• 3 •
Mason's POV
"Mukhang may lakad si Sir."
Hindi ko tiningnan ang nagsalita noon at nanatili akong nakaharap sa salamin at inaayos ang suot kong polo.
"Aakyat ka ng ligaw?"
Tiningnan ko mula sa salamin si Dale na nakaupo sa dulo ng mesa ko at tinitingnan ang mga folders na naroon.
"Sino si Andie?" Sabi pa nito at dinampot ang folder ni Andie at binuklat - buklat. "Uy, maganda. Ano 'to? Bagong mission? Kanino mo ibibigay? Akin na lang. Ayoko ng mission na ibinibigay mo sa akin. Hindi ako baby sitter," sabi pa niya at binabasa ang file ni Andie.
Mabilis akong lumapit at inagaw ko sa kanya ang folder.
"This one is personal," tanging sagot ko.
"Aruu. Personal. Mukhang ini - stalk mo 'to 'no? Nag - enroll ka kay JD?" Tumatawang sabi niya.
"Gago. Ayusin mo ang trabaho mo at ang misyon mo and atupagin mo. Bakit nandito ka? You should be in Bataan." Sabi ko sa kanya.
"Baka puwedeng sa iba mo na ibigay 'yung mission order ko. Maze, hindi naman ako yaya." Reklamo ni Dale.
Napakamot ako ng ulo. Kahit kailan makulit talaga 'tong lalaking ito.
"Bumiyahe ka na ng Bataan. Si Ferdie ang maghahatid sa 'yo. And you cannot say no to this. Ikaw ang para sa mission na 'yan. Lumakad ka na bago ka pa abutan ni Dimalanta dito," sabi ko sa kanya.
Padabog na tumayo si Dale at tinungo ang pinto.
"Goodluck sa pag - akyat ng ligaw." Tatawa - tawang sabi ni Dale at dire - diretsong lumabas.
Napatawa din ako at naupo sa harap ng mesa ko. Binuklat ko ang folder ng files ni Andie. Tama naman si Dale. Ipina - background check ko na siya kay Bryan. I want to impress her kaya inalam ko ang mga gusto niya, ang mga ayaw niya. And she is looking for her dad kaya pinapahanap ko na rin ang daddy niya. Pero kakaiba, walang files ang daddy niya. Wala kaming makita na Jess Dimalanta na nagpi - fit sa profile na sinasabi niya. Imposible namang si Jesus Dimalanta iyon. Ang alam ko, single ang boss naming iyon. Umuwi lang dito sa Pilipinas dahil nalagay sa alanganin ang inaanak na si Lucy.
Napangiti ako habang tinitingnan ko ang pictures niya. She is really pretty. Akala ko, nakainom lang ako kagabi kaya maganda na ang tingin ko sa kanya. Pero ngayong hindi na ako lasing, maganda pala siya talaga. Ngayon lang ako nagka - interes sa babae dahil ayoko ng mga kaartehang committment dahil nga sa trabaho ko. But I think this time, I might give it a shot.
Kaya ngayong gabi, I know she will be at the bar kung saan kami nagkakilala kagabi. Bryan hacked her phone
Nakarinig ako ng katok sa pinto ng opisina ko. Napadiretso ako ng tayo ng makita kong si Jesus Dimalanta ang nakatayo sa pinto. Shit. Ano ang ginagawa nito dito? Mabilis kong inilagay sa drawer ang files ni Andie. Baka makita pa niya at malaman na hindi official business itong ginagawa ko.
"Sir," bati ko sa kanya.
"Sit down. May lakad ka ba?" Tanong niya. Isinara niya ang pinto ng opisina ko. Pati ang blinds sa bintanang salamin ay isinara niya rin. Okay. This must be something serious. Baka may tatanggalin na naman kaming agent.
"Anything I can do Sir?"
Napahinga ng malalim si Jesus Dimalanta. Strange, he looks so serious. Parang malungkot. Naupo siya sa harap ng mesa ko at inilapag ang isang folder sa harap ko.
