• 30 •
Mason's POV
Siniguro ko munang walang kahit na anong banta sa buhay ni Andie sa palibot ng bahay bago ako pumasok. JD called me that some men he got from the agency took care of it already. Meron daw talagang ipinadalang mga tao si Harold Sanchez para kay Andie. Siguro just to make sure that Sebi will do his job. Andie would be Harold's leverage. But JD took care of it. Pumasok ako sa loob ng bahay at dito ako nagtigil sa front porch. Ayokong pumasok sa loob knowing that Andie is resting. Ayoko na siyang istorbohin.
Inilapag ko ang backpack ko sa mesa at inilabas ang laptop ko. Mga folders na ibinigay ni JD tungkol sa sindikato. Napahinga ako ng malalim ng makita ko ang isang envelope at kinuha ko iyon at binuksan. Those are the photos of Andie taken from her wedding. Kinuha ko mula sa facebook page ng photographer nila and I had it printed. Naroon din ang ilang mga litrato na kuha pa noon sa cellphone ko ng una kaming magkakilala. These photos are my memories of her.
Pagbukas ko ng laptop ko ay nakita ko ang feed sa kung anong nangyayari sa warehouse. Sebi is there already sitting in front of a computer. May dalawang lalaki ang nasa likuran niya. Parehong may hawak na baril. Katabi niya si Harold Sanchez at isang Japanese national. Sa ibang mga silid ay naroon din ang ibang Japanese na member din ng sindikato na naka - monitor sa ginagawa ni Sebi.
Maya - maya lang ay nakikita kong isa - isang nagbubulagtaan ang mga tauhan na bantay ng warehouse. Si JD at si Yosh ang may gawa. Wala pa rin talagang kupas ang stealth attacks ng mga top agents ko. Kahit dadalawa lang sila, kapag talaga plinano, they can execute the plan well. They can kill all those bastards without a fuzz.
JD was true to his words. He secured Sebi first before they took all those men including Harold Sanchez. I was amazed seeing those bad guys beaten one by one. Talagang pride gem ng Circuit agency si JD.
Para akong nakahinga ng maluwag ng matapos ang mission nila at wala ni isang galos na natamo si Sebi. After five minutes ay dumadating na ang mga pulis para hulihin ang grupo ni Harold. The transfer was unsuccessful at ginawan na ng paraan ni Bryan na hindi ma - detect ng bank na nagkaroon ng anomalya ngayong gabi. Si Sebi ay nasa pangangalaga na ni JD.
"Everything is fine. Sebi is safe." Sabi ni JD ng sagutin ko ang tawag niya.
"Thank you. I owe you."
"We will just debrief him then he can go home in a while." Sabi pa niya.
"Alright. Thanks again. I'll see you soon." Napahinga ako ng malalim at pinatay ko ang telepono at isinara ko ang laptop. Inilatag ko ang mga litrato ni Andie and looked at it one by one. I took one photo na kuha noon pang una kaming nagkakilala. The first time I saw her in that bar and she took me out of my senses. I smiled when I looked at her sweet smile. She still got the face that made me fall in love with her.
"What are you doing here?"
Mabilis kong inimis ang mga litrato at mabilis na inilagay sa envelope ang mga iyon ng marinig ko ang boses ni Andie.
"Sebi asked me to go here," sagot ko. Isinilid ko sa backpack kong dala ang mga folders and envelopes na naroon pati ang laptop ko.
Napairap si Andie at painis na inilapag ang puswelo ng hot chocolate sa mesa.
"And he didn't tell me?" Inis na sabi niya.
"Maybe your husband has some important things to do. Don't worry I'll be gone before you know it," sagot ko.
"Bakit ba lagi na lang niya akong kailangang ipagkatiwala sa iyo? Sa lahat na tao ikaw ang hindi katiwa - tiwala."
"Say anything you want to say, Andie. Get mad at me I don't care. I'll just do what my brother asks me to do." Mahinahong sagot ko. "Are you okay now? Masakit pa ang tiyan mo?"
"Wala kang pakielam. And bakit mo ba sinusunod si Marco? Ngayon ka lang nakita ng parents mo 'di ba? And your girlfriend. You just left them because Marco told you?" lalong bumigat ang mga salita ni Andie. Bahagya niyang hinawakan ang ibabang bahagi ng tiyan kaya lumapit na ako sa kanya.
