Chapter 3

Chapter 3. Compliment

"Kita na lang tayo bukas." Amanda said her last word bago magpaalam.

Naglalakad kami ngayon pauwi dahil katatapos lang ng klase ng nagpresinta siyang ihatid ako sa may kanto. Dapat ay nakasakay na siya ngayon sa sasakyan nila pero ginusto nito na samahan ako pauwi.

"Magiingat ka!" pagalala ko sa kaniya.

Ngumisi siya sa akin, "Sila dapat ang mag ingat. Bye Shia!"

Itinaas ko ang kamay ko para magpaalam sa kaniya. Tinignan ko pa siya maigi habang naglalakad palayo sa akin.

Nakarinig ako ng kaluskos sa kabila kaya napalingon ako pero nang tignan ko ang kabilang kalsada ay wala naman tao. Binalik ko ang tingin ko sa direksyon ni Amanda pero nagulat ako ng wala na siya dun.

Nagsimula na rin akong maglakad pabalik sa bahay. Ilang hakbang na rin naman at makakauwi na ako. Saglit lang para sa akin ang naging oras ko sa eskwela kahit pa inabot din ako ng anim na oras.

Masyadong nilibang ni Amanda ang utak ko kaya hindi ko namalayan na tapos na pala ang mga klase. Wala naman masyadong lecture ngayon dahil unang araw pero sigurado ako na pag nagsimula na ang pagtuturo, baka hindi na ako makausap ni Amanda.

Tanaw ko na ang bahay ni tito ng may nakita akong sasakyan na nakaparada sa tabi ng sasakyan ni tito. May bisita kami? Hindi ako nasabihan, marahil ay biglaan. Dali akong tumungo sa bahay at pumasok sa pinto.

Naabutan ko si tito na may hawak na tasa ng tsaa habang nakaupo sa sofa, nakatingin ito sa lalaking kausap niya na nakaupo rin sa sofa ngunit hindi ko makita ang itsura dahil nakatalikod ito sa akin.

Nakita kong tinignan ako ni Tito, mukhang hindi na rin siya nagulat ng makitang umuwi na ako. Ngumiti ito ng bahagya at tumayo upang salubungin ako.

"Nandito na pala ang pamangkin ko." aniya nito pagkalapit sa akin.

Tumayo ang lalaking bisita nito at dahan ang naging pagkilos niya paharap sa amin. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Heto na yata ang pinaka mabagal na segundo ng buhay ko. Bakit ba parang kinakabahan ako sa pagharap niya?

Bumagsak ang tingin ko sa sahig at napabuntong hininga. Nakita ko ang sapatos nito na nakaharap na sa direksyon namin kaya dahan dahan ko na rin inangat ang tingin ko sa bisita.

Sa puntong ito, ang tanging nais ko lamang ay tumakbo o magkulong sa kwarto. Agad kong naramdaman ang panginginig ng sistema ko at ang pagtuyo ng laway sa lalamunan ko. Naramdaman ko rin ang agarang panlalamig sa palad ko at ang pagtulo ng maputlang pawis mula sa noo ko. Bakit? Anong ginagawa niya rito? Paano niya nalaman ang bahay ko?

Lucaz Hollagan,

Napako ang mata ko sa seryosong mga titig niya. Pakiramdam ko na hindi tama ang makipagtitigan sa kaniya pero hindi ko magawang igalaw ang katawan ko. Titig na titig siya sa akin na waring hinahalukay nito ang kabuuan ng sa akin. Puno ng misteryoso ang mga titig na iyon pero pakiramdam ko ay nalulunod ako.

"Shia ang pangalan niya at nagaaral din siya sa Majesty University." biglang nagsalita si tito.

Nakahinga ako ng maluwag at nakatingin sa ibang direksyon. Mabuti na lang at napigilan ni tito ang namumuong tensyon sa titigan naming dalawa.

Pansin ko ang paggalaw ng kamay nito. Halos mapigil ko ang hininga ko ng humakbang ito. Sana uuwi na siya.

"Nakita ko nga," maikli nitong pahayag tsaka tumigil sa tapat ni Tito.

"Mauuna na ako ginoong Roberto." magalang nitong sabi sabay yuko sa harap ni tito na kinagulat ko.

