• 17 •

Andie's POV

Nagulat ako ng biglang mabasag ang baso sa harap namin ni Tim.  Bahagyang nagtalsikan ang mga bubog at tumapon ang tubig sa mesa.

"Oh my!  What happened to the glass?!" Gulat na gulat ako.  Kasi bakit biglang mababasag ng walang dahilan.  Tumingin ako kay Tim at seryoso lang siyng nakatingin sa akin.  'Yung itsurang seryosong nakakatakot.

"Tim are you okay?" Nag - aalala ako sa kanya kasi nag - iba talaga ang mood niya. 

"Yeah.  Yeah I am okay.  We're okay.  Do you want to go home?" Tanong niya sa akin.

"Go home?  Ngayon na?  Kakarating lang natin and hindi pa nga tayo nakaka - order ng totoong pagkain.  Puro chips pa lang ang nakakain ko. Saka sayang ang ambiance kung uuwi na agad tayo."

Ngumiti siya sa akin pero halatang - halata na pilit na pilit iyon.

"I just want to be with you privately.  Miss na kita eh."  Hinawakan niya ang kamay ko.  "Sige na.  Tara.  Uwi na tayo."

Inirapan ko siya at napailing. Makakatanggi ba ako sa gusto ng lalaking 'to?  Gusto ko rin naman ang gusto niyang mangyari.

Nag - iwan ng pera sa mesa si Tim at inalalayan akong tumayo.  Ang weird niya.  Naglalakad lang kami pero kung maka - cover sa akin parang ayaw na akong makita ng iba. 

"Hoy ano ka ba?  Sobra ka naman makaalalay," natatawang sabi ko.

"Ayoko lang may mangyaring hindi maganda sa 'yo.  Baka matapilok ka o kaya madapa.  Ayokong masaktan ka.  Kung puwede nga kitang buhatin gagawin ko, eh."

Napahalakhak na ako ng makasakay kami sa elevator.

"So uuwi na tayo?" Paniniguro.

Hinawakan niya ang mukha ko at hinalikan ako sa labi.  Wala siyang pakielam kahit na nga may cctv sa loob ng elevator.

"I love to kiss you.  I love to make love to you.  I just want to be with you Andie." Nakatitig siya sa mata ko habang sinasabi iyon.  Hinahaplos niya ang pisngi ko.

Kahit na ng makasakay kami sa sasakyan ay sobrang alert ni Tim.  Parang ang praning lang.  Medyo naging parang kalmado lang siya ng makarating kami sa bahay.  Alam ko naman na wala pa si mommy.  Wala pa rin si Piper kaya dumiretso kami sa apartment niya.

"O?  Andito na tayo.  Anong gagawin natin ngayon dito?  Wala ng city lights.  Wala ng busy streets.  Wala ng romantic candlelight dinner under the stars and moon.  Anong meron dito sa apartment mo?  Wala.  Nagkalat na gamit.  Tim, magtu - two months ka na dito pero parang hindi ka pa rin nakaka - settle.  Ang mga damit mo nasa bag pa rin.  Ang mga gamit mo hindi mo pa rin inaayos." Dire - diretso na ang monologue ko sa kanya.

Pero hindi siya sumagot sa akin.

"Do you want me to cook?  Anong gusto mo?" Tanong ko habang dinadampot ko ang ibang mga gamit niya na nasa sahig.

"Ikaw."  Sabi niya at nagulat ako ng bigla akong buhatin ni Tim at dalhin sa kama niya.

"Tim ano ba?" Natatawa ako na parang kinilig.

Nakahiga lang kami sa kama niya.  Nakatitig siya sa mukha ko at hinaplos iyon.

"You're creeping me out.  Baka malusaw na ako sa kakatitig mo," natatawang sabi ko.

"Because that's I want to do.  I can do this all night.  I love to look at your face.  I love to watch you sleep." He is caressing my face slowly.

"Stalker," natatawang sabi ko.

Marahan niya akong hinalikan.

"I love you Andie.  I love you so much and I am not going to let anything bad happen to you." Seryosong sabi niya.

"Ano naman ang mangyayari?"  Hinawakan ko din ang mukha niya.  "I love you too, Tim.  I'll love you forever."

Hindi siya sumagot.  Basta nakatingin lang siya sa akin na parang kinakabisado ang mukha ko.  Ako na ang humalik sa kanya.  Ako na ang nag - initiate na gusto kong may mangyari sa aming dalawa.  Because this is what I want.  I want Tim and I want him in my life.  Forever.

