• 20 •

Andie's POV

Walang may maglakas ng loob sa aming dalawa ni Marco na magsalita habang nakaharap kami kay mommy at daddy sa harap ng mesa. Ano ba ang pumasok sa isip niya at sinabi niya iyon?

"So what are your plans?" Seryosong tanong ni daddy kay Marco.

"D - daddy you know - " hindi ko naituloy ang sasabihin ko dahil mabilis na sumabat si Marco.

"I am willing to marry her." Seryoso ding sagot ni Marco.

Nanlalaki ang mata kong tumingin sa kanya.

"Marco! What the hell are you doing?" Hindi na ako nakatiis. This has to stop. Ano ba ang ginagawa niya? Alam ba niya ang pinapasok niya at kung ano - ano itong sinasabi niya sa harap ng magulang ko?

Tumingin lang siya sa akin tapos ay kay dad.

"Sir, I am willing to marry your daughter. I will be the father of her child."

What the fuck?! Mabilis akong tumayo at hinila ko sa kamay si Marco paalis sa harap ng parents ko. Pagalit ko siyang itinulak sa labas ng bahay at isinara ko ang pinto para hindi marinig nila mommy ang pag - uusapan namin.

"What the hell are you doing?" Galit na sabi ko sa kanya.

"I am helping you out," sagot niya.

"Helping? You're not helping me. You are just making the situation worse. Hindi mo nga alam kung anong problema ko," para akong batang gusto ng magpapadyak. Problema ko na nga na iniwan ako ni Tim tapos ano pa itong ginagawa ni Marco.

"You are pregnant and I guess the father ran away right?"

Hindi ako nakasagot sa sinabi niya.

Huminga ng malalim si Marco.

"Andie, I know what I am doing. I am willing to marry you para magkaroon ng tatay ang anak mo." Parang desidido si Marco sa sinasabi niya.

"Why?! Hindi ganoon kadali iyon? Huwag kang pumasok sa problema ko. Marriage is not the solution for this."

"At anong solusyon ang naiisip mo?" Kinuha ni Marco ang kamay ko at ngumiti. "Andie hindi lang ikaw ang may problemang ganyan. Everybody has. Even me. Magkakaiba lang tayo kung paano natin iha - handle ang bawat sitwasyon."

Kumunot ang noo ko sa kanya. "May mas matindi pa bang problema bukod sa problema ko? I have a child out of wedlock. The father ran away. Nagpaka - tanga ako sa lalaking iniwan din ako."

"I have congenital heart disease, Andie. I have this since when I was born. I was in and out of the hospital. I almost live there my entire childhood. My parents did everything they could so I could survive. And I did. I grew up thinking that my disease went away kasi I felt normal. I was doing everything normal. Until the last few months I am beginning to feel the symptoms again." Ngumiti ng mapakla si Marco. "The doctor said I have hypertrophic cardiomyopathy."

"What?" Hindi ko maintindihan ang mga sinasabi ni Marco pero alam ko na malubhang sakit ang sinasabi niya

"That's why I asked the bank to transfer me to Pampanga. I heard there was a good cardiologist there. He checked me and results was not good. I need a heart transplant so I could live longer."

Napabuga ako ng hangin sa narinig kong sinabi ni Marco. Heart transplant? But he looks so healthy and normal to me. Wala sa itsura niya na may ganoon siyang kalubhang sakit.

"Even if I have money hindi ganoon kadali iyon. I tried finding my luck in other countries," napailing siya at napatawa ng mapakla. "I will be on the waiting list and It's just a matter of time before this heart stops beating." Kita ko ang pamumuo ng luha sa mata ni Marco. "So you see, I just want to live, Andie. I want to live a normal life. Have a family. Have kids. Para bago man lang ako mamatay ay naranasan ko ang magkaroon ng pamilya." Tuluyang tumulo ang mga luha niya.

Hindi ko alam na tumutulo na rin ang mga luha ko.

