Ghost 61
ghost 61:
"Ate! Ate! Noo!"-
Nagpupumiglas akong makawala sa kamay ng mga armadong lalaki. Kaso ang lalakas nila kaya di kami makatakas. Pilit namang nilalabanan ni Maria ang mga humawak sa kanya para hindi makalapit sa akin.
Nagsimulang umusbong ang takot sa aking dibdib. Anong nangyayari?!
"Ano ba?! Let go of Us! isusumbong ko kayo sa Daddy namin!"- pagpupumiglas pa ni Ela habang patuloy kaming kinakaladkad papasok sa itim na Van.
"Tumahimik Kayo!"- Sinampal ng malakas ng lalaki si Ela dahilan para mapatili ako sa gulat at kaba.
"Ela!"- sinubukan kong makawala sa mga kamay ng armadong lalaki para sana lapitan sana si Ela kaso hinigpitan nila ang pagkakahawak sakin. "Ano ba!"-
Agad namang napangiwi sa sakit si Ela pero tila hindi ito nasisindak sa ginawa ng Lalaki. Kaya naman dinuraan ni Ela ang mga ito at sa galit ng Armadong lalaki Ay Agad nyang Hinampas sa batok si Ela dahilan para mawalan ito ng malay.
nagulat ako sa nangyari, napapaiyak narin ako.
"Ano bang kailangan nyo sa'min!?"- sigaw ko habang patuloy na Lumalaban kaso hindi ko sila kaya lalo na't ang dami nila.
pero tila nagbibingibingihan lang sila dahil hindi nila kami pinapansin.
"Ateeee! Bitawan nyo mga kapatid Ko!"- Agad akong napalingon kay Maria na pilit nilalabanan ang mga brasong humarahang sa kanya.
"Ang ingay Mo! nakakarindi ka na Ah!"- Agad Sinuntok nung lalaki ang tiyan ni Maria dahilan para mapasigaw ako sa takot.
"Wag!"- sigaw ko pero wala silang narinig. Nawalan ng malay si Maria at agad nila itong Itinapon kung saan dahilan para umusbong ang kaba sa aking dibdib. "San nyo dinala si Maria!? Pakawalan nyo kami!"-
todo pagpupumiglas ang ginawa ko pero hindi nila kami pinapansin.
"Hoy! dalian nyo! wala na tayong oras!"- sigaw ng isa sa mga kasamahan nila na sumilip galing sa loob ng Van.
nalilitong tiningnan ko sila. "Sino ba kayo! Anong kailangan ninyo sa'min!"- sigaw ko pa pero Masyado silang busy sa pagpasok sa Van ng walang malay na si Ela.
"Hoy ikaw Babae! naririndi na ako sa bunganga Mo Ah!"- Sigaw sakin ng may hawak sa braso kong Halimaw saka ako sinampal sa mukha. napangiwi ako sa sakit. takte, parang namanhid ang kaliwang pisngi ko dun.
Halos mapaiyak ako sa sobrang sakit.
hindi ko namalayan na Itinulak nila ako papasok sa loob ng Van kaya naman nasubsob ang mukha ko dun sa kabilang pinto. bwisit. parang natanggal ang ilong ko dahil dun.
"mga walang hiya kayo!"- sigaw ko nung umandar na ang Van paalis.
"Patahimikin mo nga yan! Ang ingay ah!"- sigaw pa nung isang lalaki na nasa unahan.
sinamaan ko sya ng tingin. "I swear, Ipap-------Mmgkfmgm!!"- may biglang tumakip ng panyo sa ilong ko kaya naman nakaamoy ako ng isang chemical na tingin ko'y pampatulog.
sinubukan ko pang magpumiglas pero unti-unting nanghina ang katawan ko pati ang diwa ko.
sa isang iglap lang nagdilim ang paligid ko.
***
"Ysha. Ysha! gising!"-
napamulat ako nung may maramdaman akong yumuyugyog ng balikat ko.
pagtingin ko, Si Ela pala. nag-aalala ang mga mata nya habang nakatingin sakin. napakunot ang noo ko at tinulungan nya naman akong umupo. napahawak pa ako sa ulo sa ulo dahil sumasakit ito.
nilibot ko ang paningin sa paligid. Medyo madilim dahil isang ilaw lang ang nakabukas. May mga kahoy na nakatambak sa isang gilid, At puro alikabok ang buong paligid. may dalawang lalaki rin sa di kalayuan ang nakaupo at sobrang himbing ng pagkakatulog. sa gitna ay may isang Maliit na mesa kung saan punong-puno ng mga bote ng alak. may mga hawak rin silang mga armas. muli kong nilibot ang paningin sa paligid. hindi ko alam kung anong lugar to pero nasisiguro kong nasa isang warehouse kami!
kinabahan ako bigla.
"Ysha, Okay ka lang ba? may masakit ba sayo?"- muli akong napalingon sa katabi ko. Nag-aalala ang mga mata nya, at halos bumulong nalang sya para walang makarinig samin.
"Okay lang ako-----"- natigilan ako nung mapansin ko ang isang kadenang nakatali sa kaliwang paa ko. napatingin din ako sa paa ni Ela.
Ang dumi-dumi na rin ng mga damit namin pati ang aming mukha.
