2nd chord



Chapter 2

"Since si Ms. Alcantara lang ang nakakuha ng above 50% for the rest of 2 consecutive semester, she will be exempted at the last semester. Ok ba 'yun Ms. Alcantara?" Tiningnan ako ni Sir.

Ngumiti naman ako sakanya. Mabuti naman kung ganon! Para naman bawas sa mga gawain. May puso rin pala si sir Lopez.

Iba-iba naman ang naging reaksyon ng mga kaklase ko.

"Sir kadaya naman!"

"Kami Sir wala kaming consideration?!"

"Remedial! Remedial!"

Mag-aral kasi kayo. Masyado kasing easy-go-lucky yung mga kabloc ko pagdating kay sir, akala nila laging ipapaextend ni Sir ang passing.

"Oh friend kita mo! Exempted ka! Be proud! Dahil diyan ililibre mo ako." Krish grinned at me.

I made face at her as a sign na ayaw ko siya ilibre.

"Oy madaya ka! Ang kuripot mo talaga! Last na libre mo saakin nung birthday mo pa!" Hinampas niya ako at mapatawa naman ako.

Ang sakit talaga niya mamalo!

But it's kinda true.

Ayaw ko talagang gumagastos dahil hindi naman ako abusado sa perang binibigay ng mga magulang ko, even my credit card, hindi ko ginagalaw. Basta, nakakapanghinayang gastusin ang pera, syempre 'di mo naman masasabi na habang buhay may pera ka.

"Oo na! oo na!" Kahit naman kuripot ako, may puso naman ako para sa bestfriend ko.

Alam naman naming dalawa na mas nakaaangat ako, pero karaniwan siya nanlilibre.

Ewan ko dun, wala ata mapaggastusan ng pera niya kaya inililibre ako.

Pero sabi niya, lagi daw kasi akong istress kaya dapat nililibre para maboost ang happiness. Ewan ko sa babaeng yun! Daming nalalaman!

"Ayan!" Pumalakpak pa siya na kala mong sealion. Retarded nga lang.

I was about to say to her that she looks like a retarded sea lion nang biglang magring na ang bell.

"Ms. Alcantara, maiwan ka." Sabi ni Sir nung palabas na kami ni Krish.

Tumingin ako kay Krish at tumango siya. She pointed outside kaya tumango ako.

At sumabay na siya lumabas kasabay ang iba naming kaklase.

"Ano po 'yun Sir?" Lumapit ako sa table niya at inayos ang pagkakasuot ng bag ko.

I was a bit nervous, last time na pinaiwan niya ako, inutusan niya akong magbigay ng sandamakmak na papers sa library. Kapalit daw 'yun ng incentive na ibinigay niya saakin. Like, hinigi ko ba yung incentive? Kusa niya kayang binigay yun nung finals namin last year!

"Since exempted ka sa next semester, " parang alam ko na 'to...

"May kapalit 'yun." He smiled. Anong kangiti-ngiti doon?

My lips twitched

"Ano po 'yun?" Okay na sana eh, kaso may kapalit pa. Siya talaga ang patunay ko na lahat ng bagay ay may kapalit.

"You will be needing to help one of the students to excel." Kumunot ang noo ko sa sinabi ni sir.

Ano ako tutor?

"Yes, you'll going to tutor him for the whole semester." Sabi niya na para bang nabasa niya ang nasa isipan ko.

Bakit hindi na lang siya ang magturo?

"Pero sir-"

"Or else gusto mo na hindi na ma-exempt at gumawa pa ng mga thesis..." Bakit ba anlakas mamilit ni Sir?

Sabi ko nga papayag na ako eh.

Mas ayaw ko namang matambakan nanaman ng thesis noh! At isa pa alam kong mas pahihirapan niya kami this year kasi graduating kami.

"Okay po sir."he is always leaving me no choice!

"Sa subject ko lang naman Ms. Alcantara, kaya don't worry much. I know you can handle it." Lang? Subject niya lang? His subject is equivalent to all of our subject! My gosh!

