9th Chord
CHAPTER 9
"Manong, pakibilisan po." Mas binilisan ni Manong ang takbo ng van.
Kainis naman kasi! Sinet ko naman 'yung alarm, pero hindi gumana! Kailangan ko na atang palitan 'yun!
Kasalanan 'din 'to ni Ms. G, ako pa ang napagbuntulan ng pagiging matandang dalaga niya! 'Yan tuloy kinailangan ko pang magpuyat kagabi para tapusin 'yung special project niya tungkol sa mga stocks na 'yun!
Sa susunod talaga pagtataguan ko na si Ms. Grace!
I looked at my cellphone and it's already 10:23! Malapit nang matapos ang 2nd subject ko, kaya kailangan ko ng pumasok before 10:30 para makaabot ako sa next class, may long test panama kami 'dun ngayon.
Nakita ko rin na may ilang texts si Krish saakin.
From: Krish
8:25 am
Friend! San ka na?
From: Krish
8:49 an
Gising, gising din kapag may time.
From: Krish
9:01 am
Uy! Ano ba? May balak ka bang pumasok? Ano ba nangyare?
From: Krish
9:55 am
LAUREN YEN VERGARA ALCANTARA! Gusto mo bang magkarecord sa mga teachers mo? Pumasok ka na kaya!
Sa sobrang puyat ko pati ang maingay na message tone ng cellphone ko, hindi ako nagising. Bago ko itinago 'yung phone ko, tinext ko muna si Krish na magkita na lang kami mamayang lunch dahil hindi kami classmates sa next subject ko.
"Sige Manong, thank you po!" Sabi ko nang makarating na kami sa tapat ng school at bumaba na ako ng Van.
Mabilis akong nakarating sa building naming kahit na pang 5th floor pa ang classroom ko, hindi ko rin alam kung paano akong nakarating dito ng ganun kabilis.
Dumiretso na agad ako ng classroom ko at laking pasasalamat ko nang wala pa ang professor ko.
Huminga ako ng malalim at umupo na sa bakanteng upuan sa bandang likuran.
Inilabas ko na ang libro ko para makapag-review ulit, dahil feeling ko nalaglag na sa hagdan lahat ng nireview ko kagabi sa katatakbo.
As I was reviewing my lesson, biglang may umupo sa tabi ko.
"Jarvis." Biglang lumabas sa bibig ko ang pangalan niya nang makita ko siya.
Classmate ko pala siya dito? Ba't 'di ko man lang napapansin dati?
Oh, how would I know? E hindi naman siya pumapasok.
"Himala, pumasok ka." Tinaasan ko siya ng kilay.
Nakatingin lang siya saakin, but when he was about to speak biglang dumating na yung professor namin at agad-agarang pinag-test kami na para bang my hinahabol kaming oras. Kaya no choice kaming lahat kung hindi mag-test na, kahit nakikita ko pa 'yung iba kong classmates na halatang hindi pa ata nakakapagreview.
Buong class hour, nag-focus lang ako sa pagsagot sa test, hindi ako pwedng bumagsak, kailangan mataas ang makuha ko dahil Malaki ang epekto nito sa grades ko.
As I was expecting, isa ako sa mga maagang natapos, kaya medyo naghehesitate pa akong mag-pass. Minsan talaga nagtataka ako kung bakit ang bilis kong natatapos, 'tas 'yung iba halos nasa mid-section palang sila ng test. Kaya naiisip ko na may mga mali pa sa sagot ko.
Nang naramdaman kong tumayo 'yung nasa tabi ko, tiningnan ko siya at nakita kong siya ang unang nagpass ng test paper at agad lumabas ng room.
Kumunot ang noo ko, hindi naman siya masyadong nagmamadali no?
Nag-pass na lang rin ako atsaka lumabas na ng room.
Atlast tapos na ang long test! I texted Krish na papunta na akong canteen. Sobrang gutom na 'ko kaya hindi ko na siya hihintayin kung malelate pa siya pumunta doon.
"Krish!" I waved my hand nang makita ko siyang naghahanap sa gitna ng canteen. Tumingin naman agad siya at lumapit saakin.
Buti naman at nauna siya, I really have a bad patience. I really don't like waiting.
After naming bumili ng pagkain, umupo na kami sa vacant seats at kumain.
"Hmm!" Itinaas niya ang kamay niya habang may subo siyang buko pie, as a sign na may sasabihin siya.
Linunok niya ang buko pie na nasa bibig niya, "Naibigay mo na ba 'yung letter sa parents mo?" Tanong niya.
Ibinaba ko ang kutsarang hawak ko, "Hindi pa e. Mamaya pa lang uwi nila." Tapos sumubo ako ng cheesecake.
"Oh! You still have hours to spend your free day!"
"Sira ka!"
"Eh totoo naman, kapag wala 'yung magulang mo, ang sarap sa feeling diba?" She wiggled her eye brows.
Binato ko siya ng ice mula sa naubos kong drinks.
Pero hindi umabot sakanya.
"Ayaw ko panama mawalan ng magulang noh, kahit ganun sila." Well yeah, partly true.
Rightafter we finished our food, nagpaalam si Krish na magc-cr muna raw siya.
