1st Chord


Chapter 1 

"And the one who got the highest score is none other than Lauren Yen Alcantara."

Everybody clapped their hands while looking at me.

I'm not surprised though, at this subject, ako lang ata ang laging highest. Halos lahat sila hands up na sa mga pa-research paper ni Sir Lopez. Ako lang talaga nakakapagtiyaga.

Kailangan eh.

"Keep up the good work Ms. Alcantara." Binigay ni Sir ang test paper saakin.

My eyes widened at my score.

"Shit." I whispered a curse.

This is not good.

"Oh problema mo?" Tanong ni Krish—katabi ko kasi siya kaya alam kong narinig niya yun.

"Papagalitan ako neto." Sabi ko sakanya at tumingin naman siya sa research paper ko tapos balik tingin saakin.

"Anong papagalitan?! Eh highest ka na nga eh! Gaga ka ba?!" She is shouting at me using her lowest voice.

Nakakatakot panaman kung magalit si Sir Lopez, ayaw na ayaw niya ng maingay kaya sobrang ingat kami sa pagsasalita. 

"Dapat nga maging masaya pa sila eh! Tingnan mo nga score ko," Ipinakita niya yung papel niya saakin. "50% lang. Pero masaya na ako, ikaw pa kayang 80% ang nakuhang grades." I wish I could be happy with my score like her.

Magkaiba kasi kami. Parang hindi na siya nasanay sa parents ko.

My parents are always strict. Especially when it comes to my studies. They want my grades to be perfect, if not, it must be almost.

They don't accept failures, even craps like this.

Oo, crap lang to para sa kanila.

I should be 90% at least they will say. Para bang mas mataas pa standards nila sa professors ko, na kahit pasado ako dito sa mga profs ko, kailangan pa ng standards nila para malaman kung talagang accepted ang grades ko. They were never proud of me, nor for my products.

Ang naging solusyon ko lang ay ang masanay. Sabi nga nila kapag immune ka na, wala ka nang kailangang iangal pa. But it's hard to be immune and to just go with what they want. Lalo na kung alam mong hindi mo gusto iyon.

"Kilala mo naman sila Mommy."

Krish had known my parents since we were in high school. But not personally, ayaw niya daw kasing imeet ang parents ko not even in her dreams, dahil sa mga kuwento ko palang daw parang alam na niyang hindi magiging maganda ang pagkikita nila.

She has a point though. My parents want me to befriends with smart people, kung hindi wag na lang daw akong makipagkaibigan.

Since Krish isn't that bright as I am. At isa pa she has this personality na happy-go-lucky lang, so talagang may possibility na hindi siya magustuhan ng parents ko. Even though Krish is my bestfriend, they'll not consider it. Kaya kinalimutan ko na rin na ipakilala sa mga magulang ko ang bestfriend ko.

Even my true self.

It's like all I want is against them.

Just like in music.

They said that it's not for me. Sagabal lang daw sa pag-aaral ko. Hindi daw yun konektado sa pagpapatakbo ng company namin.

So I just bond with my guitar and piano secretly.

My Dad is an attorney while my Mom holds the company so they made me choose on being an attorney or holding our company soon.

Ayaw ko namang mabaliw sa mga batas at mga kaso kaya taking over the company ang pinili ko.

But that wasn't easy, going over a course you don't want. It's like trying to know somebody you never met.

Pero sabi nga ni Mommy, "Lahat ng bagay matututunan mong mahalin kung gugustuhin mo."  'Yun lang hindi ko nga gusto. But they leave me no choice. 

"Uy friend, pwede ka nang gumalaw diyan." Kinalabit ako ni Krish.

Time na pala, 'di ko man lang namalayan.

Ano kaya ang mangyayari kapag nakita nila 'tong test paper ko? Maybe it sounds ridiculous to think about just a test paper, on how your parents will think about it. Pero ganun talaga, OA man kung OA, pero big deal sakanila yun.

"Small things build up big new things." Mom said.

"Wag mo na 'yan alalahanin. Wag mo lang sabihin." She said it like reciting the alphabet.

"If only hindi nila alam na may research paper akong requirement, at for sure tatanungin nila kung ano nangyare 'dun."

They have my schedule for everything, kaya alam nila ang bawat galaw ko.

"Sabihin mo ikaw pinakamataas! Be proud kamo!" Kung sana ganon lang kadali eh.

"Ay nako! Wag ka na mai-stress! Malapit na ang fair oh! Wala ng mga lecheng tests na yan!"

Oo nga pala, nawala na sa isip ko na malapit na ang University fair. Isa 'yon sa pinakaiintay ko, dahil bukod sa wala nang masyadong gagawin—magkakaroon kami ng school concert at ng audition for the next Music Star. I did sign up for audition sa tulong ng words of encouragement ni Krish, kahit na alam kong magagalit lang sila Mommy kahit makasali man ako.

