ghost 71
ghost 71:
Dahil sa sobrang excited ay maaga akong nagising. Ako na rin ang nagluto ng kakainin ko at Nagmadaling magbihis.
alas-10 umaga ang usapan naming dalawa pero 9am palang bihis na bihis na ako. maganda narin to para atleast hindi ako late.
napagkasunduan namin ni Ela na magkita sa isang park na pinasyalan namin dati. Umupo ako sa isang bench at ilang minutong naghintay sa kanya. Hindi naman ako nabigo dahil dumating sya sa saktong oras.
"Ela!" agad ko syang tinakbo ng yakap nung maglakad sya sa direksyon ko.
nagulat naman sya sa ginawa ko at muntik pang ma-out of balance.
"Oh easy lang Ysha! ako lang to."
napahagikhik ako. "sorry, namiss lang talaga kita kaya ganun."
natawa naman sya sa sinabi ko. "adik"
sabay na kaming umupo sa isang bench at pansin ko agad ang hawak nyang brown envelop.
"Anyway, kumusta ka na? ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong ko pa.
baka kasi nagtatampo parin sya sa akin dahil sa nangyari.
tumitig naman sya sa akin at ngumiti. "ayos lang ako Ysha, salamat. sorry rin dahil Hindi kita kinausap ng ilang araw."
"ano ka ba okay lang yun!" oo tama! okay na okay lang yun dahil hindi naman ako nag-alala, sobrang nag-alala lang ako. hays.
napatango naman sya saka tinignan ang hawak bago muling bumaling sa akin. "Ysha, may ibibigay ako sayo."
Inabot nya sakin ang brown envelop at agad kong tinanggap yun saka tinitigan. "whats with this?" I ask curiously.
"nahanap ko yan dun sa lumang mga gamit ni Nanay na hindi ko pa tinatapon. dahil kasi sa nalaman ko mula sayo ay naging desperado akong malaman ang totoo kaya naman hinalukay ko ang mga gamit ni Nanay. at yan nga yun, may nalaman ako dahil dyan sa hawak mo ngayon."
napakunot ang noo ko sa sinabi nya saka tinitigang maigi ang hawak ko. Hindi ko alam pero nagsimula akong kabahan na para bang may something dito kahit meron naman talaga.
binuksan ko ang envelop at tumambad na nga sa akin ang isang piraso ng papel na sobrang luma na.
at tumambad na nga sa akin ang isang liham..
nagtatakang nilingon ko si Ela dahil dun. She just gave me a reassuring smile kaya naman muli kong tinignan ang sulat at binasa ito.
' Eriela May,
Anak, kung nababasa mo man ito siguro patay na ako. mahal na mahal kita Ela. pero may kailangan kang malaman tungkol sa tunay mong pagkatao. patawarin mo sana ako dahil marami akong nilihim sayo. Patawad dahil ipinagkait ko sayo ang isang katotohanan. pero malaki ka na at panahon na rin na malaman mo ang totoo.
Ela, Hindi ako ang tunay mong Ina. Nagsinungaling ako sayo Anak. Ang tita Lizana mo ang iyong tunay na Ina at dahil hindi ko kayang sabihin sayo ang totoo ng harapan ay napagpasyahan ko nalang na isulat ito para hindi ko makita ang galit sa mukha mo. sana maintindihan mo kung bakit hindi ko sinabi sayo Agad.
sanggol ka palang nung mamatay ang Ina mo at nawawala naman ang iyong kakambal. oo Ela, may isa ka pang kapatid. Ang pangalan nya ay Allesha Marie Spinton. Hanapin mo sya Ela at sabay nyong harapin ang inyong Ama na si Marvel Cantilian. Patawad anak kung hindi ko sinabi sayo ang totoo, gusto lamang kitang kitang protektahan laban sa mga taong kaaway ng inyong Ama.
kailangan nyong malaman ang totoo anak. Namatay ang inyong Ina dahil sa kanya. Isang Mafia Boss ang inyong Ama at dahil dun nalagay sa panganib ang buhay ng Totoo mong Ina, ang aking kapatid at kakambal. Sinabi sa akin ni Lizana na maraming kalaban sa negosyo at sa ibang bagay si Mr. Cantilian. May isang hindi kilalang lalaki ang pinagbantaang papatayin si Cantilian kung hindi susundin ni Lizana ang ipinag-uutos nito. Isa lang naman ang gusto nung lalaki, yun ay nakawin at ilipat sa kanya ang malaking pera ni Marvel dahil kung hindi, sasabog ang isang hotel na pagmamay-ari ni Cantilian kasama na sya. nung mga panahong iyon, wala pang kaalam-alam si Lizana sa tunay na pagkatao ni Cantilian kaya naman mabilis syang mablackmail ng kalaban lalo na't binigyan sya ng access ni Marvel sa lahat ng bagay kasama na doon ang mga bank accounts nito.
dahil dun ay nagkaroon ng gulo sa pagitan ni Marvel, Lizana at yung hindi kilalang lalaki. Inaakala ni Marvel na pinagtaksilan sya ni Lizana kaya naman pinalayas nya ito sa galit. ito rin ang dahilan kung namatay ang inyong Ina. pero Ela, wag kayong magtatanim ng galit sa inyong Ama. ang kailangan mong gawin anak ay puntahan sya at magpakilala bilang Anak. pero binabalaan kita ngayon palang, Mag-iingat kayo. Maaring malagay sa panganib ang buhay nyo sa oras na mapunta kayo sa poder ng inyong Ama.
Mahal na mahal kita anak,
- Nanay Jenefer'
nagsunod-sunod ang Hiningang pinakawalan ko. Ang lakas ng tibok ng puso at sobrang bigat ng nararamdaman ko ngayon. nanginginig rin ang mga kamay ko habang hawak ang sulat.
nagsimulang tumulo ang mga luha sa mata ko. Nasasaktan ako dahil sa sulat na ito. So, all this time huh? Alam ni tita Jenefer ang totoong nangyari sa Nanay namin.
napatingin agad ako kay Ela na ngayon ay nakatitig sa akin.
