ghost 66
ghost 66:
Alas 7 ng gabi. at heto parin ako sa aking kwarto, nagkukulong. hanggang ngayon ang bigat parin ng pakiramdam ko. hindi ko alam ang mararamdaman ko. I'm still shocked sa mga nalaman ko.
Buong akala ko, Isa akong Tunay na Delasen. pinagmamalaki ko pa sa mga tao ang Apilyedo ko. pero ngayon, nalaman ko na ang totoo na hindi naman pala ako tunay na anak. parang ang sakit lang. Ang hirap tanggapin na hindi ako nanggaling sa sinapupunan ni Mommy.
I sighed. after nilang umamin kanina ay agad akong tumakbo dito sa kwarto at maghapon na nagkukulong. Maraming beses narin ako kinatok ng mga magulang ko pero tinataboy ko sila. hindi naman sa galit ako sa kanila or what, pero kailangan ko lang muna makapag-isip ngayon. Oo inaamin ko. nalulungkot at nagtatampo ako sa kanila dahil tinago nila sakin ang buong pagkatao ko pero mahal ko sila at hindi ako magagalit sa kanila. Nagpapasalamat pa nga ako dahil sila ang mga magulang ko.
nagtatampo lang talaga ako. sino ba namang hindi magtatampo kung ganun diba? ang sakit kaya. ang sakit malaman na hindi ka tunay na Anak.
tinitigan ko ang sarili sa salamin. Medyo nawawala na ang pamamaga sa mata ko. Kanina pa kasi ako iyak ng iyak at mukhang naubusan na ako ng luha kakaiyak kaya naman okay na ako ngayon. pati luha ko sumuko sakin, saklap ah!
nakarinig ulit ako ng katok sa pinto. Actually, halos Oras-oras na sila kumakatok sakin pero di ko parin sila pinagbubuksan.
kaya naman tumayo na ako. Panahon na para malaman ang totoo. at kahit masakit sa parte ko, ay tatanggapin ko ng buong-buo ang sasabihin nila. hays, truth hurts nga naman. Dinaig ko pa ang broken hearted nito ah?
Binuksan ko ang pinto at bumungad lang naman sakin ang Umiiyak na si Mommy. nakaramdam tuloy ako ng guilt dahil sa ginawa ko. I'm sure na nasasaktan si Mommy.
"A-Anak! Allesha dear I'm sorry! I'm sorry anak! please anak patawarin mo kami ni Daddy!"- at agad nya akong niyakap ng mahigpit. napapaiyak na naman ako sa sinabi nya kaya naman napatingala ako sa kisame para pigilan ang luha at saka sya niyakap pabalik.
"M-mom.."-
"Dear. kahit anong mangyari, mahal na mahal ka namin na parang isang tunay na Anak. Ay hindi, Anak ka na namin kahit pa hindi ka sakin nagmula. Tandaan mo yan ah? I love so you much."-
Naiiyak na tumango nalang ako. Hays buhay, ang drama mo!
"S-Sorry rin po kung bigla nalang akong tumakbo kanina. Patawad po."- My cupped my face and smiled at me.
"Anak. hindi mo kailangan magsorry okay? naiintindihan ka namin ng Daddy mo."-
tumango nalang ako saka ngumiti. kahit pa hindi sila ang tunay na magulang ko ay mahal na mahal ko parin sila like a true parents.
but... speaking of parents..
napalingon ako kay Mommy. "M-Mom.. p-pwede ko po bang malaman ang tungkol sa biological parents ko?"-
tila nagulat sya sa sinabi ko. hindi nya ata inaasahang itatanong ko yun. "Anak..."-
I sighed. "Okay lang din naman po kung-----"-
"Halika dito dear. may sasabihin ako sayo."- at wala na akong magawa nung bigla akong hilain ni Mommy paupo sa kama ko.
magkaharap kami ngayon. tinignan ko sya. hinawakan nya naman ang Kamay ko saka bumuntong hininga.
"Anak.. ang totoo kasi nyan, Hindi namin alam kung sino ang mga magulang mo."-
Nagulat ako sa sinabi nya. "Po?!"-
she looked straight into my eyes. "Nakikipaglaro ako sa mga bata nun dun sa Home of Childrens ng makita ko ang Isang madre hawak ang isang dalawang buwang baby na umiiyak at pinapatahan. nung una, hindi ko pinansin ang pag-iyak mo dahil alam ko namang tatahan ka kaso halos isang oras na ang lumipas at patuloy ka parin sa pag-iyak kaya naman sa awa ay lumapit na ako at nagboluntaryong kargahin ka. at di naman ako nabigo dahil nung kinarga palang kita ay nakita kong tumigil ka sa pag-iyak at nginitian mo pa ako. the moment na nakita ko ang cute mong ngiti ay nakaramdam ako ng di maipaliwanag na saya. lalo pa nung magtama ang paningin naming dalawa ni Baby. Kumikinang ang mga mata mo nun habang nakatitig sakin. kaya natuwa ako. habang nilalaro ko ang daliri mo ay panay naman ang tawa mo at napakasarap nun sa pakiramdam. dala narin siguro sa pagnanasang magkaroon ng anak ay tinanong ko ang Madre tungkol sayo."-
tahimik lang akong nakikinig sa kwento ni Mommy. habang kinukwento nya ang tungkol sakin ay di ko maiwasang mapangiti.
