• 15 •
- pasensiya sa mga typos. Super raw 'to. Walang edit.
Andie's POV
I am checking my phone and reading the message that I got from my mom. It says on her text na gagabihin siya ng uwi dahil meron siyang date.
"Date?" Parang sa sarili ko lang nasabi 'yon.
"Who's on a date?" Tanong ni Tim sa akin.
"My mom. Well I told her she can date but who is the guy? Wala naman siyang nababanggit sa akin about this." Bina - browse ko pa talaga ang messages niya dahil baka may kasunod pa.
"You don't like your mom to move on?"
"It's fine with me. Kaya lang ang bilis lang. I just want to know who is the guy." Dinampot ko ang cup noodles na nasa harap ko.
Natawa si Tim. "Well at least your mom can have a good time. Let her be happy." Sabi niya at umayos ng upo. "So, are we going to tell this to your mom?"
Napahinto ako sa pagkain ko sa hawak kong cup noodles sa narinig kong sinabi ni Tim. Tumingin ako sa kanya at nakatutok ang tingin niya sa tv. Nanonood ng world news. It's been a month after we decided to have this relationship and gabi - gabi rin akong nakababad dito sa apartment ni Tim. Sisiguruhin kong walang makakakita sa akin na dito ako nagpupunta. Kahit na nga si Piper ay nagtatanong sa akin kung bakit daw lagi akong ginagabi umuwi galing sa trabaho. Hindi nila alam, maaga akong umuuwi at dito lang ako lagi.
Umalis ako sa pagkakasandal ko kay Tim at binitiwan ang hawak ko.
"What?" Gusto kong masiguro kung tama ba ang narinig kong sinabi niya.
Tumingin sa akin si Tim. "I was asking if we are going to tell this to your mom. She is dating so are we."
"Are we going to tell what to my mom?"
"This. About us."
Kinabahan yata ako sa narinig kong sinabi niya.
"Can we just keep it a secret? Ayokong mabigla si mommy and ayoko ding sumama ang loob ni Piper. I know she likes you," sabi ko.
Kumibit - balikat si Tim at itinuon ulit ang pansin sa panonood ng tv. Lagi naman kaming ganito kapag magkasama kami. Tambay dito sa apartment, sabay kaming magdi - dinner, I'll fix some of his things dahil hindi na matapos - tapos ang pagliligpit dito. Kahit tinutulungan ko na siya, hindi rin natatapos kasi we would end up making love on his bed. Or madalas, nakababad na manood ng tv. Tim really likes to watch the news. He wants to know what is happening around us, around the world. Siguro nga kasi dahil sa trabaho niya bilang investigative journalist.
"Ayaw mo ba ng ganito?" Tanong ko pa sa kanya.
Humiga si Tim sa sofa at umunan sa mga hita ko.
"Says who? If only we could stay like this forever." Sagot niya.
"If only? Why? Do you have plans on leaving?" Hindi ko alam kung bakit parang binundol ng kaba ang dibdib ko.
Nakita ko ang pagkalito sa mukha ni Tim at tumingin sa akin.
"Leaving? No. No. What I meant was, this. This moment right here. Right now. If only this moment could last forever." Pagtatama niya sa sinabi niya. Kinuha niya ang kamay ko at hinalikan. "I won't go anywhere."
Napahinga ako ng malalim. "Baka kasi katulad ka din ni dad. He promised to stay and yet look at us. He left without even saying why."
Hindi kumibo si Tim at itinutok ang mata sa tv. Pero halata sa kanya na bigla siyang naging stiff. Halata na biglang natensyon.
"Tim." I moved his face para tumingin siya sa akin.
"What?" Hindi siya makatingin sa akin.
"This. Us. I know we jumped into this relationship so fast. We really don't know each other. Hindi kaya nabibigla lang tayo?" Sabi ko. Kasi talagang parang sobrang bilis talaga namin. Yes I admit that I am really attracted to Tim. Physically, sexually, emotionally. Pero naiisip ko pa rin kung tama ba 'tong pinasok namin. I just met him a few weeks ago. He just came into our lives. I have trust issues dahil nga sa ginawa ni daddy pero pagdating kay Tim, sira lahat iyon. Aminado akong hindi ko pa talaga siya lubusang kilala pero hindi ko talaga mapigil ang nararamdaman ko. Every time I am with him, I feel so secured, I feel so loved. I feel so wanted. Mga bagay na hinanap ko magmula ng mawala si dad. I never felt worthless kapag kasama ko si Tim. But still, hindi ko pa rin maiwasan na hindi mag - isip.
