• 32 •

—— eto na sa mga nag - aabang ng UD. 

Andie's POV

Walang imik si Marco habang bumibiyahe kami pauwi.  Ayoko din naman siyang kulitin kasi alam kong masama ang loob niya dahil sa nangyari.  Hindi na talaga niya nakontak si Tim.  Nakakaramdam din ako ng lungkot para sa pamilya niya.  Minsan lang sila nangarap na mabuo uli, bigla pang nang - indiyan si Tim.

"Andie is it okay kung doon ka muna sa mommy mo ngayong gabi?" Walang abog na sabi ni Marco sa akin.

Taka akong tumingin sa kanya.  "Bakit?"

"I want to stay in my mom and dad's house.  I know they are really disappointed and devastated tonight because of Mason." Ramdam ko din ang disappointment sa tono ni Marco.

"Would you know what would be his reason for not coming?" Tanong ko sa kanya.

Umiiling lang si Marco.

"I don't know.  I love my brother but in times like this, I am wishing he is already dead just like before.  Mas mabuti pa 'yung alam na lang namin na patay siya.  At least hindi kami umaasa.  Not like this.  He broke my parent's hearts again.  He broke his promise to me," nanginginig ang boses ni Marco habang sinasabi iyon.

Pareho lang tayo.  Pinaasa.  Pinangakuan.  Kahit kailan hindi kami naging importante kay Tim. 

"It's fine with me.  I am sure mas matutuwa sila mommy kung mag - stay ako sa bahay nila tonight." Iyon na lang ang naisagot ko.

"Thanks for understanding, honey." Napahinga ng malalim si Marco at bahagyang hinilot ang dibdib niya.  "I hope huwag na lang siyang bumalik.  I hope he stays away forever.  Wala na akong pakielam sa kanya." Parang sa sarili lang niya sinabi iyon.

Hindi ko na ginatungan ang mga sinasabi ni Marco.  Hindi na lang ako sumagot.

Ang ganda ng ngiti ni mommy ng makita akong papasok sa loob ng bahay namin.  Humalik lan si Marco sa pisngi ni mom at kumaway kay dad tapos ay umalis na rin.

"May misunderstanding ba kayo ng asawa mo?" Tanong ni dad ng humalik ako sa pisngi niya.

"Wala po.  Medyo may family problem lang sila and gusto muna niyang ayusin iyon with his family.  Ayaw na daw niya akong ma - stress."

"Mabait talaga 'yan si Marco 'no? Lagi na lang ang kapakanan mo ang iniisip niya.  Suwerte ka talaga sa kanya," sabi ni mommy.

Ngumiti lang ako.  Totoo ang sinasabi ni mommy pero hindi ko talaga masabi sa sarili ko na mahal
ko siya ng buo.  Parang nakikisama lang talaga ako sa kanya dahil kasal kami at iniligtas niya ako sa kahihiyan.  I know its unfair.  Pakiramdam ko tuloy ang sama - sama ko.

Narinig kong tumunog ang telepono ni dad.  Nagkatinginan kami ni mommy.  Magmula ng bumalik si daddy never pa namin narinig na tumunog ang telepono niya.  Walang tumatawag sa kanya.  Walang nagti - text.  Minsan madalas naka - off pa ang phone niya.  Sabi niya he devotes his time to my mom para makabawi daw siya sa mahabang panahon na umalis siya.

Kahit si daddy ay parang nagulat na tumunog ang phone niya.  Dinampot niya iyon at kunot - noong tiningnan lang ang telepono.

"Hindi mo ba sasagutin 'yan?" Puna ni mommy.

"Who could this be?  I told them not to call me," parang sa sarili lang iyon sinabi ni dad.  Lumabas siya ng bahay at doon niya sinagot ang tawag sa kanya.

"How do you deal with that mom?" Tanong ko ng makalabas si daddy.

"Deal with what?" Takang tanong niya.  Tumayo siya at kumuha ng juice tapos ay ibinigay sa akin. 

"That.  Si Dad.  He just came back and you deal with it like nothing happened.  Hindi ka ba nagtanong kung saan siya nagpunta?  Eversince he came back, you didn't ask him what did he do the past five years?"

Ngumiti sa akin si mommy.  Ang aliwalas na talaga ng mukha niya.  Halatang masayang - masaya siya na magkasama sila ni daddy.

"He wanted to tell me what happened to him.  He wanted to tell me what was his life when he was not with us.  But I chose not to hear it.  What I don't know won't hurt me.  Ang mahalaga bumalik sa akin at kasama ko siya."

"Just like that mom?  Parang walang nangyari?  Walang explanation?  Paano kung nag - asawa pala siya ng iba?  Nagkaanak sa iba?" Hindi ko maintindihan ang katwiran ni mommy.