"Andie, calm down okay? You're angry."
"Why would I calm down? Ikaw na naman kasi ang nandito. And your parents mourned for your fake death so siguro karapatan naman nilang malaman kung anong totoong nangyari sa iyo." Bahagyang napangiwi si Andie. "Even your girlfriend has the right to know."
"Mapol is not my girlfriend. She was an ex." Pagtatama ko.
"Kahit ano pa. You told me you were single." Parang wala sa sariling sabi ni Andie.
"I was and I still am." Sabi ko. "Andie, can you please stop hating me? We are already a family. I am gonna be a second father to your baby because he is my nephew."
"No. You are disgusting and I will always hate you." Matigas na sagot niya.
"Then why are you still holding my hand?"
Nanlalaki ang matang napatingin siya sa kamay niyang nakahawak sa mga kamay ko.
————>>>>>>
Andie's POV
Yes I am mad at Tim. I am angry at him. I hate everything about Tim. I hate him so much but still I can't stop myself to think about him. That is why I want him to go away. I don't want to see him because everything happened to us is coming back.
"Mapol is not my girlfriend. She was an ex." Sagot niya sa mga sinasabi ko. Hindi ko nga alam bakit naungkat ko pa ang tungkol sa girlfriend niya. Naiinis kasi ako kung bakit siya narito. 'Yung mga taong iniwan niya sa bahay, 'yung parents niya at 'yung girlfriend niya ay naghihintay lahat ng explanation niya. Tulad ko. Naghihintay pa rin ako sa explanation niya.
"Kahit ano pa. You told me you were single." Naisip kong parang wala na sa katwiran ang mga sinasabi ko.
"I was and I am still am." Sabi ni Tim tapos ay napahinga siya ng malalim. "Andie, can you please stop hating me? We are already a family. I am gonna be a second father to your baby because he is my nephew."
"No. You are disgusting and I will always hate you." Matigas na sagot ko. Kahit kailan hinding - hindi ko siya matatanggap kahit pa nga kapatid siya ni Marco.
"Then why are you still holding my hands?"
Ano daw? I am holding his hands?
Tiningnan ko nga ang kamay ko at nakahawak nga ako sa mga kamay niya. Automatic na para akong pinapasong binitawan iyon.
Nakakainis kasi parang gusto pang matawa ni Tim dahil sa nangyari. Pero paano nga ba nangyari iyon? Bakit nga hawak ko ang kamay niya?
"Andie, I promise hindi ako manggugulo sa inyo. Nandito lang ako dahil gusto kong tulungan si Sebi and I want to protect you." Seryosong sabi ni Tim.
"Protect me? From what? Hindi namin kailangan ang tulong mo. We are okay. Sanay na kami na wala ka."
Halatang nasaktan si Tim sa sinabi ko.
"I know. Kung meron lang talagang choice hindi na rin naman ako magpapakita sana."
"But still you did and you give those people who loves you the hope that you are going to stay for good. Pero pagkatapos nito anong gagawin mo? Iiwan mo na naman ang pamilya mo? What will be your reason this time?"
"Andie you don't understand," parang nahihirapan ng mag - explain si Tim.
"Talagang hindi ko maintindihan! Kasi hanggang ngayon wala ka pa ring sinasabing dahilan sa akin kung bakit mo ako iniwan!" Malakas na sigaw ko sa kanya.
Hindi nakasagot si Tim sa sinabi ko. Nakatingin lang siya sa akin tapos ay sa likuran ko. Tiningnan ko din ang tinitingnan niya at nakita kong nakahinto sa labas ang kotse ni Marco. Iniwan ko siya at mabilis akong lumabas para salubungin si Marco. Pero nakakapagtakang parang pagod ang itsura ni Marco. Parang nanlalata siya ng makababa sa kotse.
"Marco, okay ka lang?" Puna ko sa kanya ng tuluyan siyang makababa.
Pilit na pilit ang ngiti ni Marco at bahagya niyang hinawakan ang dibdib niya.
"I - I am fine. Everything is fine now, honey. Everything is fine," mabilis akong niyakap ni Marco. Ang higpit - higpit tapos ay hinalikan ako sa ulo.
"But you don't look fine. What happened?" Nag - aalalang tanong ko.