"You know, eto kasing batang 'to eh dapat graduated na, kaso ewan ko ba at biglang hindi na lang pumapasok, tapos ayun puro pagtugtog ng gitara ang alam."

Bigla naman akong nacurious sa tuturuan ko. He must be something kung ganon.

"Kaya ikaw ang naisip ko na tumulong sakanya. Kasi ikaw ang laging nageexcel. I think you'll be a good influence to him..." Binigay ni Sir saakin ang isang folder.

"Ayan 'yung form niya. Andyan na rin yung sched niya. Kayo na ang mag-usap dalawa kung kelan niyo gusting simulan." Pwedeng wag na simulan? Joke.

Tinago ko na yung folder sa bag ko. Mamaya ko na lang siya uusisain.

Nagpaalam na ako kay Sir bago pa humaba ang usapan namin.

"Oh anyare?" bungad ni Krish at itinago ang cellphone niya pagkakita saakin.

"Ay nako. May kapalit naman pala yung pagiging exempted ko." Pero partly okay na rin sakin, lalo na nung sinabing puro pagtugtog ng gitara ang ginagawa niya. Maybe he could help me with my music.

"Oh ano daw?" Papunta na kami ngayon sa canteen. 'Dun naman lagi naming tambayan ni Krish, kung hindi doon, sa kahit anong place basta may kainan.

"Ayun, may tuturuan daw ako..." sabi ko at umupo na kami sa table for 4.

"OMG friend! 'Di mo naman ako nainformed na may sideline ka na pala!" Binato ko siya ng tissue. 

"Umayos ka nga!"

"Boylet ba?" Binato ko ulit siya ng tissue.

"Ay nako ah! Makakabuo na ako ng isang tissue box sa kababato mo saakin ng tissue."Sabi niya at pinulot yung mga tissue sa pantalon niya.

Kasalanan ko ba na tissue ang laging nandiyan?

"Excited lang ako kung boylet. Alam mo na, para 'di ka na laging masungit at stress. 'Di ba?" Sinamaan ko siya ng tingin. Babatuhin ko na siya sana ulit kaso wala na akong makapa na tissue sa table.

Si Krish talaga, puro kalokohan ang nasa utak. Alam naman niyang bawal pa eh.

"Minsan kasi Lauren, try mo rin na lumihis ng konti sa liwanag. Hindi kasi porket tama eh kailangan mo ng sundin. Hindi ka naman santo para hindi magkamali! Sabi nga nila, stars can't shine without darkness! Oha!" Napaisip naman ako sa sinabi niya. But I can't afford to disobey my parents. Takot? Oo, siguro. Kahit naman sobrang nasasakal na ako, takot parin akong suwayin sila.

"Sometimes, you just have to break the rules."Dagdag pa niya at kinindatan ako.

Palibhasa kasi siya maluwag ang parents niya sakanya. 'Yung tipong parang magkaibigan lang sila ng mama niya, parang kapatid lang niya yung papa niya, at kabarkada ang mga kapatid niya.

Nakakainggit? Oo. Pero alam ko namang may rason kaya sila ang mga magulang ko. But syempre 'di maiiwasang isipin na sana iba na lang ang naging magulang ko...

"Oh so ano na nga? Sino ba yang studyante mo?" ibinaba niya yung gamit niya sa table at kinuha iyong cellphone niya.

Katext nanamn niya siguro si Ken dahil nakangiti nanaman ang bruha.

Inilabas ko iyong folder na ibinigay ni Sir Lopez at ibinigay sakanya. Binuksan niya iyon.

Napatango-tango siya habang binabasa.

Sino nga ba 'yun?

"Ay Lauren kilala ko 'to! Oo siya nga 'yun!" She flipped a page.

"Ha?"

"OMG! Super galing niya maggitara tapos ang gwapo pa!"She exclaimed like a die-hard-fan.

Kinuha ko yung folder at tiningnan ang picture.

Oh.

Siya pala.

"Hindi na ako nagulat."

"Ha? Kilala mo din siya?"

"Ofcourse sino ba hindi makakakilala sa gwapong nilalang na ito!" She pointed at Jarvis' picture.

