Ghost 64

ghost 64:







  'ALLESHA MARIE DELASEN POV:

"Lola, maraming salamat po talaga sa pagmamahal na ipinakita mo sakin. Hindi ko po iyon makakalimutan."-nakangiting sabi ko kay Lola Erlita matapos ang mahaba-habang kwentohan namin. ngayon nalang kasi ako dumalaw at alam ko namimiss nya na rin ako gaya ng pagkamiss ko sa kanya. At kaya ko rin sya dinalaw ngayon dahil may kutob ako na ito na ang huling dalaw ko sa kanya. At isa pa para ihabilin sa kanya ang mga nais kong sabihin para kay Emman sa oras na mawala na ako.

"maraming salamat rin sayo apo.  tandaan mo, hinding-hindi kita malilimutan. at pangako, iingatan ko ang apo ko para sayo."- maluha-luhang sambit pa ni Lola. napangiti ako ng mapait.  "pero, hindi ka pa naman aalis diba? hindi mo naman kami iiwan diba? hindi mo naman iiwan si Emman diba?"-

napayuko ako dahil dun. iniisip ko palang na iwan si Emman ay sumasakit na ang puso ko.  "H-hindi po.."-

"mangako ka Apo."-

shems! Ang bigat sa pakiramdam pag nagsinungaling!  "P-pangako po."-

tila nakahinga ng maluwag si Lola sa sinabi ko.  mas lalo lang akong nasaktan dahil sa sinabi ko.  pangako po Lola, na kahit iwan ko kayo ay hinding-hindi ko kayo malilimutan.

kahit anong mangyari Kayo parin ang lola ko.

****




matamlay na Pumunta ako sa kwarto ni Emman. anong oras palang kaya naman hindi pa sya umuuwi. pumunta ako sa veranda ng kwarto nya.  ilang oras akong nanatili dito para hintayin sya.

I sighed. Hindi ko alam pero ang bigat ng pakiramdam ko. nararamdaman ko rin ang konting kirot na nararamdaman ko sa kaliwang dibdib ko. ewan ko ba, pakiramdam ko may masamang mangyayari ngayong araw at nababahala ako sa di malamang dahilan. nakakapraning!

Masyado na ba akong stress at kung ano-ano nalang ang naiisip at nararamdaman ko?

Hays..

nasa malalim akong pag-iisip nung marinig ko ang pagpihit ng pinto. kaya naman dali-dali akong pumasok sa kwarto at sinalubong si Emman ng isang ngiti.

"Emman!"- excited na tawag ko sa kanya.

natigil naman sya sa paghuhubad ng sapatos at nakangiting lumingon sakin.

"Allesha! You're here!"- namamanghang sambit nya. ngumiti ako sobrang lapad dahil dun.

"Why? miss me already? mm?? prinsipe dodong?"- sabay kindat ko pa.

ngumisi naman sya at saka tumayo at nilapitan ako.

"sobra."-  napabungisngis ako dahil dun. "you know, I'm so happy today dahil bukod sa nakita na kita ay naipasa ko ang thesis paper namin."-

nanlaki ang mga mata ko sa tuwa. "t-talaga?!"- tumango lang sya. Ilang gabi nya kasing pinagpupuyatan yung thesis na yun na sobrang hirap. buti nalang talaga at tinulungan ko sya. "Congratulations Emman! I'm so proud of you! hehe!"-

"oh well, Pero hindi pa dun magtatapos ang kalbaryo ko dahil kailangan ko pang i-defense yun."-

"okay lang yun! alam ko namang maipapasa mo rin yun eh! may tiwala ako sayo hehe!"-

napangiti naman sya ng sobrang lapad.  "thank you. You are my inspiration of everything that I do."-

shems! inspiration daw oh! kinilig naman ako bigla sa sinabi nya kaya naman sa sobrang tuwa ay niyakap ko sya pero napahinto ako nung bigla ko na namang naramdaman ang pagkirot ng dibdib ko. napahawak ako dito. Shems! wag naman sana ngayon!

"Allesha, whats wrong?"- napalingon ako kay Emman. He has this worried look on me. and i hate it when I saw him like that kaya naman pinilit kong ngumiti at ipinagsawalang bahala ang pagkirot.

"Ah hehe wala naman."-

nawala naman ang pagkabahala sa mukha nya pero tinaasan nya ako ng kilay.  "really?"-

"yes oh yes! hehe."- at kumindat pa ako pero pinaningkitan nya lang ako ng mata.

"Don't lie to me Multong pangit. sumakit na naman ba ang dibdib mo?"-

"h-hindi ah! ba't naman sasakit ang dibdib ko?"- nini-nyerbos na sagot ko  .

he crossed his Arms.  "eh bakit ka napahawak sa dibdib mo?"-

shems! sinasabi ko na nga ba! Huhu Emman stop asking na please nahihirapan na akong magsinungaling!

I gulped.  "Pinakikiramdaman ko lang ang sarili ko. hihi!"-  tinitigan nya lang ako ng seryoso. grabe, nakakatakot sya ah.  "ahh Payakap na nga lang! hehe ito talagang si Emman ang prani------ugh!"-

this time, Mas lalong sumakit ang dibdib ko kaya naman hindi ko na ito magawang itago sa kanya. Naikuyom ko ang kamao ko sa kaliwang dibdib dahil sa sobrang sakit.

