Nandiyan lang sila. Nakasubaybay ang kanilang mga mata sa akin. Alam nila ang bawat galaw ko. Saan na ako pupunta ngayong kung nalaman na naman nila ang pagtatago ko. Nangangamba ako dahil baka ito na ang oras na mahuhuli na nila ako.
" sa tingin mo Hindi ka namin mahahanap? Huwag ka maging kampante masyado, " sabi ng isang tinig sa aking kaisipan. Mula ito sa kanilang pinuno. Ayoko pang mawala alam Kong may gampanin pa ako.
Napaisip na lamang ako sa maaari ko pang gawin upang magtago. Nanginginig na ako sa kaba. Napatingin ako aking paligid at batid kong nakamasid lamang sila sa akin. Gustung-gusto ko ng umiyak. Gusto ko ng umuwi sa aming palasyo. Bakit Kasi, bakit pa Kasi ako umaalis sa amin. Ayoko sa mga plano ng aking mga magulang.
"Ano na? Magtatago ka pa ba?" Muli, sambit pa niya. Urgh! Ano na gagawin ko! Sana, Sana dala ko ang aking kompas na bigay ng aking Ama.
"Inang Kalikasan nawa tulungan mo ako ngayon sa aking kinalalagyan. Nawa'y ipahiram mo sa akin ang Iyong mga hayop rito sa gubat. Nais kong sugurin ang mga nagbabanta sa akin. "
Panalangin ko. Hindi ko na talaga Alam kung ano pa ba maaari Kong gawin. Maya-maya ay unti-unti ng umungol ang mga mababangis na hayop.
Napangiti ako ng dininig ang aking mga panalangin. Kaya naman, bigla-bigla na lamang sila napahiyaw ng biglang may sumugod sa kanila. Mukhang kailangan ko ng lumayo muli.
Akmang hahakbang na ako ng may humawak sa aking braso. Napalingon ako at, at, at Ang gwapo! Ay biro lang. Siya na ba Ang aking prinsipeng hinahanap? De biro muli.
"Saan ka na naman pupunta? " Sambit niya, napatitig ako sa mga mata niya. Nahuhumaling akong tumititig sa kaniya. Ngunit, Sino naman siya? Sino siya sa aking buhay? Bakit hinahanap niya rin ako?
Agad Kong tinanggal ang kamay niya sa akin, NAKAKAINIS NAMAN! gwapo nga pero may kailangan din sa akin! NAKAKAINIS!
" Wala kana dun! Lahat na lang kayo may kailangan sa akin! " Akmang tatakbo na ako ng bigla niya akong hinatak.
Argh! Ang higpit niyang humawak sa akin. Baka nakakalimutan niyang babae ako at prinsesa.
"Alam mo, pwede naman ako makausap ng maayos eh. Wag 'yong ganito, ginoo." Napatingin naman siya sa akin ngunit bigla niya rin iniwas ang kaniyang tingin sa akin.
"Dami mong sinasabi, pwede bang tumahik kana muna? Iuuwi na kita sa Inyong palasyo."
Inyong palasyo.
Ano pa ba magagawa ko? Kundi doon rin mapupunta. Hays. Hinayaan ko na lang siya na humawak sa akin at tumatakbo kami rito sa gitna ng kagubatan.
"Prinsesa, bakit ka ba laging nagtatago?" Tanong niya. Napatigil kami saglit upang makapagpahinga. Hindi lamang ako sumagot sa kaniya. Hindi na talaga ako tatakas muli. Susundin ko na ang Amang Hari.
"Maaari bang paggising ko, nasa palasyo na tayo? Gagamitin ko ang mahika upang makatulog ako. Ikaw na ang bahala sa akin. "
Pagkatapos ko magsalita ay pumikit na ako at inilagay ang aking ulo sa kaniyang balikat.
***
"MAHAL na prinsesa, gumising kana. "
Agad ako napamulat ng marinig ko ang boses ng aking Inang Reyna. Nang makita ko siya ay niyakap ko agad siya. Matagal-tagal ko rin na hindi ko siya nakasama. Agad akong humagulgol sa kaniyang mga balikat. I miss her so much.
"Amang Hari,"
Napatitig ako sa kaniya ng humiwalay ako sa aking Ina. Nag-aalala siya pero napaiwas na lamang siya ng tingin sa akin. Alam ko na, hanggan ngayon nagtatampo pa rin siya sa akin. "Patawad aking Ama, hindi ko na muli iyon uulitin. Bilang ganti, ano ang aking haharaping disiplina?" Ang aking sambit. Matagal ko ng inihanda ang aking sarili sapagkat ang aming kaharian ay laging may kapalit na pagdidisiplina.
"Ikaw ba ay handa ng harapin sa aking iuutos sa'yo?"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top