• 38 •
Andie's POV
Malalakas na tawanan ang bumungad sa akin ng lumabas ako ng kuwarto. Ang lakas ng boses ni dad at ang lakas pa ng tawa niya. Napahinto ako dahil pamilyar ang boses ng kausap niya. I know that voice. Para yatang nanginig ang tuhod ko. Nanlamig ang buo kong katawan kaya hindi agad ako nakagalaw at nanatili lang ako sa nakabukas na kuwarto. Si Timmy ay naiwan sa kuwarto ko na nanood ng tv habang naglalaro ng mga bago niyang laruan.
Boses ni Tim. Anong ginagawa niya dito? Bakit siya bumalik? Na – meet na niya si Timmy? Nagkausap ba sila ni Marco ng hindi sinasabi sa akin ng asawa ko? How did he know about my son? Bakit ready siya sa mga laruan na ibibigay niya? Hindi matapos – tapos ang mga tanong na naglalaro sa isip ko.
"So magta-tatlo na pala ang anak ni Dale? Matulis talaga 'yang si Mayor," natatawang sabi ni daddy.
"Mahal talaga niya si Anya. 'Nung bumalik, hindi na talaga tinantanan. Akalain 'nyong siya ang nagkasal sa kanilang dalawa kasi mayor na daw siya pero hindi naman papayag si Senator Benavidez na ganoon lang iyon. After a month, ikinasal din sila sa simbahan." Bakas ang saya sa boses ni Tim.
Lakas ng halakhak ni dad. Bakit parang magkakilalang – magkakilala si Tim at si daddy? Sobrang palagay si daddy. He never treats people like this. Kahit si Marco hindi sila nagka – kuwentuhan ng ganito ni daddy. Hi – hello lang. Mga one liner na usapan then that's it. Wala ng imikan. But right now, daddy is showing his true self to someone he just met.
"How about your most hard-headed agent? Kamusta naman? Pasaway pa din?" tanong pa ni dad.
Kumunot ang noo ko. Agent? Anong agent ang sinasabi ni dad?
"Si JD? The usual. Matigas pa rin ang ulo but ayaw niyang ma – associate sa yaman ng mga Oligario. Bagay lang naman talaga sila ni Lucy. Pareho silang matigas ang ulo kaya natututo silang magbigay sa isa't – isa. Kasi kung walang magbibigay, talagang maghihiwalay ang dalawang 'yon."
Lucy? Tim even knows Lucy Oligario? How? I know Lucy kasi inaanak siya ni dad and nagkikita kami sa mga okasyon once in a while. Nahinto nga lang ng mawala si daddy.
"Maige nga. Nakakita talaga ng katapat ang inaanak kong iyon." Tumatawa pa si daddy.
"Sir, would you mind if I ask something?"
Shit. What the fuck is going on? Sir? Tim is calling my dad Sir?
"What?"
"Did you tell them truth?" Seryoso na ngayon ang timbre ng boses ni Tim.
Pigil ko ang hininga ko habang hinihintay ko ang sagot ni dad.
"I tried to tell Alice but she doesn't want to know it anymore. I was ready to tell her everything about what happened to me in those five years but she said no. She told me, what she doesn't know won't hurt her."
Hindi sumagot si Tim.
"How about you? Are you ready to tell them everything? Are you ready to tell your brother, your parents about who you really are?" Boses ni daddy iyon.
Naitakip ko ang kamay ko sa bibig ko para walang lumabas ng tinig doon. Grabe ang lakas ng kabog ng dibdib ko parang hindi na ako makahinga. Daddy is keeping a secret from us? Who the hell is Tim?
"Mama! What are you doing there? Why are you hiding?" Muntik na akong mapatalon sa lakas ng boses ni Timmy.
Hindi ko malaman kung tatakbo ba ako pabalik sa kuwarto o magtatakbo palabas ng bahay pero parang wala akong lakas na gawin iyon. Nang tumingin ako sa gawi nila daddy at Tim ay pareho silang nakatingin sa akin. Nanlalamig ang mga kamay ko at ang lakas ng kabog ng dibdib ko.