"Allesha! shit! Anong nangyayari sayo! ito na nga ba ang sinasabi ko!"- nataranta bigla si Emman na mukhang di malaman ang gagawin. Dali-dali syang lumapit sa akin at hawakan ako pero laking gulat namin pareho nung makitang parang hangin na lumusot lang ang kamay nya sa katawan ko.

nanlaki ang mga mata ko sa nakita, pati sya ganun din ang reaksyon. 

"What the hell!?"- nag-aalala at di makapaniwalang Sambit nya.

"E-Emman."-  sa di malamang dahilan ay tuluyan ng bumagsak ang mga luha sa mata ko.. Napaluhod na rin ako sa sobrang panghihina at paninikip ng dibdib ko.

"Allesha!"- akmang hahawakan nya sana ulit ako kaso gaya ng nangyari kanina ay hindi nya ako mahawakan. "damn! whats happening!? bakit di kita mahawakan!?"- natataranta at di na sya mapakali.

mas lalo lang akong naiyak.  sinubukan nya ulit akong hawakan pero walang nangyari. parang hangin na lumagpas lang ang kamay nya sakin. Ilang beses nyang ginawa yun pero nabigo lang sya dahil walang nagbago. mas lalo syang nafrustrate sa nangyayari.

"Goddammit! This can't be! hindi pwede to! Allesha! Allesha!"-

naiiyak na tinignan ko nalang sya. ito na ba? is this a sign na mawawala na ako sa piling ni Emman? mas lalong nadagdagan ang kirot sa puso ko dahil dun.

"E-Emman...m-mahal na maha-----ugh!"-

"Dammit! Allesha! anong nangyayari! bakit di na kita mahawakan! Shit! hindi pwede to!"-  walang tigil sa pagtry si Emman na hawakan ako kaso wala talagang epekto kaya naman malungkot na ngumiti ako sa kanya.

"E-Emman. t-tama na!"- nahihirapan man ay nagawa ko paring magsalita.

napatigil naman sya sa ginagawa nya at namumula ang mata na tumingin sakin. konting-konti nalang tutulo na ang mga luha sa mata nya na pilit nyang pinipigilan. bakas din ang sobrang awa at lungkot sa mukha nya.

"Allesha.. no.. sabihin mo.. Hindi ka pa naman aalis diba? please tell me! Hindi mo ako iiwan diba!?"-

umiling ako at pumikit ng mariin. "H-hindi.."- hinding-hindi kita iiwan kahit anong mangyari Emman. Mahal na mahal kita.

"Shit! Allesha! You're Vanishing!"- napadilat ako bigla sa sinabi ni Emman.  

napatingin ako sa katawan ko at mas lalong kinabahan at nataranta rin ng makitang unti-onting naglalaho ang katawan ko. napalingon ako kay Emman na gulat na gulat.

"E-Emman..!"-

"No! dammit! Allesha! please no! don't leave me! please!"-  mas lalo akong napaiyak ng makitang umiiyak na si Emman sa harapan ko habang nakaluhod at wala ng magawa kundi ang panuorin akong unti-onting naglalaho.  "please Allesha Please! sabi mo di mo ako iiwan diba? please wag! wag muna! wag mo akong iwan! parang awa mo na!"-

napahagulhol ako sa sakit ng nararamdaman ko. parang piniga ang puso ko sa sinabi nya.  Katapusan ko na nga ba? hindi ko na alam ang gagawin ko.

"E-Emman.. a-ayoko.. ayoko pang iwan ka! h-hindi... Hindi kita iiwan!Emman! Emman! please help me! Emman!"-

mas lalo kaming natarantang dalawa dahil bukod sa lumalabo na ang katawan ko ay di na namin mahawakan ni Emman ang isa't isa. Ito na ata ang pinakasakit na nararamdaman ko ngayon. parang pinupukpok ng martilyo ang puso ko.

"A-Allesha! Damn! Allesha! please hold on! "-

wala na akong ibang nagawa kundi ang pagmasdan syang nahihirapan tulad ko sa sitwasyon namin.  ang hirap nito. hindi ko na kaya. hindi ko na kaya ang paghihirap na nakikita ko ngayon sa mga mata nya.  "Emman... M-mahal na mahal kita. Tandaan mo lagi yan. Hindi kita kalilimutan. lagi kang nandito sa puso ko."-  nanginginig na itinuro ko ang puso ko.

napatitig sya sakin at hilam na hilam na ang mata nya sa kakaiyak. nanlaki rin ang mga mata nya sa nakita.  "N-No! Allesha! wag mo'kong iwan please! I love you! don't do this to me!please!"-

napakagat ako ng mariin sa labi ko.  nanginginig na rin ang buong katawan ko.  "I-I'm sorry.."-

then I vanished.

"No! ALLESHA!!!"-


***

Napamulat ako bigla at nagtaka ng makitang nasa hospital ako. hilam na hilam na rin ang mga mata ko kakaiyak dahil sa nangyari kanina sa bahay nila Emman.

pero teka, akala ko ba nasa langit na ako? anong ginagawa ko dito sa Hospital Room ko?

parang isang iglap lang nandito na agad ako?

nilibot ko ang paningin ko at napatingin sa mga taong nandirito. mas lalo pa akong nagtaka at kinabahan ng makitang nandito silang lahat. ang mga taong importante sakin pati narin si Mr.Cantilian. nagsisiiyakan rin sila. as in silang lahat including Mr.Cantilian.

mas lalo lang akong naguluhan.  hindi pa talaga ako naglaho! whats happening?

