ghost 72
ghost 72:
Ilang linggo ang lumipas at naging masaya naman ang buhay namin ni Ela. madalas kaming magbonding ni Maria at Papa. naging komportable narin si Maria kaya okay na. Ganun din ako kay Papa, nakikipagbiruan na ako sa kanya, kinukwento ko narin sa kanya ang mga ginagawa ko araw-araw. He's not that bad naman pala. malambot rin naman pala ang puso ni Papa. He even gave me adviced about sa mga dapat at di dapat na ginagawa ko and I appreciate and acknowledge it.
madalas rin kaming magshopping nila Maria at Ela, minsan naman sinasama ko sya kapag may Outreach program kami. you see, ang dami ko ngang sinalihang charity and foundations. Tinawag na nga akong Hero ni Maria eh sa dami daw ng ginagawa ko. Syempre ganun talaga ang mga social workers. Pero nag-ienjoy naman sya lalo na sa mga batang nakakasalamuha namin. At gusto na nyang dalhin ko sya kahit saan ako magpunta. Niyaya rin namin si Ela kaso Hindi sya pwede dahil busy sya sa School. and By the way, Lumipat narin pala sya sa Mansyon nila Papa. Umalis na sya sa pagiging Maid sa bahay ng Amo nyang matapobre. binayaran nya narin ang kung ano mang pagkakautang nya dito. Nagulat pa nga ang mga ito nang malaman na anak pala sya ng mayaman edi Pahiya sila kay Papa.
sinabi na rin namin kay Jimnet ang tungkol sa nangyari and She was so shocked about it. talagang hindi sya makapaniwala sa nangyari. Well, sino ba namang hindi magugulat lalo na kapag nalaman mo na ang taong kinatatakutan mo pala ay syang Ama mo diba? muntik ngang mahimatay si Jimnet nung makita si Papa. adik talaga.
pero up until now, hindi ko parin nasasabi sa mga parents ko ang tungkol dito. I'm just afraid kung ano ang magiging reaksyon nila. I love them so much kaya naman nahihirapan akong umamin. Hays life. Idagdag mo pa ang palihim kong pag-imbestiga sa mga ginagawa ni Papa kasi nga para maging aware ako sa mga nangyayari.
gusto narin sana ni Papa na lumipat ako sa bahay nila para magkasama na daw kami kaso tumanggi ako. I can't just leave my parents yet. Saka wala pa silang alam tungkol sa ginawa ko kaya mas lalong hindi pwede. Papa said eh will talk to them pero hinarangan ko agad sya dahil ayoko pang malaman nila Mommy ito. I even told him the reason and he understand naman kaya hinayaan nya na ako, saka nasa kanila naman na si Ela eh. Enough na yun para maging kompleto.
Oh and one more thing, Sinagot na pala ni Jimnet si Kel. like O to the M to the G! talagang nagulat kami sa binalita nya. napahampas tuloy ako kay Joe dahil sa kilig, at nahiya naman agad ako dahil nabugbog sarado sya dahil sakin. Hays, poor him. hindi ko akalain na mukha pala akong baliw kiligin. Kasalanan kasi ito ni Jimnet eh. di man lang agad sinabi sakin na mag-on na pala sila ni Kel. Isang linggo nya yung itinago sakin ah. Jusmiyo sya marimar!
one time nagsabay kaming Apat na kumain sa canteen kasama si Joe at halos langgamin kaming dalawa dahil sa kasweetan ng dalawang couple na kaharap namin. Aba naman, magsubuan ba daw sa harap namin? ano, wala silang kamay? kailangan talaga magsubuan? Binato ko nga ng mga tissue, nagpapainggit kasi eh. saka ang awkward ng ginagawa nila eh kitang may kasama silang single.
pero natutuwa parin ako para sa kanila pero minsan naiinis rin ako dahil mukha silang tangang dalawa minsan. Kinukwento kasi sakin ni Kel ang mga ginagawa nila ng jowa nya at ganun din sakin si Jimnet. heto naman akong single nagtitiis makinig sa mga kwento nila para lang wala silang masabi sakin. pero minsan gusto ko silang batukan pareho dahil laging nag-aaway. tapos ako ito, tagapayo slash taga sermon ng mga dapat gawin. Minsan pa, ako na ang nagiging tulay ng dalawa para lang magkaayos. Ako na rin ang taga-isip ng mga plano ni Kel para lang suyuin ang girlfriend. eh kung ako nalang kaya ang manligaw diba?
lagi akong nadadamay sa LQ nilang dalawa. hays, Ang bait ko talagang kaibigan.
Ngayong araw, pumunta ako sa bahay ng kaibigan ni Mommy na si Tita Pia, She invited me to Sing there since it was Her Daughter's birthday. 18th birthday kumbaga. sa madaling salita, debut. kasing Edad ko lang ang anak nya pero ang bongga rin ng birthday party. Akalain mong kailangan pa nila ng vocalist para lang magpresent? nice one.. eh nung nagdebut nga ako wala namang vocalist keme. pero atleast masaya ako dahil si daddy ang last dance ko.
nasaktohan namang ako ang nakita nila para kumanta sa tulong na rin ng madaldal na Mommy ko edi heto ako ngayon, nag-aayos ng damit na susuotin. Pink and blue ang motif nila at mukhang naging masquerade party ito dahil Kailangan naming magsuot ng mask. hays, dami talagang keme.
