Ghost 67
ghost 67:
ilang linggo ang lumipas at sa loob ng mga linggong iyon, marami na ang nangyari.
unang-una na dyan ang pagkilala ni Jimnet at Ela sa isa't isa. nung una, gulat na gulat si Jimnet habang tinitignang mabuti si Ela. bawat parte ng mukha ay dini-discribe nya habang papalit-palit ang tingin nya sa akin at kay Ela. masasabi kong mukha syang tangga nung mga araw na yun. buong maghapon kasi kaming magkasama at walang minuto na hindi sya tumitingin kay Ela and that creeps me out. naku kung hindi ko lang sya kilala at kaibigan mapagkakamalan ko syang tibo at may gusto kay Ela. buti nalang din at parang may pagkamanhid tong isa dahil hindi nya napapansin ang panunuri sa kanya ni Jimnet. sa unang bonding namin medyo iwas at awkward si Jimnet at Ela sa isat isa. pero makalipas lang ang ilang ang araw ay nagulat nalang ako na mas closed pa silang dalawa kesa sakin. Nakakaselos minsan ah lalo na't madalas na pala silang maghang out ng di man lang sinasabi sakin. at talagang proud pa syang kinukwento kay Ela at pagkagusto nya kay Kel. at mukhang nakakuha na sya ng kakampi sa mga kalandian nya sa lalaki dahil suportang-suporta naman ang inosenteng kambal ko. yes, I called her my kambal. bad influence talaga tong si Jimnet.
at sa nakalipas rin na linggo na yun ay Marami ng tao ang napagkakamalan kaming magkadugo dahil nga sa magkamukha kami. karamihan sa mga kakilala ko na nakakakita samin ay nagugulat at sinasabihan akong may tinatago pala akong kakambal. yung iba naman napagkamalan si Ela'ng ako. kung di lang dahil sa magkaiba kami ng get up ay talagang akong-ako sya. hays, konti nalang talaga at makukumbinsi ko na ang sarili kong kakambal ko nga si Ela.
madalas ko na rin syang ihatid sa bahay nila ng Amo nya. at may one time pang naabutan ko syang sinisigawan ng Anak ng Amo nya na si Erica. kaya naman sa inis ko ay nakialam na ako. pinagtanggol ko si Ela laban kay Erica. at first, nagulat ang babae nung makita ako. of course, sino ba namang hindi magugulat kung may makita kang taong kamukhang-kamukha mo. kaya naman dahil dun inakusahan nya si Ela ng kung ano-ano tungkol sa kin na talaga namang hindi kaaya-aya sa pandinig ko. at hindi ako nakapagtimpi dun kaya pinatulan ko ang babae. I told her something na hindi nya dapat sinasabi sa kaibigan ko. I even warned her na kapag hindi nya itinigil ang pang-iinsulto at pagmamaltrato ng mali kay Ela ay ipapatanggal ko ang Napakaliit na Business nila. At talagang matigas ang babae dahil hindi sya naapektohan sa banta ko. ako pa mismo ang Binantaan nya at ininsulto kagaya ng ginawa nya kay Ela. she even questioned my name and my family's Businesses. kaya naman nung binanggit ko ang pangalan ng pamilya ko ay awtomatikong namutla ang buong mukha nya. well, dapat lang syang matakot sakin. dahil hindi naman ata lingid sa kaalaman ng malanding babaeng ito na kayang-kaya kong ipabagsak ang Restaurant nila. Ako palang ang magpapabagsak, pa'no pa kaya kapag nakialam ang magulang ko? siguradong sa kalsada ang pupulutin nila. pero dahil may awa naman ako sa ibang tao ay hindi ko gagawin yun. hindi naman ako ganun kasamang tao.
kaya naman binantaan ko ulit syang wag na wag uulitin ang mga pagmamaltrato nila sa mga katulong, lalo na kay Ela kung ayaw nyang totohanin ko ang pagpapabagsak ng Business nila. well, wala naman talaga akong balak na gawin yun sadyang tinatakot ko lang sya para di na aawayin si Ela. After that incident, todo Thank you sakin si Ela. at todo iwas naman sakin si Erica, hindi ko narin nababalitaan ang pang aaway nya kay Ela. well, mukhang natakot nga ata sya sa banta ko. aba dapat lang! every sunday rin ay sinasama ko si Ela na magsimba kapag wala ang parents ko. AT! Isa sa mga bagay na hindi ko makakalimutan sa nakalipas ng linggo ang pagbabagong anyo ni Ela. Minake-over ko sya. Pinagamit ng beauty products, Binilhan ng mga classy na damit, at make up kit. I even change her Hair style at tinanggalan sya ng Sobrang kapal na eyeglasses at pinalitan yun ng contact lens. sobrang saya ko nun at sobra akong namangha nung makita ko ang bagong hitsura ni Ela. Hindi talaga ako makapaniwala sa nakita ko nun. Ang laki talaga ng pinagbago nya. napanganga pa nga ako ng ilang segundo nun bago sya Purihin eh. I felt proud of myself dahil nabago ko ang hitsura ni Ela. miski si Jimnet, natulala sa pagbabagong anyo ni Ela. napagkamalan pa nga nya itong ako eh dahil yung mga suotan ni Ela ay katulad ng sakin. She even said to me mukhang totoong kambal ko si Ela dahil Kahit ang postura naming dalawa, parehong-pareho. kinulit nya rin akong MAGPA-DNA test baka daw si Ela ang nawawala kong kapatid. kung hindi lang daw sa magkaiba ang ugali namin malilito na sya. Crazy Jimnet. hinayaan ko nalang sya sa mga pinagsasabi nya.