"huhu! I don't know what to do kapag tuluyan ng mawala sakin ang anak ko!"- napalingon ako kay Mommy na namamaga na ang mata kakaiyak. nasa tabi nya rin si Daddy na inaalalayan sya.
"Minsan na syang nawala sa amin at sobrang sakit nun! makita ko palang yung linya kanina parang di ko kinaya! she almost died!"-

"sshh! tahan na Hon. she's a brave girl okay? hindi nya tayo iiwan. hindi pa. magigising pa sya."- pagpapatahan sa kanya ni Daddy. naiiyak na naguguluhan ako sa mga nangyayari. bakit? muntikan na ba talaga akong mawalan ng hininga?

"Kasalanan ko to.."- napalingon ako kay Mr.Cantilian ng magsalita ito. Nakayuko sya at mukhang problemadong-problemado. kunot na kunot rin ang noo nya at napakalalim ng buntong hininga nya.  "nang dahil sa kagaguhan ko, nadamay ang mga anak ko. Its all my fault."-  nakaramdam ako ng di maipaliwanag na kirot sa sinabi nya.

"dad! please don't blame yourself!"- napatingin ako kay Maria na umiiyak at niyakap ang Ama. "walang may kasalanan satin okay?"-

umiling lang ito sa kanya at napahilamos ng mukha.
"Kung di dahil sakin hindi sana mangyayari ito."-

"Dad naman!"-

"I'm sorry. Maria, anak i'm sorry. Sa inyo rin Mr. and Mrs. Delasen gusto kong humingi ng tawad. dahil sa akin Namatay ang mga anak ko. Dahil sa akin namatay si Ela at heto naman ngayon, comatose ang kakambal nya at hanggang ngayon ay naghihirap parin. lahat ng ito kasalanan ko."- natigilan ako sa narinig ko. natuod rin ako sa kinatatayuan ko, hindi ako makagalaw matapos ng narinig ko.

A-ano?! kakambal?! si Ela?! kami ni Ela?!

napaatras ako sa gulat. mas lalo lang akong nalito sa sinabi nya.

Kambal..

hindi...

hindi pwede to..

Totoo ba itong naririnig ko!?

naguguluhan na talaga ako. gulong-gulo na ako sa buhay ko.

tumayo naman si Mr.Cantilian at saka nilapitan ang katawan kong nakaratay sa kama. huminga muna sya ng malalim at nanginginig na hinawakan ang kamay nito.  "A-anak, Allesha.. P-patawarin mo si Papa. Anak, patawad.. Mahal na mahal ka ni Papa. tandaan mo yan, kayong dalawa ng  kakambal mo mahal na mahal ko kayo. please wake up already. diba, nangako ka sakin na sasamahan mo akong dalawin ang Mama mo sa sementeryo? anak, hihintayin ko yun."-

napasinghap ako sa narinig ko. langya! bakit ang sakit-sakit ng puso ko?! ang sakit-sakit ng nararamdaman ko ngayon. Parang pinipiga ang puso ko sa sinabi nya.

Did he just said.... Anak?! Ako? anak nya ako!?

p-pano?!

napalingon agad ako kay Mommy at Daddy na ngayon ay nasa malayo ang tingin at pinipigilan na naman ang mga luha.. Whats the meaning of this?!

hindi nila ako totoong Anak?!

damn! so much emotion for today!

"daddy please.. wala kang kasalanan. ha? Mahal na mahal ka namin nila ate Ela at Ysha. please stop it already. don't blame yourself. saka sigurado naman akong gigising pa si Ate Ysha."- naluluhang sambit ni Maria sa tabi nya at tinignan ang katawan ko.  "right, Ate? Hindi mo pa kami iiwan ni daddy diba? magbabonding pa tayo. marami pa tayong gagawin na magkasama at mamamasyal pa tayo. nangako ka sakin na ibibili mo ako ng Shoes. please ikaw nalang ang natitira samin. Wag ka muna sumunod kay Ate Ela, ha?"-

mas lalo akong naluha sa sinabi ni Maria. Ang sakit... sobrang sakit ng nasaksihan ko ngayon. pati ang mga katotohanang naririnig ay ang sakit.  ang hirap iabsorb ng mga nalaman ko ngayon.

Sa di malamang dahilan ay bigla nalang ulit nanlabo ang paningin ko. unti-unti silang nawawala sa paningin ko at ako naman ay unti-unting naglalaho.  kinabahan na naman ako bigla.

ano na naman bang nangyayari sakin!? ano nang mangyayari??

nataranta ulit ako. dumoble ang kabang nararamdaman ko ngayon.
Kasabay nun ang muling pagkirot ng dibdib ko at pagtunog ng aparatus sa loob ng kwarto. napaatras ako sa kaba.  muli silang nagkagulong lahat sa loob at lumakas pa ang mga iyakan na naririnig ko.

at ganun na lamang ang kabang naramdaman ko ng makitang nirerevive ng mga doctor ang puso ko. napatingin ako sa monitor at nanlaki ang mga mata ng makita ang linya dito kasabay ang ingay na nakakabingi.