I sighed. Atlast! natapos na rin ang pagmemake up ko sa sarili! tumayo ako at humarap sa salamin. I just wore a simple dress and its a color light Red. wala kasi akong pink or blue na damit kaya okay na to. kakanta lang naman ako then after that uuwi narin ako. nakalugay lang din ang mala-wavy kong buhok at nilagyan ko ng Hairclip ang bandang tenga ng buhok ko.
Napangiti ako sa harap ng salamin. Ang ganda ko talaga yaiks! hihi!
biglang kumatok si Mama sa pinto.
"Allesha Dear, are you done?" tanong pa nya nung makapasok sa loob. tumango naman ako sa kanya at ganun na lamang kalaki ang ngiti sa mukha nya ng makita ang kabuuan ko.
"Oh, You look so gorgeous in that dress, Anak."
I smiled to her. "Thanks Mom."
"Lets go? Malapit na magsimula ang party baka malate tayo."
"Sige po."
sabay na kami ni mommy Bumaba ng hagdan at nadatnan namin si Daddy sa dulo ng hagdan na sobrang laki ng ngiti habang nakatitig sa amin ni Mommy.
"you both look stunning tonight " puri pa sa amin ni Daddy ng hindi nawawala ang ngiti sa labi.
ngumisi naman ako. "Daddy, I'm always gorgeous okay?"
napasinghap at irap na naman si Mommy. "Umaandar na naman ang pagiging conceited mo Allesha Marie.!"
natawa kami pareho ni Daddy doon.
"Dont worry Mommy, maganda ka rin naman. mas maganda nga lang ako sayo kaya sorry ka na lang" then I smirked.
nakatanggap agad ako ng mahinang kurot sa balikat dun kaya napasigaw ako sa sakit. Shemas! Ang amazona talaga ng Nanay ko!
"Tigilan mo ako sa kayabangan mo Ysha at baka ihambalos ko to sayo tong Heels ko." irap pa ni Mommy sakin.
napanguso nalang ako. samantalang tawa naman ng tawa si Daddy.
"Ilang inches ba yang suot mo Honey?" tanong pa ni Dad.
"4 inches to kaya wag mo akong subukan Alturo Delasen!" pinandilatan sya ni Mommy.
"woah woah woah! easy lang mommy! mahina kalaban!" sabat ko pa.
"shut up Ysha!"
tinawanan lang namin sya ni Daddy. At dahil alam nyang wala na syang magagawa sa trip namin ngayon ay hinayaan nya nalang kami at di na pinansin.
Sabay-sabay kaming pumasok sa kotse at Kami lang naman ni Daddy ang nagkukwentohan. Si mommy naman tahimik lang sa passenger seat dahil alam nyang kapag nagsalita sya pagtutulungan na naman namin sya ni Dad. Pero minsan nakikisabat rin sya sa kwentohan namin ni Dad at napapairap nalang kapag jinojoke namin sya. Sa aming tatlo, si Mommy ang madalas Mapikon. Haha.
pagdating namin sa Bahay ni Tita Pia, ano pang aasahan namin kundi ang mga taong walang ibang ginagawa kundi ang magkwentohan at inoman. Lahat sila nakamaskara kaya naman sinuot narin namin ang mga maskara namin para Walang makakilala. ano kayang trip nila at ginawang masquerade party ang debut? Haha.
sinalubong naman kami ni tita Pia sa may entrance at ayun na nga, nagchikahan na silang tatlo dun kaya naman nauna na akong pumasok at naghanap ng bakanteng upuan. Marami rami ang mga tao dito. ang daming magaganda at sexy na babae at gwapo na mga lalaki kaso miski isa sa kanila wala akong natipuhan. Hays. pihikan na ba ako sa mga lalaki?
at dahil nagugutom na ako at hindi pa naman nagsisimula ang event ay tumayo ako at lumapit sa mga pagkain na sobrang nakakatakam. Kumuha ako ng plato saka naglagay doon ng maraming pagkain. at dahil gutom ako ay di ko nilubayan ang buffet doon. sarap na sarap ako sa kinakain ko nung may biglang tumabi saking lalaki na di ko kilala pero alam kong gwapo kahit nakamaskarang itim. Kumukuha rin ito ng pagkain at dahil katabi nya lang ako ay napatingin sya sa akin sabay ngiti.
"Hi!" maligalig na sambit nya.
I smiled. "Hello."
"Did tita Pia invited you too?"nakangiting tanong pa nya. at base sa personaliting pinapakita nya ngayon ay masasabi kong jolly sya. Kasing edad ko lang din ata sya I guess?
tumango ako. "yeah."
"Woah! nice! I'm Allen by the way. you?" He extended his hand.
"Ysha." then we shakehands.
"Cool name. so how are you related to my Aunt?"
"She's my mother's friend."- sagot ko pa. "and she's your aunt?"
tumango naman sya sabay kagat ng pagkain. "Yeah, And the birthday girl, she's my cousin."
napatango-tango nalang ako. "okay. "
"and I am one of the 18 fucking roses."
natawa ako dun. "bakit parang sa tono ng pananalita mo, napipilitan ka lang?"
He sighed then Drink his wine. "Yeah. napipilitan lang talaga ako. I supposed to have a date tonight but my damn cousin threatened me and blackmailed me that If I wont attend this F*cking Party, she will upload my naked body on social media. Damn her for doing that."
mas lalo akong natawa sa sudden outburst nya. para syang batang inaaway at nag iisip ng paraan para makaganti. Funny. "At naniwala ka naman sa pinsan mo? what if niloloko ka lang nun?"
kumunot ang noo nya at napanguso.