"So, Sya nga ang dahilan ng pagkamatay ng Nanay natin?"
tumango naman sya saka napabuntong hininga. "I'm sorry Ysha. Ngayon ko lang nalaman ang totoo."
napatingin ako sa malayo at kinagat ang labi para pigilan ang emosyong lumalabas sa akin. "T-totoo nga palang magkapatid talaga tayo. At ngayon, itong sulat na mismo ang kumukumpirma na si Marvel Cantilian ang biological father natin, at isa syang Mafia Boss?"
Awa agad ang naipakita ni Ela.
"Ysha... Wag kang magagalit sa kanya ha?"
napailing naman ako saka tumungo. "hindi ako galit. Hindi naman ako judgemental."
tila nakahinga sya ng maluwag dun. "Alam mo bang habang binabasa ko yan, puro iyak ang ginawa ko. sobrang sakit ng nararamdaman ko dahil sa nalaman ko. It feels like they cheated on us. pero alam ko namang may dahilan sila kung bakit hindi nila ito sinabi sa akin ng maaga. At ngayon nga, nalaman na natin na si Mr. Cantilian ang Ama natin, kailangan natin syang harapin Ysha. Kausapin natin sya at tanungin sa totoong nangyari."
napatitig ako sa kanya dahil sa sinabi nya. Hindi ako makapaniwala, gusto nyang makausap namin si Mr. Cantilian! Jusmiyo! yung hitsura nya, halatang desperadong makausap si Mr. Cantilian.
"Ela..."
"please Ysha! matagal na panahon bago natin nalaman ang totoo. kaya please wag na nating patagalin pa! kausapin na natin sya! gusto ko nang makita at makapiling ang Papa natin.."
napatitig nalang ako sa kanya. tama sya, matagal na panahon na nga bago namin nalaman ang totoong pagkatao namin kaya panahon na para harapin ang totoo. I have to be brave. We have to.
kaya naman hinawakan ko sya sa kamay at nginitian. "sige, kakausapin natin sya."
agad namang nanlaki ang mata nya sa tuwa at walang sabi-sabing niyakap ako ng mahigpit. "Ohmygosh! thank you so much Ysha! thank you!"
I hugged her back. "Thank you rin Ela."
***
nakailang buntong hininga ako bago hinarap si Ela. lintik. sobrang kabadong-kabado ako ngayon. nanginginig ang buong kalamnan ko. pakiramdam ko katapusan ko na. kung bakit kasi dito pa kami pumunta! Mukha lang akong matapang at makapal ang mukha pero sa kaloob-looban ko gusto ko ng magback out.
oh well, nandito lang naman kami ngayon sa harapan ng napakalaking gate ng mansyon ni Mr. Cantilian. kung bakit? dahil kakausapin namin sya. jusmiyo, gate palang nila nakakalula na. pano pa kaya pag pumasok kami? panigurado mas malaki itong mansyon nila kesa samin. okay, bakit ko ba pinagkukumpara ang mga bahay namin? dahil siguro to sa kaba. nababaliw na ata ako.
"Allesha, tara na?" muli akong napalingon kay Ela. Napakakalmado lang ng hitsura nya ngayon pero peksman kinakabahan na rin sya. pano ko nalaman? simple lang, dahil introvert sya at mahiyain.
napabuntong hininga ako. "tara."
okay. this is it Allesha Marie! makakaharap mo ulit ang inyong Ama! wag kang kabahan! Ama nyo yan! kadugo mo okay! fighting!
lumapit ako sa gate at nagdoorbell.
at dahil walang nagbukas ng gate ay pinindot ko ulit ang doorbell kaso hindi ko natuloy dahil sa naalala ko.
nagtatakang nilingon ako ni Ela.
"may problema ba Ysha?"
"teka lang Ela. Papasok tayo dito at kakausapin si Mr. Cantilian. pero ano naman ang sasabihin natin? sasabihin ba nating hey Mr. Cantilian, kami nga pala ang mga anak mo! teka, ready ka na ba sa speech mo?"
napatanga naman sya sakin saka umiling. "H-hindi ko rin alam ang sasabihin ko eh." napakamot sya ng ulo.
sabi na eh. I sighed. we're hopeless.
"what if kumustahin muna natin sya?"
napaangat ang kilay nya. "kumustahin? hindi naman natin sya closed eh."
napahawak ako sa baba ko sabay tingin sa itaas at nag isip ng malalim.
"Mmm.. edi diretsohin nalang natin sya?"
"maniniwala kaya sya?"
nagkibit balikat ako.
"Siguro? hindi ko alam."
sya naman ang napabuntong hininga
"edi ipakita natin ang DNA Test result nating dalawa."
"ano namang kinalaman nun sa kanya? eh DNA test nating dalawa yun."
"Edi yung sulat nalang ni Nanay Jenefer?"
napatitig ako sa kanya dahil dun.
"tingin mo... maniniwala kaya sya dun sa sulat?"
"oo? hindi? hindi ko rin alam eh."
napasimangot ako. "ewan ko sayo Ela, ikaw ang nagsuggest tapos di ka rin pala sigurado."
natawa naman sya. "anong malay natin? diba?"
napatango nalang ako sa kanya. wala na kaming ibang dahilan na maisip eh. ito nalang ang huling paraan na naisip namin baka sakaling umepekto kahit papano.
aba! bahala na si batman!
nagdoorbell akong ulit pero this time may biglang nagsalita na mula sa maliit na speaker sa harapan ko.
ayos to ah. high tech. samantalang wala kaming ganito sa bahay. tumitig ako dun sa camera na nasa harapan ko.