"Ysha, Look. we have to get out of here as soon as possible. do you understand?"- kahit pawisan at takot ay nagawa paring mag-isip ng matino ni Ela. napatango ako
"Anong gagawin natin?"-
"kailangan nating makahanap ng tiyempo para makatakas. "- Nilibot nya ang paningin sa paligid na animong may hinahanap.
"Ano bang kailangan nila sa'tin? ba't nila tayo Kinidnap?"- kinakabahang tanong ko pa.
"I don't know."- Sinubukan nyang hilain ang kadenang Nakatali sa paa nya pero bigo sya.
kaya naman sinubukan ko rin ang sakin, hoping na matanggal na ang mabibigat na kadena pero lumikha lang iyon ng ingay dahilan para gumalaw ang mga tauhang nagbabantay samin. pigil ang hininga naming dalawa ni Ela dahil dun.
buti nalang ay di ito Nagising. nakahinga kami ng maluwag dun at muling hinila ang kadena sa paa namin.
"Wag nyo nang ipilit. Masasayang lang ang oras nyo."- napatigil kaming dalawa ni Ela dahil dun.
nagkatinginan pa kaming dalawa na nanlalaki pareho ang mga mata at sabay na nilingon ang taong nagsalita sa harapan namin.
matangkad sya kaya naman kailangan pa naming tumingala para makita sya.
Nakasuot ito ng suit and tie. nasa mid 30's narin ata sya, may hitsura pero ang awra nya ay sumisigaw ng Awtoridad. Nakakatakot rin ang hitsura nya. napakaseryoso nito at misteryoso. wala karing mababakas na kahit anumang emosyon sa mukha nya. Sa madaling salita, Mukha syang demonyo!
may mga ilang tauhan rin syang kasama at katulad nya, nakakatakot rin ang hitsura nila.
lumapit ito samin at tumayo naman ako para harapin sya. Kahit nanginginig ang mga tuhod ko ay pinilit kong magmukhang matapang. tinitigan nya ako sa Mata pagkatapos ay ngumisi.
"Allesha Marie Delasen. Ang nag-iisang tagapagmana ng Magaling at matalinong Si Alturo Delasen. Nice meeting you dear."-
nanlaki ang mata ko. pa'no nya nalaman ang pangalan ko?
nilingon nya naman si Ela. saka nginisihan bago muling ibaling ang atensyon sakin. sinamaan ko sya ng tingin.
"S-sino ka ba? A-anong kailangan mo samin?!"- kinakabahang tanong ko pa dahilan para ngumisi sya. Para syang demonyo, nakakatakot.
"Isa lang naman ang gusto ko eh, yun ay mapabagsak ang Kompanya ng pamilya ninyo pati na ang pamilyang Cantilian!"- sabay lingon kay Ela.
napakunot at nanlaki ang mga mata ko. "A-ano?!"-
"Alam mo sa totoo lang, Hindi naman dapat kayo nandito eh. pero kailangan. kaya pasensyahan nalang tayo."- muli syang ngumisi. napalunok naman ako.
"B-Bakit?!"-
"Bakit? dahil gusto kong Malaman ng pamilya ninyo na Hindi nila kami basta-basta mapapatumba! Gusto kong matauhan at matakot sakin ang mga magulang ninyo! lalong-lalo na si Cantilian.Sya ang una kong papatayin sa pangingialam sa buhay ko! pero syempre tutal nandito narin naman na kayo, ay uunahin na kita."- napahalakhak sya na talaga namang nakakatakot kaya halos mapaatras ako sa kaba.
nanginginig rin ang mga kamay ko at pakiramdam ko pinagpapawisan ako.
"Ysha..."- napalingon ako kay Ela, at tulad ko ay natatakot rin sya sa lalaking nasa harapan ko.
"S-sino ka ba?"- kinakabahang tanong ko pa.
"hindi mo ako kilala? Pwes alamin mo!"-
"Nahihibang ka na! mali ka ng taong kinalaban!"-
"Oh sana nga. pero hindi. "- biglang dumilim ang hitsura nya na syang ikinatakot ko. Nagsimula syang maglakad palapit sakin kaya naman napaatras ako kaso ang ikli lang pala ng pagkakatali sakin kaya naman hindi ko na magawang umatras pa.
"Wag kang lalapit. dyan ka lang!"- banta ko pa pero nginisihan nya lang ako saka hinawakan ako sa leeg at inangat na syang ikinatakot ko ng sobra.
"Wag! Bitawan mo sya, wag!"- rinig kong sigaw ni Ela. Napahawak ako sa kamay nyang nasa leeg ko at pilit yung Tinatanggal. nahihirapan na akong huminga. napapikit ako ng mariin, konti nalang mawawalan na ako ng hininga. panay naman ang sigaw ni Ela at pagpupumilit na lapitan ako.
"Alam mo bang kating-kati na akong patayin kayo?! pati ng Ama mo! pero syempre, hindi naman ako madaya kaya makikipaglaro muna ako kay Cantilian. I'm gonna make sure na Matatakot sya sa masasaksihan nya ngayong gabi."- binitawan nya naman ako at saka tumawa na parang demonyo. ako naman halos mapaatras at naghahabol ng hininga. grabe, muntik na akong mamatay. napahawak ako sa dibdib ko.
