Epilogue
Epilogue:
It's been months simula nang maging kami ni Emman. at sa loob ng buwan na iyon ay maraming nangyari. unang-una na dyan ang pag-announced namin sa mga parents namin na kami na. and as usual, tuwang-tuwa naman sila sa binalita namin at kahit hindi pa kami mag-asawa ay nag-insist na sila Tita at tito na tawagin ko daw silang Mama at Papa. ganun rin ang pinagawa kay Emman ni Mommy and Daddy. si Emily naman ay tinatawag ko nang ate dahil nga mas matanda sya sa akin. nagsimula na rin ang construction para sa charity'ng ipapatayo ko.
pinakilala ko na rin si Emman kay Jimnet na inaaway na ako. at as usual, mas kinilig pa sa akin ang loka nung makilala nya si Emman. kesyo ang swerte ko daw dahil nakapingwit ako ng gwapong nilalang at bagay na bagay daw kami. at sa isang iglap lang ay naging magkaibigan na rin sila. mukhang mas closed na nga ata sila kesa sa akin eh.
at sa wakas ay nakilala at nakita ko na rin si Almira na naging first love ni Emman. maayos naman na ang relasyon nila ni Emman sa isa't isa, magkaibigan na sila kaya magkaibigan na rin kami. well, kaibigan naman na talaga ang turing ko sa kanya kahit nung multo pa lang ako at di nya ako nakikita. mabait si Almira, mahinhin at maalalahanin kaya natutuwa ako sa kanya. mag-asawa na rin sila ni Mark ngayon kaya masaya ako para sa kanila. I can see that they were truly and madly inlove with each other.
Si Janna naman ay ayaw sakin. I can really feel and see it everytime na magkikita kami. pero atleast hindi nya ako inaaaway or something. siguro ayaw nya lang talaga sa akin dahil may feelings din sya kay Emman at naiintindihan ko naman yun. nagiging civil nalang din kami sa isa't isa. gusto ko syang maging kaibigan kapag okay na ako para sa kanya.
noong nakaraan buwan din ay ikinasal na nga si Leo at Yonna. of course, masayang-masaya ako para sa kanila. sino bang hindi eh naging saksi rin ako sa love story ng dalawang iyon. I'm sure masaya na sila Cleiney at Ann ngayon kapag nakita nilang ikinasal ang dalawang OTP nila. and speaking of, dinalaw ko rin sila sa sementeryo at syempre pinasalamatan. I even prayed for their souls. si Emman naman ang bestman kaya natutuwa ako dahil ang gwapo nya nung mga araw na yun.
pinakilala na rin nila ako kay Krisa at Red through VC dahil nasa ibang bansa na nga ito nakatira, and they were happy to meet me.
dinalaw rin namin ni Emman sila Nanay Ally at Rolly sa Carenderia. sobrang saya ko nga dahil sa wakas, nagkaroon na rin ako ng pagkakataon na makausap at makakwentohan sila mag-ina. pinakilala naman ako ni Emman bilang girlfriend and as usual, masaya sila para sa amin. biniro pa nga nila kami tungkol sa kasal eh. napag-alaman ko rin na kasal na rin pala si Rolly at may dalawang anak na. how cuteeee.. sana all haha.
At sa wakas! muli na naman kaming nagkita ni Lola Erlita. nung una hindi nya ako nakilala dahil hindi nya naman talaga alam ang hitsura ko pero nung sinabi ko ang buong pangalan ko ay sobrang nagulat sya. hindi nga sya makapaniwala na buhay ako. ang alam kasi nya ay matagal na akong patay kaya nung sinabi kong nacomatose lang ako ay sobrang natuwa nga nya. hindi sya makapaniwala na ang ganda ko pala sa personal. haha. so ayun, inabot kaming dalawa ng gabi sa pagkukwentohan. sinabi nya rin sa akin na talagang bagay ba bagay kami ni Emman. kinilig naman ako dun. binalikan rin namin yung mga alaala na kasama pa namin si Jino at di ko maiwasang malungkot kapag naaalala ko ang pagsasakripisyo nya ng kanyang nararamdaman para lang makitang masaya si Emily sa piling ng ibang lalaki. what a love! at hanggang ngayon ay di parin nawawala ang kakayahan ni lola na makarinig ng boses ng patay pero binabalewala nya nalang.
