• 37 •

At hindi ako nakatiis. 😂😂😂 enjoy

------

Andie's POV

Pakiramdam ko ay may sampung demonyo ang sumasapok sa ulo ko. Ayokong imulat ang mata ko kasi parang gusto ko pa talagang humilata na lang dito sa kama. Napilitan lang talaga akong gumising dahil mayroon akong nararamdaman na humihila ng kumot ko at pilit na hinahatak ang paa ko.

"Mama. Mama look at my toys."

Pinilit kong imulat ang isang mata ko at hinanap ko kung sino ang nagsalita noon. May bata? May bata sa kuwarto ko? Sino ba ito?

Pero mabilis din akong napamulat ng mata at mabilis na napabangon kahit na nga parang inalog ang ulo ko. Shit. This fucking headache is killing me. Timmy. Oh my god. Sobrang nakunsensiya naman ako. Sa sobrang pagkasugapa ko sa alak kagabi, nakalimutan ko ng may anak ako.

"Baby, good morning." Napabuga pa ako ng hangin habang sapo ang ulo ko.

"Good morning, mama. You're not feeling well?" inosenteng tanong ng anak ko at hinawakan pa ang ulo ko. Dinama kung may lagnat ako.

"A little bit, baby. Mama has a headache. Can I go to the bathroom first?" sabi ko sa kanya at pinilit kong tumayo mula sa kama. Tiningnan ko ang kapaligiran ko. Napansin kong narito ako sa bahay nila mommy. So I went here last night? I can't remember what happened last night. Everything was blank. The last time I remember, I was talking to Pam's bartender and checking the bills that I need to pay.

Diretso akong pumasok sa banyo para mag – shower. This might lessen my headache. It's been years since I last drink alcohol kaya siguro ganito ang epekto sa akin ngayon. Huli ko pa yatang uminom ng alak noong –

Damn it. I don't want to remember that anymore. Ayokong maalala ang taong kasama ko ng huli akong malasing. God damn it. Pesteng alak. Dahil talaga sa alak kaya ko nakilala ang demonyong iyon.

I dialed Pam's number. Sumulyap ako sa relo at nakita kong pasado alas – diyes na. Nakakahiya talaga. Kahit kailan, hindi ako na – late ng ganitong oras ng gising.

"How is your head?" Natatawang bungad sa akin ni Pam ng sagutin ang tawag ko.

"It's killing me. What happened last night? It was all black out. Bakit dito mo ako hinatid? Sana doon na lang sa bahay namin. I need to attend to Marco." Sabi ko.

Ang lakas ng tawa niya.

"Gaga ka ba? Alangan naman na ihatid kita kay Marco na para kang zombie? Damn it, Andie. You were so wasted last night. Kinulit mo ng kinulit ang bartender ko na bigyan ka ng bigyan ng shot ng tequila. You vomited in my car," sabi pa ni Pam.

"Fuck. For real?" Nakakahiya. I know how to drink and I know my limit pero nakakahiya kung sumuka pa ako sa kotse ni Pam.

"Tinawagan ko naman si Marco. I told him na medyo nagkasayahan tayo kagabi and you got a little bit wasted. Okay lang naman sa kanya. Nakakatawa nga, your husband is so cool. Parang masaya pa siya na nalasing ka at nag – enjoy ka kagabi. He suggested that I bring you in your parent's house since nandiyan naman daw si Timmy. I called you dad, told him what happened. Tawang – tawa sila sa itsura mo kagabi," sabi pa ni Pam.

"I'm so sorry, Pam. I got carried away. You know it's been too long." Napahinga pa ako ng malalim. "But it won't happen again. Nakakahiya kay Marco and sa parents niya."

"Oh I think it was okay with him. Gusto niya na mag – enjoy ka."

"Thanks so much. I'll call you later. I need to eat. I am god damn hungry like a wolf." Natatawang sabi ko.

"Pero solve? Saya ng trip mo. Naabutan kitang kinukulit mo 'yung customer sa bar. Hottie pa naman. Kung hindi ka lang talaga lasing na lasing, iiwan kita at ipa – project ko si hunkie last night." Sabi pa niya.

"I don't remember that promise. Pasensiya na. Call you." Naiiling na natatawa akong pinatay ko ang telepono ko.

I was brushing my teeth when I felt the urge to vomit. Wala naman akong halos maisuka. Ang pait. Lasang alak pa. Grabe talaga. Hindi ko na talaga uulitin. I hate Pam. Kung bakit kasi iniwan niya ako doon kagabi. Gusto kong sisihin ang sarili ko kung bakit akong uminom ng uminom. Kasi naman, kagabi ko lang naramdaman na parang nakawala ako sa isang malaking responsibilidad kahit na nga ilang oras lang iyon.

