• 35 •

- dapat bukas pa 'to. Hindi ko matiis! 😊

Mason's POV

"Are you sure about this report?"

Papalit - palit ang tingin ko sa mga papel na nasa harap ko at sa mukha ni Bryan.

"Yes Sir. Sigurado ako diyan. Jaime Salazar escaped. Ayaw ipaalam ng NBP kasi nga high profile case. Mayayari sila. Pero two days na palang nawawala si Salazar." Seryosong sabi ni Bryan.

Mahina akong napamura.

"Did you get the copies of cctv's? Any footages kung paano nila ginawa ang pagtakas?" Parang nanghihina na napaupo ako sa swivel chair ko.

"May nakuha ako pero sobrang labo. Nagtatakipan ang mga jail wardens doon. A few years ago, usap - usapan na nakakalabas daw talaga si Salazar. Nagbabayad ng malaki pero ang usapan kailangan niyang bumalik. Pero itong huli, hindi na siya bumalik kaya ayan pumutok na."

Shit. This is bad. I know Salazar. Sigurado akong babalikan ako ng gagong 'to.

"Fine. Trabahuhin natin 'yan. Tell JD and the rest of the team to go to the conference room. We need to talk about this and some of our on-going missions." Sabi ko. Pakiramdam ko ay binibiyak yata ang ulo ko sa sakit. Ang dami - dami ko ng iniintindi na mga high profile cases tapos ay sumabay pa itong si Salazar.

Napabuga ako ng hangin at dinampot ko ang mga folders na naroon at dumiretso ako sa conference room. Naabutan kong naroon na si JD at katabi nito si Ferdie. Nasa isang sulok ang crutches na gamit nito. Hindi ko mapigil ang mapangiti ng makita ko siya. What happened to him was a miracle. Lahat kami ay inakalang patay na siya pero he is one fucking survivor. Kahit na marami siyang hirap na pinagdaanan, talagang nakabalik pa rin siya. Ibang klase din ang kapatid ni JD. Hindi talaga siya tumigil hangga't hindi niya nababawi si Ferdie.

"What are you doing here?" Tanong ko kay Ferdie.

"Ayaw papigil. Magsi - sit - in lang daw siya." Sabi ni JD.

"Kapag nalaman ito ni Kleng, baka balian ka ng buto 'nun. Why don't you just go home and take a rest with her." Sabi ko at iniabot ko kay JD ang isang folder.

"Ang sungit, eh. Lagi lang kaming nagtatalo. 'Yaan mo na. Makikinig lang naman ako sa meeting 'nyo. I miss the fun here." Sagot ni Ferdie.

Napatingin kami sa pinto na bumukas at magkasunod na pumasok si Bryan at Yosh.

"Balita sa assignment mo?" Tanong ko agad kay Yosh.

"She doesn't know anything. Hindi niya alam na nasa ganitong trabaho si Ted. But I'll dig more," sagot ni Yosh at tinanguan lang ang mga kasama niya doon at inabala ang sarili sa mga kaharap na papel.

May mga intels pa kaming na - receive na connected din si Ted sa ibang malalaking sindikato. Ito ngayon ang trabaho ni Yosh. Inaalam niya sa asawa ni Ted kung mayroon itong alam o kung may makukuha siyang impormasyon tungkol sa ibang mga side jobs ni Ted.

Isa - isa kong i-diniscuss sa kanila ang tungkol sa mga on - going missions. Wala naman silang kontra doon. Alam nilang kapag naibigay ko na, wala na silang karapatang tumanggi.

"I'll be having a meeting with Gavin Diaz later." Sabi ko sa kanila.

"You need back up?" Tanong ni JD.

"I can handle this. Kailangan ko munang makuha ang tiwala niya bago natin pasukin ang sindikato niya. I have go signal from his uncle." Sabi ko.

"Alright. I am just one call away." Sumandal pa si JD sa inuupuan niya.