"Iha, gising ka na pala. Come here. May bisita kayo ni Timmy. Pinuntahan daw niya kasi si Marco sa bahay at walang tao doon kaya dito na siya dumiretso," sabi ni daddy at lumapit sa akin. Hinawakan pa ako sa braso ni daddy habang iginigiya akong pumunta sa sala. Tim is just looking at me. Walang kahit na anong ekspresyon ang mukha niya. Walang tensyon, walang takot, walang pag – aalala. Just a blank face looking at me at hindi ko maintindihan kung bakit parang kinabahan ako doon.
"I didn't mean to disturb you. I wanted to see my brother and my nephew but it so happen he is not around kaya dito na ako dumiretso," walang kangiti – ngiting sabi niya.
"Sana doon ka na lang naghintay sa bahay 'nyo. Pauwi na rin naman kami," matabang na sagot ko sa kanya.
"Pupunta lang ako sa kusina para kumuha ng maiinom. Come on, Timmy." si daddy iyon at hinawakan niya sa kamay ang anak ko at iniwan na kami. Parang gusto ko yatang habulin si daddy at sabihin na huwag akong iwan doon. Parang gusto kong sabihin kay daddy na ang lalaking nandito ay ang lalaking nanloko sa akin at umiwan na parang basahan.
God. I don't want to remember about us anymore. Kung bakit naman kasi bumalik na naman siya. Okay na ako, eh. Bakit bumalik na naman siya para ipaalala ang lahat?
"Wala naman siguro tayong dapat pag – usapan. I don't want to associate myself to you. Si Marco lang ang may koneksyon sa 'yo." Sabi ko sa kanya.
"You really think wala tayong dapat pag – usapan, Andie?" Seryosong – seryoso ang timbre ng boses niya habang diretsong nakatingin sa akin.
What the hell is wrong with him? Bakit pakiramdam ko ako pa ang may ginawang masama sa kanya?
"None. At kung meron man, ayoko ng pag – usapan. If you want to stay here, stay. Hintayin mo si Marco. Pero hindi ako makikiharap sa iyo. Excuse me," sabi ko at tinalikuran ko na siya.
"I know the truth, Andie."
Kumunot ang noo ko at humarap sa kanya. Ano ang sinasabi ng lalaking 'to?
"I know the reason why you married my brother. I know the truth about Timmy." He said in between his teeth. Nagagalit si Tim.
Kulang na lang ay himatayin ako sa narinig kong sinabi ni Tim. Lalong bumilis ang paghinga ko ng lumapit siya sa akin. Pinilit kong magpakatatag at taas noong hinarap si Tim. Hindi. Mali ang iniisip ko. Sigurado akong hindi niya alam na anak niya si Timmy.
"Kung anuman ang alam mo, sigurado akong nagkakamali. Ano ang alam mo? And who do you think you are? Aalis ka kung kelan mo gusto at babalik ka, kung kelan mo lang trip para guluhin kaming lahat. Wala kang alam."
Lalong lumapit sa akin si Tim at ilang hakbang na lang ang layo niya sa akin. Magkaharap kaming dalawa. Ga – dangkal ang pagitan ng mukha namin.
"Baka mabigla ka kapag sinabi ko ang alam ko."
Umirap ako at umatras para makalayo sa kanya.
"As always. Marami ka na namang paikot – ikot na sasabihin. Just get to the god damn point at umalis ka na. Talaga bang ganyan ang –"
"Timmy is my son."
Nalulon ko yata ang dila ko sa narinig na sinabi niya.
------------------------->>>>>>>>
Mason's POV
Nakita kong nagkulay-suka ang mukha ni Andie sa narinig na sinabi ko. Hindi siya nakapagsalita pero nanatiling nakaawang ang bibig.
"Do you still want me to continue?" sabi ko sa kanya.
Mahigpit akong hinawakan sa braso ni Andie at hinila ako palabas ng bahay. Nang masiguro niyang walang nakakakita at nakakarinig sa amin ay malakas niya akong sinampal.
"What the hell are you talking about? You don't say that. Don't say that. May tatay ang anak ko at hindi ikaw iyon," mahina pero madiin niyang sabi sa akin.
Napahinga ako ng malalim at ngumiti ng mapakla.
"I know. I am fucking five years too late to know the truth." Napapailing ako kasi hindi ko malaman kung paano ako magpapaliwag kay Andie kung bakit ako nawala at iniwan siya.
Nag – uunahang bumagsak ang mga luha ni Andie habang nakatingin sa akin.
"I saw your messages," at inilabas ko ang lumang telepono na gamit ko noon at ipinakita ko sa kanya. "I was a fool for not answering yours calls and your messages."
