• 21 •

Mason's POV

I headed straight to my hotel room and took a bath. I want to relax my mind even for such a short time. Salazar is in custody already so wala ng backlogs na kailangan kong habulin. I can focus on my new job as the new Director of the agency. Wala na akong ibang iisipin kundi kung paano ko pa mapapaganda ang takbo ng agency at kung paano ko malalaman kung sino ang mole sa mga agents ko.

Matagal ng issue ito among my senior agents. Madalas kasi talagang sumasablay ang mga missions namin dahil ang mga targets namin ay laging one step ahead of us. Laging alam ang mga kilos namin, laging alam ang mga plano namin. Sa dami ng agents ng agency, hindi namin lahat ito maiimbestigahan sabay - sabay tapos may mga mission orders pang dumarating sa amin.

Napahinga ako ng malalim ng humarap ako sa salamin pagkatapos mag - shower. I have bruises all over my body particularly on my rib cage dahil ito ang tama ng bala kanina over the bulletproof vest. I tried to lift my arm up pero napangiwi lang ako. It hurts like hell.

Inis kong inalis ang tuwalyang nakabalot sa katawan ko at humugot ng boxers at pants sa bag kong naroon. Nagsuot lang ako ng t-shirt at espadrilles tapos ay dumiretso na ako sa bar ng hotel. JD has been calling me non - stop pero hindi ko sinasagot. I just want to be alone for now.

"Hennessy. Double shot," sabi ko sa bartender. Mabilis naman siyang nagsalin at iniabot iyon sa akin. I sniffed the sweet smell of the cognac and I closed my eyes. The smell brought me back to the memory of Andie and me drinking this in the apartment. Shit. I opened my eyes immediately. Kahit saan talaga, kahit kailan everything reminds me of her.

Inisang inuman ko lang ang laman ng baso at muling umorder sa bartender.

"Tim?"

I froze when I heard that name. I never use any of my cover names twice kaya sigurado akong kakilala ni Andie ang tumawag sa akin.

"Tim. Oh my god its you."

Napalunok ako at lumingon. "Piper." Shit. What is she doing here?

"Oh my god! How are you?" Halata kong masayang - masaya si Piper ng makita ako. Umupo siya sa tabi ko at nakangiting nakatingin sa akin.

"Piper. What are you doing here?" Of all people. Pinsan pa ni Andie ang nakita ko dito sa Cebu.

"I'm on a job. This is a newly built hotel in this island and my boss wanted me to stay and review the place. Review the food," nakangiti pa ring sabi niya at titig na titig sa akin. "I can't believe I'll see you again. How about you? What are you doing here?"

"Just chilling with some friends. We will travel to Bohol tomorrow," tanging sagot ko at kinuha ko ang baso na ibinigay ng bartender. Umorder din si Piper ng beer.

"Wow. So you are really a jetsetter huh? How are you? What happened to you? Bigla ka na lang umalis kina Tita Alice. They were worried kasi naiwan mo pa ang mga gamit mo doon," sabi pa niya.

"Yeah about that. Biglaan talaga. You know my job requires me to be in some places. If my boss calls kahit anong oras pa iyon, I need to go." Sagot ko. Never ending lies about myself and I am getting tired of this.

"Well, nag - alala lang si Tita. She thought she made something wrong. Iniisip pa niya baka inaway ka ni Andie," natawa pa si Piper tapos ay uminom sa hawak na beer. Maya - maya ay nanlaki ang mata na parang may naalala. "Speaking of Andie, she is getting married."

Nasamid ako sa iniinom kong cognac ng marinig ko ang sinabi ni Piper. Pumasok yata sa baga ko at ilong ko ang alak. Ang sakit. Napaubo ako ng todo.

Tawa ng tawa si Piper habang inabutan ako ng napkin dahil tumulo sa bibig ko ang alak.

"Anong nangyari?" Tawa siya ng tawa.

