5th chord
CHAPTER 5
Ilang araw na ang nakalipas simula nung nalaman kong isa ako sa nanalo sa auditions, pero hanggang ngayon, pakiramdam ko hindi totoo ang mga nangyari.
'Yung pagperform ko sa stage successfully..
Yung pagkapanalo ko.
It's all surreal!
Hindi ako sanay na may mga pumapansin sakin lagi, at pinaguusapan ako ng ibang studyante. And I can't help but be shocked nung nakita ko pa ang banner ng mga nanalo sa music fest sa harap ng building namin. Nakakhiya!
I'm on my way now to the music hall, kung saan pinatawag ang mga nanalo sa auditions. Magkakaroon daw ng meeting.
At last naisipan din nilang gamitin ang music hall for purposes.
Nang pumasok ako sa hall, may iilang tao nang nandoon, lahat sila ay lumingon saakin nung pumasok ako, kaya nginitian ko silang lahat. Buti na lang at hindi ako late!
Sakto namang pagkaupo ko ay may dumating na lalaking nakascarf kahit napaka-init ng temperature ditto sa Pilipinas kasama ang dalawang babae na palagay ko ay assistant niya.
He clapped three times while walking towards us, "Everybody here?" matinis na sabi niya.
Nagtinginan kaming mga nakaupo.
Mukhang kumpleto naman na kami, late pa pala ako dumating 'non. Kasi naman may test pa kami kanina, kaya kelan ko munang tapusin 'yon bago ako pumunta dito.
May tiningnan siya sa papel na binigay nung isang babaeng kasama niya at tinawag niya kami isa-isa.
"So, everybody is present." Sabi niya at ibinigay muli ang papel sa babae.
"I am Christopher John Flores, the Vice president of the Music Star." He said using his very low voice to sound like a man. His english is fluent like I was expecting.
"But you SHOULD just call me, CJ!" Then he used his female voice in those words. He emphasize the word "Should". In fairness babaeng babae nga ang boses niya.
Napansin ko yung iba kong kasama ay nagpipigil rin ng tawa tulad ko. Yung tipong masungit siya in a way na joker rin, kaso mahirap tumawa baka tarayan kami.
"Anyways, you are all here," umikot siya at tinuro kaming lahat. "Because I have an important announcement to make." He smiled at nakita kong pumitik ang pinky finger niya.
"After all of you won the auditions, syempre kelangan niyo ma-train for the next level. Kaya you are all invited for the Music Camp in the very beautiful, very fresh and very nature loving Batanes!" Lahat kami ay nagulat sa sinabi niya.
Is this the first time? Na magpadala sila sa Music Camp? Kilala ang Music camp sa isa sa mga prestigious event na ginaganap kasama ang iba't-ibang mga recording company para kumuha ng next stars nila. Not only for the training. This is a big opportunity for all of us!
"Yea, yea. Isn't it great? Huh?" He clapped again.
OMG. This is great.
But..
Batanes? Music camp?
Imbis na maging excited ako, kinabahan pa ako. Hindi ko alam kung papayagan ako dito, at ano naman ang gagawing kong excuse? For sure sesermonan lang nila ako kapag nalaman nila na pupunta akong Batanes and just for Music camp.
Biglang nagtinginan lahat saakin nung may tumunog. I widened my eyes nang makitang tumatawag si Mama saakin.
"Excuse me," I said then rushed to leave the room.
Buti na lang at walang masyadong tao sa labas kaya naman hindi maingay.
"Hello po Ma?" My heart is already pounding. Ano nanaman ba?
I heard her on the other line, "I'll call you later, and cancel the next meeting." So nasa office siya ngayon.
What's up? Para tumawag siya ng ganitong oras at nasa office pa siya? Ayaw niyang naabala siya, but yet, siya pa ang tumawag.
Mas lalo pa kong kinabahan nang sumagot siya. "Lauren," I heard her sighed.
"Kailan ka pang natutong sumuway sa magulang mo?" And with that, hindi ko na napigilan. My knees shaked, my lips tremble, and my eyes are warning me. My heart pounds. How did she knew?
"Mahirap bang sundin ang mga utos namin?" Yes. She's calm yet I know she's on fire.
"Ganun na ba kahirap mag-aral lang? Ayaw mo na ba mag-aral ha?!" I can't help it. Hindi ko na kaya.
I held my breath for a second, "For at least once Ma, ngayon ko lang sinunod ang gusto ko. Did I disappoint you? Well, I'm sorry, pero kayo rin, everytime, every minute of my life, you disappoint me. Ni hindi niyo kinoconsider ang mga gusto ko, hindi-"
"Oh, when did you learn to answer your Mom like that?! Dahil ba diyan sa lintek mong music ha?! Diyan mo ba natutunan na sumuway at sumagot sa magulang mo?!" Napaupo ako sa sulok ng pader at napapunas sa mukha ko. Sobrang sakit. Sobrang sakit na. Hindi ko na alam kung saan ako lalagay.
Bakit ba kailangang mangyari 'to?
Bakit ba lagi na alang ako yung mali?
Masama bang paminsan-minsan sundin ko naman kung ano yung gusto ko?
"You are going to quit that Music shit. And you're going to focus on your studies. You know me and your Dad Lauren. Fix your life." At binabaan niya na ako.