and of course, tinuruan ko ring lumaban si Ela sa mga taong umaapi sa kanya. nakita ko kasi one time na binubully sya ng mga lalaki nung sinundo ko sya sa School nila para sana magbonding kami. Sobrang inis ko nun lalo na nung marinig kong pinagsasalitaan sya ng masasakit na salita na kesyo pangit daw sya, mahirap, walang mararating sa buhay at kung Ano-ano pang panlalait na talaga namang nakakainis. At dahil dun, pinrotektahan ko si Ela laban sa mga bullies. at gaya nga ng inaasahan, Nagulat na naman ang mga tao nung makitang magkamukha kami. Pero thats also the reason kung bakit binago ko ang hitsura ni Ela. Iyan din yung isa sa reason kung bakit ko tinuruan mag-judo si Ela at maging matapang. si Jimnet naman ang nagturo sa kanya kung paano sumagot ng sarkastiko sa kaaway at mambara ng mga tao. sya na rin ang nagturo dito sa mga kaharutan at sense of humor na talaga namang hindi bentang-benta sakin. hindi naman kasi nakakatawa ang mga biro ni Jimnet. pero matalino nga talaga si Ela at halatang fast learner dahil ang bilis nyang makaadopt at matuto sa mga tinuturo namin sa kanya, although self-defenses ang tinuro ko sa kanya at Bad influence naman si Jimnet. nagtataray pa kapag kinokontra ko ang mga tinuturo nya kay Ela pero kapag mga sikat na bully naman ang kaharap nya dito sa Campus, tiklop sya at ako pa ang tinutulak para harapin ang mga hambog na mayayabang sa Campus. may saltik talaga tong kaibigan ko. Samantalang si Ela, ayun nahawaan na nga ata ng mga masamang traits ni Jimnet dahil lagi na nya kaming pinagtatawanan kapag nagtatalo. as if may nakakatawa sa ginagawa namin. kahit pa nga magpatayan na kami ni Jimnet tatawanan lang nya kami. How bad!
at sa nakalipas na linggong iyon ay natuto na ring lumaban si Ela laban sa mga bully. nasaksihan ko mismo yun one time nung dinaanan ko sya sa campus nila. nakita ko kasi sya sa gilid ng highway kasama ang tatlong babae na halatang inaaway sya. may sinabi sya dito na mukhang nakakaoffense dahil biglang sumama ang timpla ng mukha nung babae. Nakakuyom ang mga kamao nito at mukhang sasampalin nya na si Ela. at dahil nasesense ko na masasaktan si Ela ay lumabas ako ng kotse para mangialam
sana kaso naka isang hakbang palang ako nung sinampal ng babae si Ela pero bago pa ito tumama sa mukha nya ay nagawa nya itong salagin at nanggigigil na itinulak palayo ang babae kasama ang dalawang kasama nito. nagulat ako sa nakita ko. Wala kasi akong mababakas na takot sa hitsura nya kundi iritasyon sa mga babaeng kaharap nya. pero mukhang mas nagulat ang mga babaeng kaaway nito sa ginawa nya. nakanganga sila na para bang ibang bersyon na Ela ang nakikita nila.
and then, Ela said something to them na nakapagpangiti sa akin bago sya tawagin at niyayang umalis. bago sya lumapit sakin, pinagbantaan nya ulit ang tatlong babae na ngayon ay nakanganga ang mga bunganga habang nagpalipat-lipat ang tingin samin. nung makaalis kami sa lugar na yun ay Kinongrats ko sya sa ginawa nya. she felt proud of it. at dahil dun ay tinreat ko sya ng burger. tuwang-tuwa naman sya. sobrang saya ko kasi sa nakalipas na linggo ay mas naging closed kami sa isa't isa at mas lalo pa namin nakilala at nalalaman ang mga gusto namin sa buhay. She Even told me About her mother na namatay dahil sa sakit sa puso. nalaman ko rin na wala syang tatay na kinalakihan. nakaramdam ako ng awa sa kanya dahil dun kaya naman mas lalo ko syang pinahalagaan at tinuring na parang sariling kapatid ko na. I made her special. syempre tsini-check ko rin ang ganap nya sa bahay ng Amo nya. so far, wala naman akong nabalitaang masama kaya panatag na ako dun.
