ghost 1: Mister Pogi

Chapter 1:


"Manloloko ka!" Isang malutong na sampal ang natamo ni Paul, ang lalaking nakita ko lang dito sa park.

"Elena—"

"Huwag mo akong hahawakan!" Marahas na tinabig ni Elena ang kamay ng lalaki saka umatras at galit ang mga matang tumingin sa kanya.

Nandito ako sa harapan nilang dalawa, nakaupo sa bench at nanonood lang habang pinaglalaruan ang buhok. Aliw na aliw ako sa nakikita. Paano, nakita ni Elena si Paul na may ibang babae rito sa park. Kaya ayun, ang inaasahan niyang forever ay nauwi sa soon to be break up.

Bored na bored ako habang naglalakwatsa pero nang makita ko silang dalawa na nagtatalo ay na-intertain ako bigla. Biglang nag-switch on ang pagiging Marites ko.

"Babe naman, magpapaliwanag ako!"

"Ano? Anong sasabihin mo, ha?! Ipapalusot mo na namang pinsan mo ang kasama mo? Tapos sasabihin mong friendly kiss lang 'yong ginawa ninyong dalawa na halos maglaplapan na kayo? Gago ka ba, ha?! Anong tingin mo sa akin, uto-uto? Pinanganak kahapon?!" nanggagalaiting sigaw ng babae dahilan para humagalpak ako ng tawa.

"Go, girl! Ibandera ang watawat ng mga babae! Haleluya!" natatawang sigaw ko at umaksyon pa kahit alam kong hindi naman nila maririnig o makikita. Perks of being a ghost, muwah!

"Babe, makinig ka naman sa akin. Mahal na mahal kita! Hindi ko kayang lokohin ka, pramis!" Halos masuka ako sa pandidiri dahil sa pa-awa effect ni Paul saka sa mga salitang kasing luma ng edad niya.

"Kung mahal mo ako, hindi mo gagawin sa 'kin ito!" naiiyak na sambit ni Elena. Tumingin siya sa malayo saka huminga nang malalim para pakalmahin ang sarili. "Pangit ka na nga, hindi ka pa bumawi sa ugali. Kasing baho ng hininga mo ang pagiging babaero mo! Napakadugyot! Wala ka man lang ka-poise-poised sa katawan! Nakakadiri lang na pinatulan pa kita na mukha namang paa!"

Humagalpak ako ng tawa sa narinig. Walang preno ang bibig ni Elena!

"Elena—"

"Maghiwalay na tayo."

Natigilan ang lalaki at napaawang ang labi sa narinig.

"Babe—"

"Huwag kang lumapit sa akin! Nandidiri ako sa iyo!" Malakas na tinulak ni Elena si Paul palayo nang muli siyang hinawakan nito. "Sagad na ang pasensya ko, Paul. Dapat lang na maghiwalay tayo para naman wala nang hadlang sa pagiging babaero mo!"

"Elena, please—"

Hinubad ni Elena ang suot na singsing pati na ang relo at kuwentas saka itinapon sa mukha ng nagulat na si Paul.

"Elena—"

"Binabalik ko na sa iyo 'yan. Lamunin mo o kung gusto mo, ibigay mo sa mga babae mo! Diyan ka na! Tarantado na pangit!"

Agad nag-walk out si Elena na sinubukang sundan at suyuin ng parang nalugi sa negosyo na si Paul.

Imbis na maawa ay tawa lang ako nang tawa sa nasaksihan. Ang epic naman kasi ng mga pinagsasabi ni Elena. Sariling boyfriend ay nilait. Nakakatawa rin ang hitsura ni Paul na akala mo pinagbagsakan ng lupa. Hindi na malaman ang gagawin.

Ayan ang napapala sa mga taong babaero. Ang bilis ng karma ni Paul!

Nang mahimasmasan ay nagpatuloy ako sa kakagala. Patuloy lang ako sa paghahanap ng isang tao na kayang tumulong sa akin para magawa ang mga unfinished task ko rito sa earth bago makatawid sa kabilang buhay.

Napahinto ako nang makita ang isang pamilya na masayang nagpi-picnic sa unahan. Hinihipan ng lalaki ang bubbles na agad namang hinahabol ng dalawang maliliit niyang anak. Ang babae naman ay busy sa pag-aasikaso ng mga gamit nila.

Napaisip tuloy ako. Kung buhay pa kaya ako, mararanasan ko rin bang magkaroon ng sariling pamilya? Siguro kasal na ako sa taong mahal ko at may mga anak na kami.

Pero malabo nang mangyari ang bagay na iyon. Isa na lamang akong palaboy-laboy na multo ngayon sa loob ng dalawang taon. Tanggap ko naman na ang kapalaran ko. Sa katunayan ay gusto ko na lisanin ang mundong ito at pumunta sa paraiso ni God. Pero hindi ko alam kung bakit nananatili pa rin ako rito sa mundo.