"Sab Nila, Nakita ka lang daw nila sa gilid ng gate na umiiyak. nakahiga ka nun sa isang karton at halos mamutla ka na sa lamig. wala ni isang nakakaalam sa tunay mong pagkatao. kaya naman naawa ako sayo kasi sa murang edad inibandona ka na ng mga magulang mo. at dahil gustong-gusto ko na magkaanak nun ay inampon ka namin. alam mo ba sobrang saya ko nun kasi for the first time ay nagkaroon ng sigla at kulay itong bahay natin. You are our star dear. sa simpleng ngiti at tawa mo lang ay napapasaya mo na kami. Kaya naman sobrang swerte namin ng daddy mo na dumating ka sa buhay namin. sobrang proud din kami sayo kasi lumaki kang mabait at matulungin sa kapwa."-
hinawakan ni Mommy ang kaliwang mukha ko. "Maraming salamat anak at dumating ka sa buhay namin ng Daddy mo. Hinding-hindi kami magsisisi na pinalaki at inalagaan ka namin. masasabi kong may magandang kinalabasan ang ginawa naming pag-ampon sayo dahil you make this house alive."-
at di ko na nga napigilan ay napaiyak na naman ako sa mga sinabi ni Mommy. Hindi ko alam na jolly pala akong tao kahit pa nung baby palang ako. Akala ko kasi puro pasaway lang ako nun. Lagi ko kasing pinagtitripan sina Mommy at daddy nun Lalong-lalo na sa mga gamit nila. Yung ibang papeles ni Daddy ay ginugupit ko kahit pa napakaimportante nun pero kahit kailan ay hindi ako nakarinig miski isang salita na nagalit sila sakin.
dun palang sa bagay na yun ay sobrang thankful ko na.
oh, I love this parents of mine.
"Mommy... s-salamat po dahil tinuring nyo ako ni Daddy na parang isang tunay na Anak. a-ang swerte ko po kasi kayo ang naging mga magulang ko. dahil sa inyo natuto akong maging ganito. Inalagaan nyo po ako ng mabuti. dahil sa inyo po ay lumaki akong may takot sa diyos. at kayo po ni daddy ang dahilan nun. you made me able to see the beauty of life. at hinding-hindi ko po iyon makakalimutan. utang ko po sa inyo ang buhay ko. Maraming salamat po sa lahat-lahat. maswerte rin po ako dahil kayo ang naging magulang ko. Mahal na mahal ko po kayo ni Daddy."- napapaiyak at the same time ay nagtawanan kami ni Mommy saka nagyakapan sa isa't isa. grabe, ang drama namin ngayon pero ayos lang. ngayon lang naman to at bukas ay wala na.
"Y-youre not mad at us?"-
umiling ako. "I will never be mad at you Mom. "-
napangiti naman sya at muli akong niyakap ng mahigpit.
"Mommy loves you so much dear. don't ever forget that."- She said while hugging me.
"I love you too mom."- I smiled.
"baka naman pwede ako sumali?"- napalingon kami parehas ni mommy dun sa taong nagsalita. nakasandal sya sa gilid ng pinto while crossing his arms and staring at Us.
napangiti ako.
"Daddy!"-
ngumiti sa amin si Daddy at ginulo ang buhok ko. "Daddy loves you so much Dear. always remember that."- at hinalikan nya ang tuktok ng buhok ko.
napangiti nalang din ako. "love you too dad."-
"Oh sya Group hug!"- sabi ni Mommy kaya naman ginawa nga namin.
hays, Kahit anong mangyari talaga ay hindi ko parin matitiis ang mga magulang ko. I love them so much kahit anong mangyari.
I'm so blessed to have them as a parents. at hinding-hindi ko pinagsisihan na sila ang naging magulang ko.
***
napalumbaba ako sa mesa. Mula pa kanina sobrang bored na bored na ako. ewan ko ba, Wala akong magawa ngayong araw. ito namang kaharap ko parang hindi pa nagsasawang magkwento tungkol sa Crush nyang si Kel. kesyo nagsabay daw silang umuwi kahapon, kumain at nagtulungan pa sa Isang assignment. hays, Sya na may lovelife. ako na wala.
nakakabaliwww!! marami akong gustong gawin pero di ko alam kung pano. After kasi nung Mga nalaman ko mula sa parents ko tungkol sa totoong pagkatao ko ay wala na. Okay na ulit kami, back to normal.
ang kaso, ito naman ako. hindi ako pinapatahimik ng konsyensya ko hangga't hindi ko nalalaman at nahahanap ang totoong mga magulang ko.
sa totoo lang, gustong-gusto ko nang alamin at hanapin kung sino at nasan sila kaso saan naman ako magsisimula? ni pangalan sila walang nakakaalam samin, miski madre. kahit na binigay na sakin ng Madre ang mga papeles tungkol sakin wala paring nakasulat dun tungkol sa mga missing parents ko. hay buhay.
what if patay na sila?