"Fucking cognac. Ang pait," pinilit ko lang tumawa pero ang totoo ay nabigla ako sa sinabi niya. I cleared my throat several times bago ako nagsalita ulit. "Andie? Andie is getting married? May boyfriend ba 'yun? Ang sungit 'nun, eh." I sounded casual para walang mahalata sa akin si Piper.

"Well kahit kami nagulat din. Alam ko walang boyfriend ang pinsan kong 'yon. Then one day Tito Jess came home. Imagine after five long years he just came back. Then after several days I heard that my cousin is getting married. Some guy named Marco who works with her in a bank," paliwanag pa ni Piper.

Napalunok ako at pakiramdam ko ay sasabog ang dibdib ko. So it's still that Marco.

"Sa Sunday na nga wedding nila. Simple gathering lang with family in a small resort in Laguna. Ayaw ni Andie ng bongga. Tito Jess and Tita Alice, Marco's family and some friends. If you want you can join us. You will be my plus one." Ngiting - ngiti pa sa akin si Piper.

"I need to check on my schedule but yeah. Sure. I'll go with you." Pilit na pilit ang ngiti ko sa kanya.

What the fuck is wrong with me? A - attend pa ako sa kasal ng babaeng mahal ko? I am really fucking crazy.

"Oh yeah? That's great. I am sure Tita would be thrilled kapag nakita ka. You know she likes you. Ang bait mo daw kasi. You remind her of Tito Jess. You know, I am really happy that their family is whole now. Wala ng explanation about why Tito Jess disappeared for so long. Tita Alice didn't question it anymore. She said what matters right now is their family is whole. Tapos ito pa. Ikakasal pa si Andie." Napapailing pa si Piper at halatang masayang - masaya si para sa pinsan niya. "Marco looks nice. Well na meet ko na rin naman siya. He came from a good family."

"That's good. That is good to hear. What's the name of the guy again?" Maybe this time, its about time I check who is this Marco. At least consolation sa akin na malaman kong maayos ang lalaking papakasalan ni Andie.

Napahigpit ang kapit ko sa hawak kong baso at diniretso kong ininom ang laman noon. Isipin ko lang na mapupunta sa iba si Andie, para ng pinipiraso ang puso ko. But what can I do? I chose this. I chose to leave her over this job and for her security too. She will never be safe with me.

"Ano nga ba ang full name ni Marco? Wait," dinukot ni Piper ang telepono niya at nagpindot - pindot doon. Tapos ay nagliwanag ang mukha ng makita ang hinahap. "Here. Marco Sebastian Gonzalez." Ipinakita pa sa akin ni Piper ang FB profile account ni Marco. "It was like a super whirlwind romance. I have known Andie eversince we were small and sasabihin niya sa akin kung may boyfriend siya. But this, nalaman kong ikakasal na siya agad."

Nanginginig yata ang kamay ko ng hawakan ko ang cellphone ni Piper at titig na titig ako sa litratong naroon. Marco Sebastian Gonzalez. Paulit - ulit kong binasa ang pangalan na nakasulat sa FB profile account. I know him. I know him all my life.

He is my younger brother Sebi.

—————->>>>>>

Andie's POV

"Andie, honey. Are you okay in there?"

Boses ni daddy ang naririnig ko sabay ng pagkatok sa pinto.

Mabilis kong pinahid ang mga luha ko at tiningnan ko sa salamin ang itsura ko. Mabuti na lang at magaling ang make up artist na nakuha ko kaya parang fresh pa rin ang itsura ko kahit na nga magdamag na lang akong umiiyak. Hindi halata na namumugto ang mata ko, hindi halata ang eye bags. Pati ang make up na gamit ng artist maganda din kasi hindi halatang umiiyak ako. Hindi sumasabog ang eyeliner, ang mascara.

