Chapter 2
Chapter 2. The Hollagans
"Shia, para sayo."
Nagulat ako ng may inabot sa akin si tito na isang maliit na kahon na kulay pula. Noong una ay nagaalangan akong tanggapin ang bagay na 'yon ngunit hindi na ako hinayaan ni tito na tanggihan iyon ng buksan nito ang kahon.
Naglalaman ito ng isang kwintas na mayroong pendat na bilog. Isang simpleng bilog. Maliit lamang ang bilog na iyon at mahaba naman ang tali nito. Sinuot sa akin iyon ni tito. Hinawakan ko ang pendent ng kwintas at agad na napangiti. Napaka-ganda niya.
"Ngunit para saan naman po ito?"
"Gamit 'yan ng iyong ina noong siya ay dalaga pa. Naisip ko na ibigay sa iyo iyan dahil anak ka naman niya."
Napatango ako sa narinig. Napaka-ganda nitong pagmasdan. Nagpasalamat ako sa aking tiyuhin at tsaka inayos ang aking mga dadalhin. Sumunod ako sa kaniya palabas ng bahay.
Alas-diyes na ng umaga at ngayon ang araw na tutungo ako sa paaralan upang mag-enrol. Sumakay kami sa kotse ni tito 'tsaka ito nagmaneho. Sinabi nito sa akin na dapat ko raw kabisaduhin ang daan patungong paaralan dahil hindi raw sa lahat ng oras ay maihahatid niya ako.
Mabuti nalamang at hindi gaano kalayo ang paaralan mula sa bahay ni tito kaya hindi ganoon kahirap kabisaduhin.
Marami rin itong binilin sa akin. Huwag daw akong papansin ng mga lalaki at ang pagaaral ko lamang daw ang dapat kong atupagin. Naisip ko na hindi naman kelangan pa ang ipaalala sa akin iyon dahil wala naman akong interes sa mga lalake.
Sinabi rin nito ang tungkol sa mga makakasalamuha ko na magingat at wag agad maniniwala dahil marami raw loko-loko sa bayan na ito. Tanging pagtango lang ang nagawa ko sa buong biyahe.
"Shia," pagtawag sa akin ni tito.
Pababa na sana ako ng sasakyan ng tawagin nito ang pangalan ko kaya napalingon ako, "Tungkol sa kwintas- Mahalaga iyan sa ina mo kaya sana ay ingatan mo at kung maaari ay huwag mong tanggalin sa iyo." paalala nito sa akin.
Ngumiti ako rito saka tumango. "Makakaasa po kayo, tito."
Hindi naging mahirap sa akin ang pag e-enrol. Ilang oras lang din ang ginugol ko at natapos din naman agad ako. Kaonti lang din kasi ang estudyante ngayon sa paaralan kaya hindi ako natagalan. Naglalakad na ako ngayon pauwi sa bahay at naisip ko rin na tumulong sa gawaing bahay habang wala akong ginagawa.
Inabot lang ako ng ilang minutong paglalakad at nakarating na rin ako sa bahay. Umakyat ako sa kwarto at nagmadaling nagbihis ng pambahay. Bumaba ako at tinignan ang paligid, nagiisip kung ano ang maaari kong maitulong. Ngunit sadiyang malinis ang bahay, maging ang kusina at banyo. Halatang masinop sa gamit ang tito.
Naisip kong lumabas at tumungo sa duyan upang magpalipas oras. Mukhang wala si tito sa bahay. Inihiga ko ang katawan ko sa duyan at inugang ito. Nadismaya ako ng makalimutan kong dalhin ang libro ko. Sa susunod, dito na ako palaging magbabasa ng libro.
Madaling lumipas ang araw. Dalawang linggo na akong naninirahan dito at halos naka-bisado ko na rin ang buong bayan. Madalas akong tumungo sa downtown upang mamili ng kinakaylangan. Nagpupumilit ako kay tito na ako ang utusan sa tuwing may bibilhin ito para na rin maging pamilyar ako sa lugar at may maitulong.
Hindi naging mahirap sa akin ang buhay dito. Hindi rin naman malupit si tito kaya mas naging madali. Masaya ako dahil hindi nangyayari ang bagay na inaasahan ko. Ang akala ko pa noon ay magiging alila ako sa puder ng tito ko ngunit kabaligtaran niyon ang nangyayari.
