7th Chord

CHAPTER 7


It's Monday again and I don't feel like going up. Sobrang tinatamad pa akong pumasok. Parang hinahatak lang ako ng bed ko kapag pinipilit kong bumangon. Kahit yung mga mata ko ayaw din makisama, ayaw nilang bumukas ng tuluyan.

Kasi naman, andaming pinapagawa ng Prof namin. Malapit na ang presentation namin ng final requirement, at kagabi ko lang tinapos 'yung soft copy ng documents. Kaya ngayon sobrang bangag pa ako.

Narinig kong may kumakatok, pero hindi ako sumagot. Pinilit ko na lang tumayo at naglakad papuntang banyo.

I heard manang called me, akala niya siguro nakalimutan ko nanaman na Monday na. There's this one time, na hanggang tanghali tulog ako, dahil ni hindi man lang ako nakapag-alarm. Akala ni Manang, wala akong pasok. Kaya ayun absent ako sa first 3 subjects. Buti na lang at hindi nakarating kila Mommy.

Pagkatapos kong gumayak binilisan ko na lang kumain bago pa ko ma-late sa school.

"Sila Mommy po?" Tanong ko kay Manang.

Himala, at maaga silang umalis.

"Maagang umalis, may business trip daw." Sagot ni Manang.

Nothing much to say. Kahit naman nandito sia, parang wala lang din. Kakausapin lang nila ako kapag pagagalitan o kapag may itatanong tungkol sa studes ko.

"Sige po Manang mauna na ko." Sabi ko at madaling kinuha ang gamit ko at umalis na ng bahay.

Pagkarating ko sa school agad akong sinalubong ni Krish which made me smile. She really waited for me at the front gate!

"Lauren Yen!!!" She hugged me tight, and I did the same.

"I miss you!" Sabi ko at tiningnan siya mula ulo hanggang paa.

Nakita kong may dala siya isang paper bag, "Oh ano yan?" Tanong ko habang papunta kami sa bulding.

"Para sa'yo 'to. Oh!" Binigay niya yung paper bag na may laman na t-shirt, pasalubongs, atsaka keychains. "Oh ano? Ano nangyare sa'yo nung wala ako?"

"Wala. Loner."

Hinampas niya ako sa balikat. Sadista talaga.

"Sabi ko sa'yo chance mon a 'yun para maghanap ng ibang friends eh!"

"Pinapamigay mo na ba ako?" Makapagsalita to, kala mong ayaw na akong maging kaibigan kaya nirereto ako sa iba.

"Ay nako Lauren, hindi naman sa ganon! O siya sige tara na, male-late pa tayo. Mamaya na tayo magchikahan!" Sabi niya at pumasok na kami sa first class naming.

The classes passed like a blur. 'Di ko namalayan na uwian na. I was just waiting for Kirsh dahil may last class pa siya.

And speaking of Krisha Mae, she popped up in my cellphone.

From: Krisha Mae

Friend! Sorry! May group meeting pa kami sa OC! Wag mo na akong hintayin, baka mapagalitan ka pa. See 'ya tomorrow:*

Nagreply ako sakanya na okay lang, tutal may tutor session pa kami ni Jarvis ngayon. Hinihintay ko lang siyang dumating dito sa Science Park. Dito ang usapan naming nung Friday.

It's already 3:25 pero wala parin siya. 3 o'clock ang usapan namin.

I look around and all I saw is Jane.

So I called her, "Jane!" Kumaway ako sakanya. Hindi naman siya ganon kalayuan kaya nakita niya rin ako kaagad. Although tumingin pa siya sa gilid at likod niya kung siya ba talaga ang tinawag ko.

Kaya sumenyas ako na pumunta siya rito.

"Hi ate Lauren!" She blissfully said. Para siyang pinaglihi kay Jollibee sa sobrang masiyahin.

"Lauren na lang." I smiled back.

Umupo siya sa tapat ko kaya umupo na rin ako.

"Nasaan si Jarvis?" I asked.

For sure alam niya kung nasaan 'yun, kanina kasi wala ananman siya sa classroom nila. It means hindi nanaman siya umattend ng classes.

"Hindi ba pumasok?" Nagtatakang tanong niya.

Umiling ako,"Pinuntahan ko siya kanina sa class niya, pero wala siya 'dun eh."

"Ah. Baka may inasikaso lang?" She said, not really sure of what she's saying.

Kumunot ang noo ko. "Hindi mo talaga alam kung nasaan siya?"

Umiling siya ng unti-unti.

"Itututor ko sana siya eh. Malapit na 'yung pre-tests."

"Saan ba siya nagpupunta at lagi siyang hindi pumapasok?" I asked out. Baka siya masagot niya ng matino 'tong tanong na 'to.

As if on cue, biglang may tumawag sakanya. I think friends niya 'yun.

Sumenyas siya ng 'wait' at kinuha ang mga gamit niya.

"Busy kasing tao 'yun eh. Daming agenda!" Sabi niya habang inaayos 'yung bag niya.

Tinitingnan ko lang siya mag-ayos.

Busy? Busy at what?