"Ano pong kailangan nila?" tinig ng isang babae ang narinig ko. Maid ata to I guess?
pumeke ako ng ubo. "Aherm, nandyan ba si Mr. Cantilian?"
"bakit po? sino po sila?"
"Ako po si Allesha marie Delasen. at may kailangan lang po akong sasabihin sa kanya. can I talk to him please?"
"may appointment po ba kayo sa kanya, Maam?"
anak ka ng fjrkakwgkekd! ba't ang daming tanong nito, hindi naman to Q and A! jusko naman, mahirap bang kausapin ang tatay namin? well, wala pa syang alam tungkol samin pero------ teka, ano ba tong pinag iisip ko.
ipinilig ko ang ulo ko.
nagkatinginan muna kami ni Ela bago ako muling sumagot.
"Umm, wala pero------"
"sorry po Maam pero hindi po tumatanggap ng bisita si Sir dito sa bahay lalo na't wala po kayong appointment sa kanya. kung gusto nyo po, magpareserve nalang po kayo dun sa Company nya."
nanlumo agad ako.
Lintik na Malagkit naman oh! Bakit ba kailangan naming dumaan sa ganitong pagsubok eh kakausapin lang naman namin sya? di naman namin sya kakatayin saka di naman tungkol sa business ang pag uusapan namin! this is personal matter.
"Ysha, Anong gagawin natin?" napatingin ako kay Ela. bakas rin sa mukha nya ang panlulumo katulad ko.
Hay buhay parang life.
lumingon ulit ako sa Camera.
"umm, sige na po please? kailangan po talaga namin syang makausap! Just say my name to him. kilala na nya kami."
"pero Maam may ginagawa po si Sir ngayon."
"Please? Sasabihin mo lang naman sa kanya yung pangalan namin eh"
"pero Maam-----"
"Aby sino yang kausap mo?"
may isang pamilyar na boses ang narinig ko mula sa loob. tinatanong nya ata yung babaeng maid na kausap ko.
"Maam Maria kayo po pala. may babae po kasing gustong makausap ang inyong Ama." sagot naman nung maid na Aby pala ang pangalan.
"talaga? patingin nga!"
rinig ko agad ang pagsinghap ni Maria. sigurado akong nakita na nya kami sa monitoring camera nila. Sana naman papasukin na nya kami. nagmeet naman na kami dun sa mall eh diba?
"omg! Ms. Allesha Marie! hello sayo! ikaw ba yan? oh god! teka, anong ginagawa nyo dito? Aby, ba't di mo sya pinapasok agad?!"
"eh Maam-----"
"Dali! papasukin nyo sila! bilis!"
at yun nga ang nangyari. awtomatik na biglang bumukas ang gate nila.
nagkatinginan kaming dalawa ni Ela sabay ngisi ng matagumpay. Buti nalang talaga at Idol ako ni Maria edi nakapasok agad kami! Haha. May sense naman pala ang pagiging fans nya sakin. Hehe.
sabay kaming pumasok ni Ela sa loob at ganun na lamang ang pagkamangha na namutawi sa mukha namin habang pinagmasdan ang kabuuan ng mansyon nila. Halos malaglag ang panga ko sa nakita.
ang laki! Wow! may malaking fountain sa gitna tapos ang daming mga bulaklak sa paligid. may mga puno ring nakatayo sa bawat gilid at kailangan pa naming maglakad papunta sa bahay nila. Pero floor nila, mamahalin ang tiles kahit nasa labas palang kami. Buhay na buhay rin ang kanilang paligid at sobrang aliwalas dito. ang sarap tumira dito! yaiks!
may mga body guards rin na sobrang dami na nakapaligid sa amin. may mga dala silang Armas at nakakatakot ang kanilang presensya. ang titikas ng kanilang mga katawan at may mga tattoo sila sa balikat. watak-watak silang lahat na animoy nagmamasid sa buong paligid pero agad naming naagaw ang atensyon nila nung dumaan kami sa harapan nila. yung iba sa kanila may mga hawak na Malalaking Aso. tinahulan pa kami nung isa na muntik ko ng ikatalon sa gulat. narinig ko agad ang mahinang bungisngis ni Ela sa gilid ko. loka to.
Agad naagaw ang atensyon naming lahat nung biglang tumakbo papunta sa amin si Maria dala ang isang matamis na ngiti.
"Ate Allesha!" at halos matumba ako nung dambahan nya ako ng yakap.
woah woah. hinawakan nya agad ako sa balikat pagkatapos ng yakap. "Welcome to our House! Anong ginagawa nyo dito? may kailangan po ba kayo sa Amin?"
Napangiti ako ng tagilid. Ang hyper ng babaeng to. napatitig ako sa maganda nyang mukha. at dun ko agad napansin ang kulay abo nyang mga mata. Halata ring may lahi sya, pero magkapareho kami sa shape nito although kulay brown ang mata namin ni Ela at Mr. Cantilian, pero pareho kaming lahat pagdating sa reaksyon ng mga mata. weird ba? syempre, magkadugo kami eh. sigurado akong namana nya ang kulay ng mata sa Ina nito.
"Ah hehe.. Ano kasi... Umm, May sasabihin lang sana ako kay Mr. Cantilian. nandyan ba sya?"
napakunot ang noo nya. " kay Daddy? bakit?"
nagkatinginan kami ni Ela at dahil dun ay napalingon din sa kanya si Maria. At ganun nalang ang gulat na namutawi sa Mukha nya nung mapansin ang pagkapareho namin ni Ela.
napatakip sya ng bibig habang nagpalipat-lipat ang hintuturo sa amin. "Ohmygosh! I didn't know you have twins! paano nangyari yun? As far as i know, Unica hija ka lang diba?"
napakagat labi ako. "Ah hehe kasi ano... Umm," napakamot ako ng ulo. pano ba to? Anong sasabihin ko sa kanya? lintik, alam nya palang nag-iisang anak lang ako ng mga Delasen.