nalaman na rin ni Emily na ako yung babaeng Allesha na iniyakan daw ni Emman dati. and as usual, sobrang nagulat sya pero di naman sya nagalit. natuwa pa nga sya eh.
noong nakaraang linggo lang din ay nakita ko si Boboy at Mimi. Nasa mall ako nun para sana dalawin si Ate Emily pero nakita ko silang dalawa na may binibili. at first ay di ko sila namukhaan pero nung matitigan ko silang mabuti ay napagtanto kong sila nga iyon. sa sobrang tuwa ko ay agad ko silang inapproach. sa simula ay di rin nila ako namukhaan pero nung magpakilala ako ay dun lang nila ako naalala. tuwang-tuwa rin silang dalawa na makita akong muli pagkatapos ng mahabang panahon.
kaya naman ay niyaya ko silang magmilk tea at magkwentohan. Malalaki na silang pareho ngayon at hindi ako makapaniwala na ang dating gusgusing bata ay nag-aaral na. Si Boboy ay graduating ng high School samantalang grade 8 naman na si Mimi. sabi nila sa akin, simula daw nung bumisita ako sa kanilang bahay ay nainspired na daw silang mag-aral. at dahil sa tulong ko ay may nag-offer sa kanila ng scholarship para mag-aral. they immediately grab the opportunity at ako ang kanilang naging inspiration sa buhay para mag-aral ng mabuti. natutuwa naman ako sa mga achievements na nakuha nila. si Boboy ay tatakbo bilang Valedictorian ng buong batch samantalang 1st honor naman si Mimi.
ang laki na ng pinagbago nila ngayon. Kung dati ay puro basahan ang kanilang mga damit ngayon naman ay ang gaganda. may tumulong rin sa kanila para magkaroon ng sariling bahay at binigyan naman ng maayos na trabaho ang kanilang Ama samantalang nag-aaral na rin ngayon sa Elementary ang kanilang mga kapatid. hinanap rin nila ako para sana magpasalamat sa tulong na nagawa ko kaso hindi na nila ako nahagilap. sinabi ko nalang na may nangyari sa akin at sa America na ako tumira.
At ngayon ay heto kaming dalawa ni Emman, nakatayo sa harapan ng puntod ni Ela. may dala kaming bulaklak na paborito nya. inilapag ko naman iyon at ganun din si Emman.
ito ang naging puntod ko dati noong inakala naming katawan ko ang nahanap nila Mommy pero pinalitan rin nila ito days after kong magising mula sa pagkakacomatose.
nililipad ng hangin ang aking buhok at hindi ko maiwasang hindi mapabuntong hininga kapag naaalala ko ang mga pinagdaanan namin magkapatid. It's been years pero nalulungkot parin ako sa pagkamatay nya.
"Hi Ela! how are you? sorry nga pala kung ngayon lang ulit ako nakadalaw ah?" sabi ko pa. lumapit naman sa akin si Emman at hinawakan ako sa bewang. "Ahm si Emman nga pala, boyfriend ko. for sure kilala mo na sya dahil ilang beses na syang nakadalaw dito dati diba?"
bigla na namang humangin kaya naman ay natawa nalang kami pareho ni Emman. malamang nakikinig sa amin si Ela ngayon.
"Ela, kung naririnig mo man ako ngayon, gusto kong magsorry dahil sa mga nangyari sa atin dati. dahil sakin ay napahamak kayo ni Maria. pero alam mo bang sobrang proud ako sayo kasi isa kang mabait na kapatid. you even sacrificed yourself just to save me. pangako, hindi ko sasayangin ang panibagong buhay na ibinigay sa akin ng diyos. masaya akong makilala ka, my twin. alam kong may magandang plano sa atin ang diyos kaya tayo nagkahiwalay at muling nagkasama sa maikling panahon. mahal na mahal kita, tandaan mo yan. ikamusta mo nalang ako kay Mama dyan sa langit ah? I'm sure magkasama na kayong dalawa ngayon." I silently wiped my tears away. 'pag usapang pamilya talaga ay naiiyak ako. that's how I love them.