"Allesha, Anak Nooooo!!!!!!!"-

yan ang huli kong narinig bago dumilim ang paligid ko.






***




"Ysha!"-

napamulat ako bigla ng mata dahil sa narinig.  pero ganun na lamang ang pagtataka ko ng makitang nasa harapan ako ng isang malaking bahay. Isang bahay na napakafamiliar sakin. ang isang bahay na puno ng kasiyahan at kalungkutan. isang bahay na saksi sa paghati at dalamhating nararamdaman ko dati. ang bahay na kinalakihan ko.

ang bahay namin.. ang bahay namin na matagal ko ng iniiwasang balikan.

at ngayon, nandito ulit ako pagkatapos ng mahabang panahon. at hindi ko alam kung paano ako napunta dito.

nilibot ko ang paningin ko at masasabi kong walang pinagbago ang bahay namin. ganun parin ang hitsura nito nung mawala ako.

pero ang tanong, bakit ako nandito? parang kanina lang nasa loob ako ng hospital at nasaksihan ko pa ang mga nangyari kanina tapos ngayon sa isang iglap lang.... nasa bahay na naman ako? bahay namin?

ano ba talagang nangyayari sakin? bakit ako nandito? pinaglalaruan ba ako ng tadhana?

naalala ko na naman ulit yung nasaksihan ko kanina bago tuluyang magdilim ang paligid ko. nakita ko yun.. ang linya. ang mga nakakabinging ingay. at ang pagrerevive ng doctor sa puso ko.

nakaramdam na naman ako ng sakit at kirot sa puso ko. napaiyak ulit ako.

patay na talaga ako? wala na ba talagang pag-asa ang buhay ko?

nanghina ako bigla sa isiping yun. napaupo ako sa lupa sa panghihina at sakit na nararamdaman ko.

Hindi... hindi! hindi pa ako patay!

mabubuhay pa ako!

magsasama pa kami ni Emman!

pakakasalan nya pa ako! magkakapamilya pa kami!

mas lalo akong napaiyak sa mga naisip ko. Siguro hindi na talaga mangyayari yun. wala ng pag-asa.

"Ysha! Ano ba kanina pa kita tinatawag!"-

natigilan ako sa narinig ko. dali-dali akong lumingon sa paligid at hinanap kung saan nagmula ang boses. huh? ano yun?

"Hoy Ysha!"-

napahawak ako sa ulo ko ng bigla itong kumirot. Anong nangyayari? bakit naririnig ko ang pangalan ko? kinabahan ako bigla.

ito na ba ang mga alaala ko?

at kasabay nga ng pagkirot ng ulo ko at pag-ikot ng paligid ko ay sya namang pagbalik ng mga alaalang matagal ko nang nakalimutan.. then Everything turns black.












***





"Hoy Ysha! ano ba! bingi-bingihan lang?! my gosh nakakaloka ka ah!"-   napalingon ako kay Jimnet nung tawagin nya ako.

naglalakad kasi ako dito mag-isa sa campus. papasok na ako sa room namin.

"oh? ke'aga-aga badtrip ka na naman."- pang-aasar ko pa sa kaibigan ko.  she just rolled her eyes.

"Eh kanina pa kaya kita tinatawag tapos dinidedma mo lang ang kagandahan ko! sinong di mababadtrip aber?"- nakapamewang pa sya. natawa lang ako.

"oh chill ka lang! yung puso mo! haha"-

sinamaan nya ako ng tingin. "ewan ko sayong bruha ka! hayst tara na nga! late na tayo oh!"-

napailing nalang ako sa kanya habang sinusundan sya ng lakad. Hay naku, kahit kailan talaga si Jimnet parang tanga! haha pero buti nalang talaga at
sanay na ako sa ugali nya.

pagkatapos ng klase namin ay dumiretso kami sa canteen para kumain ng lunch. kwento naman ng kwento si Jimnet tungkol sa mga lalaking crush nya at ako naman ay nakikinig lang. eh sa madaldal ang kaibigan ko eh kaya tinitiis ko nalang ang mga walang saysay na kwento nya.

"Omg! Sis! omg! omg!"- agad akong napakunot ng noo ng biglang tumili si Jimnet. animo'y kilig na kilig at nakikitili sa mga taong nandito. nagtaka tuloy ako.

"Hoy! anyare sayo?"-

"sis tingnan mo! si Crush nandito!"- kinikilig na tinuro nya ang likuran ko. mas lalong napakunot ang noo ko. at dahil nga curious ako ay nilingon ko ang itinuro nya.

napaface palm ako ng makita ang isang lalaking matangkad, maputi, singkit ang mata at may dimples sa mukha na walang iba kundi ang SSC President namin na si Kel.

kasama nya ang kanyang kaibigan na si Joe at papunta sila sa table na Katabi lang namin. nagtatawanan pa silang dalawa habang nag-uusap at mukhang di napapansin ang mga tilian ng mga kababaihan dito. hays. napailing nalang ako. Looks can be deceiving nga naman.

"Hay naku Jim, kumain ka na nga lang dyan!"- sabi ko pa sa kaibigan ko.