What if may kapatid din pala ako?
nakakaloka naman.
"Hello! Earth to Allesha Delasen! Yuhoww!!"- natauhan ako nung kumaway-kaway sa harapan ko si Jimnet.
napasimangot ako sa kanya. "oh?"-
"Hoy te! nakikinig ka ba sakin? Kanina pa ako nagkukwento dito nasa ibang planeta naman pala ang isip mo! alam mo bang para akong nakikipag-usap sa multo dito?"- natawa ako sa kanya.
"Para kang tanga, Jim."-
she just rolled her eyes. "Hays, ewan ko sayo! nakakapikon ka!"-
ngumisi lang ako, "don't worry, Maganda ka naman."-
sinamaan nya ako ng tingin.
"Ayan ka na naman eh! sipain kita dyan! sabihin mo nga sakin, may problema ka ba?"-
"lahat naman ng tao may problema."- sagot ko.
nasapo nya ang noo. "wala kang kwenta kausap, alam mo ba yun?"- natawa lang ako. hula ko, pikon na pikon na sakin tong babaeng to. kulang na lang siguro masapak ako ng wala sa oras dito. haha.
"magseryoso ka nga Ysha. Ano ba talaga problema at kanina ka pa tahimik dyan? This is not you ah!"-
napanguso nalang ako saka bumuntong hininga. talagang hindi nya ako pakakawalan kapag di ko sinabi sa kanya ang problema ko.
"promise me na wala kang ibang pagsasabihan tungkol dito ah?"-
tumango-tango naman sya bilang pagsang-ayon. inilapit nya rin ang ulo sa akin.
"alam ko yun. kilala mo ako. so What is it?"-
"It's all about myself."-
napakunot noo nya. "Huh? why?"-
napatitig ako sa kanya. ikwenento ko ang mga nangyari mula una hanggang dulo. walang kulang, walang sobra. at gaya nga ng inaasahan ay nagulat sya sa sinabi ko. napatakip pa sya ng kamay animo'y di makapaniwala sa narinig.
"Omg! totoo?!"-
tumango lang ako.
"Hala! seryoso ka talaga?! grabe! hindi ako makapaniwala!"- napakagat sya ng labi sabay iling.
I sighed. "Ako nga rin eh. lumaki akong buong akala na sila ang totoo kong magulang. kaya sobrang nakakagulat talaga."-
"Hindi ka ba galit sa kanila?"- maingat na tanong nya
"bakit naman ako magagalit? Wala naman silang ginawang masama sa akin. Nagtampo? pwede pa. pero galit? wala talaga."-
napangiti naman sya sa sinabi ko at hinawakan ang magkabilang kamay ko. "Ganyan nga Allesha. tama lang yang ginawa mo. I'm so proud of you Sis."-
"huh? bakit naman?"-
"eh kasi hindi ka nagalit sa mga magulang mo. yung iba kasi dyan hindi nila matanggap yung totoo kaya naman nagagalit sila at nagtatanim ng sama ng loob sa magulang. pero ikaw, grabe! ang bait mo talaga! Isa kang Good model para sa ibang tao."-
natawa naman ako. "wag mo nga akong gawing Santa."-
"oh well, Seryoso ako no. Pero maiba tayo. Ano nang gagawin mo ngayon?"-
napakunot ang noo ko. "gagawin?"-
"oo. gagawin. wala ka bang balak na hanapin ang mga totoong parents mo?"-
doon ako napabuntong hininga saka napatingin sa malayo. "sa totoo lang, gustong-gusto ko silang hanapin. ang kaso, hindi ko naman alam kung saan magsisimula. alam mo naman diba?"-
napabuntong hininga rin sya. "oo nga pala, wala kang kahit isang katiting na information tungkol sa kanila. pero still, hindi ka ba kikilos?"-
napalingon ako sa kanya. napakagat ako ng labi. "Nag-iisip na nga ako ng mga gagawin ngayon eh. gustong-gusto ko talagang makilala ang totoong magulang ko. patay man o buhay."-
napangiti sya sa sinabi ko. "Don't worry sis, Nandito lang ako. tutulungan kita sa paghahanap sa totoong magulang mo."-
I smiled back. "thank you Jim."-
***
pagkatapos ng klase ay napagpasyahan kong dumiretso sa NBS. may nagustuhan kasi akong Pen. at kahit mahal ay bibilhin ko yun. saka gusto ko ring bumili ng libro dahil natapos ko na yung dating binabasa ko.
habang naghahanap ng mga libro ay napatigil ako dun sa isang Section. may naalala ako dito. yung babaeng kamukha ko! hindi ko alam pero parang gusto ko ulit syang makita. there's something in my heart na namimiss ko ang babae. Weird.
napapaisip tuloy ulit ako. Kelan ko kaya sya makikita ulit? pero, makikita ko pa nga ba sya ulit? sana naman. gusto ko pa sya makilala at maging kaibigan eh. Aba! Pag nagkataon, first time ko lang magkaroon ng isang kaibigan na kamukha ko. hays. sana nandito ulit sya.
napailing ako sa naisip ko saka nagpatuloy sa paghahanap ng mga libro. kung anu-ano nalang ang naiisip ko. boredom strikes me.