ako na rin ang tumayong tatay at nanay nya kasi nga wala na syang mga magulang eh. ginagawa ko sa kanya ang mga ginagawa sakin mga magulang ko.
and oh speaking of which, hanggang ngayon wala parin akong nakukuhang report mula sa Inihire kong mag-imbistiga tungkol sa biological parents ko. pero umaasa pa rin akong mahahanap ko pa rin sila someday. sana nga lang hindi pa ako huli. marami pa akong gustong malaman tungkol sa biological parents ko eh.
at hanggang ngayon, sinisekreto ko parin sa mga magulang ko ang tungkol sa paghahanap ko sa totoong magulang ko. at mas lalo namang hindi ko sinabi sa kanila ang tungkol kay Ela. Ewan ko ba, madali lang naman ipakilala sa kanila si Ela as my twin friend pero hindi ko magawa. may nararamdaman akong takot na hindi ko maipaliwanag. or Am i just overthinking? basta, hindi pa ako handang ipakilala sa kanila si Ela lalo na't kamukha ko talaga ito. baka magfreak out sila kapag nakita nila ito.
pero masaya parin naman ako dahil patuloy lang akong tumutulong sa mga tao. Masaya ako bilang isang Volunteer. At mas masaya ako dahil nagdodonate rin ako ng financial budget sa mga tao. may mga charity rin kasi kami ng family ko. pero hindi ko naman kinukuha ang pera sa mga magulang ko no. of course, Madiskarte rin kasi akong tao. Pinatayuan kasi ako ng maliit na business ni Mommy which is Flower shop na pinalago ko naman. favorite ko kasi ang mga bulaklak. So I named my Shop as Ysha's Flowers. at sobrang bilis ng paglago nito kaya marami na agad kaming costumers and clients. hindi lang yun, Kumakanta-kanta rin ako sa ibang mga lugar as my part time job. Music kasi talaga ang hilig ko. may mga agency na nga rin ang nag-offer sakin bilang isang recording artist kaso tinanggihan ko muna kahit gustong-gusto ko namang tanggapin. alam ko kasing hindi ko pa oras para maging artista. saka may mga bagay pa muna akong dapat unahin at ayusin bago yun kaya saka na lang muna kapag naayos ko na ang mga problema ko. sa ngayon, masaya akong kumakanta sa mga bars and competition sa ibang bansa. gusto ko rin mag-travel and Adventure sa buong mundo pero syempre, ginagawa ko lang yun tuwing bakasyon at inuuna kong libutin ang buong pilipinas bago abroad.
"So, How was your day my dear?"- tanong pa sakin ni Mommy isang gabi nung sabay kaming magdinner. nandito kasi ulit sila sa pilipinas.
ngumiti naman ako bago kumain. "its fine Mom."- I told her while chewing My favorite food Macaroni salad.
"oh, thats good to know."- she smiled at me.
"how about the flower shop?"- this time, si daddy naman ang nagtanong sakin
"Oh about that. Mas dumarami pa ngayon ang mga costumers ko Dad."- proud na sambit ko pa making him smile to.
"thats amazing dear. hinding-hindi ako nagkamali na bigyan ka ng maliit na business. proud ako sayo anak." the smile on his face was evident na proud sakin si Daddy. natawa ako.
"Dad, hindi ko nga alam bakit ang bilis lumago ng business ko eh. Is it because na sikat ang pamilya natin sa Business world kaya sa shop ko sila bumibili or sadyang sikat lang ako kasi maganda ako at maraming credentials?"- pagmamayabang ko pa. Awtomatikong nabulunan si Mommy kaya naman agad ko itong inabutan ng tubig. si Daddy naman ay humagalpak ng tawa as if nakakatawa talaga yung sinabi ko. Hays. baliw talaga tong daddy ko.
"Jusmiyo Marimar! San mo naman napulot yang kayabangan sa katawan mo Ysha? oo alam ko maganda ka pero---" Mommy then glared to daddy na ngayon ay nakangisi sa kanya ng malupit. "Ikaw abno ka! Kasalanan mo to eh! dahil sa pagdikit-dikit mo dyan sa anak mo namana nya yang kahambugan mo sa sarili! kukutusan talaga kita!"-
tinawanan lang sya ni Daddy. "oh honey, wala akong ginagawang masama sa anak natin. right dear?"- kumindat sakin si Daddy.