"KJ mo! ang gwapo kaya ni Kel! di mo ba sya crush?"-

"wala akong paki kung gwapo sya. di ko sya crush. Not interested with boys."-

binato nya ako ng tissue paper. sinamaan ko sya ng tingin. "Ewan ko sayo Ysha! kaya wala ka pang nagiging boyfriend eh! ang daming nanliligaw sayo tapos binabusted mo lang! kulang nalang talaga bansagan ka ng Male rejecter."-  Inirapan ko lang sya saka nagpatuloy sa pagkain. itong babaeng to uhaw na uhaw na magkajowa ako. adik!  "Gosh! Ysha! malapit na sila dito! papunta na sila!"- kinilig na naman ang bruha.

"malamang katabi lang natin ang usual spot nila."- obvious na sagot ko saka nagpatuloy sa pagkain.

sa peripheral vision ko ay nakita ko silang umupo sa table na katabi namin.

"Yow guys!"- rinig kong bati ng mga kaibigan ni Kel sa kanila.

"kumusta ang buhay bilang SSC President?"- rinig kong tanong sa kanya ng pinsan nyang si Kesha.

"heto, nakakapagod dahil daming ginagawa pero masaya naman."- sagot naman ni Kel. sa di malamang dahilan ay namangha ako sa boses nya. Manly na manly.

tinignan ko si Jimnet and I must say mukha na syang tanga kakatitig dun sa lalaki. nakakahiya talaga ang babaeng to kaya naman binato ko sya ng tissue at sapol naman sa mukha nya. natawa ako. sinamaan nya naman ako ng tingin.

"What the Heck Allesha marie!"- she hissed.

i smirked. "wag mo syang masyadong titigan. nakakahiya kapag nakita ka nyang ganyan. kumain ka na nga lang dyan."-

wala naman syang nagawa kundi ang ngumuso. "buset."-

tumawa lang ako.


oras ng uwian.

nagpaalam agad ako kay Jimnet na mauuna na dahil pupunta pa akong Mall dahil may bibilhin pa ako sa National bookstore kaya naman nagkanya-kanya na kami ng lakad.

pagdating ko sa National bookstore ay ang daming tao. at karamihan sa mga nandito ay puro mga studyante. Dumiretso ako sa section ng isang book na hinahanap ko. nag-scroll ako dun ng babasahin ko related sa Subject ko. habang naghahanap ng libro ay May nabangga akong isang tao.

ang lakas ata ng impact ng pagkakabangga ko sa kanya dahil nagsilaglagan ang mga librong hawak nya. nagulat ako at agad na tinulungan sya.

"omg! sorry! sorry! di ko sinasadya!"- paumanhin ko dun sa babaeng nabangga ko habang tinutulungan syang pulutin ang mga libro.

"okay lang."- sagot pa nya.

agad ko namang binigay sa kanya ang natirang libro at tinignan sya sa mukha.

pero ganun na lamang ang gulat na namutawi sa mukha ko ng makita ang mukha nya. At gaya ko, ay nagulat rin sya ng makita ang mukha ko. nagtitigan kami ng ilang segundo, unable to speak. hindi kami makapaniwala sa mga nakikita namin ngayon.

shems! naghahallucinate ba ako? bakit nakikita ko ang mukha ko sa kanya?!

napakurap ako ng ilang beses. pero shems! walang pinagbago! kamukha ko sya! sa pagkakaalam ko hindi naman ako nananaginip.

ang kaibahan nga lang ay nakasalamin sya na pang-nerdy look. pero yung mukha nya... kamukhang-kamukha ko!

napatayo ako bigla.  "what the hell?!"-

napatayo rin sya. gulat na gulat."w-who are you?"-

anak ng kabute! talagang ako pa ang tinanong nya kung sino ako!

"hoy Ela! bilisan mo nga dyan! ang bagal-bagal mo naman! gosh!"- napalingon kaming pareho dun sa isa pang babae na tinawag sya. may hawak itong isang mamahaling ballpen. mukhang hindi rin ako napansin nito dahil nasa ibang bagay ang atensyon nito. nakasun glasses ito kahit wala namang araw. nakakunot rin ang noo nito at halatang buryung-buryo na. sa hitsura pa lang ng babae mahahalata mo ng mayaman at maarte.  "Hoy ano ba! nakikinig ka ba?! Bahala ka dyan sa buhay mo iiwan na kita!"- at nagpamauna itong umalis.

muli akong napalingon sa babaeng nasa harapan ko.  "Your name is Ela?"- hindi ko alam kung saan nanggaling ang coriousity ko dito sa babaeng kamukha ko. shems! para talaga kaming pinagbiyak na bunga!

"Y-yes sorry!"-  at agad rin syang nagmadaling umalis, leaving me dumbfounded here. shocks! Why in all Earth nakatagpo ako ng isang taong kamukha ko!

kinilabutan ako bigla. oh my mamalu!


***





"Ysha! Ysha? nakikinig ka ba?"- natauhan ako nung tawagin ni Mommy ang pangalan ko. pati si Daddy ay nakatingin sakin at nagtataka.  shems! naalala kong nasa hapag-kainan pala kami at di ko pa nagagalaw ang pagkain ko.