"Who cares?  Nasaan ba siya ngayon?  Bumalik siya sa akin.  Kung nagkamali man ang daddy mo, pinatawad ko na siya.  Alam ko iniisip mo ang tanga ko kasi hindi man lang ako nagalit.  Mararamdaman mo naman iyon anak kung hindi na siya para iyo.  Mararamdaman mo na kailangan 'nyo ng maghiwalay.  But with dad?  I felt everything right." Napahinga pa ng malalim si mommy.  "Basta kasama ko siya sapat na iyon.  True love has a habit of coming back.  And your dad comes back to me."

Napalunok ako at naisip ko si Tim. 

"Mom," bahagya pang pumiyok ang boses ko.

Nagtatanong na tumingin siya sa akin.

Ang bigat - bigat na ng dibdib ko.  Magmula ng iwan ako ni Tim noon, inipon ko lang sa dibdib ko ang lahat ng sakit na ibinigay niya.  Pati 'tong ipinagbubuntis ko.  I need to vent this out kasi parang sasabog na ang dibdib ko and I know my mom would understand me.

"May sasabihin ka ba iha?"

Napabuga ako ng hangin at hindi ko alam na nag - uunahang tumulo sa pisngi ko ang mga luha ko kaya natatarantang lumapit sa akin si mom.

"Iha, anong problema?  Nag - aaway ba kayo ni Marco?" Nag - aalalang tanong ni mom.

Sunod - sunod ang iling ko.

"Masama ba akong asawa, masama ba akong babaeng kung sasabihin kong hindi buo ang pagmamahal ko kay Marco?"

"What?  Andie, are you having an affair?" Nanlalaki ang mata ni mommy.

"No. No, mom. Hindi ko iyon magagawa kay Marco.  He's been so kind to me.  Hindi ko siya magagawang saktan."

"But what you're telling me right now is going to hurt him."

"I know." Napasubsob na ako sa mga palad ko at humagulgol ako ng malakas.  "I fell in love with someone before I met Marco and he left me."

"Andie, what is this?" Kinakabahang sabi ni mommy.

"Hindi ko na kayang itago, mommy. Akala ko 'nung iniwan niya ako at dumating si Marco magiging okay lahat.  But it will never be okay.  I will never be okay." Ang lakas ng iyak ko.

"What is going on, Andie?"

"Mom, don't judge me please.  I made a mistake.  Marco is not the father of my child."

Nakita kong nawalan ng kulay ang mukha ni mommy.

"Where?  Damn it!  How is he?" Pareho kaming napatingin ni mommy sa labas dahil narinig namin ang malakas na boses ni Daddy.  Narinig namin ang mga yabag niyang papasok. Mabilis kong pinahid ang mga luha ko at pumuwesto si mommy sa harap ko para hindi mapansin ni dad na umiiyak ako.

"I'll be there.  Tell the doctors to do everything." Humihingal si daddy at halatang mayroong problema na dinadala.

"Jess, may problema?" Tanong ni mom.

"Aalis lang ako, Alice.  Importante lang ito.  I might be gone for a couple of days but I promise I'll be back.  I am keeping my promise.  Parang anak ko na ang batang iyon and I need to be there." Parang naiiyak pa ang tono ni dad.

Hindi sumagot si mommy at tumango lang siya.

Mabilis na dinampot ni daddy ang susi ng kotse at nagmamadaling lumabas.

Nakakabinging katahimikan ang namagitan sa amin ni mommy.  Alam kong ina - absorb niyang maige ang sinabi ko and at the same time ay iniisip niya si daddy.

"What is your hold na babalik si daddy?"

"He will be back.  I just know it.  He will be back." Sagot ni mom at tumingin sa akin.  Hinawakan ang mukha ko.  "I'll pretend that I never heard what you told me.  Don't Andie.  You have a beautiful family.  You have a loving husband.  You need to take care of that.  Kung anong nangyari noon, you need to move forward.  You don't need to step back.  Understand?"

Tumutulo ang luha ko habang tumatango kay mommy.

——————->>>>>

Mason's POV

"He is lucky to be alive."

"Three gunshot wounds?  One bullet pierced his right lung. Good thing the agency's overseas doctors were able to fixed it."

"It's been what?  How many weeks?"

Those were faint voices.  I can hear them talking like a murmur. Buzzing sounds, machines.  What is this? 

My head feels heavy.  I tried to open my eyes and  everything is blurry.  I am having a hard time to breathe.  I am catching for air and I can feel that something is stuck in my nose.  What the fuck is happening to me?

I tried to removed whatever the obstacle that is in my nostrils but I felt something grabbing my hand.

"He's awake he's awake."

I made a low growling sound kasi parang walang boses na lumabas sa bibig ko.  But everything is beginning to be normal.  'Yung malabong tingin ko ay unti - unting lumilinaw.

Si JD agad ang nakita kong nakatunghay sa akin.  Yosh is also there.  Katabi niya si Jesus Dimalanta.

"How are you?" Tanong ni Jesus sa akin.

Yeah.  How am I?  Where the hell is this place? The smell.  I hate that smell.  The smell reminds me of hospitals. 