"This is off the books. Something personal for me kaya I want you to personally handle this mission." Sabi niya.
"Ako Sir? You know I don't do missions anymore. We have lots of senior agents who can handle this," sagot ko sa kanya.
"As their immediate superior, mas gusto ko na ikaw ang personal na humawak niyan. I don't want this to leak because I want their identity to be protected," sabi pa niya.
Lalong napakunot ang noo ko at kinuha ko ang folder at binuksan. Nanlaki ang mata ko ng mabasa ko ang mga information na naroon.
ALICE DIMALANTA - Wife
ANDREA CORRINE DIMALANTA - Daughter
Para yata akong nanlamig sa nabasa ko. Naroon din ang ang pictures nila at hindi puwedeng magkamali ang mata ko. Anak ni Jesus Dimalanta si Andie.
"You are her father?" Wala sa loob na bulalas ko.
Kumunot ang noo niya sa akin. "You know my daughter?" Taka niya.
"Ha? N - no! No. Hindi Sir. Ngayon ko lang siya nakita," sunod - sunod ang iling ko. "What I meant was, you have a daughter? A wife? You have a family?"
Malungkot siyang tumango. "I regret the moment I left them five years ago. I had to leave them for their protection. I know they wouldn't understand what I did and I know it's too late to ask forgiveness. I am missing them terribly but I can't go back."
Muli kong tiningnan ang picture ni Andie. Ang ganda talaga niya. Ang ganda ngumiti. Ang ganda ng mata. Ang ganda ng ilong. Her face is just perfect.
"You will report directly to me. I received an intelligence that my enemies are looking for my weakness. And they are my weakness. Gusto nilang lumantad ako. Lumayo na ako para mailayo ko na sila sa kapahamakan."
"Are you sure about this? Ako talaga?" Paniniguro ko. Ayoko nito.
"I trust you, Mason. I just want them to be safe." Tumayo na siya at tinungo ang pinto. "I want detailed reports starting today." At tuloy - tuloy na siyang lumabas.
———————>>>>>>
Andie's POV
Agad na kumaway sa akin si Pam ng makita akong paparating. Kumaway din ako sa kanya at sumiksik ako sa kumpulan ng mga tao para makarating sa lugar niya. Agad niya akong niyakap at hinila papasok sa office niya.
"Dito na lang tayo. Maingay sa labas. Full pack tonight. Black Slayers will perfom," sabi niya at nagsindi ng sigarilyo. Inabutan niya ako at kumuha ako ng isa. Sinindihan ko din. Isa, dalawa. Tatlong hithit at pinatay ko. I know how to smoke pero hindi ko naman sinasanay ang sarili ko. Paminsan - minsan lang tulad ngayon.
"How did you celebrate your dad's disappearance yesterday? Balita ko may iba ka daw ka - celebrate," nanunukso ang tingin ni Pam sa akin.
Natawa din ako at napailing.
"He is just a ramdom stranger. Mukhang may pinagdadaanan din kahapon so I invited him to your anger chamber." Sagot ko.
"And what did you do inside?" Tumatawa pa siya.
"Nagkuwentuhan lang."
"Nagkuwentuhan na may halong landian?" Tuluyan na siyang napahalakhak.
Natawa din ako. "Nagkuwentuhan lang talaga kami. He was nice. Looks harmless and masaya siyang kausap."
"Guwapo?"
Kagat - labi akong napangiti at tumango.
Ang lakas ng tili ni Pam. "Magkaka - boyfriend ka na?"
"Gaga. Anong boyfriend? Nagkakilala lang kami kahapon tapos boyfriend ka na diyan. He was just a random stranger I met in a bar. Ni hindi nga niya ibinigay ang number niya. He just said his name. Tim." Hindi ko mapigil ilabas ang frustration ko. Bakit nga ba hindi man lang niya kinuha ang number ko kagabi? Ako na rin ang sumagot sa tanong ko. Baka naman company lang talaga ang kailangan niya. Baka nga may - asawa na ang lalaking iyon.