"Huh?"- clueless kong tanong.

napabuntong hininga naman si Mommy. "Ang sabi ko Okay lang ba sayo na magbakasyon tayo dun sa ibang bansa? sa bahay ng Tito mo?"-

ngumiti ako ng alanganin. "ah, oo naman po. walang problema."-

tinitigan nila ako ng matiim.  they're like observing me. naconscious tuloy ako.  "Why?"- nagtatakang tanong ko pa.

"Are you alright?"- tanong naman ni Daddy.

"oo naman po. bakit naman hindi?"-

"mukha kasing malalim ang iniisip mo. care to share it with us?"-

"ahh hehe wala po. don't mind me. napagod lang po ako sa pagbabasa. parang sumabog ang utak ko sa dami ng binasa ko."- pagpapalusot ko pa. mukhang nasatisfied naman sila sa sagot ko dahil tumango lang sila. Shems! I really hate Lying to them.

"don't stress yourself too much, anak. magpahinga ka agad after nating kumain."- nag-aalalang sambit ni Mommy.

ngumiti naman ako sa kanya at tumango. Ang bait talaga ng magulang ko.  "by the way Mom, kailan pala tayo Magbabakasyon kila tito?"-

"this sembreak nyo. matagal-tagal narin mula nung huli nating punta dun. You were 9 years old that time. sigurado akong namimiss ka na ng Pinsan mo."-

"yeah."- sagot ko nalang at nagsimulang kumain. nagkwentohan kami tungkol sa ibang bagay gaya ng studies ko, and mga plano namin sa buhay. naglalambingan rin sila Mommy at daddy sa harapan ko kaya naman napapangiti nalang ako kahit napaka-awkward tignan.

pagdating ko sa kwarto, nagbihis agad ako at humiga sa kama. muli na namang sumagi sa isip ko ang mukha ng babaeng nabangga ko kanina.

hindi ko alam pero simula nung makita ko sya hindi na sya mawala sa isip ko. its like I feel something in my heart nung makita ko sya. not in a romantic way though. basta, parang kakaiba pakiramdam ko dun sa babae.

napapaisip tuloy ako. magkikita pa kaya kami? saka bakit naman kami magkamukha?

nakakaloka my gosh!

***



"Hello po Tito!"- masayang sinalubong ako ng yakap ng tito ko na si Tito Andrue. nandito kasi kami ngayon sa Paris, nagbabakasyon gaya ng sinabi sakin ni Mommy. kakarating lang namin ngayon. Sembreak narin kasi namin eh.

"oh my princess! I miss you! Grabe ang laki mo na ah! nung huli kitang nakita ang liit mo pa saka ang cute-cute mo nun!ngayon dalaga ka na! ang ganda-ganda mo na!"- namamanghang sambit ni Tito. napatitig ako sa kanya. grabe, kahit matanda na sya ang tikas parin ng katawan nya. alagang-alaga.

"naku tito, you don't have to state the obvious."- biro ko pa.

"for sure marami ng nanliligaw sayo."- sabi pa nya. ngumiti lang ako.

"hay naku andrue! kung alam mo lang, nai-stress na ako sa dami ng mga lalaking umaakyat ng ligaw sa bahay."- segunda ni Mommy.

tumawa si Tito. "oh? bakit naman?"-

"Eh kasi naman, itong pamangkin mo walang ni isang pinansin. lahat sila busted kaya ayun ang daming mga lalaking lumalapit sakin at nagsusumbong sa ginagawa ng anak ko sa kanila."-

nginusuhan ko lang si Mommy. "Eh sa hindi ko sila type. halatang babaero."- komento ko pa.

"mabuti nalang din yung ganyan dahil hindi ko rin sila papayagan na ligawan ang Anak ko. Masyado pang maaga para sa ligaw-ligaw na yan."-  komento ni Daddy. nginitian ko si Daddy at kinindatan nya naman ako. 

"you're the best Dad!"- nag-thumbs up pa ako. Ginulo ni Daddy ang buhok ko.

napairap si Mommy. "here comes the strick father."-

tumawa lang si Tito. Grabe ah, super jolly talaga ni Tito. laging nakangiti.
"by the way, wheres your Wife?"- tanong ni Mommy kay tito.

"oh. may pinuntahan lang sya saglit. pero babalik din agad yun, knowing na nandito kayo."- tumango naman si Mommy.

"What about your Son? where is He?"- tanong naman ni Daddy.

"Ayun, tulog pa-------"-

"Hello everyone!"- agad kaming napalingon lahat dun sa taong nagsalita. pababa ito ng hagdan at halatang bagong gising lang dahil humihikab pa pero masasabi kong kahit bagong gising lang sya, ang gwapo nya parin. pero mahahalata mo sa hitsura ang pagiging playboy.  hay naku. ba't may pinsan akong playboy?

Napangisi ako. medyo hindi ko na kasi maalala ang mukha nya dahil ang tagal narin naming hindi nagkita.

"oh nandyan na pala sya!"- masayang sambit ni Tito.

agad namang lumapit samin si Andrey
at nagbeso kay Mommy at nagmano naman kay Daddy. namangha ako. buti naman at magalang sya sa nakakatanda.

"hello po Tita, Tito. Sorry I woke up very late. You know, napuyat po kasi ako kagabi." at ngumisi pa sya ng nakakaloko. Natawa naman ang parents ko sa kanya samantalang Inismaran lang sya ng Daddy nya.

"pa'nong di ka mapupuyat eh gabi-gabi kang nasa Bar."- paninermon pa ni tito sa kanya.