"Daddy, wait lang lang. I am just fixing something," pagsisinungaling ko. Tumayo ako at inayos ang sarili sa harap ng salamin. Ang ganda ko sa suot kong white long gown. Inayos ng artist ang buhok ko in a romantic bun. May flower headdress din sa ulo ko. I look perfect in this outfit for this almost perfect wedding.

Almost perfect kasi hindi naman si Tim ang pakakasalan ko.

Namuo na naman ang luha ko sa mata at napahawak ako sa tiyan ko. I shouldn't be doing this. Itatali ko ang sarili ko sa taong hindi ko gusto. But Marco is saving me from a huge humiliation. Hindi ko kayang ipahiya ang magulang ko kung malaman nilang tinakbuhan ako ng nakabuntis sa akin.

"Andie," muli ay kumatok si dad kaya napilitan na akong buksan ang pinto. Nakangiti siya sa akin at tiningnan lang ako.

"Inaayos ko lang kasi 'yung damit ko," pinigil ko ang sarili kong mapapiyok.

"You are very beautiful, iha." Hinaplos pa ni daddy ang mukha ko.

"Tapos na rin ako dito. Magpapa - retouch na lang ako kay Gina ng make up ko." Nagpauna na akong lumabas ng silid.

"Andie, sweetheart." Huminto ako sa paglakad at humarap kay dad.

"What?" Pinilit kong ngumiti sa kanya.

"Are you sure about this? I mean do you really want to get married?" Seryosong tanong ni dad.

I cleared my throat before I can even say anything. Bakit kailangan pang itanong ito ni daddy? I can't turn my back now.

Tumango ako. Pigil na pigil ko ang sarili ko. Hindi ako puwedeng umiyak sa harap niya. Ayokong mag - isip siya.

"Andie, iha! Kanina ka pa hinahanap ni Marco. The ceremony is about to start," ang bilis ng hakbang ni mommy na makalapit sa akin. Inayos pa niya ang buhok ko at headdress ko. Kasunod niya si Piper.

"May inayos lang ako mommy. Let's go," kay Piper ako sumabay paglakad. Agad niya akong inalalayan kasi parang nanginginig talaga ang tuhod ko at hindi ko man lang maihakbang.

Nakita ko sa pinto ng chapel na naroon ang magulang ni Marco. Nakangiti agad sila sa akin. Last week ko lang sila na - meet ng mamanhikan sila sa bahay. Mabait naman sila. Tanggap nila ako kahit na nga nagulat din sila sa biglaang pagpapakasal namin ni Marco. Wala daw kasing nababanggit man lang sa kanila ang anak na may girlfriend kaya talagang nabigla sila. Pero masaya sila kasi nga sa kalagayan ni Marco na may malubhang sakit, tinanggap ko pa rin daw.

"Iha, ang ganda - ganda mo. Kaya siguro talagang hindi ka na pinakawalan ni Sebi," nakangiting sabi sa akin ng mommy ni Marco. Sebi ang tawag sa kanya ng parents niya. Marco Sebastian Gonzalez kasi ang totoo niyang pangalan. Natawa ako ng mapakla at napailing. Naalala ko ang pangalan ni Tim. Naalala kong sinabi niya noon na Mason Timothy Gonzalez ang pangalan niya. Pareho pa sila ng surname ni Marco. Well at least this is still a consolation. Iniwan man ako ni Tim, magiging Mrs. Gonzalez pa rin ako.

"Excited na excited si Sebi. Nagpa - appointment pa sa cardiologist niya two days ago just to make sure that he will be fine today." Sabi ng daddy ni Marco.

Hindi na ako nakasagot kasi lumapit na ang mga coordinators ng chapel na kailangan na naming mag - ready para sa processional.

"O? Smile lagi ha? Para maganda ang register sa camera," paalala ni Piper sa akin at inayos - ayos pa ang damit ko. Tapos ay lumayo siya sa akin at dinukot ang cellphone niya sa bag ng tumunog iyon. Kita ko ang frustration sa mukha niya ng mabasa ang message. "Shit." Mahinang sabi niya.