Hindi siya sumagot. Pinipigil niya ang mapahagulgol pero patuloy ang pagtulo ng luha niya.
"I thought what I did was saving you. I have a very dangerous life. But I was wrong. Instead, I left you with a huge problem. Now I understand why you married my brother. He was the one who saved you from a huge embarrassment."
"I was trying to tell you. I kept on calling you but you just left. Tanggap ko na Tim na isa lang ako sa babaeng dumaan sa buhay mo. Nagkataon lang na may naiwan kang souvenir." Mabilis na pinahid ni Andie ang mga luha niya.
"I am sorry. I am sorry, Andie. Alam kong kahit paulit – ulit akong humingi ng sorry malabo mo akong mapatawad." Naitakip ko ang dalawang palad ko sa bibig ko dahil hindi ko alam ang sasabihin ko. Sa totoo lang, I wanted to runaway at isasama ko si Andie at ang anak namin. Desperado ako but I can't. I can't hurt my brother.
"Kung ibang lalaki, putang ina. Kahit kasal ka, aagawin kita. Itatakas kita kasama ang anak natin. Even if you tell me over and over that you hate me, wala akong pakialam. I'll make you fall in love with me again and I know I will succeed" Napahinga ako ng malalim at malungkot na tumingin kay Andie. "But I can't. He is my fucking brother, Andie. Tinanggap ko na noon na hindi talaga tayo. Tinanggap ko kahit masakit na may pamilya ka ng iba. Pinilit kong maging masaya dahil alam kong may nagmamahal sa iyo kahit nasasaktan ako. Para akong tanga na laging tinitingnan ang litrato mo. Every god damn day, Andie. For five years, I am doing that. Kasi hanggang ngayon, mahal na mahal kita."
Napapikit si Andie at tuloy – tuloy ang pag – agos ng luha sa mga mata niya.
"You are too late. Kahit anong gawin mo, you cannot be my son's father. Isa lang ang tatay niya at iyon si Marco. He gave a name to my son at lalaki ang anak ko na isa lang ang kilala niyang tatay."
Napayuko ako sa sinabing iyon ni Andie. Ang sakit. Napakasakit pero tinatanggap ko. Kasalanan ko naman kung bakit nangyari ito.
"Could you just allow me to visit him? He knows I am his uncle." Punong – puno ng pakiusap ang boses ko.
Hindi nakasagot agad si Andie pero alam kong ayaw niya.
"Please. Hindi ako manggugulo. Kahit sa paraang ganito na lang makasama ko naman ang anak ko. Once a week that's all I am asking."
Nakita kong mabilis na nagpahid ng luha si Andie at itsurang natataranta at nakatingin sa likuran ko.
"M – Marco! What are you doing? Where is your wheelchair?" Natatarantang nilapitan ni Andie si Sebi. Nilingon ko ang kapatid ko at nakita kong nakatayo siya malapit sa amin at nakatingin lang.
I wanted to punch myself when I realized what I did. Kaya ko bang saktan ang kapatid ko? Just looking at him now, mukhang kahit anong oras puwede na siyang bumigay. He is catching his breath, ang payat niya. He doesn't look like the brother that I left five years ago. But still, I can see Andie taking care of him. I can see Andie that he really cares for my brother. Nakakainggit.
"I – I tried to walk. Kaya ko naman. Hindi ko na pinalabas kay dad ang wheelchair kasi uuwi naman tayo," sagot ni Sebi at nakatingin sa akin. "You're back. Again." His tone was flat. Mukha nga siyang hindi masaya na nakita niya ako.
"Sebi, about what happened last time. I am sorry." Ayoko ng malaman niya ang totoong nangyari sa akin kung bakit hindi ako nakarating sa kanila.
Pinilit niyang tumawa at kumumpas ang kamay.
"Forget about it. You're here again. Sana lang this time, matuto ka naman magpaalam. Maiintindihan naman namin kung may mas importanteng bagay kesa amin na pamilya mo. Let's get inside." Mahinang sabi ni Marco at inaalalayan itong maglakad ni Andie. Mabilis akong lumapit sa kanila at kinuha ko si Sebi para ako ang umalalay sa kanya.
"I won't go this time. I'll stay. Maybe forever." Nakatingin ako kay Andie ng sabihin iyon.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top