Minsan ay ako pa ang nagmamakaawa kay tito na gumawa ng gawaing bahay, napapatawa na lang si tito sa akin sa tuwing ginagawa ko 'yon. Wala rin naman kasi akong mapagka abalahan. Mabuti na iyon at kahit papaano ay nasusuklian ko ang kabutihang pinapakita niya sa akin.
Nalaman kong singkwenta anyos na ang tito ko at siya ang panganay sa kanilang dalawa ni ina. Madalas daw silang maglaro noon dito. Nakita ko rin na madalas uminom ng alak si tito sa gabi ngunit hindi ito nagpapaka-lasing. Ginagawa niya lamang daw itong pampatulog dahil minsan ay nahihirapan siyang makatulog.
"Naayos mo na ba ang mga gamit mo?" tanong ni tito sa akin matapos nitong kumain.
Nilunok ko ang huli kong subo at tumango sa kaniya, "Opo. Handa na po ang lahat."
"Mabuti kung ganon."
Bukas ang araw ng una kong pagpasok sa eskwela. Medyo kinakabahan ako dahil wala akong idea kung sino ang mga makakasama ko. Sabi naman ni tito na wag ko raw pansinin ang paligid, magaral lamang daw ako dahil iyon ang mahalaga. Hinugasan ko ang hapagkainan at saglit na nagbasa ng libro.
Hanggang ngayon ay wala pa rin akong nakikilala sa lugar na ito maliban sa mga tinderang pinagbibilhan ko. Maayos naman ang pakikitungo nila ngunit hindi ko maiwasang mapansin ang kakaibang pagtingin nila sa akin. Iniisip kong dahil bago akong salta kaya ganoon sila makatingin sa akin.
Naalala ko noong nakaraan. Bumibili ako ng sangkap ng lulutuin ni tito para sana sa hapunan. Tahimik akong namimili ng gulay ng mapa-singhap ang tindera sa akin. Nanlaki ang mata nito na bakas ang pagkakagulat at naka-baba ang panga. Nagpabalik-balik ang tingin sa akin ng tindera at tsaka sa kwintas na suot ko.
"I-isa kang-"
Halos hindi maituloy ng tindera ang sasabihin niya dahil sa gulat. Kinuwento ko kay tito ang nangyari ngunit hindi naman siya mukhang nagulat doon. Basta umalis siya noong gabi na iyon at bumalik din matapos ang ilang minuto para magluto.
Mula noon ay palagi ko nang tinatago ang kwintas ko sa loob ng damit ko para hindi na maulit ang ganoon. Wala naman nagutos sa akin na gawin ko 'yon pero pakiramdam ko kelangan ko.
Maaga akong nagising para maghanda. Hindi pa sumisikat ang araw ng matapos ako sa pagaayos ng mga gamit. Dinala ko ang bag ko sa baba at pinatong sa sofa. Naisip kong magluto ng almusal dahil mukhang tulog pa si Tito.
May araw na ng matapos ako sa pagpprito ng itlog, hotdog at kanin, sakto ang pagbaba ni tito na mukhang kagigising. Hindi naman siya nagulat ng makita ako pero mukhang nagulat yata siya ng makitang nagluto ako.
"Pasensya na po kung nakialam ako. Gusto ko lang ipagluto kayo ng almusal."
Ngumiti lamang ito sa akin at sinabing ayos lang. Nagsimula kaming kumain at natapos din naman agad. Matapos kong hugasan ang pinagkainan ay agad kong tinignan ang oras. Trenta minuto bago magsisimula ang unang klase.
Nakasuot ako ng pink na bestida na bulaklakin na umaabot hanggang tuhod, at flat shoes na kulay puti. Napatingin si tito sa damit ko na waring inoobserbahan ito kaya bigla akong na-conscious.
"H-hindi po ba pwede ang suot ko?"
Naalala kong maka-luma nga pala ang kasuotan ng mga tao rito kaya kinabahan ko. Inisip ko kung kaylangan ko rin bang magsuot ng ganoon para makibagay sa kanila.
"Naalala ko lang ang iyong ina sa kasuotang ganiyan. Wag mo rin alalahanin kung ano ang dapat, suotin mo kung saan ka komportable." aniya nito kaya nakahinga ako ng maluwag.