"Nagkita kami sa music hall kahapon eh." He looks decent here. Kala mong pumapasok araw-araw. Kala mong boy next door.

"Ows? Nag-usap kayo?" Nagpangalumbaba siya at isinara ko na ang folder.

"Yeah."

"OMG ano nangyare? May gusto daw siya sa'yo? Anoooo?" she excitedly said. Para siyang batang nangungulit.

So kinwento ko nga sakanya ang nangyari. Pati na rin ang pagtataka ko kung bakit 'nun ko lang siya napansin at 'nun lang din niya ako kinausap, since parehas kaming laging nasa music hall.

"Shems! Feeling ko matagal ka na niyang minamanmanan dahil may gusto nga siya sayo! Eto na 'yun friend! Magkakalovelife ka na!" Sinamaan ko siya ng tingin.


"Or not." Natahimik siya at nagpipigil ng tawa.

"Malay mo naman lagi lang talaga siyang nandoon. Hindi dahil saakin. Sabi na nga ni Sir diba? Lagi siyang hindi pumapasok?" Maybe dun ang tambayan niya.

"Malay mo din kaya siya laging nandoon kasi nga pinapanood at pinakikinggan ka niya tumugtog." Naglabas siya ng chips sa bag niya at binuksan ito.

That's impossible.

"Eh ikaw naman kasi, mag-open ka naman kahit paano. 'Di naman masamang magentertain o makipagkaibigan sa iba." She said while chewing her chips.

Inalok niya ako at tumanggi ako. Ayaw nila mommy na kumakain ako ng chips. Not good for the health daw.

"Ayaw ko ng ganon," Umiling ako. "Parang pinapaasa mo lang siya in that way."

"Ay basta! Kinikilig ako sakanya! Kung nagkataon isang Jarvis Montes ang magkakagusto sa kaibigan ko! Instant celebrity ka na!" Sabi niya sabay kuha ng chips.

"Sira! Hindi siya celebrity! Singer lang siya sa isang recording company. At hindi pa naman siya ganun kasikat." Based sa records niya, he's working with S&J records. Kaya rin siguro hindi siya nakakapag-aral maayos dahil doon.


"Ah basta!" She giggled.

****


"Oh paano mauna na ako ha? Andyan na daw si Ken sa labas eh. Ingat ka ha!" Sabi ni Krish at naglakad na palabas ng gate.

Asan na ba kasi si Manong? Lagi na lang late 'yun dumating. Lagi tuloy akong naiiwan ni Krish.

Ayaw ko namang sumabay sakanila ni Ken kasi maaout of the way na sila.

Umupo ako sa isang solid bench sa ilalim ng puno sa park ng school. Then I saw a familiar guy walking with his guitar on his shoulder. He was handsome in his own way. White v neck and black slacks. And his hair that looks like it's so soft like cottons.


Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa lumingon siya. I thought pupuntahan niya ako. But he just glanced at me and then walk away.

****


Days had passed, hindi ko na nakikita si Jarvis even at the music hall. Malapit na rin ang University fair kaya nakikita ko na ang ibang studyante na nagtatayo ng booths nila.

"Uy teka! Saan ka na pupunta?!" Sigaw ni Krish habang naglalakad ako palayo.

"Hahanapin ko to!" itinaas ko yung folder na form ni Jarvis at tuluyang naglakad palayo.

Irregular pala siya kaya hindi ko siya nakikita kahit parehas kami ng course. Hindi na ako nagtaka.

I wonder kung bakit Business Management rin ang course niya. Parents din kaya ang dahilan kung bakit? 

He doesn't seem to be serious about his course though. Hindi siya pumapasok sa classes niya. That he'll be needing a tutor to cope up.

But who knows.

I also read at his bio that he came from a rich family. They own some farms at provinces and haciendas.

Eh kaya pala malakas dito sa school.

It's not that I'm against in this school or something, but despite of good teaching, they are always into money. Kapag may pera ka madaming pwedeng mangyari sayo dito sa school.

Like the former Summa Cum laude, she was rumored to be the Summa because of the building that her parents donated.

