• 27 •

Andie's POV

Mabilis akong bumaba ng kotse ng huminto sa parking ng ospital ang kotseng sinasakyan namin. Sobrang tensiyonado na ako sa biyahe at gusto ko ng makalayo kay Tim. Hindi ko talaga kayang malapit sa kanya. He is making me really uncomfortable. Marinig ko lang ang paghinga niya, maamoy ko lang ang pabango niya talagang ibang klaseng pakiramdam na ang lumulukob sa akin and I hate this feeling.

Naipagpapasalamat ko na rin na hindi na rin naman siya nag i - initiate ng conversation. At least he is sensitive enough to feel how much I hate him. That I am just doing this for Marco's sake. Napakalaki ng utang na loob ko kay Marco dahil sinalo niya ako sa isang napakalaking kahihiyan na kagagawan ng kapatid niya. Damn. Ano bang gulo itong napasukan ko? Bakit naman kasi magkapatid pa sila?

I inhaled and exhaled habang pasakay ako sa elavator. Pipindutin ko na lang ang close button ng may pumigil ng pinto at nakita kong si Tim iyon.

"Kaya ko ng pumunta mag - isa sa clinic. You can wait in the car or yet you can go home. I can go home by myself," iritable kong sagot sa kanya.

"Sebi wants me to bring you home. Sinusunod ko lang ang request ng kapatid ko," tanging sagot niya at dumistansiya na siya sa akin.

Natawa ako ng nakakaloko. Talaga lang ha? Siya pa talaga ang lumalayo sa akin? As if naman na gusto ko siyang katabi o kasama. Ang kapal lang talaga ng mukha!

Inirapan ko lang siya at ng huminto sa eight floor ang elevator at bumukas ang pinto ay nagmamadali akong lumabas. Bahala siya sa buhay niya. Bakit ko nga ba siya iintidihin?

Agad akong sinalubong ng assistant ni Dr. Manotoc na si Girlie. May ina - assist lang na naunang pasyente ang OB kaya naghintay na lang ako sa lounge. Ako na rin naman ang susunod. Buti na lang hindi na pumasok pa dito sa loob ang impaktong si Tim.

I closed my eyes and felt the slow but tiny movements inside my tummy. I can feel life inside of me. Automatic kong hinawakan ang tiyan ko at hinimas iyon. Hindi ko alam kung bakit parang gusto kong umiyak. Naalala ko kasi ng sabihin ni Tim na sorry. Kahit galit ako sa kanya I can feel his sincerity. Ramdam kong talagang nagsisisi siya sa ginawa niya sa akin. Pero para saan? Isn't too late? Ano pa ang pagsisisihan niya? He chose to leave me. Pinagparausan lang ako at akong si tanga hindi nagdalawang isip na ibigay ang lahat sa kanya. Bakit? Kasi mahal ko siya.

Oh god. Don't do this please. I don't love him anymore. I hate him. And I am married. I am married to his own brother. Kasal ako sa taong sinalo ako dahil binitiwan ako ng isang taong may ibang priority sa buhay at hindi ako iyon.

Shit. Why am I thinking like this? Dapat nga talagang kalimutan ko na kung ano ang nangyari sa amin ni Tim. Pero kahit kailan malabo ko naman siyang makalimutan kasi dugo at laman niya ang nasa tiyan ko.

Sabi naman ni Marco, Tim will just stay for a couple of days. So ilang araw lang 'yon. Madalas naman akong nasa office so malabo na din kaming magkita. Itong pagkakataon na ganito siguro sinusubok lang ako kung talagang kaya ko ng harapin si Tim and kaya ko naman. Kinakaya ko naman.

"Mrs. Gonzalez, pasok na po. Tawag na kayo ni Dra." Nakangiting sabi sa akin ni Girlie.

I let out a sigh and stood up. Everything will be over soon.

Nakangiti sa akin si Dr. Manotoc ng pumasok ako sa clinic niya. Tumayo siya at humalik sa pisngi ko.

"Sit down, iha. Mukhang hiyang ka sa pagbubuntis, ah. Hindi ka naman nagbabago. Parang busog ka lang considering that you are seven months pregnant," nakangiting sabi niya.

"I know I gained weight," sagot ko habang hinimas ko pa ang tiyan ko.

"Well ganyan na talaga 'yan hanggang sa nine months. Do you feel anything unusual? Bleedings? Discharges?"