A sly grin formed on my lips. "daddy, wag mo nang itanggi ang mga tinuro mo sakin nung bata palang ako."- at tumawa ako pagkatapos, samantalang si Mommy inirapan lang kami pareho mag-ama. si Daddy naman nakangisi lang. proud pa!
I really love this family of mine!
"Anyway, Pasko na sa makalawa. San nyo gusto magpasko tayo?"- tanong samin ni Daddy Maya-maya pa.
napaisip naman ako bigla. mm, san nga ba magpasko? wala akong maisip eh. Ang gusto ko lang naman gawin sa pasko ay bigyan ng regalo si Ela at Jimnet, syempre mamamahagi rin ako ng blessings sa ibang tao. yun lang.
"Dito nalang tayo sa bahay, magluluto ako sa noche buena."- segunda ni Mommy na agad ko namang sinang-ayunan.
"sige. Dito nalang. "- sang-ayun ni Daddy.
***
kinabukasan ay agad kong niyayang lumabas si Jimnet at Ela. at go naman agad sila, syempre libre ko eh. matik na kasi yun na kapag nagyaya ako ay ako mismo ang gagastos. sobrang kuripot kasi nitong isang kaibigan kong mayaman naman.
Kumain kami sa isang Korean Restaurant. at halos humagalpak kami ng tawa kay Ela dahil sa kaignorantihan nito. maiintindihan ko kung hindi sya marunong gumamit ng chopstick. pero natatawa talaga kami kapag epic fail syang kunin ang pagkain sa pamamagitan ng chopstick. hays, poor Ela.
"Hay naku Ela, Gayahin mo nalang tong gagawin ko para di ka na mahirapan! natatawa talaga ako sayo! haha"- sambit pa ni Jim.
at ginaya nya nga ang paraan ng pagkuha ni Jim sa pagkain gamit chopstick, buti nalang fast learner tong si Ela.
habang kumakain kami ay nahagip ng mata ko ang isang pamilyar na tao habang may kausap itong isang Foreigner na lalaki isang Table ang pagitan mula sa amin.
Agad na naman akong nakaramdam ng di maipaliwanag na kaba nung matignan ko ang napakamisteryoso at walang emosyon na mukha nito. Busy sya sa pakikipag usap sa Banyagang lalaki kaya natititigan ko sya. Jusko, kahit may edad na sya nakakatakot parin ang awra nya. yun nga lang ang lakas parin ng dating nito.
mukhang naramdaman nya atang may tumitingin sa kanya kaya agad nyang inilibot ang paningin sa buong lugar at agad yung dumapo sa akin. Napayuko ako agad sa sobrang gulat at taranta. jusmiyo! Nakita nya bang tinititigan ko sya? sana hindi! feeling ko magkakaheart attack ako sa kaba lalo na nung makita ko ang Yelong hitsura nya. nakakapanindig balahibo! mariin kong pinikit ang mata ko at walang hinga-hingang kinain ang mga pagkain ng sunod-sunod.
at dahil dun ay napansin ako ng dalawang kaharap ko.
"Ysha, Ayos ka lang? dahan-dahan sa pagkain baka mabulunan ka."- nag-aalalang saad sakin ni Ela.
kaagad kong ininom ang tubig sa harap ko at huminga ng malalim bago sila tignan. "A-Ayos lang ako. masyado lang akong nasarapan sa pagkain dito kaya ayun. hehe"- pumeke ako ng ngiti.
inismaran ako ni Jimnet. "Hindi ko alam na ganyan ka pala kumain kapag masarap ang pagkain. Mukha ka kasing tanga. wag mo ng ulitin yun, di maganda sa paningin ko."-
"oo na lang."- sagot ko. wala akong ganang sabayan ang trip ni Jimnet ngayon kaya di ko na sya pinatulan. saka ayoko rin na usisain pa nila ako dahil maloloka lang ako.
huminga ako ng malalim at palihim na muling nilingon yung matandang lalaki at ganun na lamang ang gulat ko nung makitang hindi nya inaalis ang titig sakin! Anak ka ng pating! sa taranta ko ay agad kong inagaw ang iinomin na sanang Juice ni Jimnet sa kanya. napamura sya sa ginawa ko pero di ko na pinansin yun dahil mahihimatay na ako sa kaba!
"Seriously Ysha? nasisiraan ka na ba ng ulo? Juice ko yan tapos aagawin mo sakin!? Ba't di ka nalang kaya um-order ng sayo no!?"- iritadong singhal pa nya nung ubusin ko ang laman ng baso.