"You're interested with that guy. I can sense your frustration. Sabi ni Bobby regular naman daw dito 'yun." Sabi pa ni Pam at tumayo tapos ay kumuha ng isang bote ng beer sa ref niya doon. Inaabutan niya ako pero tumanggi ako.
"I had so much to drink last night. Magpapahinga naman ako." Kinuha ko ang phone ko at nagpipindot doon. "So na - ichismis na pala ng bartender mo ang mga ganap ko kagabi."
Natawa si Pam. "Siyempre 'no? I am their boss kaya kailangan nilang i - report lahat sa akin." Sinagot niya ang phone niyang nagri - ring.
Natatawang inirapan ko lang siya at pinabayaan kong makipag - usap sa kung sino. College pa lang ay makaibigan na kami ni Pam. She is so good to me. Nang magkaroon kami ng kanya - kanyang career, hindi pa rin namin nakakalimutan ang isa't - isa. She owns this bar. Nasa line of food and restaurant businesss kasi ang pamilya niya. And ako, I work as an assistant manager sa isang bangko hindi kalayuan dito. Kaya paggaling ko sa trabaho, dito na ako dumi - diretso. Kasi ayoko naman lagi mag - isa sa bahay. Si mom lagi ding wala at naka - out of town dahil busy sa negosyo niya.
"Tara na nga. Labas na tayo. Nandiyan na daw 'yung banda and I need to talk to their manager." Sabi ni Pam at pinatay sa ashtray ang hawak na sigarilyo.
"Bakit? May problema?" Tanong ko. I know Pam's temper. Mabilis siyang magalit kaya nga meron siyang anger chamber dito sa bar niya.
"Wala naman. I just want to check if everything is good tonight. Tara. Saka darating si Jay. Siya ang nagpilit na ma - invite ang band na iyan dahil paborito niya."
Natawa ako habang nakasunod sa kanya palabas.
"Well, you can't say no to your boyfriend."
"Exactly."
Ang ingay ng mga tao ng bumalik kami sa bar area. Band is starting to perform. Tinungo ko ang lugar kung saan ako nakapuwesto kagabi. Palinga - linga din ako. Hoping na makita ko ulit si Tim. Pero mukhang malabo.
Umorder ako ng pineapple juice sa bartender.
"Pineapple juice lang talaga mam? Marami pa 'yung 1800 mo," sabi nito.
"Pass muna ako tonight. Papahinga muna ako."
"Mukhang enjoy ang kuwentuhan 'nyo ni Sir kagabi, ah."
Napatingin ako sa bartender at napatawa ako.
"Kaya ichinismis mo na ako sa boss mo."
Napakamot ito ng ulo. "Nagtanong kasi si Mam Pam. Hindi naman ako puwedeng magsinungaling."
"Okay lang. Lagi bang nandito 'yun? Si Tim?" Humigop ako sa juice ko.
"Tim ba ang pangalan ni Sir? Madalas dito iyon. Pero hindi naman nagtatagal. Isa - dalawang shot ng Hennessy. 'Yun ang brand niya. Mahilig talaga siyang makipag - kuwentuhan sa mga nakakasabay niyang mag - inom dito. Laki mag - tip," nakangiti pang sabi ng bartender.
"Kaya naman pala kuntodo asikaso ka kagabi." Natatawang sagot ko.
Natawa siya. "Mabait kasi talaga 'yun si Sir." Tumalikod siya sa akin at nilapitan ang mga taong lumalapit doon sa bar para umorder ng maiinom.
People are screaming non - stop. Sino ba ang bandang ito? Tumatanda na yata ako. Ayoko na ng maingay. Sumenyas ako kay Pam na lalabas na muna. Inayos ko ang gamit ko at tumayo na.
"Kakarating ko lang, aalis ka na agad?"
Napatingin ako sa nagsalita noon and I felt my heart skipped a beat when I saw him again.
"Tim." Mahinang nasabi ko.
Ang ganda - ganda ng ngiti niya at hindi ko mapigil ang sarili ko na hindi titigan ang mukha niya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top