Naramdaman ko naman ang paghalik ni Emman sa aking buhok, then he whispered this to me,
"your sister loves you too, I'm sure." then he gave me a hug.
napangiti nalang ako. his warm embrace makes me calm.
he turned to face my sisters grave.
"Thank you Ela. thank you for sacrificing yourself just to save my girl. kung hindi dahil sa ginawa mo ay malamang hindi ko rin sya makikilala. I owe you one. utang ko sa iyo ang pagkakataon na ibinigay mo para lang mahalin ko si Allesha. maraming salamat talaga."
napangiti naman ako sa kanyang sinabi.
"Emman." I called him.
he looked at me with a big smile then tucked the loose strands of my hair to my ears.
"Yes?"
"I want to confess something."
"what is it?"
"you are my first love."
natawa naman sya. "obviously multong pangit."
"but you are not my first crush."
agad napalis ang kanyang matamis na ngiti sa labi. "What!?"
napangisi naman ako. "Kel is my first crush."
napakunot naman ang kanyang noo.
"you gotta be kidding me!"
I laughed. His reaction's so cuteee! haha.
"it's true Emman, he is my first crush. but! you are my first kiss."
"I already know that, Allesha."
I smiled to him.
"don't worry, Crush ko lang naman si Kel dati. nalove at first sight naman kasi ako sayo tapos ninakaw mo naman ang first kiss ko ng isang gabi lang. magnanakaw ka talaga!"
"Hey! I did not stole your first kiss. pareho nating ginusto yun no!" He defended.
I rolled my eyes. sabi na eh, di nya na naalala yun!
"Emman, I am telling the truth. you stole my first kiss."
pinaningkitan nya ako ng mata.
"How can you say so?"
"alam mo ba kung saan tayo unang nagmeet?"
"malamang sa campus! alangan namang sa Bangin!" Then he laugh after. napanguso nalang ako. Adik talaga 'tong lalaking to.
"hay naku! hindi mo na nga talaga naaalala!" kinuha ko sa bulsa ang picture nyang luma at iniabot ito sa kanyang kamay. nagtatakang tinignan nya naman ito bago ako muling balingan ng tingin.
"what's this?"
"Larawan. picture in english." pamimilosopo ko pa. sinamaan nya lang ako ng tingin kaya naman ay natawa ako. "jusko Emman, picture mo yan."
"I know Allesha. I'm not blind. what I mean is bakit meron ka nito?"
"I got that from Allen and Leo. they gave me that 9 years ago the day after the Debut party."
lalong napakunot ang kanyang noo sa sinabi ko, he's clueless! that's why I held his hands then stared at him. he also do the same. "Emman, naaalala mo ba nung magdebut ang pinsan ni Allen? that's the time when we first met. Allen introduced us to each other. we are all wearing mask that time and I'm chosen to sing also."
"What?" he looked at me as if he's trying to figure out what I'm saying.
I sighed.
"Kumanta ako noon sa stage, Emman. kinanta ko yung 'when I look at you' habang nakatitig sayo. you also did staring at me. after that ay nagulat nalang ako nung bigla mo akong hinila sa dance floor then you remove your mask an------"
"I kissed you." he's the one who finished my explanation. natahimik ako at napatitig nalang sa kanya. and then he leaned closer to me. he held my hands and stared at me while saying this, "so it's you. you are the girl whom I kissed before. oh, I can't believe it! I remember that night, I pulled someone stranger and kiss her just to make Almira jealous. I never thought it's you! alam mo bang hinding-hindi ko makakalimutan ang gabing iyon? sa tanang buhay ko ay wala pa akong ibang babae ang nahalikan kundi ikaw palang! how can I forget that? you were my first kiss!"
napasinghap ako sa gulat. Oh my gosh! say what!? "A-anong----"
"and you know what's worst Allesha? I just gave my first kiss to a stranger! funny right? alam mo bang pagkatapos ng halik na yun ay hindi ako makatulog ng maayos. ramdam na ramdam ko parin ang malambot mong labi. hindi ko alam kung anong nangyayari sakin that time pero hinahanap-hanap ko ang labi mo."
oh my gosh nga naman talaga! so parehas pala kaming ginusto ang halik na yun? lintiikkk!! hindi ko tuloy alam kung ano ang gagawin. sobrang tibok ng puso ko and I felt my cheecks heat up. shemas! first kiss namin ang isa't isa! oh goodness!
napatitig nalang ako sa kanya at nagtama na naman ang aming paningin sa isa't isa. he cupped my face then smiled.
