• 24 •

Mason's POV

What am I doing right now is off the books. No one knows that I am trying to dig what is really happening to Sebi. What is his involvement with this Japanese money laundering syndicate. Those Japanese men are members of notorious Yakuza. Like JD said, my brother is really in deep shit.

I keep on browsing my phone and keep on reading the reports that I got from Ferdie. Alam kong may access din si Ferdie sa mga sensitive materials sa agency dahil malaki ang share ng pamilya niya. Ayoko kasing makita ng agency ang involvement ko dito. Ang alam sa agency, I'll be on leave because I need to undergo an operation.

Napapailing pa rin ako sa listahan ng mga pangalan na nababasa ko. Limang Japanese nationals ang involve at dalawang Pilipino. Isang Harold Sanchez at si Sebi.

This is fucking bull. Hindi pa rin ako maniwala dito.

Huminto ang sinasakyan kong taxi sa harap ng isang bungalow house sa Pasig. Bahay ito ni Sebi.

Kaya ko ba? Sanay akong humarap sa mga lumilipad na bala, hindi ako takot masabugan ng granada but this time, nanginginig hanggang hinliliit ng paa ko. Hindi yata ako makahinga. Hindi ako makagalaw.

"Boss, 'yan na po 'yung address." Sabi ng taxi driver sa akin.

"I know. Give me a minute."

Hinawakan ko ang kamay ko para matigil ang panginginig noon. Dumukot ako ng pera at ibinigay sa driver. Kinuha ko ang duffel bag ko na may ilang mga piraso ng damit at bumaba sa taxi.

Ilang beses pa ulit ako huminga bago pinindot ang doorbell.

This is it. Fuck this is it!

Pasado ala - siyete na iyon ng gabi at alam kong nasa bahay na si Sebi at Andie.

Handa akong harapin si Sebi but si Andie? I don't know how will I face her.

I pressed the doorbell again and this time bumukas ang ilaw sa front porch at si Sebi ang lumabas.

"Sino 'yan?"

Hindi ako sumagot. I can see my brother that he is hesitant to go out. I know for sure that something is bothering him. Sa body language pa lang niya ay halatang takot siya.

"Sino 'yan? I am going to call the cops." Bahagyang pumiyok pa siya.

"Sebi." Tanging sabi ko.

Kita kong kumunot ang noo ng kapatid ko. Itsurang nataranta ng marinig ang boses ko at ang pangalan niya.

"Who the fuck are you?" Malakas ang boses niya at lumapit siya sa may gate.

Doon na ako nagpakita sa kanya.

"Sebi it's me."

Tuluyang tumakbo sa gate si Sebi at nagmamadaling binuksan ang gate. Nanlalaki ang mata niyang nakatingin sa akin. Hindi makapaniwala na nakatayo ako sa harap niya.

"Hi little brother," pigil na pigil ko ang emosyon ko. Ayokong magpakita ng kahit anong kahinaan sa harap ni Sebi. I am his protector. He is looking up to me.

"Mason?" Tinitingnan lang niya ako mula ulo hanggang paa. Sinisiguro na hindi ako multo sa harap niya.

Tumango ako. Tuluyang napaiyak si Sebi at mabilis na yumakap sa akin.

"Fuck you. Fuck you," umiiyak na sabi niya habang ang higpit - higpit ng yakap sa akin. Doon na ako bumigay. Napaiyak na rin ako kasi ramdam na ramdam ko ang halo - halong emosyon ng kapatid ko.

"What the fuck happened to you? Mom cried almost every night because of your death. Dad was devastated,". lumayo sa akin si Sebi at itinulak ako. "We were devastated. You fucking died!"

"I'm sorry. I am really sorry." Punong - puno ng pagsisisi ang boses ko

"Sorry? Iyon lang? You were gone and you're just going to say sorry? How many years? How many years that I live with this guilt? Sinisisi ko ang sarili ko dahil namatay ka. Kung hindi dahil sa akin, hindi ka magsusundalo. Fucking guilt killed me every night!" Muli niya akong itinulak at biglang napahawak si Sebi sa dibdib niya.

"Calm down. Calm down, please." Agad ko siyang inalalayan. Kita kong napapapikit si Sebi sa sakit na nararamdaman at minamasahe ang dibdib niya tapos ay parang nagpipilit na huminga

"Sebi, hey. Look at me. Calm down," nakatingin lang siya siya sa akin at pilit na inaabot ang hininga niya. "Where the hell is your medicine?" Tinulungan ko siyang tumayo pero umiling lang siya.

"N - no. I - I don't want my wife to see m - me like this," mahinang sabi niya.

Doon ako parang natauhan. That line hit me hard.

My wife.

