two

   Nakadungaw lamang ako sa aking bintana. Hapon na naman at tapos na ako sa aking binabasa. Payapa ang paligid. Mukhang masaya muli ang aming nasasakupan at kanilang nabalitaan na ako'y naparito muli sa aming palasyo. Ilang linggo na ba akong nananatili rito? Tatlong linggo? Hanggan ngayon lutang pa din ako sa aking nalaman.

   Nakasimangot lamang ako habang pinagmamasdan ang kalangitan.

   Bakit Kasi ganoon na lamang ang kapalit? Ang ikasal ako sa hindi ko naman kilala? Paano ako magiging masaya kung Wala pa ako balak mag-asawa! Hays! Ilang taon lang ba ako? Dalawampu't taong gulang lang ako!

   Para saan ba ang kasunduang kasal? Sa kapangyarihan ba?

   Lahat ba kailangan may dahilan upang matanggap mo ang katotohanan?

    Agad akong napatayo ng Marinig iyon. Bulong ng isang lalaki!

   " Sino ang naririyan! Magpakita ka sa akin!"

   Hinahanap ko ang lalaking bumulong nun. Nakakatakot sya! Kaya niyang bumulong. Teka- bulong ba yun o sinadya niyang makausap ako sa pamamagitan ng aking kaisipan?

   Hinahanap ko pa rin pero hindi ko matagpuan. Walastik siya ang galing niya! Hindi ko sya mahanap. Ginagamit ko na kapangyarihan ko pero hindi pa din gumagana.

   "Aking anak, may ibibigay ako sa'yo," agad akong lumapit sa aking ina. Hindi ko pala namalayan na pumasok na pala siya sa aking silid. Isang magandang ngiti ang aking iginawad sa kaniya. Isang yakap naman ang kaniyang ginawad.

   Agad niyang pinakita ang damit na kaniyang dala. Isang itim na damit? Pampatulog ba 'to? Parang ginagamit sa mga taong kasal na eh. Yung pang-aakit ba sa kaniyang asawa?

   "Mukhang bagay 'to sayo, aking binili mula sa ating bayan ang damit na ito. Maaari mo bang gamitin ito sa iyong pagtulog mamayang Gabi?"

   Ha? Ano raw? Gamitin mamayang Gabi?

    Pinagmasdan ko lamang Ito at hindi ba ako magkakaroon ng sakit nito pag ito ang aking suot?

    Nag-aalinlangan lamang ako ngumiti sa kaniya. Ina naman, bakit ganyan kahalay?

    Kinuha ko na lamang at tingin ko mukhang bagay nga sa akin ito.

    Hindi ko din pala namalayan na umalis na din sya agad. No ba yan, ang aking ina hilig umalis ng 'di ko alam eh.

    Maya maya pa dumating na ang hapunan. Agad ko silang binati at umupo na sa aming magarbong lamesa. Punung puno ng mga pagkain. Anong mayroon? O sadyang masaya ang kanilang araw?

    Iniisip ko pa din bakit ako binigyan ni Ina ng ganoong damit na pampatulog? Ang sexy Kong tignan kapag ganoon ang aking suot.

    "Aking anak, buksan mo mamaya ang iyong bintana ha bago ka matulog hayaan mong masilayan ang ganda ng buwan at ang sariwang hangin ngayong Gabi. " Sambit ng aking ama. Tumungo tungo na lamang ako bilang pagsagot.

   Nakakapagtaka na talaga ang aking mga magulang. Para bang may isang bisita silang inaabangan?

    Agad din akong nabusog sa aking mga kinain. Agad akong napatingin sa bintanang malapit sa aming kinaroroonan parang may taong nagmamanman sa amin. Pero wala namang taon doon.

     "Ang ganda ng buwan," sambit ko, naririto na ako sa aking silid. Ang liwanag ng buwan ang siyang nagbibigay ng liwanag rito sa aking silid.