"Normal naman lahat doc. 'Yun lang parang hindi masyadong gumagalaw si baby. Hindi siya masyadong malikot. Tapos madalas lang akong naiihi lagi and leg muscle cramps."

Kumumpas sa hangin ang doktor. "That is normal kasi palaki na si baby and naiipit na ang bladder mo. Hindi masyadong malikot si baby? Alright let's check it. Halika. Lie down so we can know."

Sumunod naman ako sa kanya at nahiga sa small bed na naroon.

"Let's see the development of your baby first. Hindi ba talaga siya masyadong magalaw? Kahit mga movements na sumisipa mga ganoon?" Hinawakan ni Doc ang sonogram at naglagay ng gel sa tiyan ko. "Where is your husband? Ang tagal - tagal mo ng nagpapa - check up dito pero hindi ko man lang nakikilala pa ang asawa mo."

Sasagot na lang ako ng bumukas ang pinto at pumasok doon si Girlie.

"Doc, nandito si Mr. Gonzalez baka you want to show him the ultrasound of his wife." Nakangiting sabi ni Girlie.

Nawalan yata ng kulay ang mukha ko ng makita kong si Tim ang kasunod niya. Bakas din sa mukha ni Tim ang pagtataka.

"O? Andito pala ang asawa mo. Come here. Come here. Look at your baby," sabi ni Doctora.

"W - wh - d - doc - no - hindi siya -" fuck me! I can't even finish a sentence! Ni hindi nga ako maka - construct ng matinong salita dahil sa nangyayari.

"I think you got -" hindi rin maituloy ni Tim ang kung anumang sasabihin kasi patuloy sa pagsasalita si Girlie.

"Dito Sir. Halika. Alcohol ka muna then diyan lang." Sabat ni Girlie at binuhusan ng alcohol ang kamay ni Tim at tinuyo ng towel tapos ay marahan pang itinutulak si Tim palapit sa amin.

"D - doc kasi - " hindi ako makasingit sa dire - diretsong pagsasalita ni Dr. Manotoc.

"It is so nice to finally meet you Mr. Gonzalez. Ito kasing si Andie sa tuwing pupunta dito lagi na lang mag - isa. Come here," bahagya pa niyang hinila si Tim para mas mapalapit sa amin. "Here. Do you see this?" May itinuro si Doc mula sa maliit na monitor. "That is the heart of the baby. Can you hear the heartbeat? He got a strong heartbeat. You got a strong baby boy."

Bakas ang kalituhan sa mukha ni Tim at hindi niya alam kung anong gagawin niya. Tumitingin siya sa akin na parang nahihiya. Parang gusto niyang magsalita pero wala siyang masabi. Ako naman ay ganun din. Parang napipi ako at naninigas ang buong katawan ko. Lalo na ng kunin ni Dr. Manotoc ang kamay ni Tim at ipatong sa tiyan ko.

"Can you feel it? Can you feel his movement?" Sobrang ang likot ng anak ko. Sobrang kislot sa paggalaw sa tiyan ko. Kahit kailan hindi pa naglikot ng ganito ang anak ko. Slow movements lang noon. Pero ngayon, para talagang hinahalukay ang tiyan ko sa likot niya. "Malikot naman pala, Andie. The baby is so strong and I think he wants to bond with his dad." Nakangiting sabi ni Dr. Manotoc.

Ngayon ko lang nakitang parang natataranta ang itsura ni Tim. Natataranta. Kinakabahan. Kahit noon hindi ko nakita ang ganitong expression sa kanya. He is always composed. Laging ready sa lahat. But this time, I can't explain his face. Halo - halo ang expression na nakikita ko doon.

Grabe ang kabog ng dibdib ko. Para yata akong masusuka sa sobrang tensyon. Ano ba ito?

"I - it's moving," parang wala sa sariling sabi ni Tim.

Parang gusto kong umiyak. Knowing that my baby is connecting to his father. Hindi talaga maikakaila kung ano ang totoo. But no. No. This is wrong. This is wrong.

Mabilis akong bumangon at pinalis ko ang kamay ni Tim mula sa tiyan ko. Nagulat si Doc sa inakto ko.

"Wait Andie. Hindi pa tayo tapos." Sabi niya.

"Something is mixed up, doc. Hindi siya ang asawa ko," sa wakas ay nasabi ko iyon. Napatingin ako kay Tim at nakatingin lang siya sa akin.

Nanlalaki ang mata ni Doc at gulat na tumingin kay Tim.