Tumayo na ako at iniwan sila. Uuwi muna ako para makapagpalit ng damit. Maaga pa naman. I can still take a nap para naman nakapagpahinga ako bago sumabak sa pagharap sa mga animal na sindikato na ito. Sa totoo lang napapagod na rin ako sa trabaho. Araw - araw sa paghuli namin sa mga masasamang tao ay nadaragdaran ang kaaway ko. Hindi ko puwede ipagwalang - bahala si Jaime Salazar. Alam ko ang laki ng galit niya sa akin. Ako ang nagdiin sa kanya para makulong siya. Alam kong gagawa siya ng paraan para makaganti.

Malakas na tunog ng cellphone ko ang nagpagising sa akin. Hinanap ko ang phone na tumutunog. Burner phone ko iyon na gamit sa pantawag ni Gavin Diaz. Tumingin ako sa relo. Pasado alas otso na pala. Shit alas - nuebe kami magkikita.

"Are we still good to meet tonight, Jake?" Iyon agad ang bungad niya sa akin.

Another alias that I invented for this mission.

"Yeah. I am on my way." Pagsisinungaling ko. Nag-sisimula pa lang akong magbihis habang kausap siya.

"Good. Nine o' clock. Don't be late." Iyon lang at pinatayan na niya ako ng telepono.

Mabilis kong inayos ang sarili ko at nag - drive papunta sa restaurant na pagkikitaan namin. Ipinaalam ko na rin kay JD na narito ako at sinabi kong mag - standby kung sakaling mabulilyaso ang mission na 'to. Nauna akong dumating. Pero kalahating oras na ako dito ay walang Gavin Diaz na dumarating. Hanggang sa maka-receive ako ng text na cancel na daw ang meeting namin. May nangyari lang daw. Doon ako naka - receive ng email from Bryan na na-intercept daw ang paparating na shipments ni Gavin sa Batangas Port.

Naiiling na umalis ako doon. Sinabihin ko na rin ang mga agents ko to look for the shipments. Bahala na muna sila doon.

Napabuga ako ng hangin ng makasakay ako sa kotse ko. Pinaandar ko at nagpaikot - ikot ako sa mga kalsada ng Makati. Hanggang sa makita ko ang Pam's resto bar. Napangiti ako ng mapakla. I know this place. I remember I first saw Andie here.

Ipinarada ko ang kotse at bumaba. Ang tagal ko ng hindi pumupunta dito. Magmula ng iwan ko si Andie, hindi na ako tumuntong pa dito.

Pagpasok ko ay marami na ring tao. Tumingin ako sa bar area at nakita kong iba na ang bartender na naroon. Wala na 'yung dating lagi kong kausap. Sabagay ang tagal noon. Five years ago pa ng huli akong mapunta dito. Pinili ko ang sulok na puwesto para walang istorbo sa akin.

I ordered a double shot of Hennessy. Napapikit pa ako ng uminom ako at gumuhit sa lalamunan ko ang init ng alak. Ang sarap. Relaxing.

Napailing ako ng makita kong nagbi - blink ang telepono ko. JD is calling again. Kahit kailan talaga hindi maganda ang timing ng mga tawag ng lalaking ito.

"What?" Tumitingin ako sa mga taong naroon. Konti lang naman. May ilan ang nasa bar area, may ilang mga couples. Hanggang sa mapako ang tingin ko sa isang babae na nasa bar area at medyo maingay na.

"So hindi natuloy ang meeting 'nyo ni Diaz. You're free tonight. Want to grab some beer?"

Hindi ako nakakibo. Nakatingin lang ako sa babaeng nasa bar area na parang nakikipagtalo sa bartender.

"Fuck Pam. Inaya-aya niya ako dito. Give me more. Magsalin ka pa."

"Hey. Director Single for the rest of your life. I was asking if you want to grab some beer. Mayor is here in my place," sabi pa ni JD.

Malakas na ang boses ng babae. Halatang nakainom na. Nakikipagtawanan na siya ngayon sa bartender at halatang parang kinakabahan ang bartender sa kanya.

"I think I'll pass," wala sa sariling sabi ko. Call you back." Kahit nagsasalita pa si JD ay pinatayan ko na siya ng telepono. Hindi ko inaalis ang tingin ko sa lugar ng babae. Inisang inuman ko lang ang alak na nasa baso ko.

"Mam, sabi ni Mam Pam huwag ko daw kayo masyado lasingin. Babalik din naman daw siya," sabi ng bartender.