"I guess we're really meant to be. akalain mo nga naman, first kiss pala natin ang isa't isa. I love you, Multong pangit."
napangiti nalang din ako sa kanya as my heart beating faster again.
"I love you more, Emman."
and then, we sealed it with a kiss in front of my sisters graveyard.
***
"Urgh! nakakainis!"
padabog kong iniligpit ang mga gamit sa kwarto. badtrip na badtrip ako ngayong araw. well sino bang hindi mababadtrip eh birthday na birthday ko pero mukhang nakalimutan na ata ng mga magulang ko! dati-rati kasi ay binabati na nila ako ng happy birthday umaga pa lang. binibigyan pa nila ako ng regalo. tapos ngayon, wala na nga kaming ganap sa birthday ko eh hindi ko pa sila makakasama. kaninang umaga kasi ang flight nila papunta sa France sa hindi ko malamang dahilan.
dumaan na lang ang tanghali at hapon pero wala akong natanggap na 'happy birthday' mula sa mga kaibigan ko. hindi naman ako naiinis dahil dun. naiinis ako dahil wala man lang akong kasama sa napaka-especial na araw ko! buti pa si Emman binati na ako pero hindi daw sya makakapunta kasi may aasikasuhin daw sya sa Baguio. pero sabi nya naman ay babawi daw sya bukas pagbalik nya.
napabuntong hininga nalang ako. atleast kahit papano ay binati na ako ng mga kasambahay namin. pati mga employees namin ay binati narin ako kanina. may mga gifts pa akong natanggap kaya natutuwa ako, pero parang kulang. gusto kong maalala naman ako ng mga pamilya ko.
hays, ang boring! mga busy ata silang lahat ngayon kaya hindi na nila ako nabati. miski si Maria at Papa ay hindi man lang nagchat. I wonder, ano kayang ginagawa nilang lahat ngayon?
hays ano bang gagawin ko ngayon? ayoko namang magmukmok dito sa kwarto kasi baka madepress lang ako.
napabuntong hininga nalang ako at humiga sa kasama nung biglang tumunog ang aking phone at lumabas ang pangalan ni Jimnet. agad ko naman itong kinuha at excited na sinagot ang tawag.
"Jim!"
"oh Ysha, bakit parang ang saya mo ata ngayon? may maganda bang nangyari sayo?" natatawang sambit pa nya.
"hehe wala naman. masaya lang ako na tumawag ka."
"oh? Hahaha! anyway, may lakad ka ba ngayong gabi?"
"wala, bakit?" agarang sagot ko. malay nyo naman itreat nya ako kasi birthday ko ngayon haha.
"wow! mabilisang sagot ah? anyway, it's good to know na wala kang lakad. pwede mo ba akong samahan ngayon?"
"mm sige. saan ba?"
"pupunta ako sa Fuerva hotel, may imemeet lang kasi akong tao doon and since girlfriend ka naman ng may-ari ng hotel ay isasama nalang kita. pwede ka ba?"
awtomatikong lumaylay ang aking balikat. hays ano ba yan! akala ko pa naman itetreat nya ako ngayon kasi nga birthday ko hindi naman pala. napasimangot nalang ako.
"o-okay... magbibihis lang ako."
"thanks Ysha! by the way, happy birthday! sorry kung ngayon lang ako nakabati. hihiramin muna kita sa parents mo ah? haha. sabihin mo nalang sa kanila na bukas na kayo magcelebrate dahil kailangan kita ngayon."
natuwa naman ako kahit papano dahil naalala nya ang birthday ko.
