8th Chord
CHAPTER 8
"So, ano? Kamusta exit?" Tanong ko kay Jarvis habang palapit siya saakin.
Katatapos lang kasi ng exit nila. Buti naman at pumasok siya! May takot parin naman pala siyang bumagsak kahit pano.
Ibinaba niya ang gamit niya sa table, "Go see it with yourself." He smirked and gave his test paper to me confidently.
My eyes widened and I felt my jaw dropped a bit, "90%" Grabe! Konti na lang maabutan niya na grades ko!
What kind of mind does he have?
"Grabe..." All I managed to say.
Binawi niya na ulit 'yung test paper niya, "See? I can manage." Sabi pa niya at pinagalaw ang mga kilay niya.
"Tss." Inirapan ko siya.
Bakit ba kasi ayaw pa niyang tumigil sa pagpapatutor eh. Okay naman nap ala siya, wala na siyang kailangan matutunan galing saakin. Kayang kaya na niya. Kinausap ko naman si Sir Lopez, kaso parang ang naging labas sakanya, ayaw kong gawin 'yung pinapagawa niya. Kaya hinihintay ko na lang na si Jarvis ang magsabi.
"Oh, so pwede na sabihin-"
"No." He strictly said.
Napabuntong hininga ako. "Kainis." Bulong ko sa sarili ko.
Bigla na lang siyang tumayo at itinapat ang kanang kamay niya saakin, "Wait. Stay there."
Ano ako aso? Pero umupo lang ako at hinintay siyang bumalik.
Nung bumalik siya may hawak hawak siyang isang bucket of fries tapos dalawang ice cream in cone.
"Ano 'yan?" Itinuro ko 'yung dala niya.
"My treat. Because I got a high score." Inabot niya saakin yung ice cream.
Inabot ko 'yon, nakakahiya naman kung tanggihan ko, ayan na ang grasya e. "Eh okay lang naman kahit-"
"I know, and I know that you wouldn't go out with me, or to treat you somewhere. Kaya para hindi ka na makatanggi ayan." Then he starts to eat his ice cream. Tapos kumuha siya ng fries at kinain 'yon.
"Bahala ka, lagi mo na kong ililibre niyan." Biro ko.
"No prob." Tapos pilitan niyang sinubo saakin yung fries na sinaw-saw niya sa ice cream.
Pinunasan ko yung cream na nasa pisngi ko, "What the?!" It's kinda gross to eat fries with ice cream!
"Sarap noh?" Tapos kumain pa siya ng fries na may ice cream.
I chewed it, well.. It doesn't really taste that bad. As I swallowed the fries nag thumbs-up ako sakanya.
"Oh!" I raised my hand because I want to say something, kaya tumingin siya saakin.
Nilunok ko muna yung last bite ng cone at nagsalita, "Nga pala, ano meron sainyo ni Jane kahapon?" Kumunot ang noo niya.
"Kilala mo siya?" Huh? Hindi niya alam na kilala ko si Jane?
Tumango ako. "Tss." Sabi niya.
"Sa ano kasi, nung music fest tapos sa library rin, kinausap niya ako." Sabi ko.
"Ang daldal talaga."
"Ang cute nga eh."
"So ayun nga, nakita ko kayo sa parking lot, bakit kayo nagmamadali? Ano nangyare?" I don't know kung tama bang nagtanong ako ng ganun, pero basta...
Tumingin siya saakin ng mabuti na parang ineexamine at binabasa ang nasa isip ko.
"Emergency." He simply said.
I crooked my face, "Emergency?" Tanong ko.
He sighed, and when he was about to say something. Bigla na lang may nanghatak saakin sa gilid, "Hi Jarvis! Sorry ha! Emergency lang. Bye!" Tapos tuluyan na akong hinatak ni Krish kasama ang mga gamit ko.
"Uy! Ano ba! Nag-uusap pa kami oh!" Sabi ko at pinipilit alisin 'yung kamay niya sa braso ko dahil kinakaladkad na niya ako.
"Uy teka!" Tapos inayos ko 'yung lakad ko.
Huminto kami sa tapat ng building. "Ano ba meron?"
Humawak siya sa dibdib niya na parang pagod na pagod, "Eh kasi, kailangan na natin gumawa ng excuse letter mo para sa Music Camp." She wiggled her eye brows.
"Kasali ka?" Tumaas ang kilay ko.
"Oo naman noh! Kasali kami nila Ken as a band! Oh dibaaaa!"
Nang makarating kami sa rooftop ng building, inilabas na niya 'yung mga papel at ballpen niya tapos ang laptop niya.
"Teka, sigurado ka ba sa gagawin natin? Paano kung mahalata nila Mommy?"
Bigla siyang may kinuha sa bag niya at iwinagayway sa mukha ko 'yung papel, "Trust me." Then she winked.
'Yung papel ay isang parent's consent na sabi niya ay naitabi niyang consent nung 2nd year kami.
"Oh eh ano naman ilalagay natin? School fair? Tour?" Tanong ko habang kinokopya niya na sa laptop niya yung nakasulat na intro sa consent.
"Edi OJT para makatotohanan. Diba?" She winked.
Well, tama nga naman, na kung OJT, hindi na aangal sila Mommy, but baka magtaka sila kapag OJT ko na talaga.