"Ysha! ayos ka lang?"- nilapitan ako ni Ela at inalalayan. napatingin ulit ako dun sa lalaki.
may isininyas sya sa mga tauhan nya at cellphone pala yun! kinukuhanan nya kami ng Video! anong binabalak nya?
"hindi nyo alam kung gaano ako nag-ienjoy sa nakikita ko ngayon."- ngisi nito sa akin saka kinuha ang cellphone sa bulsa at idinikit sa tenga pero hindi nawawala ang paningin sakin. nagriring ito at ilang sandali lang ay nagsalita sya. "magandang Gabi sayo Mr. Cantilian. oh easy! May sasabihin lang sana ako sayo. Hawak ko ang mga Anak nyo. Oh talaga? well, sinasabi ko sayo ngayon palang matakot ka na. any minute ay pwede kong patayin ang
mga ito. Ang gusto ko? Ang gusto ko ay mamatay ka na! pero syempre gusto ko munang makipaglaro sayo kaya naman kung gusto mo pang makitang buhay ang Anak mo ay sundin mo ang ipapagawa ko. Maghanda ka ng Isang bilyong Piso. Nahihibang? Well, Hindi pa naman. pero seryso ako. Isang. Bilyon! at kapag hindi mo ibinigay ang hinihingi ko ay magpaalam ka na sa mga anak mo. Sigurado naman akong marami kang pera at sisiw lang sayo ang isang bilyon. Aasahan ko yan Bukas ng gabi dahil kung hindi makikita mo nalang na bangkay na ang mga Anak mo."- at ibinaba nya na ang tawag sa cellphone. kami naman ay napasinghap sa sinabi nya.
mabilis nagreact si Ela. "Hindi! wala kang makukuhang gano'ng pera! Hindi!"-
nginisihan lang sya nito. "kung ganun ay papatayin nalang kita."-
nakita kong May kinuha syang isang malaking bakal mula sa tauhan nya at mukhang ihahampas nya ito kay Ela. kinabahan ako bigla, Isang hampas nya lang sa ulo nyan ay mamamatay si Ela!
kaya naman tumayo ako. "Wala kang puso! mamatay ka na!"-
agad ko syang sinugod ng suntok sa mukha. at dahil hindi nya inasahan ang ginawa ko ay hindi sya nakailag. napuruhan sya dun kaya naman halos mahilo sya sa sakit. napaatras pa sya. ipinilig nya ang kanyang ulo saka nanlilisik ang mga matang binalingan ako. napalunok ako. Kinakabahan ako. Katapusan ko na ba? Napaatras ako nung lumapit sya. Grabe, nakakatakot na talaga sya.
hindi ko magawang ialis ang paningin sa kanya. Nanginginig na ako sa takot.
nag-aalab ang paningin nya na para bang gusto nya na akong tapusin.
"Ikaw! wala pang ni isang tao ang nangahas na suntukin ako sa mukha kundi ikaw pa lang! talagang ginagalit mo ako ah! Hetong sayo!"- napalingon ako sa Isang bakal na hawak nya. Tingin ko'y ihahambalus nya sa akin yun kaya naman mas lalo akong kinabahan.
Nangininig ang mga labi ko. Itinaas nya iyon, hindi ako makagalaw. parang nagslow motion ang paligid ko Habang unti-unting dumapo sa ulo ko ang hawak nyang bakal. at ganun na lamang ang pagikot ng paningin ko nung tuluyan iyong tumama sa ulo ko.
"Ysha, NOOOO!!!!!!"-
natagpuan ko na lang ang sariling katawan na nakabulagta sa sahig at wala nang malay.
***
napamulat ako bigla.
Tila naghahabol ng hininga. Napahawak ako sa dibdib ko saka tinignan ang paligid. Dun ko narealize na nasa hospital pa rin pala ako at nakahiga sa sahig.
tumayo ako at dun ko napansin ang presensya ng mga magulang ko pati si Kel. Tinignan ko ang katawan na nasa kama. At masasabi kong stable na ulit ang paghinga nito. Pinalilibutan naman sya ng mga taong nagbabantay sakin na sobrang tahimik at hindi umiimik habang pinagmamasdan ang Mukha ko sa Kama.
napakunot bigla ang noo ko, kinakabahan ako.
Anong nangyari?! ano yung nakita ko?!
napahawak ako sa Ulo ko. parang kumirot ito panandalian pero nawala rin naman agad.
What was that?! Ano ang imahe na yun?!
muli akong napalingon sa kama. Kung titignan ko ang hitsura ko dun, ang peaceful ng pagkakatulog ko. napabuntong hininga ako. Hindi ko alam kung anong nangyayari ngayon.
hindi ko alam kung bakit bumabalik ang mga alaalang ngayon ko lang din nalaman, at kung bakit sa loob ng limang taon ay ngayon lang bumabalik sa akin. Ano ang ibig sabihin nito? Bakit hindi ko naalala ang mga ito nung unang taon na Namatay ako? bakit ngayon lang? ito ba ang isa sa mga dahilan kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa ako umaakyat sa langit? kung bakit hanggang ngayon ay nandito parin ako sa mundo at pagala-gala?
ito ba ang isa sa misyon na pending at kailangan ko pang tapusin bago ako mamahinga ng tuluyan?
kung ganun ay kailangan ko na pala itong tapusin. Pero ang tanong, sino yung lalaking dumakip samin? Saka... bakit hindi ko maalala ang mukha nya pati kay Ela ngayon? Napahawak ulit ako sa ulo ko. pilit na inaalala ang mga mukha nila pero naging blurred lang ito sa paningin ko.