"sana nga niloloko lang ako nun. kaso hindi eh, talagang pinakita nya sa akin ang hubad kong katawan. ni hindi ko nga alam kung saan nya nakuha ang picture na yun. damn."
tawa lang ako ng tawa sa kwento nya. I like him na. ang sarap nya kausap haha. "so hindi lang pala ako ang bored na bored dito sa party huh?"
"Yeah. So we're on the same foot huh?" napakagat labi sya saka nagpalinga-linga sa paligid. "buti nalang din at napilit kong isama dito ang dalawa ko pang mga kupal na kaibigan kaya kahit papano mababawasan ang pagkakaboring ko dito sa bwisit na party na to. Haha"
napakunot naman ang noo ko sa sinabi nya. "Oh? may inimbita ka ring kaibigan mo dito?"
napalingon naman sya sa akin sabay ngisi ng nakakaloko. "Yeah. And they are 10 minutes late. those dumbass! ang sabi sakin nandito na sila pero hindi ko makita! san naman kaya nagsusuot ang dalawang yun?"
natawa ako. "Baka naman nag--------"
"Hoy Allen! lintik kang bwisit ka ba't di mo man lang kami sinalubong dun sa gate!? dammit!"
Agad naagaw ang atensyon naming dalawa nung may dalawang lalaki ang lumapit kay Allen at ohmygosh! bakit ang gagwapo rin ng dalawang to?!
Pero may isang lalaking namumukod tangi talaga na nakaagaw ng atensyon ko. He's just wearing a Tuxedo and a Black Mask on his face. His hair is Messy pero ang ganda ng tindig at pangangatawan nya. Matangkad rin sya Yung jaw line nya perfect! mukha syang Inosente tignan pero agaw pansin. mukha syang prinsepe. ang puti nya rin at yung mga labi nya, manipis pero kissable lips. at kahit nakamaskara sya ay alam kong matangos ang ilong nya. shems! parang gusto ko syang lapitan at tanggalin ang maskarang nakabalot sa mukha nya..
and the unexpected happen, kusang bumilis ang tibok ng puso ko lalo na yung makita ko ang ngiti nya.
they are talking to each other pero wala akong maintindihan kahit isa. ni wala akong ibang marinig kundi ang tibok ng puso ko habang nakatitig sa lalaki. its like parang nagslowmotion ang paligid ko and its only me and him. Jusmiyo marimar! bakit ko nararamdaman ito sa estrangherong lalaki?.
"takte kayo! ang sabi ko walang malelate! pero kayong dalawa 10 minutes late! talagang pa-VIP kayo no?!" said Allen.
"Lol! hindi kami late! sadyang gwapo lang talaga kami kaya hinarang kami ng sandamakmak na chicks doon bago kami makapunta dito! Haha!"
"Pakyu ka Leo!"
tumawa lang ito sa kanya at biglang natigilan nung mapatingin sa gawi ko. nagtatakang nilingon nya si Allen.
"And who's this beautiful woman beside you?"
kung hindi pa ako tinuro nung isang lalaking kasama nila malamang hindi pa ako natauhan sa pagpapantasya sa kaharap kong lalaki.
agad namang napalingon sakin yung lalaking gwapo kaya naman nagtama ang paningin namin. at halos hindi ako makahinga ng maayos sa uri ng tingin nya. para akong hinihigop nito kaya di ko magawang ialis ang titig sa kanya. and there we go, staring at each other for about 1 minute? Istorbo kasi si Allen kaya naputol ang staring contest namin.
"Damn Allen! hindi ka lang sumipot sa kadate mo Nakahanap ka na agad? nice taste ah? maganda sya. haha."- bumaling ang nagngangalang Leo sa akin. "Hi miss! Ako nga pala ang pinakagwapo at pinakahot sa balat ng lupa na si Leo Obando. nice meeting you!" saka sya kumindat sa akin.
alanganing napangiti nalang ako.
"Tangina mo Leo! Anong gwapo at hot ka dyan?! gusto mong ihulog kita sa pool?!"
"Sus! inggit ka lang sakin eh kasi mas gwapo ako sayo! Haha"
"gago!"
"Shut the f*ck up you two!" then my eyes went to the guy again na ngayon lang nagsalita. Kahit nakamaskara sya ay kitang kita ko parin ang pagkakunot ng noo nya at mas lalo syang gumwapo sa reaksyon na yun. damn! heart, stay still!
"Oh, Badmood ka naman ba Loyd? haha palibhasa kasi di ka makaporma kay Almira dahil may nanliligaw na sa kanya kaya ganyan ka kabitter!" banat pa ni Leo.
Sinamaan sya nito ng tingin. "fuck you."
at muli syang bumaling sakin kaya naman nagtama na naman ang mga paningin namin.
Pero ang hindi ko maintindihan, bakit parang biglang kumirot ang puso ko dun sa sinabi ni Leo sa kanya? shemas! ano bang nangyayari sakin!
mukhang nasesense ni Allen ang staring contest naming dalawa kaya napaubo sya ng mahina.
"anyway, Loyd sya si Ysha. Ysha sya naman si Emman Loyd. bestfriend ko." pang-introduced pa samin ni Allen.
Wow, Emman Loyd huh? cool name!
bigla ay nataranta ako na Ewan. lalo na nung ngumisi ito sa akin. shemas! yung ngiti nya nakakalaglag panga!