Tinapik ni Tito ang balikat ni Lucaz.
"I-kamusta mo na lang ako sa kanila."

"Gagawin ko po."

Tumigil si Lucaz sa pagkakayuko at tumingin sa akin. Ewan ko pero nakaramdam ako ng kilabot sa mga tingin na 'yon. Naunang umalis si Tito at mukhang nagtungo ito sa kusina kaya kaming dalawa ang naiwan sa sala malapit sa pinto. Humakbang ako paatras para lalong mabigyan siya ng malawak na espasyo para makalabas.

Muli itong humakbang at tumigil sa harap ko na siyang kinagulat ko. Hindi ako makahinga. Kelangan kong huminga. Bakit ba ganito ang epekto ng lalaking ito sa akin?

"Breathe, Shia." malamig ngunit mabagal nitong sinabi.

Sa sinabi niyang iyon ay agad kong nailabas ang hangin na kanina ko pa pinigilan. Ilang beses rin akong huminga ng malalim para makabawi sa hangin na hindi pumasok sa katawan ko. Hindi ako nag abalang sumagot pa.

Ang akala ko ay hindi na siya magsasalita pero nagkamali pala ako. Mas lalo lang dumami ang katanungan ko tungkol sa kaniya. Nagsimula siyang maglakad paalis at nakita ko pa mula rito ang pagsakay niya sa kotse niya at ang pagalis nito. Nung nawala siya, pakiramdam ko ay parang nabunutan ako ng tinik sa dibdib.

"Just who the hell are you, woman?"

Iyon lamang ang tinanong niya ngunit paulit-ulit na iyong nag-replay sa isip ko hanggang sumapit ang gabi. Hindi ako makatulog dahil paulit ulit na sumagi sa isipan ko ang nangyari kanina, ang malamig na boses niya, ang nakakalunod niyang mga titig, ang prisensya niyang nakaka kaba— lahat ng 'yon ay hindi ko makalimutan. Totoo nga ang sinabi ni Amanda, nakakatakot siya.

Mabilis lumipas ang araw. Isang buwan na ako rito sa Majesty Falls at unti-unti na rin'g nasasanay ang mga tao sa prisensya ko. Ilang linggo na rin akong pumapasok sa school at pansin ko rin'g wala na akong epekto sa mga studyante roon.

Si Amanda pa rin ang kasa-kasama ko araw araw. Nalaman ko na wala rin naman siyang nakakasama noon at loner siya, hindi rin daw niya alam kung bakit niya ako nagustuhan na samahan pero dahil siguro iba ako sa mga babaeng nandito ay nagkasundo kami.

Naging normal ang lahat. Marami rin naman nakakatawang nangyari sa school pero madalas ay tama lang. Nagsimula na rin naman ang lecture kaya kinakaylangan ko na rin magaral.

Nagulat pa nga ako ng makitang mas tahimik pa si Amanda sa akin noong nagtuturo ang guro. Akala ko ay magiingay siya at kkwentuhan pa rin ako kahit na may nagtuturo pero mali pa rin ako. Mas mabuti ng ganoon at magkatulad kami. Pakiramdam ko, ilan na lang kami ang may pakialam pa sa pagaaral.

Maayos pa rin naman ang pakikitungo sa akin ni Tito. Mas tumulong ako sa kaniya sa gawaing bahay para kahit paano na rin ay malibang ang sarili ko. Normal ang lahat ng sa akin pero pakiramdam ko ay puno ng kalungkutan ang bayan na ito.

Inayos ko ang aking damit at tinignan ang itsura ko sa salamin. Naglagay lamang ako ng powder at pulang kulay sa labi at tsaka bumaba na ng silid. Nakita kong nakaupo si tito sa sofa habang nagbabasa ng diyaryo.

"Aalis ka na?"

"Opo,"

Ibinaba ni tiyo ang diyaryo niya at tumingin sa akin. Pinasadahan muli nito ang kasuotan ko at tumango ng nakitang walang mali sa akin.

"Kung ganoon ay mag ingat ka. Kung kinakaylangan ay magpahatid ka rin sa kaibigan mo."

"Opo, tito."

"Siya nga pala, hangga't maaari magpakilala ka bilang Shia Elizabeth, at hindi Errison."