————————>>>>>>

Mason's POV

Kanina pa walang tigil ng kaka - vibrate ang telepono ko pero hindi ko iyon pinapansin.  Inilagay ko lang sa silent at pinabayaan kong mag -vibrate ng mag - vibrate sa bulsa ng pantalon ko.  I just want to cherish this moment because this is the last time that I can be with Andie.

She is sleeping soundly beside me.  Her head on top of my arms and her face buried on my neck.  I can feel her warm breath on my skin.  I can feel her nakedness on my body.  And I want to remember this moment.  Because after I leave tonight, this is what I will have.  Just a memory of her.

What happened in the roofdeck was a wake up call for me.  I was willing to turn my back to this agency just to be with her, just to have a lifetime with Andie but the fucking reality that I cannot have that normal life was right in front of me.

I've been in the agency for so long.  I gave up my family, I gave up my personal life just to serve other people.  And this time, I am giving up the woman I love just to protect her.  I have enemies at hindi ko matatanggap na dahil sa akin ay may mangyayaring masama sa kanya.

Gumalaw si Andie at bahagyang napalayo ng higa sa akin.  Tinanggal ko ang kamay kong nahihigaan niya at inayos ko ang nakasabog niyang buhok.  Hinalikan ko ang balikat niya at niyakap ko siya ng mahigpit.  I wanted to feel the warmth of her body for the last time.

"Tim, I'll sleep here tonight." She is still half asleep when she says that.

"Yes sweetheart.  Just sleep tight," pinigil ko ang sarili kong mapapiyok. 

Pinabayaan ko lang matulog si Andie.  At ng alam kong malalim na ang pagtulog niya at unti - unti akong umalis sa kama at nagbihis.  I took my phone and I have 3 missed calls from Jesus Dimalanta and 20 missed calls from JD.  Napabuntong - hininga ako.  Si JD na lang ang tinawagan ko.

"Man, I've been calling you.  Where are you?" Tonong natataranta si JD.

"In a mission." Tanging sagot ko.

"We have a problem.  Remember Jaime Salazar?  'Yung supplier ni Ricky that we nabbed a few months ago?"

"Yeah.  What about him?" Alam ko na ang sasabihin sa akin ni JD.  May hinala na ako na ang Jaime Salazar na iyon ang may kagagawan ng pananakot sa akin sa kanina.

"They got out.  Nagkaproblema ang mga evidence na iprinesent natin.  This is a fucking mess.  Lahat ng trinabaho natin sa case na 'to mawawalan ng silbi.  Baka tayo pa ang kasuhan." Sabi pa niya.

"I know.  We got the evidence JD.  You know that.  Someone is doing something to create chaos in the agency." Sagot ko.  Tiningnan ko si Andie na himbing pa rin na natutulog sa kama.

"Bakit ang tagal mong sumagot ng phone?  Dimalanta was calling you.  Kanina pa pabalik - balik dito."

"Pupuntahan ko na lang pagdating ko sa office.  Pabalik na ako ngayon."

"Okay man, see you."

Tiningnan ko lang ang telepono na hawak ko at marahang ibinaba iyon.  Isinara ko ang bag na puno ng mga personal kong gamit tapos ay lumapit ako kay Andie.

Napabuga ako ng hangin habang nakatingin sa kanya.  Literal na masakit ang dibdib ko pero kailangan ko 'tong gawin.  This is for her own good.  Sigurado akong makakalimutan din niya ako.  Mas maige ng maisip niyang masama ako dahil umalis ako ng walang paalam.  Mas maige ng maisip niyang fuck boy ako, paasa.  Gago.  Walanghiya.  Okay lang.  At least her recovery will be fast.  Masasaktan siya sa umpisa pero mabilis din niya akong makakalimutan.

Hinalikan ko siya sa noo.

"I am sorry.  I am really sorry.  I love you so much Andie." Mahinang sabi ko.

Inisang bitbitan ko lang ang maliit kong travelling bag walang kilatis na umalis doon.  I need to move kasi baka hindi ko matiis at talagang hindi na ako umalis dito.

Pakiramdam ko ay may bakal ang mga paa ko sa bawat paghakbang.  Napakabigat ng dibdib ko maisip ko lang na masasaktan ng sobra si Andie dahil dito.  Pilit ko lang iniisip na para sa kanya 'tong gagawin ko. 

Tumunog uli ang telepono ko.  It's Jesus Dimalanta this time.

"Where the hell are you?" Tonong buwisit na siya ng sagutin ko ang telepono.