"Ah, Miss?"-
napalingon ako dun sa taong kumalabit ng balikat ko. at ganun na lamang ang gulat na namutawi sa mukha ko nung makita sya muli. nalaglag ang panga ko, kasabay ng pagkagulat na namutawi sa mukha nya habang nakatingin sakin.
like omg! totoo ba tong nakikita ko?! o nananaginip lang ako!? parang kanina lang iniisip ko pa ang tungkol sa kanya pero ngayon... kaharap ko na ulit sya!
napakurap ako ng maraming beses.
holy mother earth!
wala sa sariling naituro ko sya. "I-Ikaw.."-
napangiti naman sya ng alanganin sakin. "Ah, s-sorry kung naistorbo kita. p-pero kasi-----"
"Omg! Ikaw nga! nagkita tayo ulit!"- sa sobrang tuwa ko ay niyakap ko sya ng mahigpit na syang ikinagulat nya. mukhang hindi nya ata inaasahan yun.
oh my goodness! nandito na ulit sya sa harapan ko! hindi lang yun, nayakap ko pa sya!
"A-Ah---" alanganin nya akong tinulak saka napalingon sa paligid. kaya naman napalingon rin ako at parang gusto kong mahiya dahil sa eksenang ginawa ko. Ang daming napapatingin samin eh.
napangiti nalang din ako ng alanganin at tinitigan sya. parang walang nagbago sa hitsura nya. kung anong ayos ang nakita ko dati, ganun parin ngayon. Makapal na salamin ang suot nya, at medyo magulo pa ang buhok na animo'y hindi sinuklayan ng isang buwan. yung damit nya rin pang-manang. nakaramdam tuloy ako ng awa sa kanya. hay..
nerd girl.
pero kahit ganun, hindi parin makakaila na magkamukhang-magkamukha kami. ang kaibahan nga lang, maayos at fashionista ang datingan ko.
"A-Ako nga pala si Ela.."- pagpapakilala nya sa akin. pero tila nahihiya sya. hindi ako nagsalita. hinintay ko lang syang magpatuloy. "N-nakita kasi kita kanina na naglilibot dito k-kaya sinundan kita. saka namukhaan kita eh. ikaw yung babaeng nabangga ko dati dito diba? Alam mo kasi, ang totoo nyan, mula nung magkita tayo ay hindi na mawala sa isip ko ang hitsura mo. Nagtataka lang talaga kasi ako na magkamukha tayo."- So, iniisip nya rin pala ako huh? Wow. just wow. ang kulit ng tadhana. napangiti nalang ako ng malapad. "Ah, about dun sa nangyari nung nakaraan. gusto ko sana humingi ng sorry."-
ngumiti naman ako sa kanya. "Ano ka ba! wala yun! hehe, ang totoo nga nyan, gusto rin kita makita ulit eh!nakakagulat talaga kasi na magkamukha tayo! alam mo ba, kanina lang iniisip ko ang tungkol sayo kung makikita pa ba kita ulit. at kita mo nga naman! nasa harapan na kita!"- masiglang sambit ko pa.
nagulat naman sya sa sinabi ko, tila hindi makapaniwala. "T-totoo?"-
tumango lang ako. "at dahil dyan! hindi na kita hahayaan na umalis ng hindi man lang nakikilala! kaya, tara sumama ka sakin!"-
"Huh? ano-----"-
wala na syang nagawa nung hilain ko sya mapunta sa counter. agad kong binayaran ang mga pinamili ko at dumiretso sa isang fast food chain na Jollibee. ako na rin ang um-order ng pagkain namin at talagang marami akong in-order. gutom kasi ako eh saka gusto ko pa syang makachikahan.
"Umm, Ako nga pala si Allesha Marie Delasen. 18 years old. Ikaw? anong tunay mong pangalan?"- tanong ko pa sa kanya habang naghihintay ng order. ewan ko ba, ang gaan-gaan ng pakiramdam ko sa kanya.
"Ako si Eriela May Spinton. Same age as yours."- ngumiti sya pagkatapos. napatango naman ako saka ngumisi. ewan ko ba, Ang saya ko lang ngayon dahil nakita ko sya. maybe dahil ngayon lang ako nakatagpo ng isang taong kamukha ko kaya ganun? well, mukha naman syang mabait rin saka mahinahon kausap.
"Honestly, This is very weird to meet someone you look alike."- saad ko pa. napaangat naman ang noo nya, nagtatanong. I smiled. "Kaya naman Ela, starting from this day you'll be my friend. and i also want to be your friend."- napaawang ang labi nya, unable to speak. Hays, sabi ko nga masyado akong mabilis at talaga namang nakakashock ang sinabi ko.
napabuntong hininga nalang ako.
"sorry if I'm weirded you out. It's just that-------"-
"N-No! its okay."- she cut me off. "H-hindi lang talaga kasi ako makapaniwala na gusto mo akong maging kaibigan."-
napakunot ang noo ko. "what do you mean?"-
napayuko naman sya sabay kagat labi. nagtaka pa ako nung makita ang lungkot sa mga mata nya. okay?