Umiling lang siya. "Sorry kung hindi na ako nagpaalam sa iyo. Biglaan kasi akong pinapunta sa office. But I called Mason to check on you."
"Bakit mo pa kasi siya inaabala? Kaya ko naman ang sarili ko." Tiningnan ko pa ang lugar ni Tim pero napakunot ang noo ko dahil wala na siya doon. Hinanap ko siya sa buong lugar na malapit sa amin pero wala na talaga siya. Kahit ang mga gamit niyang nasa mesa ay wala na rin.
Hindi agad nakasagot si Marco dahil tumunog ang telepono niya.
"Mason? Where are you?" Nakakunot ang noo ni Marco.
"What? Bakit hindi ka man lang nagpaalam?" Napahinga ng malalim si Marco. "I know. I understand. Thank you. Thank you for taking care of my wife. I'll see you tomorrow."
"Bakit? Umalis na ang kapatid mo?" Gusto ko lang malaman na talagang wala na dito si Tim.
"Yeah. Hindi na daw siya nakapagpaalam dahil ayaw na niya tayong maistorbo." Ngumiti sa akin si Marco. "We will be okay now."
"Bakit? Okay naman tayo 'di ba?" Nahihiwagaan ako sa mga sinasabi ni Marco.
Ngumiti lang siya sa akin.
"Let's get inside. Its getting cold." Tanging sabi niya at inakbayan ako papasok sa loob ng bahay. Tinapunan ko pa ng tingin ang lugar kung saan nakaupo kanina si Tim. This is better. Mas mabuti ngang umalis na siya para hindi na kami nagugulo.
—————->>>>>
Mason's POV
Andie wanted answers that I cannot tell her. Mabuti na nga lang at dumating na si Sebi. At least I have a reason to leave. I can't look at them while they are hugging each other. Ayoko ng madagdagan ang sakit na nararamdaman ko.
Diretso ako sa opisina ng Circuit Agency. Naroon agad si JD at Yosh para personal na mag - report sa akin.
Harold Sanchez is already in custody together with his partners in crime. JD made sure that they will be properly processed and no bribery will happen between the syndicate and some police officers. Iyon ang problema namin ngayon madalas. Maraming mga pulis ang talagang kumakapit sa patalim at bumabaligtad sa amin. But right now, dahil internationally ay wanted din ang sindikato na ito, FBI, Interpol and National Police Agency are also communicating with us and wanted to take the suspects. Mas okay sa akin iyon. Mas mababawasan kami ng problema sa mga ito.
"Everything is good. Representatives of National Police Agency will be here tomorrow to pick up the five Japanese nationals that are members of that international money laundering syndicate. Then Interpol will take Harold Sanchez. Apparently, he has an outstanding warrant of arrest in Germany." Inilapag ni JD ang mga folders sa harap ko.
Napangiti at napailing.
"You did all of these?" Parang hindi makapaniwalang sabi ko habang binubuklat ko ang mga folders na ibinigay niya.
"I know you cannot make it alone. That's why we are here. And everything is fine now." Naupo siya sa couch na naroon.
"Thank you. I really appreciate this. At least I know my brother and his wife are safe."
"We're just doing our job, man. And ikaw pa ba ang hindi ko tutulungan? So, what happened? What did your brother said? Your parents?"
"Nagulat siyempre but I know they would understand if I didn't tell the truth about what happened to me." Sagot ko.
"Maze, I think they deserve to know the truth. They are you family and I know they would understand why do you need to keep some secrets from them. Pero unfair naman na mawawala ka tapos bigla kang susulpot ulit."
Hindi ako nakasagot.
"Everyone needs an explanation. You need to give it to them. Tapos ayan na naman. Tapos na ang misyon mo kay Sebi. What are you going to do next? Mawawala ka na lang uli bigla? Sana hindi ka na lang nagpakita uli kung paaasahin mo na naman sila."
Napangiwi ako sa sinabi ni JD. Parang nabasa niya ang lumalaro sa isip ko.
"At least this time, magpaalam ka ng maayos sa kanila hindi 'yung basta ka na lang mawawala na naman."
I took a deep breath and remembered everything Andie told me. She wanted answers why I left her. Maybe JD was right. Maybe I need to tell her the truth so we can both move on with our lives.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top