"Where am I?  What happened?" I tried to move but everything in my body is in pain.

"Just lie down.  Don't move," sabi ni JD.

Pero pinilit ko pa rin gumalaw.  Pag - angat ko ng kamay ko ay maraming mga nakakabit na mga tubes sa akin.

"What is this?" 'Tang ina.  Parang pinipiraso ang katawan ko.  Napatingin uli ako kay Dimalanta.  Anong ginagawa niya dito?  "What are you doing here?" Tanong ko sa kanya.

"Will you please leave us?" Narinig kong sabi niya sa dalawang kasama.

Mabilis naman na sumunod ang sinabihan niya.  Muli akong pumikit kasi ang sakit ng katawan ko.  Parang pinipiraso ang bawat kalamnan ko. 

"How are you now?" Tanong niya.

"I don't know.  I am in pain," napangiwi pa ako ng sabihin iyon.

"You're lucky to be alive.  Do you remember what happened?"

Pilit kong inaalala ang nangyari.  I was supposed to go to my parents house.  Inihatid ko si Anya sa bahay nila.  There were men.  They shot me. 

Napamulat ako ng maalala ko iyon.  They fucking shot me.  Napabalikwas ako ng bangon pero agad ding napahiga ng maramdaman ko ang napakasakit kong katawan.  Parang wala akong lakas na gumalaw.

"Don't move.  Relax.  Relax.  Everything is fine," sabi ni Dimalanta.

"What happened to me?"

"You were shot.  You sustained three gunshot wounds.  One pierced your right lung, another one hit your diaphragm and luckily the last one missed your heart by an inch.  You are one fucking lucky bastard," nakangiting sabi ni Dimalanta.

I chuckled and I smiled faintly.

"Why are you here?  You're not supposed to go back with us." Sabi ko.  "How long am I here?"

"Ten days.  And more weeks for your road to your recovery.  Your agents doesn't have a faith in you.  Mga gago.  Mga natataranta dahil hindi ka daw makaka - survive dito.  JD almost killed the doctors who attended you when they told him that you might not survive your ordeal.  He doesn't know what to do that's why he called me." Paliwanag niya. 

"He should never called you.  You're out.  You should stay with your wife." Mahinang sabi ko sa kanya.

Napahinga ng malalim si Dimalanta at naupo sa silyang malapit sa kama ko.

"Mason, you almost died. The truth, I also feared that you won't make it so I pulled your records so we can know your family.  Why didn't you tell me?"

Kumunot ang noo ko.  Ano ang kailangan kong sabihin sa kanya?

"Your brother is the husband of my daughter.  I know you did something on your personal record at pinalabas mong wala ka ng pamilya.  Your agents doesn't know whom to call if something bad happens to you.  But I know, Mason.  Ako pa ba?"

I tried to breathe deep pero pakiramdam ko ay pinupunit ang dibdib ko.

"I don't want them to get involved with this.  I pretended I was dead already and I should have stayed dead for them.  Now, I broke another promise." Napailing ako ng bumabalik na lahat ang mga nangyari ng gabing iyon.  I was supposed to meet my brother and my parents.  I was ready to tell them the truth about me.  I was ready to tell Andie the reason why I had to leave.

"JD told me something you did off the books.  Your brother got involved into something?  You dealt with it?"

Tumango ako.

"He is safe.  His wife is safe and her baby.  That is all that matters," parang ako lang ang nakarinig ng sinabi ko.

Hinawakan ni Dimalanta ang balikat ko.

"Magpagaling ka.  At kapag okay ka na, go back to your family.  Mahirap mag - isa, Mason.  Tingnan mo ang nangyari sa iyo.  Nasa bingit ka ng kamatayan pero wala kahit isang pamilya ang nasa tabi mo.  Kahit girlfriend.  Wala ka bang girlfriend?"

Napaubo ako ng matawa ako.  Napangiwi ako sa sakit na naramdaman ko.

"I don't have.  Well, I wanted someone but she would never be mine."

Natawa si Dimalanta.

"Bakit?  Napakagaling mong leader tapos iyan hindi mo magawan ng paraan?  May syota na?  May sabit?  Sulutin mo.  Napakagaling mong gumawa ng mga mission plans tapos babae lang hindi mo magawan ng paraan."

"It's not that easy.  It will be too complicated.  I am fine like this.  Loving her from afar.  Besides, living a life like this, I cannot give her a normal life."

"Magpalakas ka and do something about it.  Kung kailangan na tulungan kita to get that woman sabihan mo lang ako."

Umiling lang ako habang nangingiti.  Pero unti - unti ding nawala ang mga ngiti ko.  I wanted Andie to be mine but it will never happen.  Sa totoo lang, sana nga hindi na ako nagising.  Sana natuluyan na lang ako dito sa nangyari sa akin.  Because in my dreams, she was there.  She was with me and we were happy together.  Ipagpapalit ko ang buhay kong ito sa isang panaginip just to be with her.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top