"A-Ah, H-Hi! I-I'm Ysha!" I extended my hands on him.
damn Ysha! wag kang mautal!
"Hel-------"
hindi nya na naituloy ang Sasabihin nya nung biglang magsalita ang emcee sa harap ng stage. At dahil dun, umalis silang tatlo palayo sakin para puntahan ang birthday girl sa loob at hindi ko man lang nagawang kausapin si Emman Loyd. Hays, sayang. pagkakataon ko na sana yun eh kung hindi lang umepal si Emcee.
hindi ko alam pero nakaramdam agad ako ng di maipaliwanag na lungkot nung umalis sila. Hay naku Ysha! get a hold of yourself! Teka, bakit ko ba nararamdaman ito sa lalaking yun?! nababaliw na ata ako! itinuon ko nalang muna sa ibang bagay ang atensyon ko para makalimutan yung lalaki.
nagsimula na ang event at maya-maya pa ay biglang lumabas ang isang magandang babae na nakasuot ng Sobrang haba na gown na hindi ko alam kung anong tawag. pero cute ito saka kulay pink. girly na girly datingan, oh well, she's the birthday girl afterall.
unang ginawa ay games tapos nagsalita naman ang mga candles so on and so forth.. may iyakan factor pang nalalaman na akala mo nasa melodrama. Natawa nalang ako sa naisip.
at sa wakas! dumating na rin ang oras na pinakahihintay ko! ang pagsasayaw ng 18 roses at dahil ako ang kakanta as their background music ay tinawag na ako ng Emcee.
syempre, palakpakan naman ang mga tao nung makaakayat akong stage. todo support din sakin ang magulang ko sa gilid na nagchecheer pa sakin. Nice one. thats my parents! hindi nahihiyang ipagcheer ang kanilang Anak! napangiti nalang ako sa kanila bago magsimulang kumanta.
nung tumugtog ang intro ay napapikit ako at dinama ang kanta. nagsimula na rin ang pagsayaw.
'everybody needs inspiration,
everbody needs a soul,
beautiful melody
when the nights so long
cuz' there is no guarantee
that this life is easy,
Idinilat ko ang aking mga mata at hindi ko alam kung anong mahika ang nangyari dahil sakto itong dumapo sa mata ng lalaking biglang nagpatibok ng puso ko. He's standing away from the crowd and staring at me.
'yeah when my world is falling apart
when there's no light to break up the dark
that's when I, I, I, look at you.
Hindi ko binitawan ang mga titig sa kanya at ganun din sya sakin. Its like I dedicated this song for him.
'when the waves are floating the shore
and i can't find my way home anymore
that's when I, I, I look at you..
When I look at you..
mas lalong lumakas ang tibok ng puso ko nung dahan-dahan syang maglakad palapit sa stage na kinatatayuan ko.
'I see forgiveness,
I see the truth,
you love me for who I am,
Like the stars hold the moon,
Right there where they belong,
and I know I'm not alone.
hindi ko alam kung bakit damang-dama ko ang kanta habang nakatingin sa kanya. Shems sana di nya mabasa ang mga reaksyon ko.
'Yeah when my world is falling apart
when there's no light to break up the dark
that's when I, I, I look at you.
When the waves, are floating the shore
and I can't find my way home anymore
that's when I, I, I look at you...
lumapit ako konti sa dulo ng stage para mas lalo syang makita nang hindi inaalis ang mga tingin sa isa't isa.
'You, appear just like a dream to me
just like kaleidoscope colors that
cover me all i need every breath that I breath.
don't you know, you're beautiful.... ohh ohwoahh..
Bigla akong kinilabutan sa uri ng tingin nya sakin. para itong magnet na hindi ko kayang iwasan. damn, this isn't good at all.
'Yeah yeah, When I the waves are floating the shore
And i can't find my home anymore
that's when I, I, I look at you...
When I look at you...
Yeah yeah ohh woah,
You appear just like a dream to me.....'
natapos ang kanta kaya naman agad na naputol ang titigan namin dahil sa pagsingit ng Emcee. Kasama rin dun na tinawag ako ng mga magulang ko kaya no choice ako kundi ang lapitan sila.
muli kong nilingon ang kinatatayuan ni Emman Loyd kanina kaso Wala na sya doon ngayon. Nakaramdam ako bigla ng di maipaliwanag na lungkot.
"Grabe! ang ganda talaga ng boses ng anak ko!" puri pa ni Daddy sakin pagkalapit ko.
"I'm so proud of you dear. you can be a singing artist!" dagdag naman ni Mommy kaya napangiti nalang ako.
"thanks Mom, Dad."
"Tara, puntahan natin si Pia." akmang hihilain na sana ako ni Mommy nung binitawan ko ang kanyang kamay. nagtatakang nilingon nila ako ni Daddy.
"Ah, hehe may pupuntahan lang po ako saglit. susunod nalang po ako."
tinaasan ako ng kilay ni Mommy, naniniguro. "Sure ka?"
"yes mom."
she smiled then nodded. "okay. bilisan mo lang."
"sunod ka ah? may ipapakilala ako sa iyo."- kumindat si daddy kaya naman hinampas sya ni Mommy na tinawanan ko lang.