Sinabi nitong hindi niya ako mahahatid dahil mayroong siyang kaylangan puntahan. Binigyan ako nito ng baon at tsaka umalis na. Habang naglalakad, napansin ko ang ilang ka-edad ko na masaya ring naglalakad patungo sa eskwela. Napangiti ako, magiging maayos din ang lahat.
Nakarating ako sa paaralan ng mas maaga pa. Muli, mali na naman ako ng inaakala. Maraming estudyante ang nakikita kong naguusap-usap sa paligid na waring nasabik makasama ang isa't isa. May iba't ibang grupo ng kababaihan at kalalakihan na masayang nagtatawanan habang naglalakad. Napailing ako. Kung ano ano kasing iniisip ko.
Para akong nanigas sa kinatatayuan ko ng sabay na naglingunan sa akin ang mga ka-edad ko. Iba't ibang reaksyon ang rumehistro sa mukha nila. Mayroong nagulat, may napataas ang kilay, may nagtataka, may nakangisi, may tumatawa at may ilang walang pakialam.
Ngumiti ako ng konti at mula noon ay nagbalik na rin sila sa kani-kanilang ginagawa. Nakahinga ako ng maluwag. Akala ko ay ibu-bully nila ako. Tahimik akong naglakad papasok sa building at agad hinanap ang unang klase ko. Noong una ay nahirapan ako, mabuti na lang ay mayroong tumulong sa akin kaya't nakarating din agad ako.
Tipikal na silid-aralan ang bumungad sa akin. Magaganda ang upuan at maayos at mukhang bagong bili ang white board sa unahan. Naghanap ako ng tamang silya sa bandang gilid at umupo roon. Iilan pa lang ang kaklase ko na narito na kinatuwa ko dahil konti lang ang tumingin sa akin.
Lumilipas ang minuto at parami rin ng parami ang estudyanteng pumapasok sa silid. May isang babae na naka braid ang buhok ang tumabi sa akin at ngumiti. Ayokong maging bastos kaya ngumiti na rin ako.
"Hi!"
"Bagong lipat ka?" mahinhin nitong tanong sa akin.
Maganda siya at maputi, matingkad din ang brown na kulay na mata niya at katulad ko ay nakasuot din siya ng bestidang kulay puti. Tinignan ko ang iba pang estudyante at nakitang hindi naman ganoon kaluma ang kasuotan nila hindi katulad ng matatandang nakikita ko sa labas.
"Ah, oo eh."
"Ako nga pala si Amanda." nakangiti nitong pagpapakilala sabay abot ng maputi nitong kamay sa akin.
Nakangiti ko iyong tinanggap at nagpakilala narin. "Ako naman si Shia."
Lumipas ang oras at natapos ang unang klase. Kinaylangan namin lumipat sa ibang silid dahil doon. Akala ko ay kaylangan ko pang hanapin ang susunod kong klase ng hinila nalang ako ni Bianca. Nalaman kong magkaklase kami sa lahat ng subject na labis kong ikinatuwa.
Marami akong nalaman sakaniya. Magkasing-edad lang kami at Hulyo naman ang kaarawan niya. Dalawa silang magkapatid at tuwing bakasyon ay nagpupunta sila sa ibang bansa. Unang kita pa lang ay halata ng galing siya sa mayamang pamilya.
Natapos ang unang dalawang klase namin at nagyaya na si Bianca na kumain. Nagpunta kami sa canteen kung saan kumakain ang marami pang estudyante. Hindi ko pinansin ang ingay at naghanap na lamang ng maayos na pwesto. Nagkataong sa gitna na lamang may bakante kaya doon kami umupo. Umalis saglit si Bianca para magorder ng pagkain namin. Nahiya ako nung sinabi niyang ililibre daw niya ako pero wala narin akong nagawa dahil mapilit siya.
Natira akong magisa at nakaupo ngayon. Hindi parin maiwasan na magtinginan sa akin ang ilang estudyante. Ang ilan pa ay narinig kong pinaguusapan ko pero ayos lang naman iyon dahil natural na sa bagong salta katulad ko ang ganitong eksena, alam kong lilipas din ang maraming araw at masasanay din sila.