Umiikot pa ang ulo ko pero pinipilit kong magpaka – normal. Nandito ang anak ko. Paglabas ko sa banyo ay naabutan ko si Timmy na nasa ibabaw ng kama at naglalaro ng isang malaking remote control car. I know this toy car and it cost a fortune. Matagal na itong gustong ipabili ni Timmy sa akin pero hindi ko talaga ibinibili sa kanya. Isang buwan na supply na gamot na ni Marco ang mabibili namin sa halaga ng remoter control car na ito.

Napahinga ako ng malalim. Sigurado akong hindi na ito natiis ni dad. Siya ang sigurado kong bumili nito para kay Timmy. Sobrang ini – spoiled niya ang anak ko. Nag – usap na kami, pati ang parents ni Marco na hindi namin sasanayin sa mga ganitong splurges si Timmy. Ayokong masanay ang anak ko na kada ungot niya ng kung anong bagay ay makukuha niya agad.

"Where did you get that?" tanong ko sa kanya. Gusto kong kunin ang laruan pero sigurado akong sasama ang loob ng anak ko. I'll let him play for this now. Mamaya ko na lang itatago uli kapag nasawaan na niya.

"From Uncle." Nakangiting sagot niya. "I still have lots of toys in the living room"

Kumunot ang noo ko. Nawala yata ang hangover ko. Uncle?

"Timmy, where did you get that toy? Uncle? You don't have an uncle." Seryosong sagot ko sa anak ko.

Parang nagtatakang tumingin sa akin ang anak ko.

"Mama, you don't know Uncle Mason? Papa's brother? We have the same name," excited pa ang pagkakasabi noon ni Timmy.

Para yata akong hihimatayin sa narinig ko.

-------------------------->>>>>>>>

Mason's POV

So how will I do this? Am I going to talk to Sebi first or pupuntahan ko na si Andie and confront her about our child? Fuck, no. No. Hindi puwedeng ganoon. I can't just barge in their lives and tell everyone that my brother's kid is my kid. Damn it. Bakit kasi nalaman ko pa ito? Mas mabuting hindi ko na lang alam sana. Kuntento na ako sa buhay ko. Masaya na akong malaman kong masaya si Sebi at ang pamilya niya. Masaya na akong alam kong may ibang nagbibigay ng pagmamahal sa kanya na dapat ako ang nagbibigay. Okay na lang akong masaktan. Kaya kong magtiis. But this, this god damn reality? Hindi ko alam kung anong gagawin ko dito.

I still can't believe this. Hindi mag – sink in sa akin na may anak ako. If I have known, hindi ko iiwan si Andie. Hindi ko ipagpapalit sa kahit ano ang anak ko. But shit happened and I chose my job and the thought that leaving Andie will bring good to her. Wala namang ibang sisisihin sa nangyaring ito kundi ako. Ang sarili ko. I don't have a reason para bigla na lang ulit sumulpot sa buhay nila. Pero hindi ko kayang hindi makilala ang anak ko. I need to do something.

Kaya nandito ako. Ang aga – aga at kumakatok sa harap ng pinto ng bahay nila Andie bitbit ang ilang hindi mabilang na supot ng mga laruan para sa anak ko.

"Mason?" Kunot na kunot ang noo sa akin ni Jesus Dimalanta ng makita ako sa harap ng bahay niya. Mabilis siyang lumabas at isinara ang pinto para siguro hindi ako makita ng kung sino man na nasa loob ng bahay. "What the hell are you doing here?" Seryosong tanong niya.

"I want to see my nephew." Diretsong sagot ko.

"Does your brother know about this? Akala ko ba hindi ka na magpapakita sa pamilya mo?"

Ngumiti ako ng mapakla. "I've changed my mind. I went to our house and nasa check-up si Sebi. I don't know what time will they be back kaya dito ako pumunta. I want to see my nephew and introduce myself to him"

Tiningnan akong maige ni Dimalanta. I know he is probing me. Nag – iisip din siya kung papayag ba siya sa sinasabi ko dahil biglang – bigla ang pagsulpot ko. Pero hindi niya ako mapipigil dito. Hindi niya ako puwedeng pigilin na makita ang anak ko.

Huminga siya ng malalim at lumambot ang mukha niya tapos ay napangiti.

"Get inside," naiiling na sabi niya at binuksan ang pinto. "I'm sure my wife will recognize you. What would be your cover?"

"Still the same. I am an investigative journalist and nataon lang na dito ako nakakuha ng apartment five years ago." Sabi ko.

"You think my daughter will believe you?"

"She knows me." Maikling sagot ko. "Remember the off the books case that I did years ago with the Japanese money laundering syndicate?"