"Magtulungan tayo. I'll help you. Aakuin ko ang anak mo. We will try to be a normal family." Punong - puno ng pangako ang bawat salita niya. "Hindi na mahalaga sa akin kung hindi mo ako mahal. Matutunan mo rin siguro iyon."

Sobrang bigat ng pakiramdam ko sa nalaman kong problema ni Marco. Awang - awa ako sa kanya. Mabait naman siyang tao pero bakit siya binigyan ng ganitong pagsubok?

Hinawakan ni Marco ang kamay ko.

"So, are you willing to marry me?"

Natagpuan ko ang sarili kong tumatango sa sinabi niya.

———————->>>>

Mason's POV

"God damn Jaime Salazar! He is such a pain in the ass!" Malakas na sigaw ni JD habang nakasandal sa isang stone wall at nagre - reload ng bala sa baril niya.

"We just need to get him alive." Sabi ko at gumanti ng putok sa mga tauhan ni Jaime na nagpapaulan ng bala sa amin.

"Shit! I thought this bust would be easy," pumutok din si JD. Nakita kong bumulagta ang isang tauhan.

"How did he know about this? This is a fucking set up. Someone tipped him off about this bust," sabi ko at muling gumanti ng putok.

Biglang bumukas ang pinto kung saan kami nagtatago ni JD. More men from our agency stormed inside. Lahat naka - full battle gear. Pinaputukan ang lahat ng mga taong bumabaril sa amin. Akala namin kaya na namin ni JD ang paghuli kay Jaime. According to our intel, mag - isa lang siya dito sa warehouse niya. Kaya talagang nabulaga kami ng pagpasok pa lang namin ay putok na ng baril ang sumalubong sa akin. JD got shot on the chest. I was shot on the ribs. Good thing we are both wearing our bulletproof vest. But the pain is still unbearable. Parang nabalian yata ako ng tadyang.

"Search the whole area. I want to get Jaime alive," utos ko sa mga tao ng agency. Hinawakan ko ang tagiliran ko at napakasakit talaga.

Medyo nabawasan na ang putukan. There is a carnage inside the house. Pumasok ako sa loob at napapailing ako sa dami ng patay na nakahandusay sa lapag. Napabuga ako ng hangin. Why do these men chose the bad side? Yes the money is easy but they will pay it with their life. Hinakbangan ko ang isang naghihingalong lalaki at naramdaman kong hinawakan niya ang paa ko. He's trying to tell me something but blood is oozing from his nose and mouth. Maya - maya lang ay bumitiw na siya sa pagkakahawak sa akin at hindi na humihinga.

Sanay na dapat ako sa ganito. For how many years in the army and in this agency, I've seen death for almost everyday. Pero nakakapagod na din. Seeing blood, brains, gun shot wounds. It is fucking scary as hell.

"Sir, we got Jaime. I repeat. We got Jaime Salazar." Narinig kong sabi sa earpiece ko.

"Secure him. Papunta na ako diyan." Mabibilis ang mga hakbang ko pababa sa bodega kung saan nahuli si Jaime. My men are pinning him
down on the table and putting zip ties on his arms.

"We got you again." Sabi ko sa kanya. Inilapag ko sa harap niya ang mga mahahabang baril na nakasabit sa katawan ko. Ang sama ng tingin sa akin ni Jaime.

"You will never get away with this. Mahuli mo man ako ngayon, after seventy-two hours makakalabas din ako. Your evidence for me was weak. Papakasuhan ko kayo sa mga abogado ko," galit na sabi ni Jaime.

Natawa ako at tumingin kay JD. Natatawa lang din siya habang alertong nakahawak sa AR-15 assault rifle na nakasukbit sa katawan niya.

"We got the fucking video. We got evidence against you. Ricky pleaded guilty of selling those drugs. Ikinanta ka na niya. He is willing to testify against you." Sabi ko sa kanya.

Nakita kong parang nataranta ang mukha ni Jaime.

"He will never do that. I paid him well!"

Ang lakas ng tawa ni JD.