Two simple words pero parang kutsilyong sumaksak sa puso ko.

Two simple words that keeps on playing in my head over and over and keeps on reminding me that the woman I love will never be mine.

"Breathe.  Just breathe," itinuon ko na lang ang pansin ko sa pag - alalay kay Sebi. He is continously breathing hard but he is getting better.

Ilang beses pang bumuga - buga ng hangin si Sebi bago muling nakabawi.

"Feeling better now?" Hinahagod ko ang likod niya.

Tumango siya at napasandal sa kinauupuan niya. May konti pa rin siyang hingal pero balik na sa normal ang kulay niya.

"What the hell happened to you?" Mahina niyang tanong.

Umupo rin ako sa harap niya. Binitiwan ko ang duffle bag kong dala.

"I had a job that requires me to be gone for so long." Napahinga ako ng malalim. "The army requires me to be in some locations that cannot be traced and it was just a one way ticket. You understand?"

Nakatingin lang sa akin si Sebi. Hindi ko maipaliwanag kung masaya ba siya na nandito o galit ang nakikita ko sa mukha niya.

"I know what I did was selfish. I decided for you and mom and dad. I thought I was protecting you guys."

"You didn't protect us. You just gave us a heartache." Sagot niya.

"And I am really sorry."

"So why are you here? Why did you come back?"

Hindi ako makasagot. Hindi ko masabi ang mga inihanda kong mga kasinungalingan sa kapatid ko. Just looking at his face, sobrang guilt ang nararamdaman ko.

"I just want to check on you."

Napahinga ng malalim si Sebi at hinawakan ang dibdib niya.

"I am a rotting machine, Mason. It's just a matter of time before this heart stops beating." Malungkot na sabi niya.

"Hey. There are ways. There is a solution in any problem. There are new studies for new medicine for heart problems. Wala ng imposible ngayon."

Ngumiti ng mapakla si Sebi.

"The doctor told me if I continue to take my meds my condition will be better."

"So continue taking your meds. Until the time comes that you're going to have your new heart."

Tumingin sa akin si Sebi. Wala na ang galit sa mukha niya.

"Kailan pa 'yun?" Malungkot na sabi niya.

"Just wait for it, okay? Timing is everything."

"Are you going to stay for good?"

Umiling ako. "I have a different life, Sebi. My job requires me to be alone for the rest of my life. Trust me. What I am doing is for your safety."

Napahinga siya ng malalim. Halatang hindi kumporme sa sinabi ko.

"Marco? Are you outside?"

Napapitlag ako ng marinig ko ang boses na iyon. Inihanda ko na ang sarili ko sa paghaharap namin pero hindi ko akalaing ganito pa rin pala. Boses pa lang niya ay talagang kinakabahan na ako. Bumabaligtad ang sikmura ko.

"Honey, I am here." Masaya na ang boses ni Sebi at tumingin sa akin. "You must meet my wife, Andie." Excited na baling niya sa akin.

Pilit akong ngumiti sa kanya at nanatiling nakatalikod kay Andie. Ramdam ko ang mga hakbang niya papalapit sa amin at lalong lumalakas ang kabog ng dibdib ko.

"What are you doing here? I made you an orange juice."

Wala pa ring ipinagbago ang boses ni Andie. Malambing pa rin. Parang musika sa pandinig ko.

Tumayo si Sebi at lumapit kay Andie. Hindi pa rin ako lumilingon. Hindi ko yata kayang humarap talaga sa kanya. Sa tapang ko, ito ang isang bagay na kinatatakutan ko ng sobra.

"Hon, do you believe in miracle?" Ang saya - saya ng boses ni Sebi.

"Miracle? Why? May bisita ka?" Tanong pa ni Andie.

"I want you to meet my brother Mason."

Napapikit ako. Shit. This is it. I don't have a fucking choice.

I gathered all my strength and stood up just to face the woman that took away my heart.

I can see shock in her face. Disbelief that I am infront of her. Her hands began to shake. She wanted to say something but no words came out from her mouth.

"Mason, this is my wife Andie. She is seven months pregnant." Excited si Sebi na malaman kong magiging tatay na siya. And I am happy for my brother dahil mayroon siyang normal na buhay. A life that I can never have in this lifetime.

I need to clear my throat before I could say something.

"Hi." Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas para masabi iyon.

Nabitiwan ni Andie ang hawak na baso ng orange juice.

——————->>>>>>

Andie's POV

Everything is coming back like a bad dream. Nagpa - palpitate ang dibdib ko sa sobrang kaba. This is not real. What in front of me is not real.

Pero totoong narito sa harap ko si Tim. For so many months of not seeing him, he didn't change a bit. He is still tall. The rugged and mysterious look is still there. His face is blank. He is just looking at me.