"Wag ka nang kumontra dyan dahil pera ko ang ipambabayad dito!"- sagot ko naman
napairap nalang sya sa kawalan. "whatever!"-
si Ela naman ayun, sobrang weird na ng pagkakatitig nya sakin. shems! is she observing me? no way!
"Allesha, Are you sure na ayos ka lang?"- tanong pa nya.
sunod-sunod na tango ang ginawa ko bago ngumiti. " oo naman. Don't mind me. kakaiba lang talaga ang trip ko ngayon hehe."-
She eyed me suspiciously. "You sure?"-
"hehe. oo naman! tara na?"-
hindi na sila nakapagcomplain nung bigla ko silang hilain paalis ng Restaurant pero saktong kakalabas palang namin ng Lugar na yun ay bigla ko na lamang nadatnan ang matandang lalaki kanina! oh holy mother! kalbaryo na ba ito?! nakasandal sya sa mamahalin nyang kotse habang matiim na nakatitig sakin, samin ni Ela. jusmiyo! pa'no sya nakalabas ng mabilisan?! Parang kanina lang nasa loob pa sya ah at kausap ang foreigner na lalaki tapos ngayon....
Napahinto ako sa paglalakad dahilan para mapahinto rin sa pagkalalakad ang mga kasama ko at nagtatakang tinignan ako.
"Ysha, Ano pang hinihintay mo dyan? pasko? pero bukas na ang pasko oh!"- sambit pa ni Jimnet pero wala sa kanya ang atensyon ko kundi nandun sa lalaking nakatitig parin samin.
"Ysha?"- this time, si Ela naman ang tumawag sakin at dahil nga napansin nila ang direksyon ng mata ko ay sinundan nila ito ng tingin at ganun nalang din ang gulat at pagkalitong namutawi sa mukha nila ng makita ang matandang lalaki na nakatingin samin.
"oh goodness! Is He really staring at us?"- kinakabahan at hindi makapaniwalang sambit ni Jim. "Anak ng! Bakit nakakatakot sya tignan? jusmiyo! halika na Ysha! tara na!"- hinila kami ni Jimnet at akmang iiwasan na sana namin ang lalaki pero naglakad ito papalapit sa amin at sinalubong kami ng hakbang.
napahinto tuloy kami sa paglalakad at nanginginig na tinignan sya. Pati si Ela at Jimnet halatang kinakabahan sa presensya ng matanda kahit hindi naman namin ito kilala. Anong nangyayari sa amin?
tinignan nya saglit si Jimnet bago ipukol ang paningin sakin. halos mapaatras ako sa kaba dun. napahawak ako ng mahigpit sa kamay ni Ela na tulad ko ay nanlalamig na rin.
"M-May kailangan po kayo?"- kinakabahang tanong ko pa. pero walang nagbago sa hitsura nito. its still cold at nakakatakot.
napatabingi konti ang ulo nya at sinuri ako. "You."-
kinilabutan ako sa sinabi nya. Me? why? anong kailangan nya sakin?
tila nabasa nya ang pagkalito sa mukha ko. "You looked Familiar. you're the girl I saw in Parish? am i right?"- walang emosyong tanong nito.
oh lintik! naalala nya pala ako! ang talas ng memorya ng matanda!
napalingon sakin si Jimnet at Ela ng may pagtatanong.
"A-Ah, Yeah its me. ikinagagalak ko po kayong makita ulit d-dito sa p-pilipinas."- oh shems! anong kinagagalak ka dyan Ysha! halos manginig ka nga nung makita mo sya tapos kinagagalak? nagpapatawa ka ba?
mukhang ganun din ang nasa isip ni Jim at Ela dahil sa paraan ng pagkakatingin nila sakin, as if their eyes telling me na 'seryoso ka ba sa sinasabi mo te? halos manginig na nga tayo sa takot sa kanya eh tapos kinagagalak makita?' look.
the old man just smirked. "Yeah. Taga pilipinas ka rin pala. But you really looked familiar, not because I saw you in Parish but because you remind me of something or someone I don't remember. And oh, you have a twin sister."- bumaling sya saglit kay Ela.
"S-she's not my sister!"- apila ko.
He eyed me suspiciously. tila hindi rin sya kumbinsido sa sinabi ko. "Oh? but you have the same looks. Sigurado kang hindi nga kayo magkadugo?"- nagkatinginan kaming dalawa ni Ela dahil dun. We have the same expression. Magkadugo? kami? imposible! pero.... posible rin yun... kasi nga unang tingin palang napagkakamalan talaga kaming kambal! shemas!. "Anyway, Its nice seeing you again here. I'm Marvel Cantilian, I gotta go. may pupuntahan pa ako."- binalingan nya ulit ng tingin si Ela at ako bago sya umalis at nawala sa paningin namin
dun lang kami nakahinga ng maluwag. shemas! pakiramdam ko nakalimutan kong huminga kanina! ang sikip sa dibdib kaloka!