"Ah Hi! Ako nga pala si Eriela May Spinton! Ela for short. Nandito kami para sana kausapin si Mr. Cantilian kung okay lang?" sabat ni Ela sa kanya.
nakahinga ako ng maluwag dahil dun.
nag-aalangang napatango sa kanya si Maria. nasesense nya atang importante at seryoso ang ipinunta namin dito kaya sumeryoso rin ang mukha nya. "A-Ah oo. Sige sumunod kayo sakin."
nagpamauna syang maglakad saming dalawa ni Ela.
Nagkatinginan muna kaming dalawa sabay ngiti ng alanganin bago sumunod kay Maria.
alam kong nagtataka si Maria sa nanggayari at marami syang gustong itanong sa akin pero pinili nalang nyang manahimik. mabuti nalang din yun.
pumasok kami sa loob ng mansyon at napanganga na naman kami sa ganda nitong loob nila. Ang laki at ang ganda ng chandeliers nila na mukhang mamahalin. ang dami ring paintings ang nandito at mga Mukha ni Maria saka ni Mr. Cantilian ang nakadikit sa Bawat pader. carpented pa ang floorings nila.
dumiretso kami sa sala At pinaupo nya muna kami.
"Umm, Anong gusto nyo inumin?"
nagkatinginan kami saglit ni Ela. "Juice nalang sakin." sabi ko.
"Ganun din sakin."
tumango si Maria. "Sige. Ante Ema Pahingi po ng juice!" tawag nya sa katulong saka bumaling sya sa amin. "tatawagin ko lang si Daddy."
ngumiti kami sa kanya bilang pag sang ayon.
umalis sya at naiwan naman kaming dalawa ni Ela. "So, Magkakilala pala kayo nun?" tanong nya sa akin.
napakagat labi ako. " Oo. nagkita kami sa Mall."
napakunot ang noo nya. "Ibig sabihin, Sya ang isa pang Anak ni Papa?"
nag-aalangan man ay tumango nalang ako.
halata ang gulat na namutawi sa mukha dahil dun. napatakip pa sya ng bibig.
"I-Ibig sabihin, K-kapatid natin sya?!"
"Sinong kapatid?" Bigla kaming napalingon sa nagsalita.
Bumungad agad sa amin ang nagtatakang hitsura ni Maria. Medyo nakakunot ang noo nya at curious na curious.
kinabahan ako bigla. pakiramdam ko nabuking kami sa isang kasalanan jusmiyo. bakit kasi ang bilis naman nyang bumalik?
"A-Ah hehe k-kami! M-magkapatid kami!" palusot ko pa.
"Ahh.."- napatango-tango naman sya saka umupo sa kaharap naming sofa. tinitigan nya kaming dalawa ni Ela.
"So, magkapatid nga pala talaga kayo. pero bakit ikaw lang ang pinakilala ng mga magulang mo bilang Anak? Hindi ko alam na may kakambal ka pala ate Allesha. isinekreto ba ng mga magulang mo si Ate Ela?" nalintikan na.
ito ang nangyayari kapag hindi ko pinag iisipan ang sasabihin ko. pero shems! bakit ang sarap sa pakiramdam na tinawag nya kaming Ate?
"Nope. There's a mistake in your sentences, Princess." lahat kami napalingon sa gawi kung saan Prenteng nakatayo si Mr. Cantilian habang ang isang kamay ay nasa bulsa at ang isa naman ay may hawak na Papel. His cold eyes still the same. No emotion. at hindi parin nagbabago ang nakakapanindig balahibo na presensya nya.
parang gusto ko tuloy tumakbo nalang palabas. hindi talaga ako komportable sa kanya kahit pa sya ang Ama namin.
"Daddy.. what do you mean?" tanong naman ni Maria sa kanya.
lumingon sa aming dalawa ni Ela si Mr. Cantilian (na syang ikinailang ko) saka umupo sa single sofa na katabi lang ni Maria bago muling balingan ang anak. "Tapos na ba ang Project mo?" tanong nya sa anak imbis na sagutin ang tanong nito.
"Yep! Thanks you by the way. Your help makes it easier! youre the best Dad!"- at saka kumindat si Maria sa kanya. Tinanguan naman sya ni Mr. Cantilian saka ginulo ang ulo nito.
"Good."
napalingon ako bigla kay Ela. At tama nga ako, inggit ang nababasa ko sa mukha nya habang nakatitig sa mag-ama na nasa harapan nya. Oo alam ko. nararamdaman ko, na gustong maranasan ni Ela ang pakiramdam ng pag-aalaga ng isang Ama sa kanya. Sadness is visible in her eyes. nakaramdam agad ako ng awa sa kanya kaya naman Napaiwas nalang ako ng tingin.
"So, Ate Allesha anong sasabihin nyo kay Daddy?" tanong ni Maria.
dahil dun ay agad na nagtama ang paningin namin ni Mr. Cantilian. pero nakakapagtaka dahil may emosyon ang kanyang mga mata ngayon na di ko malaman kung ano. Napaiwas agad ako ng tingin.
"Aherm. uh, Ahm.. A-ano.. kasi.." shems! Paano ko ba ito sisimulan? yung maayos at hindi nakakagulat?
napatingin ako kay Maria. She's waiting for an answer. si Ela naman tinanguan ako. at hindi ako lumingon kay Mr. Cantilian dahil kinakabahan ako. Shems! kaya mo to allesha! kaya mo to! makapal mukha mo diba? fighting!
"K-Kasi A-ahm, Ana------" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil natigilan na ako nung biglang lumitaw ang isang matamis na ngiti na nanggaling sa labi ni Mr. Cantilian habang nakatingin sa amin.
"Welcome Home, My Childrens."