Tumango na lamang ako at nagpaalam sa kaniya. Lumabas ako ng bahay at nagsimulang maglakad. May gaganapin na party ngayon sa paaralan at lahat ay required na pumunta. Hindi na dapat ako dadalo ngunit pinilit ako ni Amanda. Masaya raw iyon kaya dapat ay nandoon ako.

Maingay ang school ng dumating ako. Maliwanag ang paligid kahit gabi na. Maraming ilaw at maraming students na nagkakasiyahan. May umiinom ng alak at nagsasayawan sa gitna habang may malakas na musika ang maririnig sa buong lugar.

Nakita ko si Amanda na tahimik na kumakain sa lamesa. Nilapitan ko siya at hinalikan sa pisnge. Nakasuot siya ngayon ng black tube at high waste na leather skirt, at boots na itim na hanggang tuhod. Nakatali rin ang mahaba niyang buhok at may kaonting make up sa mukha niya. Parang hindi siya 'yung Amanda na kilala ko sa school.

"Hey Shia, nandito ka na pala." nakangiti niyang bati sa akin.

Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa at nakita ko agad ang pag ngiwi niya.

"Nasabi ko na ba'ng party ang pupuntahan mo at hindi simbahan?"

Nginisian ko lang siya at umupo na rin sa upuan. Nagsimula na siyang magkwento ng kung ano ano tungkol sa party na ito. Nalaman kong nagaganap ang party na ito taon taon para sa pagsisimula ng unang buwan ng klase. Students ang nagpasimuno ng mga ganitong party na hindi naman pinagbawal ng paaralan.

Tumayo kami para kumuha ng pagkain sa mahabang buffet table. Mayroong iba't ibang pagkain doon kaya agad kumalam ang sikmura ko.

Umupo rin kami agad sa pwesto namin ng matapos naming kumuha ng pagkain at inumin. Habang kumakain ay hindi pa rin maiwasan ang pagsasalita ni Amanda. Okay lang din naman dahil kahit paano ay hindi ako nabuburyo sa lugar na ito.

Pansin ko ang kanina pa pagsulyap ni Amanda sa nagsasayawan sa gitna at umiinom ng alak. Mukhang nais niya ng mag-enjoy pero hindi niya magawa dahil kasama niya ang boring na ako.

Ngumiti ako sa kaniya.
"Gusto mo ba'ng sumayaw?"

Nakita kong napahinto ito sa pagtitig at napatingin sa akin.

"H-hindi naman, bakit?"

"Mukhang nagkakasiyahan sila roon. Bakit hindi mo subukan makisaya rin doon?"

Agad nagliwanag ang mukha niya sa narinig ngunit rumehistro rin ang pagaalala sa mukha niya.

"Pero, paano ka?"

Nginitian ko lang siya at tinawanan ng kaonti. Tumingin ako sa mga taong nagsasayaw at napabuntong hininga. Binalik ko ang tingin ko kay Amanda.

"Susunod ako sayo pagtapos kong kumain."

"Sigurado ka? Okay ka lang dito?"

Tumango lang ako sa kaniya. Nakita ko naman agad ang maganda niyang ngiti kaya napangiti na rin ako. Dali dali na siyang tumakbo patungo sa gitna upang makisayaw. Habang sumasayaw ito sa gitna ay doon ko lang napagtanto na napaka sexy pala niya. Maganda ang hugis ng katawan niya at masyadong maputi ang balat niya. Siguradong marami ang maaakit na lalake sa kaniya ngayong gabi.

Binalik ko na ang tingin sa pagkain ko ngunit ganoon na lamang ang gulat ko ng may nakaupo na sa harapan ko. Kaagad kong nalunok ang laway ko at nanlamig sa malalamig niyang mga titig.

Ilang araw ko ng napapansin ang madalas na pagtitig niya sa akin. Maging si Amanda ay napansin na 'yon pero hindi ako mapakali. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman pero hindi ako komportable sa paraan ng pagtitig niya sa akin.

Dahan-dahan kong isinubo ang malambot na patatas sa bibig ko at nginuya iyon ng kinakabahan. Hindi pa rin ako sanay sa nakakakilabot niyang mga titig.

Hindi ko rin naman magawang magtanong dahil sa tuwing nagpapakita siya sa akin ay natitigilan ako. Nakakahinga lang yata ako ng maluwag kapag malayo siya sa akin.

