ghost 5: Cook

Chapter 5:

Kinabukasan, maaga akong gumising dahil bukod sa hindi ako nakatulog nang maayos ay bibili pa pala ako para sa lulutuin namin mamaya.

Dumiretso ako sa mall at bumili ng mga ingredients bago dumiretso sa University. Naabutan pa ako ng traffic sa daan.

Kumunot ang noo ko nang makita ang mga batang lansangan na lumapit sa kotse at saka pinunasan ng basahan ang bintana.

"What the fuck?!"

Dali-dali kong binaba ang bintana at sinigawan ang mga bata.

"Hey, stop that! Hindi niyo puwedeng punasan na lang bigla ang kotse ko!" sigaw ko sa kanila. Pero hindi sila nagpatinag. Talagang tinuloy pa rin nila ang pagpupunas ng maruming basahan!

"Pahingi kahit barya lang po, Kuya. Pangkain lang namin," nagmamakaawang sambit ng payat at matangkad na lalaki. May kalong pa siyang sanggol.

"Tigilan niyo ako! Hindi niyo ako madadaan sa mga pagmamakaawa ninyo! Mga mapagpanggap! Ibibili niyo lang din naman ng droga!" inis na sabi ko at walang anu-ano'y pinaharurot ang sasakyan.

Tiningnan ko ang bintana at mas lalong nainis dahil may bula pang natira doon.

"Bwisit naman! Todo effort pa ako sa pagpapa-car wash tapos dudumihan lang ulit?!"

Lalo akong nawala sa mood pagpasok sa room namin. Badtrip na badtrip ako buong umaga. Padabog kong nilagay ang mga lulutuin. Napatingin tuloy sa akin ang mga tao. Saktong dumating na ang prof namin kaya nagsimula na rin kami sa pagluluto ng mga putahe. Magluluto kami ngayon ng mga seafood dishes depende sa kung paano namin ito pagagandahin.

Habang naghihiwa ng sibuyas ay muling bumalik sa akin ang tungkol sa multong babae. Napalingon ako sa paligid, kinakabahan baka magpakita siya ngayon. Hindi ako handa at mas lalong ayaw ko na siyang makita pa.

I'm not planning to help her at kahit kailan ay hindi ko gagawin 'yon!

Hindi ako baliw para maniwala sa mga sinasabi niya. Malay ko bang may masama siyang pinaplano sa akin?

Matapos maghiwa ay agad kong nilagay sa mainit na mantika ang mga sibuyas at bawang. Kailangan magmadali dahil limitado lang ang oras.

"Wow, anong niluluto mo?"

"Fuck!" Halos mabitawan ko ang mga shrimp nang may biglang babae ang lumitaw sa harapan ko. Natawa naman siya sa naging reaction ko.

"Hi, Emman! Masaya akong makita ka! Hihi!"

Damn. She's here again to pester me. I'm dead!


***




ALLESHA MARIE POV:


"Anak ng... Seryoso?!" Halos mapatayo sa kinauupuan si Ann sa gulat nang ikuwento ko sa kanya ang nangyari. "Hoy, Allesha. Umayos ka, ha! Seryoso ako rito!"

"Mmm-mmm! Nakausap ko na nga siya!" hagikhik ko habang tumatango-tango. "Ang guwapo niya pa kaya jackpot!" Humagalpak ako ng tawa habang ini-imagine ang mukha ni Emman. Parang gusto ko na tuloy siya isama sa kabilang-buhay. Joke!

"Huwow naman! Congrats!" nakangiting wika ni Cleiney saka tinapik pa ang balikat ko. "Nahanap mo na rin si da one. Pakasalan mo na agad!"

"Alam mo, gago ka talaga!" Binatukan ni Ann si Cleiney. "Seryosong usapan ito, ba't ka nakikisali? Bawal bata rito!"

"Ah, talaga? Eh, bakit nandito ka?" pang-aasar ng isa. "Joke lang!" agad na bawi niya saka tumawa nang makita ang umuusok na ilong ni Ann.