Halos lahat kami nalaglag ang panga dahil sa sinabi nya. Kung nagulat kaming dalawa ni Ela sa sinabi nya Higit na mas nagulat sa kanya si Maria.
Anak ka ng mama mo! teka, tama ba ang rinig ko? hindi ba ako nagkamali lang? talagang sinabi nya yun!? Ibig sabihin, alam nyang Anak nya kami?!
kelan pa!?
He sighed. "Alam kong lahat kayo ay nagtataka, lalo ka na Maria. But, Eriela May and Allesha Marie is my daughter. they are your elder sister, princess."
mas lalo kaming nagulat dun. Para kaming naestatwa sa sinabi nya. like seriously?!
napasinghap si Maria. "ohmygosh! daddy, what the hell are you talking about?! nagbibiro ka ba? this is not funny dad!" She hissed.
"Princess, listen. I'm telling the truth. I'm sorry I didn't tell you."
parang nanghina si Maria sa narinig. Napasandal pa sya sa sofa at gulat na gulat na napalingon sa aming dalawa ni Ela. Yung mukha nya, pulang-pula na. Yung mga mata nya parang maiiyak na ewan? ang bilis rin ng paghinga nya.
"I-Impossible.."
Tae! naguguluhan ako sa nangyayari! Alam ni Mr. Cantilian na anak nya kami pero wala man lang syang ginawa?! parang tinusok ang puso ko sa naisip.
Gusto kong magsalita pero parang nablangko ang utak ko.
"I'm sorry Princess. Here, read this." iniabot ni Mr. Cantilian ang papel na hawak kay Maria.
at kahit nagtataka ay binuksan at binasa nya ang nakasulat dun sa papel. hindi ko alam kung anong meron sa papel na yun pero Sapat na ang mga reaksyon ni Maria para malaman na tungkol sa amin ang nakalagay doon.
"What the heck?!"- hindi makapaniwalang utas nya sabay lingon sa Ama. Nagsimula ring mag-unahan ang mga luha sa mata habang binabasa ang lahat ng nakasulat.
jusme! ano bang meron sa papel na yan!
"D-Daddy... w-why did you lie to me? Shems! parang nananaginip ata ako! Lintik!" Tumingala sya at pinunasan ang luha sabay Lingon samin. "Is this the reason why you came here?"
hindi ako nakasagot. hindi dahil sa totoo ang sinabi nya kundi dahil nagulat rin ako sa nalaman ko. All I could Do is to stared at them. I don't know what to say.
"Answer Me!" Singhal nya dahilan para makakurap ako.
"M-Ma------"
"A-Alam mo po?!" napalingon kaming lahat kay Ela nung magsalita ito. Yung mukha nya pulang-pula at nagbabadya na ang mga luha sa mata habang nakatitig kay Mr. Cantilian na tinanguan lang sya. Nanghina sya dun. "B-Bakit di nyo Agad s-sinabi sa Amin?"
napabuntong hininga si Mr. Cantilian, pero yung mga mata nya nababasa ko ang kalungkutan at pagsisisi. My heart ached seeing him like that.
"I'm sorry Ela hindi ko agad sinabi sa inyo. kamakailan ko lang din nalaman ang tungkol sa inyo."
"K-Kelan pa?"
"wait...Naguguluhan ako. ano bang nangyayari?" singit ni Maria. "Akala ko ba----" natigilan sya at napatitig sa amin. "Shems! I think I'm going crazy!" napahilamos sya sa mukha nya at napasandal sa sofa.
Nilingon naman sya saglit ng Ama bago ito bumaling kay Ela at bumuntong hininga.
"Nung sinabi mong Tita mo si Lizana ay nagkaroon ako ng kutob na may mali. kaya naman pinaimbistigahan ko agad ang tungkol sa inyo at dun ko agad nalaman na nagpa-DNA test kayong dalawa ni Allesha. positive ang naging result ng DNA Test nyo. nalaman ko rin na pinaiimbistigahan ni Allesha ang tungkol sa pagkamatay ni Lizana and that lead you to me." paliwanag ni Mr. Cantilian
lahat kami ay nagulat sa sinabi nya. sabay-sabay rin ang pagsinghap namin.
N-nalaman nya ang tungkol sa pagpapa-imbistiga ko...??
"W-what...."
pakiramdam ko tuloy nahuli ako sa akto. oh gosh!
"Alam ko nagtataka kayo kung bakit ako ang naging Ama ninyo. at kung bakit ngayon nyo lang nalaman, dahil ngayon ko lang din ito nalaman." he sighed then continue. "Nagkamali ako dati. Pinalayas ko si Lizana sa pag-aakalang tinraydor nya ako. buntis sya nung mga panahon na yun at akala ko Ibang tao ang Ama ng dinadala nyang bata sa sinapupunan. Pero nalaman ko na she was being blackmailed just to protect me. kaya naman hinanap ko agad sya pero hindi ko sya mahanap. Its like someone is Hiding her from me kaya naman di ko sya makita. at tama nga ako dahil isang araw may nagpadala ng litrato sakin. at sa loob ng litratong iyon ay ang mukha nyang puno ng dugo. galit na galit ako nung mga panahon na yun kaya naman agad kong pinuntahan ang lugar kung saan sya dinakip. no one has the right to touch her! but i was too late... Dahil pagkarating ko dun, wala na sya sa lugar. pero yung taong dumakip sa kanya ay nandun at inabangan ako kaya naman nagkaroon ng gulo. I ask him where is Lizana pero ang sinabi nya pinagsasaksak nya na ito ng kutsilyo sa katawan at binaril bago patakasin dahil alam nilang hindi na sisikatan ng Araw si Lizana. He even said to me na pinatay nya rin ang bata na nasa sinapupunan ni Lizana kaya galit na galit ako. dahil sa pag-aakalang pinatay nya ang anak namin ni Lizana ay pinatay ko rin sya at hinanap si Lizana. but I was too late. dahil nung matagpuan ko sya, wala na syang buhay. She's already dead and Jenefer is so mad at me. Hindi nya ako hinayaang makalapit kay Lizana. Even on her burial hindi ako nakapunta. Sinisisi nya ako sa pagkamatay ng kapatid nya. at ayos lang sakin yun dahil kasalanan ko naman talaga."