"How's the potato?"

Halos mabilaukan ako sa tanong niya. Bakit sa dinami-rami ng maaaring itanong ay ang tungkol pa sa nginunguya ko? Pasimple akong tumingin sa kaniya at nilunok ang patatas.

"A-ayos naman,"

Hindi siya sumagot pabalik o tumango 'man lang. Nakatitig lamang siya sa mga mata ko na waring may malalim na iniisip. Ngayon ko lang natitigan ng ganito kalapit ang mukha niya. Maputla siyang tignan pero kahit ganoon ay mapula ang mga labi niya.

Kulay asul ang mga mata niya na nagpapatunay na may lahi siyang banyaga. Maganda rin ang hugis ng panga niya ganon rin ang kilay at ilong niya. Parang napaka-raming oras ng panginoon noong ginawa niya ang magandang nilalang na ito. Bawat sulok at hugis ay perpekto.

"Shia Elizabeth," malamig ang boses nito ng binanggit niya ang pangalan ko. Sinabi niya ito na parang wala lang sa kaniya.

Kinuha ko ang mango juice at ininom ito. Hindi ako makahinga. Nauuhaw ako sa nangyayari. Hindi ko namalayan na naubos ko na pala yung isang basong juice. Grabe, ano ba itong nangyayari sa akin?

"You're too thirsty," baliwala nitong sabi. "Do you want to dance?"

Nagulat ako sa tinanong nito. Pero kahit ganoon ay hindi ko magawang tumanggi. Gusto kong sabihin na ayoko pero hindi magawang gumalaw ng labi ko para tumangi. Gusto kong tanggihan ang kamay niyang naghihintay sa akin pero hindi ko magawa. Huli na ng mapagtanto kong nilagay ko na rin ang kamay ko sa palad niya at nagpatangay sa kaniya patungo sa gitna.

Hindi ko maiwasan mapatingin sa kamay niya dahil sobrang lamig nito. Pero tinignan lang niya ako na parang wala lang. Dinala niya ako sa gitna. Pinatong niya ang kamay ko sa balikat niya at hinawakan at tinaas naman niya ang kamay ko sa kabila. Mabagal ang kanta kaya naging mabagal din ang aming sayaw.

Pakiramdam ko ano 'mang oras ay malulusaw na ako sa mga titig niya. Diretso ang tingin niya sa aking mga mata na waring ako lamang ang kaniyang nakikita. Nawalan ako ng salita sa aking labi. Alam kong dapat akong magsalita pero hindi ko magawa. Isa pa, nilalamig talaga ako sa mga kamay niya.

"You're beautiful tonight, Shia."

Natigilan ako sa pag galaw pero mukhang kontrolado niya ang aking katawan dahilan para hindi ako matigil sa pagsayaw. Nanuyot ang lalamunan ko at napatitig sa magaganda niyang mata. Naramdaman ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Hindi ko alam kung dapat ba akong sumimangot sa sinabi niya o ngumiti na lang. Hindi ko rin kasi alam kung papuri ba 'yon o insulto. Pakiramdam ko, pangit ako araw araw at ngayong gabi lang ako gumanda. Teka, kelan pa ako na-conscious sa itsura ko?

"A-ang lamig ng kamay mo." wala sa sarili kong usal dito. Nakita ko ang pagtaas ng sulok ng kaniyang labi sa sinabi ko. Hindi ko alam kung bakit siya ngumisi pero hindi maganda ang pakiramdam ko sa susunod niyang sasabihin.

Tumigil siya bigla sa pagsayaw kaya napatigil na rin ako. Binitawan niya ang kamay ko at inilagay niya iyon sa gilid ng bewang ko. Nanigas ako sa ginawa niyang iyon.

Nakita ko ang paglunok niya at ang unti unti niyang paglapit sa mukha ko. Agad dumaloy ang kaba sa akin. Hindi niya ako maaaring halikan, hindi ba? Hindi ko nagawang pumikit. Gusto kong makita ang mangyayari. Tuluyan ng lumapit ng husto ang mukha niya sa mukha ko, pero noong akala kong didikit ang labi niya sa labi ko, dumiretso ang labi niya sa tenga ko na agad nagbigay nang kakaibang kiliti sa akin.

"I'm cold but you looked hot tonight, Shia."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top