• 16 •

Andie's POV

I am looking at my mom while she is walking in the living room to and fro.  She is wearing her best dress.  Ang ganda - ganda ni mommy.  Pormang - porma.  Tumingin ako sa relo ko and it is past five pm ng hapon.  It is Saturday kaya wala akong pasok.  Alam kong kapag ganitong araw ay may zumba si mommy ng ganitong oras at nakakapagtakang nandito siya at hindi niya suot ang zumba gear niya.

"Mom," tawag ko sa kanya. 

Pero hindi ako pansin ni mommy.  Paikot - ikot lang siya sa harap ng salamin na nandoon.  She is checking if maganda ang make up niya.  She is checking her hair, her dress.  Parang alam ko na kung saan ang lakad niya.

"Mommy," ulit ko.

This time she is looking something in her bag.  Hindi pa rin niya ako pansin.  Tumayo na ako at lumapit sa kanya.

"Hey.  Is there something wrong?" Tanong ko sa kanya.

Parang nagulat pa siya ng makita niya ako.

"Iha?!  Nandiyan ka pala.  Kanina ka pa diyan?" Tanong niya sa akin.

Natawa ako.  "Mom, kanina pa kita tinatawag.  Hindi mo ako naririnig.  Wala ka bang zumba?"

Ngumiti siya ng parang nahihiya.  "Andie, 'di ba sabi mo okay lang ako na makipag - date?"

"Yeah?  Nakipag - date ka na lang last week 'di ba?" Natatawang sagot ko.

"Kasi si Vinnie gusto niyang dumalaw dito.  Okay lang naman sa 'yo?"

"Mom it's totally fine with me.  Have fun.  Aalis na muna ako para hindi ko kayo maistorbo," natatawang sabi ko.

"You think this is okay?" Halatang nag - aalala si mommy.

"Ang alin?"

"This.  Going out.  Having dates," napahinga siya ng malalim.  "Vinnie a good friend and wala naman kaming relasyon pero he makes me happy.  He is single at the age of fifty - five."

Humalik ako sa pisngi ni mommy.

"Mom it's totally fine.  As long as you are happy and he makes you happy." Nakangiting sabi ko sa kanya.

"Okay lang kaya sa daddy mo 'to?" Alanganing tanong niya.

"Mom, dad is not coming back.  Don't feel guilty.  Have fun with your life.  He left us.  Karapatan mong sumaya." Seryosong sabi ko sa kanya.

Hinawakan ni mommy ang mukha ko.  "Huwag kang magalit sa daddy mo, please.  Maybe he has reasons why he left.  He will give us the reason maybe someday."

"It's been five years mom.  Everything is too late.  Sanay na akong wala siya."  Pinilit kong ngumiti sa kanya.

Pareho kaming napatingin sa pinto ng may kumatok.  Lihim akong napangiti kasi si Tim ang nandoon.  May dalang isang bungkos ng bulaklak at kahon ng chocolates.

"Tim, ano 'yan?  Aakyat ka ba ng ligaw sa anak ko?" Nakangiting tanong ni mommy.

Pasimple kong pinanlakihan ng mata si Tim dahil hindi ko alam 'tong plano niya na 'to.

"Okay lang ba Tita kung aakyat nga ako?" Nakangiting sagot niya.

Halos maduling na ako sa panlalaki ng mata sa kanya.  Ayoko pang sabihin ito kay mommy. 

"Aba iho, oo naman." Tumingin si mommy sa akin na nanunukso.

"Mom, we are just friends.  Nagbibiro lang 'yan si Tim." Tiningnan ko uli siya ng makahulugan.

"Yeah tita.  It was only a joke.  Friends lang kami ni Andie.  These are for you.  May nakasalubong na naman akong messenger sa labas." Sabi ni Tim sabay abot ng bulaklak at chocolates kay mommy.

"For me?" Nagtataka ang itsura ni mommy at kinuha ang note na nakalagay doon at binasa.  "From J."

"You have a secret admirer tita.  May idea ka?" Tanong ni Tim.  Kaswal siyang naupo sa sofa malapit sa akin.  Kampanteng - kampante na siya dito.

Umiling si mommy.