Napabuntong hininga ako.
****
'EMMAN LOYD FUERVA POV:
"Ang pangit! Sobrang pangit! pangit! pangit! PANGIT!"-
Halos lahat ng mga tao dito sa canteen nakatingin na kay Leo. Pati kami ni Allen na tahimik lang kumakain ay nagulat sa sudden outburst nya. natahimik tuloy lahat.
Nawiweirdohang tinignan namin sya.
"Luh, Nademonyo ka na ba dre?"- Naaasiwang tanong ni Allen.
napalingon naman sa kanya si Leo at sinamaan ito ng tingin. "Manahimik ka okay?! naiinis ako!"-
"di halata."- komento ko pa.
nilingon nya ako saka dinuro ng hintuturo nya. "Isa ka pa! Hindi ako natutuwa!"-
nagkatinginan kami bigla ni Allen, Tila hindi sya maintindihan.
"Hoy! anong nangyari sayo? Parang kanina lang ang ganda ng gising mo tapos ngayon bigla ka nalang sisigaw ng hindi man lang namin alam ang dahilan?! Kotongan kita dyan eh!"- asik pa ni Allen.
Pero sama lang ng tingin ang isinukli ni Leo dito. I sighed. "May nangyari ba? Baka naman pwede ka magkwento? nakakahiya naman sayo eh hindi kami aware sa galit mong hindi ko alam kung saan nanggaling."-sarkastikong sambit ko pa.
"Oo nga. Tsk tsk tsk. Ang daya mo dre! Kaibigan mo ba talaga kami?"-dagdag pa ni Allen sabay iling.
napaiwas naman ng tingin si Leo at napatiim ang bagang. Napapikit pa sya ng mariin habang kagat-kagat ang labi at nakakuyom ng mariin ang kanyang mga kamao. nagpalitan ulit kami ng tingin ni Allen dahil dun.
"Ano ba kasing nangyayari sayo?"- naiiritang tanong ko pa. Nakakainis ah. Tahimik akong kumakain dito tapos bigla syang sisigaw ng ganun? sarap bigwasan ng Ugok na to!
"Anong pangit ang pinagsasabi mo?"- tanong naman ni Allen.
napabuntong hininga si Leo at problemadong nilingon kami. Nagtaka tuloy ako. ito palang ata ang unang pagkakataon na makita ko syang problemado na ganito.
"It's All about Y-Yonna?"- kagat labing sambit nya.
tinaasan namin sya ng kilay dahil dun. nagpatuloy na rin ako sa pagkain.
"oh? what about her? bakit, sinuntok ka ba nya sa Mukha? aba dapat sinulit nya na!"- pang-iinis pa ni Allen pero hindi na ito pinatulan ni leo.
"She's giving me a headache!"-
"Edi uminom ka ng gamot."- sagot ko.
nakatanggap ako ng matalim na tingin mula sa kanya.
"Gago! seryoso ako dito ah!"-
"Ano bang ginawa nya sayo?"- tanong pa ni Allen.
"She's having a dinner date together with her boy bestfriend slash First love tonight and she's asking me if its okay! She even send her picture wearing a dress that almost make her skin Exposed! Ha! nagdamit pa sya diba?! kulang na kulang sa tela ang damit na suot nya! nagmukha syang malandi! Damn that woman! wala man lang ba syang kahihiyan sa katawan?! ang pangit ng damit nya! sobra!"-
natahimik kami pareho ni Allen sa Sinabi niya. Tila inaabsorb ang mga sinabi nya. nagkatinginan pa kami ni Allen sa isa't isa na may pagtataka sa mukha. At nung tuluyang magsink-in sakin ang mga sinabi nya ay napangisi ako ng malawak. ganun din si Allen na tila alam na nangyayari kay Leo.
"so sinasabi mo bang ayaw mong magsuot ng ganung damit si Yonna mamayang gabi sa dinner date dahil Masyadong malaswa? o baka naman nagseselos ka lang dahil alam mong may gusto sya dun sa lalaki? pwede ring Nagseselos ka dahil gusto mo ikaw lang ang makakakita ng katawan nya? tama ba? kaibigan?"- nakangising tanong pa nya dito. Namula naman bigla ang magkabilang tenga ni Leo pati na ang mukha nya.
lintik! Iyan daw ang walang gusto! huling-huli na ang kumag!
"oh baka naman nagseselos ka dahil gusto mong ikaw ang magsuot ng ganung damit? sabihin mo lang dre, bibilhan ka namin. kahit bikini pa yan ayos lang."- dagdag ko naman sabay tawa.
natawa rin si Allen at nakipag-apir pa sakin. "HAHAHA! LT Amputs! totoo ba dre? Dali bibilhan ka namin ng Pokpok shorts at Tube na damit!"-
mas lalong namula ang mukha ni Leo, Hindi dahil sa hiya kundi dahil sa Inis nya samin. Lumobo pa ang mga pisngi nya. nagpipigil na Tadyakan kami sa mukha.