"Manahimik ka nga Alturo. tara na!"
at wala ng nagawa si Daddy nung hilain sya ni Mommy. napangiti nalang ako. Ang cute kasi nila tignan.
at bago ko pa makalimutan ang sadya ko nagsimula na akong maglibot para hanapin ang lalaking nagpagulo ng sistema ko. Shemas! di ko naman sya kilala pero Heto ako ngayon, parang tangang desperada na naghahabol. mygoodness!
Hindi ko alam kung ilang minuto na ako naglilibot dito kakahanap sa lalaking yun kaso ni Anino nya hindi ko mahanap. pati nga mga kaibigan nya hindi ko makita. San kaya sila nagpunta? ang dami kasing mga tao dito eh puro nakamaskara pa kaya naman nahihirapan talaga akong hanapin sya lalo na't ang daming mga lalaki rito. yung iba napagkamalan ko pang sya kaya todo sorry ako. nakakahiya! hiningal na nga ako kakalakad eh isama mo pa itong pananakit ng paa ko dahil sa heels.
at dahil napagod na nga ako kakahanap sa kanya ay sumuko na ako. laylay ang balikat na umupo ako sa isang mesa at ininom ang nakalagay na wine doon. para akong binagsakan ng lupa dahil sa pagkadismaya. gustong-gusto kong makita yung lalaki kaso wala talaga eh. hindi kaya umuwi na sya? lintik naman! umuwi man lang syang hindi ko nalalaman ang Number! textmate sana kami eh sayang! natawa ako ng mapakla sa naisip. nababaliw ata ako.
at dahil nawalan na ako ng gana dito sa party ay napagpasyahan kong kumain nalang at pagmasdan ang mga taong sumasayaw sa gitna. nainggit naman ako bigla. Ang dami kasing mga gwapo at magaganda ang nagsasayawan. tapos yung iba couple pa at ang sweet sa isa't isa. may mga lalaki rin namang lumapit sakin at niyaya akong sumayaw kaso lahat sila tinanggihan ko. hindi dahil sa ayaw kong sumayaw kundi may hinihintay lang talaga akong tao na imposibleng makita ko na. Hays, saklaf. Kahit isang sayaw lang sana okay na.
napagpasyahan kong tumayo nalang para hanapin sana sila Mommy kaso nagulat ako nung may biglang kamay ang dumapo sa akin at hinila ako papuntang dancefloor.
sa sobrang bilis ng pangyayari ay hindi agad ako nakapagreact. jusmiyo.
agad nyang inilagay sa leeg nya ang kamay ko at sa bewang ko naman ang kanya.
pero ganun na lamang ang tuwa at gulat na naramdaman ko ng marealize na si Emman loyd ang kaharap ko! oh my gosh! talagang hindi ako makapaniwala! is this a dream? oh my! ayoko ng magising! sinong mag-aakala na ang lalaking hinahanap ko kanina ay kaharap ko na ngayon? kasayaw ko pa mismo! yung puso ko hindi na naman normal ang pagtibok nito!
pero mas lalo akong nagulat at namangha nung hubarin nya ang maskarang nakatakip sa mata at itinapon ito sa kung saan. nagsimula narin kaming sumayaw.
"damn! I really hate that Mask! ang kati sa mukha!" reklamo pa nya pero hindi na ako makapag isip ng matino.
hindi maalis ang mga tingin ko sa mata nya. lalo na nung makita ko kung gaano sya kagwapo lalo na ngayon at napakalapit nya sa akin at amoy na amoy ko ang pabango nya. shemas! lintik na malagkit! hindi ko akalaing mas gwapo sya pag hindi nakamask! yung mga mata nya... Parang nangungusap! is this posible! I can't breath properly!
mas lalo pa syang gumwapo sa paningin ko lalo na kung paano ko natitigan ang pagkakunot ng noo nya na mas lalong nakakaattract tignan. gumagalaw ang labi nya na parang nagrereklamo sa hindi ko malaman na dahilan pero wala akong marinig miski isa dun kundi ang tibok ng puso ko. Napansin nya atang nakatitig lang ako sa kanya kaya naman tumigil sya sa pagsasalita at sinalubong ang mga titig ko. at halos kapusin ako ng hininga ngayong kitang-kita ko na ang mga ekspresyon sa mata nyang nakatitig rin sa akin. pakiramdam ko tumigil ang pag-ikot ng mundo ko at wala akong ibang makita kundi sya lang. parang may magnet ang mga mata nya na hindi ko kayang iwasan. napakakinis rin ng mukha nya at wala akong makitang miski isang wrinkles. mas lalo akong nahipnotismo at naadik sa kakaibang Amoy nya. napakabango nya. wala akong masabi.
idagdag mo pa dyan ang biglang pagtugtog ng kanta ni Ed Sheeran na Perfect na mas lalong nagpabaliw sakin. Pakiramdam ko nasa langit na ako. Hays, parang ngayon ko lang naappreciate ang buhay. ang sarap mabuhay!
"So, your name is Ysha right?"
shemas! bakit ang ganda ng boses nya!
namula ako bigla sa naisip. "A-Ah, oo. hehe."
Ysha! umiwas ka ng tingin! umiwas ka! lintik, hindi ko kayang iiwas ang tingin sa kanya. ang gwapo eh!
napatango naman sya saka lumingon sa paligid na para bang may hinahanap bago muling bumaling sa akin. "I have a favor to ask."
napakurap ako. Shems! favor daw! mas lalong lumakas ang tibok ng puso ko.
"W-What favor?"
He sighed then stared at me. napalunok ako sa uri ng tingin nya.
He seems, desperate? ganun ang tinginang binibigay nya sakin.