"W-what do you mean?"- I asked curiously.
she sighed. "I don't have a friend ever since."-
nalaglag ang panga ko sa sinabi nya. Unable to speak. Say WHUTTTT??!??
SHE DONT HAVE A FRIEND EVER SINCE????!???
anong kalokohan to?!
"S-Seriously?!"- hindi makapaniwalang sambit ko pa. Jusko! napakaimposible naman ng sinabi nya! Walang tao ang nabubuhay na mag-isa no! Lahat ng tao may mga kaibigan! tapos sya wala?! kalokohan ba to?
napakaimposible talaga ng sinasabi nya!
"bakit wala kang kaibigan?"- tanong ko pa.
nag-angat naman sya ng tingin sakin saka alanganing ngumiti. "Ah, k-kasi...halata naman siguro sa hitsura ko no?"-
napaangat ang kaliwang kilay ko. I crossed my arms. "at ano namang kinalaman ng hitsura mo sa pagkakaroon ng kaibigan?"-
she sighed and then look around as if searching for something. "You know, compared to any one of you. I'm just a nobody. I'm ugly, Nerd and weird?? suki na rin ako ng pambubully sa School namin sa pangunguna ng anak ng Amo ko na si Erica. sya yung babaeng kasama ko nung magkabanggaan tayo sa NBS."-
sa hindi malamang dahilan ay nakaramdam ako ng di maipaliwanag na awa sa kanya at inis sa mga taong Nanghuhusga at nananakit sa kanya. pakiramdam ko ang bigat ng damdamin ko. Damn this! Mga walanghiya ang mga taong nambubully sa kanya! Wala silang kaluluwa! nakakagigil!
napakuyom ko ang kamao ko. I'm trying to control my temper.
"hindi dapat nila ginawa sayo yun."- nanggigigil na sambit ko pa.
napabuntong hininga naman sya at ngumiti pero hindi umabot sa mata. "It's okay. Sanay naman na ako."-
napakunot ang noo ko.
"but still!"-
"Allesha, naappreciate ko ang concern mo sakin. Thank you. pero hayaan mo na, nangyari na eh. wala na tayong magagawa."- hinawakan nya ako sa kamay at ngumiti sa akin pagkatapos. tinitigan ko lang sya, I'm balancing her reaction. napabuntong hininga nalang ako. sa huli, wala na rin naman akong magagawa dahil nangyari na. Well, she's right. "Anyway, Are you sure about this? me? being your friend?"- nag-aalalang tanong pa nya.
napangiti naman ako sa kanya sabay tango. "Yes. if its okay with you. don't worry, I won't let anyone to harm you again. Kahit ngayon lang tayo nagkasama importante ka na sakin. may pangako kasi ako sa sarili nun after nating magmeet na kapag nakita kitang muli ay magiging kaibigan na kita. kaya kung may manakit ulit sayo, Just call me and I'll be there."-
napangiti naman sya sa sinabi ko sabay tango. "T-thank you."-
"So, does this means na tinatanggap mo na ang friendship proposal ko?"- ngisi ko pa.
tumango naman sya sabay ngiti.
"Good."-
ilang oras kaming nanatili sa lugar na yun. at masasabi kong sa unang pagkakataon ay naging closed agad kami. Hindi naman sya mahirap pakisamahan dahil medyo madaldal rin pala sya. She is also a jolly person kung kikilalanin lang sya ng mabuti. She talked a lot of things about her.
ibinigay na rin sakin ang address ng tinitirhan nyang bahay which is bahay pala ng Amo nya. Namatay na daw pala ang Nanay nya na dating kasambabay dun at hindi nya naman alam kung nasaan ang Ama. simula nung mamatay ang nanay nya ay sya ang pumalit bilang kasambahay. Pero lagi naman syang sinasaktan, inaalipin at iniinsulto ng mga Amo nya. pero tinitiis nya daw yun para makapagtapos ng pag-aaral. wala na kasi syang ibang kakilalang kamag-anak na pwedeng kumupkop sa kanya.
nakaramdam ako ng di maipaliwanag na gigil at inis sa mga Amo nya dahil sa pagmamaltrato sa kanya. oo nga kasambahay lang sya pero wala silang karapatan na maliitin si Ela! thats too much!
well, habang kinukwento sakin ni Ela ang tungkol sa Amo ay mahahalata mo nang mukhang pera at matapobre. samantalang Isang Restaurant lang naman ang pagmamay-ari nila. tas di rin naman ganun kasikat ang restaurant. kung tutuusin, walang-wala pa ang negosyo nila sa Kayamanan ng pamilya ko.