I think ganun din kay Jarvis.

Sino banamang matinong school ang tatanggap pa sa graduating student na 'di pumapasok regularly at biglang nawala last school year?

Dapat drop out na 'yung ganun.

But like they say—Money got all the powers.

At last I've reaches the Esteban hall!

So sabi sa schedule niya, matatapos na ang klase nila in 5 minutes. So probably palabas palang 'yun ng room or kung hindi man...hindi nanaman siya siguro pumasok.

I searched him at his room pero nung sumilip ako,nakalabas na lahat ng students sa room nila, wala paring Jarvis.

Oh I know where to find him!

Lagi daw siya 'dun diba? So he must be there now.

Ano ba problema 'nun? Ganon niya ba kamahal ang University na 'to at parang ayaw na niyang gumraduate? May plano kaya siya sa buhay niya?

Sumilip ako sa pintuan ng hall. Papasok na sana ako nang marinig kong may tao.

"Ah shit!" rinig ko ang tunong ng natanggal na string sa gitara. Marami pa kong murang narinig after.

Sumilip ako ng kaunti sa pintuan at nakita ko si Jarvis na nagaayos ng gitara niya. He was patiently putting the strings at the neck of the guitar.

Nagulat ako nang bigla siyang napatingin saakin. I don't know what to do kaya't naisara ko na alng ang pinto. I leaned at the door and fixed myself.

Why do I got this feeling?

Biglang bumukas iyong pinto kaya humarap ako. He was looking at me weirdly.

"Ah ano," His eyes were brown. Dark brown. Parang nakakalunod tingnan so I looked away.

"Ako yung magtuturo sayo, sabi ni Sir Lopez." Finalliy I managed to look at him again! Sana hindi niya nahalata.

Nawala naman kaagad yung puzzle looking niya saakin. Then he nod.

Bakit parang iba yung mood niya ngayon kesa nung una niya akong kinausap?

"Tinotoo nga." He hissed.

"Ha?" I know I heard it, gusto ko lang ulitin niya para malaman ko kung pwede ba akong magcomment about dun. Kapag inulit niya, magtatanong ako. Kung hindi—edi hindi.

"Wala."He said at itinabi sa rack ang gitara niya.

Umupo muna ako sa monoblock sa tapat niya.

I roamed the place, as usual kami lang ang tao, wala naman kasitalagang gumagamit ng music hall. Dati ginagamit siya kapag may event. But never used for musical purpose. Ewan ko nga kung bakit pa nila ginawa to at tinawag na music hall e. Pero malinis parin naman at maayos. May iilang mga gitara na nakasabit sa dingding at iba pang instruments. At may isang malaking organ na iyong lagi kong ginagamit. Tapos may mga upuan sa gilid na para bang stadium.

Napatingin ulit ako kay Jarvis na nagaayos ng gamit niya.

Paano ko ba sisimulang turuan to? Hindi ko pa alam kung ano ituturo ko, kung hanggang saan na ba yung alam niya. 'Di man lang kasi ako inorient mabuti ni Sir Lopez.

"Hindi ka pumasok?" I managed to ask.

Tumingin siya saakin only using his eyes."Nope." he simply said.

Kumunot ang noo ko. "Bakit hindi ka pumapasok? Ayaw mo ba gumraduate?"

He looked at me like examining my face tapos napaisip siya saglit. "Priorities." Bakit ba ang hilig niya sumagot ng one word? Wala na bang mas hahaba pa sa mga isinasagot niya?

Biglang may nagring na umalinawngaw sa buong hall dahil kulob ito. Agad naman niyang inilabas ang phone niya mula sa bulsa niya at sinagot ito. 

Sinundan ko siya ng tingin habang palayo siya ng kaunti para sagutin ang tawag sakaniya.

"Okay, I'm on my way." Sabi niya at itinago na ang phone niya.

Pumunta ulit siya sa pwesto niya kanina at kuniha na ang mga gamit niya.

"Sa susunod na lang!" He raised his hand and then walked away.

"Laura diba?"Then he left the room.

IT'S LAUREN!


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top