"Baka galing kay Vinnie?" Sabi ko.

"Who is Vinnie?" Sabat ni Tim.

"Mom's date.  Alam mo na.  Nagdadalaga si mommy," napahagikgik pa ako.

"Wow.  Kaya pala ang ganda - ganda mo ngayon tita." Komento ni Tim.

Halatang nahiya si mommy at kinuha na ang bag niya ng marinig na may pumaradang kotse sa tapat ng bahay. 

"That must be your date.  Ipakilala mo naman ako mom," sabi ko at sumilip ako sa labas.

"Soon, Andie.  Masyadong maaga pa.  At magkaibigan lang kami ni Vinnie.  Getting to know each other stage," ang ganda ng ngiti ni mommy.

"Have fun tita." Sabi ni Tim.

Kumaway lang amin si mommy at tuloy - tuloy ng lumabas.  Pareho pa kaming nakasilip sa labas ni Tim at nakita namin na sumakay sa kotse si mommy at umandar palayo ang sasakyan.

"Your mom looks happy," sa niya.

"She is.  She deserves that.  After years of heartbreak, I am glad that someone is making her happy now," sagot ko at nanatiling nakatingin sa labas.  Pagtingin ko kay Tim ay nakatitig lang siya sa mukha ko.  "What?"

"Nothing.  I just want to look at your face.  I want to memorize every inch of it." Sabi niya at kumagat labi pa.  This time ay hinahaplos na niya ang mukha ko at akma akong hahalikan.

"Stop it.  Baka dumating si Piper." Tiningnan ko ang flowers ni mommy.  "I am really happy for mom.  At least she feels worthy that someone is giving her attention."

"You want to go out?" Tanong ni Tim.

"Saan?"

"Ikaw.  Anywhere.  Where do you want to go?"

"Are you asking me out on a date?" Pinipigil ko ang ngiti ko.

"Yeah.  Masama bang i - date ko ang girlfriend ko?" He looks amused while looking at me.

"Okay.  Where are we going?" Kinikilig naman ako.

"I know a place.  Be ready in thirty minutes," sabi niya at biglang humalik sa labi ko at mabilis na umalis.

Hindi ko maipaliwanag ang saya ko at mabilis akong nagtungo sa kuwarto ko para mag - ayos.

——

"Where are we going?"

Pangatlong tanong ko na 'to kay Tim pero hindi niya ako sinasagot.  Pareho lang kaming naghihintay na makarating ang elevator na sinakyan namin sa 32nd floor ng building na pinuntahan namin.

"Tim.  Saan ba 'to?" Tanong ko ulit.

"Just relax." Natatawang sabi niya.  Nagulat pa ako ng tumunog ang elevator at bumukas.  Tumambad sa paningin ko ang malawak na roof deck.  Paglabas pa namin ng elevator ay kitang - kita ang nagkikislapang mga ilaw mula sa busy streets at high rise buildings ng Makati.

"Oh my god.  This is breathtaking," parang sa sarili ko lang sinasabi iyon habang nakatingin ako sa paligid.  Ang ganda - ganda talaga.  Clear night sky with full of stars and full bright moon.  The view is really mesmerizing. 

"Reservation for Tim Gonzalez," narinig kong sabi ni Tim sa waiter na lumapit.

"This way Sir." Sumunod kami sa waiter at dinala kami sa isang sulok na may table na naka - set up for two.  Nasa tabi kami ng gilid ng building at tanging makapal na salamin ang harang.  Mas lalong kita ang magandang view dito.  Grabe ang ambiance talagang nakapa - romantic.

"You like the place?" Tanong ni Tim sa akin.

Tumingin ako sa kanya.  "I like the place?  No.  I love this.  Grabe ang ganda.  How did you find this place?" Palinga - linga pa ako.

Ngumiti lang si Tim at nagbuklat ng hawak na menu.  "I have sources." Tanging sagot niya.  "Order ka lang ng food.  Bubusugin talaga kita ngayon kasi papagurin kita mamaya."
Malisyosong sabi niya.

Natatawang pinanlakihan ko ng mata si Tim.