Napatawa ako sa kanilang dalawa. Ang cute talaga nila! Parang mag-asawa! Bakit hindi na lang sila ang magpakasal? Napahagikhik ako sa naisip.

"So, ano na ang plano mo ngayon?" muling tanong ni Ann saka muling umupo sa tabi ko. Napapagitnaan nila ako ni Cleiney sa gitna. Nandito kasi kami sa isang park at gabi na kaya kitang-kita ang mga makukulay na ilaw mula sa mga buildings. Kaunti na rin ang mga tao sa paligid at halos mga couple pa.

Medyo nainggit tuloy ako. Gawin ko rin kayang jowa si Emman tapos magdi-date kami rito?

"Kinausap mo na ba siya tungkol sa misyon mo?" dagdag ni Ann. Tumango naman ako saka ngumuso habang sinipa-sipa ang paanan ko.

"Pag-iisipan niya raw."

"Bakit?"

"Anong bakit?"

"Bakit pa niya pag-iisipan? Hindi niya ba alam na emergency ito?" Nagsalubong ang mga kilay ni Ann. "He should have said yes right away!"

"Naks, english! Ang expensive!" pang-aasar ni Cleiney.

"Manahimik ka kung ayaw mong lumusot sa bunganga mo ang kamao ko!" Inambahan ng suntok ni Ann ang lalaki bago muling bumaling sa akin. "Ganito ang gawin mo, Allesha. Kapag hindi pa rin siya pumayag hanggang bukas, kulitin mo lang siya nang kulitin! Sure akong bibigay rin ang lalaki na iyon!"

"Sinasabi mo bang bading siya?" singit ni Cleiney kaya agad siyang binatukan ni Ann. "Aray ko naman!"

"Bukod sa bobo ka na, slow ka pang animal ka!"

"Nagsalita ang puro 70 ang grade noong high school!"

"Atleast may grade kaysa sa iyo na puro blangko!" Umirap si Ann bago muling bumaling sa akin. "Basta, anuman ang mangyari, suportado kita, ha? Galingan mong magpa-impress sa kanya!"

"Kaya mo 'yan, Allesha," dagdag naman ni Cleiney saka ginulo ang buhok ko. Napanguso tuloy ako at muling inayos ang nagulong buhok.

Kinabukasan, maaga akong bumalik sa bahay nina Emman. Pero hindi ko na siya naabutan doon. Ang aga niya namang pumasok! Masipag siguro si Emman. Tama lang 'yon para sa future naming dalawa. Joke!

Humagikhik ako sa naisip saka dumiretso sa University nila. Ang lawak ng school. Sure akong maliligaw ang sinumang first timer dito. Mabuti na lang at maraming mga guwapo sa paligid kaya na-inspire akong maglakad-lakad. Hihi!

Hindi ko alam kung nasaang room o building si Emman ngayon. Kaya naman ay binalikan ko na lang 'yong building at room na pinasukan niya kahapon. Pero napanguso ako nang makitang ibang students ang nandito.

Sinubukan ko na rin siyang puntahan sa canteen pero wala rin! Malungkot akong napaupo sa isang upuan habang pinagmamasdan ang mga tao sa paligid, umaasang makikita siya.

Hays! Nasaan na ba si Emman cutie? Bakit hindi ko siya nakikita? Hindi kaya ay tinataguan niya ako? Naglalaro ba kami ng hide and seek nang hindi ko alam? Nami-miss ko na siya. Joke!

"Talaga? Nagluluto sila ngayon?"

Napalingon ako sa mga babaeng umupo sa kabilang table. Tatlo sila at may mga dalang tray ng pagkain.

"Gosh! Nakakatakam naman! Gusto kong tikman ang luto ni Emman! Kung ibebenta niya 'yon, bibilhin ko talaga lahat 'yon para walang ibang makatikim!" kinikilig na wika ng babae na siyang nagpakuha ng atensyon ko.

OMG! Si Emman cutie ba ang tinutukoy niya?

Napatayo tuloy ako at lumipat sa mesa nila para maki-tsismis.

"Gaga ka! Share tayo!"