"Bakit?" Tanong ko.

"My god damn date is not coming." Napabuga pa siya at inis na napailing.

"Check out your partner. Friend ni Marco iyon,"
Sagot ko.

Umikot ang mata ni Piper. "Si Charles? Oh please. He is not my type. Masyadong presko." Tumingin sa akin si Piper ng makahulugan at ngumiti. "Si Tim ang date ko sana today. But he cannot come because of an emergency work. I just received a message from him."

"Tim?" Gusto kong makasiguro kung tama ang pangalan na narinig ko.

"Yeah. 'Yung boarder 'nyo na bigla na lang nag - MIA. Nagkita kami accidentally sa Cebu then konting kuwentuhan. Nabanggit ko nga na ikakasal ka and I invited him to come today," paliwanag pa ni Piper.

Hindi na ako nakasagot kasi tinawag na ng wedding coordinator si Piper para pumuwesto sa pila niya. Ako naman ay inayusan na naman. Pero gusto ko pang kausapin si Piper.

Nagkita sila ni Tim?

———->>>>>

Mason's POV

Pumuwesto ako sa lugar na hindi ako masyadong mapapansin ng mga tao. This affair is so intimate at talagang pamilya at close friends lang ang narito sa pagtitipon na ito. I saw my mom and my dad walking down the short aisle of the chapel. They are walking together to accompany my brother Sebi to the altar. My brother looks okay. Hindi halatang may ininda siyang sakit magmula pa ng maliliit pa kami. He was a sick kid. All his childhood life, labas - masok siya sa ospital. He was the one who wanted to join the military but he was not fit because of his heart condition kaya ako na lang ang nag - join.

But right now, he looks so healthy. Maganda ang pangangatawan niya. Maganda ang kulay niya. This is still a shock to me. Hindi ko pa rin maisip na ang Marco na pinagseselosan ko ng todo ay ang kapatid ko.

I should be happy for my brother. 'Yung sa tuwing aatakihin siya noon, akala ko ay lagi na siyang mamamatay. Hindi pa rin ako makapaniwala na naka - survive siya and ngayon ay ikakasal na sa babaeng mahal ko.

Pakiramdam ko ay sumikip ang dibdib ko ng makita mo si Andie na nakatayo sa likod ng chapel. She is wearing a simple white long gown, a headdress full of white flowers. She is also holding a simple bouquet. All about her is simplicity and I love her more for that.

She started to walk down the aisle. Everyone is looking at her. She doesn't have any veil on her face kaya kitang - kita ko ang maganda niyang mukha. She is just walking seriously. She is not smiling. No expression at all.

In my head, a different scenario is playing. Andie is walking down the aisle and I am the one waiting for her at the altar. My friends, my family are also there and sharing my happiness. I am holding her hand so tight and we are both confessing our marriage vows in front of God and in front of our families and friends.

But those are just in my head. Our happy ever after will remain forever in my head and in my heart.

"Do you Andrea Corrine Dimalanta take Marco Sebastian Gonzalez to be your lawful husband, to have and to hold, for richer or poorer, in sickness and in health, until death do you part?"

Normal lang naman ang boses ng pari para marinig ng buong chapel pero pakiramdam ko ay isinisigaw niya iyon sa buong lugar.

Hindi agad sumagot si Andie kaya kinailangan pang ulitin ng pari ang tanong nito.

I closed my eyes when I heard her say 'I do.'

I let out a sigh and look at my family gathering at the altar. They are happy. Masayang - masaya sila para sa bagong kasal.

Mabibigat ang mga paa ko habang humahakbang palayo. I should be happy for her at least she will have a normal life with my brother. Kahit kailan hindi ko maibibigay ang isang normal na buhay para sa kanya.

But I'll love Andie forever in my heart. Hindi - hindi ito mawawala.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top