"mygosh girl! Bakit nakakaintimidate ang presensya ng matandang yun!?"- Habol hiningang tanong ni Jimnet na halatang di rin makahinga ng maayos. "Shemay Talaga! ngayon ko pa lang naman sya nakita pero grabe na ang takot ko sa kanya lalo na sa yelong expresyon ng mata nya. grabe! parang nakikita ko na sa kanya ang kampon ni satanas!"- napamaypay sya sa sariling kamay. pati ako pinagpawisan eh.
ang lakas ng epekto sa ibang tao nung lalaking matandang yun! para bang sinasabi ng awra nya na "Walang pwedeng bumangga sakin kung ayaw nyong maranasan ang impyernong buhay".
grabe! tingin palang nya nakakapangilabot! pa'no pa kapag nahawakan na namin sya? edi mamamatay na kami at ang cause of death? Fears. jusmiyo!
napalingon ako kay Ela. She also has this worried looks, same as mine. "Are you okay?"- tanong ko.
napalingon naman sya sa akin at umiling. "Ngayon ko lang din nakita ang lalaking yun pero pakiramdam ko mamamatay na ako sa takot sa kanya. ang lakas ng awra nya, para syang hukom na magpapataw ng kamatayan satin. grabe, nakakatakot talaga sya Ysha!"-
"Tara na nga! baka balikan tayo ng matandang yun tapos kikidnapin at tatanggalan ng lamang-loob! kakilabot!"- sambit pa ni Jimnet at agad kaming hinila papunta sa Kotse at pumasok doon.
nagmaneho ako ng mabilis paalis sa lugar na yun. ni hindi ko nga alam kung saan pupunta, Magulo ang takbo ng utak ko ngayon. ang daming pumapasok na katanungan at what if's sakin. unang-una na dyan ang tungkol kay Ela. We have the same looks. Unang tingin palang samin napagkakamalan kaagad kaming kambal. Miski si Mr.Cantilian na nakakatakot ay ganun din ang first impression.
hindi kaya...??
ipinilig ko ang ulo ko. Imposible kasi ang mga naiisip ko.
pero may malaking chance rin na magkadugo nga kami. kasi hindi ko naman kilala ang mga biological parents ko. what if may kapatid talaga ako? what if si Ela ang katapid ko?
what if ang Nanay ni Ela ang biological mother ko? pa'no na?
napalingon ako bigla kay Ela na ngayon ay nakaupo sa passenger seat.
wala naman sigurong masama kung itry ko ang nasa isip ko. Its better to take the risk para malaman ko ang kinalabasan kesa naman wala akong gawin at habang buhay na maghintay sa report ng investigator.
"Ela?"-
napalingon naman sya sa akin. "mm?"-
I gulped. "Ni minsan ba... hindi pumasok sa isip mo na magkadugo nga tayo?"-
natigilan sya at napatitig sakin dahil sa sinabi ko. "H-Huh? what do you mean?"-
I sighed. "You know, they keep on saying na kambal kita. kahit sinong kaharap natin napagkakamalan tayong kambal."-
napabuntong hininga naman sya at tumingin sa labas. "Imposible yang sinasabi mo."-
napakunot ang noo ko. "Pa'no mo naman nasabi?"-
that made her looked at me again then sighed. I can see through her eyes na malungkot sya. "Ysha, we both know na hindi naman talaga tayo magkapatid. You have a complete family. isa kang tagapagmana ng mga Delasen. samantalang ako isa lamang akong anak ng isang Kasambahay. Tapos wala pa akong Kinalakihang tatay."-
oh. oh..
oo nga pala... hindi nya alam ang totoong pagkatao ko.
bakit di ko naisip yun?
"So? your point is?"- napalingon kami kay Jimnet nung sumabat sya sa usapan. sa backseat naman sya nakaupo. nakaheadset sya at mukhang naglalaro ng games sa cellphone nya kanina. Nakaangat ang kanyang kaliwang kilay ngayon na tila hinihintay ang susunod na sasabihin ni Ela.
"Lahi ng mga Delasen ang dugong nananalatay kay Ysha at Dugong Spinton naman ako."- sagot nito sa kanya sabay lingon sakin.
nagkatinginan kami ni Jimnet. Her eyes telling me something I don't understand. napabuntong hininga sya.