"Can I Kiss you?"
nalaglag ang panga ko dahil dun. "Ha?!"
oh mother land! nagkamali ba ako ng dinig?! Sabi nya kiss daw! lintik! halusinasyon ba ito? nananaginip ba ako?! my gosh!
Mas lalo tuloy nagwala ang sistema ko sa sinabi nya.
"I just want to confirm something so let me kiss you okay?"
napakurap ako sa gulat.
"H-Ha? ano bang pi----------"
At tuluyan na nga po akong hindi makagalaw nung biglang lumapat ang mga labi nya sa labi ko. bigla akong nakaramdam ng electricity dahil dun.
hinawakan nya ako sa ulo at mas lalong idinikit ang sarili sa akin. Heto naman ako, parang statwa na di makagalaw. dilat na dilat ang mga mata ko at pakiramdam ko nawala na ako sa katinuan ko. ramdam na ramdam ko ang lambot at init ng mga halik nya sa akin. Idagdag mo pa ang sobra-sobrang pagtibok ng puso ko. pakiramdam ko mamamatay na ata ako. oh my mama! anong nangyayari!
agad namang humiwalay ang labi nya sa akin at tinitigan nya akong mabuti saka binigyan ng ngiting nakakapigil hininga. "thanks for that wonderful kiss! ang lambot ng mga labi mo. nakakaadik."
at agad nya akong iniwan mag-isa dito sa dancefloor. Leaving me dumbfounded and unable to move and speak. shemas! kinapa ko agad ang puso ko. para itong lalabas na sa katawan ko! ramdam ko ang mga taong nakatingin sakin sa paligid pero wala akong pakialam.
hindi ako makagalaw! Ramdam ko parin hanggang ngayon ang napakalambot at mainit na labi nya.
goodness!
napahawak ako sa labi ko. at halos mawalan ako ng balanse kasama na roon ang panlalaki ng mga mata ko sa narealize ko.
A-ang first kiss ko!
***
"So, care to tell Us about that guy?" seryosong sambit pa ni Daddy.
nandito na kaming lahat ngayon sa loob ng bahay, sa sala at nakaupo sa sofa. Kaharap ko mismo ngayon ang dalawang magulang ko at ini-interrogate na ako ngayon. Huhu, hotseat na naman ako!
napalunok ako ng laway. napakaseryoso kasi ng mukha ni Daddy ngayon eh nakakatakot talaga. Samantalang kalmado lang si Mommy. kung bakit kasi nakita pa nila yung kiss kanina!
"Ysha? hindi ka ba magsasalita?" muli pang sambit ni Daddy nung di ako makasagot.
"E-Eh dad, ano naman pong sasabihin ko sayo?" kinakabahang tanong ko pa.
"Sino ang lalaking iyon Anak? Ang gwapo nya ah." napalingon ako kay Mommy. she has this teasing smile.
pero agad ding naglaho nung binigyan sya ng isang nakakamatay na tingin ni Daddy. sa ganitong sitwasyon lang talaga kami magkakampi ni Mommy. huhu.
Daddy sighed. "Allesha, Sino. ang. lalaking iyon?!"
"S-Sya po s-si... E-Emman! si Emman po Dad!" nauutal na sagot ko habang kagat ang labi. yung mga kamay ko rin nanginginig na sa kaba. huhu!
tumaas ang kilay nya. "Mm.. Emman huh? what is your relationship with him?"
"H-He's...." oh shems! Wala naman kaming relasyon nung lalaking yun! He just kiss me and then go away!
I sighed. "He's my friend..?"
napaangat ang gilid ng labi ni daddy. nalaglag naman panga ni Mommy.
"A friend?!!"
napangiti ako ng alanganin. "Ah Oo? hehe."
oh gosh! Kelan naman kami naging friend? eh kanina lang kami nagkakilala!
"He kissed you and then He's just a friend?! Are you making fun of me Allesha Marie!?" halos mapaigtad ako sa gulat dahil sa lakas ng boses ni Dad.
"D-Dad-------"
"Hay naku Alturo! huminahon ka nga! halik lang yun saka gwapo naman yung lalaki Kaya ano bang problema mo dun!? ayaw mo nun, magagandang lahi ang magiging anak nila kung sakali!" sabat pa ni Mommy na ikalaglag ng panga namin ni Dad. M-magandang lahi? Anak?
"What the heck are you talking about, hon?! ang bata pa nila parehas para--------"
"Oo alam ko bata pa sila pero Anong magagawa mo kung mahal nila ang isa't isa at kung sila ang nakatadhana? duh!" umirap si Mommy. hindi ko naman mapigilang mapangiti sa sinabi nya. kinikilig ako. Mahal daw? yiee.
"Mommy, tingin nyo po ba bagay kami ni Emman? hehe."- kinikilig na tanong ko pa.
napangiti rin si Mom. "oo naman! Sigurado akong------"
"shut up you two! talagang sa harap ko pa kayo-------"
"Sus, Selos ka lang eh! wag ka nga Alturo!" pagputol ni Mommy sa Sudden outburst ni Dad. mas lalong lumaki ang ngisi ko lalo na nung kumunot ang noo ni Daddy.
"I am not jealous! I'm just protecting our Daughter------"
"Wow! protecting?! Eh muntik mo nga syang ireto dun sa anak ng kaibigan mo kanina eh kung di lang sya Humiwalay satin!" segunda pa ni Mommy dahilan para matahimik si dad at mapasinghap naman ako.