"Baka mauna pang mabenta si Emman niyan, ah?"

"Ay, siyempre! Ang yummy kaya niya! Kasing yummy ng mga niluluto niya." Impit na napatili ang babae habang kilig na kilig.

Pinaningkitan ko lang sila ng mga mata saka nakangusong umiling.

"Tsk, tsk, tsk. Hay nako! Mukha bang pagkain si Emman?" sabi ko saka tumayo at umalis na lang para muling maghanap. Pero napahinto ulit ako nang may mapagtanto. "Sabagay, yummy naman talaga siya. Ako na lang ang kakain sa kanya!"

Humagikhik ako sa naisip.

Nagpatuloy na lang ako sa paghahanap kay Emman cutie. Pero napahinto ako nang biglang bumukas ang isang pintuan at iniluwa mula roon ang isang estudyanteng babae na nakasuot ng pang-chef na damit.

Bigla kong naalala ang pinag-usapan ng tatlong babae kanina. OMG! Don't tell me, isang culinary student si Emman?

Nagdiwang ang loob ko sa napagtanto. Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa at agad kong pinasok ang room. Napanganga ako nang makita ang kabuuan ng room. Isa siyang whole kitchen! Malawak at ang daming mga utensils na nakapaligid. Amoy na amoy rin sa buong sulok ng lugar ang mga nakakatakam na pagkain.

Ang daming mga estudyante ang nakapuwesto sa bawat mesa. Lahat sila ay nakasuot ng pang-chef na damit at may apron pa. Pawang mga busy sa pagluluto at wala akong ibang maririnig kundi ang mga tunog ng mga kutsilyo at mantika.

Napangiti ako nang makita si Emman. Nasa bandang dulo siya habang focus sa ginagawa. Kunot na kunot ang kanyang noo habang naghihiwa ng mga ingredients.

Napatitig ako sa kanya. Namangha ako nang makita kung gaano kabilis at ka-swabe ang galaw niya. Halatang expert siya sa pagluluto. Ang guwapo niya pa tingnan sa uniform. Bagay na bagay sa kanya. Parang siya na yata ang chef ng buhay ko. Hihi!

Nilapitan ko siya at tuwang-tuwa na pinagmasdan ang mga ginagawa niya.

"Wow! Anong niluluto mo?" excited na tanong ko.

"Fuck!" Natawa ako nang halos mabitawan ni Emman ang mga shrimp na ilalagay sa kawali. May isa pa nga na nahulog kaya dali-dali niya itong kinuha at nilagay sa kawali. Gulat na gulat siyang napatingin sa akin na parang nakakita ng multo. Well, multo naman talaga ako kaya valid ang reaksyon niya. Hihi!

Mabuti na lang at walang nakapansin sa mura niya. Nagmamadali kasi ang mga tao kaya hindi na siya napapansin. Parang may hinahabol na ewan.

"Hi, Emman! Masaya akong makita ka. Hihi!" Kinindatan ko siya at ngumiti nang pagkatamis-tamis.

"A-Anong ginagawa mo rito?" pabulong na sigaw niya saka napatingin sa kaliwa't kanan. Wala namang nakarinig sa kanya kasi focus ang lahat sa pagluluto.

"Dinadalaw kita! Hindi na kasi kita naabutan sa bahay ninyo, e," nakangusong wika ko saka pinagmasdan ang mga ingredients niya. "Anong lulutuin mo?"

"Umalis ka na!" Bagkus ay reply niya sa akin. Pasimple niya akong pinandidilatan ng mata pero namumula na ang buong mukha niya. Umaabot pa sa leeg. Nagsilabasan din ang ugat sa kamay niya habang mariin ang pagkakahawak sa sandok. Hala, kinikilig ba siya sa presensya ko? Ayiee!

"Ang cute mo naman kiligin, Emman!" Napahagikhik ako.

"What—"

"20 minutes left!" anunsyo no'ng isang matandang lalaki na tingin ko ay professor.

Muli akong napalingon kay Emman nang dumoble ang kilos niya. Nagmamadali siyang paghaluin ang mga ingredients sa kawali pero hindi naman siya nataranta.