Gusto ko siyang sigawan. Gusto ko siyang sumbatan. Everything happened to us is right in front of my face.

"Andie, see? He is my brother. He is Mason." Masayang - masaya ang boses ni Marco.

"Mason?" Inulit ko lang ang sinabi niya. Hindi kasi Mason ang pangalan ng taong nasa harap ko. His name is Tim. He was the one who promised me that he won't leave. He was the one who promised to take care of me. He promised to love me 'til the end.

Pero lahat iyon ay kasinungalingan niya.

"Yeah. I can't believe it too. After so many years, he is back." Sabi pa ni Marco.

Pinilit ko ang sarili kong hindi umiyak kahit na nga parang sasabog na ang dibdib ko sa dami ng emosyon.

"'Di ba patay na ang kapatid mo? Are you sure this is your brother? He might be pretending to be your dead brother but he is not." Shit. Hindi ko na napigil ang sarili ko.

"Andie," saway sa akin ni Marco. Parang nahihiyang tumingin siya kay Tim.

"It's okay." Narinig kong sabi ni Tim. Ngumiti siya sa amin. Nakakainis! Bakit siya ngumingiti sa akin na parang wala siyang ginawa sa akin? Wala siyang karapatang ngitian ako. "I understand where it is coming from."

Gago! Gago! You don't know where my anger is coming from. You are an asshole! A fucking fuck boy. You left me all alone. You left me alone with this baby. You left me to be married to someone I don't even love!

Gustong - gusto ko 'yung isigaw sa kanya. Gusto ko siyang sampalin. Gusto ko siyang bugbugin. Lahat ng sumbat gusto kong isigaw sa kanya. But I look at Marco. He look so happy seeing his brother again kaya pinilit kong magpaka - kalmado.

Grabe magbiro ang Diyos. This is a god damn fucked up joke. Why did He let me meet Tim kung si Marco naman ang makakatuluyan ko?

"Congratutions on your wedding and -" itinuro ni Tim ang tiyan ko. "A boy?"

"Yes. A boy. You know, we are planning on naming the baby after you." Excited na sabi ni Marco.

Tumingin sa akin si Tim. Grabe siya. He can still look at me na parang wala siyang kagaguhang ginawa sa akin? Shit! Naiinis ako sa sarili ko. Ako lang talaga ang nag - assume noon na meron kaming something na dalawa. Ako lang ang nagpakagaga at umasa na isang relasyon ang namagitan sa amin. Pero para sa kanya, pampalipas oras lang ako. Just a random woman that he can fuck at kapag nagsawa na siya, iiwan na lang niya.

"I am changing my mind, Marco. I think I want to have another name for my baby. I don't want to name my baby after a guy who will just come back like there's nothing happened." Sabi ko.

"Andie, what is wrong with you. He is my brother," halata kong pikon na si Marco sa akin dahil binabastos ko na ang kapatid niya.

Hindi na ako sumagot. "Matutulog na ako." Tinalikuran ko na sila. Hindi ko na kayang magtagal doon.

Hindi ko na pinakinggan ang pagtawag ni Marco sa akin. Ilang hakbang pa lang ako ay hindi ko na napigil ang luha ko. Patakbo akong nagkulong sa kuwarto at doon nag - iiyak ng nag - iiyak.

Hindi ko na alam kung ilang oras akong nagkulong lang sa kuwarto. Narinig ko na lang na kumakatok si Marco. Kahit ayoko ay napilitan akong buksan ang pinto tapos ay bumalik ako sa kama at tinalikuran siya.

"Andie." Tawag niya sa akin.

"I apologize if sa tingin mo nabastos ko ang kapatid mo," sagot ko sa kanya.

Huminga siya ng malalim.

"Okay lang sa'yo ang ganon? He pretended to be dead for how many years. Then okay lang pagbalik niya? What is his explanation?" Fuck me. Bakit ko ba sinasabi ito? Wala na akong pakielam dapat sa usapin na 'to. This is between Tim and his family. Labas ako doon. But I want to hear an explanation too kung bakit niya ako iniwan.

Lumapit sa akin si Marco at hinawakan ako sa balikat.

"There are so many factors to consider. There are so much explanations that he wanted to tell me but I chose not to hear it. The important thing is he is alive. He is well and he is staying here." Sagot niya.

Napabalikwas ako ng bangon.

"What? He is staying here? In our house?" Paniniguro.

Tumango si Marco. "I don't know until when but he wants to be with me and I want him to be here. I missed my brother, Andie. And I won't let this opportunity pass." Halatang firm na si Marco sa desisyon niyang dumito muna si Tim.

Napangiti ako ng mapakla. Wow. This is so damn unbelievable.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top