But still, I manage to grab the opportunity.

Matagal ko ng gusto sumali dun, kaso nga lang ngayon lang ako nagkalakas ng loob na sundin naman ang gusto ko bago ang gusto nila.

Nagtataka na nga si Krish saakin minsan, bakit daw nakakaya ko pang mabuhay sa ganitong buhay, kung siya daw ang nasa kalagayan ko, magpapakamatay na raw siya. Hindi daw niya kayang maging robot na kinokontrol ang bawat kilos ng iba.

Hindi ko na nga rin alam sa sarili ko eh, kung paano ko nga ba nakakaya. Parang every year lumalala sila, lalo na netong college life ko, mas lalo silang naging pakielamero. Imbis na dapat hayaan na nila ko dahil college na ko, hindi. Hindi ganon ang nangyayari. 

Minsan kapag kaharap ko sila at kapag sinusunod ko ang mga gusto nila--parang hindi ko na kilala yung sarili ko. Parang hindi ako si Lauren. 

"Tara na nga lang kumain na lang tayo! Food is life!" Aya ni Krish habang itinaas ang kamay niya at iwinagayway.

Para talaga siyang sira!


Lumabas na kami at nagpunta ng canteen.

*****


"Friend, sorry talaga! Emergency lang!" Nag-aayos na si Krish ng gamit niya. Kakatapos lang naming kumain nang may tumawag sa kanya bigla. Emergency daw sabi ng boyfriend niya.

Tumango na lang ako at ngumiti, "Sige okay lang, pupunta na lang ako ng music hall."

"Sigurado ka ah?"

"Oo nga," I composed a smile. "Sige na baka naghihintay na si Ken." Baka may surprise nanaman si Ken kaya siya pinapunta kung saan. Last time, ganito rin kasi, emergency daw pero yun pala may pasabog lang. Ang sweet talaga nilang dalawa.

"Maghanap ka na kasi ng boylet para di ka na lonely kapag wala ako." Tumawa siya at binato ko naman siya ng tissue.

"Bye!" Sigaw niya at sinundan ko lang siya ng tingin palabas ng canteen.

Si Krish talaga.

Sometimes I thought of that—having a boyfriend, but maybe it's not the right time yet.

May mga nanliligaw naman saakin noon but I dumped them off dahil bawal pa. And I don't find them interesting.

Distraction lang daw 'yun sabi nila Mommy. "Pwede naman may manligaw, at sagutin mo, pero ang sagot dapat ay hindi." Daddy said.

Nakakasakal na minsan, dahil sa lahat na lang ng bagay, nandyan sila para kontrahin ako.


But who am I to complain? I'm just their daughter.

*****


Your love is like the sun
That lights up my whole world
I feel the warmth inside
Your love is like the river
That flows down through my veins
I feel the chill inside

I feel every piece of the note I am making, I can feel every breath I'm producing. It's so relaxing to just sit here and play piano. I remember when I first hear this music, it totally catches my attention, it's very warm and relaxing.

Every time I hear our music play
Reminds me of the things that we've been through
In my mind I can't believe it's—

Napahinto ako sa pagtugtog ng piano nang marinig kong may yapak ng tao. My hands are still on the keys, but I'm not playing it.

Lumingon ako sa likod ko at nakitang may isang pamilyar na lalaki.

I don't know his name but I know him by face. I know that he's studying here. He reminds me of Andrew Garfield, hindi ko alam kung bakit. Lagi ko siyang nakikitang nagiintermission kapag may program sa school. Minsan nakita ko na rin siya dito sa music hall na may mga kasamang tumutugtog. But I never heard him play.

"You're good. You really have a talent." He walks closer.

I'm just looking at him walk towards me.

Kanina pa ba siya dito?

"Bakit hindi ka sumali sa music fest?"

I shrugged.

I was about to join to the music fest last year, pero nalaman nila mommy at hindi sila natuwa. They even make it as a reason kung ba't ako nagka dos sa grades ko. They didn't know that "they" were the reason.

"Laura right?" He is now standing infront of me.

Who the hell is Laura?

"Lauren." I corrected.

"Bakit ka nandito?" I managed to ask.

"I'm always here."Lumaki ang ngiti niya kasabay ng paglaki ng mata ko.

So it means he's always watching me?

He chuckled a bit, "Yes, I always see and hear you here." Sabi niya na para bang nabasa niya ang nasa isip ko.

Hindi ba siya pumapasok? Like, lagi talaga siya nandito?

Tumalikod na siya saakin at naglakad palayo. Then he stopped before holding the door knob.

"Jarvis nga pala!" He said without even a glance. Then he left the hall.


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top