"nang dahil sakin, nawala ang mga taong mahalaga sa akin. yung Taong nagpapasaya sa akin at yung anak ko na hindi ko nagawang iligtas. I even blamed myself. Akala ko namatay kayo kasama si Lizana kaya tumigil na ako. I am even broken hearted that time. I am wasted. sising-sisi ako sa nagawa ko. Sa sobrang pagkasisi ay hindi ko nagawang dalawin sa puntod si Lizana, not even once or twice. thats why I decided to stay abroad and move on. dun ko nakilala ang Nanay ni Maria and then we got married. pero namatay rin ito after giving birth to her. Bumalik kami dito after so many years. And then I've met Allesha. The first time I saw you I felt something strange. nung makita kita You reminded me of her pero ipinagsawalang bahala ko nalang dahil alam ko sa sarili ko na wala na si Lizana at ang anak namin. but Ela came into the picture and introduced Lizana as her aunt and Jenefer as her mother. dun ako nagtaka. dahil alam kong walang naging asawa at anak si Jenefer. kaya pinaimbistigahan kita at dun ko nalaman ang totoo." napabuntong hininga si Mr. Cantilian pero yung buong mukha nya ay pulang-pula at ramdam ko ang pagsisisi sa boses nya.
"I'm Sorry... I'm sorry hindi ko kayo nailigtas Mga anak. I'm sorry dahil hindi ko nagawang iligtas ang Nanay nyo. Patawarin nyo ako...Maiintindihan ko kung galit kayo sa akin ngayon."
napayuko sya after at nag-igting ang panga. Kitang-kita ko rin ang paglandas ng mga luha sa pisngi nya na syang hindi nya pinahid.
hindi ko magawang magsalita. all i could do is to stared at him. I'm on the process of understanding his reason.
wala akong maramdaman na kahit ano sa sinabi nya. Hindi ako nakaramdam ng galit at lungkot, hindi rin ako masaya. hindi ako naiiyak. My feelings were blank. like theres no emotion on it. pero hindi ibig sabihin nito ay galit ako. its just that wala akong maramdaman na kahit ano. Siguro awa? oo meron pa pero the rest? wala na.
hindi ko alam kung ilang minuto kaming tahimik lahat pero nagulat nalang ako nung biglang tumayo si Ela at tinakbo ng yakap si Mr. Cantilian na syang ikinagulat nya pero napangiti rin naman agad at dinama ang yakap ng Anak.
"P-Papa! Ikaw ang papa ko!" iyak ng iyak si Ela sa mga bisig nito. hindi ko mapigilang hindi makaramdam ng tuwa sa Nakikita ko ngayon. Finally, Nayakap na rin ni Ela ang Ama nya.
"D-daddy..." napalingon kaming lahat kay Maria nung tumayo ito at dahan-dahang lumapit sa kanila. Yung mga luha sa mata nya ay nag-uunahan na naman.
maya-maya pa ay nakijoin na rin sya sa yakapan nila at humagulhol. "You're so bad, Dad! why didn't you tell me about this matter? hindi mo ba alam kung gaano ako kalungkot na walang Kasamang Nanay at kapatid? you know how much I want to have siblings!"
mas lalong nagsisi si Mr. Cantilian sa sinabi ni Maria. "I'm so sorry my princess."
"nakakainis ka Daddy, Alam mo yun?! bakit di mo sinabi sa akin ang tungkol sa taong minahal mo? ang daya! gusto kong magalit sayo Dad pero hindi ko kaya. lalo na't alam kong nasasaktan ka parin sa nangyari sa First love mo!"
"I'm sorry." di ko maiwasang hindi makaramdam ng tuwa lalo na nung makita ko ang mga luha sa mata ni Mr. Cantilian. sinong mag-aakala na sa likod pala ng nakakapangilabot at nakakatakot na presensya ni Mr. Cantilian ay may ginintuang puso pala at mapagmahal na Ama?
He even cried infront of her daughter. infront of us. Bihira ang mga ganitong klase ng Ama. At dahil dun, tuluyang nawasak ang pader na itinayo ko para sa kanya.
"A-And now.. Malalaman ko nalang na may kapatid pala ako. Hindi lang isa kundi dalawa pa! hindi ko tuloy alam kung matutuwa ba ako o ano, knowing the fact na Idol na Idol ko si Ate Allesha! nakakahiya yun daddy alam mo ba?! nakakainis ka naman eh!"
hindi ko maiwasang hindi mapabungisngis ng tawa sa inasal at sinabi ni Maria. ang cute kasi ng pagmamaktol nya. miski si Ela ay hindi mapigilang mapaiyak-tawa sa kanya. ganun din si Mr. Cantilian dito.
"Oh my princess, you don't have to be shy."
"Ewan! pinagtatawanan nyo pa ako! kainis ah! damn! this is so embarrassing!" sabi nya sabay lingon sakin, at dahil nahuli nya akong nakatitig sa kanya ay agad syang yumakap kay Mr. Cantilian at isiniksik ang ulo sa leeg nito na parang batang takot mawalay sa Ama. Edi dalawa na sila ni Ela na nagsusumiksik sa leeg ng Ama.
how cutee...
Nagkatinginan kami ni Mr. Cantilian at dahil hindi na ako nailang sa titig nya ay napangiti nalang ako saka tinanguan sya. Sinuklian nya rin ako ng ngiti pero nandun parin ang pagsisisi sa mata nya. he even mouthed me 'I'm sorry.'