"Hi Lauren!" Umupo sa harap ko si Jane habang may hawak siyang drinks.
"Hi!" I smiled.
"Wala kang kasama?" I asked parang lagi siyang mag-isa. But last time nakita ko naman na parang mga friends niya 'yung tumawag sakanya.
Umling siya tapos nag-sip sa drinks niya. "Ikaw?"
Sakto naman dumating si Krish kaya tumingin siya saakin ng nagtataka.
"Ah, Krish si Jane, Jane si Krish—bestfriend ko." Pakilala ko sakanila.
Mukhang hindi parin kuntento si Krish, "Friends kayo?" Tanong niya
Nagulat naman ako sa tanong ni Krish kaya pinanlakihan ko siya ng mata.
Natawa naman ng konti si Jane kaya medyo na-spill 'yung iniinom niya. "Parang." Then she grinned at me.
Tapos may inilabas si Jane sa bag niyang dalwang light pink na envelope. "Anyways, nagpunta ako dito para dito." Tapos ibinigay niya 'yung envelope saakin tapos kay Krish.
"It's my debut next Saturday!" Masayang sambit niya.
Krish and I opened the envelope and saw the events at her debut.
Malamang, birthday rin ni Jarvis.
Krish and I smelled the paper and it smells link a freshly picked rose.
"I really like scented papers!" Sabay naming sabi ni krish at nagtawanan kami. Nakita ko naman si jane na napangiti.
"I wish you two could come." She smiled, "Don't worry, marami rin tayong ibang school mates, I know hindi kayo maa-out of place." She look at me and to Krish.
Krish snorted. "Of course." Then she smirked at me, "Diba?" Tumingin siya saakin.
"So ayun, nandyan naman lahat ng details." Tumayo na siya at inayos ang bag niya, "Sana makapunta kayo. Nice meeting you Krish" Then she smiled at Krish and walk away.
"Close pala siya satin?" Sambit ni Krish hindi pa man din nakakalayo ng tuluyan si Jane.
Hinampas ko si Krish, "Ang sama mo! Friendly lang talaga siguro siya."
"Nako, baka mamaya si Jarvis lang pala ang nagpapabigay, hindi talaga siya ang may gustong mag-invite sayo, plus napilitan na bigyan ako ng invitation kasi nga no choice siya." Mahabang explanation ni Krish.
Binato ko siya ng tissue na pinahid ko sa bibig ko, agad siyang lumayo.
"Yuck! Show some sanitary Lauren Yen!" Natawa naman ako sa reaction niya dahil para siyang sinabuyan ng suka.
"Napaka-linis mo ah!" I made face at her.
The day pass like a blur, wala naman kaming tutor ni Jarvis kaya nagpasundo na rin ako kay Manong. Tutal may pupuntahan pa raw sila Ken at Krish kaya wala rin akong makakasama.
After a few minutes ng paghihintay, bumusina na 'yung van naming sa harap ko kaya sumakay na ako.
Pagkarating sa bahay, ibinaba ko lang ang gamit ko at nagpaalam kay Manang na may bibilin kukunin lang ako sa club house.
Bakit ba kasi nakalimutan ko pa 'yung guitar strap ko 'dun?
Nung papunta ako sa club house, I was walking at the path walk nang may dumaan na kotse na pa-slow down sa right side ko.
Tiningnan ko ito, at isang kulay blue and black na BMW ang kotse.
Suddenly, naalala ko 'yung time na nasa parking lot kami at nakita naming si Jane at Jarvis. It's like Jarvis' car.
Nakita kong papunta iyon sa street namin.
Dumiretso na lang ako sa club house at agad kinuha 'yung guitar strap ko sa may office doon. Buti na lang pala at naitago nila, kung hindi baka may kumuha na neto.
Ayaw ko nang bumili ulit, nakakatamad pumunta ng mall.
"Sige po salamat!" Sabi ko sa babaeng nagbigay saakin ng guitar strap ko at umalis na.
Nung malapit na ko sa bahay naming, nadaanan ko 'yung park. Naisip kong pumunta muna doon.
Wala pa naman sila Mommy kaya pwede pa akong lumabas. It's in the rules, kapag nandyan na sila, bawal nang lumabas ng bahay.
Kinuha ko lang saglit 'yung gitara ko sa bahay at tumakbo papuntang park.
Umupo na lang ako sa grass land sa ilalim ng mga puno at inayos ang gitara ko. Wala namang ganong tao. May 3 lang na bata na naglalaro sa playground at 2 mid-30's na siguro na may dalang aso.
Nagstart na akong tumugtog ng gitara at niramdam ang lamig ng hangin. Buti na lang talaga iba ang temperature dito sa subdivision namin, hindi katulad sa labas ng school, parang niluluto ka kapag ganitong oras!
"Pahiram nga," Nakita kong may nakatayo sa harap ko, tumingala ako at umupo naman siya sa tabi ko at kinuha ang gitarang hawak ko.
He started to play it, and sing. Like I'm not even beside him—watching him.
Ang ganda talaga ng boses niya..
Pero, kung nandito nga siya, malamang kanya nga 'yung dumaan na kotse kanina. And maybe he also live here.
"Dito ka nakatira?" I asked Jarvis.
But he kept playing my guitar, and I found myself singing along with him.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top