ghost 4: The Help
Chapter 4:
Buong oras akong wala sa sarili. Gulat na gulat pa rin ako sa mga nangyari at nasa proseso pa ang utak ko para tanggapin ang nakita. Nagtaka na nga sina Allen at Leo sa kinikilos ko pero hindi ko sinabi ang dahilan.
Hanggang sa pag-uwi ay walang ibang laman ang utak kundi ko ang babae kanina. Pagod na pagod akong humiga sa kama. Nagpahinga muna ako saglit bago pumasok sa CR at magbihis. Saktong pagkalabas ko ay may kumatok. Nandito raw ang mga magulang ko at pinapatawag na ako para kumain.
Wala akong nagawa kundi ang dumiretso sa dining area. Saktong kumakain na sila nang madatnan ko. Lumapit ako kay Mama para halikan siya sa pisngi bago magmano kay Papa.
"How's your day, anak?" mahinahong tanong ni Mama sa akin pagkaupo ko.
"I'm fine," sagot ko saka nilagyan ng mga ulam at kanin ang plato.
"That's good to know."
Tahimik lang kaming kumakain. Nararamdaman ko na naman ang bigat ng hangin sa paligid kaya naman ay binilisan ko ang pagkain para makaalis na. Pero mukhang hindi talaga matatapos ang gabing ito na hindi magsasalita si Papa.
"Emman." Nag-angat ako ng tingin sa ama ko, nagtatanong. Uminom naman siya ng wine bago muling nagsalita. "About the marriage, don't ever forget that."
Padabog kong inilapag ang kutsara at tinidor sa placemat. Nawalan na agad ako ng gana pagkarinig pa lang ng salitang marriage.
"You'll be marrying Mr. Erveso's daughter whether you like it or not," seryosong sambit niya sa mga mata ko. "But you still have a choice. You can choose whoever you want to marry but she must came from a wealthy family."
"I don't want to be married, Papa," mariing wika ko. "I want to be single for the rest of my life. I don't want a serious relationship."
"Emman! Don't say that!" saway ni Mama.
"Why? Is it because of what happened before?" Tinaasan lang ako ng kilay ni Papa. "C'mon, Emman loyd. This marriage is very important to our family. You cannot just decline it just because you don't want to! You know it's our family tradition! Besides, pinayagan kitang kumuha ng Culinary kahit hindi iyon ang gusto ko para sa iyo! Oras na para ako naman ang sundin mo!"
"Kahit na! Hindi naman natin kailangan sundin ang mga nakagawian ng mga ninuno natin dahil lang sa tradisyon na ito ng pamilya! We are now living in the 20th century! Nagbago na ang panahon, Papa. Kaya sana magbago na rin kayo!"
"Emman!" saway ni Mama.
"Nawalan na 'ko ng gana." Tumayo na ako at agad na umalis ng lugar. Narinig ko pang tinatawag ako ng mga magulang ko pero hindi ko na sila pinansin.
Dumiretso ako sa kuwarto at agad na sinalampak ang sarili sa kama. Napatitig ako sa kisame at napahilot ng sintido. Na-i-stress ako lagi kapag kausap si Papa. Lagi na lang kaming nauuwi sa pagtatalo dahil sa pansariling kagustuhan niya.
Pati nga ang pagpili ng gusto kong kurso ay sapilitan pa. Kung hindi lang naikasal si Ate kay Kyle ay Business Ad sana ang kurso ko ngayon.
Napabuntong-hininga na lang ako. Why am I in this toxic family?
"Whenever I see boys and girls walang label pero sweet... I remember the time, no'ng ika'y pinakilig..."
Kumunot ang noo ko nang may marinig na kumanta mula sa kung saan. Agad akong tumayo mula sa pagkakahiga at hinanap ang pinanggalingan ng boses.
Gano'n na lamang ang gulat ko nang makita ang isang babaeng nakaputi na nakatayo sa may sliding door. Napakalawak ng ngiti niya habang nakatingin sa akin at saka kumaway.
"Hi, Emman cutie!"
"I-Ikaw na naman?! Anong ginagawa mo rito?!" natatarantang saad ko na hindi na malaman ang gagawin. Gusto ko siyang batuhin ng unan sa takot lalo na kapag naaalala ko ang nangyari kanina.
"Oh, kalma lang! Hindi naman ako nangangain ng tao!" hagikhik niya pa saka lumapit sa akin.
"Hindi ako nakikipaglokohan sa 'yo!" sigaw ko. "Paano ka nakapasok dito?! Tresspassing ka!"