Dumating si Bianca hawak ang isang tray na puno ng pagkain. Tinulungan ko siyang ilagay ang mga iyon sa lamesa. Nagkwentuhan lang kami tungkol sa ilang mga bagay at nalaman ko ring marami kaming pagkakapareha. Siguradong magkakasundo kami.
Natigilan ako ng biglang bumukas ang pinto ng canteen at pumasok duon ang tatlong matatangkad na lalake at isang babae. Puro sila mapuputi kagaya ng karamihan. Saglit na tumahimik ang buong canteen maging si Bianca at nagbalik lamang ang ingay ng sila ay makaupo. Weird.
Napatingin sa akin si Bianca ng nakangisi. "They are the Hollagans."
Nagtaka ako sa sinabi nito. Hollagans? Apelyido ba 'yan? Nasagot ang katanungan ko ng muling magsalita ito.
"Ang Hollagan ay ang pinaka-tinitingala sa bayan na ito. Sila ang pinakamayaman, pinakamalakas at maraming koneksyon. Nirerespeto ang pamilya nila sa bayan na ito at kinatatakutang kalaban."
Kaya naman pala ganoon ang inasta ng mga tao ng dumating sila. Para silang mga prinsipe at prinsesa na dumalaw sa mahirap na bayan. Lahat ay may magagandang itsura. Matitikas at bakas ang pagiging edukado.
"Steffani Hollagan, ang babae sa grupo nila at nagiisang pinsan nilang babae na narito sa Majestyc Falls. Takot ang mga babae sakaniya dahil sa galing niyang makipag away. May pagka-maldita dahil nagiisang anak."
Napatingin ako sa babaeng tinutukoy niya. Bahagya siyang napatigil ngunit kalaunan ay kumilos muli. Matingkad ang kulay pula niyang buhok na hanggang balikat. Mataray siyang tignan at halata sa itsura niya na hindi siya nagpapatalo.
"Yung nakaputing cardigan, siya naman si Wallace Hollagan. Isa rin 'yang bully dito. Pasaway at palaging gumagawa ng kalokohan."
Gwapo ang Wallace na ito pero mukhang tama si Bianca sa deskripsyon niya sa binata. Palagi itong naka-ngisi at waring inaasar si Steffani na ngayon ay nakabusangot na ang mukha.
"Yun namang nakasuot ng sombrelo na itim. Siya si Russell Hollagan. Kilala siyang siga at arogante sa bayan na ito. Kung si Wallace ay palaging gumagawa ng kalokohan, si Russell naman ay laging nagpapadalos-dalos. Sa kanilang magpipinsan, siya ang pinaka-marami ng nasaktan."
Matalim ang mga tingin ng Russell na ito. Halatang makagawa ka lang ng maikling kasalanan sa kaniya ay hindi kana niya mapapatawad. Tight ang tshirt nito kaya naman bakat ang naglalakihang niyang muscle sa braso at dibdin. Gwapo siya pero mas nakakabaliw ang kagwapuhan ng nasa gitna nila.
Napatingin ako muli kay Bianca dahil naghihintay ako sa susunod niyang ipapakilala. Saglit itong uminom ng strawberry juice.
"Yung nakaitim na polo. Siya si Lucaz Hollagan, ang kinatatakutan sa buong bayan na ito. Tahimik lang yan at bihira magsalita pero sa oras na magalit yan, magtago kana. Siya ang pinaka-matured sa kanilang magpi-pinsan at siya rin ang madalas umayos ng gusot na ginagawa ng mga pinsan niya. Matalino siya at dominante."
Sa kanilang apat, sa lalaking ito lang talaga napako ang tingin ko. Natigil ako sa pagkain ng carbonara at pinagaralan ang itsura niya. Matured na ang mukha nito ngunit kahit papaano ay bata parin. Kung si Russell ay macho, ang Lucaz na ito ay sobra pero hindi naman malaki ang katawan nito, tama lang. Seryoso rin ang mga tingin nito na waring hindi sanay sa biruan. Ewan ko pero nakaramdam ako ng takot makita lamang ang matatalim na mga tingin niya.
Biglang nagtaasan ang balahibo ko ng matalim itong tumingin ito sa mga mata ko. Hindi ako nakakilos at napako ang mata ko sa kulay asul niyang mga mata. Pakiramdam ko ay natuyuan ako ng laway lalo ng makita ko ang pagkunot ng kilay nito habang nakatingin sa akin.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top