"Sige Lauren," She assured calling me by my name, "Mauna na ko ha?" She smiled

I smiled back and saw her friends at the near right waiting.

"Bye!" I waved my hand.

Tiningnan ko 'yung form ni Jarvis at kinuha doon ang number niya.

Bakit ngayon ko lang 'to naisip?

Kinuha ko 'yong phone ko at minessage siya kung nasaan ba siya.

After that he immediately replied. Parang wala pa atang 1 minute nung sinend ko yung text ko.

From: Jarvis

Look to your 4 o'clock.

What?

Anong 4 o'clock?

I was trying to think what's his text all about, then I saw him infront of me.

"Oh saan ka ba galing? Kanina pa ako naghihintay sa'yo ditto. Hindi ka nanaman pumasok."

But instead, he just sat infront of me, "Ang talino mo pa naman di mo alam ang 4 o'clock." Is he insulting me?

Inirapan ko lang siya. Then I realized where he came from, nasa gawing likuran ko siya. And 4 o'clock direction nga. So stupid.

"Oh ano saan ka nga nanggaling?" Tanong ko.

"May inasikaso lang." Tapos kinuha niya yung isang libro sa table at binuklat ito.

Bakit ba kasi 'di na lang siya mag home-schooling kung busy siya? Mukhang afford naman nila.

So we started our lesson. As always, nakakasagot naman siya, at alam na alam naman na niya ang gagawin.

"Oy alam mo naman na pala. Baka pwedeng sabihin mo na kay Sir na okay ka na at hindi mo na kailangan ng tutor?" Nagaaksaya lang kami ng panahon.

Pero hindi nanaman niya ako sinagot, "Sasama ka sa music camp?" He asked.

Oo nga. Next week na 'yun, hindi pa ako nakakapagpaalam.

"Hindi ko pa alam." Sagot ko.

"Parang hindi." Dagdag ko pa.

"Masaya 'dun. Sumama ka." He said, tumingin ako sakanya. 

  "Parang hindi." Dagdag ko pa. And we were like gazing at each other for a moment. I can't read what message he were saying with his look. Hindi ko mabasa ang emotion niya.

Tapos umiwas siya ng tingin. "You should be there. You deserve it." Sabi niya habang tinitingnan ako mag-ayos ng libro.

"You'll miss the most special event for musicians, kapag hindi ka nagpunta. Kung gusto, may paraan." He smiled a bit. Lagi na lang siyang ganito, he always encourage me to join something. Hindi ko alam kung tinutulungan niya ba ako o talagang trabaho niya magengganyo ng mga studyante, since kasama siya sa Music Organization.

Yeah, I know I should be there, kasi gusto ko rin. Ang problema, hindi ko pa alam kung anong excuse ang sasabihin ko kila Mommy, at baka mamaya malaman nanaman nila. Patay nanaman ako.

Bigla naman nag-ring 'yung phone ko at nakitang si Krish 'yon.

"Hello?" Sagot ko.

"Lauren! Labas ka na sa parking lot! Cancelled ang meeting! Hahatid tayo ni Ken sa Retro!" hanggang phone talaga sinisigawan niya ako. Buti na lang talaga at wala sila Mommy ngayon, kaya makakagala pa ako bago umuwi.

"O'sige, tapos na rin naman ako. Papunta na ako. Bye!" At ibinaba ko na ang phone. Buti naman at makakaalis na ako.

Ako naman ngayon ang mang-iiwan sakanya. Quota na siya saakin eh, lagi na lang niya akong iniiwan kapag nag-uusap kami.

Napalingon ako sakanya, "Aalis ka na?"

Tumango ako, "Sige mauna na ako. Bye!" Tapos umalis na ako. Pero nararamdaman ko, at alam kong nakatingin parin siya saakin.

I don't know, I just can see it in my peripheral view.

Nasa parking lot na ako kasama si Krish, we were just waiting for Ken dahil may naiwan daw siya sa room nila.

Nang biglang nakita ko siya Jane at Jarvis na nagmamadaling tumatakbo papunta dito sa parking lot. It's like they're catching for an urgent meeting. 

Kumunot ang noo ko, "Uy si Jarvis oh!" Sabi ni Krish na nasa tabi ko.

I saw them rushing to Jarvis' car. Sinundan ko lang sila ng tingin. Nakita kong napalingon  si Jarvis saakin pero 'di nagtagal, binawi rin niya ito, sumakay na sila sa kotse niya at madaling pinatakbo ito.

"Ano kaya nangyare 'dun?" Tanong ni Krish.

I shrugged. "Ewan ko ba! Kanina okay lang naman yung dalawa na 'yun." Naalala ko tuloy 'yung nangyari sa library, nung biglang umalis si Jane dahil tinawagan siya ni Jarvis, emergency daw.

I wonder kung anong meron sa magkapatid na 'yun at lagi na lang may emergency.

"Siguro 'yung lola nila." Napalingon ako kay Krish sa sinabi niya.

Anong lola?

I was about to ask something,but then Ken came.

"Tara na?" Tapos sumakay na kami sa kotse niya at umalis.


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top