"Daddy naman! Nagkakasiyahan lang kami kagabi sa bar. Birthday party kasi ng kaibigan ko."- sagot pa nya.

"hay naku, di na talaga kataka-takang babaero ka."- komento ko pa dahilan para mapalingon sya sakin at ngumiti ng malapad.

"Oh! hello there cousin! long time no see! I miss you!"- at agad syang lumapit at niyakap ako.

"yeah, long time no see."- sabi ko habang nakangiti.

"by the way, regalo ko?"- inilahad nya ang kamay nya. tinaasan ko naman sya ng kilay at ngumisi.

"anong regalo ka dyan! neknek mo! hindi ka nga nagtitino eh."- natawa lang sya.  napanguso ako. nakakainis to. Tawanan ba naman ako?hmp!

"by the way, Itotour kita dito sa Paris."-

nagningning naman agad ang mga mata ko sa sinabi nya. "t-talaga?"-

"yup! magbibihis lang ako."-

napangiti ako ng todo-todo. yes! makakapasyal ako dito ngayon! excited na akong libutin ang buong lugar yaiks! hehe. I so Love Andrey na! haha.

ilang oras ang lumipas bago bumaba si Andrey at nagpaalam na itotour ako sa lugar. buti nalang din pinayagan siya ng Daddy ko. naku, strick pa naman yun.

so ayun, marami kaming lugar na pinuntahan. Una na dyan ang pinakasikat na tower dito. alam nyo na yun. namili rin ako ng mga pang-souvenirs para sa madaldal kong kaibigan.  dumiretso rin kami sa isang Malaking Mall dito at naglibot-libot. at mas lalo akong napahanga dahil ang haba pala ng pasensya nitong pinsan ko. halos manakit na kasi ang paa nya kakalakad at kakabuntot sakin pero heto sya at di nagrereklamo. Nice.

at dahil nga ako na ang napagod sa paglilibot namin ay niyaya ko na syang kumain. dumiretso kami sa isang restaurant dito at sya na ang umorder dahil di ko maintindihan ang nakasulat sa menu.

after naming kumain, naglibot muna kami ng isang beses bago napagpasyahang lumabas kaso habang naglalakad ay may biglang isang babae ang humarang sa dinadaanan namin at sobrang sama ng pagkakatitig nya samin, lalo na sakin. nakacross arm pa sya at nakataas ng sobra ang kilay.

tinaasan ko sya ng kilay, nagtatanong kung anong ginagawa nya.

"is there a problem miss?"- takang tanong ko pa. hindi ko naman kasi sya kilala.

sinamaan nya ako ng tingin bago nilipat ang atensyon sa katabi ko. 

"who is she?"- seryosong tanong nya kay Andrey na ngayon ay poker face lang ang mukha. adik talaga ang lalaking ito.

"Kilala mo sya?"- tanong ko pa kay Andrey.

napalingon naman sya sakin at nagkibit balikat lang. walang kwenta kausap.

"She's.... Umm, Anie?"-

"Hey! I'm not Anie! it's Aly!"- Iritadong singhal pa nito. sabay iyak na talaga namang mukhang tanga. parang gusto ko tuloy matawa sa hitsura nya, halatang di nagustuhan ang sinabi ni Andrey.
"How dare you Drey! after what happened to us?! you just said yesterday that you love me and then now i will see you together with another woman?! are you cheating on me?!"-

SAY WHAT?! napakunot ang noo ko, tila nagloading pa sa utak ko ang sinasabi nya,  hindi ko alam ang pinagsasabi nung babae kaya naman nanahimik lang ako at tinignan si Andrey.

napairap lang ito sa kanya.
"Oh c'mon.. Stop it Woman. you're making a scene here."-

"No! you just spend the night with me in bed and then now you just acted in front of me that you don't know me and nothings happened between us!"-

napasinghap at napatakip ako ng bibig sa sinabi ng babae at kunot noong nilingon si Andrey. 

what the heck! t-talaga bang may nangyari sa kanila?!

"oh, I'm just playing with you woman. Are you really that stupid? We just met yesterday and then you really believe that when I say I love you I really do? pathetic bitch."- napasinghap naman agad ako sa sinabi ni Andrey, miski yung babae nagulat sa sinabi nya at mas lalong naiyak. putek! Anong kabobohan ba ang pinasok ng mga taong ito?!

"H-How could you!"- girl shouted.

At dahil hindi ko na nagugustuhan ang mga naririnig ko ay sumabat nako.

"what the freaking fridge! you two were dating?!"- hindi makapaniwalang sambit ko. sinamaan lang ako ng tingin ng babae. "and then you're just toying her?!"- baling ko pa kay Andrey. ngumisi lang ito sakin, sarap sapakin ng lalaking to. kakagigil.

"Yes we're dating since yesterday and then now, you are with him also?! You're a slut!"-

nagpantig ang tenga ko sa sinabi ng babae. HOW DARE SHE! Me?! SLUT!? ABA ANG KAPAL NG MUKHA NG MALANDING ITO AH! pinag-iinit nya ang ulo ko! wala pa ni isang tao ang sinabihan akong malandi! bwisit sya ah! nagngitngit ako sa inis.

akmang sisinghalan ko na sya nung biglang sumabat si Andrey.