Napatango – tango lang siya. Nakasunod lang ako kay Dimalanta habang papasok sa loob ng bahay. Wala pa rin ipinagkaiba ang bahay nila Andie mula noon hanggang ngayon. Nadagdagan lang ng buhay ang pakiramdam sa loob dahil siguro bumalik na si Dimalanta sa pamilya niya.

"Gusto ko sana nandito si Andie at si Marco kapag ipinakilala ka kay Timmy. Kaya lang wala si Marco, si Andie naman tulog pa." Natawa si Dimalanta. "Malakas palang uminom ang anak ko. Inuwi dito ng kaibigan niya na lasing na lasing."

Pinilit kong tumawa. Naalala ko kagabi ang mga pinagsasabi ni Andie.

"But hey, alam ko naman na pamilya ka ni Marco and you deserve to know your nephew. Tawagin ko lang si Timmy," sabi niya at umalis sa tabi ko.

Ilang beses akong napapabuga ng hangin habang nakaupo sa sofa nila sa sala. My hands are shaking and cold and clammy. I keep on tapping my shoes on the floor just to release the tension that I was feeling right now. I never felt so afraid in my life until now. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko kapag nakita ko sa personal ang anak ko.

Maya – maya lang ay dumadating si Dimalanta at kasunod niya ang isang limang taon na bata. Grabe ang kabog ng dibdib ko. Parang hindi ako makahinga sa excitement. Hindi ko alam kung maiiyak ba ako o magsisigaw sa tuwa. Pigil na pigil ko ang emosyon ko kasi hindi ko naman puwedeng isigaw sa kanila na ako ang tunay na tatay ng batang 'to.

"Timmy, say good morning to your Uncle Mason." Nakangiting pakilala ni Dimalanta sa akin.

Kumunot ang noo ng bata sa akin na parang kinikilala ako.

"Uncle?" Paniniguro nito.

"He is your papa's brother."

Bahagyang akong napa-ehem kasi pakiramdam ko ay may nakabarang kung ano sa lalamunan ko.

"Hi champ," bati ko sa bata.

Pero hindi siya agad na lumapit sa akin. Humawak pa siya sa hita ni Dimalanta at parang nagtatago doon. Parang nahihiya.

"My mom said don't talk to strangers." Sagot ng bata sa akin.

Nakita kong natawa si Dimalanta at parang proud sa narinig na sinabi ng apo niya.

"Yeah. Yeah that is true. That is good that you don't talk to strangers. But you know, your papa and me are not strangers to each other." Dinukot ko ang wallet ko at inilabas ang isang litrato doon na kuha naming dalawa ni Sebi. "Look, I have a picture with your father. We are brothers. We grew up together." Sabi ko sa kanya habang ipinapakita ko ang litrato. Kuha iyon ng grumaduate ako sa kolehiyo. Magkaakbay pa kaming dalawa ni Sebi habang naka-toga ako.

Kunot na kunot ang noo ng bata habang tinitingnan ang picture tapos ay ang mukha ko.

"You believe me now?" tanong ko.

Tumingin uli si Timmy kay Dimalanta at nakita kong tumango – tango ang dati kong boss.

"So you are my Uncle?"

"You can call me Uncle Mason," I cleared my throat again when I said that. Ipinikit – pikit ko pa ang mata ko kasi pakiramdam ko ay namamasa iyon. "I got something for you." Kinuha ko ang mga plastic ng laruan na dala ko. Nanlaki ang mata ng bata ng ibigay ko iyon sa kanya.

"These are all for me?" gulat na gulat na sabi niya.

"Yes. If you want more, you can tell me and I'll buy it for you."

"Mason, mukhang hindi kayo magkakasundo ni Andie sa bagay na 'yan. Kahit ako ay inaaway niya kapag ibinibili ko ng laruan ang anak niya. You see, she is raising her kid not to be attached to materials things. Ewan ko ba. Kahit ako sumasakit din ang ulo ko sa batang iyon. All she cared about is her family and how to sustain the medication of her husband." Sabi ni Dimalanta sa akin.

"I am an uncle and it is my job to spoil my nephew just like you." Sagot ko.

Napangiti si Dimalanta at tiningnan lang ang apo na abala sa pagbukas ng mga laruan.

"Hey champ, where is my thanks? Can I have even one embrace?" sabi ko kay Timmy.

Mabilis na tumakbo sa akin ang bata at yumakap ng mahigpit sa akin.

"Thank you Uncle Mason."

Napapikit ako at dinama ang mainit na katawan ng anak ko. Kahit kailan, hindi ko pa naranasan na sumaya ng ganito.

————
For all those asking about my fb page
Add me on fb: Helene Mendoza
Official group page:
Helene Mendoza's Official group

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top