"Too bad, hindi mo ako masasampahan ng kaso dahil ikaw lang naman ang nakakakita sa akin!" Tinapkan niya ang bibig saka humagikhik na akala mo nagbibiro lang ako. "Saka isa pa, kanina pa kaya ako nakasunod sa 'yo," nakangusong dagdag niya habang nakayuko at kinukotkot ang mga daliri.
"A-Ano?" Kumunot lang ang noo ko sa kanya. Kanina pa siya nakasunod sa akin?!
"Natakot kasi akong baka hindi na naman kita makikita kaya palihim na lang kitang sinusundan," paliwanag pa niya muling nag-angat ng tingin at ngumisi sa akin. "Ang witty ko, 'di ba? 'Di ba?" Nagtaas-baba ang kilay niya.
Napahawak ako sa sintido at frustrated na ginulo ang buhok. Stress na nga ako, dumagdag pa siya!
Huminga ako nang malalim bago siya muling balingan ng tingin.
"Umalis ka na," mariing sambit ko. Pero umiling lang siya at ngumuso na parang bata.
"Ayaw."
"Hindi ka puwede rito!"
"Bakit naman hindi?"
"Cuz you're in my room and you're trasspassing!"
"Oo nga!" Humagalpak lang siya ng tawa saka parang tangang tumalon sa kama at lumundag doon na parang siya pa ang may-ari. "Ang ganda naman ng kama mo, Emman cutie! Parang ang sarap matulog dito. Hihi!"
Napahawak na ako sa ilong ko, pinipigilan ang inis.
"Ano bang kailangan mo sa akin, ha?!"
Dahil sa tanong ko ay muli siyang tumalon sa sahig at naglakad palapit sa akin. Napaatras tuloy ako sa kaba. Her being a ghost or whatsoever makes me uncomfortable. Hindi ako naniniwala sa mga multo pero sapat na ang presensya niya para matakot ako.
Nang mapansin niya ang ginawa ko ay huminto siya at nakangusong bumuntong-hininga.
"Ang totoo niyan... Kaya ako nandito dahil kailangan ko ang tulong mo," saad niya. Kumunot ang noo ko.
"Tulong?"
"Mm-mm! Tulong." Tumango-tango siya saka muling ngumuso. "Hindi naman na siguro bago sa iyo ang mga ganito? Napapanood mo naman siguro sa mga movies 'yong mga katulad naming nagpaparamdam sa mga tao dahil humihingi kami ng tulong either for unfinish task or for justice, gano'n!"
"And?" I arched my eyebrow. "You're trying to say that...?"
Tumingin siya sa mga mata ko. I can see the hope and pity in her eyes. "Emman, can you help me?"
Napakurap ako. "W-What?"
"Please, help me! Help me to accomplish my unfinished mission. Gusto ko na makatawid sa kabilang-buhay pero dahil hindi ko pa tapos ang mga ginagawa ko noong nabubuhay ay hindi pa rin ako nakakaalis rito."
Saglit akong natahimik at napatitig sa kanya. For unknown reason, biglang nawala ang pangamba at takot ko sa presensya niya. She seems harmless pero hindi pa rin sapat iyon para pagkatiwalaan siya.
"Ano, Emman cutie? Tulungan mo ako, please...?" Nag-puppy eyes siya sa akin habang nakanguso.
Umiwas lang ako ng tingin saka napalunok. "No. Ayoko."
"Pero kailangan kita sa buhay ko!" bulalas niya. Nang tingnan ko siya nang masama ay agad siyang nag-peace sign sa akin at ngumiti. "Joke lang! Ito naman hindi mabiro! Hihi!"
Agad nagsalubong ang mga kilay ko kaya naman ay iminuwestra ko sa kanya ang pintuan.
"Alis. Ngayon na!"
"Ayoko!"
"Just leave or else—"
"Or else what?" Nginisihan niya ako, tila nanghahamon. At dahil wala naman akong maisip na dahilan ay napapikit na lang ako nang mariin habang kagat ang ibabang labi.
"Just leave me alone, will you?! Wala akong panahon para sa mga tulad mo!"
"Pero marami akong panahon para sa iyo!"
"Ginagago mo ba ako?!" Matalim ko siyang tiningnan, naiinis na dahil sa mga pambabara niya.
Bigla siyang humagalpak ng tawa dahil sa reaction ko. Hindi ko malaman kung isip-bata ba siya o sadyang baliw lang talaga siya na nakatakas sa mental?
"Alam mo, ang cute mo talaga!" pang-aasar pa niya sa gitna ng pagtawa. "Feeling ko ikaw na talaga si da one!"
"What?!"
"Joke lang! Hehe."