"thanks Jim."
then I hung up the call.
mas mabilis pa sa alas-kwatrong nagbihis ako. at dahil birthday ko nga ngayon ay sinigurado ko talagang maganda ako.
huh! if I know ililibre lang ako ni Jimnet ngayon. gumawa pa sya ng excuses para lang isurprise ako haha. hay naku, minsan bagsak rin sya pagdating sa mga surprises eh. at dahil mabait naman akong tao ay magkukunyare nalang ako na walang alam. haha.
ilang sandali pa ay dumating na kotse ni Jimnet kaya naman sabay na kaming pumunta sa Fuerva hotel.
"Buti naman at naalala mong birthday ko ngayon." sabi ko pa habang nagdadrive naman sya. nagvolunteer na nga akong magdrive kasi buntis sya pero ayaw nya naman, hindi naman sya baldado kaya sya nalang daw magdadrive. A typical Jimnet.
"Oo naman no! kaibigan mo kaya ako. baliw nalang hindi pa nakakaalala ng birthday mo." natatawang tugon pa nya. "anyway, ano palang ginawa nyo kanina ng parents mo? magkasama ba kayo ni Emman na sinicelebrate ang birthday mo? mm? mm? nagdate ba kayong dalawa? binigyan ka ba nya ng maraming regalo? I'm sure nag-effort sya para sayo. yieeee! kinikilig ako sa inyo."
kahit alam kong hindi naman nangyari ang sinabi nya ay natatawa parin ako.
"hay naku Jim manahimik ka nga. walang ganap sa birthday ko. maagang umalis ng bansa ang mga parents ko samantalang nasa Baguio naman si Emman. pero babawi naman sya bukas."
"What!?" gulat syang napatingin sa akin. "bakit naman eh birthday mo ngayon! seryoso ka ba sa sinasabi mo?dapat ikaw ang kasama nila ngayon at hindi ibang tao! aba mas mahalaga pa ba ang business na yan kesa sa kaarawan mo?!"
I sighed. "oo nga. pero hayaan mo na. ilibre mo nalang ako."
"pero Ysha-----"
"hay naku Jim. wag ka nang magalit dyan. wala ka nang magagawa dahil wala na sila. basta ilibre mo nalang ako."
napabuntong hininga nalang sya. "hays ano pa nga bang magagawa ko?"
napangiti nalang ako sa sinabi nya. huh! sabi na eh, isusurprise nya ako haha!
pagdating namin sa building ay para akong bata na sobrang excited dahil ipapasyal sya ng kanyang Ina. funny right? eh anong magagawa ko eh kasama ko ang kaibigan ko sa napakaespecial na araw ko.
"bakit parang sobrang saya mo? ano, first time mo lang makapasok dito?" natatawang sambit pa nya habang pareho naming tinatahak ang---hindi ko alam kung saan.
napanguso naman ako. "hindi no. ilang beses na kaya akong dinala ni Emman dito."
"eh bakit ganyan ang ngiti mo?"
lalong lumawak ang pagkakangiti ko. "eh kasi alam ko namang isusurprise mo ako. hehe."
"huh! talaga lang ah?" binigyan nya ako ng hindi makapaniwalang tingin.
"sussss! nagdedeny pa. aminin na kasi! haha" siniko-siko ko sya ng pabiro.
natawa lang sya. "shut up Ysha."
"hay naku Jim------sandali.. bakit nandito tayo?" nagtatakang ipinalibot ko ang aking paningin sa buong paligid.
at hindi ko nga maiwasang makaramdam ng kilabot at takot dahil ang dilim ng lugar. saang bahagi ng hotel ba ito? isa ba itong venue or something? pero bakit dito kami pumunta ni Jimnet? wala akong makita kahit isang tao dito.
nagsimula tuloy akong makaramdam ng takot at kaba at mabilis na napahawak sa damit ni Jimnet na animoy isang batang takot na takot. jusme, baka may multo dito! takot ako sa multo!
"J-Jim t-tingin ko m-mali ata tayo nang lugar na p-pinasukan."
"Ano ka ba Ysha! bitawan mo nga ang damit ko nahuhubaran mo na ako eh."