"'Di inamin mo din na ikaw nga ang supplier niya. You will rot in jail, Salazar." Sabi ni JD.

"Make sure he will never get away this time," utos ko sa mga agents ko.

Marahas na itinayo si Jaime at patulak na inilalabas sa pinto.

"Hindi pa tayo tapos, Agent Gonzalez. Sinisiguro kong pagsisisihan mo 'to. I can still remember the face of that woman." Tumawa ng nakakaloko si Jaime.

Nawala ang ngiti sa labi ko at mabilis akong lumapit sa kanya at isinalya ko siya ng malakas sa pader. Napapikit sa sakit si Jaime dahil malakas na tamama ang ulo niya doon.

"I swear, if you do that again I am going to kill you. You don't threaten me. You don't threaten her." Naka - diin ang braso ko sa leeg ni Jaime. Nanlalaki ang mata niyang nakatingin sa akin at namumula ang mukha niya. Halatang hindi na siya makahinga.

"Maze. Maze," hinahawakan ako sa balikat ni JD.

Nakatingin lang ako sa mukha ni Jaime. Bahagya ng tumirik ang mata niya dahil nauubusan na siya ng hininga pero ayoko pa ring tanggalin ang braso ko sa leeg niya. If I move a little more, I can snap his neck in a second.

"Mason, man. You're killing him. Stop," marahas na akong hinila ni JD para makalayo ako kay Jaime. Malakas siyang napaubo at humihingal na naghahabol ng hininga.

"I - I am going to s - sue you!" Pinipilit magsalita ng normal ni Jaime kahit sa pagitan ng pag - ubo.

"Get him out of here!" Sigaw ni JD sa ibang mga agents. Hindi na ako makapagsalita. Hindi na ako makagalaw dahil nanginginig talaga ako sa galit. I remember that night when Jaime threatened to shoot Andie. That was the night I left her kaya mapapatay ko talaga ang Jaime na ito kung hindi ako inawat ni JD.

"What the fuck was that, Maze? You almost killed Salazar." Bulalas ni JD.

Hindi ko siya pinansin. Isa - isa kong tinatanggal sa katawan ko ang mga nakasabit na paraphernalias doon. Grenade, knives, hand guns. Pati ang baril sa ankle holster ko ay inalis ko. Tinanggal ko din ang hand gloves ko.

"Come on. Is there something you want to tell me?" Tanong pa niya.

"You can include the incident in your report if you want to. I'll face the consequences." Tanging sagot ko.

"What? Maze, what is wrong with you? Galit na galit ka. I've never seen your face like that since Afghanistan. Anong ginawa ni Salazar? And who is her? You told him, 'you don't threaten her.'"

"You are so nosy, Carbonel. Sundan mo na si Salazar. Then get back to me kung anong nangyari. I'll see you in the hotel," pabagsak kong inihagis ang suot kong bulletproof vest sa mesa at iniwan ko na siya. Naipagpasalamat kong hindi na ako sinundan pa ni JD.

Napapikit ako ng makasakay ako sa kotse. Hindi ko agad ini - start. Nanatili lang akong nakasandal sa kinauupuan ko at ilang beses akong huminga ng malalim.

I can still remember Andie's face. That night on the roofdeck. She was smiling at me. She was happy. Then that fucking red laser dot on her temple.

Talagang papatayin ko si Jaime kanina. Dumidilim na ang paningin ko. Kung hindi lang talaga ako inawat ni JD, talagang tutuluyan ko ang gagong iyon. I don't care if he sue me. My agents won't tell anything about what I did. Magmumukha lang siyang tanga.

Napabuga ako ng hangin at naihilamos ko ang palad ko sa mukha ko. I need to pull my shit together. It's been months after I left Andie. Gustong - gusto ko na ng malaman kung ano ng nangyayari sa kanya pero pigil ko pa rin ang sarili ko. Mas mabuti ng wala na akong alam tungkol sa kanya. Mas okay na ako ng ganito.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top