"Ela, Don't say that."- sabi nya. "hindi mo pa kilala ang tunay na pagkatao ni Ysha. And I also believe na totoo yung mga posibilities na magkadugo nga kayo base sa Hitsura ninyo. para kayong pinagbiyak na bunga."-
napakunot ang noo ni Ela. tila nagtataka. "How can you say that? what do you mean?"-
Napabuntong hininga kami ni Jimnet at napakagat labi naman ako. inayos ni Jim ang kanyang upo. "Ela, Ysha is not a biological daughter of Delasen Family. Ampon lang sya."-
"ANO?!"- Biglang napasigaw sa gulat si Ela. agad ko namang inihinto ang kotse sa gilid ng kalsada. I looked at her. Gulat na gulat talaga sya habang palipat-lipat ang tingin samin ni Jimnet at wala sa sariling inituro nya ako. ilang beses pa syang napapakurap. "S-seryoso?"- hindi makapaniwalang tanong nya sa akin.
napatango naman ako bilang sang-ayun sa sinabi ni Jim.
"Hindi kami nagbibiro Ela. Wala sa bukabolaryo ko na magbiro ng ganun lalo na't kaibigan natin ang pinag-uusapan."- seryosong sambit ni Jimnet.
napatitig naman samin si Ela. unable to speak. maybe, she's still shocked about Me.
I sighed. "I'm sorry if I didn't tell you about the real me. masyado na kasing private ang information na yun at hindi ito pwedeng kumalat."-
"yeah,"- segunda naman ni Jimnet. "I hope you understand her. Hindi rin kasi madali yung sitwasyon ni Ysha. and I just wanted to protect my bestfriend kaya naman di pa namin sinabi sayo."-
napakurap-kurap naman sya at napayuko sabay buntong hininga. "S-sorry.. wala a-akong alam."-
napangiti naman ako sa kanya. "you don't have to say sorry. wala ka namang kasalanan."-
nag-angat sya ng tingin sakin at apologetic na ngumiti. "still."
"hay naku. hayaan mo na Ela, wala ka naman talagang kinalaman sa nangyayari kay Ysha eh. Pero! Naniniwala parin talaga akong may posibilities na magkapatid kayo."- sambit ni Jimnet sabay lingon sakin.
"W-What if hindi talaga kami magkadugo at nagkataon lang ito?"- tanong pa nya dito.
jimnet just rolled her eyes. "Edi Hindi. as simple as that! Alam nyo isa lang naman ang paraan para malaman nyo kung totoong magkapatid ba kayo o hindi eh."-
"A-Ano?"- tanong ni Ela.
napalingon naman sakin si Jimnet. Her eyes telling me na ako na magsabi kung ano yun. napabuntong hininga ako.
"Lets have a DNA test."- nanlalaki ang matang nilingon ako ni Ela. as in hindi talaga sya makapaniwala sa sinabi ko kahit wala namang nakakagulat dun. nakakunot rin ang noo nya na para bang nag-aalala sa isang bagay na hindi ko mahulaan.
is she thinking about the expenses? Well mukha nga.
kaya naman ngumiti ako sa kanya at hinawakan sya sa kamay. "Don't worry Ela. I'll be the one to handle our expenses."-
nakahinga naman sya ng maluwag dun.
***
kinagabihan ay sabay-sabay kami ng family ko magnoche buena. Pati ang mga kasambahay namin ay isinali narin namin. Masaya kaming nagsalo-salo sa hapagkainan at kwentohan ng kung ano-anong bagay na walang katuturan at as usual, si Mommy na naman ang Kj sa amin ni Daddy.
after naming kumain ay sama-sama kaming tatlo sa Living Area at nagbonding. nagkantahan rin kaming tatlo at dahil ako lang ang into music sa Amin ay Ako lang ang panay na hinaharana ang mga magulang ko. samantalang si Daddy naman ang nagvolunteer na maggitara. Si mommy naman ang nakikising along samin.
after kong kumanta ay hinarana naman ni Daddy si Mommy. and as usual, kinikilig naman ang Ina ko. pero wala ng mas ikakakilig sa tili ko. ang sweet kasi ng mga magulang ko. After mangharana ni Papa ay nagvolunteer ulit akong kantahan sila Habang nagsasayaw silang dalawa sa harapan ko. I smiled upon seeing them so inlove to each other. the way they looked at each other, there's still spark.
kaya naman di ko maiwasang hindi magdasal na sana ganyan din kami ng lalaking mapapangasawa ko sa future. So inlove and contented to each other.
