18th Chord
CHAPTER 18
After namin bumaba ng botolan, nag-aya si Harris mag-snacks, Krish and I both agreed dahil 'yun naman ang balak namin right after umakyat ng botolan.
"My treat." Kanina, parang ayaw pa ni Krish, kasi nga sabi niya saakin kanina, dapat date naming dalawa 'to, eh naki-epal daw si Harris. Eh siya nga 'tong pumayag na ihatid kami ni Harris, baliw talaga. Pero nung narinig ni Krish 'yung katagang "My treat." Para bang naiba ang ihip ng hangin, biglang pumayag ang lola mo!
Nung nasa snack bar na kami, um-order na ako ng food ko, habang si Krish sobrang tagal mag-decide kung ano ba ng oorderin, nakadecide na kami ni Harris, siya na lang 'tong hinde!
Pagkatapos ng mahabang orderan, umupo na kami sa high chair, obviously sinadya ni Krish na tumabi saakin, tapos si Harris sa kabila ko. In short, pinagitnaan nila ako.
Nagkwentuhan lang kaming tatlo, or should I say kaming dalawa ni Harris kasi parang napipe na si Krish nung dumating na 'yung food, kesa kanina na parang sila ni harris ang magka-usap before the food came.
Nalaman ko na madami pala siyang pinagdaanan before maging official talent and staff ng Retro records. And 'yun nga naikwento niya rin na kaya siguro akala ng mga karamihan pamilya niya si Kat at Peachy dahil 'yun na ang naging pamilya niya sa Manila. Because his parents are in province and his 2 siblings are in abroad.
He said Kat was his bestfriend since highschool, since 'yung boyfriend ni Kat— father ni peachy, iniwan siya right after nalaman na buntis si Kat, parang si Harris na 'yung tumayong ama nung bata.
"Harris ang batang ama." Sabi ni Krish habang may nginunguya pa, maisingit lang sa usapan naming 'yung banat niya.
Natawa naman kaming parehas ni Harris, lalo na sa ekspresyon niya na hirap na hirap mag-salita dahil may laman pa 'yung bibig niya.
The day goes on like that, after ng snacks naming, we parted ways, dahil may aasikasuhin pa si Harris for the upcoming bonfire tapos 'yung jam mamaya.
Kaya bumalik na lang kami ni Krish sa room namin para magpahinga. Parang ngayon lang tumama 'yung pagod mula kanina, nakakapagod rin maglakad papunta at pababa ng cottage sa sakayan papuntang botolan! Bukod sa medyo matarik na nga, medyo mahaba pa ang lalakarin.
Nagising ako mula sa tunog ng cellphone ko. Tiningnan ko ito at nakitang nagtext si Jarvis.
Lumingon ako sa gilid ko at nakitang mahimbing pa ang tulog ni Krish.
From: Jarvis
Hey, are you mad or something? I'll be there tomorrow, do you want a ride home?
Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sakanya. Hindi ko alam kung itutuloy ko pa ba 'tong kung anong meron saamin.
Hindi ko na lang muna siya sinagot. I don't feel like he even has this 'responsibility' for me kaya wag na lang. I don't want to expect anymore, mahirap umasa.
And besides, dapat nga hindi ko inaatupag ang ganyan, dahil bawal pa.
Itinabi ko muna 'yung phone ko sa bag saktong marinig ko si Krish na bumangon.
"'Nong oras na?" She mumbled while squeezing her eyes. Para siyang batang kagigising lang, gulo gulo pa ang buhok dahil hindi nagtanggal ng pony bago matulog.
Tumingin ako sa wrist watch ko, "Hmm. 6:30."
"Haba pala ng tulog ko." Sabi niya habang nagiinat at nag-hihikab.
Napahinto siya sa paghikab at pag-inat nang tumunog ang phone ko. Nanlaki ang mata niya.
"Mama mo?" Mahinang sabi niya na parang maririnig ng tumatawag ang boses niya.
Tiningnan ko ito, sumenyas ako saknya ng 'wait' at tumayo ako.
"H-hello?" I managed to answer.
May narinig akong ibang mga tao, tapos nagpaalam siya para may kausapin.
"Lauren, thank God you answered!" he said over the phone.
"Ngayon ka lang naman tumawag ah?" How can I manage to talk to him like this?
"Hindi ka kasi sumasagot sa mga texts ko." Narinig kong naglalakad siya, dahil parang nage-echo 'yung footsteps niya.
"I'm really sorry I—"
"You don't have to. Wala ka namang responsibilidad saakin." Mabils kong sabi. Parang hindi man lang ata ako huminga sa pag sabi ko niyan.
I heard him sigh.
I bite my lips. Kinakabahan ako kung saan patungo 'tong usapan namin.
"From the moment I confess to you, I already gave you the right to expect from me, and I already have the responsibility to take you higher. We both know that." Yeah...
Hindi ako sumagot dahil alam kong tama siya.
"So, don't bother okay? I won't let you down." Parang bigla namang lumuwag 'yung loob ko sa sinabi niya. Is it a sign to take a chance?
"We'll see." I answered.
I don't know, pero parang naiimagine ko 'yung mukha niya ngayon, na nakangiti.
"So, see you tomorrow. Hatid na kita?" What? No? Hindi pwede.
But before I even say anything, "Goodbye, take care." He ended the call.