"Hindi ako nakikipaglokohan dito, okay?! Umalis ka na!" Nilapitan ko siya para hatakin palabas ng kuwarto pero nagulat ko nang lumagpas lang ang kamay ko sa kanya na parang hangin.
Napaatras agad ako dahil doon. Muli naman siyang tumawa na akala mo wala ng bukas.
"Sabi ko naman sa iyo, e! I'm a ghost! No one can touch me!" hagalpak niya saka iminuwestra ang mga kamay niya, nagyayabang.
"P-Pero—" Nanlalaki ang mga mata kong napatingin sa aking kamay at sa kanya.
"Aha! Ganito na lang kaya?" Pinitik niya ang mga daliri sa ere, animo'y may naiisip bago bumaling sa akin at ngumisi. "Isang beses lang ako aalis sa buhay mo at hindi na magpapakita pang muli kahit kailan..." She paused for a while. "Only after you help me to finish my task. Deal?"
Tinaasan ko lang siya ng kilay saka sarcastic na ngumisi at umiling. "You cannot fool me."
"Hindi naman ako nakikipaglokohan sa iyo, e!" nakangusong paliwanag niya saka napakamot sa ulo na akala mo na-stress. "Saka hindi rin ako nagsisinungaling. Masama 'yon!"
"Uhuh? Sa tingin mo maniniwala ako sa 'yo?"
"Kailangan pa bang itanong ang tiwala ng isang tao?" Sinamaan ko siya ng tingin kaya naman ay muli siyang nag-peace sign at tumawa. "Joke lang po! Hehe."
Napahawak na lang ako sa sintido ko at napahilamos ng mukha. Hindi ko na alam ang gagawin sa kanya. Ang hirap niya paalisin! Damn it!
"Ano, Emman cutie? Deal or Yes?" muling tanong niya. "Madali lang naman ang gagawin natin, e! Tatlong mission lang ang kailangan nating gawin tapos puwede ka na ulit mamuhay nang tahimik kasi wala na ako. Please, please, please?"
Pinagsiklop niya ang kanyang mga kamay at nagmamakaawang tumingin sa akin. Hindi ko tuloy alam ang gagawin ko. Kanina ko pa siya gustong paalisin pero paano ko siya mapapaalis kung hindi ko naman siya nahahawakan?
Siguradong hindi niya ako titigilan hangga't hindi niya nakukuha ang gusto. Napasabunot na lang ako sa ulo saka tumingin sa kanya. Pagod na ako at gusto ko na matulog pero hindi ko magagawa 'yon hangga't may asungot!
"Ano, Emman cutie? Tulungan mo na ako, hmm? Okay? Okay?"
I sighed, giving up. "Pag-iisipan ko."
Agad nagliwanag ang mukha niya sa sinabi ko. Nanlaki pa ang mga mata niya na akala mo nanalo sa lotto.
"OMG! OMG! Tutulungan mo na ako?! Sure na sure?! Check na check?!"
"Ang sabi ko pag-iisipan ko! Wala akong sinabing pumapayag ako!"
"Pero gano'n na rin 'yon, e!" pakikipagtalo niya. "Sasabihin mong pag-iisipan mo ngayon tapos bukas pumapayag ka na agad! O, 'di ba? Doon pa rin ang patungo!" Humagikhik siya na akala mo napakatalino na niya sa naisip.
"Aish!" Napahawak na lang ako sa buhok ko at frustrated na tumingin sa kanya. "Basta! Pag-iisipan ko at hindi ibig sabihin no'n ay pumapayag ako! Puwede kitang tanggihan anumang oras lalo na kung hindi ka aalis ngayon!"
"Ang harsh naman!" angal niya saka ngumuso. "Pero sige... Pumapayag na ako tutal alam kong pagod ka sa dami ng nangyari sa iyo kanina. Babalikan na lang kita bukas, ha?"
"Oo na! Oo na! Umalis ka na!" I immediately gestured her to leave. Napangiti naman siya nang malawak, tuwang-tuwa.
"Yes! Aasahan ko ang sagot mo bukas!" Tumalikod na siya at matutuwa na sana ako dahil mawawala na siya pero muli siyang humarap sa akin kaya nagsalubong agad ang mga kilay ko.
"Ano na naman ba?!" Inunahan ko na siya. Tumawa lang siya sa reaction ko.
"May nakalimutan lang akong sabihin!" Tinaasan ko agad siya ng kilay, nawawalan na ng pasensya. Ngumiti naman siya sa akin saka kumaway. "Masaya akong nakikita mo, Emman. Tanging ikaw. Goodnight!"
***
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top