Muli siyang bumangon at humarap sa akin.
"Do you think nabibigla lang tayo dito?" Sabi niya. Dama kong parang naiirita na siya sa tanong ko.
"I am just being realistic. Parang ang bilis lang."
"And so what? We feel the same way with each other. Bakit kailangan pa nating patagalin? Andie, I want you. I love you."
Nanlalaki ang mata kong napatingin sa kanya. Tama ba ang narinig ko? This is the first time that Tim said I love you to me. Tingin ko nga ay parang nabigla din siya tapos ay napahinga siya ng malalim.
"You know, this is the first time I said I love you to someone. I never said those words to any woman that came in my life. Those words are sacred for me. Ayoko kasing magasgas. But you made me say it." Natatawang sabi niya.
Hindi ako makasagot nakatingin lang ako sa kanya. Hinawakan niya ang mukha ko at hinalikan.
"I'll stay Andie. I promise I'll stay." Mahinang sabi niya.
Hindi ko alam kung bakit parang gusto kong umiyak. This moment right here with Tim, tama nga siya. If only we could stay like this. 'Yung kami lang.
Biglang nag - ring ang phone niya. Nakita kong J. Dimalanta ang naka - register na tumatawag. Mabilis siyang lumayo sa akin at kinuha ang telepono.
"I need to answer this. Sandali lang," tumayo siya at nagmamadaling lumabas.
Sino kaya 'yun? Pareho pa kami ng apelyido. Napahinga ako ng malalim at napangiti. I'll hold on to his promise. Pero one of this days, papayag na rin akong malaman ni mommy na si Tim ang boyfriend ko. I am sure he will be thrilled. Mukha naman bet niya si Tim.
———————>>>>>>
Tim's POV
"You need to come back to the office tonight. Something happened."
Iyon agad ang bungad ni Jesus Dimalanta sa akin.
"What happened?"
"Senator Benavidez was ambushed. Nasa Makati Med ngayon. You need to call Dale too. Pero sabihin mo sa kanya na huwag ipapaalam
sa anak ni Senator ang nangyari." Sabi pa niya.
"Is it bad?" Tanong ko pa.
"I don't know the details yet. But there were casualties from the Senator's side."
"Okay." Gusto ko ng tapusin ang usapan namin ni Jesus. Kahit kausap ko lang siya sa telepono pakiramdam ko ay sinasakal ako sa kaba. Kapag nagkaharap nga kami hindi ko yata kayang tumingin sa mukha niya.
"How's my daughter? Si Alice?" Sabi ko na. Imposibleng hindi manghingi ng update 'to.
"Sir, kakapadala ko lang ng report kanina." Sabi ko.
"I know. Pero wala doon 'yung report na gusto ko. Sabi mo may boyfriend ang anak ko. Hindi mo pa kilala?"
Nasamid yata ako sa tanong niya.
"S - sir sabi ko baka lang. Hindi pa naman sigurado na boyfriend niya."
"Pero hindi mo pa naba - background check?" Napa - palatak si Jesus. "Mukhang kinakalawang ka na, Gonzalez. Isang buwan ka na diyan hindi mo man lang na - kilatis ang pumoporma sa anak ko?"
Pakiramdam ko ay nanunuyot ang lalamunan ko at hindi ko yata kayang sumagot.
"Sir, mas importante naman alamin ko ang mga nangyayari kay Tita Alice at Andie kesa sundan ko 'yung syota ng anak mo 'di ba? Hayaan 'nyo, kapag nakuha ko ang detalye ipapadala ko agad." Iyon na lang ang sinabi ko.
"Sabagay may isang buwan ka pa diyan. Huwag ka na lang dumaan dito sa office. Dumiretso ka na doon sa ospital." Iyon lang at pinatayan na niya ako ng telepono.
Ilang beses akong napabuga ng hangin bago ako parang nakahinga ng normal. Grabe ang kabog ng dibdib ko.