Mga ilang segundo pa ata akong naestatwa, I'm still stunned from talking to him. Iba talaga ang epekto niya saakin. It's like, nabura lahat nung pagkadismaya nung iniwan niya ako bigla ditto dahil lang sa tawag niya.
"Oy Lauren! Berat ka! Nakausap mo lang 'yung boylet mo eh!" Binatukan ako ng konti ni Krish na para bang ginigising. Kung hindi niya pa ako binatukan, malamang nakatuod parin ako dito.
"Ikaw ha! May Harris ka na nga! May Jarvis ka pa! Haba ng hair mo! Sarap gupitin!" Umakto pa siya na gugupitin 'yung buhok ko kahit hindi naman mahaba, dahil hanggang lagpas balikat lang naman.
"Tigilan mo ko." Sabi ko sakanya at inirapan ko siya.
"Mauna na ko maligo ha!" Sabi niya at kinuha ang tuwalya niya at pumasok ng CR.
Mag a-alas otso na rin nung lumabas kami ni Krish ng room. Andaming ilaw tapos may tumutugtog sa speaker na kanta, it's like a party out here!
When the clock strikes at 10:30 pm, we assembled at the area sa bandang likod ng place. Isang wide empty area iya kung saan may iilang mga tents na nakatayo at nasa right side nito 'yung mga cottages at rooms tapos sa kabilang banda mga puno at damuhan.
It's so lovely to see how nature was.
Nung nagset na sila ng bonfire, lahat kami ay pumalibot. May mga small logs na pwede upuan. Ofcourse katabi ko si Krish.
All goes well, until the time goes to 12, it means tapos na ang bonfire. Dahil nga nagkaroon ng katuwaan ang ibang staff, nag-set sila ng games. At isa sa games na 'yun ay Dare or drink. Etong si Krish sumali, nagulat ako dahil pinayagan siya ni Ken. Syempre ako hindi ako sumali.
Nataon na puro si Kish ang laging natatapatan ng bote. Kaya ayun, nalasing ang bruha!
Since time naman na para sa jam naming nila Harris, sabi ko kay Ken siya na muna ang bahala kay Krish. Tutal inaaway ako ni Krish. Hindi ko alam sa babaeng 'yun! Ang maldita lalo kapag lasing!
May ibang nag-stay pa sa bonfire, mga hindi pa tinatamaan ng antok.
Mas lalo akong nakaramdam ng lamig dahil hating gabi na, buti na lang nakasuot ang ng cardigan.
Lumipat na kami ng place. Lumipat kami sa kabilang banda kung saan may malaking tent. Sa loob nun parang isang bahay, may sofa, may ref, may tv, tapos may dalawang higaan sa gilid. Sa kabilang banda, may mga instruments set.
Nang mag-start na ang jam, nagpakilala muna ang lahat ng nandito. May iilan akong kakilala mula sa music industry, but most of them are new faces.
Tumabi saakin si Harris sa katabi kong bean bag.
Nakangiti lang siya habang nagsasalita 'yung parang pinaka emcee namin—si Fregor.
"Okay! Okay! Before anything else, syempre kelangan natin ng speech kay boss!" Naghiyawan sila at nagpalakpakan.
Tumingin ako sa tinitingnan nila, at nakatingin sila kay Sir Ben, 'yung manager ni Harris.
I really admire him, kahit medyo matanda na siya, napakastylish niya, tapos ang ganda talaga ng boses niya, sobrang modulated.
"Boss!" Inabot ni Fregor 'yung mic nang makaakyat na sa mini stage si Sir Ben.
Nagpalakpakan kami, napangiti ako dahil para siya si Harris. Good vibes lagi.
"Okay, para sa'yo magi-speech ako." Sabi ni Sir Ben kay Fregor.
"Masaya ako dahil nandito kayong lahat, nakikisama dito sa 6th jam ng mga piling talents. If I'm not mistaken, pang 6 na nga ito. Sobrang nakakatuwa kayo tingnan na magkakaibigan na ngayon, kahit nagsimula kayong hindi magkakakilala." Based sa sinabi ni Harris, itong jam na 'to ay exclusive. Ang alam ng iba kaya may ganito ay para sa program bukas ng mga staff and talents. Pero ang totoo secretly, pumipili ang mga managers ng mga next talents nila.
But I don't know, pwede rin atang mag-invite ng iba, kasi andito ako, and si Harris ang nag-invite so... maybe.
"Retro family is getting bigger and bigger, our family is increasing! And now, may madadagdag nanaman! Let's welcome our new upcoming Retro talent.... Lauren!" Nalaglag ata ang panga ko sa narinig ko.
Parang gusto kong i-play back 'yung sinabi ni Sir Ben. Hindi masink in sa utak ko.
"What?" Bulong ko. Nanlaki ang mga mata ko.
Tumingin ako sa paligid at nakatingin silang lahat saakin at pumapalakpak.
"Go," Harris said while smiling widely, na para bang alam niya na lahat ng nangyayari kaya hindi na siya nagulat pa.
Hindi ko kinaya.
Tumayo ako at nag-bow ng konti. "Thank you po." I managed to say.
Nakangiti silang lahat saakin. Hindi ko alam kung ano ang ire-react ko. I'm still in a state of shock.
Umakyat ako sa stage, "Congratulations ,Lauren." Sabi ni Sir Ben.
"So ano pang hinihintay natin?" Tanong ni Sir Ben sa kanila.
"Sample!" Sigaw ni Harris.
And then the others also screamed.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top