Napanguso ako. Busy yata talaga sila kaya umalis na lang ako at nagtingin-tingin din sa iba pang mga students na nagluluto. Ayaw kong guluhin si Emman ngayon baka ma-distract siya sa kagandahan ko at masobrahan sa sarap ang niluluto niya. Ayoko maging caused of over sweetness.

Habang tumatagal ay mas naging intense ang atmosphere sa paligid. Ang iba ay medyo natataranta na. May iba pang napapamura sa oras at ang iba ay natatawa na lang dahil patapos na. Para naman silang sumabak sa cooking contest. In fairness nakakatakam naman ang mga putahe nila. Kung kaya ko lang kumain ay nilantakan ko na. Humagikhik ako sa naisip.

Nang matapos ang oras ay isa-isa nang nag-present ang mga tao sa dalawang judges yata nila. Kinakabahan ang iba sa bawat comment ng mga judges. Natawa ako habang pinagmamasdan sila dahil nakaka-intimidate ang awra ng dalawang matandang judges. Parang gusto ko tuloy maging chef at ipatikim sa mga judges ang luto ko pero 'wag na pala dahil naalala kong nasunog ang kitchen namin noong nagluto ako.

Nang turn na ni Emman ay napangiti ako. Hindi naman siya mukhang kinakabahan habang naghihintay sa comment ng mga judges. Seryoso lang siya at halatang confident sa niluluto.

Okay may plano na ako. Pakakasalan ko siya sa next life ko tapos siya ang magluluto para sa amin ng mga magiging anak namin.

"Mmm... It tastes so good. I love it," tumatangong komento ng isang judge.

"Thank you, sir."

Halos magdiwang ako sa tuwa nang makitang uno ang nakuha ni Emman. 

"Yieee! Ang galing talaga ng bebe ko!" tuwang-tuwang sambit ko na napapalakpak pa at tumalon-talon sa ere.

Dahil doon ay napalingon sa akin si Emman at nanlaki ang mga mata na akala mo nakakita ng multo, multong ganda! I playfully flipped my hair then walked towards him.

"Congrats, Emman cutie!" masiglang bati ko saka nag-cute smile.

Magsasalita na sana siya kaso may biglang umeksena sa story namin. Joke! Nilapitan kasi siya ng mga kaklase niya at isa-isang pinuri ang luto niya. Actually, anim naman sila ang nakakuha ng perfect uno.

Dahil sa mga kontrabidang umeksena sa amin ni Emman ay hindi na niya ako kinausap o pinansin man lang. Busy siya kaka-chika sa mga kaklase niya hanggang paglabas ng room.

Napanguso na lang saka sumunod sa kanila. Mamaya ko na lang guguluhin si Emman kapag kaming dalawa na lang para solo ko buong oras niya. Bebe time ang tawag doon. Hihi!

"Kumusta? Pasado ba?" Napalingon ako sa dalawang lalaki na lumapit kay Emman. Umalis naman ang mga ka-chika-han niya bago siya bumaling sa mga kaibigan.

"Wow! Sakto gutom na ako. Salamat!" Biglang hinablot ng lalaking naka-clean cut ang food container box na hawak ni Emman. Sa pagkakaalala ko ay Allen ang name niya. Malapit na sa salitang Alien!

"Hindi 'yan para sa 'yo, tanga!" Muling inagaw ni Emman ang box na naglalaman ng putaheng niluto niya.

"'Wag ako, dude! Wala kang jowa kaya ako ang kakain ng niluto mo!" Natatawang muling inagaw ni Allen ang pagkain bago humakbang palayo kina Emman.

"Takaw mo talaga, tarantado!" natatawang kantyaw ni Leo sa kaibigan saka naiiling na sumunod sa kanya. Napabuntong-hininga na lang si Emman bago sumunod sa mga kaibigan. Mukhang hindi niya napapansing nasa likuran niya lang ako kaya sumunod rin ako.