"P-Papa.." napalingon kami kay Ela.
"Yes my Other princess?"
"D-did you accept Us as your daughter?" she has this hopeful eyes.
napalambot ang ekspresyon ni Mr. Cantilian sabay ngiti sa kanya.
"Ofcourse. Simula nung pinagbubuntis kayo ng nanay nyo hanggang ngayon ay Anak parin kita at hindi mawawala ang pagmamahal ko sa inyo kahit ngayon lang tayo nagkita."
napangiti si Ela dun. " pwede rin kitang tawaging Papa?"
natawa si Mr. Cantilian at ginulo ang buhok nya. "Oo naman!"
"t-talaga po?"
"yes."
the next thing I know, ay isang maingay na palakpakan at dun naagaw ang atensyon namin ng mga taong pinaliligiran kami ngayon. they are smiling at us from ear to ear, they are also shouting in rejoice. Its like they are all happy for us.
Shemas! dun lang pumasok sa isip ko na nasa sala pala kami at naririnig ng lahat ang pinag-uusapan namin! nakita din nila ang kadramahang nangyari kani-kanila lang. nakaramdam naman agad ako ng hiya. Buti nalang talaga at di ako nagdrama dito kaya may mukha pa akong ihaharap sa mga tao. Haha.
***
Alas Nuebe ng gabi. At heto nga ako, Nagmamasid dito sa Veranda ng bahay ni Mr. Cantilian, or should I say.. papa? Mr. Cantilian insisted na tawagin ko na daw syang papa kaya naman yun ang ginawa ko.
Kanina, after ng maladrama na eksenang ginawa namin ay puro bonding na ang nangyari. Si Ela at Maria nakikipagkulitan at tawanan kay Papa samantalang pinagmamasdan ko namang silang tatlo. And I feel so happy upon seeing them, especially Ela having a bond by our father. Dream come true to para sa kanya. I made her A promise before na kapag nakilala nya ang papa namin ay makakabonding nya ito and thats what happened earlier.
pinakilala rin agad kami ni Papa sa mga tauhan nya dito sa bahay and they were all Happy about it. They Welcomed us here. nahiya nga samin si Aby eh, yung maid na kausap ko bago kami papasukin dahil anak pala kami ni Mr. Cantilian. puro sorry sya kanina kaya naman tinawanan ko nalang sya. wala naman na kasi sakin yun.
sabay-sabay rin kaming kumain ng hapunan at heto kami ngayon, nandito parin. Gusto kasi ni Maria na dito na kami matulog para daw makabonding pa kami. Pero sa aming tatlo, Mas dikit si Maria kay Ela dahil nahihiya daw sya sakin lalo na't Idol nya ako tas kapatid pa. Hindi nya daw matanggap na ganun ang nangyari kaya naman tinatawanan ko lang sya. Adik kasi, ano naman ngayon kung Idol nya ako tas kapatid kami?
pero masaya parin kami dahil sa wakas, Nahanap na namin ang totoo naming magulang. hindi lang yun, nakasama pa namin ngayon at tanggap agad kami unang araw palang. Miski si Maria masaya dahil sa nalaman. may iba kasi dyan na magagalit at hindi matatanggap na may iba pa palang anak ang kanilang magulang, pero sya... Ang bait ni Maria.
at wala na akong poproblemahin tungkol dun dahil maayos na.
Ang tanging problema ko nalang ngayon ay kung paano ko sasabihin kay Mommy at Daddy ang tungkol dito. natatakot kasi ako sa magiging reaksyon nila sa oras na malaman nila ito. hays. Isa pa palang iniisip ko. Ang pagiging Mafia Boss ni Papa. hindi nya alam na may alam kami ni Ela tungkol dun. at yun ang isa ko pang dapat alamin. I must talk to Ela regarding this matter ASAP.
napabuntong hininga ako at muling pinagmasdan ang paligid. Kahit gabi na, ang aliwalas parin ng paligid. maraming mga ilaw sa labas at loob na talaga namang ang ganda sa paningin. Marami ring mga lalaki ang nagbabantay sa paligid. ang dami pala talagang security ni Papa.
hays. konti nalang at magiging maayos narin ang lahat.
buti nalang din talaga at wala sa bansa si Mommy at Daddy kaya pwede akong matulog dito.
"Bakit di ka nakikipagbonding sa Mga kapatid mo?" napalingon agad ako kay Papa nung tumabi sya sa akin.
humawak sya sa railings at pinagmasdan rin ang paligid.
"nagchichikahan po kasi sila sa loob kaya di na po ako nakisali." magalang na sagot ko.
natawa naman sya sa sinabi ko kaya naman mas lalo akong naamazed. hitsura lang naman pala ang nakakatakot sa kanya. marunong naman pala talaga syang tumawa.
"bakit ayaw mo makisali?" tanong nya.
"maingay po kasi."
he eyed me. "maingay? so you want piece of mind?"
I nodded.
"may iniisip lang din po ako." sabi ko sabay tingin sa paligid. shems. ang lamig pala dito.
"mind sharing me whats on your mind?" napalingon ako sa kanya dahil dun sabay iling.
"Bawal po sabihin. hehe."
He arched his Eyebrow. "why?"
"its confidential."
napatango-tango naman sya, tila naiintindihan nya ang sinabi ko . "I see."
isang malaking katahimikan ang sumunod na nangyari. Hindi naman awkward sa pakiramdam, sadyang dinadama ko lang talaga ang katahimikan.
bigla ay may naalala ako. kaya naman muli akong humarap kay Papa.