"p-pero kasi-------"
natigilan nalang ako nung biglang bumukas ang iba't ibang kulay na ilaw tapos may biglang spotlight ang tumama sa mukha ko. napakipit pa ako ng mariin dahil nasilaw ang mata ko sa sobrang liwanag. at nung buksan ko ang aking mga mata ay nagulat ako sa nakita. ang daming balloons, red roses at decorations sa buong paligid. may mga nakasabit pang HAPPY BIRTHDAY YSHA na may kasamang malaking picture ko sa gitna ng stage.
omg! ano to?
napakunot nalang ang aking noo nung biglang tumunog mula sa speaker ang kanta ni Jason Derulo na syang lalong ipinagtaka ko. okay..? what the heck is really happening?
at bigla ngang lumabas out of nowhere si.....
What the fudge?
"Allen!? Leo?!"
they just smirked at me as they started to dance. at shemas! ang gwapo nila sa kanilang mga suot! nakapolo lang naman sila na pinatungan ng neck tie at coat. Oh gosh what the hell is happening!?
'105 is the number that comes to my head,
when I think of all the years I wanna be with you,
wake up every morning with you in my bed,
that's precisely what I plan to do'
biglang dumagdag sa sayaw sina Miz, Jessa, Almira at Kesha. napatakip nalang ako ng bibig sa sobrang pagkagulat at pagkamangha.
nakakalokaaa!
anong pakulo na naman ito? ito na ba ang sinasabi nilang Birthday party surprises?
napalingon ako sa gilid ko only to find out na wala na si Jimnet sa tabi ko. oh my gosh! plano ba nila ito? kasali ba si Jimnet sa plano??
'and you know one of these days,
when I get my money right,
buy you everything and show you all the finer things in life,
we'll forever be inlove, so there ain't no need to rush,
but one day I won't be able to ask you loud enough.'
this time si Joseph, Yonna, Kenzo, Ate Emily at Jimnet naman ang dumagdag. natatawang napapaiyak nalang ako. Shemas tong mga taong to! pinagkaisahan ako! paniwalang-paniwala pa ako sa mga sinabi ng magaling kong kaibigan kanina na painosenteng walang alam sa pag-alis ng bansa ng mga parents ko! nabudol-budol gang ako ng sariling kaibigan ah!
'I'll say will you marry me?
I swear that I would mean it
I'll say will you marry me?
singin' woah oh woah oh oh woah oh woah ooh.'
at mas lalo na nga akong nagulat nung biglang lumabas si Maria, at mga magulang ni Emman. oh my gosh! Jesus! pati sila? nakikisayaw rin!?
mas lalo lang akong natuwa lalo na nung bigyan ako ng isang matamis na ngiti ni Maria at sila Tito at tita. nicee! dancer naman pala ang pamilya ni Emman haha!
'how many girls in the world can make me feel like this,
baby I don't ever plan to find out,
the more I look, the more I find the reasons why,
you're the love of my life.'
this time ay sina Mommy, Daddy at Papa naman ang lumabas na syang mas lalong ikinagulat ko kaya naman ay halos nangiyak-ngiyak na ako sa tuwa! the fudge! akala ko ba may nakareserve silang flight papunta sa ibang bansa? anong ginagawa nila dito? ibig bang sabihin nito, nagsinungaling lang sila sa akin? kasama sila sa pakulo na to? hindi naman pala talaga sila aalis ng bansa? walangjo!
'and you know one of these days,
when I get my money right,
buy you everything and show you all the finer things in life,
we'll forever be inlove, so there ain't no need to rush,
but one day I won't be able to ask you loud enough.'
this time ay mag-isang si Kel naman ang lumabas at sumayaw sa gitna nilang lahat na syang ikinalaglag ng panga ko. what the heck! ang gwapo nya sa suot nya! he looks like a model! natatawang nawiwirdohan nalang ako sa kanya na kinindatan lang ako.
'I'll say will you marry me?