"B - but Girlie said - oh my god! Girlie!" Inis na sigaw ni Doc. Nagmamadaling pumasok ang assistant niya. "Who is this man? Bakit bigla mo na lang pinapasok dito?"

"Doc, Gonzalez daw siya, eh. So ini - assume ko na siya ang asawa ni Mrs. Gonzalez," takot na nagpapapalit - palit ng tingin sa amin si Girlie.

"Yeah. He is also a Gonzalez. He is my husband's brother." Sabi ko.

"Oh god. Oh my god! I am sorry. I am sorry Andie. Sir, I am sorry for this," hindi matapos - tapos ang paghingi ng sorry ni Doc kay Tim.

Tumango lang si Tim at napipilitang ngumiti.

"Okay lang. I am just going to wait outside." Sabi ni Tim at nagmamadaling lumabas doon.

Napabuga ako ng hangin. Grabe pa rin ang kaba ng dibdib ko. Pero aaminin ko, there was a moment earlier that everything felt right. My son felt that his real father was there.

————->>>>

Mason's POV

Pakiramdam ko ay ramdam ko pa ang paggalaw ng baby sa tiyan ni Andie. And I never felt more alive when I felt that. Ganoon pala ang feeling ng magiging tatay. Excitement, kaba, takot. Halo - halo ang feeling. Lalo na siguro si Sebi kapag lumabas na ang anak niya. Napangiti ako ng mapakla. Ang suwerte ng kapatid ko. He got the girl and he will be a father soon too.

Napahinga ako ng malalim at naihilamos ang palad sa mukha ko. Ang dami - daming pumapasok sa isip ko. Ang daming what if's. What if I didn't leave? What if I chose to stay and I chose Andie over everything? What would be our lives? Sigurado ako masaya. Kumpleto. Magmula ng iwan ko si Andie, I never felt complete anymore. Laging may kulang. Laging parang may puwang sa dibdib ko. But I remember, I left her because I don't want her to get hurt. I want her to be safe so 'di bale ng ako na lang ang mag - suffer huwag lang siya. Kaya ko naman. Kinakaya ko naman.

I received a call from Sebi at ilang rings muna ang pinalipas ko bago ko sinagot iyon. Para kasing nanginginig at nanlalamig pa ang kamay ko gawa ng nangyari kanina.

"Sebi."

"Mason, nandiyan na kayo sa OB?" Tanong niya.

"Yeah. She is almost finished. Didiretso na kami ng uwi."

"I think Andie wants to go to the mall first. Gusto na daw kasi niyang bumili ng crib and stroller. Puwede mo pa bang samahan?" Halata ang disappointment sa boses ni Sebi. "I just can't let go of this work."

Napailing ako. "Can't you ask for a leave for a couple of days? Hangga't nandito ako? Para makapag - bond naman tayo."

"I love to but I can't. Importante lang talaga 'to." Ramdam kong nahihirapan na si Sebi sa sitwasyon niya.

"May problema ba Sebi? You can tell me everything."

Saglit na tumahimik si Sebi. Parang nag - iisip.

"Nothing. Everything is fine. Mamaya ko na tatawagan si Andie. Hindi ko alam kung bakit allergic siya sa 'yo." Halatang pilit lang ang tawa niya.

Natawa din ako. "Hindi pa lang siguro siya sanay sa presensiya ko. Maybe she thinks I am zombie and I just rise from the dead? Hey, don't forget your meds okay?"

"Yeah I won't forget. Thanks brother. Iba talaga kapag nandito ka. I feel safe."

"Of course. I won't let anything bad happen to you. Take care, Sebi. I'll see you later."

Nakita kong naglalakad palabas ng clinic si Andie at nakatingin lang siya sa akin. Tumayo ako at sinalubong ko siya. Nahihiya din naman ako sa nangyari kanina. Fucking mixed up complicated things. Baka lalo lang magalit sa akin ang babaeng 'to.

"I am sorry about what happened, Andie. Believe me, it was a mixed up."

"It doesn't matter. Mauna ka ng umuwi. Dadaan pa kasi ako ng mall. I need to buy things for the baby."

Hindi na yata fighting mood si Andie. Parang wala na nga siya sa mood kahit kausapin man lang ako.

"Sebi asked me to accompany you. Sige lang. Just don't mind me. Pababayaan kitang mamili mag - isa. You won't feel my presence," sagot ko sa kanya.

Natawa siya ng mapakla. "Bahala ka." Dire - diretso na siya sa bumukas na elevator.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top