Gusto ko nga sana umalis nalang si Ela dun sa kanila at tumira nalang sa Mansyon namin. Mas mabuti pa ron, hindi sya makakaranas ng kalupitan dahil mababait ang mga tao sa bahay namin kahit kasambahay lang sya. saka lahat ng katulong namin tinatrato na namin na parang isang tunay na pamilya. kaso she refused my offer. sabi nya di na kailangan kasi kaya pa naman nyang tiisin ang ginagawa sa kanya ng mga Amo. as long as hindi sya sinasaktan ng Sobra ay ayos lang. kaya wala na akong nagawa. desisyon nya yun eh. who am i to argue with it?
inabot na kami ng gabi dahil sa kwentohan kaya naman hinatid ko na rin sya pauwi sa kanila. nakakahiya naman kasi dahil sakin natagalan sya sa Mall. nung una nirefused nya ang offer ko na ihatid sya pero dahil makulit ako ay napapayag ko narin syang ihatid.
"Umm, Maraming salamat sa paghatid sakin A-Allesha.."- nahihiyang sambit pa sakin ni Ela pagkarating namin sa harap ng bahay ng Amo niya.
ngumiti naman ako sa kanya. "Walang anuman yun. It's my pleasure na ihatid ka sa inyo. Saka, Call me Ysha. nag-enjoy akong kasama ka ngayong araw. maraming salamat."-
"S-sige.."- ngumiti sya sa akin at saka tinanggal ang seatbelt sa upuan.
"let's meet some other time?" I ask her before she open the door.
napalingon naman sya sa akin at saka tumango. "sure."-
napalawak ang ngiti sa labi ko. "Great! sige! tapos foodtrip ulit tayo ah? my treat!"-
natawa naman sya sa sinabi ko. "oo ba. Bye!"-
"Bye!"- I wave goodbye to her pagkalabas nya ng kotse.
naglakad sya palapit sa gate pero bago yun lumingon muna sya sa akin sa huling pagkakataon at kinawayan ko naman sya saka ngumiti. Tumango lang sya sa akin at nahihiyang ngumiti bago tumalikod.
Akmang aalis narin sana ako nung bigla kong makita ang Babaeng Anak ng Amo nya na kasama nya noon sa NBS dati na ngayon ay sinalubong sya at Sobrang sama pa ng pagkakatitig sa kanya. by the looks on her face, and the movements of her mouth ay mahahalata mong pinagsasalitaan nya ng masama si Ela. mukhang iniinsulto na naman nya ito. nakaramdam ako ng di maipaliwanag na inis. kung makatingin sya kay Ela halata mo ang disgusto nito sa kanya. Nakainis ah? wala namang ginagawa sa kanya yung tao!
napahigpit ang kapit ko sa manibela ng kotse. I didn't like what I just witness today. Ela doesn't deserve this kind of humiliation!
tinitigan ko silang dalawa. nakita kong nagsalita rin si Ela, mukhang nagpapaliwanag ito sa babae habang nakayuko. at mukhang hindi ito nagustuhan ng babae dahil sumisigaw ito. halata kasi sa laki ng pagkakabukas ng bunganga nyang sobrang pangit! pagkatapos nitong magsalita ay nagwalk out ito sa kanya. si Ela naman ay napabuntong hininga at sumunod sa Among Babae.
napailing nalang ako. Is that how they treat their Maids??? Hindi makatao ah!
napabuntong hininga nalang ako at nilisan ang lugar na yun. hays, Kung bakit kasi ayaw nalang tanggapin ni Ela ang offer ko sa kanya? Mas magiging panatag pa ako kapag nasa Mansyon sya.
kinabukasan, magkasabay ulit kami ni Jimnet na kumakain. pero this time, napagtripan na naman naming kumain sa labas ng campus. kumain kami sa hindi ko alam kung anong pangalan ng restaurant dahil si Jimnet lang naman ang humila sakin dito.
at dahil nga kaibigan ko sya ay ikwenento ko agad sa kanya ang tungkol sa nangyari kahapon at tungkol kay Ela.
at gaya nga ng inaasahan. nagulat na naman sya sa sinabi ko. Halatang di sya makapaniwala sa sinabi ko
"Omg! totoo?!"- hindi makapaniwalang sambit nya sabay takip ng bibig.
tumango ako. "yeah.."-
"H-How come na magkamukha kayo? Is that even possible?!"-
I sighed. "Hindi nga rin ako makapaniwala na magkamukha kami eh."-
"Eh pano yan? ano nang gagawin mo? alam ba ito ng mga magulang mo?"- nag-aalalang tanong pa nya. umiling lang ako.
"nope. hindi ko sinabi. saka ayoko rin sabihin. I want this to be a secret."-
napakunot ang noo nya. "What?! seryoso ka? but they have to know about it!"-
"I know. but still. I'm not ready.."-
napabuntong hininga naman sya sabay halumbaba sa upuan. "hays Allesha. what am i gonna do with you..."-
ngumiti ako sa kanya. "Jim.. just trust me okay? saka magkaibigan na rin kami ngayon. the first time i saw her nakaramdam ako ng di maipaliwanag na saya. its like I'm missing her or something. magaan ang loob ko sa kanya. she's also kind and harmless."-
tinitigan nya naman ako. tila tinitimbang ang sinabi ko."Are you sure?"
tumango lang ako. "very-very sure."-
she sighed. "fine. But, I want to meet that girl."-
ngumiti naman ako. "oo naman! ipapakilala kita sa kanya. I'm sure na magugustuhan mo rin sya!"-
"whatever you say Allesha."- she just rolled her eyes. "anyway, about your biological parents, do have any reports about them?"- tanong pa nya.
napabuntong hininga naman ako at umiling. "Wala pa." kumuha kasi ako ng investigator para alamin ang tungkol sa mga magulang ko pero wala pa akong nakukuhang report.