Ibinulsa ko ang telepono ko at akmang aakyat na ng may tumawag sa akin. Nakilala kong si Piper iyon.
"Hi Tim. Baka hindi ka busy samahan mo naman ako tonight." Bihis na bihis siya. Seksing - seksi sa suot na white spaghetti sleeveless at tight fitting maong.
"Hi Piper. Sorry. I am about to leave too." Sagot ko at akmang aakyat na.
"Have you seen Andie? Siya kasi ang isasama ko sana ngayon. But hindi siya sumasagot sa tawag ko." Tonong naiinis na si Piper.
"I don't know. I'll go ahead Piper," at kahit may sasabihin pa si Piper ay iniwan ko na siya. Naabutan ko si Andie na nakahiga sa sofa at inip na hinihintay ako.
"Your cousin is looking for you. Isasama ka yata somewhere," sabi ko. Nagsuot ako ng pantalon at t-shirt.
"You're going somewhere?" Tanong niya sa akin.
"My boss called me. Something came up and I need to see it. Uuwi din ako agad. You call your cousin and go out with her." Isinuot ko ang cap ko at dinampot ang susi sa mesa. I kissed Andie on her lips. "Alis muna ako ha? I'll see you tomorrow okay?
Tumango lang siya pero nanatiling nakatingin sa akin.
"What?" Nakaka - ilang kasi ang tingin ni Andie. Talagang tinititigan lang niya ako.
Umiling siya at ngumiti. "I just want to memorize how you look like."
Natatawa akong lumapit ulit sa kanya at muli ko siyang hinalikan.
"Hey. I'll be back. Stop worrying over anything. Magre - report lang ako sa boss ko. What do you want when I come back?"
"Just you." Maiksing sagot niya.
"Then I'll be back before you even know it. Go have some fun with Piper. Okay? Text me anything you need." Isang halik pa at nagmamadali na akong umalis. Ayoko ng magtagal at baka maisipan ko pang hindi na lang umalis at tumabi na lang magdamag kay Andie.
Wala pang press ng dumating ako sa Makati Med. Pero naka heightened ang security at halatang may nangyayari sa loob. Mayroong mga pulis, sundalo sa labas. Naroon din ang ibang tauhan ng Agency. Dire - diretso ako kung nasaan si Senator Benavidez. Maayos naman siya. May tama ng bala pero flesh wounds lang naman. Dalawang tao niya ang namatay at ang pinaka - right hand man niya ay kinuha ng mga nang - ambush sa kanya. Napailing ako. He is good as as dead kung ganoon ang nangyari.
"Any news?" Tanong ko kay JD. "Si Dale? Did you call him?"
"I was calling him earlier but hindi sumasagot." Sagot niya.
"How's the Senator?" Tanong ko pa. Tiningnan ko ang Senador na nakaupo lang sa hospital bed at inaayos ng mga medical staff ang benda niya.
"Shaken but he can surpass this. Mas nag - aalala pa siya sa kalagayan ni Joel." Napailing - iling si JD. "I've been to the scene and it was a fucking carnage, man. Suwerte pa rin talaga si Senator at iyan lang ang tama niya. 'Yung dalawang aide niya halos hindi makilala sa dami ng tama ng bala."
Napa - tsk lang ako at kinuha ko ang telepono ko dahil nag - vibrate. Nag - text si Andie.
I'm with Piper already. Punta kami ng BGC to meet her friends.
Hindi na ako nag - reply sa kanya at ibinulsa ko na ang telepono ko. At least she's going to have fun tonight. Mas gusto ko iyon.
"Dimalanta si here." Parang anunsiyo ni JD.
Nakita kong seryosong naglalakad palapit sa amin ang ang boss namin. Kung hindi ko talaga kilala ang taong ito na may pagka - cheesy din ay talagang matatakot din ako. Napaka - authoritative ng itsura niya. Tipong kapag may inutos hindi puwedeng mabali. Siya 'yung tipo ng tao na kapag niloko mo, siguraduhin mong hindi ka na niya makikita dahil talagang tutuluyan ka niya
Napalunok ako sa naisip ko. Paano kung malaman ng boss ko na may relasyon kami ng anak niya?
Lumapit sa amin si Jesus.