"Just pour some tequila, okay? This is my night. Tonight is my night to be free." Sabi pa nito at ininom ang shot ng tequila na nasa harap niya.

"Baka mawalan po ako ng trabaho." Natatakot ang itsura ng bartender.

"Eh, 'di pareho na tayo. Ako nga kahit may trabaho pakiramdam ko mahirap pa ako sa daga. You know my bills? Hanggang leeg. Kaya magsalin ka pa niyan. I want that."

Napakunot ang noo ko. Wait. This can't be. Wala sa loob na napatayo ako at nilapitan ang babaeng nagkakalkal ng kung ano sa bag niya at inilabas ang mga bunton ng papel.

Oh god. Is this real?

"Mam Andie, last na 'to ha?" Sabi ng bartender at nagsalin sa shot glass na naroon.

"Basta magsalin ka lang ng magsalin. Akong bahala sa boss mo," sabi niya.

Shit. It is real. Andie is here. Wait. Andie is here? Anong ginagawa niya dito?

———————>>>>>

Andie's POV

"Come on, Andie. You need to go out sometimes. You need to relax," Pam's voice sounded so desperate.

"You know I can't. I need to take care of Marco and Timmy. I need to go home early." Sagot ko sa kanya. Inilipat ko pa ang telepono sa kanang tenga ko pa mas mapaige ang pag - aayos ko sa mga gamit ko.

"I called Marco already. Pumayag na siya. And nandoon naman pala siya sa parents niya dahil may check up siya bukas. Hindi naman ikaw ang magdadala sa kanya sa doktor," pangungulit pa ni Pam.

"God, Pam. How many times do I need to remind you that I am not single anymore? I have a family to take care of. My husband is sick. I have a toddler son. I have to do so much when I get home."

"And that's the reason why you need to go out. You need a breather, Andie. I saw you last time and you are really worn out. Look, your husband agreed on this. He also told me that Timmy is with your parents. So this is your alone time. You need to relax."

Napahinga ako ng malalim.

"Pam -"

"Please? When was the last time we went out?" Putol niya sa sasabihin ko.

"Before I got married." Mahinang sagot ko.

"And that was five years ago! My god, Andie. Kinakalawang ka na. Huwag mong isipin na dahil lumabas ka ngayong gabi kasama ang kaibigan mo ay masamang asawa at ina ka na. Karapatan mo ding magpahinga." Tonong nanenermon si Pam.

"I'll call you. Tatawagan ko lang si Marco."

"Fine. I'll wait for you at the bar." Binabaan na ako ng telepono ni Pam.

Napasandal ako sa kinauupuan ko at tiningnan ko ang telepono ko. Iniisip ko kung makikipagkita ba ako kay Pam. But Marco needs me. And si Timmy siguradong hahanapin ako 'nun.

I was about to dial Marco's number when I received a text message from him.

Pam called me and she was asking me if you can go out tonight with her. It's okay, honey. You need to relax. I'll be fine here with mom and dad. They are going to drive me to my doctor tomorrow. I called your parents and Timmy slept early. I told them na gagabihin ka. Enjoy tonight, honey.

Sinusubukan kong tawagan si Marco pero hindi niya sinasagot ang tawag ko. Tinawagan ko ang biyenan ko at sinabi sa akin na kumakain lang daw. Tatawagan na lang daw ako mamaya.

Okay. Pumayag naman si Marco. Pagbibigyan ko na lang si Pam. Kahit siguro one hour tapos uuwi na rin ako agad. Dadaan muna ako sa bahay ng biyenan ko bago ako uuwi sa amin.

Naabutan ko si Pam na nasa bar area at sinasabihan ang mga bartender niya. Agad siyang kumaway sa akin at pinalapit ako doon ng makita ako.

"Minsan lang tayo magkikita mainit pa ang ulo mo. Pinapunta mo ako dito para mag - relax pero tingin ko mas stressed ka pa sa akin," natatawang sabi ko sa kanya habang ibinababa ang bag ko.

"Look at the bar area. Kulang - kulang ang mga alak. I told them to replenish this everyday." Umirap pa si Pam sa kausap niya.