"hays, ang hirap naman kasi nyang sitwasyon mo."-komento nya.
"sinabi mo pa."-
"sana talaga mahanap mo na ang mga totoong magulang mo as soon as possible. at baka naman Allesha may balak kang ipaalam sa mga magulang mo yang ginagawa mo."-
napakunot ang noo ko. "Jim. You know I don't want to. Ayoko na sila pang bigyan ng alalahanin. Baka mastress lang sila. I can handle this you know?"-
tinaasan nya ako ng kilay. "are you sure?"-
ngumiti ako. "oo naman. Saka sasabihin ko naman agad sa kanila kapag okay na. wala naman akong balak na ilihim to sa kanila."-
"siguradohin mo lang Allesha dahil ayoko nang may tinatago ka sa magulang mo."-
ngumiti ako ng pagkatamis-tamis sa kanya. "thanks Jim!"-
nagpatuloy kami ng kain ni Jimnet after nun. Nanahimik narin sya at di na inungkat pa ang tungkol sa mga ginagawa ko. iniba nya narin ang usapan at awtomatikong napunta na naman kami sa ultimate crush nyang Si Kel. hay naku, kahit kailan talaga patay na patay sya sa presidente na yun. sabagay, gwapo eh.
pinagtitiisan ko nalang syang magkwento habang kinikilig sa crush nya nung may makita ako sa labas ng restaurant na isang batang lalaki at babae na nasa bungad ng pintuan. Mga dugyot ang suot nito at halatang palaboy-laboy lang sa kalye. ang papayat rin nila at ang dungis pa.
nakamasid sila sa loob at tila naghihintay na may dumaang tao sa harap nila para bigyan sila ng pera. animo'y namamalimos ang mga ito.
tingin ko'y magkapatid ang dalawang batang yun. Halata rin ang lungkot sa mga mata nila habang nakatingin sa mga taong kumakain dito sa loob. Tingin ko hindi pa sila kumakain. malamang gutom na ang mga ito base sa hitsura nila. buti nalang din talaga at di sila sinisita ng gwardya.
nakaramdam ako ng awa para sa dalawa. ang babata pa nila para maranasan ang pait ng buhay. they doesn't deserve this kind of life. dapat sa ganyang edad ay nagsasaya sila at naglalaro. pero tignan mo nga naman, imbis na magsaya ay heto sila namamalimos para lang makakain at mabuhay sa mundong ito. Napabuntong hininga ako. thankful nalang talaga ako dahil maganda ang buhay na meron ako ngayon. I'm so blessed na inampon ako ng mga magulang ko at pinalaki ng maayos. Kung siguro hindi ako napunta sa Home of children ay baka matutulad ako sa kanila, palaboy-laboy at namamalimos.
And I don't want that kind of life.
"Hoy Ysha! nakikinig ka ba?!"- nabalik lang ako sa ulirat ng tawagin ni Jimnet ang pangalan ko.
"H-ha?"-
napabuntong hininga sya. "sabi ko na nga ba hindi ka nakikinig eh! ano ba kasi iniisip mo? at bakit panay ang tingin mo sa labas? may tinitignan ka ba?"- sinundan nya ng tingin ang tinitignan ko kanina.
"wala. may nakita lang ako."- sabi ko. "Anyway, oorder lang ulit ako."
"huh? bakit naman? Ang dami kaya ng kinain mo. Hindi ka pa ba busog?"takang tanong pa nya.
nginitian ko lang sya. "basta."-
tinawag ko ang waitress at um-order ng panibagong pagkain. pinatake out ko rin ang mga yun dahilan para mas lalong magtaka si Jimnet.
"Hoy sis. sabihin mo nga, hindi ka naman siguro ginugutom ng mga magulang mo no para bumili ng ganung karaming pagkain? seriously Ysha, pang isang dosenang tao na yung inorder mo eh. seryoso ka ba?"- nakaawang pa mga labi ni Jimnet habang nakatingin sa kin.
natawa ako sa kanya. "hindi ah! baliw to. Hindi ko nga kaya ubusin yun eh. adik ka!hahaha"-
inirapan nya naman ako.. "eh malay ko ba? ano ba kasing gagawin mo dun sa pagkain? kanino mo ibibigay yun?"-
nginisihan ko lang sya. "basta..."-
napasimangot nalang sya sa akin. "ewan ko sayo!"-
tinawanan ko nalang sya at kinuha ang mga inorder ko. Sabay na rin kaming tumayo at lumabas ng restaurant. pagdating namin sa labas, agad kong nilapitan ang dalawang bata na ngayon ay halata ang pagkagutom sa hitsura.
"Hello!"- I approached them.
napatingin naman sila sa akin at mukhang naghihintay ng susunod na gagawin at sasabihin.