"Kayong. dalawa! Isa nalang talaga At lilipad na kayo dito palabas ng University kapag hindi pa kayo sumeryoso! Nanggigigil na ako!"- nagtitimping sambit pa nito.
Tumahimik naman agad kami ni Allen at Umayos ng upo. Pumeke pa ako ng ubo saka Huminga ng malalim. "Aminin mo na kasi ang totoo."-
Kinunutan nya ako ng tingin. "anong totoo?"-
"totoong nararamdaman mo, tanga!"-
"wow, natanga pa ako!"-
"Kapag hindi mo Inamin yang nararamdaman mo ay sasabog ka. sige ikaw rin, baka pagsisihan mo yan sa huli."- komento naman ni Allen na tila kinokonsensya ang kaibigan.
"tigilan mo ako Allen!"-
"kung wala kang pakialam sa kanya, kung hindi mo nga sya gusto eh bakit kung makaasta ka ngayon ay dinaig mo pa yung isang boyfriend na Obsessed Sa kanya?"- tanong ko naman. Doon sya natigilan kaya naman napangisi ako. "Alam mo Leo, kung totoong may gusto ka sa kanya wag mo itong ideny sa sarili mo. Hangga't maaga pa ay aminin mo na sa kanya ang totoo dahil kapag tumagal yan ay sasabog ka. nakakabaliw ang pag-ibig alam mo ba yun? mag-isip ka."-
Napangiti naman sakin si Allen, samantalang napatitig nalang sa Pagkain si Leo habang kunot ang noo na tila malalim ang iniisip. napabuntong hininga pa sya ng malalim. ito ang hirap sa taong nagkakagusto sa babaeng ayaw natin, nagiging indenial tayo. Ganyan rin ako kay multong pangit dati eh. naging indenial ako pero Tinanggap ko rin naman sa sarili ko at dahil dun nakakahinga na ako ng maluwag.
"Ganito nalang gawin mo dre, kung nagseselos ka nga ay gumawa ka nalang ng paraan para pigilan yang dinner date ni Yonna at bestfriend nya. "- suhestyon ni Allen.
***
Oras ng uwian. Nagmadali akong lumabas at hindi na hinintay pa sina Allen at Leo. Eh bakit ba? eh sa excited akong makita ang nag-iisang multo sa buhay ko eh.
Napangiti tuloy ako. Napaisip ako. Nasa Parking lot na kaya sya? Panigurado nadala na sya sa banta ko kahit wala naman akong balak totohanin yun para Hindi na sumuway sa utos ko.
sana nandun na sya at hinintay ako.
at di naman ako nagkamali dahil kahit nasa malayo ay naaninag ko agad ang Anino nya.
napangiti ako ng malawak Saka hindi inaalis ang tingin sya sa kanya. Prente itong nakasandal sa hood ng sasakyan ko at animo'y May iniisip. Nagtaka tuloy ako. Ang laylay ng balikat nya, tapos hindi sya nakangiti. ang lungkot ng mga mata nya habang panay pa ang buntong hininga.
nagtaka tuloy ako kaya mas lalo ko pang binilisan ang lakad ko.
"Multong pangit."- tawag ko pa dahilan para iangat nya ang paningin sakin.
at ang kaninang Hindi maipintang mukha ay napalitan ng isang matamis na ngiti at saya nang makita ako.
"Emman! Magandang araw sayo! Namiss kita kahit Ilang oras lang tayo hindi nagkita! Kumusta ang School?"- maligalig na saad pa nya.
napangiti ako dun. Ha! sabi ko na nga ba at namimiss nya lang ako kaya sya nakasimangot kanina eh! ang gwapo ko talaga! Hahaha!
"Ngayong nakita na kita, masaya na ang araw ko."- saad ko pa dahilan para mapakagat sya ng labi. tila pinipigilan ang ngiti. "Hindi Mo ba Alam?"-
"Alam? ang alin?"-
"Na ikaw ang inspirasyon ko sa lahat ng ginagawa ko."- ngiti ko pa dahilan para mas lalong lumaki ang ngiti sa kanyang mga labi.
nagtitigan kami. At parang nahihipnotismo na naman ako sa ganda ng kanyang mga mata. kumikinang ito habang nakatitig sa'kin. oh Allesha.
you never fails to Make my heart's beating faster.
"Tara na!"- nakangiting sambit nya saka nauna nang pumasok sa loob ng kotse. napapailing na sumunod na lang ako.
agad ko namang pinaandar ang Makina at umalis ng Campus.
"Emman, Alam mo ba? kapag malungkot ako iniisip ko lang ang mukha mo tapos wala na. Nagiging masaya na ulit ako lalo na kapag nakikita kita. Nakakalimutan ko ang mga problema."- biglang pagkukwento ni multong pangit dahilan para mapalingon ako sa kanya.
"Ibig sabihin, may problema ka nga?"- tanong ko pa dahilan para matigilan sya. Napaiwas pa ito ng tingin.