"My apologies Sir.  Naka - silent kasi ang phone ko.  I gave the flowers that you told me to give to Tita Alice.  She is in a date tonight with Vinnie and -"

"Move your ass back here, Gonzalez.  I want you to pull yourself out from that mission.  Ayokong madamay ang pamilya ko sa mga tarantandong humahunting sa 'yo," seryosong sabi niya.

Hindi ako nakakibo.  Napahigpit ang hawak ko sa manibela habang nanatili akong nakatingin sa kalsada.  Ang isip ko ay na kay Andie.

"Pabalik na ako diyan Sir." Tanging sagot ko.

"Did you talk to Alice?  To Andie?"

I cleared my throat kasi parang may nakabara doon.  "No Sir.  I know my way out."

"Good.  Report to me once you get back here.  Fast." Pinatayan na niya ako ng telepono.

Nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga at malakas kong hinampas ang manibela ko.  Now I realized that living in this kind of life, I am really cursed.  Mamamatay na talaga akong nag - iisa.

——————->>>>>

Andie's POV

My phone is ringing non - stop. Ayoko pa sana sagutin pero pagmulat ko ng mata ay maliwanag na kaya napabalikwas ako ng bangon.  Noon ko naalala na dito nga pala ako nakatulog sa apartment ni Tim.  Shit!  Mabilis akong bumangon at hinanap ang telepono ko.  Bakit hindi man lang ako ginising ni Tim?  Masasakal ko ang lalaking iyon.

Agad kong hinanap ang telepono at nakita kong nakapatong sa mesa.  Si mommy ang tumatawag sa akin.

"Mom," pinakaswal ko ang boses ko.  Shit!  Siguradong magtatanong si mommy kung saan ako natulog.

"Andie, hindi ka umuwi.  Where did you sleep?  Hindi ka namin makontak ni Piper since last night," tonong nag - aalala si mommy.

"Sorry mom.  Nagkita kasi kami ni Pam and medyo nagkainuman kami so dito ako sa condo niya."  Shocks!  For the first time ay nagsisinungaling ako ng todo kay mommy!

"Ah ganoon ba?  Sana man lang tumawag ka para hindi ako nag - alala.  Sige.  See you later." Pinatayan na ako ng phone ni mommy.

Para akong nakahinga ng maluwag.  I looked around Tim's place and it is so eerily quiet.  Walang maingay na news from the tv. 

"Tim?" Lumakad ako sa sala at wala naman siya doon.  Nakakalat lang ang ibang gamit niya.  Strange, I can't feel any life here besides mine.  Parang ako lang ang tao dito.

"Tim where are you?" Kumatok ako sa cr niya pero walang sumasagot.  Umalis ba siya?  Bakit hindi man lang niya ako ginising?

Mabilis akong nagbihis at idinayal ko ang number niya.  Nagri - ring.  It is so unusual na ang dami ng ring pero hindi niya sinasagot.  Tim always answers my calls.  Sa unang ring pa nga lang ay sinasagot na niya agad kapag ako ang tumatawag.  But this time, nag - busy tone ang kabilang linya ay wala pa rin sagot.

"Saan kaya siya?" Parang sa sarili ko lang nasabi iyon.  Kumuha ako ng baso at uminom ng tubig.  I received a text from my mom.

Andie, nagsabi ba sa iyo si Tim na aalis na siya?  I just got a note from him with some money stating that this is the remaining balance of his rent.  Then a thank you note.

Nanlamig yata ang kamay ko at nabitiwan ko ang hawak kong baso.  Grabe ang kabog ng dibdib ko.

He left?

Tinawagan ko si mommy.

"Mom, he left already?" Pinigil kong gumaralgal ang boses ko.

"I don't know.  Nakita ko lang ito na nakaipit sa pinto.  I was trying to call him to confirm this but he was not answering my calls."

Napalunok ako sa sobrang kaba na nararamdaman ko.

"P - pauwi na ako mommy.  I'll see you." Nanginginig yata ang kamay ko ng pindutin ko ang end button.  Tapos ay pinindot ko ulit ang call para tawagan ulit si Tim.  Tulad kanina, ring lang ito ng ring.  Hindi ko na napigil ang luha ko.  Iniikot ko ang paningin ko sa paligid ng apartment niya.  Kabisado ko na ang mga gamit dito at nakita kong isang duffel bag ang wala.  Nabitawan ko ang hawak kong telepono at parang nanghihinang napaupo.

He left me?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top