We waited there for 12am to come kaya naman nung pumatak ang saktong alas-dose ay sabay-sabay naming binati ang isa't isa. I kissed both of them and give my gifts pati narin sa mga kasambahay namin ay binigyan ko sila ng mga regalo.
my parents and our maids also gave me a gifts kaya naman tuwang-tuwa ako at sabay-sabay naming binati ang isa't isa nang Merry Christmas.
we also took some pictures for a memory and remembrances.
at dahil hindi naman sila marunong humawak ng DLSR camera ay ako ang naging instant Photographer ng gabi.
habang tinitignan ko ang mga picture naming lahat sa camera ay di ko maiwasang hindi mapangiti. It was the three of us, ako si Mommy at Daddy. Stolen shot to na nagtatawanan kami sa isa't isa. tila hindi namin napansin dito na nakaclick na pala ang camera. Its beautiful picture though. kung titignan mong mabuti, para kaming isang happy family. walang iniisip na problema at puno ng pagmamahal ang mga mata namin. Well, wala naman talagang problema sa pamilya namin. ako lang meron and I can't tell it to them.
sometimes I wished na sana makasama ko rin ang tunay kong Magulang sa araw ng pasko.
kinaumagahan ay maaga kong binati ng Merry christmas ang dalawa kong bestfriend na si Jimnet at Ela through text. At dahil hindi ako pwede umalis ngayon dahil magbobonding kami ng Family ko ay Ipinadala ko nalang ang mga regalo ni Ela at Jimnet sa isa sa tauhan ni Daddy.
tuwang-tuwa naman sila nung matanggap ang Mga regalo ko. Si Jimnet ay pinadala nya rin pabalik sa tauhan ni Daddy ang regalo nya sakin, ganun din si Ela kaya naman nag Video chat kaming tatlo sa sarili naming GC at parehas na nagtatawanan.
"Omg! Ysha! ikaw na talaga ang mayaman! the best ka talaga!"- tuwang-tuwang sambit sakin ni Jim sa Video chat namin. niregalo ko kasi sa kanya yung DLSR Camera na matagal na nyang pinag-iipunan pero di mabili dahil nga sobrang mahal at di kayang iafford ng pera nya (kahit kaya naman bilhin) tulad ng sakin.
napangiti ako sa kanya. "you're welcome Jim. salamat rin sa regalo."-
"well, You're always welcome too! Suot mo yun ah? bagay sayo yun."- sabi pa nya. binilhan nya kasi ako ng damit.
"Salamat rin sa Regalo Allesha. alam kong mamahalin tong Cellphone na regalo mo pero binili mo parin kaya thank you."- sambit naman ni Ela. Napangiti ako sa kanya. Mamahaling Cellphone kasi ang binili ko sa kanya na nagkakahalaga ng 35 thousand. Napansin ko kasing sira na at luma ang phone nya kaya yun ang binili ko sa kanya.
"salamat rin sa regalo mo. hehe."-
"p-pasensya na Ysha ah kung yan lang ang nakayanan ng Pera ko? alam mo naman gipit ako ngayon."-
natawa ako. "Ano ka ba! okay lang. Ang cute nga eh saka magagamit ko rin to kaya thank you."- isang Planner book ang regalo nya sa akin at masasabi kong sobrang ganda ng design nito.
ilang minuto kaming nagkwentohan at nagtatawanan nung tinawag na ako ni Mommy para umalis.
pero bago kami umalis ay nadatnan ko muna ang gatambak na Regalo sa Sala namin. Nagtaka nga ako kung bakit ang daming regalo at kung kanino nanggaling ang mga iyon pero ang sabi ni Mommy lahat ng iyon ay galing sa mga kamag-anak namin, yung iba naman ay galing sa mga katrabaho nila pero ang mas marami doon ay ang regalo para sa akin ng mga secret Admirers ko daw kuno na di ko naman alam kung sino. well, secret admirers nga eh. sobrang ganda ko ba?
Pinaayos nalang namin ang regalo at mamaya ko na bubuksan lahat yun dahil may lakad pa kaming pamilya.
pupunta kasi kami ngayon Home of Children para mamigay ng mga regalo sa bata at magpasaya. At dahil nalaman ko nga na dun ako nanggaling sa ampunan ay sumama ako para naman makabonding ang ibang mga bata dun at makabawi sa pag-aalaga nila sakin nung hindi pa ako inampon ng mga magulang ko.
oh well, Taon-taon naman kaming namimigay ng regalo sa mga bata kapag Pasko pero kasi yung home of Childrens ay ngayon ko lang napuntahan although dun naman talaga nag i-sponsor at nagdodonate ang mga parents ko.
sa ibang charity kasi ako. sa ibang foundation din ako nagdodonate nung mga nakaraang Pasko kaya ngayon ay magkasama kami ng magulang namin sa iisang Lugar.
saka namiss ko ring makausap si Mother Rita na sya palang nag-aalaga sakin dati dito sa ampunan.
**/*/*/*/*/***/*/**/****
unedited...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top