I swear that I would mean it
I'll say will you marry me?'
akala ko ay wala nang mas ikakadagdag ang gulat na nararamdaman ko sa pamilya ko. akala ko lang yun dahil bigla namang naglakad palapit dito si Emman na may dala-dalang isang boquet of roses at microphone sa kaliwang kamay.
tila nagslow motion ang paligid ko habang nakatitig sa kanya. my heart is beating faster again! shems! sobrang gwapo nya ngayong gabi! mas hot pa sya kay Kel at model na model kung maglakad. yung mga mata nya sobrang nakakahipnotismo at yung mga ngiti nya makalaglag panty! shemas mukhang nalaglag na nga ata ang panty ko! walangjo!
ni hindi ko na nga namalayan na nasa harapan ko na sya kasi sobrang natulala nalang talaga ako sa kanya!
and then, he sing the song without leaving a sight on me!
'And if I lost everything,
In my heart it means nothing
'Cause I have you, girl I have you.
so get right down on bended knee,
nothing else would ever be better, better, the day when I say,
will you marry me?
I swear that I would mean it
I'll say will you marry me?
singin' woah oh oh woah oh oh...
Would you marry me baby
105 is the number that comes to my head,
when I think of all the years I wanna be with you,
wake up every morning with you in my bed,
that's precisely what I plan to do.'
at mas lalo lang akong napaiyak tawa sa mga nangyayari. jusme! ano ba tong ginagawa nya! nakakakilig na nakakaiyak! napatakip nalang ako ng bibig habang nakatitig sa kanya.
nakakabinging katahimikan ang sumunod na nangyari. he stepped forward then held my hand. ibinigay nya rin sa akin ang mga bulaklak at agad ko naman iyong tinanggap. He sighed and looked at me in the eye.
"Ms. Allesha Marie Delasen. first of all I just want to say Happy birthday. nagulat ka siguro na makita kami dito at wala sa Baguio? just so you know, I was the one who planned all of this. I just wanted to surprise you." he stop for a moment as he trying to supress his emotion. napalunok nalang ako. "Alam mo Allesha, marami akong gustong sabihin sayo kaso nablanko na nga ata ang utak ko. but I just want you to know how Much I love you. matagal ko na dapat itong ginawa pero dahil gusto kong maging especial ang birthday mo ay pinagplanohan namin ito ng mabuti kasama ang mga kaibigan at magulang natin."
why do I have this feeling na mukhang alam ko na ang mangyayari? gusto ko sanang magsalita pero mukhang pati ako nablanko ang utak kaya pinili ko na lamang ang manahimik. shemas!
"Naalala mo ba nung nasa Baguio tayo? we made a deal, right? sabi mo kapag nanalo ka ay tutulungan kitang maghanap ng Architect para sa pagpapatayo ng charity. pero dahil ako ang nanalo ay ako ang susundin mo." oh my gosh! ibig sabihin, ngayong gabi nya ipapagawa ang deal namin? omg! "Allesha, I want you to do it tonight. right now, right here."
at napasinghap na nga lang ako sa sobrang gulat nung bigla syang lumuhod sa aking harapan at kinuha mula sa bulsa ang isang red velvet box at binuksan ito sa harapan ko! oh shems! lalo lang akong napaiyak sa kanyang ginawa! nagtriple na ata ang tibok ng aking puso, pakiramdam ko nanghihina ang mga tuhod ko! oh gosh what to do! nagsunod-sunod ang mga luhang kumawala sa aking mga mata at kahit anong punas ko ay hindi ito humihinto!
"Allesha Marie Delasen, my multong pangit. Marry me. Marry me. yun ang gagawin mo para sa akin."
I heard other people laughing at what he said. I even heard Allen and Leo saying, "ang korni mo Loyd! wala bagsak ka na! di ka talaga sasagutin nyan ni Ysha! haha!"
"Putakte ka Loyd! sobrang puyat na puyat tayong dalawa para lang mapractice mo yung sasabihin mo sa kanya! gumawa pa talaga tayo ng kodego ah hindi mo naman pala sasabihin! lintik kang nauwi lang sa wala ang effort ko!"
"speechless si gago! haha!"
"wala! naiwan ata sa bahay nila ang utak nya Haha!"
binigyan naman ni Emman ng nakakamatay at nagbabantang tingin ang dalawang kaibigan samantalang tinawanan lang sila ng iba.
pati ako natatawa rin eh. walangjo tong lalaking to!