"Hayaan mo na. Pabilhin mo na lang." Natatawang sabi ko. "1800 Añejo. Double shot," sabi ko sa bartender.

"Hey. Ang sabi ko kay Marco, magre - relax ka lang hindi ka maglalasing." Sabi ni Pam.

"I am not getting drunk. You know this is my way of relaxing." Sagot ko at magkasunod kong ininom ang dalawang shot ng tequila na ibinigay sa akin. Sumenyas ulit ako ng dalawa pa. Kinakabahang tumingin ang bartender kay Pam.

"Hanggang diyan na lang muna. Don't give her more." Sabi niya sa bartender tapos ay dinukot ang telepono niya at binasa ang message na na - receive. "Fuck."

"Bakit?" Taka ko.

"I need to pick up the liquours. Nasiraan daw ang magdedeliver dito. Punyeta. Sobrang hassle talaga nitong mga suppliers na 'to." Inis na inis na si Pam.

"Do you want me to go with you?" Sinenyasan ko ang bartender na magsalin pa uli sa shot glass na nasa harap ko pero umiiling si Pam.

"Hindi na. Dumito ka na lang. Sandali lang naman ako." Sagot niya at binitbit ang bag. Bumaling uli sa bartender. "Huwag mo na siyang bibigyan, ha? Hintayin mong dumating ako. Lagot ako sa asawa niyan." Kunwari ay umirap pa sa akin si Pam pero humalik sa pisngi ko. "I'll be back. Huwag pasaway."

Natatawa lang ako at kumaway pa ako sa kanya habang palayo siya. Umayos ako ng upo kasi gumagaan na ang pakiramdam ko. I had four shots already at pakiramdam ko nangangapal na ang mukha ko. I love this feeling. Ang tagal - tagal ko na ng huli kong maramdaman ang feeling na 'to. Sinenyasan ko ang bartender na magsalin sa shot glass ko pero hindi siya gumalaw.

"Mam baka po kasi magalit si Mam Pam," kinakabahang sabi niya.

"Fuck Pam. Inaya-aya niya ako dito. Give me more. Magsalin ka pa." Utos ko.

"Mam, sabi ni Mam Pam huwag ko daw kayo masyado lasingin. Babalik din naman daw siya," sabi ng bartender.

"Just pour some tequila, okay? This is my night. Tonight is my night to be free." Napapangiti pa ako.

"Baka mawalan po ako ng trabaho." Natatakot ang itsura ng bartender.

"Eh, 'di pareho na tayo. Ako nga kahit may trabaho pakiramdam ko mahirap pa ako sa daga. You know my bills? Hanggang leeg. Kaya magsalin ka pa niyan. I want that." Natatakot siyang mawalan ng trabaho? Ako nga kahit may trabaho pakiramdam ko wala na rin akong trabaho dahil hindi ko naman nararamdaman ang kinikita ako.

"Mam Andie, last na 'to ha?" Sabi ng bartender habang nagsalin sa shot glass na naroon.

"Basta magsalin ka lang ng magsalin. Akong bahala sa boss mo," sabi ko. Inilatag ko sa harap ko ang mga bills na kailangan kong bayaran this month. Electric bill, telephone bill, water bill, medical expenses ni Marco, medicine ni Marco, pedia ni Timmy, monthly tuition ni Timmy sa pinapasukang preschool, insurance. Fuck! Magkasunod ko ulit na ininom ang shot ng tequila na ibinigay sa akin. Sumenyas ulit ako ng dalawa pa.

"Andie?"

Alam kong tinatamaan na ako. Medyo nag - uulap na ang paningin ko. Hindi ko na nga gaanong maaninag ang itsura ng tumawag sa akin na lalakinat tumabi. Sino ba 'to?

Fuck lasing na nga yata ako kasi parang niloloko na ako ng paningin ko. It's been five years since I last saw him. This must be a fucked up joke. Ganito na ba ang epekto ng tequila sa akin ngayon? Am I seeing a ghost?

"Tim?"

——

Tiiimmm!!! 😘😘😘 add nyo na lang ako sa FB - Helene Mendoza or join my group Helene Mendoza's Official Group in fb.

Enjoy the UD.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top