Siguro dahil tama nga si Ann, ang kaibigan kong multo, na kailangan ko munang matapos ang unfinish task ko noong nabubuhay pa ako.

Pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nagagawa iyon. Sa loob ng dalawang taon na paghahanap ay wala pa akong nakikita na isang taong kayang tumulong sa akin.

Hays... I'm hopeless!

"Sabi nila, the more you find, the more it would go away from you." Napalingon ako kay Cleiney na bigla na lang sumulpot sa gilid ko.

Ang weird ng name niya pero lalaki siya at may pagkasiraulo. Joke!

"Ay, wow! Nakalimutang sabihin ang credits!" dagdag ni Ann na sumulpot din sa kabila.

"Sige, credits kay google. Masaya ka na?"

"Aba't gago 'to, ah!" Umambang sasapakin ni Ann si Cleiney. "Hoy, ako nagsabi sa iyo no'n!"

"Na kinuha mo rin naman sa google!" Humagalpak ng tawa si Cleiney. Nagsimula na nga silang magbayangan sa harapan ko. Nagpalipat-lipat lang ang tingin ko sa dalawa. Para silang nakalunok ng microphone sa lakas ng mga boses. Kulang na lang ay magsapakan sila sa harapan ko.

Babae si Ann pero daig pa ang lalaki sa tapang ng personality niya kaya hindi sila nagkakasundo ni Cleiney dahil mahilig mang-asar.

Napangisi na lang ako sa kanilang dalawa.

"Alam niyo, bakit 'di niyo na lang gawing jowa ang isa't isa? Tutal bagay naman kayo," pang-aasar ko pa. Sabay-sabay silang napatingin sa akin at hindi na maipinta ang mukha. Humagalpak ako ng tawa.

"What the hell, Allesha Marie?! Kilabutan ka nga sa mga sinasabi mo! Ako? Magkakagusto sa dugyot na ito? No way!" Nandidiring pinasadahan ni Ann ng tingin si Cleiney at umakto pang nasusuka pagkatapos.

"Wow, nagsalita ang malinis! Sino kaya rito ang twice a week lang naliligo noong nabubuhay pa? Nakakahiya naman!" ganti ni Cleiney.

"Hoy! Nananadya ka ba, ha?!" Matapang na humarap si Ann sa lalaki at parang siga kung kumilos.

"Bakit? Totoo naman, 'di ba?" Ngumisi lang si Cleiney at tila naaliw pa. "Proud na proud ka pang ikuwento sa akin, 'yon!"

"At nagsisisi na akong sinabi ko iyon sa 'yo!"

Hindi ko na nakayanan. Humagalpak na ako ng tawa sa harapan nila. Para talaga silang mag-jowa na nagtatalo sa harapan ko.

Umalis na lang ako at hinayaan sila magbangayan pero sinundan pala nila ako.

"Wala ka pa rin bang nakikitang tao na puwedeng tumulong sa iyo?" maya-maya'y tanong ni Ann. Nakatayo na kami ngayon sa pedestrian lane at umaaktong parang buhay pa kung kumilos. Wala namang ibang tao rito maliban sa amin.

Nakailang green and red lights na rin ang mga signal lights pero hindi pa rin kami umaalis sa puwesto. Para kaming nanonood ng mga dumaraang tao at sasakyan dito.

"Wala pa," nakangusong sagot ko saka umiling. "Feeling ko nga nagtatago pa sa palda ng nanay niya ang taong may kakayahang tumulong sa akin!" Humagalpak ako ng tawa na sinundan agad ni Cleiney.

Sa tagal ko nang nagpalaboy-laboy rito ay wala talaga akong nahanap na karapat-dapat sa misyon ko. May ibang nakakakita ng multo, pero karamihan ay takot at ayaw akong kausapin o lapitan. Akala yata nila ay kakainin ko sila nang buhay. Feeling nila tinatakot o pinagtitripan ko lang sila kahit hindi naman. Well, minsan lang naman. Char!

Sinubukan ko na ring lumapit sa mga manggagamot, manghuhula at mangkukulam pero lahat ay failed. Karamihan kasi ay mapagpanggap lang at hindi naman totoong nakakakita talaga ng multo.

Hindi ko na rin pinipilit ang sarili ko dahil almighty ako at bukod-tanging pinagpala sa lahat. Joke!

"Baka naman nasa America ang makakatulong sa iyo. Sige na, pumunta ka na roon. Malay mo nandoon nga? Saka hindi mo naman na poproblemahin ang VISA at passport dahil hindi ka naman nakikita ng mga tao, 'di ba?" natatawang segunda ni Cleiney. Agad siyang nakatanggap ng batok mula kay Ann. "Aray!"

"Siraulo ka talaga, e, 'no?"

"Ano na naman bang problema mo?! Posible naman iyong sinabi ko, ah!"