    Suot suot ko na din ang damit na pampatulog na bigay ni Ina sa akin. Maikli, Kita ang aking dibdib, sleeveless at backless din. Yung totoo ina? Matutulog ako o may aakitin?

    Pinagmasdan ko na lamang ang aking sarili sa salamin at napakaganda ko naman sa suot na ito. Napangiti na lamang ako. Mukhang nababagay sa gabing ito ang aking suot.

    Humiga na ako agad at nakatingin lang ako sa kisame. Nadadalaw na ako ng antok ko. Pero parang may mali.

    Napikit na lamang ako pero hindi ko alam pero wala din naman. Nararamdaman ko na may ibang tao dito.

    Sa aking pagdilat may pares ng matang kulay pula.

   "Sino ka?! Anong ginagawa mo dito?!" Agad akong napabangon ngunit agad din niya ako inihiga at mahigpit na pagkakahawak sa aking mga braso.

   Magkadikit na ang aming ilong at nahihirapan na din akong huminga.

   "Nakakaakit kang tignan," doon ko din napagtanto ang aking suot. Namumula na ako. Nakakahiya. Bakit ito pa ang pinasuot sa akin!

    "Lumayo ka sa akin maawa ka at bata pa ako!"

    "Wala naman mangyayari kung susunod ka sa akin, akin ka lamang"

    "Hindi! Kahit kailan walang sinuman ang magmamay ari sa akin!"

    "Akin ka, prinsesa"

    " Ayoko!"

    "Huminahon ka lamang prinsesa, Kung Hindi"

    Agad niyang pinakita ang kaniyang mga pangil. Nakakatakot. Bakit may bampirang napasok sa aming kaharian? Napakadelikado nito sa amin. Ngunit bakit hinayaan lamang nila ito na mangyari?

    "A-ano ba ang kailangan mo? B-bakit ako pa?"

    "Kukunin kung ano ang dapat para sa akin,"

    "Marami ang may gusto at huwag na lamang ako, ginoo."

    "Akin ka, prinsesa at hindi mo ako mapipigilan."

    Agad niyang akong hinalikan at hindi ko na alam ang gagawin ko habang hinahalikan niya ako. Binitawan niya ang aking mga braso at humawak siya sa aking mga bewang. At, ang aking kamay ay napapunta sa kaniyang mukha. bakit ako pumayag na magpahalik sa kaniya!

    Hindi ko alam pero sa bawat halik niya sa akin ay nanlalambot ako. Habang tumatagal ay nagugustuhan ko na ito. Naku! Isang akong prinsesa at dapat mahinhin ako sa aking pagkilos.

    "Prinsesa, inaakit mo ba ako ngayon Gabi? Nais mo bang may mangyari sa atin?"

    "Huh? Ginoo, hindi ko naman sinasadyang suotin ito dahil nais ng ina ko ito."

    "Aking prinsesa, sumama ka sa akin."

    Nakatitig lamang ako sa kaniyang mga mata at nang titigan ko ang kabuuang mukha niya. Teka, kilala ko sya!

    "Ikaw na bampira ka, nakikilala Kita! Ikaw ang lalaking nag-uwi sa akin dito sa kaharian"

    "Ako nga," ngumiti lamang sya sa akin at binigyan nya muli ako ng isang halik sa aking labi. Agad din niya ako kinumutan.

    "D-dito ka lamang, a-ano ang pangalan mo?"

    "Sehun, prinsesa Iya."

    Ang gwapo ng pangalan. Teka! Iyang bampira na yan ay magnanakanaw ng halik!

    "Matulog kana, muli tayong magkikita."

    Agad kong kinuha ang kaniyang kamay, bakit ba siya nandidito?

    "Prinsesa, kailangan ko na umalis at may kailangan akong gawin."

    Sa kaniyang pag-alis, ako naman ang siyang nakatingin sa kawalan.

    Mukhang kailangan ko muli pumunta sa lawa ng isang diwata.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top