Pagdating sa canteen ay hindi na nagdalawang-isip si Allen na buksan ang food container box at kumuha ng ulam doon. Hindi ko alam kung anong tawag sa niluto ni Emman pero shrimp siya na may halong butter at ibang ingredients. Mukhang masarap sa unang tingin pa lang. Puwede bang sumanib kay Allen para matikman ang luto ng future asawa ko sa next life?

"Hoy! Dahan-dahan lang! Wala kang kaagaw!" sigaw ni Leo nang halos ubusin ni Allen ang ulam. Hindi pa nga siya nakakakuha kaya humagikhik ako. Ang cute nila!

"Ulol mo! Wala akong tiwala sa 'yo! Alam kong uubusin mo rin ang ulam kaya mas maganda nang handa!"

"Eh, kung bawiin ko kaya 'yan?" singit ni Emman.

Agad na kinuha ni Leo at Allen ang food container at inilayo kay Emman, takot na takot na baka totohanin ang sinabi niya. Lihim akong humagalpak ng tawa. Ang saya nilang tingnan!

"Walang ganyanan, dude! Kapag binigay na, hindi na puwedeng bawiin!" sabi ni Allen.

"Kailan ko ba 'yan binigay sa 'yo?" Umangat ang kilay ni Emman.

"Ha? Choppy ka mamaya na lang tayo mag-usap. Kakain muna ako." Umaktong nasa call si Allen kaya binatukan siya ng natatawang si Leo.

"Gago ka talaga!"

Nagpatuloy lang sila sa asaran habang kumakain. Napapansin ko ang iilang tingin at sulyap ng mga babae sa table nila kaya kumunot ang noo ko. Ba't sila nakatingin kina Emman? May crush ba sila sa asawa ko? Nako, hindi na puwede! Akin na siya! Joke!

Matapos kumain ay nagkanya-kanya na ulit sila ng lakad. Si Emman naman ay nagmadaling pumasok sa CR kaya sumunod rin ako. Halos mapatalon pa ako sa gulat nang malakas niyang sinirado ang pintuan at galit na tumingin sa akin.

"What are you still doing here?" inis na tanong niya sa akin. Mabuti na lang at walang ibang tao kaya walang makiki-tsismis sa usapan namin ni Emman. "Akala mo ba hindi ko napapansing sinusundan mo kami ng mga kaibigan ko?"

"Ah, eh..." Napakutkot ako ng mga daliri saka binigyan siya ng cute smile, medyo nahihiya pa. "Hinihintay ko 'yong sagot mo."

"Sagot ko?" Kumunot ang noo niya. Tumango naman ako.

"Oo! Kung sinasagot mo na ba ako maging girlfriend mo? O kung gusto mo ay puwede namang I do para diretso kasal! Ano sa tingin mo?" Ngumisi ako sa kanya.

"Ginagago mo ba ako?"

"Joke lang!" agad na bawi ko saka ngumuso nang makita ang hindi niya maipintang hitsura.

"Hindi ako nakikipaglokohan sa iyo, babae." Nagsalubong na nga ang mga kilay niya. Cutie!

Napakamot na lang ako sa ulo saka muling ngumiti sa kanya. "So, ano na? Tutulungan mo na ba ako sa misyon ko? Ha? Ha?" I hopefully asked while clasping my hands together.

"No and never."

Agad nawala ang ngiti sa labi ko at napalitan ng pagtataka. "Ha? Bakit naman?"

"Anong bakit? Obvious ba?" Sinamaan niya ako ng tingin bago siya nag-head to toe sa akin. "Hindi kita gustong tulungan. Kaya layuan mo na ako dahil hindi ako ang tamang tao na makakatulong sa mga kalokohan mo. May dapat pa akong unahin kaysa sa 'yo na dapat hindi na nag-i-exist sa mundong ito!"

Natigilan ako at napanganga sa sinabi niya.  "P-Pero—"

"This should be the last time I see you. Huwag mo na ulit akong gagambalain pa, okay?!"

Then he left, leaving me dumbfounded.

O...M...G!

D-Did he just... rejected me? Sa pretty kong ito?

***

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top