"Ako nga pala si Ysha. Here oh, may dala akong mga pagkain para sa inyo. alam ko kasing nagugutom na kayo eh. sana magustuhan nyo!"- maligalig na sambit ko sa kanila at yumuko para magpantay ang tangkad namin saka ko binigay ang mga pagkaing dala ko.
nagningning naman ang mga mata nila nang makita ang dala ko at dali-dali itong kinuha. nakita ko na rin ang pagsilay ng ngiti sa labi nila habang nakatingin sakin. Nakaramdam ako ng tuwa dahil dun.
"M-Maraming salamat po Ate!"- masayang sambit sakin nung batang lalaki.
nginitian ko sya. "walang anuman."-
narinig ko naman agad ang pagsinghap ni Jimnet sa gilid ko. At kahit hindi ko sya lingunin ay alam kong nagulat sya sa ginagawa ko ngayon.
binuksan naman ng mga bata ang plastic at tinignan ang mga laman nun.
namangha sa saya yung batang babae. "Wow! kuya ang paborito ko! tignan mo oh!"- masayang sambit nito at pinakita ang pagkain sa kuya nya.
"Hala! oo nga!"-
napangiti ako habang pinagmamasdan sila. "mabuti naman at nagustuhan ninyo."-
"Maraming salamat po Ate!"- masayang sambit sakin ng babae.
"Walang anuman, Baby girl."- sabi ko sa kanila. "Ako nga pala si Ate Ysha. kayo, anong pangalan nyo?"-
napalingon sila sakin. "Ako po si Boboy, at sya naman po si Mimi. kapatid ko po!"-
"Wow! ang ku-cute naman pala ng mga pangalan ninyo! hello Boboy At mimi. nice to meet you all!"- ngiti ko pa sa kanila. "at sya naman si Ate Jimnet ninyo!"- turo ko pa kay Jim na ngayon ay nagugulat parin sa ginawa ko.
"A-Ah, h-hello sa inyo!"- awkward at nawiwirdohang sambit pa nya sa mga bata.
nilingon naman sya ng mga ito. "Hello po!"-
"by the way, nasan na pala ang mga magulang ninyo? bakit nandito kayo?"- tanong ko pa sa kanila.
nagkatinginan naman sila at sabay na muling lumingon sakin "nasa bahay po si Mama kasama ang iba pa naming kapatid."-
napakunot ang noo ko. "may mga kapatid pa kayo?"-
tumango naman sila. "opo."-
"eh ano palang trabaho ng mga magulang nyo?"-
"nangangalakal po sila ng basura."-
nagulat ako sa sinabi nila. "A-Ano?"-
"si papa po ang madalas mangalakal ng basura at kami naman po ay namamalimos. si mama naman po ang nag-aalaga sa mga kapatid namin."-sagot ni boboy.
dahil sa sinabi nya ay mas lalo akong nakaramdam ng awa para sa kanila. bakit sa murang edad ay nararanasan na nila ito? Hays. ang dami talagang mahihirap sa mundo.
"Ysha, bilisan mo na dyan. tara na! late na tayo sa susunod na klase!"- saad ni Jimnet kaya naman napatingin ako sa kanya at sa orasan. Dun ko lang napansin na late na kami ng five minutes. may long Quiz pa naman kami ngayon. hays.
muli kong nilingon ang dalawang bata sa harap ko saka ko sila nginitian. "Ah, Boboy, Mimi. kailangan na kasi naming umalis eh. pasensya na ah? basta kung nagugutom kayo ay wag kayong mahiyang lumapit sa akin at bibigyan ko agad kayo ng pagkain. maliwanag ba?"-
nagningning naman ang mga mata nila sa sinabi ko. "t-talaga po? M-Maraming salamat po!"
ngumiti ako muli sa kanila. "oh sya, kapag kailangan nyo ako, hintayin nyo lang ako dun sa gate na yun. okay?"-
tinignan naman nila ang gate na tinuturo ko. "okay po!"- sabay nilang sabi at sabay-sabay na umalis.
napangiti nalang ako sa kanila habang pinagmamasdan silang naglalakad.
Nagsimula na rin kaming maglakad ni Jimnet dahil late na nga kami.
"Hay naku Ysha. ang hirap mong ipredict."- komento pa ni Jimnet habang naglalakad.
nilingon ko sya na may ngiti sa labi. "huh? bakit naman?"-
"talagang malapit ka sa mga taong nangangailangan ng tulong ano?"- napapailing na sambit nya habang natatawa.
"oo naman! Naiintindihan ko kasi ang hirap na pinagdadanan nila. maswerte na nga lang tayo dahil nabuhay tayo sa karangyaan. kaya naman gusto kong tulungan ang ibang tao."- sagot ko pa.
she sighed. "Hays, manang-mana ka nga talaga sa mga magulang mo."-
natawa ako. "naman!"-
"how to be you po ba?"-
"simple lang, gayahin mo ang mga ginagawa ko."-
napairap nalang sya sakin. "yeah whatever."-
at sabay na nga kaming natawa dun.
**//*/*/**/*/**/*/**/***
unedited..
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top