yung lalaking sumusunod sa akin kahit saan ako magpunta. Ohmygosh! hindi kaya Isa yung kalaban na gusto ring mapatumba si Papa?! mas lalo akong kinabahan dahil dun.
agad akong tumingin kay Mr. Agilar.
"M-May laging sumusunod sakin nitong nakaraang buwan."
kumunot ang noo nya. "Sigurado ka?"
tumango lang ako. "H-Hindi kaya, isa yung espiya?"
biglang naningkit ang mga mata nya.
"hindi ka ba tinangkang kidnappin?"
"h-hindi naman "
napatayo sya sa kinauupuan at kunot noong nag-iisip. ang mga kamay nya ay nasa kanyang baba at nasa malayo ang tingin.
nabother tuloy ako sa inaakto nya.
"M-May problema ba?"
Nilingon nya naman agad ako saka napailing-iling na para bang hindi makapaniwala sa naiisip. "tingin ko may nakakaalam na tungkol sa inyo bilang anak nya."
nanlaki mata ko. "h-ha? eh diba k-kami lang naman nakakaalam nito? i-imposible!"
"posible, Allesha. May nang-iespiya sa inyo. kaya mag-iingat kayo lagi. wag kang aalis ng mag-isa lang. kapag may nangyaring masama sa iyo tawagan mo agad ako. Maliwanag ba? kung may kahina-hinala kang napapansin ipaalam mo agad sa akin."
hindi agad ako nakasagot. Naisip ko palang yung sinabi nyang mangyayaring masama ay kinikilabutan na ako. Huhu! sana walang mangyaring masama sa amin!
kinakabahan na ako ngayon palang.
I gulped.
"Mr. Agilar, M-Masamang tao ba ang Ama ko, tingin mo?"
"tingin ko Oo, pero parang hindi."
naikunot ko noo ko. "Eh?"
He sighed and then seated back. "Your father can be both Criminal or not. it depends upon the situation."
"P-pero hindi naman sya nagbebenta ng mga illegal drugs diba? h-hindi rin naman sya basta-basta pumapatay ng mga tao diba?"
Umiling sya. nakahinga ako ng maluwag doon. "He is just a Mafia Boss. but He did not sell anything Illegal drugs."
"I-Ibig sabihin, legal ang mga binebenta nya? I mean, dumadaan sa proseso ang mga binebenta nya? like Guns? wait, nagbebenta ba ng mga baril ang Papa ko?"
oh shemas! ano bang pinag iisip mo Ysha! nababaliw ka na ba? mukha kang praning na ewan!
"Ms. Delasen, gaya ng sinabi ko hindi nagbebenta ng mga illegal na produkto ang Ama mo."
napatango nalang ako. pero hindi parin naaalis sa isipan ko ang mga bagay na maaaring mangyari samin magkakapatid.
"Mr Agilar, inamin na sa amin ng Papa ko ang totoong nangyari sa kanila ni Mama. Can you tell me the true story?" tanong ko pa. Alam kong may kulang sa mga ikwenento ni Papa kaya gusto kong malaman ang totoo. Its for the best para naman kahit paano ay Aware ako sa mga nangyari.
"Oh, About that." Napacross leg si Mr. Agilar at pinagsiklop ang dalawang kamay. "they fell inlove with each other. pero may isang tao ang lumapit kay Lizana at pinagtangkaan papatayin si Cantilian kung hindi nito susundin ang mga ipinag-uutos nya."
kumunot ang noo ko. Oo alam kong ganun nga ang nangyari pero Hindi ko pa nalalaman kung sino ang taong yun.
"A-anong pangalan nung taong yun?" tanong ko pa.
"Ang pangalan nya ay Denim Florel. isa sa mga matagal ng gustong maangkin ang kompanya ng Ama mo. Sya rin ang isa mga nakikipagkompetensya sa mga business ng Ama mo na kahit kailan ay hindi nya nalalamangan. Gusto nya ring mawala na sa landas ang iyong Ama kaya nagbabalak syang patayin ito pero gaya nga ng sinabi ko, Walang nagtangka dahil hindi madaling mapabagsak ang inyong Ama. Kaya naman nung malaman nyang nainlove si Cantilian kay Lizana, kinuha nya ang pagkakataong iyon upang mapabagsak si Cantilian at makuha ang kompanya nito. At dahil walang alam si Lizana sa totoong pagkatao ng dalawa, at sa takot na pag-aakalang totohanin ni Florel ang banta ay ginawa nya ang gusto nito. ngunit nalaman ito agad ni Cantilian kaya naman pinalayas sya nito sa pag-aakalang pinagtaksilan sya ng dalawang tao."
naikunot ko lalo ang noo ko. "teka, paano mo naman nasabing pinagtaksilan si Papa?"