"Stop it. you don't have the right to say such thing like that to MY GIRLFRIEND! So shut up and leave Us alone! I don't wanna see your Ugly face ever again. Understood?!"- mariing sambit ni Andrey sa babae sabay hila sakin palabas ng Mall. halos mahiya nga ako dahil sa dami na ng mga taong nakatingin samin.

walang hiya talaga tong papansin kong pinsan! Agaw Atensyon! bida-bida talaga nakakagigil!

kaya naman nung makasakay kami sa kotse nya ay agad ko syang sinuntok sa mukha kaya naman nagulat sya at napangiwi sa sakit. Ha! di nya inasahan yun! dumugo tuloy ang gilid ng labi nya.

"What the f*ck Ysha?!"- hindi makapaniwalang sigaw nya. Sinamaan ko sya ng tingin.

"bagay lang sayo yan dahil sa mga katarantaduhan mo! How could you to hurt a woman and use their weaknesses?! You Stupid Playboy!"- pinaghahampas ko sya sa inis ko. wala naman syang ibang ginawa kundi ang umiwas at depensahan ang sarili.

"Aish! Aray! ouch! stop it Ysha! ang sakit-----f*ck!shit!"-

"walang hiya ka! walang hiya! at talagang ginamit mo pa akong bwisit ka! napahanga mo na sana ako kanina dahil mahaba ang patience mo pero ngayon bwisit ka talaga!"-  binato ko sa kanya yung isang bagay na nahawakan ko at patuloy na pinaghahampas sya.

"Damn Ysha! stop it!"-

"No! kailangan mong matuto! hindi isang laruan ang mga babae para Sirain mo lang! bwisit ka!"-

"Ara--arayy!! tama na okay! I'm sorry! sorry na!"-

tinigil ko ang paghampas sa dibdib nya at sinamaan sya ng tingin. naghabol rin ako ng hininga dahil sa ginawa ko. hoo! putek, hiningal ako kakahampas sa kanya.

napahawak naman sya sa pisngi nya at pinunasan ang dugo dun. inayos nya rin ang nagusot na damit at napailing nalang habang nakatingin sakin.

"grabe, Ang brutal mong pinsan ah?"- natatawang puna pa nya kaya naman inambahan ko sya ng suntok.
"oh easy lang! Ito naman ang sungit."-

inirapan ko lang sya.  "so care to explain?"-

"explain what?"-

aba! nagmamaang-maangan pa ang loko!

"Bakit mo pinaglaruan yung babae?"- seryoso at nanggigigil na tanong ko.

"I'm not. She's the one who flirted first. Sinakyan ko lang ang trip nya----"

"eh walangya ka pala talaga eh!"- sinuntok ko ulit sya sa pisngi kaya naman napamura sya sa sakit at mukhang nahilo pa. ha! serves him right! dalawa na pasa nya sa pisngi.

"f*ck! dammit Ysha! nakakadalawa ka na ah!"- sigaw pa nya sakin sabay punas sa dugo nya. "damn! ang sakit letse!"-

"At hindi ako magdadalawang isip na dagdagan yang pasa mo kung di ka magtitino!"-

"what's your problem?!"- iritadong singhal pa nya.

"Talagang tinanong mo pa! sarap mong sakalin nanggigigil ako sayo! dapat di mo ginawa yun! you know how much I hate people who cheated in their girlfriends! you Freaking bastard!"-

"I'm just having fun you know? saka nag-enjoy rin naman sya kagabi sa ginawa namin! puro ung-----"-

hinampas ko agad sya sa inis.  "Ang manyak mo ah bwisit!"-  napanguso naman sya at napahimas ng batok. kakagigil tong Unggoy na to! I heaved a Sighed. "Wag mo ng uulitin yun Andrey, sinasabi ko sayo. Hindi mo alam kung gaano kasakit sa damdamin ng isang babae ang ginawa mo. thats Immoral. Isipin mo nalang kapag nangyari sakin yun, tingin mo ba nakakatuwa?"-

napabuntong hininga naman sya. "I'm sorry."-  napatungo sya.

"Don't say sorry to me. you should tell that to that girl.  hindi ko nagugustuhan yang pagiging playboy mo."-

"hays oo na."-

"Seryoso ako Andrey!"- sinamaan ko sya ng tingin. napahawak sya sa gilid ng tenga nya.

"oo na oo na! magsosorry na'ko dun sa babae. Just don"t punch me again! damn, ang sakit mo pa namang sumuntok. bakal ba yang kamay mo?"- reklamo nya pa.

tinaasan ko sya ng kilay saka ngumisi. "siguradohin mo lang. dahil hindi ako magdadalawang isip na suntukin ka sa mukha kapag nalaman kong may pinaglaruan ka na naman!  baka yang pantog mo na ang puputulin ko!"-

bigla naman syang nagulat at pinawisan sa sinabi ko.

I smirked.

ganyan nga, matakot ka lang sa banta ko dahil totohanin ko  talaga yun. di ako nagbibiro.

  "okay okay! takot ko lang na baka putulin mo nga ang junior ko sayang naman. magpaparami pa ito ng mga lahi naming gwapo!"-

nandiri naman ako sa sinabi nya. "kapal ng mukha ah?"-








**//*/**/*/*/**/*//***

unedited...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top