"Mason, JD. Where is Dale? Alam na ba niya ito?"
Nagtinginan kami ni JD. Ako na ang sumagot.
"I just got here. I'll just call him," lumayo na ako sa kanila at tinawagan ko si Dale. Dahilan ko lang din naman iyon para makalayo kay Dimalanta. Pakiramdam ko kasi ay sinasakal ako sa tabi niya. I know it is my fucking conscience that is killing me.
Kahit tapos ko ng kausapin si Dale ay hindi pa rin ako bumabalik sa loob. Nandito lang ako sa labas ng kuwarto at nag - iisip. Jesus Dimalanta's presence brought me back to the reality. The reality that me and his daughter will never have a normal relationship because it was founded in lies and deception.
"How are you Mason?"
Hindi man ako lumingon ay kilala ko na kung sino ang nagsalita sa likuran ko. I took a deep breath and showed my most normal face to Dimalanta.
"Sir." Sabi ko ng humarap kay Jesus.
Natawa siya. "Relax. I won't ask you about my family. I know they are in good hands dahil ikaw ang nandoon."
Mapakla akong napatawa. Ramdam kong nanlalamig ang mga kamay ko.
"Are you alright? You looked tensed," puna niya.
Pinilit kong tumawa. "I am fine, Sir. Everything is good.
Napatango - tango lang si Jesus at tumingin sa kawalan.
"Are you married Gonzalez?"
Tumingin ako sa kanya at umiling. 'Tang ina, bakit bigla akong tinanong ng boss ko ng ganito? Is he sensing something?
"Girlfriend?" Dimalanta is really probing me. Bakit biglang - bigla siyang naging interesado sa lovelife ko?
Muli akong umiling.
Napahinga siya ng malalim. "Good. At least wala kang masasaktan kung darating ang panahon na kailangan mong mamili sa trabaho mo o sa minamahal mo." Tonong mag - e - emote na naman ang boss ko.
"Sir, mukhang may karga na naman kayo."
Puna ko dahil medyo amoy alak siya.
"Just a couple of shots. I was about to sleep when I got this news. I need to be here to personally check the status of the Senator."
Kaya pala matindi na naman ang emote. Tumingin ako sa phone ko at hinihintay ko ang confirmation ni Dale. Gusto ko ng umalis dito. Hindi na ako kumportable na kasama ko ang tatay ng babaeng madalas kong kasama pagtulog.
"Does Alice talks about me?" Sumulyap ako sa kanya at nakatingin naman siya sa akin.
"Sometimes Sir." Hindi ko alam kung tamang sabihin ko pa sa kanya ang sinabi sa akin ni Andie. Pero gusto niyang malaman ang ginagawa ng asawa niya. "Andie mentioned that Tita Alice is in a date tonight."
"Date?" Bahagyang tumaas ang boses niya.
Tumango ako. Tinatantiya ko ang reaksyon niya kasi baka bigla siyang magwala.
"Date," ulit niya sa sarili niya. "She's in a date." Parang ayaw niyang maniwala sa narinig niya tapos ay napailing at ngumiti ng mapakla. "That's good. That is good. At least she is having a normal life." Bahagya pa siyang umehem.
"You want me to do a background check on the guy?" Tanong ko.
Umiling siya. "No. Let them. My wife deserves happiness. She's suffered enough. I know I'll be okay to know that someone will catch her this time." Ramdam na ramdam ko ang lungkot sa boses niya.
Humarap siya sa akin at huminga ng malalim.
"Learn from my mistakes, Gonzalez. Don't make a girl fall for you if you have no intention of catching her in the end. Kasi when you see that they moved on, napakasakit. This fucking job let us choose between serving people and the ones we love. And most of the time, we sacrificed the love of our lives for they safety." Bahagyang pumiyok pa si Jesus.
Tinapik niya ako sa balikat. "I'll go ahead. Just let me know kung anong update dito." Tuloy - tuloy na siyang umalis.
Hindi ako nakasagot sa sinabi niya. Para akong natauhan sa sinabi ng boss ko. Kasi alam kong itong sa amin ni Andie ay pansamantala lang. Pero susulitin ko 'to hangga't kasama ko siya and sooner, gagawan ko ng paraan para maging maayos kami.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top