"What?! Irereto nyo ako?!"- Hindi makapaniwalang tanong ko kay Dad. agad naman syang napaiwas ng tingin dahilan para tumawa ako ng malakas na malakas. nakikisabay rin sa akin si Mommy kaya dalawa na kami ang tumatawa.
"Shut up you two! It's not funny!" namumula si Daddy sa kahihiyan.
"Eh kasi naman Dad! Ang lakas ng loob mong magalit sakin dahil dun sa lalaking humalik tapos ngayon malalaman kong nagbabalak ka palang ireto ako sa Anak ng kaibigan mo!? Nakakatawa ka dad!" hagalpak ko pa.
sinamaan nya naman ako ng tingin kaya awtomatikong itinikom ko ang bibig ko saka muling sumeryoso. ganun din si Mommy.
"Sorry Dad. Its just that-----"
"dalhin mo dito ang lalaking yan. Gusto kong makilala ang Emman na yan."seryosong sambit pa ni Daddy.
nalaglag ang panga ko dun. "A-ano!?"
"I want to Meet him. hinalikan ka nya kaya kailangan ka nyang panagutan."
what the heck?! nagkatinginan kami ni Mommy.
"P-pero dad------"
"Walang pero-pero Allesha! Bukas na bukas din papuntahin mo sya rito!"
"Ano?! Bukas?!!"
oh goodness! ni hindi ko nga alam ang bahay nya tas papupuntahin ko agad dito?! paano ko naman gagawin yun eh wala kaming komunikasyon sa isa't isa?! naku!
I'm doomed!
"I want to Meet him Tomorrow Anak. And thats final!"
"P-pero----"
agad na tumayo si Daddy at naglakad paalis.
si Mommy nalang ang naiwan.
Huhu patay na! anong gagawin ko nito ngayon!?
I look up to Mommy, hoping she will help me to convince Daddy but she just gave me a teasing smile. Oh noes!
don't tell me pabor din sya sa gustong mangyari ni Daddy!
yari na ako! yari na talaga! napahilamos ako ng Mukha.
anong gagawin ko ngayon?! San ko sya hahapin?! huhu! gusto ko nalang magpalamon sa lupa!
"Don't worry Anak, pagkakataon nyo na ito para maging Legal kayo sa Daddy mo!" mommy winked at me pagkatapos ay sumunod naman kay Daddy.
lagot! ANONG GAGAWIN KO!?
***
kinabukasan ay maaga akong pumasok. Half day lang kami ngayong araw at heto ako naloloka parin. jusmiyo! san ko naman kasi hahanapin si Emman eh di ko nga alam ang tinitirhan nya!
kahit anong paliwanag ang gawin ko kay Daddy kagabi talagang sarado na ang isip nya. wala syang ibang sinasabi kundi ang makilala ang lalaking humalik sakin! huhu! ano nang gagawin ko ngayon? namomroblema na ako ngayon palang!
Ang malas ko ata! Nakuha na nga ang first kiss ko tapos ako pa ang maghahanap sa kanya! nakainis!
nagpapadyak-padyak ako sa sobrang inis.
"Oy Allesha!"
huh?
agad akong napalingon sa tumawag ng pangalan ko, only to find out na si Kel pala ito. naglalakad sya papunta sa akin habang nakangiti at naghand wave pa.
huminto ako sa paglalakad nung makarating sya sa harapan ko.
napangiti naman ako sa kanya. ang fresh nya ngayon. "Oy Kel! bakit?"
"may pasok ka ngayon?"
"oo bakit?"
napabuntong hininga naman sya sabay tingin sa malayo. nagtaka tuloy ako. problema nito? ang aga-aga eh ang bigat agad ng hininga.
"May problema ka ba?"tanong ko pa.
muli syang napalingon sa akin at huminga ng malalim. Napasimangot ako. Confirm! may problema nga sya. Tungkol na naman ba ito sa jowa nyang si Jimnet na kaibigan ko at inaaway na naman sya? dahil obviously, ganito ang hitsura ni Kel kapag si Jimnet ang problema nya. kilala ko na to eh. gawin ba naman akong tulay diba? instant Advicer pa nga ako eh.
"Kel, kung ano man yang prob------"
"Magcutting ka muna Ysha." napakurap ako sa kanya dun.
"Huh? cutting classes? bakit ko naman gagawin yun? ano ako, sira?!"
at pinakitaan nga po nya ako ng nagmamakaawang tingin. Ano ba yan!! "Please Ysha! Wag ka muna pumasok ngayon! samahan mo muna ako ngayon please? I really need someone right now! isang beses lang naman eh. ngayon lang!"
"Pero------"
"Don't worry, ako nalang kakausap sa mga professor mo."
"pero Kel------"
"I'm the SSC president, remember?" he smirk.
lalo akong napasimangot doon. Hays, ano pa bang magagawa ko? presidente ng Campus ang kausap ko eh malakas ang charm nito sa mga professor. nakakaloka!
napabuntong hininga nalang ako saka Pumayag na. Wala na rin akong magagawa eh hinila nya na ako kahit pa wala pa akong sinasabi.
saka isa pa, Tinatamad rin akong pumasok ngayon eh lalo na't may problema rin akong iniisip. sino ba namang hindi magkakaroon ng problema kung gusto nang makita at makilala ni Daddy si Emman ngayon!? ni hindi ko nga alam kung saang lupalok ng pilipinas hahanapin yun eh. hays, poor me!
bumaba kami ng kotse ni Kel at pumasok sa isang coffee shop. umorder ako ng kape at di na nagpatumpik-tumpik pa sa pagtatanong sa kanya.