——————->>>>>>

Mason's POV

Looking at Andie's face right now, her reaction when she saw the bright city light and busy streets of Makati, it was really priceless.  I know she really love this place.  And I wanted her to enjoy every moment that we are together.  Susulitin ko talaga 'to.

Kahit hanggang ngayong gabi lang.

Tinititigan ko lang si Andie habang kumakain siya at panay ang kuwento niya.  Ang cute niya talagang ngumuya.  Ang cute niya kapag ngumunguso siya.  The way her eyebrows arch everytime she is getting pissed about anything that she tells me.

I want to memorize every inch of her kasi ito na lang ang magiging kasama ko sa alaala ko when I finished this mission.  And I hate it that Dimalanta gave me the pull out order that I need to stop spying on her family. 

Sa totoo lang, ngayon lang ako nalungkot na kailangan ko ng itigil 'to.  Nasanay na akong laging kasama si Andie.  Nasanay na akong every morning at sabay kaming nagbi - breakfast.  Nasanay na akong pagdating ng gabi ay doon siya nakababad sa apartment ko.  Nasanay na ako sa parang normal na buhay.  And I missed being normal.  I missed having a life like this. 

Ngayon ko naiisip kung worth ba na isinakripisyo ko ang personal kong buhay para sa agency?  It was always about the agency first.  About those missions.  But having Andie with me, I began to question my principles.  Pumapasok sa isip ko na talikuran ang agency and just be with Andie for the rest of my life. 

At kaya kong gawin iyon. 

Andie is talking non - stop.  She has lots of opinions over anything.  Politics, religion, about her mom.  Mga chismis na nakuha niya sa bangko.  Nakakatawa.  Wala naman akong maintindihan sa mga kuwento niya.  Basta nakatitig lang ako sa mukha niya.

She was eating while telling me about something when I saw something on her head.  A red dot.  Napalunok ako at bigla ang kabog ng dibdib ko.  I know this red laser dot.  This is coming from a sniper laser scope.

Shit.  Saan galing 'to?  Nagpapalinga - linga ako.  Ayokong mataranta si Andie kapag nalaman niyang may nakatutok na baril sa kanya.  Isang kalabit lang ng kung sino man ang may gawa nito, Andie would be dead.

Doon tumunog ang telepono ko.  Unregistered number.

"Hey you have a call," sabi ni Andie.

Pinilit kong ngumiti at maging kalmado bago sinagot ang telepono.

"How's your night Agent Gonzalez?"

I can't recognize the voice.  Parang gumamit ng voice changing device ang sinumang tumatawag. 

"Who is this?" Nagkunwari ako na normal na tawag lang ang na - receive ko.

"You don't remember me?"

Shit.  And who is this?  Sa dami kong trinabaho hindi ko na maalala kung sino - sino ang mga iyon.  And I know all of those assholes has a beef on me and wanted me dead.

"What do you want?" Tiningnan ko si Andie at abala lang siya sa pagtingin sa paligid.  Kinuha pa niya ang telepono niya at kinunan ang nagkikislapang mga ilaw.  Dinukot ko ang isang telepono ko at nagsimula akong magtext kay JD.  I wanted to trace this call.

"I wouldn't do that if I were you.  It will be such a waste if I blow the head of your date."

Napalunok ako at tumingin ako sa gawi ni Andie.  She is smiling at me this time while looking at me.  The red dot is fixed on the temple area of her head. 

"Don't make any scene, Agent Gonzalez.  Just act normal.  I just want something from you."

"What?" Pigil na pigil ko ang hininga ko.  I could have just grab Andie and take her to the floor pero siguradong magkakagulo.

"I want you to clear the names of my collegues.  'Yung mga kinasuhan ng drug trafficking.  All of them.  I know where to find your date.  Don't make me blow her head next time."

Nagulat kami pareho ng Andie ng biglang mabasag ang baso sa tapat namin.

"Shit." Gulat na gulat si Andie at nanlalaki ang mata na nakatingin sa nabasag na baso.  "What happened?"

Hindi agad ako nakasagot.  Agad kong chineck si Andie at wala na ang red laser na nakatapat sa sentido niya.  Napabuga ako ng hangin.  Ang baso ang binaril ng sniper.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top