Fix my life? My life is already in pieces because of them.
Binaba ko unti-unti ang cellphone ko. Nakita kong may mga nakatingin saakin, kaya naglakad ako palayo. Tuloy tuloy paring umaagos ang luha ko. Hindi ko alam ang gagawin ko, hindi ko alam kung saan ako pupunta. May klase pa si Krish kaya hindi ko siya pwede tawagan. Hanggang sa napaupo na lang ako sa grass land sa kung saan. Ibinagsak ko ang bag ko at dumukdok sa tuhod ko.
Lagi na lang ganito.
Nakakasakal na.
I hate this life!
Parang pinipiga yung puso ko sa sakit, sa tuwing pinapagalitan nila ko, ganito nararamdaman ko.
Bakit ba hindi nila matanggap na ayaw ko sa mga pinapagawa nila? Manhid ba sila?
They'll say it's for the best. Oh please.
The best? The best ba yung halos ikulong na nila ko, halos itali na nila ko sa kanila. Mygod! For goodness sake! I'm already 19! And I'm college! Can't they just at least give me a consideration to take up decisions for my self at sundin ang gusto ko? Hindi ko naman pinababayaan ang pag-aaral ko ah?
Yun lang ang hinhingi ko, at least, give me the chance for music, kaya ko naman pagsabayin, pero para bang isang nakakadiring gawin ang music para hindi nila ako payagan.
My life sucks.
I brushed my hair with my fingers at pinunasan ang luha ko. Sobrang basa na ng mukha ko, ang pati na rin ang iba kong buhok.
I decided not to go back to the music hall. Bahala na.
May biglang nag-abot saakin ng panyo sa harap ko.
I looked up then I saw him.
Siya nanaman?
Tiningnan ko siya tapos balik sa panyo.
I hesitated to accept his offer. Pero ang baboy na ng itsura ko kaka-iyak.
Kaya tinaggap ko iyon at nagpunas ng luha.
I'm so broken. I don't know what do anymore.
Tumingin ako sa harap ko, pero wala na siya. Then I heard him kaya lumingon ako sa gilid ko.
"You know, hindi bagay sayo ang umiiyak." Napatigil ako sa pagpunas sa mukha ko. At tumingin lang sakanya habang nakatingin siya sa malayo.
"You seem like a very strong person, with a strong personality." Then he looked at me. Binawi ko kaagad ang tingin ko at yumuko. Ayaw kong may nakakakitang umiiyak ako.
Pero nakita na niya.
I sighed.
Ibinalik ko yung panyo niya after kong magpunas.
Pero hindi niya iyon tinanggap. "Just..keep it." Hindi ko alam kung anong ibig-sabihin niya dun pero tinago ko na lang. Papalaban ko na lang tapos ibabalik ko sakanya bukas. Nga naman, nakakahiya, basa na panyo niya tapos ibabalik ko pa.
"Bakit ka ba nandito?" Bakit ka ba laging nandito kapag mag-isa ako?
Bigla na lang siyang sumusulpot.
He keep silent for a moment tapos sumagot rin, "Kasi school ko rin to?"
Umirap ako sakanya at ngumiti siya. "Ayan," He kept staring at me, alam ko iyon kahit hindi ako nakatingin sakanya.
"Mas bagay sayong nagtataray kesa umiiyak." What?
"You should smile more often." Then he patted my head.
My jaw dropped a bit. I smiled? What?
He chuckled.
Hindi ko siya maintindihan. Hindi naman kami close, bakit nandito siya?
"Bakit ka nga nandito? Close ba tayo?" He seemed amused for what I said.
Then he smiled again. "Because you needed me." Huh. Really?
Kumunot ang noo ko. "Ni hindi nga tayo friends eh."
"Hindi nga." He smiled again.
Bakit ba siya ngiti ng ngiti?
Napansin kong yung ibang dumadaan ay nakatingin saamin.
Sino ba namang hindi mapapatingin eh kasama ko lang naman ang isa sa pinaka sikat sa school na si Jarvis Quinntin Montes!
"Oh eh bakit ka nandito?" Tumingin ulit ako sakanya.
Di ko talaga siya maintindihan. Ang gulo-gulo niya!
"Because you need me." Pag-uulit niya.
Hindi ko naman siya kailangan. Hindi ko naman hiningi ang tulong niya.
"Hindi naman kita-"
"Sometimes, people just say they don't need someone or anything, but it's just an expression that they really need one." He stood up. Oh I know this, iiwan nanaman niya ako.
"Oh saan ka pupunta?" He looked at his cellphone then to me.
He smirked. "Oh eh ba't parang ngayon gusto mo pa akong makasama?" What the hell?!
Umirap ako sakanya.
He faced me, kaya tumingala ako sakanya. "It's not wrong to follow your dreams. It'll never be a fault." He smiled then left me.
How did he knew? Ano? Nakita at narinig niya rin yung kanina?!
Kung hindi maling sundin ko ang gusto ko, bakit parang mortal sin ang ginawa ko? Bakit parang lahat ng gawin ko mali para sakanila?
But who am I to complain? Right?
So I fished for my phone and contact Mom.
She answered the call, "Ma... I'm sorry." I said.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top