five
Nasa isang lugar ako na hindi pamilyar sa akin. Para bang nasa nakaraang panahon ako at ibinalik ako nito. Ano namang gagawin ko dito?
"Kuya, sino ka ba? Anong gagawin mo sa akin?" Hinanap ko ang boses na yun sa batang babae. At nakita ko sya. Hawak sya ng isang lalaking matangkad. Parehas silang nakatalikod sa akin. Marahil, kuya nya ito.
"Prinsesa, kailangan mo na umuwi. Sama kana sa akin at malalagot ako sa iyong magulang," sagot ng lalaki sa kaniya.
"Ayoko nga sumama sa iyo! Di Kita kilala!"
"Prinsesa, tiwala ka lang sa akin. Wag ka magtakot. Ligtas ka sa akin."
Anong mayroon? Ano ba dapat Kong gawin dito?
"Sure ka? Di moko aanuhin?"
"Oo, prinsesa." Hawak hawak lang nya ang kamay nito.
"Kain tayo kuya. Nigugutom na din ako eh."
Akmang aalis na sila. Hala. Sino Kaya sila? Bakit parang pamilyar ang pangyayaring ito sa akin?
Sinubukan Kong tumakbo at hawakan ang batang babae ngunit lumagpas lamang ako sa kanila. Hala?! Ano nangyare sa akin?! Akmang lilingon ako sa kanila ng biglang nagliwanag ang lahat.
"HAAAAAA!!!!"
Bigla ako napabangon. Hala? Nasaan nga pala ako? Hindi ito ang aking kwarto.
"Buti at nagising kana," hinanap ko ang boses na iyon at nakita ko ang nagmamay ari nun.
Prenteng nakaupo at nagbabasa ng ilang mga libro. Napakunot na lang ako ng noo sa kaniya. Anong ginagawa nya dito? Hala. Nasa kaharian nga pala nila ako. Bigla ako napatingin sa aking katawan at ganun pa din ang aking suot kagabi.
Bigla siyang lumapit sa akin at tinitigan ang aking mga mata.
"Aking prinsesa, tayo'y kakain na. Kagabi pa tayo hindi kumakain." Oo nga pala, pagkatapos nya akong sunduin ay agad kami natulog kagabi. Hindi ko naramdaman ang gutom kagabi.
Agad akong nagtungo sa kaniyang palikuran dahil agad niya ito tinuro at sabi niya ay ihahanda ang susuotin Kong damit.
Bakit ganun, sa aking panaginip ay dama Kong totoo yon. Para bang nangyari na.
Agad kong binilisan sa pagliligo at batid kong makikita ko ang kaniyang mga magulang. Lalo akong kinakabahan. Anong sasabihin ko? Anong magiging ugali ko?
"Tingin mo bagay sa akin?" Tanong ko Kay sehun. Nakatingin lang sya sa akin. Suot suot ko na yung damit na bigay nya sa akin. Kulay pula at Sana bumagay nga.
"Napakaganda, aking prinsesa."
"Sehun, kinakabahan ako. Anong gagawin ko?" Tanong ko. Hindi ko na lamang pinansin ang kaniyang papuri sa akin.
Hinawakan nya lamang ang aking kamay na para bang wag mag-alala.
"Wag ka mangamba. Mababait sila at tiyak na matutuwa sila na may babae akong ipapakilala sa kanila." Sambit nya pa.
Babaeng ipapakilala? Hala. Ngayon palang sya may maipapakilala? Lalo akong kinabahaan!
"Aking prinsesa, nais kitang ligawan. Maaari ba?" Bigla ako napatingin sa kaniya. Pababa na kami at ilang sandali na lamang ay makakaharap ko na ang kaniyang mga magulang. Nagtanong sya at nais niya akong ligawan!
Ramdam ko ang init ng aking mukha. Namumula na yata ako. Bigla ako napaiwas ng tingin sa kaniya. Tahimik lamang ako sa kaniya.
"Nais kitang ingatan, pangalagaan at mahalin. Nawa'y payagan mo ako."
Hindi ko maisip na, isang prinsipe ng bampira ang manliligaw ko? Gusto ko ngumiti pero pinipigilan ko lamang. Sa dami ng gustong manligaw sa akin ngayon lang ako nasiyahan at kinilig.
Yung mailap na bampira nais akong ligawan at mahalin.
"Sehun, hindi ko alam ang isasagot ko." Napatingin na lamang ako sa ibaba. Bigla niya hinawakan ang aking mukha.
"Magtiwala ka sa akin at hindi Kita sasaktan. Ang katulad mong prinsesa ay iniingatan at minamahal."