"Lahat naman tayo may mga problema pero naniniwala akong lahat yun malalampasan natin basta lagi tayong positive at Malakas at matapang."- saka sya ngumiti sakin pero this time, hindi na ito umabot sa mga mata nya.
I sighed. "Bakit pakiramdam ko, may iba ka pang ibig sabihin dun?"-
"wala naman. pero kung meron nga, sana wala na lang."-
muli akong napalingon sa kanya dahil dun. "What do you mean?"-
Agad naman syang napangiti ng alanganin(?) sabay iling. "hehe wala naman. Naisip ko lang. Ah, nga pala Emman malapit na ang graduation nyo, Any plans?"-
"Plans? What do you mean?"-
"plan like Having some vacation? going abroad and relax?"-
napatango-tango naman ako. "Ah.. bakit mo naman naitanong?"-
"Wala lang. So ano nga? anong plano mo?"-
"wala. My only plan is to have more time with you."-
napangiti naman sya dun at hindi ko maiwasang matulala sa ganda nya. damn! I'm so inlove!
"yieee si Emman. Haha sabi ko na nga ba! Super inlove ka sakin no?"- nang-aasar na naman sya.
"parang sya hindi ah? sa pagkakaalam ko ikaw ang naunang mahulog sakin "- ngisi ko pa.
napanguso naman sya. "Hays. oo na! nakakainis ka ang hirap mong kontrahin sa bagay na yan!"-
natawa naman ako sa ka-cute-an nya.
"Wag kang mag-alala, maganda ka naman kaya ayos lang yan."- then I winked at her.
nanlaki naman ang mga mata nya sabay Kagat ng labi. "Sus! parang dati ayaw mong nakikita ang hitsura ko kasi napapangitan ka tapos ngayon... Yieeee! Sobrang ganda ko talaga!"- sabay hagalpak nya.
tinaasan ko lang sya ng kilay. "dati yun! iba na ngayon."-
"sabagay. Alam ko naman na kahit lagi mong sinasabi na pangit ako ay nagagandahan ka parin sakin. hihi!"-
"Ha! taas ng tingin sa sarili ah?"-
"Nagsasabi lang po ng totoo, Kamahalan."-
"Wag mo nga akong tawaging Kamahalan!"-
"Edi Prinsipe Dodong! Haha!"-
"Tsk, Ewan ko sayo Multong pangit."-
"Ewan ko rin sayo Prinsipe Dodong."-
****
'EMILY FUERVA POV:
'Aya's Calling...'
agad kong kinuha ang cellphone at sinagot ang tawag. inilagay ko pa sa Mesa ang paa ko At Hayahay na nakaupo sa sofa dito sa sala.
"Oh? anong kailangan mo at napatawag ka?"- sagot ko pa sa kabilang linya habang kumakain ng Sweet corn.
"Wow! goodafternoon din sayo Sis!"- sarkastikong sambit pa nya. I just rolled my eyes.
"Walang maganda sa Afternoon ko kung yang boses mo ang maririnig ko"-
"Aww! sakit mo naman magsalita Ah! nahurt ako!"- I can imagine her acting like really hurting right now.
"OA mo."-
"Hahaha! by the way, nasan ka pala ngayon?"-
"sa bahay why?"-
"wala kang ginagawa?"-
"maliban sa iniistorbo mo Ako? wala na."-
narinig ko naman ang pagsinghal nya. "duh, whatever. hindi ka talaga matino kausap kapag buntis my gosh!"-
ako naman ang natawa. "oh eh ano naman ngayon?"-
"lumabas ka ng bahay mo."-
napaangat ang kaliwang kilay ko sa sinabi nya. "at bakit naman ako lalabas ng bahay? ano ako sira?"-
I heard her sighed. "Hindi ka ba naboboring dyan? Lagi ka nalang nakakulong dyan sa lungga nyo ng bahay ng lola mo. ano, pinipreso ka na ni Kyle?"-
"Shut up! kung alam mo lang na halos Tumirik na ang mata ko dito kakatambay sa bahay! wala kang alam sa pinagdadaanan ko ngayon! halos mamatay na nga ako sa sobrang boring eh! you don't have to state the obvious!"- inis na sambit ko pa.
"exactly my point! Magbihis ka ngayon at sasamahan mo akong Umalis. It's time para magsaya ka naman."-
I arched my eyebrow. "at sa'n mo naman ako dadalhin?"-
"sa lugar kung saan Malayo sa bahay nyo."-
napaisip naman ako bigla. Mm.. Sabagay, ilang araw narin akong nakatambay dito sa bahay kaya naman gusto ko na rin lumabas at suminghap ng ibang hangin.
I sighed. "sige, sunduin mo ako dito."-
"Malamang, duh! alangan naman ikaw ang magdrive edi ako naman ang lagot sa asawa mo?"-
"ewan ko sayo Aya! Basta! Siguradohin mo lang na wala kang binabalak sakin at baka masipa kita sa mukha."-
tumawa naman sya. "as if Kaya mo sister! Haha!"-
I just rolled my eyes. "yeah whatever."-
then I hang up the call.
***
"So, Anong gagawin natin dito?"- Tanong ko pa habang papasok sa isang Coffee Shop na mala-Spanish Era ang dating. Ang cool kasi ng design sa labas nito.