"So, ano na naman ang problema mo ngayon?"tanong ko pa.
napabuntong hininga sya at pinagsiklop ang mga kamay sa mesa habang nakatingin sa akin. and by the look in his eyes, halatang kulang sya sa tulog.
"We fought."
"obviously, Mister."
"at hindi ko sya makausap"
napaangat ako ng kilay. "at bakit naman?"
"Hindi nya sinasagot mga tawag ko. pinuntahan ko sya sa kanila pero wala daw sya doon. wala rin sya sa Campus. Hindi ko sya mahagilap. Nag-aalala na ako." napahilamos sya ng mukha. Hays, Problema nga naman. napainom nalang ako ng kape. sakit sa ulo nito.
"Bakit, ano bang pinag-awayan ninyo?"
"Kahapon kasi, sa Mall. nagpaalam syang magsi-CR kaya naghintay ako sa labas. tapos maya-maya may biglang lumapit sakin na di ko kilalang babae at bigla nalang akong niyakap at hinalikan sa labi. nakita nya yun, nagpaliwanag ako pero nauwi kami sa pagtatalo."
Napakunot ako ng noo at agad ko syang sinampal sa Mukha na syang ikinagulat nya. Buti nalang din at kokonti lang mga tao ngayon dito kaya walang nakakapansin samin. "eh walanghiya ka naman pala eh! kasalanan mo rin kung bakit ayaw magpakita sayo si Jimnet! loko-loko ka kasi! ikaw na nga may kasalan nakipagtalo ka pa sa kanya! dapat di mo nalang pinantayan ang galit nun! adik ka ba?! malamang nasasaktan ngayon si Jimnet dahil sa ginawa mo! kahit sinong babae magagalit sayo eh!" paninermon ko pa.
napayuko naman sya at kinagat ang labi. "Yeah I know. It was my fault. kaya nga gusto ko syang kausapin para humingi ng tawad."
napabuntong hininga ako. "Hay naku Kel. kayong mga lalaki talaga ang sakit sa bangs!"
Bigla nyang hinawakan ang kamay ko na syang ikinagulat ko. then He look at me like a desperate person.
"Please Allesha. Help me find her! nag-aalala na ako. baka may mangyaring masama sa kanya! And I badly want to talk to her and apologize. please?"
napatitig ako sa mga mata nyang nangungusap. nagbabakasakali akong may maramdaman na something pero wala talaga eh. Iba parin yung kay Emman. sa kanya ko lang yun naramdaman kaya naman inalis ko ang kamay nya na nakahawak sa kamay ko. I sighed.
"Kel, I'm sorry. pero hindi kita matutulungan sa ngayon "
napakunot noo nya. "Huh? bakit?"
napaiwas ako ng tingin. "Alam mo kasi, parehas rin tayo ng pinoproblema eh. magkaibang dahilan nga lang."
"what do you mean?"
muli akong bumaling sa kanyang nagtatanong na Mata. "May kailangan rin akong Hanapin. kung ikaw hinahanap mo si Jimnet para humingi ng tawad, ako naman kailangan kong hanapin ang isang lalaki para iharap kay Daddy." I sighed. "Hays, di ko nga alam kung paano sya hahanapin. tapos kailangan mamayang Gabi kasama ko na sya sa bahay. nakakaloka diba?"
napatitig naman sya sakin dahil dun.
"oh, sorry. di ko alam na may problema ka rin pala."
"its okay. ang isipin mo nalang muna ngayon ay yang girlfriend mo. malamang hanggang ngayon galit parin yun sayo kaya hanapin mo sya bago pa pumatak ang dilim."
"tingin mo, nasan kaya sya ngayon?"
napaisip naman agad ako sa sinabi nya. napahawak ako sa baba ko at iniisip ang mga lugar na pwedeng puntahan ni Jimnet.
"Mm, tingin ko nasa bahay sya ngayon ng lola nya. try mo syang puntahan dun."
napangiti naman sya agad sa akin.
"thanks Ysha!"
"you're welcome. basta siguradohin mo lang na magkakaayos kayo bago matapos ang araw na to arayt?"
natawa naman sya. "Yes boss!"
napangisi ako. "Good."
"Shemas pare! Umagang-umaga nakabusangot yang mukha mo! Ngumiti ka naman uy!" agad na naagaw ang atensyon namin ni Kel nung may biglang tatlong lalaki ang pumasok sa loob at dumiretso ng upo sa Gilid naming table.
at ganun na lamang ang panlalaki ng mata ko kasama na ang pagtibok ng malakas ng puso ko nung makita ang taong nagpagulo sa utak ko. He's wearing a School uniform at mukhang wala ring balak pumasok ang mga ito. nakasimangot ang mukha nito na halatang badmood samantalang nakangisi naman sa kanya ang dalawang kaibigan.
napasinghap ako sa gulat dahilan para mapansin yun ni Kel.
"Ayos ka lang Ysha?"
at dahil sa lakas ng boses ni Kel, at sa katabi lang namin ang Table nila ay agad syang napalingon sa gawi namin at dun ko sinalubong ang mga mata nyang nagtatanong sa akin.
"E-Emman..." I whispered.
Oh heart, stay still.
*/*/*/**/*/**/*/*/**/***
unedited...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top