"Anong posible?! Gago ka ba?! Sa pilipinas pa nga lang hirap nang makahanap si Allesha tapos papupuntahin mo pa sa ibang bansa?! Ang totoo? Nasaan ba ang utak mo?!"

"Ang totoo, nasaan ba utak mo?" Cleiney mimicked her words and voice. At nagsimula na naman silang magbardagulan sa gilid ko.

Mabuti at nasanay na ako sa away nilang mag-asawa. Char!

Well, kung tutuusin ay matagal na silang magkasama. Mga apat na taon na rin silang patay at nakakapagtaka na tulad ko ay hindi pa sila nakakatawid sa kabilang buhay. Baka kasi hindi pa sila nagpakasal kaya gano'n? Natawa ako sa naisip.

Saktong naging kulay red ang stop light ng kalsada kaya may isang kotse ang huminto sa harapan ko. Nagulat ako nang biglang bumukas ang bintana nito at bumungad sa akin ang guwapong mukha ng lalaki.

Matangos ang ilong, manipis at pino ang kulay ng maputi at makinis na balat, halatang jammings. Tinanggal niya ang shades na suot kaya nakita ko ang mga mata niyang mapupungay. Makapal din ang mga pilik-mata at kilay niya at ang attractive niya talaga tingnan. Nakatali ang tuktok ng buhok niyang ala-Korean style.

Sa unang tingin, mukha siyang babaero at mahilig magpaiyak ng maraming babae. Hindi naman siya mukhang siga pero ang angas ng awra niya. Iyong tipong miyembro ng isang basagulerong grupo ng mga lalaki. Pero ang cool para sa akin ng vibes niya.

Napangiti tuloy ako habang pinagmamasdan siya. Nakahawak sa steering wheel ang kanan niyang kamay at nakasandal naman sa bintana ang isa pang siko niya habang hinihilot ang sintido. Nakakunot ang noo niya at halatang naiinip at nagmamadali na ewan. May lakad siguro siyang pupuntahan kaya atat na atat na siyang makaalis.

Mukhang naramdaman niyang may nakatingin sa kanya kaya agad niyang inilibot sa paligid ang mga mata. Saktong huminto ito sa akin at nagtama ang mga paningin namin.

Nanlaki ang mga mata ko sa gulat at napakurap pa. Samantalang tinaasan niya lang ako ng kilay at pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa saka tila dissapointed na napailing.

Saktong nag-go signal ang lights kaya umalis na rin siya.

Pero wait... Nakita niya ba ako? Hindi ba ako namalikmata lang? Napalingon ako sa likuran ko pero wala namang tao roon.

Oh my gosh! Ako talaga ang nakita niya?! Walang halong biro?!

"Hoy, ayos ka lang?" untag sa akin ni Ann nang mapansin ang kakaibang reaksyon ko.

"N-Nakita niyo ba iyon?"

"Ang alin?"

"'Yong lalaki kanina sa kotse!"

"O? Hindi ko nakita. Bakit, anong meron?" Lumapit si Cleiney para makitsismis.

"P-Parang... parang nakita niya ako!"

"Luh, weh?!" Gulat na napatingin ang dalawa sa akin.

"Oo! Pinasadahan niya pa ako ng tingin!"

"Gagi! 'Di nga?" Nagkatinginan sina Cleiney at Ann sa isa't isa, tila hindi malaman kung maniniwala ba sa akin o ano.

"Ikaw, nakita mo ba iyon?" Baling ni Cleiney kay Ann na siniko pa.

"Bobo ka ba? Paano ko makikita 'yon, e, pinipeste mo ako!" Umambang susuntukin ni Ann si Cleiney saka umirap.

"Tinatanong ko lang! Malay ko bang lima ang mata mo, 'di ba?!" pakikipagtalo ni Cleiney.

"Gusto mong ma-black-eye-an?"

"Multo na lang tayo, tanga!"

Lumayo ako sa mga kasama ko at sinundan ng tingin ang kalsadang dinaanan ng kotse ng lalaki kanina. Hindi ko alam pero malakas ang instinct ko na tama nga ang napansin ko kanina.

Feeling ko talaga ay sa akin siya nakatingin. Pero kung totoong nakikita niya nga ako, may posibilidad na baka siya na ang taong hinahanap ko.

My instinct says he really saw me! Naniniwala ako sa instinct ko at never ko iyon binalewala dahil karamihan ay totoo. Nasa instinct pa naman ang five percentage ng katotohanan base sa aking paniniwala.

Para akong nabuhayan ng loob sa naisip.

Baka siya na si da one. Char!

Well, isa lang naman ang kailangan kong gawin para makumpirma ang nakita.

Napangiti ako nang malawak na parang nanalo sa lotto dahil sa naisip.

Humanda ka, Mister Pogi. Hahanapin kita saan mang sulok ng mundo. At hindi na kita pakakawalan pa. Akin ka na! Nyahahaha!

***

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top