Bigla niya akong hinalikan. Hindi tulad ito nung una kaming nagkita. Saglit lamang ngunit ramdam na ramdam ko pa din.
Hinila ko na lamang siya at ayaw ko na maghintay pa ng matagal ang kaniyang magulang.
***
Hindi ko inaasahan na magiging mainit ang pagtanggap nila sa akin. Ngiting ngiti ako nakaharap sa salamin ngayon. Kakauwi ko lamang ngunit tandang tanda ko ang bawat pangyayaring naganap sa munting salo salo. Hindi ko inaakalang ang prinsipeng yun ay liligawan ako at dadalhin agad ako sa kaniyang magulang upang ipakilala sa kanila.
"Napakaganda mong prinsesa. Tiyak akong gustung gusto ka ng aking anak. Ramdam kong mapapabuti siya sa'yo."
Napangiti ulit ako ng maalala ang sinabi ng Inang Reyna ni Sehun sa akin. Para bang natitiyak nilang mapupunta sa maayos na kalagayan ang kanilang anak.
"Prinsesa Iya, nawa magkaroon kayo ng magandang pagsasama ng aking anak at magkaroon din kayo ng kapayaan."
Ang Amang Hari ni Sehun ay tiwalang tiwala na magkakaroon kami ng maayos at masayang pamilya. Bakit Kaya ganun na lamang ang kanilang pagtrato sa akin? Saglit lamang yun dahil araw-araw ay abala ang kaniyang magulang bilang mga Hari't Reyna sa kanilang nasasakupan.
Pagkatapos naming kumain, nagtungo kami ni Sehun sa kanilang Hardin at hindi ko maiwasan na mamangha. Kay ganda at alagang-alaga nila ito.
"Uhm, Sehun, bakit ako?"
Nakangiti siyang humarap sa akin. Ngiting nakakatunaw.
"Maraming dahilan Kung bakit ikaw. Malalaman mo rin sa takdang panahon."
Maghapon lamang kami magkasama. Maraming napagkwentuhan. Lalo ko siyang nakilala.
"Aking prinsesa, marami akong sikreto. Matatanggap mo pa rin ba ako?"
Nagtataka akong nakatingin sa kaniya. Bakit naman Kaya? Ano mayroon?
"Depende. Kung may malalim at katanggap tanggap na dahilan ay maaari pa."
May mga bagay pa kaming napag-usapan. At karaniwan dito ay tungkol sa pamamalakad ng kaharian. Hindi nga lamang akong masyado nakapagsalita dahil kakaunti lamang ang aking nalalaman. Sapagkat ako'y inihahanda upang maging mabutihing reyna o Asawa balang araw. Ang aking kuya ang siyang namamalakad dito sa ganitong tungkulin.
Bago nya ako ihatid pauwi ay naglakad lakad pa kami sa kanilang kaharian. Marami siyang itinuro.
"Alam mo ba ang alamat ng mga bampira?"
"Medyo? Iilan lamang ang aking nalalaman."
"Ano sa iyo ang pamilyar?"
"Ang ilan sa mga bampira ay sinusumpa. Hindi ko alam pero ang madalas na dahil ay nasa lahi ito. Alam mo ba yun?"
"Isinusumpa ang mga bampira kapag nasa ikalimang henerasyon na ang isisilang. Dahil ang mga sinaunang diwata ang nagpataw ng parusang ito."
"Bakit naman? Anong mayroon?"
"Sapagkat, nagkaroon ng pangako ang mga bampira noon sa mga sinaunang diwata na maghahandog ng iba't ibang hain kapag sumasapit ang ikalimang kabilugan ng buwan sa nagdaang dekada. Ngunit minsang hindi tumugon ang mga bampira kaya ito ang naging parusa."
"Teka, sino Ang mga sinumpa ng my sinaunang diwata?"
"Ang aming kaharian."
Naaalala ko na naging malungkot ang kaniyang mukha noong nagkukwento siya tungkol sa kanilang kaharian.
Niyaya ko na sya agad iuwi ako upang mawala din ang aming pinag-uusapan.
Tulad ng sinundo niya ako ay inuwi din niya akong buhat buhat niya. Hindi ko alam kung kikiligin o kakabahin ako dahil napakataas ng mga puno kapag tumatalon siya.
Bago siya umalis sa aking silid ay isang halik muli ang kaniyang ginawad sa akin.
Bakit ganun, nililigawan pa lang niya ako pero hinahalikan na niya ako?
At ang isa pang nakakaintriga sa akin, kasama Kaya siyang isinumpa?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top