"Sasayaw tayo dito Sis. Yung budots? gusto mo yun?"- sarkastikong saad pa nya kaya naman nakatanggap sya mula sa akin ng isang matalim na tingin. "Malamang Kakain tayo dito! obvious naman siguro diba?!"- she then rolled her eyes at me.
"Umayos ka nga. Alam kong may dahilan ka kung bakit tayo nandito! duh!"- I rolled my eyes, too.
"Tsk. Dami mo napapansin tara na nga!"- at hinila nya na nga ako papunta sa isang bakanteng Table.
Halos mamangha pa ako sa mga furnitures na gamit dito. May mga books sa bawat sulok ng lugar kung saan pwede mong hiramin at basahin. may mga Quotes din at memo na nakadikit sa bawat pader. basta, ang ganda. ang hirap ipaliwanag.
Um-order si Aya kaya naiwan naman ako mag-isa. napapansin ko rin na halos puno na ang buong lugar sa dami ng mga tao mostly Studyanteng nandito. Mabuti nalang din at hindi masyadong maingay dahil karamihan sa mga nandito ay nagbabasa at nag-aaral.
pagbalik ni Aya, agad kong nilantakan ang dala nyang Cake at isang Coffee. pero sa Cake ako nagfocus, eh sa masarap eh. Saka na ako magdadiet kapag nanganak na ako!
"kahit kailan ka talaga, Emily!"- nag-angat ako ng tingin kay Aya na nakataas na ang isang kilay sakin. Kumunot ang noo ko.
"What?"- problema na naman nito?
napailing naman sya saka ngumisi ng nakakainis. "Hindi na talaga ako magtataka kung magmumukha ka nang inahing baboy. Look at yourself! ang taba mo. And Eiw! hindi bagay sayo ang ganyan!"-
inirapan ko lang sya at kumain. "pakialam mo ba? eh sa naglilihi ako eh!"
"Naglilihi? Seriously? naglilihi ka sa lagay na yan? Halos lahat ng nakahain sa harapan mo hindi mo na nginunguya."- She rolled her eyes.
"Eh bakit ba?! Wag ka ngang kumontra dyan! mind your own business!"- Segunda ko pa. Napailing nalang sya at di na nagkomento. sinimulan nya na ring Kainin ang strawberry cake sa harapan.
Napailing nalang din ako at napabuntong hininga. Bakit ba sila laging kumokontra sa mga kinakain ko? Atleast nga pagkain ang kinakain ko eh hindi Bakal! magulat sila kung yun ang kakainin ko! huh! pasalamat talaga tong si Aya at masarap ang Cake dito kaya goodmood ako.
ilang minuto kaming hindi nag-imikan at mas okay sakin yun dahil Kumakain ako pero napatigil agad ako nung may marealize ako.
Nilingon ko si Aya na ngayon ay nasa Cellphone ang paningin tapos lilinga sa paligid na animo'y may hinahanap and then Cellphone ulit. mukha rin syang frustrated na ewan habang napapakamot ng batok at ulo. In short, mukha syang tanga.
I sighed. "Aya, sabihin mo nga sakin, pa'no mo nalaman ang Coffee shop na'to?"- sa pagkakaalam ko kasi hindi mahilig pumunta sa ganitong lugar si Aya. Mas prefer nya pumasok sa Restaurant or Fast food chain. Hindi sya mahilig sa Coffee for heaven's sake! kaya anong ginagawa namin dito?
napatingin naman sya sakin at maya-maya pa ay sumilay na nga ang isang nakakakilabot na ngiti na hindi ko mapangalanan. She lean forward at me saka luminga sa kanan at kaliwa. nagtaka tuloy ako sa kanya. namumula kasi ang mukha nya.
"Sis may sasabihin ako sayo."-
"obviously."- sagot ko sabay irap.
she giggled. "kasi ganito yun, remember the Guy Kel we met in the Mall?"-
napaangat ang kilay ko. Kel? who the heck is Ke----Oh!uh.
Then suddenly an Idea came up to my mind. I eyed her suspiciously.
"So? Sinasabi mo bang Inistalk mo sya kasi nga crush mo sya at hindi ka nagbibiro dun sa sinabi mong gagawin mo ang lahat para lang makita mo sya ulit? Tapos it turned out na Nandito sya sa Coffee shop ngayon kasi May imimeet sya or di naman kaya ay sya ang may-ari nito and you wanted to see him?"- sunod-sunod na tanong ko pa.
Napanganga naman sya sa sinabi ko at lalong namula.
"H-how did you know...?"-nakatangang tanong pa nya.