"bakit parang commandment yang sinasabi mo? you are not asking me, Emman." natatawang sambit ko pa.
napangisi naman sya. "of course, hindi naman talaga tanong yun. so ano, pakakasalan mo ba ako o pakakasalan mo ako? will you marry me?"
natatawa man ay tumango nalang ako. "yes, I will marry you."
the next thing I know ay bigla na lamang syang tumalon at sumigaw ng 'Yes!' sa sobrang tuwa. hindi rin nakaligtas sa akin ang paglandas ng kanyang mga luha sa mata na mabilis nya namang pinunasan. nagpalakpakan at naghiyawan rin ang mga tao sa paligid namin. isinuot ni Emman sa aking daliri ang singsing at hindi ko mapigilang maiyak sa tuwa dahil ang ganda nito! It's a silver na may maliit na star sa gitna. ang gandaaa!
niyakap naman ako ni Emman ng mahigpit as if takot na mawala ako at saka hinalikan sa noo.
and then he whispered,
"Thank you so much Allesha! thank you, thank you! damn! hindi mo lang alam kung gaano ako kasaya ngayon. I love you so much."
napangiti nalang din ako at isinandal ang aking ulo sa kanyang balikat.
"I love you too, Emman."
the next thing I knew is the camera shots of other people taking some picture on us and a shout from the crowd saying,
"Kissss!!! Kissss! Kissss!!!"
natawa nalang kami pareho at nagkatinginan sa isa't isa. then he gave me a knowing smile. napailing nalang ako at hinalikan nya naman ako sa labi. It was a long and passionate kiss. he gently cupped my face as if para akong isang babasaging bagay na takot mabasag.
lalo ring dumami ang mga flash ng camera sa amin.
at hindi na nga mapagsidlan ang tuwang nararamdaman ko sa mga oras na yun dahil sa wakas! makakasama ko na rin habang buhay ang taong mahal ko. sa wakas! matutupad na rin ang dating pinapangarap ko lang na maikasal kay Emman, ang taong mahal ko.
he pulled back and hug me again. I looked up to our families and friends, and there I saw my parents looking so happy for us, for me. my mom even mouthed me a, 'congratulations, my daughter.' napapateary eye din sya kaya naman ay napangiti nalang ako sa kanila.
si Papa at Maria naman ay todo palakpak kahit pa naiiyak na rin silang dalawa. si Papa kunyare pang napuwing lang pero namumula na ang ilong. haha.
yung mga baliw naman naming kaibigan ay walang ibang ginawa kundi ang sumigaw nang,
"Isa pang kisss!!!!"
"forever na yannn!!!"
"bitinnnn!!!"
"Kissss!! Kissss!!!"
natawa nalang kaming pareho ni Emman at pinagbigyan ang kanilang hiling.
hays, pakiramdam ko lumulutang ako sa langit. parang kanina lang nababadtrip ako pero ngayon umaapaw naman ang sayang nararamdaman ko. This is the best birthday gift ever! wala na akong mahihiling pa. kasama ko na ang mga taong mahalaga sa buhay ko. ang nag-iisang taong minamahal ko. ang swerte ko hindi ba?
sino bang mag-aakala na ang dating kinukulit ko lang noon ay ang taong magpapatibok pala ng aking puso?
sinong mag-aakala na ang dating masungit at pikoning si Emman ay sya palang taong mamahalin ko?
at sino nga ang mag-aakala na ang taong dati'y ayaw na ayaw sa akin, ang taong laging nababadtrip kapag nakikita ako ay sya palang pakakasalan ko?
it's like a dream! para akong nasa isang libro at kaming dalawa ni Emman ang bida!
Isang multo at isang buhay na tao ay nagkagusto sa isa't isa? unbelieveable right? kahit ibang tao ay hindi maniniwala sayo kapag sinabi mo na nainlove ka sa isang multo.
well, nasa kanila na yun kung maniniwala sila o hindi dahil para sa akin totoo yun. dahil iyon ang nangyari sa aming dalawa ni Emman.
napangiti nalang ako.
It is really true that,
Love moves in Mysterious ways...
but for me it's like,
Love Ghost in mysterious ways.
The End......
**/*/**/**/**/**/***
unedited...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top