"Umm, p-paano nyo nga po pala nalaman na nagpaimbistiga ako?"
napalingon naman sya sa akin sabay ngiti. At ngayon ko lang narealize na parehas kami ngumiti. "I told you, Pinaimbestigahan ko rin kayo."
natawa ako dahil dun. "mag-ama nga po siguro tayo. mahilig mang-imbestiga eh."
natawa rin sya. "Yeah, Agree."
isa na namang katahimikan ang bumalot sa amin. at dahil nga sobrang curious ako ay di nako nakapagtiis.
"Papa?"
he look at me. "Yes?"
"p-pwede ko po bang malaman kung paano kayo nagkakilala ni Mama?"
napangiti naman sya dun sabay iling. "sabi ko na nga ba't itatanong mo yan."
nagkibit balikat ako.
"well?"
He sighed and looked away.
"19 years ago, I met your mother. She's looking for a job before and I am also looking for a personal maid. You know, Kadarating ko lang nun galing Russia. And I'm desperately looking for a Maid. Isang araw, habang nagdadrive ako biglang may isang babae ang tumatawid sa kalsada. At dahil sa lakas ng pagpapatakbo ko ay muntik ko na syang masagasaan. At hindi nya pinalampas yun kaya naman kinatok nya ako at kung anu-ano na ang pinagsasabi. nasaktohan pang nagmamadali ako nung mga oras na yun at wala akong time makinig sa mga rants nya ay kinaladkad ko sya papasok sa kotse at dinala sa pupuntahan ko."
natawa agad ako sa kwenento nya.
"Seryoso?!"- jusme! hindi ko alam na ganito pala ang first meeting nila ni Mama. Ang cute kahit epic! nakakakilig!
"yeah. Your mother insulted me and such kaya naman sa inis ko ay hinalikan ko sya. that made her shock though. Yun kasi ang unang beses na may nagsalita sakin ng Pangit, Bobo, bulag at Mayabang at hindi yun matanggap ng Sistema ko. gusto kong maghiganti sa kanya kaya naman I hired her As my personal maid. Sa una nagmatigas pa sya pero kalauna'y sya na rin ang pumunta sa bahay and Introduced herself as my Maid. and our lovestory starts there. Hanggang sa mabuo kayo ni Ela."
napangiti ako ng sobrang lawak. ayiee sana all katulad ng love story nila! hihi. pero wait..
"sabi sa nalaman ko pusong bato ka po at mahirap lapitan. how did you and mother ended up inlove to each other?"
napangisi sya dun. "your mother is unpredictable and unbelievable. sa dami ng mga taong takot lumapit sa akin, sya lang ang naglakas loob na labanan ako at hindi natatakot na lumaban. lagi nya akong binabara kapag kinakausap at pinapagalitan kapag may mali akong ginawa na para bang sya ang nanay ko. I hate your mother so much before kaya naman pinapangako ko sa sarili ko na pahihirapan ko sya pero hindi yun nangyari dahil namalayan ko nalang isang araw na mahal ko na ang mama mo."
namangha naman ako sa hiwaga ng kanilang kwento. "Wow!"- was all I could say.
Talagang kinikilig at namamangha ako sa kwento nilang dalawa. ngayon ko lang alam to. Who would have thought, Na ang dating hindi magkasundo ay na-inlove sa isa't isa? Nicee!!
sarap gawan ng kwento! hihi.
"How about you my dear Princess? Do have any boyfriends right now?"
ako naman ang agad na umiling sa tanong nya. "nope. I'm still waiting for the right man."
napangiti naman sya sabay tango. "good. cuz I don't want any man go near you."
natawa agad ako. "What?! Hahaha!"
"I'm serious, Allesha. kailangan muna nilang dumaan sa kamay ko bago sila makalapit sa yo at ligawan ka."
napanguso nalang ako pero natatawa parin. "Mukhang dalawa na ata kayo ni Daddy ang poprotekta sakin. Hays, Puro strict pala ang mga Magulang ko when it comes to Courting." sabay iling.
napangisi lang sya sa sinabi ko.
"So Mr. Delasen also strict when it comes to your suitor huh?" I just nodded then smile. "They were all lucky to have you as their daughter."
"No. I am the lucky one to have them as may Parents. they treat me as a real daughter. they gave me the love that I need and guide me in every way." I explained. "dahil po sa kanila, lumaki akong nasa maayos na kalagayan at nakukuha ang gusto. Pinakain nila ako, binihisan at pinag-aral. kung hindi dahil sa kanila, malamang iba po ang takbo ng buhay ko ngayon. I'm so blessed to have them in my life."
There's a long silence after that. He looked away then sighed. ako naman ay tinitigan ang reaksyon nya. kahit naka-sideview sya ay kitang kita ko ang sakit at inggit sa mga mata nya.
parang nagsisi tuloy ako sa sinabi ko.
Shemas, may mali kaya sa sinabi ko? Pero sinabi ko lang naman yung naranasan ko diba?
kaya walang mali. I'm just being honest.
hays, pero still. nasaktan ko parin ang ego nya as a father. But atleast alam nyang maganda ang trato sakin ng magulang ko.
"You know what, I envy them for having you.. nakita nila ang paglaki ninyo. nakita nila kung paano ka umiyak at tumawa. they were on your side when you needed a parents. nasaksihan nila ang pagdadalaga ninyo." I can Feel the sadness in his voice kaya naman napabuntong hininga ako.
"Papa..."
humarap sya sa akin Saka ngumiti pero hindi abot sa mga mata nya.. "But its okay.. Dahil maayos naman ang buhay mo ngayon. dun palang panatag na ang loob ko."
napangiti ako sa kanya dahil dun. "pwede pa naman po nating gawin yung mga bagay na di natin nagawa."
"yeah, and I am looking forward to that."
tumango nalang ako saka ngumiti. "tara na po sa loob?"
"yeah lets go. I'm sure your Sisters are waiting for Us."
at sabay naming tinungo ang kwarto kung saan nagkukwentohan ang dalawang kapatid ko.
**/*/*//**/*/**/*/***/***
unedited...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top