I sighed. Sus! sinasabi ko na nga ba! Huli na agad ang loka-loka. "Well, its just a guess."-
Napangiti naman sya sa sinabi ko tapos pumalakpak. Baliw talaga. "Wow! I like you girl! Nahulaan mo agad! hehe."-
I rolled my eyes. "Hindi ka naman kasi mahirap basahin, tanga."-
napanguso naman sya. "yeah whatever."-
"So, Ano na?"-
napasandal sya sa Upuan saka bumuntong hininga. "His Name's Kel De Lore. 24 years old and He is the owner of this cool Coffee shop. sya rin ang nagmamanage ng Businesses nila, Nag-iisang Anak saka Single! Meaning to say, Ako ang nag-iisang babae na Kanyang hinihintay para maging Asawa!"-
binato ko sya ng tissue at sapul agad sa mukha nya. Napamura naman sya dun kaya inirapan ko lang sya. "Assuming ka rin eh no? Asawa mo mukha mo! ni hindi ka nga kilala nun tapos Asawa agad? nangangarap ka na naman ng gising, hays."-
"Ay grabe sya oh? di ba pwedeng suportahan mo nalang ako? Seriously? kaibigan ba talaga kita?"- nagdrama na ang bruha.
"Alam mo Aya, True friend says the truth. so you must Accept the truth na hindi ka mapapansin nun."-
napanguso naman sya saka ako sinamaan ng tingin. "Hay naku Ewan ko sayo! Pasalamat ka talaga at----"-
napatigil kami sa pagkukwentohan nung may biglang nagtiliang grupo ng studyante sa likuran ko. at dahil nainis ako sa mga nakakarindi nilang Boses dahil agaw pansin na, isama mo pa ang nakangangang bibig ni Aya na Halos maging kamatis na ang mukha ay nilingon ko ang kanilang tinitignan.
It was A Man. A very familiar Man. napanganga ako. Nakaturtle neck ito, Nakangiti sa lahat ng mga babaeng tumitili sa kanya na akala mo artista, ang singkit nyang mga mata ay nakita ko na naman at grabe, ang cute talaga ng dimples nya! And it is none other than Kel!
Si Kel na may-ari daw kuno nitong Coffee shop according to my assuming friend, Aya.
Naglalakad ito papasok habang may kasamang babae sa Gilid nya na tingin ko'y girlfriend nya ata. Pero masasabi kong maganda sya at matangkad rin, bumagay din sa kanya ang simpleng suot na Tshirt black at Faded jeans. nagtatawanan ang dalawa na animo'y may nakakatawa sa sinabi ng isa't isa.
papunta sila sa direksyon namin na animo'y dito ang daan kaya naman agad kong nilingon si Aya na ngayon ay Natutulala na at kulang nalang pasukan ng langaw ang bibig nya. nakanganga eh. pulang-pula parin ang mukha nya. ni hindi na nga sya gumagalaw, naestatwa na ata ang bruha.
napaisip agad ako ng kalokohan. Syempre kahit lagi akong kontrabida sa lovelife nya ay supportive parin naman ako kahit paano. kaibigan ko yan eh.
agad kong pinitik ang noo nya dahilan para matauhan sya sa kung ano mang iniisip nya sa lalaki.
sinamaan nya agad ako ng tingin. "What the heck Emily?!"-
napangisi ako. "nililigtas lang kita. masyado kasing obvious ang pagkahumaling mo sa kanya na halos Tumulo na ang laway mo. tsk. Pag nakita ka talaga nya na ganyan ang hitsura malamang sa malamang pagtatawanan ka nun. You see, Papunta sila sa direksyon natin at dahil assuming ka na rin naman, might as well magpapansin ka na para matupad yang Dreams mo. Once in a blue moon lang to igrab mo na agad!"-
agad naman syang nagtaka sa sinabi ko at muling nilingon sila Kel na malapit na dito sa Mesa namin. And Aya must do something! Kaso sa lagay nya ngayon mukhang hindi sya makakaisip ng matino. nablangko ang utak eh. Nataranta pa sya dahil papalapit na si Kel. mabuti nalang nasabit ito saglit sa isang table para bumati sa kakilala nito.
at dahil mabait akong kaibigan ay ako na ang nag-initiate ng move.
tumayo ako na syang ipinagtaka ni Aya. hinila ko sya patayo sa kinauupuan nya at ako naman ang pumalit dun. minura nya ako sa ginawa ko pero wala akong paki. at dahil masarap yung cake nya ay yun naman ang nilantakan ko, hindi ko rin pinansin ang tantrums nya sa gilid ko na halatang nawiweirdohan sa ginawa ko.
at dahil naririndi na ako sa bunganga nya at saktong dumaan naman si Kel sa gilid ng Mesa namin ay Tinulak ko sya ng pagkalakas-lakas dahilan para matumba sya..... Sa mga bisig ni Kel.
pero dahil nga hindi inaasahan ni Kel ang nangyari ay silang dalawa na ang bumagsak sa sahig. nagulat at nagsinghapan ang mga taong nakakita sa nangyari. lalong-lalo na yung babaeng Girlfriend ni Kel na napatakip pa ng bibig sa gilid.
natulala na ng tuluyan si Aya at Kel. nagtagpo ang kanilang mga mata at sobrang lapit pa ng mukha nila sa isa't isa. napangisi ako ng palihim pero dahil best actress ako ay kunyari pati ako nagulat din sa nangyari. napatakip rin ako ng bibig kunyari para maperfect ang salitang 'shock'.
'evil grin'. I'm pretty sure na after nito ay pasasalamatan ako ng bonggang-bongga ni Aya sa ginawa ko. Haha! Utang nya sakin ito no!
Ang bait ko talagang kaibigan! Ako na!
**/*/*/*//*/*//**/**
unedited....
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top