"Eh paano 'yun? Kapag OJT na talaga anong sasabihin ko?"
"Edi sabihin mo dalawang beses kasi may hindi ka kamo natake!"
Pwede rin... Sana naman wag nila iinsist na sa Company ako mag-OJT. Please. Kahit saan. Wag lang sakanila.
Pagkatapos naming gawin 'yung letter, sinabihan na ako ng instructions ni Krish, dahil alam naman daw niyang masyado daw akong mahina sa taktiks pagdating sa pagundercover. Kaya ayun, sabi niya since mamaya pang gabi uuwi sila Mommy galing France, idaan ko daw kila Krish yung guitar ko sakanila para damit na lang ang kailangan kong dalin sa day ng Music camp. Baka daw kasi magtaka sila Mommy kung ba't ako may dalang gitara eh mag o-OJT ako.
"Okay! All settled! Tara kain muna tayo!" Bago kami bumaba, naisip ko si Jarvis. At yung sa may parking lot kahapon.
"Ano 'yung sabi mo nung sa parking lot? "Yung lola kamo nila ang dahilan?" Tanong ko kay Krish nang makababa na kami sa rooftop.
"Ahh, hindi ko sure eh, nalaman ko lang sa tabi-tabi. Sabi nila ulila daw sila Jarvis, tapos 'yung lola lang nila nagaalaga sakanila. Eh siguro nagkasakit?" Nagkibit balikat si Krish tapos hinatak niya na ako papuntang canteen.
After naming kumain, iniwan nanaman ako ni Krish, dahil may family dinner daw sila kaya kailangan niyang umuwi ng maaga.
Kaya ako nagpunta na lang muna ako sa oval para magbasa ng libro. As I sat on the highest floor of the grand stand. May tumabi saakin.
Nakatingin lang siya sa malayo, habang magkatalikop 'yung dalawa niyang kamay.
Pinilit kong wag na lang muna siyang pansinin, at magbasa na lang ng libro. Kelangan kong tapusin 'tong libro na 'to. Sobrang tagal ko na 'tong nabili, hindi ko parin nakakalahati.
"You know what? Life is unfair." Nagulat ako bigla siyang nagsalita after the long stamp of silence.
Hindi ako nagsalita, hinayaan ko lang siya. I'm just waiting for him to say another statement. Sometimes, you just have to listen.
"Sabi nila, you'll get what you deserve. Pero bakit hindi 'yun ang nangyayari?" Napahilamos siya sa mukha niya.
Ano ba problema niya?
Change of moods nanaman. Kaninang kumakain kami okay na okay siya. Ngayon sobrang problemado niya. Para bang kasing laki ng oval sa harap naming ang problema niya.
"Why can't it be fair for all of us?" Isinara ko ang libro ko at napabuntong hininga.
Yeah... why can't it be fair for all of us?
"Maybe life isn't unfair at all," Tumingin ako sa malayo. Nararamdaman kong lumingon siya saakin.
At dumaan nanaman ang mahabang katahimikan. Kami lang kasi ang nandito, siguro lahat sila nasa gym, dahil may laban ng basketball ang school naming ngayon. Since wala naman akong pakielam. Nandito ako.
It's like he's waiting me to continue what I'm saying. "Maybe, people are." I continued.
Tumingin ako sakaniya, at umiling siya. "No," sagot niya.
"Kasi, tayo rin naman ang nagdedesisyon ng mga gagawin natin, if we choose the right way, or the wrong way. If we chose to be fair or not. We are just making life unfair. Because at first, we are the ones who are unfair." I explained.
I know, kahit ano pa 'yung pinagdadaanan niya... somewhat, may tulad sakin, because my life sucks, and unfair. But my parents are the real unfair ones. They're the reason why I can't make decisions on my own. They're unfair to me, that's why my life is unfair. I didn't get to follow my dreams.... My passion.
"Maybe... maybe they are really unfair." I can feel the pain from his words.
"Pero sabi nga nila, if life gives you a lemon, make a lemon ade." Sabi ko at binuklat ulit 'yung librong binabasa ko kung tama ba ang sinabi ko.
Buti naman at tama.
Tumingin siya saakin at tumingin ako sakaniya. Hinawi ko 'yung ibang mga strands ng buhok na nililipad ng hangin sa mukha ko.
Then he spoke, "When life fucks you up, fuck it up." He leaned closer. And closer. And closer.
I can feel his breath now, he was looking all over my face. And again, I kept swimming at his deep brown eyes, so I won't be drowned. I can't breathe normally, he's so near. Parang hindi na ata ako humihinga.
Hindi ako pumikit. Alam kong hindi niya naman ako hahalikan. He was just testing...something..I don't know.
Tapos lumapit pa siya ng konti, as in isang pitik na lang magkakahalikan na kami. Tapos tumayo siya, kaya nakahinga ako ng maluwag.
"You should wash your face more often." He smirked.
What?! Hinawakan ko ang mukha ko, at kinapa kung may dumi ba. Kinuha ko 'yung phone ko para tingnan ang sarili ko. Wala naman ah?
Tapos finocus ko sa mata ko 'yung tingin ko, then.... Ugh! It's already afternoon! Why do morning glories show up this late?!
"Jar-" I was about to speak to him again, pero nakita ko siyang nasa baba na ng grandstand at naglalakad palayo.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top