"Gumawa ng pekeng video si Florel at ibinigay ito kay Cantilian. hindi lang yun, nalaman din nitong si Lizana ang nagnanakaw ng mga pera nya kaya naman pinalayas nya ito sa sobrang galit. Akala ng Papa mo ay pineperahan lang sya ni Lizana kaya ganun na lamang ang galit nito sa kanya lalo na sa pag-aakalang may relasyon din si Florel at Mama mo. inaakala rin ni Cantilian na si Florel ang Ama ng dinadala ni Lizana. ang hindi nya alam ay ginagawa lang yun ni Lizana upang protektahan sya."
"then?"
"huli na nang malaman ni Cantilian ang totoo. At masyado na ring huli para malaman ni Lizana ang totoo na si Cantilian ay isang Mafia boss. nagkaroon ng gulo sa pagitan ng dalawa. Inakala ni Cantilian na totoong pinatay ni Florel ang mag-ina nito kaya naman sa sobrang galit nya dito ay hindi rin sya nagdalawang-isip na mapatay ito. Habang si Lizana naman ay nagsisilang na ng mga sanggol which is kayo ng kapatid mo sa bahay ng kakilalang lalaki. Pagkatapos ng gulo ay pinahanap ni Cantilian ang bangkay ni Lizana ngunit ilang buwan na ang nakakalipas ay wala paring nakakita. Hanggang isang araw, nabalitaan nalang nya na nakaburol na ang katawan ni Lizana at huli na para humingi ng tawad sa mga nagawa nyang pagkakamali. galit na galit naman si Jenefer kay Cantilian dahil sa nangyari kaya di nya ito hinayaang makita miski isang bahagi ng katawan ng kapatid. hanggang sa paglibing ay di nya ito nagawang lapitan."
I agree on him. Totoo kasi ang mga pinaliwanag nya. Yun din ang sinabi samin ni Papa. "nasabi nga samin ni Papa ang tungkol dyan. at sobrang nagsisisi nga sya sa mga nangyari dahil hinayaan nyang mamatay si Mama. pero ang tanong ko lang, diba sabi mo nung araw na nagkaroon ng gulo ay ipinanganak kami. tapos hindi mahanap ni Papa ang bangkay ni Mama dahil nga buhay pa naman talaga sya at nagtatago. and then, Months later bigla kaming kinidnap ng di kilalang lalaki ni Mama. anong nangyari pagkatapos?"
"Mm.. about that." umayos sya ng upo. "Umalis si Jenefer kasama ang iyong kakambal sa bahay nyo para mamasyal at mamili ng mga gamit kaya naman ang Mama mo at ikaw ang naiwan sa bahay. that day, may pumasok na di kilalang lalaki sa inyo at kinidnap kayong dalawa ng Mama mo."
"S-Sino ang kumidnap samin?"
" ang mga galamay ni Florel. kahit pa patay na si Florel ay mga tauhan parin itong gumagalaw para sa kanya. They kidnapped you and your mother. dinala nila sa isang Bodega ang Mama mo at binaboy. sinaksak sa iba't ibang bahagi ng katawan. binaril at binugbog na halos naghihingalo na. samantalang ikaw, muntik ng masaksak sa katawan dahil sa nakakabinging iyak mo na buti nalang ay may naawa at hinayaan ka nalang. hindi ko alam kung paano nakatakas ang Mama mo pero nagawa nya parin kahit hindi na sya makahinga ng Maayos. napadpad sya sa isang bahay ampunan which is home of childrens at dun ka iniwan sa labas ng gate dahil alam nyang hindi na sya magtatagal. pagkatapos nun, nakarating sya sa bahay ng pinagtatrabahuan ng kapatid nya at doon tuluyang namatay sa harap nito."
Habang kinukwento ni Mr. Agilar ang totoong nangyari ay parang sinasaksak naman ng ilang daang kutsilyo ang puso ko. napakagrabe ang pinagdaanan ng Mama ko. Ang sakit lang. Namatay sya na di sila nagkaayos ni Papa. the heck!
napatingin ako sa malayo, trying to control my emotions.
"S-So, thats the Real story huh?"
I heard him sighed. "Your mother experienced a great hell. i'm sorry for that ."
"She doesn't deserve that. She deserve to be happy. Damn." naikuyom ko ang kamao sa pagpipigil.
"Maswerte ka Ms. Delasen at nabuhay ka pa mula sa peligrong kinasasangkutan ng iyong magulang." napalingon naman agad ako sa kanya nung tumayo sya at lumapit sa akin. Nagulat nalang ako nung hawakan nya ako sa ulo at ginulo ito na para bang kapatid na babae at sya ang naman ang kuya ko. "Kaya Allesha, Ingatan mo ang buhay na meron ka ngayon. wag mo itong sayangin. Don't stuck in the past of your parents. Be happy of who you are today. alagaan mong mabuti ang mga kapatid mo. may dahilan kaya nangyayari ang lahat ng iyon. alam kong mahal na mahal ka ng Mama mo."
napaluha ako sa sinabi nya.
don't worry Mr. Agilar, dahil gagawin ko talaga yung sinabi nyo.
I promise you that.
*/**/*/*/*////***/*//**
unedited...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top